Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Tanong at Sagot sa Ebanghelyo ng Kaharian

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Tanong 10: Maraming kapatid na nananalig sa Panginoon ang hindi pa nalilinawan at naniniwala rito: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus mula sa ating mga kasalanan at itinuturing na Niya tayong natubos na mula sa kasalanan. Basta’t nagdurusa tayo at nagsasakripisyo para ikalat ang ebanghelyo ng Panginoon, at kumikilos tayo nang maayos at tumatayo ring mga saksi, pagdating ng Panginoon dapat tayong madala sa kaharian ng langit. Susundin natin ang Panginoon hanggang wakas, hindi natin Siya nilalabanan o tinatanggihan ang Kanyang pangalan, kaya bakit kailangan pa rin tayong sumailalim sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw?

Sagot: Maraming nananalig sa Panginoon ang naniniwala sa pinaniniwalaan mo: ‘Basta’t magsumikap lang ako at magpasan ng krus para sa Panginoon, magpakita ng ilang magagandang pag-uugali at magpatotoo nang maayos, magiging karapat-dapat akong maghintay sa pagbalik ng Panginoon at madala sa kaharian ng langit.’ Lubos na makatwiran ito para sa mga tao, pero kalooban ba iyan ng Diyos? Pinatutunayan ba iyan ng Kanyang mga salita? Kung hindi, tiyak na ang ideyang ito ng tao ay nagmumula sa mga haka-haka at imahinasyon ng tao. Kung gugunitain noong madalas ipaliwanag ng mga Fariseo ang mga banal na kasulatan sa mga sinagoga, mukhang mahigpit nilang sinusunod ang mga utos, patakaran, at kautusan, at sa tingin ng iba ay napakarelihiyoso nila at marangal ang kanilang pag-uugali. Pero bakit hibang nilang nilabanan at tinuligsa ang Panginoong Jesus at ipinako pa Siya sa krus? Nagpapatunay iyan na maaaring magsumikap ang mga tao para sa Panginoon at kumilos nang maayos sa publiko pero hindi ibig sabihin ay sinusunod at minamahal nila ang Diyos sa kanilang puso. Ang pagpapakita ng kabanalan ay hindi kumakatawan sa pusong pumupuri at nagpipitagan sa Diyos. Maaaring madalas ipaliwanag ng mga tao ang Biblia sa iba, pero hindi ibig sabihin ay naipapamuhay ang mga salita ng Panginoon o nasusunod ang paraan ng Diyos. Nakikita ng Diyos ang lahat ng nilolob ng isang tao—Siya lang ang makakakita sa niloloob ng kanilang puso. Ang pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus ay lubos na naglalantad sa mga diwa ng mga ipokritong Fariseo. Ang kakayahan ng mga Fariseo na gumawa at mangaral, magdusa at magsakripisyo ay talagang para sa sarili nilang katayuan at kabuhayan. Ipinaliwanag nila ang mga banal na kasulatan para lang purihin ang kanilang sarili, patatagin ang kanilang sarili, at sambahin at tingalain sila ng iba. Talagang hindi nila pinupuri o pinatototohanan ang Diyos. Ang Diyos ay banal at matuwid, at inilalantad ng Kanyang gawain ang lahat. Kaya, nang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, lubos Niyang inihayag ang likas na pagka-anticristo ng mga Fariseo na pagkamuhi sa katotohanan at paglaban sa Diyos. Katunayan, malinaw sa ating mga nananalig sa Panginoon na matapos manalig ang isang tao sa Kanya, kahit masigasig nilang talikuran ang iba pang mga bagay at gumugol sila para sa Panginoon, gumawa nang husto, at magpakita ng ilang mabubuting pag-uugali, kahit habang gumagawa sila ay madalas silang magkasala at lumaban sa Diyos, at ginagawang kaaway ang Diyos. May ilang nagrereklamo sa Kanya kapag may dumarating na kalamidad, kapag may pag-uusig at paghihirap, at maaari pa nga nilang tanggihan at talikuran ang Diyos. Kahit kayang gumawa at mangaral ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, katulad sila lalo na ng mga Fariseo, itinatanyag ang kanilang sarili para sambahin sila ng iba, nililinlang at kinokontrol ang mga piling tao ng Diyos, at itinatatag ang sarili nilang maliliit na kaharian. Sa pagharap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hibang nilang tinutuligsa at nilalabanan ito, at kahit malinaw nilang alam na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, matigas pa rin ang kanilang ulo sa pagsuway sa Diyos. Ipinapakita nito na hangga’t likas na makasalanan ang mga tao, at hangga’t may masamang disposisyon sila na hindi pa nalulunasan, maaari nilang labanan at talikuran ang Diyos kahit kailan, kahit saan. Gaano man kabuti ang pag-uugali ng isang tao, hindi ibig sabihin ay talagang masusunod at masusundan nila ang Kanyang paraan. Gaano man karami ang nauunawaan ng isang tao ang Biblia, hindi iyon kapareho ng pag-unawa sa katotohanan at pagkilala sa Diyos. Gaano man magdusa at magsakripisyo ang isang tao kapag naglilingkod sila sa Diyos, hindi ibig sabihin ay isinasagawa nila ang kalooban ng Diyos. Malinaw na kapag likas na makasalanan ang isang tao na hindi pa nalulunasan at may masamang disposisyon na hindi pa napapadalisay, gaano man sila magsumikap para sa Panginoon at gaano man katagal, hindi magbabago ang kanilang likas na pagkatao at diwa. Ito ay isang katotohanan na hindi maikakaila ninuman. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Dapat mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok tungo sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit na marami ka pang nagawa, at nakágáwâ sa loob ng maraming mga taon, sa katapusan kung ikaw pa rin ay kalunos-lunos na marumi—hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi kailanman Ako nag-alok ng madaling daan sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panlangit na alituntunin, at walang sinuman ang makababali nito!” (“Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kailangan nating tanggapin ang mga gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos. Samakatwid, kailangan nating maranasan ang paghatol at paglilinis ng Diyos sa mga huling araw para matamo ang katotohanan, palayain ang ating sarili mula sa ating masamang disposisyon at mabawi tayo ng Diyos, maligtas at makapasok sa kaharian sa langit.

Nakita na nating lahat na matapos manalig, nakakaya ng maraming tao na magsumikap, magsakripisyo para sa Panginoon, at disiplinahin ang kanilang katawan. Pero gaano man katindi ang kanilang pananampalataya o kasigasigan, nakatali pa rin sila sa kanilang pagiging likas na makasalanan. Namumuhay pa rin sila sa pagkakasala, at iyan ang totoo. Kapag hindi nalunasan ang pagiging likas na kademonyohan, hindi magagawa ng mga tao na tunay na masunod ang Diyos kailanman, makasundo Siya, mabawi Niya sila, pagkatapos ay makapasok sila sa Kanyang kaharian. Kaya, ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay hindi matatapos sa paggawa ng gawain ng pagtubos—kailangan pa rin Niyang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay para lubos na malunasan ang pagiging likas na makasalanang kademonyohan ng sangkatauhan, tunay na makilala ng mga tao ang Diyos, at tunay na masunod at sambahin ang Diyos. Matatapos lang ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan kapag nangyari iyon. Kaya nga sinabi ng Panginoong Jesus na kailangan Siyang pumaritong muli, at na babalik Siya para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, para lubos na mapadalisay at mailigtas ang sangkatauhan. Basahin natin ang ilang talata mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos:

Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang masamang disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay magawang malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang pinuhin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng mga karumihan, mga paniwala, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na naibubunyag” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang ginawa lang ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang gawain ng pagtubos, at para lang magbayad-sala para sa mga kasalanan ng tao. Hindi Siya nagbayad-sala para sa masamang disposisyon at pagiging likas na makasalanan ng sangkatauhan, at patunay iyan na kapag nagbalik ang Panginoong Jesus ay gagawin Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw para lubos na malunasan ang likas na kademonyohan ng sangkatauhan, para tulutan ang mga tao na madalisay at maligtas, at maging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos. Ito ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Kaya, matapos pagbayaran ang mga kasalanan ng mga tao, ginagawa ng Diyos ang gawain sa mga huling araw na “paghatol simula sa tahanan ng Diyos” sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ni Jesus. Naipahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan para hatulan at ilantad ang likas na pagkatao at diwa ng paglaban sa Diyos ng masamang sangkatauhan at ang katotohanan ng kanilang kasamaan, para ihayag at suriin ang pinagmulan ng pagkamakasalanan ng sangkatauhan, at ihayag sa sangkatauhan ang matuwid at banal na disposisyon ng Diyos na hindi nagpaparaya sa mga pagkakasala. Mula sa paghatol ng mga salita ng Diyos, nakaharap ng Kanyang mga piling tao ang Diyos at nalantad at nahatulan; nakita na nila ang matuwid na disposisyon ng Diyos na nahayag sa tao, at nakita na ang banal na diwa ng Diyos tulad ng pagkakita sa maningning na liwanag mula sa langit. Nangagsiluhod silang lahat sa harap ng Diyos at walang mapagtaguan; hiyang-hiya sila. Nakita na nila kung gaano katindi sila pinasama ni Satanas at na sila ay puno ng likas na kademonyohan; mayabang sila at mapagmataas, makasarili at kasuklam-suklam, mandaraya at mapanlinlang, at puno ng kasinungalingan. Namumuhi sila sa katotohanan, at nananalig sa Diyos pero hindi nila magawang purihin Siya at ganap na walang pagpipitagan sa Diyos. Madalas silang manghusga sa Diyos, magrebelde, at lumaban sa Kanya. Kapag dumarating ang mga pagsubok sa kanila nagrereklamo sila at tinatanggihan o tinatalikuran ang Diyos. Sila talaga ang kumakatawan kay Satanas, gaya ng mga buhay na demonyo, at ni walang itinulad sa tunay na tao. Nakikita nila ang lahat ng bagay na ito at nagsisimula silang mamuhi sa kanilang sarili, tunay na magsisi sa Diyos, at kilalanin nang taos-puso na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Nagkakaroon sila ng pusong nananabik sa katotohanan. Kasabay nito, sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos silang lahat ay tunay na dumaranas ng disposisyon ng katuwiran, pagkamaharlika, at galit ng Diyos na hindi totolerahin ang mga kasalanan. Talagang nakikita nila ang anyo ng Diyos, nakikita nila ang kabanalan ng Diyos na hindi marurungisan at hindi totolerahin ng Kanyang katuwiran ang mga kasalanan. Nauunawaan nila ang mabubuting intensyon ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan at ang Kanyang tunay na pagmamahal sa kanila. Nakikita nila ang tunay na mukha at dahilan kaya sila pinasama ni Satanas. Sa ganitong mga kadahilanan, nagkakaroon sila ng pusong nagpipitagan sa Diyos at nagiging handang tanggapin ang katotohanan, at sinusunod ang mga plano at pagsasaayos ng Diyos. Habang unti-unting lumalalim ang pag-unawa ng mga tao sa Diyos, nagiging mas malinaw sa kanila ang sarili nilang likas na kademonyohan, at saka sila nagsisimulang mamuhi kay Satanas, at bukod pa rito ay namumuhi sila sa ugali ni Satanas. Kaya, nagagawa nilang talikuran si Satanas at ang laman, pagkatapos ay nagsisimulang maghari ang katotohanan sa kanilang kalooban at natural nilang ipinamumuhay ang mga salita ng Diyos. Ganito nagsisimulang umasa ang mga tao sa mga salita ng Diyos sa kanilang buhay, lubos nilang iwinawaksi ang impluwensya ni Satanas, at nagkakaroon ng pagbabago sa disposisyon at nakakasundo nila ang Diyos. Malinaw na ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay para magtayo ng pundasyon, bigyang-daan ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ang gawain lang ng paghatol na ginawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang gawain ng lubos na pagpapadalisay, pagliligtas, at paggawang perpekto ng sangkatauhan. Kung tatanggapin at susundin ng mga tao ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at matatamo ang katotohanan, saka lang nila maiwawaksi ang mga gapos at paghadlang ng kasalanan, mababago ang kanilang disposisyon sa buhay, at magiging tao na sumusunod sa kalooban ng Diyos. Noon lang nila makakamtan ang tunay na kabanalan, at noon lang sila magiging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Babagsak ang Lungsod

Sinundan:Tanong 9: Tinatanggap natin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, ngunit paano natin mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos upang matanggap natin ang katotohanan at buhay, tanggalin ang ating makasalanang kalikasan, at makamit ang kaligtasan upang pumasok sa kaharian ng langit?

Sumunod:Tanong 1: Sa mga taon ng pananampalataya ko, kahit alam kong ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos, Hindi ko naintindihan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao. Kung ang pagpapakita ng Panginoon sa ikalawang pagdating ay katulad ng kung paano nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus bilang ang Anak ng tao para gawin ang Kanyang gawain, hindi natin makikilala ang Panginoong Jesus, hindi tayo makakasalubong sa pagdating ng Panginoon. Naniniwala ako na ang pagkakatawang-tao ay malaking hiwaga. Iilan lamang ang tunay na nakauunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. pag-usapan natin ang bagay na ito, kung ano nga ba ang pagkakatawang-tao.

Baka Gusto Mo Rin