363 Hindi Alam ng mga Tao Kung Gaano Sila Kahamak
Ⅰ
Sa loob ng isipan ng mga tao,
ang Diyos ay laging sumusumpa sa kanila.
At sa gayon Siya’y hindi nila pinapansin;
palagi silang naging malamig sa Kanya.
Kaya sinasabi ng Diyos na sila ay imoral
at sila ay walang katinuan
dahil sa maling akala ng mga puso nila;
wala rin silang tunay na damdamin ng tao.
Ⅱ
Walang nagmamalasakit na tao
sa damdamin ng Diyos,
nguni’t di umano’y “katuwiran”
ang gamit upang makitungo.
Ang tao’y naging ganito sa loob ng maraming taon;
hindi nagbago ang kanyang disposisyon.
Di niya pinapahalagahan ang kanyang sarili,
kaya’t tinawag siyang hamak at walang halaga.
Walang pagmamahal sa sarili,pinipinsala lamang ang sarili,
di ba nagpapakita ito ng kanyang kawalang-halaga?
Ⅲ
Ang sangkatauhan ay tulad ng isang masamang babae,
sarili ay pinaglalaruan at ibinibigay
upang kusang magpahalay,
gayunman ‘di makita ng tao ang kanyang kababaan.
Ang uri ng kasiyahang natatagpuan niya
ay pagtatrabaho para sa iba, pakikipag-usap,
sa gayon ay naibibigay sa mga kamay nila;
hindi ba ito ang karumihan ng sangkatauhan?
Ⅳ
Dahil ‘di niya kilala’ng sarili niya,
ang nais niyang ipakitang alindog at pangit na
mukha ang pinakadakilang kapintasan
niyang kasuklam-suklam sa Diyos.
Walang tamang relasyon sa mga tao,
kaya pa’no magkakaroon ng tamang ugnayan sa Diyos?
Ⅴ
Marami nang nasabi ang Diyos sa sangkatauhan,
upang mamuhay Siya sa mga puso ng tao,
nang makalaya sila sa kanilang
mga diyus-diyosan, na naninirahan doon.
At magagamit na ng Diyos ang kapangyarihan
Niya sa sangkatauhan, at matatapos Niya ang layunin
ng pag-iral ng Diyos sa mundo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 14