3. Ang Pagsubok ng Isang Hambingan
“Diyos ko! May katayuan man ako o wala, nauunawaan ko na ngayon ang aking sarili. Kung mataas ang katayuan ko iyon ay dahil sa Iyong pagtataas, at kung ito ay mababa iyon ay dahil sa Iyong pagtatalaga. Lahat ay nasa Iyong mga kamay. Wala akong anumang mga pagpipilian, ni anumang mga reklamo. Itinalaga Mo na maisilang ako sa bansang ito at sa piling ng mga taong ito, at ang dapat ko lamang gawin ay maging ganap na masunurin sa ilalim ng Iyong kapamahalaan dahil lahat ay nakapaloob sa Iyong naitalaga. Hindi ko iniisip ang katayuan; matapos ang lahat, isa lamang akong nilalang. Kung ilalagay Mo ako sa walang-hanggang kalaliman, sa lawa ng apoy at asupre, isa lamang akong nilalang. Kung kakasangkapanin Mo ako, isa lamang akong nilalang. Kung gagawin Mo akong perpekto, isa pa rin akong nilalang. Kung hindi Mo ako gagawing perpekto, mamahalin pa rin Kita dahil isa lamang akong nilalang. Isa lamang akong napakaliit na nilalang na nilikha ng Panginoon ng paglikha, isa lamang sa lahat ng taong nilikha. Ikaw ang lumikha sa akin, at muli Mo ako ngayong inilagay sa Iyong mga kamay upang gawin sa akin ang gusto Mo. Handa akong maging Iyong kasangkapan at Iyong hambingan dahil lahat ay kung ano ang Iyong naitalaga. Walang sinuman na maaaring baguhin ito. Lahat ng bagay at lahat ng pangyayari ay nasa Iyong mga kamay” (“Isa Lamang Akong Napakaliit na Nilikha” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Labis na nakakaantig para sa akin ang pagkanta ng himnong ito ng mga salita ng Diyos. Hindi ko maiwasang isipin ang mga karanasan ko sa pagsubok ng isang hambingan.
Noong unang bahagi ng 1993, tungkulin ko ang pagdidilig sa mga bagong mananampalataya sa iglesia. Nanganganib kaming maaresto saan man kami magpunta dahil sa desperadong pag-uusig ng Partido Komunista ng China sa mga Kristiyano. Sa kabila ng malupit na kapaligiran, hindi ako natakot, kundi nanindigan sa aking tungkulin. Nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos, “Tanging ang mga taong nagmamahal sa Diyos ang nagagawang magpatotoo sa Diyos, sila lamang ang mga saksi ng Diyos, sila lamang ang pinagpala ng Diyos, at tanging sila ang nagagawang tumanggap ng mga pangako ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag). Pagkatapos ay naramdaman kong puno ako ng pananalig na ipagpatuloy ang pagiging isang taong nagmamahal sa Diyos. Naisip kong magkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos ang ganoong uri ng gawain at tiyak na makakapasok ako sa langit at magiging isa sa mga tao sa kaharian Niya.
Habang masigasig akong gumugugol ng sarili, nakatitiyak na madadala ako sa kaharian ng Diyos, nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng mga salitang naghatid sa akin sa pagsubok ng isang hambingan. Isang araw noong Marso, ipinadala ng mga kapatid sa iglesia namin ang bagong pagbigkas ng Diyos, “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1).” Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ngayon, gumagawa Ako sa mga taong hinirang ng Diyos sa Tsina, upang ibunyag ang lahat ng kanilang mapaghimagsik na disposisyon at ilantad ang lahat ng kanilang kapangitan, at ito ang konteksto ng pagsasabi ng lahat ng kailangan Kong sabihin. Pagkatapos, kapag isinasakatuparan Ko ang susunod na hakbang ng gawain ng panlulupig sa buong sansinukob, gagamitin Ko ang Aking paghatol sa inyo upang hatulan ang di-pagkamatuwid ng bawa’t isa sa buong sansinukob, sapagka’t kayong mga tao ay ang mga kumakatawan sa mga mapaghimagsik sa sangkatauhan. Silang mga hindi bubuti ay magiging mga hambingan at mga gamit sa paglilingkod lamang, samantalang silang bubuti ay gagamitin. Bakit Ko sinasabi na silang mga hindi bubuti ay magsisilbi lamang bilang mga hambingan? Sapagka’t ang Aking mga salita at gawain sa kasalukuyan ay nakatutok sa inyong mga pinagmulan, at dahil kayo ay naging mga kumakatawan at ang halimbawa ng mga mapaghimagsik sa buong sangkatauhan. Kalaunan, dadalhin Ko ang mga salitang ito na lumulupig sa inyo sa mga dayuhang bansa at gagamitin Ko ang mga ito upang lupigin ang mga tao roon, ngunit ang mga ito’y hindi mo makakamtan. Hindi ka ba magiging hambingan sa gayon? Ang mga tiwaling disposisyon ng buong sangkatauhan, ang mga mapaghimagsik na kilos ng tao, at ang mga pangit na larawan at mukha ng tao—lahat ng ito ay nakatala ngayon sa mga salita na ginagamit upang lupigin kayo. Gagamitin Ko sa gayon ang mga salitang ito upang lupigin ang mga tao sa bawa’t bansa at bawa’t denominasyon sapagka’t kayo ang modelo, ang nauna. Gayunpaman, hindi Ko binalak na sadyang pabayaan kayo; kung ikaw ay nagkukulang sa iyong paghahabol at samakatuwid pinatutunayan mong ikaw ay di-mapapagaling, hindi ba’t ikaw ay magiging basta na lang isang gamit sa paglilingkod at isang hambingan? Nasabi Ko minsan na ang Aking karunungan ay ginagamit batay sa mga pakana ni Satanas. Bakit Ko sinabi iyon? Hindi ba iyon ang katotohanan sa likod ng Aking sinasabi at ginagawa ngayon? Kung hindi ka bubuti, kung hindi ka ginagawang perpekto ngunit sa halip ay pinarurusahan, hindi ka ba magiging isang hambingan? Maaaring nagdusa ka nang matindi sa iyong panahon, ngunit wala ka pa ring nauunawaan; ikaw ay mangmang sa lahat ng bagay tungkol sa buhay. Kahit na ikaw ay nakastigo at nahatulan na, hindi ka pa rin nagbago sa anumang paraan, at sa iyong kaibuturan, hindi ka nakatamo ng buhay. Pagdating ng panahon para subukin ang iyong gawain, makararanas ka ng isang pagsubok na kasingbangis ng apoy at higit pang matinding kapighatian. Gagawing abo ng apoy na ito ang iyong buong pagkatao. Bilang isa na hindi nagtataglay ng buhay, isa na wala ni isang onsang dalisay na ginto sa loob, isa na nakakapit pa rin sa dating tiwaling disposisyon, at isa na ni hindi makagawa ng isang mahusay na trabaho bilang isang hambingan, paanong hindi ka maaalis?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Talagang nagkaroon ako ng reaksiyon nang makita ko ang salitang “hambingan” na paulit-ulit na binanggit sa mga salita ng Diyos. Naisip ko, “Hambingan? May binanggit na ang Diyos noon na hambingan sa mga salita Niya, pero hindi ba iyon tumutukoy sa malaking pulang dragon? Nagsasakripisyo ako para sa Diyos sa aking pananampalataya at naghahangad akong mahalin Siya. Dapat isa ako sa mga tao sa kaharian Niya. Paano ako naging isang hambingan?” Binasa ko uli ang mga salita ng Diyos nang napakaingat. Sinabi ng Diyos na tayong mga Tsino ang pinakalabis na tiwali, na ang paglaban natin sa Diyos ang pinakamalala, at mga kinatawan tayo ng paghihimagsik ng buong sangkatauhan. Sinabi Niya na kung hindi magbabago ang mga tagasunod ng Diyos, kung hindi pa sila nagkakamit ng buhay, magsisilbi sila bilang mga hambingan para sa gawain ng Diyos, at tatanggalin silang lahat ng Diyos. Sumikip ang dibdib ko nang mabasa ko ito, at naisip ko, “Isa akong hambingan? Hindi iyon maaari. Kung isa talaga akong hambingan, makakapasok pa rin ba ako sa kaharian ng langit?”
Hindi nagtagal matapos iyon, nabasa ko ang pagbabahagi na ito mula sa Diyos: “Dahil kayo ay buktot at mapanlinlang, at dahil kulang ang inyong kakayahan at mababa ang inyong katayuan, hindi Ko kayo nabantayan ni sumapuso Ko kailanman. Ang gawain Ko ay ginagawa na ang layon lamang ay hatulan kayo; ang Aking kamay ay hindi kailanman napalayo sa inyo, ni ang Aking pagkastigo. Patuloy Ko kayong hinatulan at isinumpa. Dahil wala kayong pagkaunawa tungkol sa Akin, ang Aking poot ay palagi nang sumasainyo. Bagama’t palagi na Akong gumagawa sa inyo, dapat ninyong malaman ang Aking saloobin sa inyo. Iyon ay walang iba kundi pagkainis—wala nang ibang saloobin o opinyon. Nais Ko lamang kayong kumilos bilang mga hambingan ng Aking karunungan at ng Aking dakilang kapangyarihan. Kayo ay walang iba kundi mga hambingan Ko dahil ang Aking katuwiran ay nabubunyag sa pamamagitan ng inyong pagkasuwail. Pinakikilos Ko kayo bilang mga hambingan ng Aking gawain, upang maging mga karagdagan sa Aking gawain…” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?). Nakita kong napakalinaw na sinasabi ng Diyos na mga hambingan tayo, na mga dagdag tayo sa gawain Niya at wala Siyang nararamdaman para sa atin kundi poot at pagkasuklam. Natigilan ako at pakiramdam ko inabandona ako ng Diyos. Talagang miserable ako at lumitaw sa loob ko ang mga reklamo. Naisip ko, “Nanampalataya ako sa loob ng maraming taon, isinuko ang pamilya at trabaho ko, at marami akong naging hirap sa paggugol ng sarili ko para sa Diyos. Dinanas ko na ang pagsubok ng mga taga-serbisyo at ang pagsubok ng kamatayan. Pagkatapos ay sinimulan ko nang hanapin ang pagmamahal para sa Diyos, iniisip na sigurado na ang pagiging isang tao ng kaharian. Hindi ko inakala na magiging isa akong hambingan, isang naglilingkod na bagay, na aalisin oras na matapos na akong maging isang kontrapunto sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Kung ganoon, anong pinagbabayaran ko ng halaga sa loob ng maraming taon? Anong iisipin sa akin ng mga kaibigan at kamag-anak ko kapag nalaman nila? Hindi nila maunawaan nang isinuko ko ang trabaho at pamilya ko para sa pananalig ko. Kinutya nila ako. Kaya noong panahong iyon ay gusto kong maging isang mabuting mananampalataya para oras na makumpleto ang gawain ng Diyos at dumating ang malalaking sakuna, dadalhin ako sa kaharian Niya. Pagkatapos mapapanatili ko ang aking dignidad at mapapahiya silang lahat. Sino ang mag-aakalang magwawakas ako na kasing-baba ng isang hambingan? Hindi nagtataglay ng buhay ang mga hambingan. Mga basura sila, ni hindi sila kasing-buti ng mga taga-serbisyo. Kahit papaano ang mga taga-serbisyo, puwedeng sandaling maglingkod sa Diyos at tamasahin ang Kanyang biyaya at mga pagpapala. Kahit ang pagiging isang taga-serbiyso ay ayos na. Gayunman, mas maganda iyong pakinggan kaysa sa pagiging isang hambingan.”
Patuloy na umaalingawngaw sa isip ko ang salitang “hambingan” hanggang sa mga sumunod na araw, at hindi ko mapigilang mag-isip, “Paano nangyaring isa lang akong hambingan? Bakit ako ipinanganak sa Tsina? Kung hindi labis na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon ang mga mamamayang Tsino, hindi ako kailanman magiging isang hambingan! Akala ko malapit na akong makapasok sa kaharian ng Diyos at maging isa sa mga tao nito, para tamasahin ang ipinangako ng Diyos. Hindi ko inakalang hahantong ako sa pagiging isang hambingan.” Lalong sumama ang loob ko habang lalo kong iniisip ang tungkol doon at hindi ko mapigil ang pag-iyak. Naisip kong dahil iyon ang sitwasyon, wala akong magagawa kundi ang tanggapin na lang ang aking tadhana.
Pagkatapos niyon, kahit patuloy ako sa pagdalo sa mga pagtitipon at paggawa ng aking tungkulin, wala roon ang puso ko. Wala akong anumang masabi sa Diyos sa panalangin at wala akong ganang kumanta. Hindi ako nagkamit ng kaliwanagan mula sa mga salita ng Diyos. Naramdaman ko na dahil isa akong hambingan, wala ng saysay ang patuloy na paghahanap dahil patatalsikin din lang ako at aalisin, itatapon sa walang katapusang hukay. Talagang napakanegatibo at balisa ng pakiramdam ko. Isang gabi, habang nakahiga ako sa kama at hindi makatulog, naisip ko ang lahat ng mga salitang binigkas ng Diyos sa gawain Niya sa mga huling araw na siyang dumidilig at tumutustos sa amin, at ang mga pagsubok at pagpipino na siyang lumilinis sa amin. Partikular kong naisip ang tungkol sa pagsubok ng mga taga-serbisyo. Noong panahong iyon, bagaman tinanggal ng Diyos ang aming mga pag-asa ng laman at sinumpa kami sa walang katapusang hukay, isa iyong pagsubok ng mga salita, at hindi talaga namin sinapit ang mga bagay na ito. Sa pamamagitan ng pagsubok na iyon ako nagkamit ng kaunting pag-unawa na ang motibasyon ko sa pananampalataya ay ang pagtanggap ng mga pagpapala at naranasan ko ang kaunti sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Nakita ko na anumang gawain ang ginagawa ng Diyos, ginagawa ang lahat ng iyon para linisin at iligtas tayo. Naalala ko rin kung paano ako nagpasya sa harap ng Diyos na masaya akong gumawa ng serbisyo para sa Kanya. Pagkatapos nakaramdam ako ng kaunting pagsisisi sa sarili at nagkamit ng kaunting motibasyon, at naisip ko, “Kung isa man akong taga-serbisyo o isang hambingan, tama at nararapat ang paggawa ng aking tungkulin para sa Lumikha, at anuman ang isaayos ng Diyos sa hinaharap, kahit pa wala akong magandang kalalabasan matapos ang aking serbisyo, gagawa pa rin ako ng serbisyo para sa Kanya hanggang sa wakas.” Kaya, pinagpatuloy ko ang pagganap sa aking tungkulin. Pero dahil hindi ko naunawaan ang kalooban ng Diyos, sa tuwing naiisip ko ang tungkol sa pagiging isang hambingan na hindi nagkakamit ng buhay o isang magandang kalalabasan, nakakaramdam pa rin ako ng pagka-negatibo at sumasama ang loob ko.
Noong unang bahagi ng Abril natanggap namin ang mas marami pang bagong pagbigkas ng Diyos. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Sa inyong paghahangad, napakarami ninyong indibidwal na mga kuru-kuro, pag-asam, at hinaharap. Ang kasalukuyang gawain ay para iwasto ang inyong hangaring magkaroon ng katayuan at ang inyong maluluhong pagnanasa. Ang mga pag-asam, katayuan, at mga kuru-kuro ay pawang mga halimbawang kumakatawan ng satanikong disposisyon. Umiiral ang mga ito sa puso ng mga tao dahil palaging sinisira ng lason ni Satanas ang isipan ng mga tao, at palaging hindi maiwaksi ng mga tao ang mga tuksong ito ni Satanas. Nakasadlak sila sa kasalanan subalit hindi sila naniniwala na kasalanan iyon, at iniisip pa rin nila: ‘Naniniwala kami sa Diyos, kaya kailangan Niya kaming pagkalooban ng mga pagpapala at angkop na isaayos ang lahat para sa amin. Naniniwala kami sa Diyos, kaya kailangan makalamang kami sa iba, at kailangan magkaroon kami ng mas magandang katayuan at kinabukasan kaysa sa iba. Dahil naniniwala kami sa Diyos, kailangan Niya kaming bigyan ng walang-hanggang mga pagpapala. Kung hindi, hindi iyon matatawag na paniniwala sa Diyos.’ Sa loob ng maraming taon, ang mga kaisipang naging sandigan ng mga tao para manatiling buhay ay sumisira na sa kanilang puso hanggang sa sila ay maging taksil, duwag, at kasuklam-suklam. Hindi lamang sila walang malakas at matibay na pagpapasya, kundi sila rin ay naging ganid, mapagmataas at sutil. Walang-wala silang anumang paninindigan na dumaraig sa sarili, at higit pa riyan, wala silang katiting na tapang na iwaksi ang mga paghihigpit ng mga impluwensiyang ito ng kadiliman. Ang isipan at buhay ng mga tao ay bulok na bulok kaya ang kanilang mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos ay napakapangit pa rin, at kahit kapag nagsasalita ang mga tao tungkol sa kanilang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos, talagang hindi iyon matitiis pakinggan. Ang lahat ng tao ay duwag, walang kakayahan, kasuklam-suklam, at marupok. Wala silang nadaramang pagkasuklam para sa mga puwersa ng kadiliman, at wala silang nadaramang pagmamahal para sa liwanag at katotohanan; sa halip, ginagawa nila ang lahat upang maalis ang mga ito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?). Tinamaan ako ng mga salita ng Diyos. Ganap na inilantad ng mga ito ang aking satanikong disposisyon at ang mga iniisip ko para sa sarili kong kaligtasan. Talagang nahiya ako. Inalala ko kung paanong noong una, ang pananalig ko ay para lang makakuha ng mga pagpapala. “Dahil naniniwala kami sa Diyos, kailangan Niya kaming bigyan ng walang-hanggang mga pagpapala. Kung hindi, hindi iyon matatawag na paniniwala sa Diyos.” Ito ang naisip ko noong panahong iyon. Matapos dumaan sa mga pagsubok ng mga taga-serbisyo at ng kamatayan, nagsimula kong maunawaan ang mga motibo ko para magkamit ng mga pagpapala at naging handa na gumawa ng serbisyo para sa Diyos, pero sa kaibuturan ng puso ko, talagang nakabaon pa rin ang pagnanasang iyon para sa mga pagpapala at hindi pa lubusang nalilinis. Partikular nang makita ko ang pangakong mga pagpapala ng Diyos para sa mga nagmamahal sa Kanya, muling napukaw ang pagnanasa ko para sa mga pagpapala. Akala ko tiyak nang makakapasok ako sa kaharian ng langit sa pagkakataong ito, kaya mas masigasig kong ginugol ang sarili ko para sa Diyos. Pero nang inilantad kami ng Diyos bilang mga hambingan, bilang mga dagdag, at mga puntirya ng Kanyang pagkasuklam, naramdaman ko na nadurog ang mga pag-asa ko para sa mga pagpapala, at wala na akong kinabukasan o katayuan. Pakiramdam ko ay ginawan ako ng mali at napuno ako ng reklamo. Tinuring kong kapital ang mga sakripisyo at pagsisipag ko na magagamit ko para makipag-areglo sa Diyos, para makakuha ng libreng pass mula sa Diyos papasok sa Kanyang kaharian, kung hindi, hindi ako payag na patuloy na gugulin ang aking sarili. Noon ko lang napagtanto kung gaano kaseryoso ang pag-asam ko sa katayuan at kung gaano kalabis ang aking mga pagnanasa. Wala ako ni katiting na tunay na pagmamahal o pagpapasakop sa Diyos. Ang lahat ng iyon ay transaksyunal, mapaghimagsik, at mapanlinlang. Nang maharap sa mga katunayan, naging lubos akong kumbinsido. Nakita ko kung gaano ako labis na ginawang tiwali ni Satanas. Mapagmataas ako, buktot, makasarili, at kasuklam-suklam, ganap na walang konsiyensiya at katinuan. Nakita ko rin ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi nagpapalampas ng pagkakasala. Ang isang kasing-tiwali ko, nadungisan ng napakaramang motibo at tiwaling disposisyon, paanong hindi masusuklam sa akin ang Diyos? Anuman ang itawag sa akin ng Diyos, paano Niya man ako tratuhin, matuwid iyon.
Nabasa ko kalaunan ang mga salitang ito ng Diyos sa isang pagtitipon: “Dapat mong basahin ang iba pa sa mga pahayag na nabigkas ng Diyos sa panahong ito, at ikumpara ito sa iyong mga kilos: Totoo talaga na maayos ka at tunay na isang hambingan! Hanggang saan ang kaalaman mo ngayon? Ang iyong mga ideya, iyong mga iniisip, iyong pag-uugali, iyong mga salita at gawa—hindi ba’t ang lahat ng mga pagpapahayag na ito ay katumbas ng hambingan ng katuwiran at kabanalan ng Diyos? Hindi ba ang iyong mga pagpapahayag ngayon ay mga pagpapakita ng tiwaling disposisyon ng tao na ibinunyag ng mga salita ng Diyos? Ang iyong mga ideya, iyong mga pagganyak, at ang katiwaliang nabunyag sa iyo ay nagpapakita ng matuwid na disposisyon ng Diyos, maging ng Kanyang kabanalan. Ang Diyos ay isinilang din sa lupain ng karumihan, subalit nananatili Siyang walang bahid ng karumihan. Naninirahan Siya sa maruming mundong tinitirhan mo, ngunit may taglay Siyang katwiran at pandama, at kinamumuhian Niya ang karumihan. Maaaring ni hindi mo magawang mapansin ang anumang marumi sa iyong mga salita at gawa, ngunit kaya Niyang gawin iyon, at itinuturo Niya ang mga ito sa iyo. Ang mga dating ugali mong iyon—ang iyong kawalan ng kalinangan, kabatiran, at pakiramdam, at ang iyong paurong na mga paraan ng pamumuhay—ay nailantad na ng mga paghahayag ngayon; kapag pumaparito ang Diyos sa lupa upang gumawa nang gayon, saka lamang namamasdan ng mga tao ang Kanyang kabanalan at matuwid na disposisyon” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig). “Siyempre pa, hindi ka ginagawang hambingan ng Diyos nang walang dahilan. Sa halip, kapag nagbubunga ang gawaing ito, saka lamang nagiging malinaw na ang pagkasuwail ng tao ay isang hambingan sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at dahil lamang mga hambingan kayo kaya kayo may pagkakataong malaman ang natural na pagpapahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Hinahatulan at kinakastigo kayo dahil sa inyong pagkasuwail, ngunit dahil din sa inyong pagkasuwail kaya kayo naging isang hambingan, at dahil sa inyong pagkasuwail kaya ninyo natatanggap ang malaking biyayang ipinagkakaloob sa inyo ng Diyos. Ang inyong pagkasuwail ay isang hambingan sa walang-hanggang kapangyarihan at karunungan ng Diyos, at dahil din sa inyong pagkasuwail kaya kayo nagtamo ng gayon kadakilang pagliligtas at mga pagpapala. Bagama’t paulit-ulit Ko na kayong hinatulan, natanggap na ninyo ang kamangha-manghang pagliligtas na hindi pa natanggap ng tao kailanman. Napakalaki ng kabuluhan ng gawaing ito para sa inyo. Napakahalaga rin para sa inyo ang maging ‘hambingan’: Kayo ay iniligtas at nagtamo ng biyaya ng pagliligtas dahil kayo ay isang hambingan, kaya hindi ba napakahalaga ng gayong hambingan? Hindi ba napakalaki ng kabuluhan nito? Nabubuhay kayo sa iisang dako, sa iisang maruming lupain, na tulad ng Diyos, kaya kayo isang hambingan at nagtatamo ng pinakadakilang pagliligtas. Kung hindi naging tao ang Diyos, sino kaya ang naging maawain sa inyo, at sino kaya ang nag-alaga sa inyo, kayong abang mga tao? Sino kaya ang nagmahal sa inyo? Kung hindi naging tao ang Diyos upang gumawa sa inyo, kailan kaya ninyo matatanggap ang pagliligtas na ito, na hindi natamo kailanman ng mga nauna sa inyo? Kung hindi Ako naging tao upang mahalin kayo, upang hatulan ang mga kasalanan ninyo, hindi ba matagal na sana kayong nahulog sa Hades? Kung hindi Ako naging tao at nagpakumbaba ng Aking sarili sa inyo, paano kaya kayo magiging marapat na maging hambingan sa matuwid na disposisyon ng Diyos? … Bagama’t nagamit Ko ang ‘hambingan’ upang lupigin kayo, dapat ninyong malaman na ibinibigay ang pagliligtas at pagpapalang ito upang maangkin kayo; ito ay para sa paglupig, ngunit ito ay para mas mailigtas Ko rin kayo. Ang ‘hambingan’ ay totoo, ngunit kaya kayo mga hambingan ay dahil sa inyong pagkasuwail, at dahil dito kaya kayo nagtamo ng mga pagpapalang hindi pa natamo ninuman kailanman. Ngayon ay ginawa kayong makakita at makarinig; bukas ay tatanggap kayo, at, higit pa riyan, lubos kayong pagpapalain. Sa gayon, hindi ba napakahalaga ng mga hambingan?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos kung ano ang kahulugan ng pagiging isang hambingan. Isinilang tayo sa Taina, kaya tinuruan tayo, inimpluwensiyahan, at ginawang tiwali ng malaking pulang dragon sa loob ng maraming taon. Napuno tayo ng mga satanikong pilosopiya, ateismo, ebolusyon, at iba pang mga kamalian. Ang bawat isipin natin ay masama at salungat sa katotohanan. Pero hindi natin napagtatanto iyon, sa halip, iniisip nating mabubuting tao tayo, na naaayon tayo sa kalooban ng Diyos. Masakit na inilalantad ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng ating mga satanikong disposisyon gaya ng kayabangan, katusuhan, at kasamaan, at pagkatapos ay lubos Niya tayong kinukumbinsi sa pamamagitan ng paghahayag sa mga katotohanan. Kapag nagpapahayag ng mga katotohanan ang Diyos para maghatol at ilantad ang ating katiwalian, natural lang na lumalabas ang matuwid Niyang disposisyon ng pagkamuhi sa kasalanan at kasamaan. Nakikita natin ang Kanyang kabanalan at ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi kumukunsinti ng pagkakasala, pagkatapos ang katiwalian natin at kasamaan ay nagiging hambingan sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Nakita ko rin sa mga salita ng Diyos ang pagmamahal at kaligtasan para sa sangkatauhan, lalo na nang sinabi Niya, “Kung hindi naging tao ang Diyos, sino kaya ang naging maawain sa inyo, at sino kaya ang nag-alaga sa inyo, kayong abang mga tao? Sino kaya ang nagmahal sa inyo?” Lubos iyong nakaantig sa akin. Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na hindi tayo itinatapon o inaalis ng Diyos dahil sa dumi at katiwalian natin, ngunit sa halip, kinaawaan Niya tayong mga labis na ginawang tiwali at pininsala ni Satanas. Personal Siyang naging tao para iligtas tayo, nagtiis ng pinakamalalaking kahihiyan para gumawa kasama natin, nagpapahayag ng mga katotohanan para diligan at tustusan tayo, para hatulan at ilantad tayo. Bagaman inilantad Niya tayo bilang mga hambingan, hindi Niya kalooban na alisin tayo, kundi ay para makilala natin ang sarili nating pagnanasa sa katayuan at ang mga pag-asa natin para sa hinaharap, para malaman ang ating mga satanikong disposisyon ng kayabangan, panlilinlang, at kasamaan para mahanap natin ang katotohanan, itakwil ang katiwalian, at lubos na mailigtas ng Diyos. Ito ang napakapraktikal na pagmamahal at pagliligtas ng Diyos para sa atin! Nang naunawaan ko ang kalooban ng Diyos, naisip ko kung paano ako kumilos sa Diyos at gusto kong magpalamon sa lupa. Isa akong walang saysay na nilikha, lubos na ginawang tiwali ni Satanas, parehong marumi at mababa ang uri. Ang makapaglingkod bilang isang hambingan sa Diyos, ang Pinakamataas, at pagkakaroon ng pagkakataon na maranasan ang gawain ng Diyos at masaksihan ang Kanyang pagiging matuwid at kabanalan ay malaking biyaya ng Diyos para sa akin! Kung hindi dahil sa pagiging tao ng Diyos, sa pagsasalita at paggawa Niya kasama natin, paano ako magkakaroon ng pagkakataon na maunawaan ang napakaraming katotohanan? Paano ako magkakaroon ng pagkakataon na malaman ang Kanyang matuwid na disposisyon? Hindi ko lang hindi pinasalamatan ang Diyos, kundi sinubukan ko pang makipagtalo sa Diyos tungkol sa pagtawag sa akin na hambingan. Wala akong anumang katuwiran o pagkatao. Nang mapagtanto ko ito, naramdaman ko kung gaano ako labis na ginawang tiwali ni Satanas, at gaano kalaki ang utang na loob ko sa Diyos. Gusto kong magsisi sa Diyos, at gusto kong magpasakop sa mga pangangasiwa ng Diyos anuman ang itawag Niya sa akin, at anuman ang magiging kinabukasan at destinasyon ko. Gusto kong hanapin ang katotohanan at ang pagbabago sa disposisyon.
Sa pagsailalim sa pagsubok ng isang hambingan, nakakuha ako ng kaunting pag-unawa sa aking motibo na makakuha ng mga pagpapala at sa aking satanikong disposisyon, at napagtanto ko na, mataas o mababa mang katayuan, isa lang akong maliit na nilikha at dapat akong magpasakop sa kung anong isinasaayos ng Diyos sa lahat ng oras. Kahit na naglilingkod ako bilang isang hambingan para sa Diyos, dapat kong purihin ang Kanyang katuwiran, hanapin nang mabuti ang katotohanan, at gawin ang tungkulin ko bilang isang nilikha. Iyon ang wastong patotoo na dapat saksihan ng isang nilikha.