Bakit Napakaraming Hadlang sa Pagtanggap sa Tunay na Daan

Oktubre 30, 2022

Ni Joselyn, Ecuador

Noong 2008, nanampalataya ako sa Panginoon kasama ng aking ina, at pagkatapos noon, nagsimula akong dumalo sa mga pagtitipon sa aming lokal na iglesia. Nang lumaon, naging diyakono pa ako ng simbahan. Tuwing mayroon kaming pagtitipon, gusto ko laging magbasa pa ng mga salita ng Diyos at magkaroon ng mas mahusay na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, ngunit sa paglipas ng panahon, napagtanto kong hindi ako natutustusan ng mga sermon ng pastor. Hindi ako nasiyahan sa mga pagtitipon at nakaramdam ako ng kahungkagan. Noong Hunyo ng 2020, kung kailan papasok ako sa seminaryo para magpatuloy sa higit pang pag-aaral, nakilala ko online si Sister Garcia, na isang kasapi ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ibinahagi niya sa akin ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at inanyayahan akong sumali sa isang nagtitipong grupo. Nagbasa ako ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko na maawtoridad at makapangyarihan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na ang mga ito ay tinig ng Diyos, at naging sigurado ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus na matagal na nating hinihintay. Sobrang naantig ako kaya ako’y nagsimulang umiyak. Naramdaman ko na napakaswerte ko na masasalubong ko ang pagbabalik ng Panginoon at matatanggap ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw.

Matapos iyon, gusto kong ipabatid sa aking mga kapatid ang pagbabalik ng Panginoon sa lalong madaling panahon. Dahil alam kong si Angel ang tagapangaral sa aming iglesia at dahil mabait siya at responsable, at madalas tumulong sa aming lahat, sa kanya ako unang pumunta dala ang balita ng pagbabalik ng Panginoon at ibinahagi ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa kanya, ibinabahagi ang aking pagkaunawa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sa gulat ko, biglang pinutol ni Angel ang aking pagsasalita, sabi niya: “Imposible ‘yan. Ang Bibliya lamang ang tanging naglalaman ng mga salita ng Diyos. Hindi maaaring lumitaw ang mga salita ng Diyos sa labas nito. Pagtataksil sa Panginoon ang pagbabasa ng mga sulatin na hindi matatagpuan sa Bibliya!” Mabilis akong tumugon: “Paano ito naging pagtataksil sa Panginoon? Wala kang kahit katiting na pagkaunawa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, kaya dapat man lang ay siyasatin mo ito para makita mo kung ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng Diyos—pagkatapos ay maaari ka nang gumawa ng pasya.” Ngunit pinutol niya ulit ako at mayabang na sumagot: “Hindi na kailangang magsiyasat. Kung gusto mong makarinig ng sermon, makinig ka na lamang sa akin. Dapat mong tandaan, huwag kang magbasa ng ibang aklat maliban sa Bibliya kahit na anong mangyari—pagtataksil sa Panginoon ang paglayo sa Bibliya.” Nagulat at naguluhan ako sa kanyang saloobin sa gawain ng Diyos sa mga huling araw: “Noon, lagi niyang sinasabi sa amin na dapat kaming maging katulad ng matatalinong birhen at tapat na maghintay sa Panginoon, kung hindi ay baka mapalampas namin ang Kanyang pagbabalik. Ngayon, nagbalik na ang Panginoon, kaya bakit ayaw niyang maghanap at magsiyasat, at iginigiit pa niyang itigil ko na ang pakikinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos? Ayaw ba niyang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon?” Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganoon ang saloobin niya. Inisip ko rin kung paano niya sinabing: “Naglalaman ang Bibliya ng lahat ng salita ng Diyos. Hindi lumilitaw ang mga salita ng Diyos nang labas sa Bibliya. Pagtataksil sa Panginoon ang paglihis sa Bibliya.” Kahit na alam kong sinasalubong ko ang Panginoon sa pamamagitan ng pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos, at hindi Siya pinagtataksilan, naguguluhan pa rin ako sa sinabi ni Angel.

Nang lumaon, nagbasa ako ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos, at nakinig ako sa pagbabahaginan ng mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at nakatulong ito para malutas ang aking pagkalito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga naitala sa Bibliya ay limitado; hindi nito kayang kumatawan sa kabuuan ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo sa kabuuan ay wala pang isang daang kabanata, kung saan nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtatwa ni Pedro sa Panginoon, pagpapakita ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagkapako sa krus at muling pagkabuhay, pagtuturo tungkol sa pag-aayuno, pagtuturo tungkol sa panalangin, pagtuturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, ang paghirang ni Jesus sa mga alagad, at iba pa. Subalit, pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at ikinukumpara pa sa mga ito ang gawain sa ngayon. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus sa Kanyang buhay, na para bang gayon lamang karami ang kayang gawin ng Diyos at wala nang iba pa. Hindi ba ito katawa-tawa?(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1). “Kung tutuusin, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Bibliya? Bakit kailangang gumawa ang Diyos nang naaayon sa Bibliya? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Bibliya? Hindi ba maaaring lumihis ang Diyos sa Bibliya at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung magsasagawa Siya nang isinasaalang-alang ang araw ng Sabbath at nang ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, at sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya hindi isinagawa ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Bibliya! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Bibliya?(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Tungkol sa Bibliya 1). “Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Bibliya: na ito’y wala nang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang patotoo sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at na hindi ito nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Bibliya na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at ang gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo—hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito? Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na lumipas na ang dahilan kaya kasaysayan ang mga ito, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi magpapatungkol sa kasalukuyan, sapagkat ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! Kaya kung iyo lamang nauunawaan ang Bibliya, at walang nauunawaan sa gawain na nilalayong isakatuparan ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos ngunit hindi mo hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Bibliya upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa buong kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahangad mo ang buhay, dahil hinahangad mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahangad ang mga walang-buhay na titik at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat mong hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Tungkol sa Bibliya 4). Naaalala kong nakipagbahaginan ang mga kapatid sa akin, sinasabing ang Bibliya ay isang talaan lang ng kasaysayan ng gawain ng Diyos noon. Isa itong tinipon na mga naisulat na rekord ng gawain ng Diyos. Dahil ang mga tao ang nagtipon at nag-edit nito, hindi maiiwasang may ilang bagay na pinili, at may mga hindi isinama o kaya ay nakaligtaan. Magiging imposible na matipon at maitala sa Bibliya ang lahat ng salita at gawain ng Diyos. Tulad ng sinabi ng apostol na si Juan: “At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin” (Juan 21:25). Ipinapakita nitong ang mga salita at ang gawain ng Diyos na nakatala sa Bibliya ay napakalimitado. Ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob at ang pinagmulan ng buhay ng tao. Sa loob ng ilang milenyo, gumagawa at nagsasalita ang Diyos, tinutustusan ang sangkatauhan ng pangangailangan nila sa isang walang hanggang agos, at ginagabayan pasulong ang sangkatauhan. Ang mga salita ng Diyos ay tulad ng bukal ng buhay na tubig na dumadaloy nang walang hanggan, kaya paanong mailalagay sa Bibliya ang lahat ng salita ng Diyos? Pinaghaharian ng Diyos ang lahat ng bagay, hindi lang Siya Panginoon ng Sabbath, kundi ang Panginoon din ng Bibliya. Hindi Niya ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa Bibliya, o kaya’y nalilimitahan Siya ng Bibliya. Mayroon Siyang ganap na awtoridad na mangibabaw sa Bibliya, at gumawa ng higit pa at ng mas bagong gawain at ipahayag ang higit pa sa Kanyang mga salita ayon sa Kanyang sariling mga plano at sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. Halimbawa, noong Kapanahunan ng Biyaya, hindi ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa parehong paraan na nakatala sa Lumang Tipan kung paano ito ginawa noong Kapanahunan ng Kautusan. Nagsagawa Siya ng gawaing mas bago at mas mataas ang antas, ipinapahayag ang daan ng pagsisisi, isinasagawa ang gawain ng pagpapapako sa krus, tinutubos ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, nang sa gayon, hindi na mahahatulan at mapaparusahan ng kamatayan ng batas ang mga tao at maaari silang patuloy na mabuhay. Ngayong naparito na ang Diyos upang isagawa ang Kanyang gawain sa mga huling araw, hindi Niya inuulit ang dati Niyang gawain tulad ng nakatala sa Bibliya, kundi nagpapahayag Siya ng bagong mga salita at gumagawa ng bagong gawain. Tulad ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay nagbalik na bilang ang Makapangyarihang Diyos. Ginagawa Niya ang gawain ng paghuhukom mula sa sambahayan ng Diyos, ipinapahayag ang lahat ng katotohanang kailangan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, na nagbibigay-daan sa sangkatauhan na ganap na mapalaya ang sarili nito mula sa mga gapos ng kasalanan, maging dalisay, perpekto at makapasok sa kaharian ng Diyos. Lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ay tumatanggap ng pagdidilig at pagtustos ng Kanyang mga salita at dumadalo sa hapunan ng kasal ng Kordero. Sila’y tulad ng inilalarawan ng Pahayag: “At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Kordero saan man Siya pumaroon(Pahayag 14:4). Malinaw na sumusunod sila sa mga yapak ng Kordero at hindi pinagtataksilan ang Panginoon. Kaya itong ideyang “Nakatala sa Bibliya ang lahat ng sinabi at ginawa ng Diyos, at isang pagtataksil ang paglihis sa Bibliya” ay isang maling paniniwala lamang at hindi umaayon sa mga salita ng Diyos o sa mga katotohanan. Matapos makipagbahaginan sa mga kapatid, naging mas malinaw ang aking pakiramdam at nagkaroon ako ng pagkakilala sa mga maling pahayag ni Angel.

Pagkatapos noon, nagpunta ako sa isang sister mula sa aking orihinal na iglesia para ibahagi ang ebanghelyo. Sa gulat ko, nang marinig ito ni Angel, pinuntahan niya ang sister upang gambalain, at upang matiyak na hindi tatanggapin ng iba pang mga kasapi ang ebanghelyo, kinondena at nilapastangan niya ang Makapangyarihang Diyos at sinabing pinagtaksilan ko ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsapi sa ibang denominasyon. Nagpalaganap siya at ang pastor ng mga tsismis tungkol sa akin sa iglesia, sinasabing tumigil daw ako sa pakikipagtipon dahil nagkaroon ako ng bagong kasintahan, na wala akong tunay na pananampalataya sa Panginoon, at na dapat akong iwasan ng iba pang mga kasapi ng iglesia. Nang marinig ng lahat ang mga sabi-sabi, naging mababa ang pagtingin nila sa akin at sinimulan nila akong iwasan. Ang iba pa nga ay tiningnan ako nang kakaiba na para bang kakila-kilabot ako. Pagkalipas lamang ng ilang araw, hinanap ng pastor ang aking mga magulang upang sabihan silang naligaw ako ng landas at huminto ako sa pagdalo sa mga pagtitipon. Sinabihan din niya ang nanay ko na bantayan ako at huwag payagang pumunta saanman. Noong nangyari ang lahat ng ito nang sabay-sabay, natakot talaga ako, at akala ko’y mawawalan na ako ng pasensiya. Hindi ko naintindihan kung bakit ganoon nila ako itrato. Ang tanging ginawa ko lamang ay magpatotoo sa kanila tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, at pagkatapos ay inimbento nila ang lahat ng sabi-sabing ito upang ipahiya ako at hinimok pa ang aking mga magulang na pigilan ako. Ang lahat ng ito ay parang isang kutsilyo sa aking puso at nagdulot sa akin ng napakabigat na pagdurusa. May luha sa aking mga matang nanalangin ako sa Panginoon, hinihiling ang Kanyang tulong. Nang may sister na nakarinig ng aking sitwasyon, ibinahagi niya sa akin ang maraming salita ng Diyos at pinatibay nang husto ang loob ko.

Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagsasabing: “Sa panahong ito, yaong mga naghahangad at yaong mga hindi naghahangad ay dalawang ganap na magkaibang uri ng mga tao, na may labis na magkaiba ring mga hantungan. Yaong mga nagtataguyod sa kaalaman ng katotohanan at nagsasagawa ng katotohanan ang mga siyang pagdadalhan ng Diyos ng kaligtasan. Yaong mga hindi nababatid ang tunay na daan ay mga demonyo at kaaway; mga inapo sila ng arkanghel at magiging mga pakay ng pagwasak. Kahit yaong mga maka-Diyos na tagapaniwala ng isang malabong Diyos—hindi ba’t mga demonyo rin sila? Ang mga taong nagtataglay ng mabubuting budhi ngunit hindi tinatanggap ang tunay na daan ay mga demonyo; paglaban sa Diyos ang kanilang diwa. … Sinumang hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ay malademonyo at, higit pa rito, wawasakin sila. Yaong mga may pananampalataya ngunit hindi isinasagawa ang katotohanan, yaong mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao, at yaong mga hinding-hindi naniniwala sa pag-iral ng Diyos ay magiging mga pakay din ng pagwasak. Lahat yaong mga pahihintulutang manatili ay mga taong nagdaan na sa pagdurusa ng pagpipino at matatag na nanindigan; mga tao itong tunay na tiniis ang mga pagsubok. Sinumang hindi kumikilala sa Diyos ay isang kaaway; ibig sabihin, sinumang hindi kumikilala sa Diyos na nagkatawang-tao—nasa loob man sila o nasa labas ng daloy na ito—ay isang anticristo! Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong masuwayin sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan ko ng mga salita ng Diyos sa aking kapatid, napagtanto kong nang pumarito ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ang mga Pariseo na sumamba sa Diyos na si Jehova sa templo ay nababatid nang malinaw na ang sinabi ng Panginoong Jesus ay maawtoridad at makapangyarihan, ngunit hindi lang sila nabigong maghanap at magsiyasat, lumaban pa sila nang labis, at kinondena Siya, pinararatangan Siya na gumamit ng kapangyarihan ni Beelzebub upang magsagawa ng mga eksorsismo. Nakagawa sila ng kalapastanganan laban sa Banal na Espiritu at sinumpa at pinarusahan ng Diyos. Hindi lamang nilapastangan at kinondena ng mga Pariseo ang Panginoon, nilinlang din nila ang mga mananampalataya para labanan Siya, na humantong sa pagkawala sa kanila ng pagliligtas ng Diyos at pagiging bagay na kasama sa libingan ng mga Pariseo. Naisip ko kung paano isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Pariseo noong panahong iyon: “Datapuwat sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). At, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya ay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:15). Sa pamamagitan ng mga salita ng Panginoon, makikitang ang mga Pariseo ay mga anticristong lumalaban sa Diyos. Nagpanggap silang mabait, ngunit ang totoo’y kinasuklaman nila ang katotohanan at itinuring ang Diyos bilang kanilang kaaway. Sila’y mga demonyong lumamon ng mga kaluluwa at tumukso ng mga tao papunta sa impiyerno. Batay sa kasuklam-suklam na mga gawi ng mga Pariseo, nagpataw ang Panginoong Jesus ng pitong “kasawian” sa kanila. Mula rito, makikita nating hindi pinahihintulutan ng disposisyon ng Diyos ang pagkakasala. Sa mga huling araw, naparito ang Makapangyarihang Diyos upang isakatuparan ang Kanyang gawain. Ipinahayag Niya ang lahat ng katotohanang kailangan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan at gumawa Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay, na yumanig sa mundo ng relihiyon. Sa kabila ng pagsasagawa ng Diyos ng gayon kalaking gawain, ang mga pastor at mangangaral ng mundo ng relihiyon ay hindi lamang hindi naghahanap at hindi nagsisiyasat nito, lubos pa silang nagpapakalat ng mga sabi-sabi at hinahadlangan ang mga mananampalataya sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Para silang mga Pariseo na ang kalikasan at diwa ay napopoot sa katotohanan at sumasalungat sa Diyos. Sa mga huling araw, pinaghihiwalay ng Diyos ang bawat isa ayon sa kanilang uri, inilalantad ang mga huwad na mananampalataya at tinutukoy ang mga tunay na mananampalataya. ‘Yong mga nagsasabing nananalig sila sa Diyos ngunit hindi tinatanggap ang katotohanan at ang Diyos na nagkatawang-tao, ay hindi tunay na mananampalataya at sa huli ay tuluyang palalayasin. Tanging ang mga naghahanap sa katotohanan nang may bukas na isipan at tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ang magkakaroon ng pagkakataong mailigtas ng Diyos. Si Angel ay tila isang mabait, mapagpakumbaba at matulunging tao, ngunit nang marinig niya ang tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, ni hindi siya naghanap at nagsiyasat, hinusgahan at kinondena niya ang mga salita at ang gawain ng Diyos, at nagpakalat pa nga ng mga sabi-sabi at humadlang sa ibang mananampalataya sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Wala siyang kahit katiting na takot sa Diyos. Nakita ko na kahit nananalig siya at naglilingkod sa Panginoon, ang kanyang diwa ay namumuhi sa katotohanan at sumasalungat sa Diyos. Wala siyang pinagkaiba sa mga Pariseong lumalaban sa Diyos noon. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, nagkaroon ako ng kaunting pagkakilala kay Angel at sa mga lider ng mundo ng relihiyon, at mas luminaw ang aking pagkaunawa sa kung bakit sila kumilos sa paraang ginawa nila. Medyo hindi na ako nakaramdam ng sama ng loob pagkatapos noon.

Hindi nagtagal pagkatapos noon, sinimulan kong gampanan ang isang tungkulin sa iglesia. Dumadalo ako sa mga pagtitipon at nagbabasa ng mga salita ng Diyos araw-araw kasama ng iba at ang sarap ng pakiramdam ko. Ngunit nang marinig ng aking mga magulang ang mga sabi-sabi na ipinakalat ng pastor at mangangaral, galit nila akong pinagalitan. Pinilit nila akong bumalik sa dati kong iglesia at pinagbawalan akong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Dahil sa paghadlang at paggambala ng aking mga magulang, hindi ko magawa nang regular ang aking tungkulin at ni hindi na makadalo sa mga pagtitipon. Isang araw, nahuli ako ng tatay ko na dumadalo sa online na pagtitipon kasama ang ibang mga kapatid at siya’y sobrang nagalit na muntik na niya akong saktan. Buti na lang, pumasok ang aking nanay at napigilan siya sa oras. Pagkatapos noon, mas lalo akong pinaghigpitan ng aking mga magulang. Ikinulong nila ako sa bahay at hindi ako pinapayagang umalis, kaya hindi na ako nakakadalo sa mga pagtitipon. Sa mga panahong iyon, sobra-sobra na talaga iyon sa akin. Nanghina ako at wala akong tiwalang magagawa ko ang aking tungkulin. Nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyan ako ng pananampalataya at lakas. Pagkatapos noon, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto kong sa kasalukuyang sitwasyon, tila ba pinipigilan ako ng aking mga magulang sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos, ngunit sa likod ng mga pangyayari, si Satanas ang nagdudulot ng paggambala. Isa itong espirituwal na labanan. Nagpahayag ang Diyos ng maraming katotohanan sa mga huling araw upang bigyan-daan tayong makalaya mula sa ating satanikong katiwalian at mailigtas ng Diyos. Ngunit ayaw ni Satanas na mailigtas ako ng Diyos, kaya ginamit nito ang aking mga magulang upang salakayin ako at hadlangan ako sa pananalig sa Diyos at sa pagganap sa aking tungkulin. Nais ni Satanas na tuluyang mawala ang aking pagkakataong mailigtas at na maitapon ako sa impiyerno kasama nito. Talagang napakasama at makasalanan ni Satanas! Kung huminto ako sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos, hindi ba’t mahuhulog na lang ako sa masamang balak nito?

Pagkatapos ay nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. Ang mga pagsubok ay pagpapala mula sa Akin, at ilan sa inyo ang malimit na lumalapit sa Aking harapan at nakaluhod na nagmamakaawa para sa Aking mga pagpapala? Mga hangal na bata! Lagi ninyong iniisip na ang ilang mapapalad na salita ay maibibilang na Aking pagpapala, gayunman ay hindi ninyo kinikilala ang kapaitan bilang isa sa Aking mga pagpapala. Ang mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ang Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 41). Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, napagtanto kong kahit na medyo nagdusa ako dahil sa panunupil ng pastor at sa paghadlang ng aking mga magulang, pinahintulutan ng Diyos na mangyari ang sitwasyong ito upang gawing perpekto ang aking pananampalataya. Ito ang mabuting layunin ng Diyos! Ngunit mahina ako at handang talikuran ang aking tungkulin dahil lamang sa kaunting paghihirap. Napagtanto kong wala akong lakas ng loob na magdusa at magbayad ng halaga para matamo ang katotohanan. Wala akong tapat na saloobin sa Diyos at napakababa pa ng aking tayog. Naunawaan ko na ang mga layunin ng Diyos at hindi na ako nakadama ng pagiging pasibo at pagkalungkot. Nagkaroon din ako ng pananampalataya at lakas at handa na akong ganap na harapin ang sitwasyon, umaasa sa Diyos para maging matatag sa harap ng panunupil. Nang lumaon, madalas akong manalangin sa Diyos, magbasa ng mga salita ng Diyos upang palakasin ang aking pananampalataya at humiling sa Diyos na tumulong na magbukas ng landas para sa akin upang makapagpatuloy akong makipagtipon at magawa ang aking tungkulin.

Pagkatapos noon, ang mga sabi-sabi na ipinakalat ni Angel at ng iba pa ay nagsimulang magpahirap sa aking mga magulang, at para hindi na sila maapektuhan ng mga sabi-sabi, pinatira nila ako sa aking lola. Doon, nagawa kong makipag-ugnayan sa aking mga kapatid sa pamamagitan ng internet, at maaari na uli akong makipagtipon at makagawa ng aking mga tungkulin. Nagalit ang aking mga magulang nang malaman nila, pero hindi na ako nagpapaimpluwensya sa kanila at determinado kong sinabi sa kanila: “Ang pinakamalaki kong inaasam sa pananalig sa Panginoon ay ang makasalubong sa Kanyang pagbabalik. Ngayon ay nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang ang Makapangyarihang Diyos, kaya kahit hindi ninyo maintindihan, susunod pa rin ako sa Makapangyarihang Diyos hanggang sa pinakawakas. Kung ipagpipilitan niyo pa rin akong pigilan, wala na akong magagawa pa kundi iwan ang pamilyang ito.” Nang makita kung gaano ako naninindigan, wala nang sinabi pa ang mga magulang ko tungkol sa bagay na iyon. Mula noon, kahit na madalas pa rin silang magreklamo o subukang gambalain ako sa aking tungkulin, hindi na nila ako napipigilan at determinado akong gawin ang aking tungkulin. Sa pagdanas ko sa paulit-ulit na pang-aapi at paghadlang sa akin ng aking pastor at pamilya, medyo nagdusa ako, ngunit naunawaan ko ang ilan sa katotohanan, nagkaroon ako ng pagkakilala at lumalim ang pananampalataya ko sa Diyos. Anuman ang mga sitwasyong maranasan ko sa hinaharap, handa na akong umasa sa Diyos upang malampasan ang mga ito.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...