Ano ang Inyong Pagkaunawa sa mga Pagpapala?

Bagama’t ang mga isinilang sa panahong ito ay ginawa nang tiwali ni Satanas at ng maruruming demonyo, ang katiwaliang iyon ay nagdulot din sa kanila ng lubusang kaligtasan, kaligtasang mas malaki pa kaysa sa mga alagang hayop sa mga bundok at kapatagan at sa napakalaking kayamanan ni Job, at mas malaki rin kaysa sa pagpapalang mamasdan si Jehova na natanggap ni Job kasunod ng kanyang mga pagsubok. Pagkatapos danasin ni Job ang pagsubok ng kamatayan, saka lamang niya narinig na magsalita si Jehova at narinig ang tinig ni Jehova mula sa ipu-ipo. Subalit hindi niya nakita ang mukha ni Jehova, at hindi niya nalaman ang Kanyang disposisyon. Ang natamo ni Job ay ang materyal na kayamanan lamang na nagbigay ng mga pisikal na kasiyahan at ng pinakamagagandang anak sa lahat ng lungsod sa paligid, pati na ng proteksyon ng mga anghel ng langit. Hindi niya nakita si Jehova kailanman, at bagama’t siya ay tinawag na matuwid, hindi niya nalaman kailanman ang disposisyon ni Jehova. At bagama’t masasabi na ang mga materyal na kasiyahan ng mga tao ngayon ay kakaunti sa kasalukuyan, o masungit ang kapaligiran ng mundo sa labas, ipinapakita Ko ang Aking disposisyon, na hindi Ko pa naibunyag sa tao kailanman at naging lihim na noon pa man, gayundin ang mga hiwaga ng libu-libong taong nakaraan sa mga tao, na pinakaaba sa lahat ngunit nabigyan Ko ng Aking pinakadakilang pagliligtas. Bukod pa riyan, ito ang unang pagkakataon na naibunyag Ko ang mga bagay na ito; hindi Ko pa nagawa kailanman ang ganitong gawain noon. Bagama’t napakababa ninyo kumpara kay Job, daig na daig ninyo siya sa inyong natamo at inyong nakita. Bagama’t napagdaanan ninyo ang lahat ng uri ng pagdurusa at naranasan ang lahat ng klase ng paghihirap, ang pagdurusang iyon ay hindi katulad paanuman ng mga pagsubok kay Job; sa halip, ito ang paghatol at pagkastigong tinanggap ng mga tao dahil sa kanilang pagkasuwail, dahil sa kanilang paglaban, at dahil sa Aking matuwid na disposisyon; ito ay matuwid na paghatol, pagkastigo, at sumpa. Si Job, sa kabilang dako, ay isang matuwid na Israelita na tumanggap ng dakilang pagmamahal at kabaitan ni Jehova. Wala siyang nagawang masama, at hindi siya lumaban kay Jehova; sa halip, tapat siyang nagmahal kay Jehova. Dahil sa kanyang katuwiran, sumailalim siya sa mga pagsubok, at dumaan sa nagniningas na mga pagsubok dahil siya ay isang matapat na lingkod ni Jehova. Ang mga tao ngayon ay sumasailalim sa Aking paghatol at sumpa dahil sa kanilang karumihan at kasamaan. Bagama’t ang kanilang pagdurusa ay hindi katulad ng pinagdaanan ni Job nang mawala ang kanyang mga alagang hayop, kanyang ari-arian, kanyang mga alipin, kanyang mga anak, at lahat ng mahal sa kanya, ang kanilang pinagdurusahan ay ang naglalagablab na pagpipino at pagsunog. At kaya mas seryoso iyon kaysa sa dinanas ni Job ay dahil ang mga pagsubok na iyon ay hindi nababawasan o naaalis dahil ang mga tao ay mahina; sa halip, pangmatagalan ang mga iyon, at nagpapatuloy hanggang sa huling araw ng buhay ng mga tao. Ito ay parusa, paghatol, at sumpa; ito ay walang-awang pagsunog, at higit pa riyan, ito ang tamang “pamana” sa sangkatauhan. Ito ang nararapat sa mga tao, at dito ipinapahayag ang Aking matuwid na disposisyon. Alam ng lahat ang katunayang ito. Magkagayunman, ang nakamit ng mga tao ay daig na daig pa ang pagdurusang tinitiis nila ngayon. Ang pagdurusang inyong tinitiis ay isang dagok lamang bunga ng inyong kahangalan, samantalang ang inyong nakamit ay daang beses na higit pa kaysa sa inyong pagdurusa. Ayon sa mga batas ng Israel sa Lumang Tipan, lahat ng lumalaban sa Akin, lahat ng hayagang humuhusga sa Akin, at lahat ng hindi sumusunod sa Aking daan, at sa halip ay buong tapang na naghahandog ng mga di-banal na alay sa Akin, ay tiyak na tutupukin ng apoy sa templo o babatuhin ng ilan sa mga taong hinirang hanggang sa mamatay, at kahit ang mga inapo ng sarili nilang angkan at iba pang direktang kamag-anakan ay daranasin ang Aking sumpa. Sa buhay na darating, hindi sila magiging malaya, kundi magiging mga alipin ng Aking mga alipin, at itatapon Ko sila sa piling ng mga Hentil, at hindi sila makakabalik sa kanilang bayang tinubuan. Batay sa kanilang mga kilos at pag-uugali, ang pagdurusang tinitiis ng mga tao ngayon ay hindi man lamang kasimbigat ng parusang dinanas ng mga Israelita. Ang pagsasabi na ang inyong dinaranas sa kasalukuyan ay paghihiganti ay makatwiran, dahil talagang lumagpas na kayo sa hangganan. Kung nasa Israel kayo, naging isa na sana kayo sa mga walang-hanggang makasalanan, at matagal na sana kayong pinagputol-putol ng mga Israelita at nasunog ng apoy mula sa langit sa templo ni Jehova. Ano na ang inyong nakamit ngayon? Ano na ang inyong natanggap, at ano na ang inyong natamasa? Naihayag Ko sa inyo ang Aking matuwid na disposisyon, ngunit ang pinakamahalaga ay na naihayag Ko ang Aking pasensya para sa pagtubos sa sangkatauhan. Masasabi na lahat ng gawaing Aking nagawa sa inyo ay gawain lamang ng pagpapasensya; ginawa iyon alang-alang sa Aking pamamahala at, higit pa riyan, ginawa iyon alang-alang sa kasiyahan ng sangkatauhan.

Bagama’t pinagdaanan ni Job ang mga pagsubok ni Jehova, isa lamang siyang matuwid na tao na sumamba kay Jehova. Sa kabila ng pagdaan sa gayong mga pagsubok, hindi siya nagreklamo tungkol kay Jehova, at pinahalagahan niya ang pakikipagtagpo niya sa Kanya. Hindi lamang hindi itinatangi ng mga tao ngayon ang presensya ni Jehova, kundi tinatanggihan, kinamumuhian, inirereklamo, at pinagtatawanan pa nila ang Kanyang pagpapakita. Hindi ba kayo nagkamit ng marami? Napakalaki ba talaga ng naging pagdurusa ninyo? Hindi ba kayo mas mapalad kaysa kina Maria at Santiago? At talaga bang naging napakaliit lang ng inyong paglaban? Maaari kayang napakabigat at napakarami Kong kinailangan at hiningi sa inyo? Pinakawalan lamang ang Aking poot sa mga Israelitang lumaban sa Akin, hindi direkta sa inyo; ang inyong natamo ay ang Akin lamang walang-awang paghatol at mga pagpapahayag, pati na ang walang-humpay na nagniningas na pagpipino. Sa kabila nito, patuloy Akong nilalabanan at pinabubulaanan ng mga tao, at ginagawa nila iyon nang wala ni kaunting pagpapasakop. May ilan pa na inilalayo ang sarili nila sa Akin at itinatatwa Ako; ang gayong mga tao ay walang pinagkaiba sa pangkat nina Kora at Datan na kumontra kay Moises. Napakatigas ng puso ng mga tao, at ang kanilang kalikasan ay napakasutil. Hindi nila binabago ang mga dati nilang gawi kailanman. Masasabi Ko na sila ay hubad na parang mga patutot sa ilalim ng sikat ng araw, at mabagsik ang Aking mga salita hanggang sa maaari ngang “masakit pakinggan” ang mga ito, na naglalantad sa kalikasan ng mga tao sa liwanag ng araw—subalit tumatango lamang sila, lumuluha nang kaunti, at pinipilit ang sarili nila na malungkot nang bahagya. Kapag nakalipas na ito, kasimbangis sila ng hari ng mababangis na hayop sa kabundukan, at wala sila ni katiting na kamalayan. Paano malalaman ng mga taong may ganitong disposisyon na daang beses silang naging mas mapalad kaysa kay Job? Paano nila matatanto na ang kanilang tinatamasa ay mga pagpapalang halos hindi nakita sa nagdaang mga kapanahunan, at na hindi pa natamasa ninuman noong araw? Paano mararamdaman ng konsiyensya ng mga tao ang gayong mga pagpapala, mga pagpapalang may lakip na kaparusahan? Sa deretsahang pagsasalita, ang tanging hinihingi Ko sa inyo ay upang kayo ay maging mga huwaran para sa Aking gawain, mga saksi para sa Aking buong disposisyon at sa lahat ng kilos Ko, at upang kayo ay mapalaya mula sa mga pagpapahirap ni Satanas. Subalit ang sangkatauhan ay palaging nasusuklam sa Aking gawain at sadyang laban dito. Paano Ako hindi mauudyukan ng gayong mga tao na ibalik ang mga batas ng Israel, at ipataw sa kanila ang poot na ipinataw Ko sa Israel? Bagama’t marami sa inyo ang “masunurin at nagpapasakop” sa Akin, mas marami pang kauri ng pangkat ni Kora. Kapag natamo Ko na ang Aking ganap na kaluwalhatian, gagamitin Ko ang apoy mula sa langit upang sunugin sila hanggang sa maging abo. Dapat ninyong malaman na hindi Ko na kakastiguhin ang mga tao sa pamamagitan ng Aking mga salita; sa halip, bago Ko gawin ang gawain ng Israel, lubos kong susunugin “ang pangkat ni Kora” na lumalaban sa Akin at na matagal Ko nang inalis. Hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang sangkatauhan na tamasahin Ako; sa halip, ang makikita lamang nila ay ang Aking poot at mga apoy mula sa langit. Ibubunyag Ko ang iba-ibang kalalabasan ng lahat ng uri ng mga tao, at hahatiin Ko silang lahat sa iba’t ibang kategorya. Itatala Ko ang bawat pagsuway nila at saka ko tatapusin ang Aking gawain, upang mapagpasyahan ang kalalabasan ng mga tao batay sa Aking hatol habang Ako ay nasa lupa pati na ang kanilang mga saloobin sa Akin. Pagdating ng panahong iyon, walang anumang makakapagbago ng kanilang kalalabasan. Hayaang ibunyag ng mga tao ang sarili nilang kalalabasan! Pagkatapos ay ipapasa Ko ang kalalabasan ng mga tao sa Ama sa langit.

Sinundan: Hindi Kayang Kumatawan ng mga Taong Hinirang sa China sa Anumang Angkan ng Israel

Sumunod: Ano ang Pagkaunawa Mo sa Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito