Tanong 2: Bagama’t nalalaman ng mga mananampalataya sa Panginoon na ang Panginoong Jesus ay ang nagkatawang-taong Diyos, kakaunting tao lamang ang nakakaunawa ng katotohanan ng pagkakatawang-tao. Kapag bumalik ang Panginoon, kung nagpapakita Siya tulad ng ginawa ng Panginoong Jesus, na naging Anak ng tao at gumagawa, talagang walang paraan na makikilala ng mga tao ang Panginoong Jesus at malugod na tatanggapin ang Kanyang pagbalik. Kung gayon ano talaga ang pagkakatawang-tao? Ano ang diwa ng pagkakatawang-tao?

Sagot:

Patungkol sa kung ano ang Diyos na nagkatawang-tao, at ano ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao, masasabing ito ay isang hiwaga ng katotohanan na hindi natin nauunawaan na mga nananampalataya sa Panginoon. Sa loob ng libu-libong taon, kahit alam ng mga nananampalataya na ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos, walang makaunawa kung ano ang Diyos na nagkatawang-tao at ang Kanyang diwa. Noon lamang dumating ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw nabunyag sa sangkatauhan ang hiwagang ito ng katotohanan.

…………

Ang pagkakatawang-tao ay ang Espiritu ng Diyos na nadaramitan ng katawang-tao, ibig sabihin, ang Espiritu ng Diyos ay nagkatotoo sa katawang-tao na may normal na pagkatao at normal na pag-iisip ng tao, at sa gayon ay nagiging karaniwan at normal na tao na kumikilos at nagsasalitang kasama ng mga tao. Ang katawang ito ay may normal na pagkatao, ngunit mayroon ding ganap na kabanalan. Bagama’t sa panlabas na anyo ay tila karaniwan at normal ang Kanyang katawan, nagagawa Niya ang gawain ng Diyos, naipapahayag ang tinig ng Diyos, at ginagabayan at inililigtas ang sangkatauhan. Ito ay dahil mayroon Siyang ganap na pagka-Diyos. Ang ibig sabihin ng ganap na pagka-Diyos ay lahat ng taglay ng Espiritu ng Diyos—ang likas na disposisyon ng Diyos, ang banal at matuwid na diwa ng Diyos, lahat ng mayroon ang Diyos at kung ano Siya, ang pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, at ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos—lahat ng ito’y nagkatotoo sa katawang-tao. Ang katawang ito ay si Cristo, ang praktikal na Diyos na narito sa lupa para gumawa at iligtas ang sangkatauhan. Sa Kanyang panlabas na anyo, si Cristo ay isang karaniwan at normal na Anak ng tao, ngunit malaki ang Kanyang ipinagkaiba sa atin na mga taong nilikha. Ang taong nilikha ay mayroon lamang katauhan, wala siya ni kaunting bakas ng banal na diwa. Gayunman, si Cristo ay hindi lamang mayroong normal na katauhan; ang mas mahalaga, Siya ay may ganap na pagka-Diyos. Kaya, mayroon Siyang diwa ng Diyos, maaari Niyang katawanin ang Diyos nang lubusan, ipahayag ang lahat ng katotohanan bilang Diyos Mismo, ipahayag ang disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at ipagkaloob sa atin ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Walang taong nilikha na kaya ang gayong mga dakilang gawa. Si Cristo ay gumagawa at nagsasalita, ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos, at lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos sa Kanyang katawan. Paano man Niya ipinapahayag ang salita ng Diyos at ginagawa ang gawain ng Diyos, palagi Niyang ginagawa ito ayon sa normal na pagkatao. Siya ay may normal na katawan, walang anumang kahima-himala tungkol sa Kanya. Patunay ito na ang Diyos ay pumasok na sa katawang-tao, naging karaniwang tao na Siya. Ang karaniwan at normal na katawang-taong ito ang nagsakatuparan sa katotohanan ng “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.” Siya ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao. Dahil si Cristo ay may ganap na pagka-Diyos, maaari Niyang katawanin ang Diyos, ipahayag ang katotohanan, at iligtas ang sangkatauhan. Dahil si Cristo ay may ganap na pagka-Diyos, maaari Niyang ipahayag nang tuwiran ang salita ng Diyos, hindi lamang basta ihatid o ipasa ang salita ng Diyos. Maaari Niyang ipahayag ang katotohanan anumang oras at saanmang lugar, na tinutustusan, dinidiligan, at pinapatnubayan ang tao, ginagabayan ang buong sangkatauhan. Dahil lang sa may ganap na pagka-Diyos si Cristo, sapat na ito para patunayan na taglay Niya ang identidad at diwa ng Diyos. Kaya nga masasabi natin na Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ang praktikal na Diyos Mismo.

Ang pinakamalaking hiwaga ng pagkakatawang-tao ay halos walang kinalaman sa kung malaki ang katawan ng Diyos o katulad ng sa karaniwang tao. Sa halip ito ay may kinalaman sa katotohanan na ang ganap na pagka-Diyos ay nakatago sa loob ng normal na katawang ito. Walang sinuman sa atin ang may kakayahang matuklasan o makita ang nakatagong pagka-Diyos na ito. Tulad noong dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, kung walang nakarinig noon sa Kanyang tinig at nakaranas ng Kanyang salita at gawain, wala sanang nakakilala na ang Panginoong Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos. Kaya ang pagkakatawang-tao ng Diyos ang pinakamainam na paraan para Siya makababa nang palihim sa ating mga tao. Nang dumating ang Panginoong Jesus, walang sinuman sa atin ang makapagsabi batay sa Kanyang panlabas na anyo na Siya ang Cristo, ang Diyos na nagkatawang-tao, at walang sinuman sa atin ang makakita sa pagka-Diyos na nakatago sa Kanyang pagkatao. Matapos ipahayag ng Panginoong Jesus ang katotohanan at magawa ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, saka lamang natuklasan ng ilang tao na ang Kanyang salita ay may awtoridad at kapangyarihan, at noon lamang sila nagsimulang sumunod sa Kanya. Nang magpakita ang Panginoong Jesus sa mga tao matapos Siyang mabuhay na mag-uli, saka lamang natanto ng sangkatauhan na Siya ang Cristo na nagkatawang-tao, ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi Niya naipahayag ang katotohanan at nagawa ang Kanyang gawain, wala sanang sumunod sa Kanya. Kung hindi Siya sumaksi sa katotohanan na Siya ang Cristo, ang pagpapakita ng Diyos, wala sanang nakakilala sa Kanya. Sa mga paniwala at imahinasyon ng tao, naniniwala sila na kung Siya talaga ang Diyos na nagkatawang-tao, dapat ay may kahima-himalang mga katangian ang Kanyang katawan: dapat ay higit pa Siya sa karaniwang tao, may malaki at matipunong katawan, at matangkad, hindi lamang Siya dapat magsalita nang may awtoridad at kapangyarihan, kundi dapat din Siyang magpakita ng mga tanda at kababalaghan saanman Siya magpunta—ganito dapat ang Diyos na naging tao. Inisip nila na kung karaniwan ang Kanyang panlabas na anyo, tulad ng iba pang karaniwang tao, at may normal na pagkatao, tiyak na hindi Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Gunitain natin. Nang magkatawang-tao ang Panginoong Jesus upang magsalita at gumawa ng gawain, paano man Niya ipinahayag ang katotohanan at tinig ng Diyos, hindi Siya nakilala ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo. Nang marinig ang mga patotoo ng mga disipulo sa Panginoong Jesus sinabi pa nilang: Hindi ba’t ito ang anak ni Jose? Hindi ba’t ito isang Nazareno? Bakit ganito magsalita ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo tungkol sa Kanya? Dahil ang Panginoong Jesus ay nagkaroon ng normal na katauhan sa panlabas na anyo. Siya ay isang normal at karaniwang tao, at hindi Siya malaki at matangkad, kaya hindi nila Siya tinanggap. Ang totoo, yamang Siya ang pagkakatawang-tao, dapat Siyang magkaroon ng normal na katauhan ayon sa depinisyon, kailangan Niyang ipakita sa atin na ang katawang idinaramit ng Diyos sa Kanyang Sarili ay isang karaniwan at normal na katawan, nagpapakita Siya tulad sa isang normal na tao. Kung dinamitan ng Diyos ang Kanyang Sarili sa katawan ng isang higit pa sa karaniwang tao, hindi ng isang taong may normal na katauhan, ang buong kahulugan ng pagkakatawang-tao ay mawawala. Kaya, si Cristo ay kailangang magkaroon ng normal na katauhan. Sa ganitong paraan lamang mapapatunayan na Siya ang Verbo na naging tao.

…………

Malinaw nating nakikita na ang Diyos na nagkatawang-tao ay kailangang may normal na pagkatao, dahil kung hindi, hindi Siya magiging pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa panlabas na anyo, mukhang karaniwan at normal na tao ang Diyos na nagkatawang-tao, at walang kahima-himala tungkol sa Kanyang pagkatao. Kaya, kung susukatin natin si Cristo gamit ang ating mga pagkaintindi at imahinasyon, hindi natin kailanman kikilalanin o tatanggapin si Cristo. Kadalasa’y kikilalanin lamang natin na isa Siyang propetang isinugo ng Diyos, o isang taong ginagamit ng Diyos. Kung gusto nating talagang makilala si Cristo, kailangan nating pag-aralan ang Kanyang mga salita at gawain para makita kung ang ipinapahayag dory Niya ay ang sariling tinig ng Diyos, kung ang mga salitang ipinapahayag Niya ay mga pagpapamalas ng disposisyon ng Diyos at ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at makita kung ang Kanyang gawain at ang katotohanang ipinapahayag Niya ay makapagliligtas sa sangkatauhan. Saka lamang natin makikilala, tatanggapin, at susundin si Cristo. Kung hindi natin hahanapin ang katotohanan, hindi natin sisiyasatin ang gawain ng Diyos, kahit marinig natin ang mga salita ni Cristo at makita ang mga katotohanan ng gawain ni Cristo, hindi pa rin natin makikilala si Cristo. Kahit kasama natin si Cristo mula umaga hanggang gabi, ituturing pa rin natin Siyang parang karaniwang tao at sa gayo’y lalabanan at tutuligsain natin Siya. Ang totoo, para kilalanin at tanggapin si Cristo, ang kailangan lang nating gawin ay makilala ang tinig ng Diyos at kilalanin na ginagawa Niya ang gawain ng Diyos. Ngunit para malaman ang banal na diwa ni Cristo at sa gayo’y tunay na masunod si Cristo at mahalin ang praktikal na Diyos, kailangan nating matuklasan ang katotohanan sa loob ng mga salita at gawain ni Cristo, makita ang disposisyon ng Diyos at ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, makita ang banal na diwa, pagkamakapangyarihan, at karunungan ng Diyos, makita na ang Diyos ay kaibig-ibig at pahalagahan ang Kanyang marubdob na mga intensyon. Sa ganitong paraan lamang natin tunay na masusunod si Cristo at masasamba ang praktikal na Diyos sa ating puso.

Alam nating lahat na mga nananalig na ang landas na ipinangaral ng Panginoong Jesus, ang salitang ipinahayag Niya, ang mga hiwaga ng kaharian ng langit na ibinunyag Niya, at ang mga kahilingan Niya sa tao ay pawang katotohanan, pawang sariling tinig ng Diyos, at pawang pagpapamalas ng disposisyon sa buhay ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano Siya. Ang ginawa Niyang mga himala, gaya ng pagpapagaling sa maysakit, pagpapalayas sa mga demonyo, pagpayapa sa hangin at dagat, pagpapakain sa limang libo gamit ang limang tinapay at dalawang isda, at pagpapabangon sa patay, ay pawang pagpapamalas ng sariling awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, na hindi taglay o makakaya ng sinumang taong nilikha. Nakilala ng mga naghangad sa katotohanan noong panahong iyon, tulad nina Pedro, Juan, Mateo, at Natanael, mula sa salita at gawain ng Panginoong Jesus na Siya ang ipinangakong Mesiyas, kaya nga sumunod sila sa Kanya at tinanggap nila ang Kanyang pagliligtas. Samantalang ang mga Judiong Fariseo, kahit narinig ang mga sermon ng Panginoong Jesus at nakita Siyang gumagawa ng mga himala, ay itinuring pa rin Siyang isang karaniwang tao, na walang kapangyarihan o tayog, kaya nga hindi sila nahiyang mangahas na kalabanin at tuligsain Siya nang wala ni kaunting takot. Sa huli ginawa nila ang pinakamatinding kasalanan sa pagpapako sa Panginoong Jesus sa krus. Ang aral ng mga Fariseo ay nangangailangan ng malalim na pagmumuni! Malinaw na inilalantad nito ang kanilang pagiging likas na anticristo sa pagkamuhi sa katotohanan at sa Diyos, at ibinubunyag ang kahangalan at kamangmangan ng tiwaling sangkatauhan. Sa kasalukuyan, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, tulad ng Panginoong Jesus, ang gawain ng Diyos Mismo na may normal na pagkatao. Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan na kailangan ng tiwaling sangkatauhan upang maligtas, at isinasagawa ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos sa mga huling araw. Hindi lamang Niya hinahatulan at inilalantad ang likas na kasamaan ng tiwaling sangkatauhan at ang katotohanan ng kanilang katiwalian, naibunyag din Niya ang lahat ng hiwaga ng anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, naipaliwanag ang landas kung saan maaaring makalaya ang sangkatauhan mula sa kasalanan, mapadalisay at mailigtas ng Diyos. Naibunyag Niya ang likas na matuwid na disposisyon ng Diyos, lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at ang kakaibang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos.… Ang salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na pagpapamalas ng identidad at diwa ng Diyos Mismo. Sa mga panahong ito, lahat ng sumusunod sa Makapangyarihang Diyos ay narinig na ang tinig ng Diyos sa salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, nakita na ang pagpapamalas ng salita ng Diyos sa katawang-tao at nakaharap na sa luklukan ng Makapangyarihang Diyos, na tumatanggap ng pagdadalisay at pagpeperpekto ng Diyos. Nagkamali na rin ang mga taong nasa relihiyosong daigdig na tanggihan, kalabanin, at tuligsain pa rin ang Makapangyarihang Diyos tulad ng mga Judiong Fariseo, na itinuturing ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, na tulad ng iba pang karaniwang tao, nang hindi man lang nagsisikap nang kaunti na hanapin at pag-aralan ang lahat ng katotohanang naipahayag ng Makapangyarihang Diyos, sa gayo’y muli nilang ipinapako ang Diyos sa krus at pinapagalit ang disposisyon ng Diyos. Gaya ng makikita, kung kakapit tayo sa ating mga pagkaintindi at imahinasyon, at hindi natin hahanapin at pag-aaralan ang mga katotohanang ipinapahayag ni Cristo, hindi natin makikilala ang tinig ng Diyos na ipinahayag ni Cristo, hindi natin magagawang tanggapin at sundin ang gawain ni Cristo, at hindi natin matatanggap kailanman ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Kung hindi natin nauunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao, hindi natin magagawang tanggapin at sundin ang gawain ng Diyos, tutuligsain natin si Cristo at kakalabanin ang Diyos, at malamang din na tumanggap tayo ng parusa at mga sumpa ng Diyos. Kaya, sa ating pananampalataya, upang maligtas ng Diyos, napakahalaga na hanapin natin ang katotohanan at unawain ang hiwaga ng pagkakatawang-tao!

mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Sinundan: Tanong 1: Pinatototohanan mo na ang Diyos ay naging tao na bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, subalit pinaninindigan ng karamihan sa mga relihiyosong pastor at elder na babalik ang Panginoon na sakay ng mga ulap. Ibinabatay nila ito lalo na sa mga talata sa Biblia na: “Itong si Jesus … ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata” (Pahayag 1:7). At bukod pa riyan, itinuturo din sa atin ng mga pastor at elder ng relihiyon na sinumang Panginoong Jesus na hindi pumaparito na sakay ng mga ulap ay huwad at kailangang tanggihan. Kaya, hindi tayo nakatitiyak kung naaayon ba ang pananaw na ito sa Biblia o hindi; tama ba ang ganitong klaseng pagkaunawa o hindi?

Sumunod: Tanong 3: Bakit ginawang nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw, naging Anak ng tao upang gawin ang gawain ng paghatol? Ano ang tunay na kaibahan sa pagitan ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus na nabuhay na muli mula sa kamatayan at ang nagkatawang-taong Anak ng tao? Ito ang isyu na hindi natin nauunawaan—mangyaring magbahagi tungkol dito.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 11: Pinatototohanan mo na si Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang parehong si Cristo, ang una at ang huling Cristo. Hindi ’yan tinatanggap ng ating CCP. Sa The Internationale, malinaw na sinabi “Walang sinumang naging tagapagligtas ng mundo kailanman.” Pilit n’yong pinatototohanan na dumating na si Cristong Tagapagligtas. Paanong hindi kayo tutuligsain ng CCP? Sa palagay namin, ang Jesus na pinananaligan ng mga Kristiyano ay isang karaniwang tao. Ipinako pa nga siya sa krus. Kahit ang Judaismo ay hindi kinilala na Siya si Cristo. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw na pinatototohanan n’yo ay isa lamang palang karaniwang tao. Malinaw na inilalarawan sa mga dokumento ng CCP na may apelyido at pangalan Siya. Totoo rin ’yan. Bakit n’yo pinatototohanan na ang gayong karaniwang tao ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos? Mahirap paniwalaan ’yan! Gaano man n’yo patotohanan ang katotohanang naipahayag at kung paano nagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi kikilalanin ng ating CCP na ang taong ito ay ang Diyos. Palagay ko katulad lang kayo ng mga tao ng Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodoxy na nananalig kay Jesus, na nananalig na Diyos ang isang tao. Hindi ba kamangmangan ’yan? Ano ba talaga ang Diyos at ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Ibig sabihin ba nito ay ang pagpapahayag lang ng katotohanan at paggawa ng gawain ng Diyos ay pagpapakita ng tunay na Diyos? Yan ang hinding-hindi namin tatanggapin. Kung makakagawa ang Diyos ng mga himala at hiwaga, mapupuksa ang CCP at lahat ng kumakalaban sa Kanya, kikilalanin namin na Siya ang tunay na Diyos. Kung magpapakita ang Diyos sa kalangitan, gagawa ng madagundong na kulog na tatakot sa buong sanglibutan, yan ang pagpapakita ng Diyos. Sa gayo’y kikilalanin Siya ng ating CCP. Kung hindi, hinding-hindi tatanggapin ng CCP na may Diyos.

Sagot: Hindi ko lang maunawaan, bakit palaging galit ang CCP sa Diyos? Bakit nito palaging tinatanggihan ang Diyos? Bakit ito galit lalo na...

Tanong 16: Sabi n’yo ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Diyos sa mga huling araw, at ang tunay na daan. Sinasabi n’yo rin na ang Diyos ang lumikha sa mundong ito, at naghahari sa kung anong nangyayari sa daigdig, na ang gawain ng Diyos ang gumabay at nagligtas sa sangkatauhan. Ano ang basehan n’yo para patotohanan ang mga sinasabi n’yo? Kaming mga taga-Partido Komunista ay pawang mga ateista, at hindi kumikilala sa pag-iral ng Diyos o sa paghahari Niya sa lahat. Lalong hindi namin kinikilala ang sinasabi n’yong pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang Jesus na pinaniniwalaan ng Kristiyanismo ay malinaw na isang tao. May mga magulang Siya, at may mga kapatid. Ganunpaman, ang Kristiyanismo ay malinaw na nag-uutos na kilalanin Siyang Cristo, at sambahin bilang Diyos. Talagang hindi ito kapani-paniwala. Kagaya lang ni Jesus ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan N’yo, malinaw na isa lang s’yang ordinaryong tao. Kaya bakit kailangan ninyong ipilit na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao? Bakit kailangan n’yong patotohanan na Siya ang Cristong Tagapagligtas ng mga huling araw na naging tao? Talagang kalokohan at kabaliwan ito hindi ba? Hindi totoo na mayroong Diyos sa mundong ito. Lalong hindi totoo na may umiiral na Diyos bilang Diyos na nagkatawang-tao. Buong tapang ninyong sinasabing ang isang ordinaryong tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Ano ang basehan ng sinasabi n’yong ito? Maipahahayag n’yo ba ang mga saligan, at basehan ng inyong paniniwala?

Sagot: Espiritu ang Diyos. Hindi Siya nakikita o nahahawakan ng tao. Pero maraming ginagawa ang Espiritu ng Diyos, at nagsasabi ng mga...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito