61. Ipinakita sa Akin ng Katotohanan ang Daan
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang disposisyon mo ay hindi pa nahatulan at nakastigo ng mga salita ng Diyos, ang disposisyon mo ay kumakatawan pa rin kay Satanas, na nagpapatunay na pinaglilingkuran mo ang Diyos ayon sa iyong mabubuting layunin, na ang paglilingkod mo ay batay sa iyong satanikong kalikasan. Naglilingkod ka sa Diyos gamit ang likas mong pagkatao, at ayon sa mga personal mong kagustuhan. Dagdag pa rito, lagi mong naiisip na ang mga bagay na handa kang gawin ay ang mga bagay na nakalulugod sa Diyos, at ang mga bagay na hindi mo nais gawin ay ang mga bagay na kinapopootan Niya; gumagawa ka nang ganap na naaayon sa sarili mong mga kagustuhan. Maaari ba itong matawag na paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang disposisyon mo sa buhay ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, mas lalong magiging matigas ang ulo mo dahil sa iyong paglilingkod sa Diyos, na magpapalalim ng iyong tiwaling disposisyon. Dahil dito, mabubuo sa iyong kalooban ang mga alituntunin ukol sa paglilingkod sa Diyos na ang pangunahing batayan ay ang sarili mong pagkatao, at ang mga karanasang nakuha mo mula sa iyong paglilingkod ayon sa sarili mong disposisyon. Ito ang mga karanasan at mga aral ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa pamumuhay sa mundo. Ang mga taong ganito ay maaaring mapabilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magigising at magsisisi, tiyak na magiging mga huwad na Cristo at anticristo ang mga ito na manlilinlang sa mga tao sa mga huling araw. Magmumula sa ganitong mga tao ang binanggit noon na mga huwad na Cristo at anticristo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon). Ang pagbabasa ng talatang ito ng mga salita ng Diyos ay nagpaalala sa akin ng karanasan ko limang taon na ang nakaraan. Kahahalal ko lang noon bilang isang pinuno ng iglesia. Talagang naging masigasig ako at sineryoso ko ang tungkulin ko. Naging derterminado akong pangasiwaan nang maayos ang gawain sa iglesia. Noong sinimulan kong suriin ang lahat ng mga sitwasyon sa gawain ng mga grupo, nalaman kong ang ilang mga miyembro ay hindi angkop sa gawain, at hindi ito itinatama ng mga pinuno ng grupo. Ang ilan ay hindi nauunawaan ang mga prinsipyo at ang mga pinuno nila ay hindi nagbibigay ng pagbabahagi at agad na tumutulong, na nakaapekto sa gawain ng iglesia. Talagang nabahala ako dahil dito, at naisip ko, “Ang gayong mga lantarang problema ay hinahayaang hindi nalutas. Malinaw na hindi sila responsable sa kanilang gawain. Talagang kailangan ko silang sawayin sa susunod na pagtitipon at lubos na tiyakin na alam nila kung saan sila nagkakamali.” Sa sumunod na pagtitipon, paulit-ulit kong tinanong ang mga pinuno ng grupo tungkol sa kanilang gawain at sinita ko ang mga mali at mga problemang nakita ko. Kahit alam na nila na hindi nila ginagawa ang praktikal na gawain at gusto na nilang magbago, hindi pa rin ako nasiyahan. Inisip ko na kung hindi ako naging mahigpit, na talagang sinusuri ito at pinapakitunguhan sila, wala itong magiging resulta. Sa tinig na nagpapagalit, sinabi ko na wala silang interes sa kanilang mga tungkulin at hindi nila nilulutas ang mga praktikal na problema, na ginugulo nito ang gawain ng iglesia, at iba pa. Nang matapos ako, hindi ko sila tinanong kung anong naramdaman nila, sa halip ay pinuri ko lang ang sarili ko, iniisip na nahanap ko ang mga problema at nilutas ko ang mga ito. Pero makalipas ang ilang araw, may isang kasamahan ang nagsabi sa akin, “Sinabi ng isang pinuno ng grupo na takot siyang makita ka, iniisip niya na pakikitunguhan mo siya kapag may nakita kang mga problema sa gawain niya.” Bahagyang sumama ang loob ko sa pagkarinig ko nito, pero inisip ko agad na ginawa ko lang kung ano ang kinaakailngan, iyon ay ang alamin ang mga problema at pagkatapos ay itama ang mga ito, at pakitunguhan sila upang may matutunan silang aral. Hindi ko na inisip ang anumang tungkol dito. Sa sumunod na pulong kasama ang mga pinuno ng grupo, itinuloy ko ang mahigpit na pagtatanong sa gawain nila, pagkatapos pinakitunguhan ko sila at sinuri ang mga bagay kapag may nahanap akong problema. May kumpiyansa ko ring sinabi, “Ilang mga kapatid ang takot na matanong ukol sa kanilang gawain. Ano’ng dapat ikatakot kung ginagawa ninyo ang praktikal na gawain? Sa pamamagitan lamang ng pag-alam tungkol sa iyong gawain matatagpuan at maitatama kaagad ang mga problema.” Pagkatapos ng pagtitipon narinig ko ang sinabi ng isang pinuno ng grupo, “Pinag-aaralan ko pa kung paano gagawin ang tungkulin ko at marami akong paghihirap. Gusto kong lutasin ang mga ito sa pamamagitan ng pagbabahagi sa ating pagtititpon, pero sa halip, mas lalo lang akong nakunsumi.” Medyo nainis ako sa pagkarinig ko nito at pakiramdam ko’y bahagyang kasalanan ko na hindi naging mabunga ang pagtitipon. Pero naisip ko na baka dahil iyon sa maliit na katayuan ko, na hindi naging malinaw ang pagbabahagi ko. Normal para sa isang bagong pinuno ng grupo ang makadama ng labis na kahirapan. Sumagot na lang ako, “Nakakapangganyak ang stress. Hindi ito magiging tama kung hindi ganyan ang naramdaman mo.” Kalaunan, nalaman ng isang kasamahan na ang mga pinuno ng grupo ay natatakot na makita ako at mapakitunguhan ko, at nagbabala na, “Ang pakikitungo sa mga tao sa gayong paraan ay nagagawa dahil sa init ng ulo. Hindi ito nakapagpapatibay sa mga kapatid. Dapat tayong mas magbahagi sa katotohanan upang malutas ang kanilang mga problema at mga kahirapan.” Hindi ko pa rin inisip ang anuman sa mga ito, sa paniniwalang tama ang mga motibo ko at kahit na medyo naging mabagsik ako, naging responsable lang ako para sa gawain ko. Kaya sa kabila ng paulit-ulit na mga babala mula sa mga kasamahan ko, hindi ako nagtungo sa harapan ng Diyos upang pagnilayan ang sarili ko. Unti-unti kong nadama ang kadilimang bumabalot sa espiritu ko, at hindi ko na namalayan ang gawain ng Banal na Espiritu. Nagdurusa ako at nasasaktan. Noon lamang ako nagtungo sa harapan ng Diyos at pinagnilayan ang sarilli ko: “Bakit wala akong nakamit na anuman sa tungkulin ko, bakit lagi akong nahahadlangan? Bakit laging sinasabi ng mga kapatid na pinipigilan ko sila? Tama ba ang sinasabi ng mga kasamahan ko, na pinapakitunguhan ko ang mga tao nang mainit ang ulo? Pero istrikto ko lang na sinasabi ang mga bagay nang sa gayo’y magawa nang maayos ang mga gawain sa iglesia. Kung hindi, mapapagtanto ba ng mga kapatid kung gaano kaseryoso ang mga problemang ito?” Kahit habang nasa paghihirap na ito, sinusubok kong bigyang-katwiran ang sarili ko. Talagang nagdurusa ako.
Pagkatapos kong manalangin, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Bilang mga lider at manggagawa sa iglesia, kung gusto mong akayin ang mga piniling tao ng Diyos sa katotohanang realidad at maglingkod bilang mga saksi ng Diyos, pinakamahalaga, dapat na mas malalim ang pang-unawa mo sa pakay ng Diyos sa pagliligtas ng mga tao at sa layunin ng Kanyang gawain. Dapat mong unawain ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang iba’t ibang hinihingi sa mga tao. Dapat kang maging praktikal sa mga pagsusumikap mo; isagawa lamang yaong naiintindihan mo at ipahayag lamang yaong nalalaman mo. Huwag magyabang, huwag magsalita nang labis, at huwag gumawa ng mga iresponsableng pahayag. Kung magsasalita ka nang labis, kamumuhian ka ng mga tao at makakaramdam ka ng paninisi pagkatapos; sadyang hindi ito kaangkop-angkop. Kapag ipinagkaloob mo ang katotohanan sa iba, hindi mo kailangang pagsabihan o kagalitan sila para matamo nila ang katotohanan. Kung ikaw mismo ay walang taglay na katotohanan at pinagsasabihan lang at pinanagalitan ang iba matatakot sila sa iyo, ngunit hindi ibig sabihin niyan ay nauunawaan nila ang katotohanan. Sa ilang gawaing administratibo, tama lang na pagsabihan at pungusan at disiplinahin ang iba kahit papaano. Ngunit kung hindi mo maipagkakaloob ang katotohanan at ang alam mo lamang ay magdomina at manermon sa iba, ang iyong katiwalian at kapangitan ay ibubunyag. Sa paglipas ng panahon, habang hindi natatamo ng mga tao ang panustos ng buhay o mga praktikal na bagay mula sa iyo, kamumuhian ka nila at kayayamutan. Yaong mga walang pagkaunawa ay matututo ng mga negatibong bagay mula sa iyo; matututuhan nilang pagsabihan at pungusan ang iba, magalit, at hindi makapagtimpi. Hindi ba’t katumbas iyan ng pag-akay sa iba tungo sa landas ni Pablo, sa landas patungo sa kapahamakan? Hindi ba’t masamang gawain iyan? Ang gawain mo ay dapat nakatuon sa pagpapahatid ng katotohanan at sa pagtustos ng buhay sa iba. Kung ang gagawin mo lamang ay pikit-matang pagsabihan at sermunan ang iba nang hindi mo pinag-iisipan, paano pa nila mauunawaan ang katotohanan. Sa paglipas ng panahon, makikita ng mga tao kung sino kang talaga at tatalikuran ka nila. Paano ka makakaasang madala ang iba sa harapan ng Diyos sa ganitong paraan? Paano ito nagiging paggawa ng gawain? Maiwawala mo ang lahat kung patuloy kang gagawa sa ganitong paraan. Ano ba talagang gawain ang inaasam mong maisakatuparan sa ganitong paraan? May ilang lider na walang kakayahang maghatid ng katotohanan para lumutas ng mga probema. Sa halip basta na lamang nilang pikit-matang pinagsasabihan ang iba at ipinangangalandakan ang kanilang kapangyarihan upang katakutan sila at sundin sila—ang ganitong mga tao ay mga huwad na lider at mga anticristo. Yaong mga hindi nagbago ng disposisyon ay walang kakayahang gumanap ng gawain ng simbahan at hindi kayang maglingkod sa Diyos” (“Yaon Lamang mga May Katotohanang Realidad ang May Kakayahang Mamuno” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Perpektong ibinunyag ng mga salita ng Diyos ang kalagayan ko. Ganoon ko mismo ginagawa ang aking tungkulin. Sa halip na nagtutuon sa pagbabahagi sa katotohanan para malutas ang mga problema, pinapakitunguhan, pinapagalitan, at sinasaway ko ang iba dahil sa galit. Bilang resulta, napilitan sila, takot, at iniwasan ako. Naiinis ko rin ang Diyos dahil namumuhay ako sa tiwaling disposisyon ko. Nawala sa akin ang gawain ng Banal na Espiritu at lumubog ako sa kadiliman. Kapag iniisip ko uli ang panahong iyon, noong nahanap ko ang mga problema sa mga tungkulin ng mga kapatid, bihira kong hinanap ang katotohanan o nahanap ang mga salita ng Diyos para sa isang partikular na pagbabahagi, at talagang hindi ko sila itinuturo tungo sa landas ng pagsasagawa. Sinisisi ko lang sila at kinakagalitan sa pamamagitan ng mayabang na disposisyon ko. Kahit nakita ko na nasasakal na sila dahil sa akin, hindi ko pa rin sinuri ang sarili ko. Akala ko nagiging responsable ako sa tungkulin ko, na isinasaalang-alang ko ang kalooban ng Diyos at nilulutas ko ang mga praktikal na problema. Binalaan ako ng Diyos sa pamamagitan ng mga kasamahan ko na huwag pakitunguhan ang mga tao nang hindi makatuwiran dahil sa init ng ulo. Bilang resulta, ang ilang mga kapatid ay naging negatibo. Natakot sila sa akin at iniwasan ako. At hindi rin naging maayos maging ang gawain sa iglesia. Malinaw na hinihingi ng Diyos na, una sa lahat, gawin ng mga pinuno at mga manggagawa ang kanilang gawain sa pamamagitan ng pagbabahagi sa katotohanan. Kailangang maunawaan ng mga kapatid ang katotohanan bago nila makikilala ang kanilang mga masasamang disposisyon, at ang katotohanan ng kanilang kasamaan, at doon lamang sila mahihimok na isagawa ang mga salita ng Diyos at gagawin nila ang kanilang mga tungkulin nang maayos. Pero inisip ko na dapat akong maging malupit sa gawain ko, na kapag may nalaman akong mga problema, kailangan walang tigil ko silang sawayin at pagalitan, at iyon ang tanging paraan para makita nila ang kanilang mga problema at maitama ang mga iyon. Akala ko ito ang tanging pataan para makamit ang mga resulta. Nakita ko kung gaano talaga kakaiba ang gayong pananaw! Sa paggawa sa ganoong paraan, sinasamantala ko ang posisyon ko at mayabang kong kinakagalitan at pinipigilan ang mga tao. Hindi ko nilulutas ang mga problema ng iba sa pamamagitan ng pagbabahagi ng katotohanan. Hinihingi ng Diyos sa mga pinuno na gamitin ang pagbabahagi sa katotohanan upang lutasin ang mga problema ng mga kapatid, na pantay-pantay silang lahat, na nagbabahagi sila sa mga salita ng Diyos batay sa aktuwal na paghihirap ng mga tao, at magbahagi base sa kanilang sariling karanasan at pagkaunawa para gabayan at tulungan ang iba. Kung pinakikitunguhan o ibinubunyag nila ang sinuman, dapat na nasa pundasyon ito ng pagbabahagi sa katotohanan, at kailangan nilang mabigyang-diin ang diwa at mga pangunahing puntos ng isang problema para maunawaan ng mga tao kung ano ang hinihingi ng Diyos, upang malinaw nilang makita ang kanilang sariling mga problema, ang likas ng kanilang mga problema, ang mga mapanganib na kahihinatnan ng kanilang mga problema, at upang malaman nila kung ano ang gagawin para maging ayon sa katotohanan at kung paano gagawin ang kanilang tungkulin ayon sa hinihingi ng Diyos. Ngunit hindi ko nagawa ang tungkulin ko ayon sa hiningi ng Diyos. Hindi ko pinakinggan ang mga paalala ng mga kasamahan ko, lalo na ang magnilay sa likas at kahihinatnan ng pagsaway ko sa mga tao batay sa mala-demonyong disposisyon ko sa tungkulin ko. Nangatwiran ako sa sarili ko, sinasabi ko na para iyon sa kanilang sariling kabutihan, at para sa gawain ng iglesia. Wala ako sa tamang landas sa tungkulin ko, at hindi lamang sa wala akong pakinabang sa iba, kundi pinipigilan ko talaga sila. Lahat sila ay miserable at nasasakal. Hindi ba’t nagagawan ko sila ng masama? Gumagawa ako ng kasamaan! Hindi ko naisip na ang paggawa sa tungkulin ko batay sa mala-demonyong disposisyon ko ay magkakaroon ng ganoon katinding resulta. Talagang pinagsisihan ko ang pakikitungo sa kanila at pananaway sa kanila sa gayong paraan. Dali-dali akong nagtungo sa harapan ng Diyos sa panalangin at naghahanap, at naisip ko: Ano ang eksaktong nagtulak sa akin na gawin ang kasamaan nang hindi man lang ito nalalaman?
Pagkatapos niyon, binasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Kung talagang nasasaloob mo ang katotohanan, natural na magiging tama ang landas na iyong tinatahak. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang kayabangan at kahambugan, makikita mo na imposibleng hindi sumuway sa Diyos; mapipilitan kang sumuway sa Kanya. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na kayabangan at kahambugan. Dahil sa iyong kayabangan at kahambugan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, lagi kang magpasikat, at, sa huli, papalit ka sa lugar ng Diyos at magpapatotoo para sa iyong sarili. Sa huli, gagawin mong mga katotohanan ang iyong sariling mga ideya, ang iyong sariling pag-iisip, at ang iyong sariling mga kuru-kuro para sambahin ka. Tingnan mo kung gaano kalaking kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang likas na kayabangan at kahambugan!” (“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahabol sa Katotohanan Nakakamit ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Inihayag ng mga salita ng Diyos ang ugat ng aking masamang gawain: kinokontrol ako ng mayabang at mapagmataas kong likas. Dahil sa mayabang at mapagmataas kong likas, iniisip ko lagi na mas responsable ako kaysa iba, kaya naghari-harian ako sa kanila. Kapag may mga mali o may nakaligtaan sa mga gawain ng mga kapatid, mababa ang tingin ko sa kanila, ginagamit ko ang posisyon ko sa pagsaway at pakikitungo sa kanila. Hindi ako maunawain o nakikisimpatya. Kontrolado ng mayabang na likas na ito, nagkaroon din ako ng lubos na tiwala sa aking sarili, iniisip na ang tanging paraan para malutas ang mga problema ay istriktong pakitunguhan ang mga tao. Inilahad ko ang sarili kong mga kuru-kuro at mga palagay bilang katotohanan. Kahit na nakita ko na ang paraang ginawa ko ay nakakasakal para sa iba, tuloy pa rin ako sa mga paraan ko, na ayaw makinig sa mga kapatid. Kahit na binalaan na ako ng mga kasamahan ko, hindi ko pa rin pinagnilayan ang sarili ko. Akala ko bahagyang mabagsik na tono lang ang ginagamit ko, at hindi nila ito nakayanang pakitunguhan. Ginagawa ko ang tungkulin ko batay sa mayabang na mala-demonyong disposisyon ko, sinasaktan ko ang mga kapatid at inaantala ang gawain ng iglesia. Ang tanging nagawa ko ay kasamaan ng paglaban sa Diyos!
Kalaunan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Naglilingkod ka sa Diyos gamit ang likas mong pagkatao, at ayon sa mga personal mong kagustuhan. Dagdag pa rito, lagi mong naiisip na ang mga bagay na handa kang gawin ay ang mga bagay na nakalulugod sa Diyos, at ang mga bagay na hindi mo nais gawin ay ang mga bagay na kinapopootan Niya; gumagawa ka nang ganap na naaayon sa sarili mong mga kagustuhan. Maaari ba itong matawag na paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang disposisyon mo sa buhay ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, mas lalong magiging matigas ang ulo mo dahil sa iyong paglilingkod sa Diyos, na magpapalalim ng iyong tiwaling disposisyon. Dahil dito, mabubuo sa iyong kalooban ang mga alituntunin ukol sa paglilingkod sa Diyos na ang pangunahing batayan ay ang sarili mong pagkatao, at ang mga karanasang nakuha mo mula sa iyong paglilingkod ayon sa sarili mong disposisyon. Ito ang mga karanasan at mga aral ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa pamumuhay sa mundo. Ang mga taong ganito ay maaaring mapabilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magigising at magsisisi, tiyak na magiging mga huwad na Cristo at anticristo ang mga ito na manlilinlang sa mga tao sa mga huling araw. Magmumula sa ganitong mga tao ang binanggit noon na mga huwad na Cristo at anticristo. Kung ang mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa sarili nilang pagkatao at kumikilos ayon sa sarili nilang kagustuhan, nanganganib silang mapalayas anumang oras. Ang mga gumagamit ng mga karanasan nila sa paglilingkod sa Diyos sa loob ng maraming taon upang makuha ang puso ng ibang tao, mapangaralan at makontrol sila, at manatiling nakatataas—at hindi kailanman nagsisisi, hindi kailanman nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman tumalikod sa mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay malalagas sa harap ng Diyos. Sila ang mga uri ng tao na katulad ni Pablo, umaasa sa pagiging una nila sa panunungkulan at ipinagmamagaling ang kanilang mga kuwalipikasyon. Hindi dadalhin ng Diyos ang mga taong tulad nito sa pagkaperpekto. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon). Nasaktan ako na basahin ang mga salitang ito, at naramdaman ko na walang pinahihintulutang pagkakasala ang disposisyon ng Diyos. Nakita ko na sa mga taon ko ng pananampalataya, hindi ako nagtuon sa paghahanap ng mga prinsipyo ng katotohanan, kundi ginagawa ko lang ang tungkulin ko sa sarili kong paraan. Hindi ako napigilan sa mayabang kong disposisyon, sinasaway at pinipigilan ang mga tao mula sa posisyon ko ng kapangyarihan, at nauwi ako sa pagpipigil sa aking mga kapatid. Nasasakal sila at nasasaktan. Nagkulang ako sa pagiging makatao. Hindi lamang ako nabigong lutasin ang mga praktikal na problema ng mga kapatid, kundi hinadlangan ko rin ang kanilang pagpasok sa buhay at naantala ang gawain ng iglesia. Paano naging paggawa iyon sa aking tungkulin? Hindi ba ako kumikilos bilang tagasunod ni Satanas? Iniisip ko lagi dati na ang mga motibo ko ay tama, na may pakialam ako sa gawain ng iglesia, ngunit nakita ko na ang pagkakaroon ng kaunting sigasig at bahagyang malaman ang doktrina ay hindi sapat upang masiyahan ang Diyos sa aking tungkulin. Kung hindi ko tatanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, ang mala-demonyong disposisyon ko ay hindi mababago, at ang tungkulin ko ay hindi magiging ayon sa kalooban ng Diyos. Gagawin ko lang ang masama at lalaban sa Diyos kahit na ayoko. Inisip ko ang mga pekeng pinuno at mga anticristo na tinanggal na. Hindi nila tinanggap ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos o isinagawa ang katotohanan, sa halip ay ginawa ang kanilang tungkulin nang may mala-satanas nilang disposisyon, sobrang yabang, mapagmataas, at mapagmalaki, hindi makatuwirang pinapakitunguhan at sinasaway ang mga tao, tumatayong mataas, at nagiging malupit. Ang epekto nila sa iba ay talagang mapanira, at wala silang ginawa kundi sirain at gambalain ang gawain ng iglesia. Ang gawain nila ay walang iba kundi ang gawin ang masama at labanan ang Diyos! Gaya ito ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22–23). Amen! Medyo natakot ako dahil dito. Kapag ipinagpatuloy ko ang paggawa ng aking tungkulin na nakaasa sa aking mala-satanas disposyon, magagambala ko lamang ang gawain ng iglesia at hahatulan at tatanggalin ako ng Diyos gaya ng ibang mga gumagawa ng masama na lumaban sa Diyos. Pagkatapos ay napagtanto ko na ang buhay iglesia at ang tungkulin ko na hindi naging mabunga ay pagbubunyag sa akin ng Diyos, dapat akong magtungo sa harapan ng Diyos upang pagnilayan ang sarili ko at magsisi sa Kanya. Napakamapagmataas ko, at kung wala ang paghatol at pagbubunyag ng mga salita ng Diyos at kung ano ang inihayag ng katotohanan, hindi ko kailanman makakayang magpasakop. Hindi ko kailanman makikita ang mapanganib na kahihinatnan ng paggawa ng tungkulin sa pamamagitan ng mala-demonyong disposisyon ko. Talagang naantig ako noon, at naramdaman ko na hindi ko kayang magpatuloy nang gaya noon. Kailangan kong hanapin ang katotohanan upang lutasin ang aking kasamaan.
At pagkatapos ay binasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Kapag nagkakaroon ka ng problema, kailangan mong kumalma at harapin ito nang tama, at kailangan mong magpasiya. Dapat mong matutuhang gamitin ang katotohanan para lutasin ang problema. Sa normal na mga panahon, ano ang silbi ng pag-unawa sa ilang katotohanan? Hindi iyon para busugin ka, at hindi lamang para mayroon kang masabi, ni hindi para lutasin ang mga problema ng iba. Ang mas mahalaga, ang silbi niyon ay para lutasin ang sarili mong mga problema, sarili mong mga paghihirap—pagkatapos mong lutasin ang sarili mong mga paghihirap, saka mo lamang malulutas ang mga paghihirap ng iba” (“Ang Mga Taong Lito ay Hindi Naliligtas” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Dapat may pagkaunawa ka sa mga taong iyong pinakikisamahan, at kailangang magbahagi kayo tungkol sa mga espirituwal na usapin sa buhay; saka mo pa lamang matutustusan ng buhay ang iba at mapupunan ang kanilang mga kakulangan. Hindi ka dapat gumamit ng tonong nagsesermon sa kanila; ito’y maling posisyon na maaari mong taglayin. Sa pakikisalamuha dapat kang magkaroon ng pagkaunawa sa mga espirituwal na bagay, dapat may karunungan ka, at dapat maunawaan mo kung ano ang nasa mga puso ng mga tao. Dapat kang maging isang taong nasa tama kung maglilingkod ka sa iba, at dapat makisalamuha kang gamit ang lahat ng mayroon ka” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na upang malutas ang mga problema ng ibang mga tao, kailangan muna nating isagawa at makapasok sa mga salita ng Diyos. Kailangan nating hanapin ang katotohanan at lutasin ang ating sariling kasamaan. Iyon ang pinakamahalaga. Mahalagang magkaroon ng pagkaunawa sa ating masamang disposisyon, para kapag may sinumang naghahayag ng ganoong uri ng kasamaan, malalaman natin kung paano sila tutulungan, kung paano magbabahagi ng ating sarilling karanasan at pagkaunawa para maipakita sa kanila ang landas ng pagsasagawa. Magagawa rin nating malapitan ang iba nang tama at makikita natin na may pareho rin tayong kasamaan na nakikita sa iba, na ganap itong pareho. Kaya hindi natin iisipin na mas magaling tayo sa iba, kundi makakapagbahagi tayo sa parehong antas. Iyon lamang ang tanging paraan para makapagbahagi na mapapakinabangan ng iba. Pero ano ’yung ginagawa ko? Hindi ako nagtutuon sa sarili kong pagpasok o nagninilay sa sarili kong mga problema sa tungkulin ko. Sa halip, gumagawa lang ako alang-alang sa paggawa, na akala mo ay wala akong kasamaan. Naging abala ako sa paglutas sa mga problema ng ibang tao, at nang hindi nakatulong ang pagbabahagi ko, pinagalitan ko sila nang may pagmamataas. Hindi ako namumuhay nang kawangis ng tao. Naging tulad ako ng isang demonyo. Nakasusuklam at nakapopoot ako sa Diyos at kamuhi-muhi sa ibang mga tao. Ang totoo niyan, ginustong gawin nang maayos ng mga kapatid na iyon ang kanilang tungkulin, ngunit hindi nila alam kung paano dahil hindi nila ganap na naunawaan ang mga prinsipyo. Kapag may mga mali o may kulang sa kanilang gawain, dapat tayong maging maunawain at mapagpatawad, gumagabay at tumutulong sa mas positibong paraan, upang mahanap natin ang katotohanan at malutas ang mga bagay nang sama-sama. Dapat lang nating sawayin at balaan ang mga taong sadyang pinapabayaan ang kanilang mga tungkulin. Hindi natin dapat gamitin ang parehong pakikitungo para sa bawat sitwasyon. Nagliwanag ang puso ko pagkatapos maunawaan ito at nalaman ko kung paano ko gagawin ang tungkulin ko mula noon.
Hindi nagtagal pagkatapos noon, narinig kong may isang pinuno ng grupo na de kalibre at may dalisay na pagkaunawa ng katotohanan, kaya niyang makalutas ng ilang praktikal na problema sa pamamagitan ng pagbabahagi sa katotohanan, pero medyo mahina siya, sumusuko sa harap ng mga problema at paghihirap. Hindi na naman ako mapakali sa sandaling narinig ko ang tungkol dito, iniisip ko na hindi niya sineseryoso ang kanyang tungkulin, at kailangang pakitunguhan ko siya nang malupit. Bigla kong napagtanto na nabubulagan na naman ako ng mayabang na disposisyon ko. Dali-dali akong nanalangin sa Diyos at determinado akong isagawa ang ayon sa Kanyang mga salita sa oras na iyon. Hinanap ko ang pinunong iyon ng grupo at masinsinan siyang kinausap upang maintindihan ko ang kanyang kalagayan at mga paghihirap. May nahanap akong may kaugnayang mga salitang mula sa Diyos at ginamit ko ang personal kong mga karanasan sa pagbabahagi ko. Napagtanto niya na hindi siya naging matapat sa utos ng Diyos, at gusto niyang magbago. Talagang nakakaantig ito para sa akin na makita kong napagnilayan ng kapatid ko ang kanyang sarili at ninanais niyang magbago. Talagang napahalagahan ko na ang pinuno ng iglesia ay kailangang nakatuon sa pagbabahagi ng katotohanan upang tunay na makapagpatibay sa iba. Ito lamang ang tanging paraan para maging pakinabang sa mga buhay ng mga tao.