Ang Likas na Pagkakakilanlan ng Tao at ang Kanyang Halaga: Ano Talaga ang mga Ito?
Kayo ay inihiwalay mula sa putik at, ano man ang mangyari, kayo ay pinili mula sa mga latak, marumi at kinasusuklaman ng Diyos. Kayo ay napabilang kay Satanas at minsan nang niyurakan at dinungisan nito. Iyon ang dahilan kung bakit sinasabi na kayo ay inihiwalay mula sa putik, at, malayo sa pagiging banal, sa halip kayo ay mga di-taong bagay na matagal nang pakay ng mga panlilinlang ni Satanas. Ito ang pinakaangkop na pagsasalarawan sa inyo. Dapat ninyong matanto na kayo ay orihinal na mga karumihan na matatagpuan sa di-umaagos na tubig at putik, na kabaligtaran sa kanais-nais na mga huli kagaya ng isda at hipon, sapagkat walang bagay na nagbibigay ng kagalakan ang maaaring makuha mula sa inyo. Sa tahasang pananalita, kayo ang pinakaabang mga hayop sa isang mababang lipunan, na mas malala pa kaysa mga baboy at mga aso. Sa tapat na pananalita, ang tawagin kayo gamit ang gayong mga termino ay hindi labis na pagpapahayag o kalabisan, bagkus ay pinasisimple nito ang usapin. Ang tawagin kayo gamit ang gayong mga termino ay maaari pa ngang masabi na isang paraan upang kayo ay bigyang galang. Ang inyong kabatiran, pananalita, pag-uugali bilang mga tao, at ang bawat aspeto ng inyong buhay, kabilang na ang inyong katayuan sa putik, ay sapat na upang patunayan na ang inyong pagkakakilanlan ay “hindi pangkaraniwan.”