159 Ang Pagkatao ni Cristo ay Pinamamahalaan ng Pagka-Diyos Niya

Pagkatao ni Cristo’y

pinamamahalaan ng pagka-Diyos Niya.

Kahit Siya’y nasa katawang-tao,

pagkatao Niya’y ‘di tulad sa tao.


I

Katangian Niya’y natatangi,

pinamamahalaan ng pagka-Diyos Niya.

Pagka-Diyos Niya’y walang kahinaan,

kundi ang pagkatao Niya.

Nililimitahan nito ang pagka-Diyos Niya,

limitasyong nakapaloob sa isang saklaw,

oras, at may hangganan.


‘Pag oras nang gawin

ang gawain ng pagka-Diyos Niya,

ginagawa ito ‘di alintana’ng pagkatao Niya.


Pagka-Diyos ni Cristo’ng

namamahala sa pagkatao Niya.

Ang ibang kilos Niya,

bukod sa normal na buhay Niya’y

naiimpluwensyahan,

naaapektuhan at napapatnubayan

ng pagka-Diyos Niya, ng pagka-Diyos Niya.


II

Pagkatao ni Cristo’y ‘di gagambala

sa gawain ng pagka-Diyos Niya,

dahil pagka-Diyos Niya’ng namamahala

sa pagkatao Niya.

Sa pag-uugali Niya sa iba,

may pagkataong ‘di nagkagulang.

Ngunit ‘di nito apektado’ng

gawain ng pagka-Diyos Niya.


‘Pag oras nang gawin

ang gawain ng pagka-Diyos Niya,

ginagawa ito ‘di alintana’ng pagkatao Niya.


Pagka-Diyos ni Cristo’ng

namamahala sa pagkatao Niya.

Ang ibang kilos Niya,

bukod sa normal na buhay Niya’y

naiimpluwensyahan,

naaapektuhan at napapatnubayan

ng pagka-Diyos Niya, ng pagka-Diyos Niya.


III

‘Pag sabi ng Diyos

na pagkatao ni Cristo’y ‘di tiwali,

ibig sabihin Niya’y pinamumunuan ito

ng pagka-Diyos Niya’t

may mas mataas na katuturan kaysa sa tao.

Pagkatao Niya’y pinakaangkop

mapamunuan ng pagka-Diyos Niya.

Kaya nitong magpahayag

ng gawain ng pagka-Diyos,

at magpasakop sa gan’tong gawain.


Pagka-Diyos ni Cristo’ng

namamahala sa pagkatao Niya.

Ang ibang kilos Niya,

bukod sa normal na buhay Niya’y

naiimpluwensyahan,

naaapektuhan at napapatnubayan

ng pagka-Diyos Niya, ng pagka-Diyos Niya.

Pagka-Diyos ni Cristo’ng

namamahala sa pagkatao Niya.

Ang ibang kilos Niya,

bukod sa normal na buhay Niya’y

naiimpluwensyahan,

naaapektuhan at napapatnubayan

ng pagka-Diyos Niya, ng pagka-Diyos Niya,

ng pagka-Diyos Niya, ng pagka-Diyos Niya.


Habang gumagawa’ng Diyos sa katawang-tao,

‘di Niya nakaliligtaan

ang tungkulin ng tao sa laman.

Sinasamba Niya’ng Diyos sa langit nang tunay.

May diwa’t pagkakakilanlan Siya ng Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit

Sinundan: 158 Ang Pamamaraan at Prinsipyo ng Gawain ng Diyos Bilang Tao

Sumunod: 160 Paano Makikilala ang Praktikal na Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

660 Awit ng mga Mananagumpay

1 Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito