381 Anong Klaseng Tao ang Hindi Maliligtas?

Ang pagiging ligtas ay ‘di nakabatay

sa gawain o mga kwalipikasyon.

Ito’y depende sa kung ang iyong pagsisikap ay,

ay nagbunga na, nagbunga na.


I

Kahit na ilang taon ka nang

naglilibot sa lansangan,

nasaan ang iyong patotoo?

Iyong paggalang sa Diyos ay mas mababa kaysa

sa iyong pagmamahal sa sarili

at mahalay na pagnanasa.

Paano ka magiging huwaran para sa kaligtasan?

Iyong ‘di nagbabago,

mapanghimagsik na sarili’y ‘di maliligtas.

Hindi ka ba aalisin?

‘Di ba ang katapusan ng gawain ng Diyos

ang magiging huling araw mo?


Ang pagiging ligtas ay ‘di nakabatay

sa gawain o mga kwalipikasyon.

Ito’y depende sa kung ang iyong pagsisikap ay,

ay nagbunga na, nagbunga na.


II

Ang Diyos ay gumawa na ng maraming gawain

at nagsalita na ng maraming salita—

gaano ang napakinggan ninyo at nasunod?

Kapag natapos na ang Kanyang gawain,

ito ang araw na titigil ka sa pagsalungat

at pagtindig laban sa Kanya.

Sa panahon ng Kanyang gawain,

kayo’y nakagawa laban sa Kanya,

gumagawa ng sariling “gawain” at kaharian.

Kayong mga soro at aso,

lahat ng ginagawa ninyo’y laban sa Kanya!


Sinusubukang yakapin

ang mga nagmamahal sa iyo,

nasaan inyong paggalang, mga mapanlinlang?

Maililigtas ba ang mga lapastangan

at walang galang na mga ito?


Ang pagiging ligtas ay ‘di nakabatay

sa gawain o mga kwalipikasyon.

Ito’y depende sa kung ang iyong pagsisikap ay,

ay nagbunga na, nagbunga na.


III

‘Di interesado sa daang ito,

katotohanan at buhay,

mas gusto ninyong magkaroon

ng kasalanan, pera’t katanyagan,

mga kasiyahan at pagnanasa ng laman.

Paano kayo makakapasok sa kaharian ng Diyos?

Inyong imahe’t katayuan

ay mas dakila kaysa sa Diyos.

Kayo’y naging idolo na sa mga tao.

Hindi ba naging arkanghel ka na?


Ang pagiging ligtas ay ‘di nakabatay

sa gawain o mga kwalipikasyon.

Ito’y depende sa kung ang iyong pagsisikap ay,

ay nagbunga na, nagbunga na.


Kapag ang mga kinalabasan ng tao

ay nahahayag,

kapag ang gawain ng kaligtasan

ay malapit nang matapos,

marami ang magiging mga bangkay na

wala nang kaligtasan at kailangang alisin.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 7

Sinundan: 380 Ang Mapanganib na mga Bunga ng Pagkakanulo sa Diyos

Sumunod: 382 Ano ang Magiging Katapusan Mo?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito