896 Laging Naghihintay ang Diyos na Bumalik sa Kanya ang Tao
Ⅰ
Natawag na ng Espiritu ng Diyos ang tao,
pero sila’y mistulang nasaksak ng Diyos.
Tinitingnan niya ang Diyos mula sa malayo,
sa takot na aakayin siya sa ibang mundo.
Nagtanong na’ng Diyos sa espiritu ng tao,
pero tao’y wala pa ring kamalayan,
takot na alisan ng Diyos ng ari-arian,
kaya hindi niya pinapapasok ang Diyos.
‘Di Siya namimilit, gumagawa lang ang Diyos.
Tao’y lalangoy balang-araw sa dagat patungo sa Diyos,
upang matamasa niya ang lahat ng yaman sa lupa,
isasantabi niya panganib na malunod.
Ⅱ
No’ng tao’y bumagsak, nailigtas siya ng Diyos,
pero sa paggising agad linilisan ang Diyos;
‘di naantig ng pag-ibig Niya, depensibo.
Kaya’t ‘di Niya pa napainit ang puso ng tao.
‘Di Siya namimilit, gumagawa lang ang Diyos.
Tao’y lalangoy balang-araw sa dagat patungo sa Diyos,
upang matamasa niya ang lahat ng yaman sa lupa,
isasantabi niya panganib na malunod.
Ⅲ
Tao’y walang emosyong nilalang,
siya’y isang malupit na hayop.
Napapainit man siya ng yakap ng Diyos,
siya’y ‘di kailanman naantig nito.
Tao’y mistulang taong-bundok,
‘di kailanman pinahalagahan ang pag-ibig ng Diyos,
gugustuhin pang mamuhay sa ilang, tiisin mga hayop;
ayaw niyang magkubli sa Diyos.
‘Di Siya namimilit, gumagawa lang ang Diyos.
Tao’y lalangoy balang-araw sa dagat patungo sa Diyos,
upang matamasa niya ang lahat ng yaman sa lupa,
isasantabi niya panganib na malunod.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 20