476 Ang Dapat Hangarin ng mga Kabataan
I
‘Di dapat taglayin ng kabataan
ang pagkiling at panlilinlang.
‘Di dapat gumawa ng mapanira’t
kasuklam-suklam na pagkilos.
Mayroon dapat silang adhikain,
pagsisikap na sumulong,
‘di pinanghihinaan ng loob,
may tiwala sa buhay, sa hinaharap.
May pagkakilala dapat ang kabataan,
hangad katotohana’t katarungan.
Hangarin lahat ng magandang bagay,
tamuhin realidad ng positibong bagay.
Maging responsable sa buhay.
Dapat niyo ‘tong seryosohin.
Dapat niyo ‘tong seryosohin.
II
Dapat magpatuloy ang kabataan sa katotohanan
para gumugol sa Diyos.
‘Di dapat sila magkulang nito,
ni magkimkim ng kasinungalinga’t kasamaan.
Dapat silang manindigan.
‘Di basta-basta nakikisabay,
may lakas ng loob magsakripisyo,
lumaban para sa hustisya’t katotohanan.
May pagkakilala dapat ang kabataan,
hangad katotohana’t katarungan.
Hangarin lahat ng magandang bagay,
tamuhin realidad ng positibong bagay.
Maging responsable sa buhay.
Dapat niyo ‘tong seryosohin.
Dapat niyo ‘tong seryosohin.
III
‘Di dapat bumigay ang kabataan sa
pang-aapi ng kadiliman.
Dapat may lakas-loob silang baguhin
ang kahulugan ng mga buhay nila.
‘Di nila dapat isinusuko
mga sarili sa paghihirap,
dapat silang maging bukas at prangka,
mapagpatawad sa kapwa.
May pagkakilala dapat ang kabataan,
hangad katotohana’t katarungan.
Hangarin lahat ng magandang bagay,
tamuhin realidad ng positibong bagay.
Maging responsable sa buhay.
Dapat niyo ‘tong seryosohin.
Dapat niyo ‘tong seryosohin.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita para sa mga Kabataan at Matatanda