124 Ang Kahulugan ng Gawain ng Diyos sa Lupain ng Malaking Pulang Dragon
1 Ang Tsina ang pinakapaurong sa lahat ng bansa; ito ang lupain kung saan nakapulupot ang malaking pulang dragon, narito ang pinakamaraming taong sumasamba sa mga diyus-diyusan at nakikibahagi sa salamangka, may pinakamaraming templo, at ito ang lugar kung saan naninirahan ang maruruming demonyo. Isinilang ka nito, tinuruan nito at nakalubog sa impluwensya nito; nagawa ka nitong tiwali at pinahirapan nito, ngunit nang magising ka ay tinalikuran mo ito at lubos kang naangkin ng Diyos. Ito ang kaluwalhatian ng Diyos, at ito ang dahilan kaya ang yugtong ito ng gawain ay may malaking kabuluhan. Nakagawa ang Diyos ng napakalawak na gawain, nakasambit ng napakaraming salita, at sa huli ay lubos Niya kayong maaangkin—ito ay isang bahagi ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at kayo ang “mga samsam ng tagumpay” ng pakikibaka ng Diyos kay Satanas.
2 Habang lalo ninyong nauunawaan ang katotohanan at napapabuti ang inyong buhay sa iglesia, lalong napapanikluhod ang malaking pulang dragon. Lahat ng ito ay mga bagay ng espirituwal na mundo—ito ang mga pakikibaka ng espirituwal na mundo, at kapag nagtagumpay ang Diyos, mapapahiya at babagsak si Satanas. Ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay may napakalaking kabuluhan. Gumagawa ang Diyos nang gayon kalawak at lubos na inililigtas ang grupong ito ng mga tao upang makatakas ka mula sa impluwensya ni Satanas, manirahan sa bayang banal, mabuhay sa liwanag ng Diyos, at mapamunuan at mapatnubayan ng liwanag. Kung gayon ay may kahulugan ang iyong buhay.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 2