970 Napakahalagang Maunawaan ang Banal na Diwa ng Diyos
‘Pag nauunawaan mo’ng kabanalan ng Diyos,
kaya mong maniwala nang tunay sa Kanya;
‘pag nauunawaan mo’ng kabanalan ng Diyos,
malalaman mo kung ano’ng
“Diyos Mismo, ang Natatangi.”
I
‘Di mo na iisiping may ibang daang
pwede mong lakarin,
‘di na handang pagtaksilan ang plano Niya.
Dahil diwa ng Diyos ay tunay na banal,
sa Kanya ka lang makakalakad
sa tamang landas.
Dahil walang nilikha o ‘di nilikha ang
may diwa ng Diyos tulad nito,
wala sa mga ‘to’ng makaliligtas
o makapamumuno sa’yo.
Ito’ng kahalagahan ng diwa ng Diyos sa tao.
II
Sa Diyos lang malalaman mo’ng
kahulugan ng buhay
at maisasabuhay ang tunay na pagkatao,
taglay at inaalam ang katotohanan,
at natatamo ang buhay mula sa katotohanan.
Diyos lang ang makatutulong
na iyong iwasan ang kasamaan,
iadya ka sa kontrol ni Satanas.
Dahil walang nilikha o ‘di nilikha ang
may diwa ng Diyos tulad nito,
wala sa mga ‘to’ng makaliligtas
o makapamumuno sa’yo.
Ito’ng kahalagahan ng diwa ng Diyos sa tao.
III
Diyos lang ang makaliligtas sa’yo sa pagdurusa.
Pinagpapasyahan ‘to ng diwa ng Diyos.
Diyos lang ang nagliligtas sa’yo
nang walang pag-iimbot.
Inaayos Niya’ng mga bagay para sa’yo.
Siya lang ang responsable sa kinabukasan mo,
sa’yong tadhana’t buhay.
Ito ay bagay na ‘di kayang matamo
ng nilikha o ‘di nilikha.
Dahil walang nilikha o ‘di nilikha ang
may diwa ng Diyos tulad nito,
wala sa mga ‘to’ng makaliligtas
o makapamumuno sa’yo.
Ito’ng kahalagahan ng diwa ng Diyos sa tao.
Ito’ng kahalagahan ng diwa ng Diyos sa tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI