453 Ang Gawain ng Banal na Espiritu ay May mga Prinsipyo

1 Ang gawain ng Banal na Espiritu ay may mga prinsipyo, at ito ay may pasubali. Sa pananampalataya ng isang tao, dapat malinaw niyang maunawaan na upang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu, dapat siyang magkaroon ng budhi at isang pusong tapat. Sa minsan lamang na magkaroon ka ng pusong tapat—gayundin ng budhi at pangangatuwiran na dapat taglayin ng katauhan mo—ay saka pa lamang makakagawa ang Banal na Espiritu sa iyo. Ang Banal na Espiritu ay karaniwang kumikilos sa mga taong tapat ang puso, at Siya ay gumagawa kapag ang mga tao ay nahaharap sa mga gulo at hinahangad ang katotohanan. Hindi makikinig ang Diyos sa mga walang bahid ng pantaong katwiran o budhi. Dapat silang tunay na magsisi at maging tapat na mga tao.

2 Iyong puso ay dapat magbukas sa Diyos, at dapat mong hanapin ang katotohanan mula sa Diyos; kapag naunawaan mo na ang katotohanan, dapat mo itong isagawa. Pagkaraan ay dapat kang magpasakop sa mga kaayusan ng Diyos at hayaan ang Diyos na pangasiwaan ka. Sa ganitong paraan ka lamang pupurihin ng Diyos. Kailangan mo munang isaisantabi ang iyong sariling katanyagan at kapalaluan, at talikuran ang iyong sariling mga interes. Kapag naisantabi mo na sila, ilagay mo ang iyong buong katawan at kaluluwa sa iyong tungkulin at sa gawain ng pagpapatotoo para sa Diyos. Dapat mo munang isuko ang iyong sarili, buksan ang iyong puso sa Diyos, at isaisantabi ang mga bagay na iyong pinahahalagahan. Kung patuloy kang kumakapit sa mga ito habang humihiling sa Diyos, makakamit mo ba ang gawain ng Banal na Espiritu?

3 Ang gawain ng Banal na Espiritu ay may pasintabi, at ang Diyos ay isang Diyos na kinamumuhian ang kasamaan at Siya ay banal. Kung palaging kumakapit ang mga tao sa mga bagay na ito, patuloy na isinasara ang kanilang sarili sa Diyos at tinatanggihan ang gawain at patnubay ng Diyos, titigil ang Diyos sa paggawa sa kanila. Hindi dahil ang Diyos ay dapat gumawa sa kalooban ng bawat tao. Hindi ka Niya pinipilit. Ang gawain ng masasamang espiritu ay pilitin ang mga tao na gawin ito o iyan. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa nang lalong banayad; inaantig ka Niya, at hindi mo ito nararamdaman. Nararamdaman mo lamang na tila walang malay mong naunawaan o napagtanto ang isang bagay. Kaya, yaong mga walang katwiran o konsiyensya ng tao ay kailangang tunay na magsisi, at kung hindi ay hindi gagawa ang Banal na Espiritu sa kanila.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan

Sinundan: 452 Ang Prinsipyo ng Gawain ng Banal na Espiritu

Sumunod: 454 Mas Kumikilos ang Banal na Espiritu sa mga Taong Nais Magawang Perpekto

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito