233 Kung Ito ang Gawain ng Banal na Espiritu, Dapat Mong Tanggapin Ito

I

Nabasa ng mga Judio ang Lumang Tipan,

at alam nila ang

propesiya ni Isaias na isang sanggol

ay isisilang sa sabsaban.

Yamang alam nila ang tungkol dito,

bakit nila inusig si Jesus?

Dahil sa suwail nilang kalikasan

at kamangmangan sa

gawain ng Banal na Espiritu.


Akala ng mga Fariseo na ang gawain

ni Jesus ay kakaiba sa

nalaman nila sa ‘pinropesiyang sanggol,

at mga tao ngayo’y tinatanggihan ang Diyos

dahil ang ginagawa Niya sa katawang-tao

ay ‘di tugma sa Bibliya.

‘Di ba ito ang parehong pagrerebelde sa Diyos?

Matatanggap mo ba ang gawain ng Espiritu

nang walang katanungan?


Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu,

siguradong ito ang tamang daloy.

Dapat ring tanggapin nang walang pagdududa;

hindi ka dapat mamili kung ano ang tatanggapin.


II

Kung magkamit ka ng kabatiran sa Diyos

at mas maingat sa Kanya,

hindi ba lahat ng ito ay nagiging kalabisan?

‘Di kailangang Bibliya’y suriin;

kung ito ang gawain ng Diyos,

dapat mo ‘tong tanggapin.

Naniniwala ka sa Diyos

kaya dapat sundin Siya’t

iwasan mo’ng pagsisiyasat sa Kanya.


‘Wag nang maghanap ng katibayan

upang patunayang Siya ang Diyos mo.

Masasabi mo kung natutulungan ka Niya.

Walang mas importante.

Kahit makakita ka ng

di-matututulang patunay sa Bibliya,

hindi ito makakadala sa’yo sa Kanya.

Buhay mo’y nalilimitahan

sa ano’ng nasa Bibliya’t ‘di sa harap ng Diyos;

Bibliya’y ‘di makatutulong na makilala,

ni mapalalim pag-ibig sa Kanya.


Sa bawa’t panahon, gawain Niya’y nalilimitahan

sa gawain ng kasalukuyan;

‘di Siya gagawa nang maaga

mula sa kasunod na yugto.

Sa paraang ‘to lang gawain

sa bawa’t panaho’y mabibigyang-diin.

Nagsalita lang si Jesus sa

tanda ng mga huling araw,

pa’no magpasensya’t maligtas,

magsisi, mangumpisal at magtiis ng hirap.


‘Di nagsalita si Jesus

paano ang tao sa mga huling araw

ay makapasok o tuparin ang kalooban ng Diyos.

‘Di ba katawa-tawang Bibliya’y saliksikin

sa gawain ng Diyos sa mga huling araw?

Ano’ng makikita sa hawak mong Bibliya?

Sino man ang magpaliwanag ng Bibliya,

sino’ng makakahula sa gawain ngayon?


Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu,

siguradong ito ang tamang daloy.

Dapat ring tanggapin nang walang pagdududa;

hindi ka dapat mamili kung ano ang tatanggapin.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?

Sinundan: 232 Ang Diyos ay Nakagawa ng Higit at Mas Bagong Gawain sa mga Gentil sa mga Huling Araw

Sumunod: 234 Dapat Hanapin ng mga Mananampalataya ng Diyos ang Kanyang Kasalukuyang Kalooban

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito