Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Nilalaman

Punong Salita

Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na lahat ng mga taong hindi nakakaalam sa Diyos ay nagtataglay ng isang nakakalitong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagkat ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, sa gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang hangarin ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwat ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa guwang na mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang sustansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugang wala nang higit pa sa pagtanggap sa maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Kanya nguni’t tinututulan Siya, tunay na makakatupad sa hangarin ng Diyos?

Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring mapag-usapan bilang magkapantay. Ang Kanyang sustansya at ang Kanyang gawain ay ang pinaka di-maaarok at hindi kayang unawain ng tao. Kung ang Diyos ay hindi personal na gumagawa ng Kanyang gawain at nagbibigkas ng Kanyang mga salita sa mundo ng tao, samakatwid ang tao ay hindi kailanman mauunawaan ang kalooban ng Diyos, at sa gayon, kahit yaong mga naglaan ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi maaaring makatamo ng Kanyang pagsang-ayon. Kung wala ang gawain ng Diyos, gaano man kabuti ang ginagawa ng tao, mababalewala iyon, pagkat ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging magiging mas mataas kaysa sa mga pag-iisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng tao. At sa gayon sinasabi ko na yaong mga “umalam” sa Diyos at Kanyang gawain ay walang saysay, lahat sila ay mayabang at mangmang. Ang tao ay hindi dapat limitahan ang gawain ng Diyos; higit pa rito, hindi maaaring limitahan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay mas maliit kaysa sa isang langgam, kung kaya paano maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Yaong mga patuloy na nagsasabi, “Ang Diyos ay hindi gumagawa sa ganito o ganoong paraan” o “Ang Diyos ay tulad nito o noon”—hindi ba silang lahat ay mayabang? Dapat nating kilalanin ang ganoong mga tao, na siyang galing sa laman, na lahat ay sinira ni Satanas. Ito ay kanilang kalikasan na tutulan ang Diyos, at hindi sila kapantay ng Diyos, lalong hindi nila kayang mag-alok ng payo para sa gawain ng Diyos. Kung paano gabayan ng Diyos ang tao ay gawain ng Diyos Mismo. Dapat pasailalim ang tao, at dapat hindi magkaroon ng gayo’t gayong pananaw, pagkat ang tao ay alabok lang. Yamang sinusubukan nating hanapin ang Diyos, hindi natin dapat ipaibabaw ang ating mga kabatiran sa gawain ng Diyos para sa pagsasaalang-alang ng Diyos, lalo na sa lahat hindi dapat natin gamitin ang ating mga tiwaling disposisyon upang sadyang subukan na tutulan ang gawain ng Diyos. Hindi kaya nito gawin tayong mga antikristo? Paano maaaring sabihin ng mga ganoong tao na sila’y naniniwala sa Diyos? Yamang tayo ay naniniwala na mayroong Diyos, at yamang ninanais natin na bigyan-kasiyahan Siya at makita Siya, dapat nating hanapin ang daan ng katotohanan, at hanapin ang paraan upang maging kaayon ng Diyos. Hindi tayo dapat patigasang-leeg na nakikipagpaligsahan sa Diyos; anong kabutihan ang maaaring manggaling mula sa ganoong mga pagkilos?

Ngayon, ang Diyos ay may bagong gawain. Maaaring hindi mo matanggap ang mga salitang ito, maaaring sila ay may kakaibang iparamdam sa iyo, subalit ang payo ko sa iyo ay huwag ibunyag ang iyong pagiging likas, pagkat tanging yaon na tunay na nagugutom at nauuhaw para sa pagkamatuwid sa harap ng Diyos ang maaaring makatamo ng katotohanan, at tanging yaon na tunay na taos-puso ang maaaring maliwanagan at magabayan ng Diyos. Walang ibubunga ang paghahanap sa katotohanan sa pamamagitan ng pakikipag-away. Tanging sa paghahanap nang mahinahon tayo maaaring makakuha ng mga resulta. Kapag sinabi ko na, “Ngayon, ang Diyos ay may bagong gawain,” ang tinutukoy ko ay ang pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao. Marahil hindi mo papansinin ang mga katagang ito, marahil kinamumuhian mo sila, o marahil ikaw ay may malaking interes sa kanila. Ano man ang kaso, inaasahan ko na lahat yaong mga tunay na naghahangad ng pagpapakita ng Diyos ay maaaring humarap sa katunayang ito at bigyan ito ng maingat na pagsasaalang-alang. Napakainam na huwag padalus-dalos sa mga pagpapasya. Ito ang paraan na dapat ikilos ng mga taong marurunong.

Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit nangangailangan mula sa bawat isa sa atin na alamin ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay sa sustansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, dapat dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi naglalaman ng sustansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; ito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat natukoy ito ng tao mula sa disposisyon na ipinapahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang sustansya. At sa gayon, sa pagtukoy[a] kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyan-pansin ang Kanyang sustansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba) sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pansinin ang Kanyang sustansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao. Ang panlabas na kaanyuan ay hindi tumutukoy ng sustansya; bukod pa rito, ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman umayon sa mga kabatiran ng tao. Hindi ba’t ang panlabas na kaayuan ni Jesus ay salungat sa mga kabatiran ng tao? Hindi ba’t ang Kanyang kaanyuan at pananamit ay hindi nakapagbigay ng anumang palatandaan hinggil sa Kanyang tunay na pagkakakilanlan? Hindi kaya ang dahilan kung bakit ang mga pinakaunang mga Pariseo ay sumalungat kay Jesus ay sapagkat tiningnan lamang nila ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi isinapuso ang mga salita na Kanyang binigkas? Aking pag-asa na ang mga kapatid na lalaki at kapatid na babae na naghahanap ng pagpapakita ng Diyos ay hindi uulitin ang trahedya ng kasaysayan. Hindi kayo dapat maging mga Pariseo ng modernong panahon at muling ipako ang Diyos sa krus. Dapat ninyong maingat na isaalang-alang kung paanong malugod na tanggapin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat magkaroon ng malinaw na isip kung paanong maging isang tao na nagpapasailalim sa katotohanan. Ito ang pananagutan ng bawat isa na naghihintay kay Jesus na bumalik kasama ang mga ulap. Dapat nating kuskusin ang ating mga espiritwal na mga mata, at hindi dapat mabiktima sa mga salita na puno ng mga paglipad ng guniguni. Dapat nating pag-isipan ang tungkol sa praktikal na gawain ng Diyos, at dapat tingnan ang tunay na panig ng Diyos. Huwag padadala o iwaglit ang inyong mga sarili sa mga pangangarap nang gising, palaging inaabangan ang araw na ang Panginoong Jesus ay biglaang bababa sa inyo mula sa isang ulap upang dalhin kayo na kailanma’y hindi nakakilala sa Kanya ni nakakita sa Kanya, at hindi alam kung paano gagawin ang Kanyang kalooban. Mas mainam na pag-isipan ang praktikal na mga bagay!

Maaaring nabuksan mo ang aklat na ito para sa layunin ng pagsasaliksik, o na may balak na tumanggap; anuman ang iyong saloobin, inaasahan ko na babasahin mo ito hanggang sa katapusan, at hindi madaliang isasantabi ito. Marahil, matapos mong basahin ang mga salitang ito, ang iyong saloobin ay magbabago, subalit iyon ay nababatay sa kung gaano ka naganyak at kung gaano kadali mong isapuso ang mga bagay-bagay. May isang bagay, gayunman, na dapat mong malaman: Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi ang tao na ginamit ng Diyos; may malaking pagkakaiba. Marahil, matapos mong basahin ang mga salitang ito, hindi mo tatanggapin na iyon ay mga salita ng Diyos, at tanging tatanggapin lamang sila bilang mga salita ng isang tao na naliwanagan. Sa ganoong kaso, ikaw ay binubulag ng kamangmangan. Paanong magiging pareho ang mga salita ng Diyos sa mga salita ng isang tao na napaliwanagan? Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, ibunyag ang mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang pagliliwanag na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa at kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o ibunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may sustansya ng Diyos, at ang tao ay may sustansya ng tao. Kung titingnan ng tao ang mga salitang binigkas ng Diyos bilang simpleng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, at ituturing ang mga salita ng mga apostol at mga propeta bilang mga salita na personal na binigkas ng Diyos, samakatwid ang tao ay mali. Gayunpaman, hindi mo dapat kailanman palitan ang tama ng mali, o pag-usapan ang mataas bilang mababa, o pag-usapan ang malalim bilang mababaw; gayunpaman, hindi mo dapat kailanman kusang pasinungalingan ang alam mo na katotohanan. Ang bawat isa na naniniwala sa isang Diyos ay dapat isaalang-alang ang problemang ito mula sa wastong pananaw, at dapat tanggapin ang Kanyang bagong gawain at mga salita bilang isang nilikha ng Diyos—at kung hindi ay pupuksain ng Diyos.

Matapos ang gawa ni Jehovah, si Jesus ay nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinagawa nang nag-iisa, subalit itinatag sa gawa ni Jehovah. Ito ay gawain para sa isang bagong kapanahunan matapos tapusin ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawa ni Jesus, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, sapagkat ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging umuunlad nang pasulong. Kapag ang lumang kapanahunan ay lumipas, ito ay mapapalitan ng isang bagong kapanahunan, at kapag ang lumang gawain ay nakumpleto na, isang bagong gawain ang magpapatuloy ng pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ng Diyos ay ang ikalawang pagkakatawang-tao kasunod ng kaganapan ng gawain ni Jesus. Mangyari pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyari nang mag-isa, ngunit ito ang ikatlong yugto ng gawain matapos ang Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya. Bawat bagong yugto ng gawain ng Diyos ay palaging nagdadala ng isang bagong simula at isang bagong kapanahunan. Sa gayon din may mga katumbas na mga pagbabago sa disposisyon ng Diyos, Kanyang paraan ng paggawa, sa lugar ng Kanyang gawa, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, samakatwid, na mahirap para sa tao ang tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ngunit hindi alintana kung paano Siya sinalungat ng tao, palaging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at palaging pinangungunahan ang buong sangkatauhan pasulong. Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng mga tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao, at nang Siya’s naging tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ang paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, tanging kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa lahat ng sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanang pag-aalay ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan rin sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na sinira ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik sa nagkatawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ito ay nagdala sa tao sa mas mataas na kaharian. Ang lahat ng napapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Kung ang mga tao ay nanatili sa Kapanahunan ng Biyaya, samakatwid sila kailanman ay hindi magiging malaya mula sa kanilang tiwaling disposisyon, lalong hindi ang makilala ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung ang mga tao ay palaging namumuhay kasama ang kasaganaan ng biyaya subalit walang daan ng buhay na nagpapahintulot sa kanila na kilalanin ang Diyos at bigyan-kasiyahan ang Diyos, samakatwid hindi kailanman nila tunay na matatamo Siya bagaman sila ay naniniwala sa Kanya. Anong kaawa-awang anyo ng paniniwala iyon. Kapag natapos mong basahin ang aklat na ito, kapag naranasan mo na ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, mararamdaman mo na ang mga pag-asa ng maraming mga taon ay sa wakas naisakatuparan na. Mararamdaman mo na tanging ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harap-harapan; tanging ngayon na natitigan mo ang mukha ng Diyos, nadinig ang personal na pagbigkas ng Diyos, pinahalagahan ang karunungan ng gawain ng Diyos at tunay na nadama kung gaano katotoo at Makapangyarihang Diyos. Madarama mo na nakamtan mo ang maraming mga bagay na hindi nakita ni naangkin ng mga tao nang nakaraang mga panahong. Sa panahong ito, malinaw mong makikita kung ano ang maniwala sa Diyos, at kung ano ang sumunod sa puso ng Diyos. Mangyari pa, kung kakapitan mo ang mga pananaw ng nakaraan, at hindi tatanggapin o tatanggihan ang katunayan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, samakatwid ikaw ay mananatiling walang dala at walang nakamtan, at sa bandang huli ay may kasalanan sa pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasailalim sa gawain ng Diyos ay darating sa ilalim ng pangalan ng ikalawang Diyos na nagkatawang-tao—ang Makapangyarihan sa lahat. Makatatanggap sila ng personal na paggabay ng Diyos, at makakamit ang mas higit at mas mataas na katotohanan at matatanggap ang tunay na pantaong buhay. Makikita nila ang pangitain na hindi nakita ng mga tao nang nakaraan: “At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” (Pahayag 1:12-16). Ang pananaw na ito ay ang pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos, at ang ganoong pagpapahayag ng Kanyang buong disposisyon ay pagpapahayag din ng gawain ng Diyos nang Siya ay nagkatawang-tao sa panahong ito. Sa mga dagsa ng mga pagpaparusa at mga paghuhukom, ang Anak ng Tao ay nagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita, nagpapahintulot sa lahat na tumatanggap ng Kanyang pagkastigo at paghatol na makita ang tunay na mukha ng Anak ng Tao, isang mukha na matapat na paglalarawan ng mukha ng Anak ng Tao na nakita ni Juan. (Mangyari pa, ang lahat ng ito ay hindi makikita ng mga taong hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.) Ang tunay na mukha ng Diyos ay hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao, at sa gayon ginagamit ng Diyos ang pagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon upang ipakita ang tunay Niyang mukha sa tao. Na ang ibig sabihin na ang lahat ng nakaranas sa likas na disposisyon ng Anak ng Tao ay nakakita sa tunay na mukha ng Anak ng Tao, pagkat ang Diyos ay masyadong dakila at hindi maaaring ganap na mabibigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao. Kapag naranasan ng tao ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, samakatwid malalaman niya ang tunay na kahulugan ng mga salita ni Juan nang nangusap siya tungkol sa Anak ng tao sa gitna ng mga kandelero: “At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” Sa panahong iyon, malalaman mo nang walang halong pag-aalinlangan na itong karaniwang laman na nagbigkas ng napakaraming mga salita ay tunay na ikalawang Diyos na nagkatawang-tao. At tunay mong madarama kung gaano ka pinagpala, at mararamdaman na ang sarili mo ay napakapalad. Hindi ka ba magiging handa na tanggapin ang biyayang ito?

Ang aklat na ito ay isang pagpili mula sa Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao, at mangyari pa ay mga salita rin ng Espiritu sa mga simbahan. Ang mga salitang ito ay katuparan ng mga salita sa Pagbubunyag na “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Sinasaklaw nila ang isang mayamang nilalaman ng mga ilang uri ng mga pagbibigkas at mga salita tulad ng propesiya, ang pagbubunyag ng mga hiwaga, at ang paraan ng pamumuhay. May mga hula sa panghinaharap ng kaharian, mga pahayag sa mga hiwaga ng plano sa pamamahala ng Diyos, mga pagsuri sa kalikasan ng tao, mga pangaral at mga babala, mahigpit na mga kahatulan, taos-pusong mga salita ng kasiyahan, usapan ng buhay, usapan ng pagpasok, at iba pa. Sa madaling salita, kung anong mayroon ang Diyos, kung ano Siya, at ang disposisyon ng Diyos ay lahat napapahayag sa Kanyang mga gawain at mga salita. Mangyari pa, kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Nais mo bang pumasok sa bagong kapanahunan? Nais mo bang tanggalin sa iyong sarili ang tiwaling disposisyon? Nais mo bang makamtan ang mas mataas na katotohanan? Nais mo bang makita ang tunay na mukha ng Anak ng Tao? Nais mo bang mamuhay ng isang buhay na kapaki-pakinabang? Nais mo ba na gawing perpekto ka ng Diyos? Samakatwid, paano mo malugod na tatanggapin ang pagbabalik ni Jesus?

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay binabasa “bilang para.”