382 Ano ang Magiging Katapusan Mo?

I

Ang katapusan ng lahat ay nalalapit,

lahat sa langit at lupa’y tapos na.

Pa’no matatakasan ng tao

ang mga huling araw ng pag-iral?

Pa’no yaong gumagalang

at sabik sa Kanyang pagpapakita’y

‘di makita ang araw ng pagpapakita

ng pagiging matuwid Niya?


Pa’no sila ‘di bibigyan

ng huling gantimpala sa kabutihan?

Isa ka ba na gumagawa ng mabuti o ng masama?

Tinatanggap mo ba ang matuwid na paghatol

kaya masunurin ka?

O tinatanggap mo lamang at sa huli ay isusumpa?


Nabubuhay ka ba sa liwanag

sa harap ng luklukan ng paghatol Niya?

O nabubuhay ka ba sa kadiliman sa Hades?

‘Di ba alam mo kung ika’y

gagantimpalaan o paparusahan?

‘Di ba alam na alam mo na’ng Diyos ay matuwid?


Ano ba’ng wangis ng puso’t ugali mo?

Ga’no na ang isinuko mo para sa Diyos?

Pagsamba sa Kanya’y ga’no kalalim?

‘Di ba alam na alam mo’ng

ugali mo tungo sa Kanya?

Alam mo dapat higit sa sinuman

kung ano ang katapusan mo.


II

Ginawa lang ng Diyos ang tao,

kaya ginawa ka rin,

ngunit ‘di kayo pinasa kay Satanas,

pinalaban o pinagrebelde sa Kanya,

at maparusahan Niya.

‘Di ba to’y mga paghihirap dahil

puso niyo’y sobrang matigas

at ugali’y sobrang karumal-dumal?


Ano ba’ng wangis ng puso’t ugali mo?

Ga’no na ang isinuko mo para sa Diyos?

Pagsamba sa Kanya’y ga’no kalalim?

‘Di ba alam na alam mo’ng

ugali mo tungo sa Kanya?

Alam mo dapat higit sa sinuman

kung ano ang katapusan mo.


III

‘Di ba’t pasya niyo ang katapusan niyo?

‘Di niyo ba alam ang wakas sa puso niyo?

Kaya nilulupig ng Diyos ang tao ay nang

ihayag sila’t dalhin ang kaligtasan.

‘To’y ‘di upang masama’y gawin mo

o ihatid ka sa impyerno ng pagwasak.

Sa huli ‘di ba pagdurusa mo’t

pagtangis mo’y magiging dahil sa kasalanan mo?


Ano ba’ng wangis ng puso’t ugali mo?

Ga’no na ang isinuko mo para sa Diyos?

Pagsamba sa Kanya’y ga’no kalalim?

‘Di ba alam na alam mo’ng

ugali mo tungo sa Kanya?

Alam mo dapat higit sa sinuman

kung ano ang katapusan mo.


‘Di ba’ng kabutihan mo o kasamaan mo’y

ang pinakamabuting paghatol sa’yo?

‘Di ba ‘to’ng pinakamabuting katibayan

sa katapusan mo?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1

Sinundan: 381 Anong Klaseng Tao ang Hindi Maliligtas?

Sumunod: 383 Sino ang Makakatakas sa Pagdating ng Liwanag ng Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito