49 Nagsasaya’t Nagpupuri sa Diyos ang Buong Daigdig
I
Ang tanging tunay na Diyos
na nangangasiwa sa lahat ng bagay
—ang Makapangyarihang Diyos,
Cristo ng mga huling araw!
Saksi ito ng Banal na Espiritu.
Gumagawa Siya upang magpatotoo
sa lahat ng dako.
Upang walang magduda.
Ang Haring matagumpay,
Makapangyarihang Diyos,
ay nanaig sa buong mundo.
Napagtagumpayan Niya ang kasalanan
at natupad ang pagtubos.
Purihin ang matagumpay na Hari ng sansinukob.
Magsasaya ang buong daigdig!
Makapangyarihang Diyos,
karapat-dapat sa papuri!
Suma ‘Yo ang kaluwalhatia’t kapangyarihan,
dakilang Hari ng sansinukob!
II
Ang tanging tunay na Diyos
na nangangasiwa sa lahat ng bagay
—ang Makapangyarihang Diyos,
Cristo ng mga huling araw!
Saksi ito ng Banal na Espiritu.
Gumagawa Siya upang magpatotoo
sa lahat ng dako.
Nililigtas N’ya tayo, kahit masama tayo.
Ginagawa N’ya tayong ganap
upang isakatuparan kalooban N’ya.
Naghahari S’ya sa buong daigdig
at binabawi ‘to kay Satanas
at tinutugis si Satanas tungo
sa walang hanggang hukay.
Magsasaya ang buong daigdig!
Makapangyarihang Diyos,
karapat-dapat sa papuri!
Suma ‘Yo ang kaluwalhatia’t kapangyarihan,
dakilang Hari ng sansinukob!
III
Hinahatulan N’ya ang daigdig.
Walang makakatakas sa mga kamay N’ya.
Naghahari S’ya’ng Hari kailanman.
Magsasaya ang buong daigdig!
Makapangyarihang Diyos,
karapat-dapat sa papuri!
Suma ‘Yo ang kaluwalhatia’t kapangyarihan,
dakilang Hari ng sansinukob!
Magsasaya ang buong daigdig!
Makapangyarihang Diyos,
karapat-dapat sa papuri!
Suma ‘Yo ang kaluwalhatia’t kapangyarihan,
dakilang Hari ng sansinukob!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 27