93 Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay
Ⅰ
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
naghahatid ang Diyos sa
isang bagong kapanahunan ng salita.
Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain,
ginagawa ang gawain ng
buong kapanahunan gamit ang salita.
Ito’y panuntunan ng paggawa ng Diyos
sa Kapanahunan ng Salita.
Siya’y nagkat’wang-tao upang
magsalita mula sa iba’t-ibang posisyon,
upang tunay na makita ng tao ang Diyos,
ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao,
makita Kanyang himala’t makita Kanyang karunungan.
Ang gayong gawai’y upang mas makamit mga layunin
ng paglupig sa tao, pagperpekto sa tao, pag-alis sa tao.
Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit ng salita
upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita,
sa Kapanahunan ng Salita.
Ⅱ
Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao
ang gawain ng Diyos at Kanyang disposisyon.
Sa pamamagitan ng salita,
nalalaman ng tao ang kanyang kakanyaha,
nalalaman kung ano ang kailangan niyang pasukin.
Lahat ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita’y
natutupad sa pamamagitan ng salita.
At ang tao’y naibubunyag, naalis,
at nasusubukan sa pamamagitan ng salita.
Nakikita ng tao ang salita, naririnig ang salita’t
nalalaman ang pag-iral ng salita.
Kaya siya’y naniniwala sa pag-iral ng Diyos,
pagka-makapangyariha’t karunungan, naniniwala
sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao’t
Kanyang pagnanais na iligtas ang tao.
Bagaman ang “salita” ay karaniwa’t payak,
ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao’y
niyayanig ang buong kalupaa’t kalangitan,
binabago ang puso ng tao,
mga paniwala, lumang disposisyon,
at ang lumang mundo.
Ⅲ
Sa pagdaan ng panahon, tanging ang Diyos
ng kasalukuyan ang gumagawa,
nagsasalita’t nagliligtas sa tao sa paraang ito.
Saka, nabubuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita,
pinapastulan at tinutustusan ng salita.
Lahat ng tao’y nabubuhay sa mundo ng salita,
sa mga sumpa’t mga biyaya ng salita ng Diyos.
Higit pa ang hinahatula’t kinakastigo ng salita.
Ang mga salita’t gawa’y para sa pagligtas ng tao,
sa pagtamo ng kalooban ng Diyos
at pagbabago ng dating nilikhang mundo.
Nilikha ng Diyos ang mundo,
pinamumunuan ang tao sa buong sansinukob,
nilulupig at nililigtas sila ng salita.
At sa katapusan ng panahon,
Dadalhin Niya ang buong lumang mundo
sa katapusan gamit ang salita.
Dahil natupad ito, ang Kanyang
plano ng pamamahala’y
ganap na matatapos, ganap na matatapos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita