96. Ang Landas Tungo sa Pagiging Matapat

Ni Daisy, Timog Korea

Sa simula ng taong 2021, nahalal ako bilang lider ng team, na responsable sa gawain ng pagdidilig ng ilang pangkat. Nang panahong iyon, naisip ko na ang mahalal sa posisyong iyon ay nangangahulugan na meron akong kakayahan at kapasidad, na nauuna ako sa karamihan sa mga kapatid sa aking pag-unawa sa katotohanan at pagpasok sa buhay. Pakiramdam ko ay kailangan kong armasan ang aking sarili ng katotohanan at isapuso ang paggawa sa aking tungkulin nang maayos, para makita ng lahat na kaya kong gawin ang gawaing iyon.

Noong una, hindi ako pamilyar sa gawain, kaya kapag may mga bagay na dumarating na hindi ko kayang maunawaan nang husto, tatanungin ko ang mga kapatid na katrabaho ko tungkol sa mga iyon. Naisip ko na dahil bago ako sa gawaing iyon, mauunawaan ng lahat na may ilang bagay akong hindi nalalaman, at ang higit pang paghahanap ay maaaring makatulong sa akin na mas mabilis na lumago. Sa ganoong paraan, mag-iiwan ako ng magandang impresyon sa lahat, at iisipin nilang talagang masigasig kong hinanap ang katotohanan. Pero kalaunan, lagi akong nagkakaroon ng maraming problema, at nag-aatubili akong patuloy na magtanong. Sa puntong iyon, matagal-tagal na ako sa tungkuling iyon, kaya ano na lang ang iisipin ng lahat sa akin kung patuloy na marami akong itinatanong? Iisipin kaya nila na wala akong masyadong kakayahan, na ni hindi ko kayang lumutas ng mga simpleng problema, at hindi ko kayang gawin ang gawaing iyon bilang lider ng team? Kaya kapag nagkakaroon ako ng ibang mga problema na hindi ko lubos na maunawaan, hindi ko mapigilang mag-isip kung dapat pa bang itanong ang mga ito, kung makatuwiran bang itanong ang mga ito. Nag-alala ako na magmukhang napakasimple ng aking pag-iisip. Para sa ilang problema na tila hindi kumplikado, hindi ako magtatanong, sa halip ay sinusubukang lutasin ang mga ito sa sarili ko. Bunga nito, dumami nang dumami ang nagpatung-patong na problema, at ang ilan ay hindi nasolusyunan kaagad. Lalo akong nag-alala na isipin ng lahat na hindi ako akma na maging isang lider ng team. Sa mga pagtitipon, lalo na kapag ang lider ko ay naroon, habang nagbabahagi ako ng mga salita ng Diyos ay lagi akong nag-aalala: “Ang pagbabahagi ko ba ay praktikal? Ang pagkaunawa ko ba ay dalisay?” Pagkatapos ng aking pagbabahagi, inoobserbahan ko ang reaksyon ng lahat, at kapag may nagpalawak batay sa sinabi ko, nangangahulugan ito na ang pagbabahagi ko ay nakaantig at may taglay itong kaliwanagan, at ipinakita rin nito na mayroon akong dalisay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos at kaya kong pangasiwaan ang gawain. Pero kapag walang tumugon pagkatapos ko, sasama talaga ang loob ko. Makalipas ang ilang panahon, nagsimulang maging talagang nakakapagod ang aking tungkulin. Sa bawat salitang sinasabi ko at bawat opinyon na ipinapahayag ko, palagi ko itong iniisip nang husto, at hindi ako mapanatag. Gusto kong gawin nang mabuti ang tungkulin, pero lagi akong hindi mapakali, at hindi ako lumalago o natututo ng kahit ano.

Lumapit ako sa Diyos sa panalangin at paghahanap, at nagbasa ng isang sipi ng Kanyang mga salita: “Ang mga tao mismo ay mga nilikha. Kaya ba ng mga nilikha na magkamit ng walang-hanggang kapangyarihan? Kaya ba nilang maging perpekto at walang anumang mali? Kaya ba nilang maging mahusay sa lahat ng bagay, maunawaan ang lahat ng bagay, makilatis ang lahat ng bagay, at makaya ang lahat ng bagay? Hindi nila kaya. Gayunman, sa kalooban ng mga tao, mayroong mga tiwaling disposisyon, at isang malalang kahinaan: Sa sandaling matuto sila ng isang kasanayan o propesyon, pakiramdam ng mga tao ay may kakayahan sila, na sila ay mga taong may katayuan at may halaga, at na sila ay mga propesyonal. Gaano man sila kapangkaraniwan, nais nilang lahat na ipresenta ang kanilang sarili bilang sikat o katangi-tanging indibidwal, na gawing medyo tanyag na tao ang kanilang sarili, at ipaisip sa mga tao na perpekto sila at walang kapintasan, wala ni isang depekto; sa mga mata ng iba, nais nilang maging sikat, makapangyarihan, o dakilang tao, at gusto nilang maging napakalakas, kaya ang anumang bagay, nang walang hindi nila kayang gawin. Pakiramdam nila, kapag humingi sila ng tulong sa iba, magmumukha silang walang kakayahan, mahina, at mas mababa, at na hahamakin sila ng mga tao. Sa dahilang ito, palagi nilang nais na patuloy na magkunwari. Ang ilang tao, kapag pinagawa ng isang bagay, ay nagsasabing alam nila kung paano ito gawin, kahit na sa katunayan ay hindi. Pagkatapos, palihim, sasaliksikin nila ito at susubukang matutuhan kung paano ito gawin, ngunit pagkatapos itong pag-aralan nang ilang araw, hindi pa rin nila nauunawaan kung paano ito gawin. Kapag tinanong kung kumusta sila rito, sinasabi nila, ‘Malapit na, malapit na!’ Pero sa kanilang puso, naiisip nila, ‘Hindi ko pa nauunawaan, wala akong ideya, hindi ko alam kung ano ang gagawin! Hindi ako pwedeng magpahuli, dapat ituloy ko ang pagkukunwari, hindi ko maaaring hayaang makita ng mga tao ang aking mga pagkukulang at kamangmangan, hindi ko maaaring hayaang hamakin nila ako!’ Anong problema ito? Isa itong impiyernong buhay na sinusubukang huwag mapahiya sa anupamang paraan. Anong klaseng disposisyon ito? Walang hangganan ang kayabangan ng gayong mga tao, nawalan na sila ng buong katinuan. Ayaw nilang maging katulad ng iba, ayaw nilang maging karaniwang mga tao, normal na mga tao, bagkus ay nais nilang maging superhuman, katangi-tanging indibidwal, o kahanga-hanga. Napakalaking problema nito! Patungkol sa mga kahinaan, mga pagkukulang, kamangmangan, kahangalan, at kawalan ng pang-unawa sa loob ng normal na pagkatao, babalutan nila ang lahat ng iyon, hindi ipapakita sa ibang mga tao, pagkatapos ay patuloy silang magpapanggap. … Hindi ba’t namumuhay ang gayong mga tao nang lumilipad ang isip? Hindi ba nangangarap sila nang gising? Hindi nila kilala kung sino sila mismo, ni hindi nila alam kung paano isabuhay ang normal na pagkatao. Ni minsan ay hindi sila kumilos na tulad ng praktikal na mga tao. Kung araw-araw ka na lang lutang mag-isip, iniraraos lang ang gawain, walang ginagawang anumang praktikal, at laging namumuhay nang ayon sa sarili mong imahinasyon, problema ito. Ang landas sa buhay na iyong pinili ay mali(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos). Ang pag-iisip dito ay nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa aking kalagayan. Masyadong mataas ang naging tingin ko sa aking sarili, pakiramdam ko ay ang paghalal sa akin bilang lider ng team ay nangangahulugan na meron akong isang partikular na kakayahan at kapasidad sa trabaho. Nang makita ko ang sarili ko sa ganoong paraan, nagsimula akong mag-alala tungkol sa iisipin ng iba sa akin, at gusto kong patunayan na kaya ko ang gawain sa lalong madaling panahon. Kaya, nang magkaroon ng mas maraming problema at paghihirap sa aking tungkulin, hindi ko basta-bastang matalakay ang mga ito, at palagi akong nag-aalala na mabubuko ako ng mga tao, at sasabihin nilang kulang ako sa kakayahan at hindi kaya ang trabaho. Nagsimula akong magkunwari, tumatahimik kapag may mga problemang dumarating at nilulutas nang mag-isa ang mga bagay-bagay. Nauwi iyon sa hindi pag-asikaso sa maraming problema sa aking tungkulin, na kapwa nakaantala sa aming gawain at nakaapekto sa aking sariling kalagayan. Naging magulo ang isip ko, at nagsimulang malito sa mga bagay na nauunawaan ko na noon. Palagi akong nagdadalawang-isip sa pagbabahagi ko sa mga pagtitipon, takot na mamaliitin ako ng lahat kapag hindi ito mahusay. Pigil ang bawat kilos ko. Napagtanto ko na ako talaga ang dapat sisihin sa lahat ng ito. Napakamapagmataas ko at wala ako sa katwiran, at hindi ko maharap nang maayos ang aking mga kahinaan at kakulangan. Lagi akong nagkukunwari para tumaas ang tingin ng iba sa akin. Sa katunayan, ang tungkuling iyon ay isang pagkakataon na ibinigay sa akin ng iglesia para sanayin ang sarili ko at hindi ito nagpapakita sa anumang paraan na nauunawaan ko ang katotohanan o kaya kong gawin nang mahusay ang trabaho ko. Mayroon lang akong kakayahang umunawa, pero maraming bagay ang hindi ko nauunawaan at wala akong personal na karanasan sa mga iyon. Wala talagang espesyal tungkol sa akin, pero napakataas ng tingin ko sa aking sarili, nagkukunwaring marangal, isang taong nauunawaan ang katotohanan. Labis-labis ang pagtatantya ko sa sarili ko! Dapat ay magpaka-praktikal ako at isagawa ang tungkulin ko, nagtatanong sa iba kapag hindi ko nauunawaan ang isang bagay, na siyang bagay na makatotohanan at makatwirang gawin.

Binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng mga praktikal na diskarte. Sabi ng Diyos: “Dapat mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang iyong mga kamalian, iyong mga kakulangan, iyong mga kasalanan, iyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at magbahagi tungkol sa lahat ng ito. Huwag mong itago ang mga ito. Ang pagkatutong buksan ang iyong sarili ang unang hakbang tungo sa buhay pagpasok, at ito ang unang sagabal, na siyang pinakamahirap daigin. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ano ang ipinahihiwatig ng paggawa sa hakbang na ito? Nangangahulugan ito na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang ikinukubling anuman, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at tapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang susuriing mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mapapalagpas mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi nakagapos o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ang pag-iisip dito ay nakatulong sa aking mapagtanto na para magawa ang tungkulin ko nang kalmado at walang pagkabalisa, ang unang hakbang ay ang matutuhang maging bukas tungkol sa aking mga pagkakamali at huminto sa pagkukunwari. Kailangan kong isagawa ng katotohanan at maging isang tapat na tao. Isa lang akong tiwaling tao na halos hindi nauunawaan ang katotohanan, kaya siyempre, maraming bagay-bagay na hindi ko lubos na maunawaan. Sadyang pangkaraniwan iyon. Hindi kailangang magkunwari at pagtakpan ang anuman para sa aking sariling reputasyon. Kung may mga katanungan ako, dapat kong bitawan ang kayabangan ko, hayagang hangarin ang paggabay at pagbabahagi tungkol sa mga ito; ito lang ang paraan para mapanatag sa aking tungkulin. Nang mapagtanto ko ito, sumaya ang puso ko at nagsimula akong magsagawa sa ganitong paraan. Kapag hindi ako sigurado sa isang bagay, maagap akong nagtatanong tungkol dito, at kapag nagbabahagi ng aking opinyon, sinasabi ko kung ano talaga ang iniisip ko at ibinabahagi lamang kung anong nalalaman ko. Nang nagsagawa ako sa ganitong paraan, unti-unti kong naunawaan ang ilan sa mga bagay na hindi ko kailanman naunawaan, at natuklasan at nalutas ko ang mga pagkakamali sa aking tungkulin. Nagkaroon din ako ng mas mabuting pagkaunawa sa mga pagkukulang ko. Napagtanto ko rin sa wakas na ang makita ng iba kung sino talaga ako ay isang mabuting bagay, at nakakatulong ito na maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo at matuklasan ang aking mga kapintasan. Mas gumaan ang pakiramdam ko sa puntong iyon at kalaunan ay nagawa ko na nang normal ang tungkulin ko.

Hindi nagtagal, ang mga grupo na responsabilidad ko ay talagang naging maayos sa buhay-iglesia, at gusto ng mga kapatid na makipagbahaginan sa akin tungkol sa kanilang mga problema. Pero hindi ko namalayang nagsimula na naman akong magtuon sa kung ano ang iisipin ng mga tao tungkol sa akin. Minsan, sa pulong ng mga kapwa manggagawa, isang lider ko ang nagbanggit ng ilang problema na naganap sa aming iglesia at tinanong ang aming saloobin. Naiisip ko, “Napakaraming kapatid ang narito, at kung makapagbibigay ako ng ilang kakaibang kabatiran, maipapakita nito kung gaano ako kahusay.” Pero matapos na pag-isipan ito nang matagal at nang husto, hindi ko pa rin ito maintindihan. Noon din, tinanong ng lider ko kung ano ang saloobin ko. Matagal akong nautal-utal, tapos ay nagbigay lang ng mga malabong mungkahi. Hindi nagtagal, dalawang kapatid na babae ang nagbahagi ng kanilang iniisip, at ang mga mungkahi nila ay kabaligtaran ng sa akin. Ang sinabi nila ay talagang makatwiran, at sumang-ayon ang lider sa kanila. Agad na sumama ang pakiramdam ko, iniisip na hindi lang ako nabigong pagandahin ang reputasyon ko, kundi ipinahiya ko ang sarili ko. Ano ang iisipin ng lider ko sa akin? Iisipin kaya niya na wala akong kabatiran sa isang napakasimpleng bagay, na hindi ako lumago man lang? Sa mga sumunod na araw, may mga isyung lumitaw sa bawat isa sa mga grupong pinananagutan ko. Hindi ko naunawaan ang mga ito, kaya dapat akong humingi kaagad ng tulong. Pero napaisip ako, kapag itinanong ko ang lahat ng iyon, hindi ba magmumukhang wala akong kakayahan sa gawain ko? Hindi ba nito sisirain ang magandang reputasyong nabuo ko? Sa kabilang banda, alam kong magiging sagabal sa aming trabaho ang mga problemang hindi nalutas, kaya nakaisip ako ng pansamantalang estratehiya: hahati-hatiin ko ang mga tanong ko at magtatanong sa iba’t ibang tao, para masolusyunan ang mga problema pero hindi magmumukhang napakarami kong tanong at wala akong kahit anong alam. Habang nagkukunwari ako sa ganitong paraan, lalong lumala ang aking kalagayan. Lalong naging malabo ang pag-iisip ko at nagsimula akong mahirapan sa maraming bagay. Tapos nagnilay ako, at nakita na dahil wala na akong kabatiran sa ilang bagay na ginawa ko dati, malamang na problema ito sa aking katayuan. Kaya lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “O Diyos, malinaw na may mga problema ako, pero hindi ako nangangahas na maging tapat at bukas tungkol sa aking mga pagkakamali. Gusto ko laging magmalaki. Bakit ba napakahirap magtanong kapag hindi ko naiintindihan ang isang bagay? Tila ba pinatikom ang mga labi ko. Ang paggawa ng aking tungkulin sa ganitong paraan ay nakakapagod. Pakiusap, gabayan Mo akong malaman ang aking katiwalian at magbago.”

Pagkatapos noon, may nabasa akong dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na ganap ba inilantad ang kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga tiwaling tao ay mahusay magpanggap. Anuman ang ginagawa nila o katiwaliang ipinapakita nila, kailangan nila palaging magpanggap. Kung may mangyaring mali o may ginawa silang mali, gusto nilang isisi iyon sa iba. Gusto nilang sila ang mapuri sa mabubuting bagay, at masisi ang iba sa masasamang bagay. Hindi ba maraming ganitong pagpapanggap sa tunay na buhay? Napakarami. Ang paggawa ng mga pagkakamali o pagpapanggap: alin sa mga ito ang may kaugnayan sa disposisyon? Ang pagpapanggap ay isang usapin ng disposisyon, may kaakibat itong mapagmataas na disposisyon, kasamaan, at kataksilan; ito ay higit na kinasusuklaman ng Diyos. … Kung hindi mo susubukang magkunwari o pangatwiranan ang sarili mo, kung kaya mong aminin ang iyong mga pagkakamali, sasabihin ng lahat na tapat ka at matalino. At ano ang ikinatalino mo? Ang lahat ng tao ay nagkakamali. Ang lahat ng tao ay may mga pagkukulang at kapintasan. At ang totoo, lahat ng tao ay may magkakaparehong tiwaling disposisyon. Huwag mong isipin na mas marangal, perpekto, at mabait ka kaysa sa iba; lubos na pagiging hindi makatwiran iyan. Sa sandaling malinaw na sa iyo ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao at ang diwa at totoong hitsura ng kanilang katiwalian, hindi mo na susubukang pagtakpan ang sarili mong mga pagkakamali, ni hindi mo isusumbat ang pagkakamali ng ibang tao sa kanila—mahaharap mo nang tama ang dalawang ito. Saka ka lamang magkakaroon ng kabatiran at hindi gagawa ng mga kahangalan, na siyang ikatatalino mo. Ang mga hindi matatalino ay mga taong hangal, at lagi silang nakatuon sa maliliit na pagkakamaling nagawa nila habang palihim na kumikilos. Kasuklam-suklam itong makita. Sa katunayan, halatang-halata kaagad ng ibang mga tao ang ginagawa mo, subalit lantaran ka pa ring nagpapanggap. Nagmumukha kang katatawanan sa iba. Hindi ba’t kahangalan ito? Talagang kahangalan ito. Walang anumang karunungan ang mga hangal na tao. Kahit gaano pa karaming sermon ang marinig nila, hindi pa rin nila maunawaan ang katotohanan o makita ang anumang bagay sa kung ano talaga ito. Lagi silang nagmamagaling, iniisip na naiiba sila sa lahat, at mas kagalang-galang sila; ito ay kayabangan at pagmamatuwid sa sarili, ito ay kahangalan. Ang mga hangal ay walang espirituwal na pagkaunawa, hindi ba? Ang mga bagay kung saan hangal at mangmang ka ay ang mga bagay kung saan wala kang espirituwal na pagkaunawa, at hindi madaling maunawaan ang katotohanan. Ito ang realidad ng usaping ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). “Anong klaseng disposisyon ito kapag ang mga tao ay laging nagpapanggap, laging pinagtatakpan ang kanilang sarili, laging nagmamagaling upang maging mataas ang tingin sa kanila ng iba, at hindi makita ang kanilang mga pagkakamali o pagkukulang, kapag lagi nilang sinisikap na ipakita sa mga tao ang pinakamagandang aspeto nila? Ito ay kayabangan, pagkukunwari, pagpapaimbabaw, ito ang disposisyon ni Satanas, ito ay isang masamang bagay. Tingnan natin ang mga miyembro ng satanikong rehimen: Gaano man sila maglaban-laban, mag-away-away, o pumatay nang lihim, walang sinumang maaaring mag-ulat o magsiwalat sa kanila. Natatakot sila na makikita ng mga tao ang kanilang mala-demonyong mukha, at ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para pagtakpan ito. Sa harap ng iba, ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para pagtakpan ang kanilang sarili, sinasabi nila kung gaano nila kamahal ang mga tao, kung gaano sila kadakila, kamaluwalhati at kung paano sila hindi nagkakamali. Ito ang kalikasan ni Satanas. Ang pinakaprominenteng katangian ng kalikasan ni Satanas ay ang panloloko at panlilinlang. At ano ang layon ng panloloko at panlilinlang na ito? Para dayain ang mga tao, para pigilan silang makita ang diwa at tunay na kulay nito, at nang sa gayon ay makamtan ang layon na mapatagal ang pamumuno nito. Maaaring walang gayong kapangyarihan at katayuan ang mga ordinaryong tao, ngunit nais din nilang magkaroon ng magandang pagtingin ang ibang tao tungkol sa kanila, at magkaroon ng mataas na tingin ang mga tao sa kanila, at iangat sila sa mataas na katayuan ng mga ito, sa puso ng mga ito. Ito ay isang tiwaling disposisyon, at kung hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, wala silang kakayahang makilala ito. Ang mga tiwaling disposisyon ang pinakamahirap makilala sa lahat: Madaling makilala ang sarili mong mga pagkakamali at pagkukulang, pero hindi ang makilala ang sarili mong tiwaling disposisyon. Ang mga taong hindi kilala ang kanilang sarili ay hindi kailanman tinatalakay ang kanilang mga tiwaling kalagayan—lagi nilang iniisip na maayos sila. At nang hindi nila namamalayan, nagsisimula silang magpakitang-gilas: ‘Sa lahat ng mga taong sumasampalataya ako, dumaan na ako sa napakaraming pag-uusig at pinagdusahan ko na ang napakaraming paghihirap. Alam ba ninyo kung paano ko ito napagtagumpayang lahat?’ Mapagmataas na disposisyon ba ito? Ano ang motibasyon sa likod ng kanilang pagpapasikat? (Para tumaas ang tingin sa kanila ng mga tao.) Ano ang motibo nila sa pagsisikap na mapataas ang tingin sa kanila ng mga tao? (Para mabigyan sila ng katayuan sa isipan ng gayong mga tao.) Kapag nabigyan ka ng katayuan sa isipan ng iba, kapag kasama ka niya, may paggalang siya sa iyo, at mas magalang siya kapag kausap ka niya. Lagi ka niyang tinitingala, lagi ka niyang pinauuna sa lahat ng bagay, pinagbibigyan ka niya, binobola at sinusunod ka niya. Sa lahat ng bagay, hinahanap ka niya at hinahayaan kang magdesisyon. At nakadarama ka ng kasiyahan mula rito—pakiramdam mo ay mas malakas at mas mahusay ka kaysa sa sinuman. Gusto ng lahat ang pakiramdam na ito. Ito ang pakiramdam ng pagkakaroon ng katayuan sa puso ng isang tao; nais ng mga taong magpakasasa rito. Ito ang dahilan kung bakit nakikipagpaligsahan ang mga tao para sa katayuan, at ninanais ng lahat na mabigyan ng katayuan sa puso ng iba, na hangaan at sambahin sila ng iba. Kung hindi nila makukuha ang ganoong kasiyahan na dulot nito, hindi sila maghahangad ng katayuan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, nakita ko na sa pagitan ng pagkukunwari at paggawa ng mga pagkakamali, mas malala ang pagkukunwari sa dalawa. Walang taong perpekto, kaya ang pagkakaroon ng mga problema at pagkakamali sa iyong tungkulin ay lubos na pangkaraniwan. Pero ang nasa likod ng pagkukunwari na iyon ay mga satanikong disposisyon ng pagiging mapagmataas, tuso, at masama. Ang laging pagtatago ng iyong mga kapintasan at pagkukulang, pagpapakita lang sa mga tao ng iyong mabuting katangian para tingalain ka nila at hangaan ay mas kinamumuhian ng Diyos. Ang isang tunay na matalinong tao ay kayang harapin nang maayos ang kayang mga pagkukulang, at sinasangkapan ang kanyang sarili ng katotohanan, at pinupunuan kung ano ang kulang sa kanya. Sa ganitong paraan, siya ay maaaring lumago. Pero ang hangal at ignoranteng tao na kulang ng kamalayan sa sarili ay hindi kailanman matatanggap ang kayang sariling pagkakamali, at nagkukunwari lang, na nangangahulugang hindi kailanman nalulutas ang ilang problema, at hindi siya kailanman lumalago sa buhay. Nang magbalik-tanaw ako sa aking pag-uugali, napagtanto ko na isa ako sa mga mapagmataas na hangal na inilantad ng Diyos. Nang magsimula akong magkaroon ng ilang resulta sa tungkulin ko, pakiramdam ko ay ayos lang naman ako, at kaya ko ang trabaho ko bilang lider ng team. Higit pa rito, nagawa ko ring lutasin ang mga problema. Dahil sa mga ito, itinaas ko talaga at labis na inisip ang sarili ko. Bunga nito, nang naharap ako sa mga bagay na hindi ko alam lutasin, naging maingat ako at hindi agad makapagpasya, nag-aalalang mali ang masasabi ko at masisira ang aking magandang reputasyon. Tapos, nagdesisyon akong magpahayag ng mas kaunting opinyon at bawasan ang pagtatanong. Kahit noong humingi na ako ng tulong, pinipili ko ang mas mahihirap na tanong para ipakita ang aking mga kakayahan, at ayaw ipakita sa lahat ang mga pagkukulang ko. Pinaglalaruan ko pa ang isip ng ibang tao, hinahati-hati ang mga tanong sa pagitan ng mga tao para hindi ako mahalata. Napakamapagmataas at tuso ko at hindi ko talaga kilala ang sarili ko. Nagkukunwari ako sa iba’t ibang paraan para tingalain ako ng mga tao. Napakahangal ko, kamuhi-muhi ako sa Diyos, at kasuklam-suklam sa ibang tao. Itinago ko ang mga kapintasan ko para protektahan ang aking pangalan at katayuan, na nagbunga ng mga problema sa aking tungkulin na hindi nalutas. Nahahadlangan ko ang gawain ng iglesia. Ano ba ang iniisip ko? Labis na kasuklam-suklam ako at masama. Mapanghahawakan ko panandalian ang aking posisyon sa pamamagitan ng pagkukunwari, pero nagmamasid ang Diyos sa lahat, at hindi magtatagal ay ilalantad ako at aalisin ng Diyos dahil sa pandaraya sa Kanya, at sa pag-antala sa gawain ng iglesia. Naunawaan ko na partikular na pinahahalagahan ng mga anticristo ang katayuan, at ni hindi uunahin ang mga interes ng iglesia kapalit ng kanilang sariling katayuan. Ano ang ipinagkaiba ng disposisyon at mga pananaw ko sa paghahanap, at ng sa isang anticristo? Nakinabang ba ako kahit papaano sa katayuan? Naging labag sa loob ko na tanggapin o harapin ang aking mga kapintasan, at nawala ang aking katuwiran. Ayaw kong maghanap kapag nagkakaroon ako ng problema, at sa halip ay nagkukunwari at mas lalong nagiging tuso. Bunga nito, mauuwi ako sa landas ng isang anticristo, at kasusuklaman at palalayasin ng Diyos. Maaapektuhan nito ang gawain ng iglesia at wawasakin ako. Sa puntong iyon, napagtanto ko kung gaano kapanganib na tahakin ang daang iyon. Isa itong panggising na hindi ko na maaaring gawin sa ganoong paraan ang aking tungkulin.

Nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos na may landas ng pagsasagawa, at lalo pa itong nagpagaan ng loob ko. Sinasabi ng Diyos: “May ilang tao na itinataas ng ranggo at nililinang ng iglesia, tumatanggap ng magandang pagkakataon na masanay. Mabuting bagay ito. Masasabi na itinaas at biniyayaan sila ng Diyos. Kaya, paano nila dapat gampanan ang kanilang tungkulin? Ang unang prinsipyo na dapat nilang sundin ay ang maunawaan ang katotohanan. Kapag hindi nila nauunawaan ang katotohanan, dapat nilang hanapin ang katotohanan, at kung hindi pa rin nila nauunawaan matapos ang paghahanap, maaari silang humanap ng isang taong nakakaunawa sa katotohanan para makipagbahaginan at maghanap kasama niya, na magiging dahilan para mas mapabilis at tama sa oras ang paglutas sa problema. Kung tututok ka lang sa paggugol ng mas maraming oras sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos nang mag-isa, at sa paggugol ng mas maraming oras sa pagninilay sa mga salitang ito, para makamit ang pagkaunawa sa katotohanan at malutas ang problema, napakabagal nito; ayon nga sa kasabihan, ‘Kailangan makaisip agad ng solusyon para sa problema.’ Pagdating sa katotohanan, kung nais mong umunlad kaagad, dapat mong matutuhan kung paano magtrabaho nang matiwasay kasama ng iba, at magtanong ng mas maraming katanungan, at mas maghanap pa. Saka lamang mabilis na lalago ang iyong buhay, at magagawa mong malutas ang mga problema sa oras, nang walang anumang pagkaantala sa alinman. Dahil katataas pa lang ng ranggo mo at nasa probasyon ka pa rin, at hindi mo tunay na nauunawaan ang katotohanan o taglay ang katotohanang realidad—dahil wala ka pa rin ng tayog na ito—huwag mong isipin na ang pagkakataas ng iyong ranggo ay nangangahulugang taglay mo na ang katotohanang realidad; hindi iyon ganoon. Ito ay dahil lang may nadarama kang pasanin sa gawain at nagtataglay ka ng kakayahan ng isang lider kaya ka napiling itaas ng ranggo at linangin. Kailangan may ganito kang pag-unawa(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 5). Pinag-isipan ko ito at nakita na ang iglesia ay nagtataguyod at naglilinang ng tao para bigyan sila ng pagkakataon na magsagawa. Hindi ito nangangahulugan sa anumang paraan na nauunawaan nila ang katotohanan, kayang lutasin ang anumang problema, o akma para magamit ng Diyos. Sa buong panahon ng pagsasagawa nila, mahaharap sila sa lahat ng uri ng totoong problema, at kung patuloy silang maghahanap at magbabahagi, unti-unti nilang mauunawaan ang iba’t ibang aspeto ng mga prinsipyo. Sa puntong ito, malulutas nila ang mga problema at magagawa nang maayos ang kanilang tungkulin. Alam kong kailangan kong harapin nang maayos ang aking mga kapintasan, at kilalanin ang aking sarili, maghanap ng mas maraming katotohanan, lalong makipagtalakayan at makipagbahaginan sa iba kapag may mga problema na dumarating, at ibigay ang lahat ng makakaya ko. Tapos, kahit pa dumating ang araw na maging malinaw na kulang talaga ang kakayahan ko, na hindi ko kaya ang trabahong ito, malinis naman ang konsensya ko. Talagang naging maluwag ang pakiramdam ko matapos ko itong mapag-isipan nang husto. Hindi ko na kailangang patuloy na magkunwari, at sa halip ay dapat akong maging tapat at buong tapang na harapin ang aking mga kapintasan at pagkukulang.

Sa mga pagtatalakayan ng aming grupo pagkatapos noon, tapat kong ibinahagi ang sarili kong mga opinyon. Medyo nag-alangan ako noong una, takot na mali ang masasabi ko at magmukhang may mababaw akong pang-unawa at mahinang kakayahan. Lalo na kapag may mga problema na talagang hindi ko lubos na maunawaan, ang mga opinyon na ibinahagi ko ay hindi masyadong malinaw, at pagkatapos kong magsalita, nagsisimulang kumabog ang dibdib ko, at naiisip ko kung mabubuko ako ng lahat. Pero ipinapaalala ko sa aking sarili na iyon ang totoo kong antas, at ayos lang kung maliitin man nila ako. Ang mahalaga ay ang pagiging matapat na tao sa harap ng Diyos, at tungkulin kong ipahayag ang aking mga saloobin at makilahok sa mga talakayan. Ito ang tanging paraan para mamuhay nang payapa. Pagkatapos noon, kapag may mga tanong ako sa aking tungkulin, lumalabas ako at hinihingi ang mga opinyon ng iba. Paminsan-minsan, nag-aalala pa rin ako na ako ay mamaliitin, pero nang maisip ko na ang pagkukubli sa mga kamalian ko para protektahan ang kayabangan ko ay malamang na makakaapekto sa gawain ng iglesia, sinikap kong tumalikod sa simbuyong iyon at humihingi ako ng tulong. Nang gawin ko iyon, nagsimula kong maunawaan ang mga bagay na dati ay hindi ko naiintindihan at mas gumaan ang loob ko, mas mapayapa. Minsan mas malinaw ang pagkaunawa ng mga kapatid kaysa sa akin, at maiisip ko na baka iniisip ng lahat na hindi ako magaling. Pero nakikita ko na hindi iyon ang tamang paraan ng pagtingin sa mga bagay-bagay. Kailangan akong matuto mula sa mga kalakasan ng iba para mapunuan ang aking mga kahinaan. Hindi ba’t isang kaloob iyon? Hindi ako nataranta nang inisip ko iyon sa ganoong paraan, at sa paglipas ng panahon, mas gumaan nang gumaan ang pakiramdam ko. Nagpapasalamat ako sa patnubay ng Diyos at naranasan ko kung gaano kalaya na maging tapat, at ngayon, higit akong may pananampalataya na isagawa ang mga salita ng Diyos.

Sinundan: 95. Paano Harapin ang Matabasan at Maiwasto

Sumunod: 97. Ang mga Kahihinatnan ng Labis na Emosyonal na Koneksyon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito