364 Masyado Kayong Mapanghimagsik

1 Masyado kayong mapanghimagsik, mayroon kayong matinding paglaban, masyado ninyo Akong minamaliit, masyado kayong malamig sa Akin, napakaliit ng pagmamahal ninyo sa Akin, at masyado ninyo Akong kinapopootan. Masyado ninyong minamata ang gawain Ko at kinamumuhian ang mga kilos Ko. Nasaan ang pagpapasakop ninyo? Nasaan ang pagkatao ninyo? Nasaan ang pagmamahal ninyo? Kailan ninyo ipinakita ang mga sangkap ng pagmamahal na nasa loob ninyo? Kailan ninyo sineryoso ang gawain Ko?

2 Napagtatanto ba ninyo kung ano ang ginagawa ninyo ngayon: rumaragasa sa buong mundo; nagpapakana laban sa isa’t isa; nililinlang ang isa’t isa; umaasal nang mapagkanulo, palihim, at walang kahihiyan; hindi nababatid ang katotohanan; kumikilos nang may kabuktutan at panlilinlang; nagsasagawa ng pambobola; itinuturing ang mga sarili ninyo na palaging tama at mas mahusay kaysa sa iba; pagiging mapagmataas; at ganid na kumikilos kagaya ng mga ligaw na hayop sa mga kabundukan at kasinggaspang ng hari ng mga hayop—angkop ba sa isang tao ang mga asal na ito? Kayo ay bastos at hindi makatwiran. Hindi ninyo kailanman pinahalagahan ang mga salita Ko, ngunit sa halip ay pinagtibay ang isang mapangmatang saloobin tungo sa mga ito.

3 Saan sa tulad nito magmumula ang mga tagumpay, ang isang tunay na buhay ng tao, at ang mga magagandang pag-asa? Tunay ka bang sasagipin ng labis-labis na guni-guni mo mula sa bibig ng tigre? Tunay ka bang sasagipin nito mula sa nagliliyab na apoy? Mahuhulog ka ba sa puntong ito kung totoong itinuring mong walang-kasinghalagang kayamanan ang gawain Ko? Maaari kayang talagang hindi maaaring mabago ang kapalaran mo? Handa ka bang mamatay na may ganitong mga panghihinayang?

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pinakadiwa at Pagkakakilanlan ng Tao

Sinundan: 363 Hindi Alam ng mga Tao Kung Gaano Sila Kahamak

Sumunod: 365 Napakatiwali ng Iyong Likas na Pagkatao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito