50 Ngalan ng Makapangyarihang Diyos Sinasaksihan sa Lahat ng Bansa sa Mundo

Mula nang Makapangyarihang Diyos,

Hari ng kaharian, nasaksihan na,

lawak ng Kanyang plano ng pamamahala

lumalaganap na sa buong kalawakan.

Pagpapakita ng Diyos nasaksihan na

di lang sa China, kundi sa buong mundo.

Tinatawag nila Kanyang banal na ngalan,

hanap ay makasalamuha ang Diyos kahit paano,

kalooban Niya’y inuunawa, naglilingkod sila sa iglesia.

Gawa ng Banal na Espiritu’y nakakamangha.

Makapangyarihang Diyos, Hari ng kaharian,

Siya’y nasaksihan. Tunay, Kanyang ngalan

sa buong mundo ay napatotohanan.


Mga wika ng mga bansa ay magkakaiba,

ngunit Espiritu’y iisa, nag-uugnay sa mga iglesia,

Diyos ay kaisa Niya, tiyak, hindi naiiba.

Tinig ng Banal na Espiritu, pinupukaw sila.

Tinig ay Kanyang awa.

Ngalan ng Makapangyarihang Diyos tinatawag nila.

Nagpupuri at kumakanta.

Di kailanman lumilihis gawain ng Espiritu.

Tamang landas tinatahak nila.

Di sila umuurong. Sunud-sunod ang himala,

hindi nila mawari, hindi nila maarok.

Makapangyarihang Diyos, Hari ng kaharian,

Siya’y nasaksihan. Tunay, Kanyang ngalan

sa buong mundo ay napatotohanan.


Makapangyarihang Diyos Hari ng buhay sa sansinukob!

Nakaupo sa luklukan, hinahatulan ang buong mundo.

Nangingibabaw sa mga bansa. Lahat ng tao’y

lumuluhod, nagdarasal, lumalapit sa Kanya.

Ga’no na katagal ka mang nananalig sa Kanya,

ga’no ka man katayog, marami mang karanasan,

kung sa puso mo sinasalungat mo Siya,

kailangang hatulan ka Niya.

Nakaluhod sa harap Niya, magsusumamo ka.

Mga bunga ng kilos mo ay inaani mo na.

Panaghoy ito ng pagdurusa sa lawa ng apoy at asupre.

Hiyaw ng pagkastigo ng bakal na pamalo Niya.

Ito ang paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo.

Makapangyarihang Diyos, Hari ng kaharian,

Siya’y nasaksihan. Tunay, Kanyang ngalan

sa buong mundo ay napatotohanan.

Tunay, Kanyang ngalan

sa buong mundo ay napatotohanan.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 8

Sinundan: 49 Nagsasaya’t Nagpupuri sa Diyos ang Buong Daigdig

Sumunod: 51 Sangkatauhan at Diyos Magkabahagi sa Ligaya ng Pagkakaisa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito