Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula—Kabanata 1

Nakarating na ang papuri sa Sion at lumitaw na ang tahanan ng Diyos. Ang maluwalhating banal na pangalan ay pinupuri ng di-mabilang na hinirang na mga tao ng Diyos at lumalaganap ito. Ah, Makapangyarihang Diyos! Ang Pinuno ng sansinukob, ang Cristo ng mga huling araw—Siya ang nagniningning na Araw na sumikat sa loob ng buong sansinukob, sa itaas ng maharlika at marilag na Bundok ng Sion …

Makapangyarihang Diyos! Tumatawag kami sa Iyo sa kagalakan; sumasayaw at umaawit kami. Tunay na Ikaw ang aming Manunubos, ang dakilang Hari ng sansinukob! Nakagawa Ka na ng isang grupo ng mga mananagumpay at natupad Mo na ang plano ng pamamahala ng Diyos. Magsisiparoon ang di-mabilang na hinirang na mga tao ng Diyos sa bundok na ito. Luluhod ang di-mabilang na hinirang na mga tao ng Diyos sa pagsamba sa harap ng trono! Ikaw ang nag-iisa at tanging tunay na Diyos at karapat-dapat Ka sa kaluwalhatian at karangalan. Lahat ng kaluwalhatian, papuri, at awtoridad ang mapasa-trono! Dumadaloy mula sa trono ang bukal ng buhay, dinidiligan at pinakakain ang lahat ng tao ng Diyos. Nagbabago ang buhay araw-araw; sinusundan tayo ng bagong liwanag at mga paghahayag, at patuloy tayong nagkakamit ng mga bagong kabatiran tungkol sa Diyos. Sa pamamagitan ng karanasan ay dumarating ang lubos na katiyakan tungkol sa Diyos. Ang Kanyang mga salita ay patuloy na nagpapakita, nagpapakita sa kalooban ng mga tamang tao. Tunay ngang labis tayong pinagpala! Tayo ay harap-harapan sa Diyos bawat araw, nakikipagbahaginan tayo sa Diyos sa lahat ng bagay, at hinahayaan natin ang Diyos na maghari sa lahat ng bagay. Pinagbubulay-bulayan nating mabuti ang salita ng Diyos, tumatahimik ang ating puso sa Diyos—sa paraang ito ay lumalapit tayo sa harapan ng Diyos, at doon ay natatanggap natin ang Kanyang pagtanglaw. Sa bawat araw, ang buhay, mga kilos, salita, kaisipan, at ideya ay naisasabuhay sa loob ng salita ng Diyos, at mayroong pagkilatis sa lahat ng oras. Ang salita ng Diyos ang gumagabay sa sinulid sa butas ng karayom; nang di-inaasahan, nalalantad ang mga bagay na nakatago sa ating kalooban, nang sunod-sunod. Ang pakikipagbahaginan sa Diyos ay hindi maaaring maantala; inilalantad ng Diyos ang mga kaisipan at ideya. Sa bawat sandali ay nabubuhay tayo sa harap ng luklukan ni Cristo, at nararanasan natin ang paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo. Nananatiling sakop ni Satanas ang bawat bahagi sa loob ng ating katawan. Ngayon, upang mabawi ang pagkahari ng Diyos, kinakailangang linisin ang Kanyang templo. Upang ganap na masakop ng Diyos, kailangang maranasan ang isang buhay at kamatayan na pakikibaka. Kapag naipako na sa krus ang dating sarili, saka lamang maghahari ang muling nabuhay na buhay ni Cristo.

Nagsisimula ngayon ng isang pagsalakay ang Banal na Espiritu sa bawat sulok natin upang makidigma para mabawi tayo! Basta’t kusang-loob nating itatatwa ang ating sarili at handa tayong makipagtulungan sa Diyos, tiyak na tatanglawan at lilinisin ng Diyos ang ating kalooban sa lahat ng oras, at babawiing muli yaong nasakop na ni Satanas, nang sa gayon, tayo ay magawang ganap ng Diyos sa lalong madaling panahon. Huwag mag-aksaya ng panahon—ipamuhay ang bawat sandali sa loob ng salita ng Diyos. Mapatatag na kasama ng mga banal, madala sa kaharian, at pumasok sa kaluwalhatian kasama ng Diyos.

Sinundan: Paunang Salita

Sumunod: Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula—Kabanata 2

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito