Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula—Kabanata 2

Nagkahugis na ang iglesia ng Philadelphia, na ganap na dahil sa biyaya at awa ng Diyos. Ang mga pusong mapagmahal sa Diyos ay isinilang sa napakaraming banal, na hindi nag-aalinlangan sa kanilang espirituwal na paglalakbay. Matatag sila sa kanilang pananampalataya na nagkatawang-tao na ang nag-iisang tunay na Diyos, na Siya ang Pinuno ng sansinukob, na nag-uutos sa lahat ng bagay: Pinagtibay ito ng Banal na Espiritu, kasintatag ito ng kabundukan! Hindi ito magbabago kailanman!

O, Makapangyarihang Diyos! Ngayon ay Ikaw ang nagbukas sa aming mga espirituwal na mata, na tinutulutang makakita ang bulag, makalakad ang pilay, at mapagaling ang mga ketongin. Ikaw ang nagbukas sa durungawan sa langit, na tinutulutan kaming mahiwatigan ang mga hiwaga ng espirituwal na dako. Naturuan ng Iyong mga banal na salita at naligtas mula sa aming pagkatao, na ginawang tiwali ni Satanas—ganyan ang Iyong di-masukat na dakilang gawain at Iyong di-masukat na matinding awa. Kami ay Iyong mga saksi!

Matagal Kang nanatiling nakatago, nang mapagkumbaba at tahimik. Naranasan Mo ang muling pagkabuhay mula sa kamatayan, sa pagdurusa ng pagpapapako sa krus, sa mga kagalakan at kalungkutan ng buhay ng tao, at sa pag-uusig at kahirapan; naranasan at nalasap Mo ang pasakit ng mundo ng tao, at tinalikdan Ka ng kapanahunan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang Diyos Mismo. Alang-alang sa kalooban ng Diyos, iniligtas Mo kami mula sa tumpok ng dumi, at inaalalayan kami gamit ang Iyong kanang kamay, at malayang ibinigay sa amin ang Iyong biyaya. Tiniis ang mga pasakit, ihinubog Mo ang Iyong buhay sa amin; ang halagang binayaran Mo gamit ang Iyong dugo, pawis at luha ay kumikislap sa mga banal. Kami ang produkto ng[a] Iyong napakaingat na pagsisikap; kami ang halagang binayaran Mo.

O, Makapangyarihang Diyos! Dahil sa Iyong kabutihang-loob at awa, sa Iyong katuwiran at pagiging maharlika, sa Iyong kabanalan at pagpapakumbaba kaya yuyukod sa Iyong harapan ang lahat ng bayan at sasambahin Ka nang walang-hanggan.

Ngayon ay nagawa Mo nang ganap ang lahat ng iglesia—ang iglesia ng Philadelphia—at sa gayon ay natupad ang Iyong 6,000-taong plano ng pamamahala. Maaaring mapagpakumbabang magpasakop ang mga banal sa Iyong harapan, na nakaugnay sa espiritu at sumusunod nang may pagmamahal, nakaugnay sa pinagmumulan ng bukal. Dumadaloy nang walang-tigil ang buhay na tubig ng buhay, at hinuhugasan at nililinis ang lahat ng putik at maruming tubig sa iglesia, muling dinadalisay ang Iyong templo. Nakilala na namin ang praktikal na tunay na Diyos, naipamuhay ang Kanyang mga salita, nakilala ang aming sariling mga gawain at tungkulin, at nagawa ang lahat ng makakaya namin upang gugulin ang aming sarili para sa iglesia. Laging tahimik sa Iyong harapan, kailangan naming sundin ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi ay mahahadlangan namin ang kalooban Mo. Nagmamahalan ang mga banal, at mapupunan ng mga kalakasan ng ilan ang mga pagkukulang ng iba. Kaya nilang lumakad sa espiritu sa lahat ng oras, na naliliwanagan at tinatanglawan ng Banal na Espiritu. Isinasagawa nila kaagad ang katotohanan pagkatapos na maunawaan ito. Sumasabay sila sa bagong liwanag at sumusunod sa mga yapak ng Diyos.

Aktibong makipagtulungan sa Diyos; ang pagpapaubaya na Siya ang kumontrol ay paglakad na kasama Niya. Lahat ng ating sariling ideya, kuru-kuro, opinyon, at sekular na gawain ay nawawalang parang bula gaya ng usok. Hinahayaan nating maghari nang kataas-taasan ang Diyos sa ating espiritu, lumalakad na kasama Niya at sa gayon ay nangingibabaw, nadaraig ang mundo, at malayang lumilipad at lumalaya ang ating espiritu: Ito ang kinalalabasan kapag naging Hari ang Makapangyarihang Diyos. Paano tayong hindi sasayaw at aawit ng mga papuri, mag-aalay ng ating mga papuri, mag-aalay ng mga bagong himno?

Talagang maraming paraan para purihin ang Diyos: pagtawag sa Kanyang pangalan, paglapit sa Kanya, pag-iisip sa Kanya, pagbabasa nang padalangin, pagbabahaginan, pagmumuni-muni at pagbubulay-bulay, pagdarasal, at pag-awit ng mga papuri. Sa ganitong mga uri ng papuri ay mayroong kagalakan, at mayroong pagpapahid ng langis; mayroong kapangyarihan sa papuri, at mayroon ding pasanin. Mayroong pananampalataya sa papuri, at mayroong bagong kabatiran.

Aktibong makipagtulungan sa Diyos, makipag-ugnayan sa paglilingkod at maging isa, tuparin ang mga layunin ng Makapangyarihang Diyos, magmadaling maging isang banal na espirituwal na katawan, tapakan si Satanas, at wakasan ang kapalaran ni Satanas. Ang iglesia ng Philadelphia ay nadala na sa presensya ng Diyos at naipakita sa Kanyang kaluwalhatian.

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “ang produkto ng.”

Sinundan: Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula—Kabanata 1

Sumunod: Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula—Kabanata 3

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito