742 Tanging ang mga Gumagalang sa Diyos ang Masaya
Ⅰ
Mayroong matuwid na taong nagngangalang Job,
na laging nagpitagan sa Diyos at umiwas sa kasamaan,
gawa niya’y pinuri ng Diyos, naalala ng tao.
Buhay niya’y may kahulugan at may halaga.
Pinagpala siya ng Diyos, ngunit siya ri’y
tinukso ni Satanas at sinubok ng Diyos.
Siya’y tumayong saksi para sa Diyos na kinatakutan niya,
marapat siyang tawaging isang matuwid na tao.
Anuman ang naranasan ni Job,
masaya ang kanyang buhay, walang kirot.
Masaya si Job hindi lamang dahil
pinagpala siya o pinuri ng Diyos,
kundi dahil din sa kanyang hangarin,
dahil sinikap niyang igalang ang Diyos. Masaya si Job.
Ⅱ
Ilang dekada pagkaraang masubok si Job,
buhay niya’y mas matatag at makabuluhan.
Itinuloy niya ang paniniwala
at pagkilala at pagsuko din
sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos.
Lahat ng mahahalagang sandali sa buhay ni Job
ay minarkahan ng mga hangarin at layuning ito.
Siya ay nabuhay sa kanyang mga huling taon sa kapayapaan,
at sinalubong ang wakas ng kaligayahan.
Anuman ang naranasan ni Job,
masaya ang kanyang buhay, walang kirot.
Masaya si Job hindi lamang dahil
pinagpala siya o pinuri ng Diyos,
kundi dahil din sa kanyang hangarin,
dahil sinikap niyang igalang ang Diyos. Masaya si Job.
Ⅲ
Sa paghahangad na matakot sa Diyos
at umiwas sa kasamaan,
Nalaman ni Job ang kataas-taasang
kapangyarihan ng Diyos.
At sa kanyang karanasan ukol dito,
napagtanto niya kung gaano kamangha-mangha
ang mga gawa ng Lumikha.
Masaya si Job dahil sa kanyang
kaugnayan sa Diyos, pagkakilala niya sa Diyos,
at pag-uunawaan sa pagitan niya
at ng Diyos. Masaya si Job.
Masaya si Job hindi lamang dahil
pinagpala siya o pinuri ng Diyos,
kundi dahil din sa kanyang hangarin,
dahil sinikap niyang igalang ang Diyos. Masaya si Job.
Masaya si Job dahil sa ginhawa at kagalakan
na nagmula sa pagkaalam sa kalooban ng Lumikha,
dahil sa pagpitagan niya matapos makita
kung gaano kadakila, kamangha-mangha,
kaibig-ibig, at kamatapat ang Diyos. Masaya si Job.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III