Ang Pinakadiwa at Pagkakakilanlan ng Tao

Sa katunayan, hindi nabigo ang mga Israelita; nakita nila ang gawaing ginagawa ng Diyos sa loob ng nakaraang anim na libong taon, sapagkat hindi Ko sila tinalikuran. Sa halip, dahil kinain ng mga ninuno nila ang bunga mula sa puno ng kaalaman ng kabutihan at kasamaan, na iniregalo ng diyablo sa kanila, tinalikuran nila Ako para sa kasalanan. Ang kabutihan ay palaging sa Akin, samantalang ang kasamaan ay sa diyablo na humihimok sa Akin alang-alang sa kasalanan. Hindi Ko sinisisi ang mga tao, ni hindi Ko sila pinupuksa nang walang awa at isinasailalim sa walang-awang pagkastigo, sapagkat ang kasamaan ay hindi sa sangkatauhan sa simula. Samakatuwid, bagamat hayagan Akong ipinako sa krus ng mga Israelita na iyon, sila, na naghihintay sa Mesiyas at kay Jehova at nananabik sa Tagapagligtas na si Jesus, ay hindi nila kailanman nakalimutan ang pangako Ko: Sapagkat hindi Ko sila tinalikdan. Kahit na kinuha Ko ang dugo bilang katibayan para sa tipan na itinatag Ko sa sangkatauhan; ang katotohanang ito ang naging “dugong tipan” na nakaukit sa mga puso ng mga kabataan at walang sala, tulad ng tatak at walang hanggang nakasandig sa isa’t isa tulad ng langit at lupa. Sapagkat hindi Ko kailanman dinaya ang mga malulungkot na kaluluwang itinalaga, pinili, at kalaunan ay tinubos at nakamit Ko, at na mas minahal Ako kaysa sa pagmamahal nila sa diyablo, sabik nilang inaasahan ang pagbabalik Ko at marubdob na hinihintay ang pakikipagtagpo sa Akin. Yamang hindi Ko kailanman binura ang tipan na itinatag Ko sa kanila sa pamamagitan ng dugo, hindi nakagugulat na taimtim silang naghihintay. Bibihagin Kong muli ang mga tupang ito na maraming taon nang naliligaw, sapagkat palagi Kong minamahal ang mga tao; naidagdag lamang ang mga sangkap ng kasamaan sa kabutihang nasa loob nila. Makakamit Ko ang mga kawawang kaluluwang nagmamahal sa Akin at na siyang matagal Ko nang minamahal, ngunit paano Ko madadala sa tahanan Ko ang mga masasamang hindi Ako kailanman minahal, at umaasal tulad ng mga kaaway? Hindi Ko dadalhin sa kaharian Ko ang mga inapo ng diyablo at ng ulupong na kinamumuhian, sinasalungat, nilalabanan, sinasalakay, at isinusumpa Ako, sa kabila ng tipan na itinatag Ko sa tao sa pamamagitan ng dugo. Dapat mong malaman kung ano talaga ang layunin ng gawain Ko, at kung para kanino Ko ito isinasakatuparan. Naglalaman ba ang pagmamahal mo ng mabuti o masama? Ang kaalaman mo ba sa Akin ay katulad ng kay David at Moises o hindi? Ang paglilingkod mo ba sa Akin ay kagaya ng kay Abraham o hindi? Totoong ginagawa Kitang perpekto, ngunit dapat mong malaman kung sino ang kakatawanin mo, pati na rin ang kung kaninong kinalabasan ang ibabahagi mo. Sa buong buhay mo, sa karanasan mo sa gawain Ko, nakapaggapas ka na ba ng masaya at masaganang ani? Masagana at mabunga ba ito? Dapat kang magmuni-muni sa sarili mo: Kumayod ka sa loob ng maraming taon para sa kapakanan Ko, ngunit mayroon ka bang anumang nakuha? Sumailalim ka ba sa anumang pagbabago o nagtamo ng anuman? Bilang kapalit ng mahihirap na karanasan mo, naging katulad ka ba ni Pedro na ipinako sa krus, o kagaya ni Pablo na inilugmok at tumanggap ng isang matinding liwanag? Dapat ay magkaroon ka ng ilang pagkaunawa sa mga bagay na ito. Hindi Ako palaging nagsasalita o nakatuon sa buhay mo, na mas maliit pa kaysa sa binhi ng mustasa at kasing liit ng isang butil ng buhangin. Upang maging malinaw, ang sangkatauhan ang siyang pinamamahalaan Ko. Gayunman, hindi Ko itinuturing ang buhay ng tao, na kinamuhian Ko nang minsan ngunit kalaunan ay pinulot muli, bilang isang mahalagang bahagi ng pamamahala Ko. Dapat kang magkaroon ng malinaw na ideya sa tunay na kalikasan ng dating pagkakakilanlan ninyo, gayundin sa kung kanino kayo bilang mga alipin. Kaya naman, hindi ko ginagamit ang mga mukha ng mga tao, na kapareho ng kay Satanas, bilang magagamit na mga hilaw na sangkap upang pamahalaan ang mga tao, sapagkat hindi kailanman naging mahahalagang bagay ang mga tao. Dapat ninyong maalala ang saloobin Ko sa inyo sa simula, at alalahanin ang paraan ng pagsasalita Ko sa inyo noon—hindi isang pangalang walang praktikal na kabuluhan. Dapat mong mabatid na hindi walang mga dahilan ang mga bansag sa inyo. Ipinapalagay Ko na nababatid ninyong lahat na hindi kayo sa Diyos, ngunit maagang nabihag ni Satanas at nagsilbi sa tahanan nito bilang matatapat na tagapaglingkod; bukod dito, matagal na ninyo Akong nakalimutan, dahil matagal na kayong nasa labas ng tahanan Ko at nasa mga kamay ng diyablo. Ang mga taong inililigtas Ko ay mga matagal Ko nang itinalaga at mga tinubos Ko, samantalang kayo ay mga kaawa-awang kaluluwa na inilagay sa gitna ng sangkatauhan bilang mga nabubukod sa panuntunan. Dapat ninyong malaman na hindi kayo kabilang sa tahanan ni David o ni Jacob, kundi kay Moab, na kung saan mula sa isang tribong Hentil ang mga kasapi. Sapagkat hindi Ko itinatag ang isang tipan sa inyo, kundi gumawa lamang ng gawain, nagsalita sa gitna ninyo, at inakay kayo. Hindi dumanak ang dugo Ko para sa inyo; isinasakatuparan Ko lamang ang gawain Ko sa gitna ninyo alang-alang sa patotoo Ko. Hindi ba ninyo alam ito? Ang gawain Ko ba ay talagang kagaya ng kung paano nilabasan ng dugo hanggang mamatay si Jesus para sa inyo? Hindi ito sulit sa simula pa lamang, na nagtiis Ako ng ganito kalaking kahihiyan para sa inyo. Ang Diyos, na ganap na walang kasalanan, ay agad na pumunta sa isang labis na napakanakapandidiring lugar, isang mundo ng mga baboy at ng mga aso na hindi karapat-dapat tirahan ng tao, subalit tiniis Ko pa rin ang lahat ng malulupit na kahihiyang ito para sa kaluwalhatian ng Ama Ko at para sa walang-hanggang patotoo. Dapat ninyong mabatid kung ano ang asal ninyo, at makita na hindi kayo mga anak na isinilang sa “mga mayayaman at makapangyarihang pamilya,” kundi mga naghihikahos na supling ni Satanas lamang. Hindi rin kayo ang mga patriyarka ng sangkatauhan, ni wala kayong mga karapatang pantao o kalayaan. Sa simula ay wala kayong bahagi na kahit na ano pa man sa mga pagpapala ng sangkatauhan ni ng kaharian ng langit. Ito ay dahil nasa pinakamababang antas kayo ng sangkatauhan, at hindi Ko kailanman naisip ang kinabukasan ninyo. Samakatuwid, bagaman bahagi ng plano Ko ngayon na magkakaroon Ako ng kumpiyansa upang gawin kayong perpekto, isa itong gawain na wala pang nakagagawa, sapagkat napakababa ng katayuan ninyo at sa simula ay wala kayong bahagi sa sangkatauhan. Hindi ba’t isa talaga itong pagpapala sa mga tao?

Ang mga inililigtas Ko ay mga kaluluwang matagal Ko nang pinalaya mula sa purgatoryo, pati na rin ang mga hinirang na matagal Ko nang binisita, sapagkat hinangad nila ang Aking muling pagpapakita sa kanila. Minahal nila Ako, at iniukit sa mga puso nila ang tipan Ko, na itinatag Ko sa pamamagitan ng dugo, sapagkat minahal Ko sila. Kagaya sila ng mga naligaw na tupa na naghahanap sa Akin sa loob ng maraming taon, at mabuti sila; samakatuwid, tinatawag Ko silang mabubuting Israelita at kaibig-ibig na mga munting anghel. Hindi Ako magdurusa ng ganitong kahihiyan kung kasama Ko sila. Ito ay dahil mas minamahal nila Ako kaysa sa pagmamahal nila sa sarili nilang mga buhay, at minamahal Ko sila bilang pinakamagaganda sa lahat ng bagay. Ito ay dahil nilikha Ko sila at sila ay sa Akin; hindi nila Ako kailanman nakalimutan. Nahihigitan ng pagmamahal nila ang sa inyo, at mas minamahal nila Ako kaysa sa pagmamahal ninyo sa mga sarili ninyong buhay. Nagpapasakop sila sa Akin tulad ng pagpapasakop ng mga munting puting kalapati sa himpapawid, at sa mga puso nila ay mas may pagsunod sa Akin kaysa sa inyo. At ito ay dahil mga inapo sila ni Jacob, supling ni Adan, at kasama ng mga hinirang Ko, sapagkat minahal Ko sila nang matagal na panahon—at mas lalo Ko silang minahal kaysa sa inyo; ito ay dahil masyado kayong mapanghimagsik, mayroon kayong matinding paglaban, masyado ninyo Akong minamaliit, masyado kayong malamig sa Akin, napakaliit ng pagmamahal ninyo sa Akin, at masyado ninyo Akong kinapopootan. Masyado ninyong hinahamak ang gawain Ko at kinamumuhian ang mga kilos Ko. Hindi kagaya nila, hindi ninyo kailanman pinahalagahan ang mga gawa Ko. Sa halip, kinamumuhian ninyo sila, namumula ang mga mata ninyo sa pagkabahala, kagaya ng kay Satanas. Nasaan ang pagpapasakop ninyo? Nasaan ang pagkatao ninyo? Nasaan ang pagmamahal ninyo? Kailan ninyo ipinakita ang mga sangkap ng pagmamahal na nasa loob ninyo? Kailan ninyo sineryoso ang gawain Ko? Kaawaan nawa ang maririkit na anghel na sabik na inaabangan ang pagdating Ko at matinding nagdurusa habang marubdob na naghihintay sa Akin, sapagkat minamahal Ko sila nang labis. Gayunman, ang nakikita Ko ngayon ay isang hindi-taong mundo na walang kinalaman sa kanila. Hindi ba ninyo naiisip na matagal nang naging manhid at walang pakiramdam ang mga budhi ninyo? Hindi ba ninyo naiisip na kayo ang mga basurang humahadlang sa muling pagsasama Ko at ng mga maririkit na anghel? Kailan ba sila hindi naghihintay sa pagbabalik Ko? Kailan ba sila hindi naghihintay na muli Akong makasama? Kailan ba sila hindi umaasang gumugol ng magagandang araw na kasama Ako at kumakaing kasama Ako? Napagtatanto ba ninyo kung ano ang ginagawa ninyo ngayon: rumaragasa sa buong mundo; nagpapakana laban sa isa’t isa; nililinlang ang isa’t isa; umaasal nang pataksil, palihim, at walang kahihiyan; hindi nababatid ang katotohanan; kumikilos nang may kabuktutan at panlilinlang; nambobola; itinuturing ang mga sarili ninyo na palaging tama at mas mahusay kaysa sa iba; nagiging mapagmataas; at walang pakundangan kagaya ng mga ligaw na hayop sa mga kabundukan at kasing gaspang ng hari ng mga hayop—angkop ba sa isang tao ang mga asal na ito? Kayo ay bastos at hindi makatwiran. Hindi ninyo kailanman pinahalagahan ang mga salita Ko, ngunit sa halip ay nagkaroon ng isang mapanghamak na saloobin sa mga ito. Saan magmumula sa ganitong paraan ang mga tagumpay, ang isang tunay na buhay ng tao, at ang magagandang pag-asa? Tunay ka bang sasagipin ng labis-labis na guni-guni mo mula sa bibig ng tigre? Tunay ka bang sasagipin nito mula sa nagliliyab na apoy? Mahuhulog ka ba sa puntong ito kung totoong itinuring mong walang kasing halagang kayamanan ang gawain Ko? Maaari kayang talagang hindi maaaring mabago ang kapalaran mo? Handa ka bang mamatay na may ganitong mga panghihinayang?

Sinundan: Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan

Sumunod: Ang Likas na Pagkakakilanlan ng Tao at ang Kanyang Halaga: Ano Talaga ang mga Ito?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito