Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit

Marso 19, 2022

Yang Qing

Baffled From Reading the Bible

Nang maaga akong magising, ako ay nanalangin, at pagkatapos ay binuksan ang Biblia sa Mateo 16:19, kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus kay Pedro: “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Sa pagbabasa sa talatang ito ng kasulatan, ako ay nalito, iniisip: “Hindi gumawa si Pedro ng anumang dakilang gawain ni ang kanyang mga isinulat ay talagang tanyag. Higit sa lahat, nang ang Panginoong Jesus ay dinakip at nilitis, tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro. Bakit hindi ibinigay ng Panginoong Jesus ang mga susi ng kaharian ng langit sa iba pang mga disipulo, bagkus kay Pedro lamang?” Nagsaliksik ako nang husto sa Banal na Kasulatan, ngunit walang nakalutas sa aking pagkalito. Hindi maiiwasang pumasok ako sa trabaho.

Pagsangguni sa Isang Kasamahan at Paghahanap sa Sagot

Habang ako ay nanananghalian pinag-iisipan ko pa rin ang aking tanong sa umagang iyon: “Ang Diyos ay matuwid at tiyak na hindi gagawa ng anumang bagay na mali, ngunit bakit ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit? Anong uri ng misteryo ang nasa loob nito?” Sumangguni ako sa isang kasamahan na naniniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon upang maliwanagan ako dito.

Ngumiti ang aking kasamahan at sinabing: “Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit dahil pinili siya ng Panginoon. Bakit pinaboran si Pedro ng Panginoon?” Pagkakita sa tingin kong litung-lito, nagpatuloy siya sa pagtatanong: “Naaalala mo pa ba kung paano sumagot si Pedro nang tinanong ng Panginoong Jesus ang mga disipulo kung sino Siya”

Sinabi ko, “At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay” (Mateo 16:16).

Tumango ang aking kasamahan at nagpatuloy: “Tama iyon. Sa labindalawang disipulo ng Panginoong Jesus, tanging si Pedro ang tumanggap ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu at kinilala na ang Panginoong Jesus ay ang Mesias na hinulaang darating, na Siya ay ang Cristo. Nang sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ang tinapay ng buhay at kinakailangan lamang ng tao na kainin ang Kanyang laman at inumin ang Kanyang dugo upang tamuhin ang buhay na walang hanggan, kakaunting tao lamang ang nakabuo ng mga pagkaunawa at hindi na sumunod sa Panginoon. Si Pedro lamang ang nagsabing: ‘Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan. At kami'y nagsisisampalataya at nakikilala namin na ikaw ang Banal ng Dios’ (Juan 6:68–69). Makikita natin mula sa dalawang pangyayaring ito na mayroong tunay na pagkaunawa si Pedro sa Panginoon mula sa Kanyang gawain at mga salita, na siya ay lubos na nakatitiyak na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo at ang daan sa walang hanggang buhay. Kaya gaano man hatulan, batikusin, at tuligsain ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus, hindi siya kailanman nalito, at talikuran man o hindi ng iba ang Panginoong Jesus, hindi siya kailanman napigilan at patuloy na pinamalagi ang kanyang pagtatalaga, sumusunod sa Panginoon hanggang sa wakas. At pagkatapos muling buhayin ang Panginoon at umakyat sa langit, pinastol ni Pedro ang mga iglesia ayon sa utos ng Panginoon. Ipinalaganap niya ang ebanghelyo at sa bandang huli ay ipinako nang patiwarik para sa Kanyang kapakanan, naging isang matunog, magandang saksi. Makikita natin mula sa lahat ng ito na si Pedro ay mayroong tunay na pagkaunawa sa Panginoon at taglay niya ang isang totoong puso ng pag-ibig para sa Kanya. Kung hindi, hindi niya magagawang ibigay ang kanyang buong buhay sa pagsunod sa Panginoon at sa pagpapalaganap ng Kanyang ebanghelyo, at lalong hindi niya magagawang sumaksi sa sukdulang pag-ibig para sa Diyos at pagkamasunurin hanggang sa sandali ng kamatayan.”

Tumango ako at sinabi: “Tama ka. Sa labindalawang disipulo si Peter lamang ang nakakilala na ang panginoong Jesus ay ang Cristo, at si Pedro lamang ang ipinako nang patiwarik para sa Kanya. Nakikita ko mula sa mga bagay na ito na taglay ni Pedro ang mga aspetong nararapat sa pagtanggap at pagsang-ayon ng Panginoon.”

Iniibig ni Pedro ang Panginoon at Natamo niya ang Kanyang Pagsang-ayon

Nagpatuloy ang aking kasamahan sa pagsasabing: “Sinabi sa atin ng Panginoon: ‘Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos’ (Mateo 22:37–38). ‘Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita’ (Juan 14:23–24). ‘Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit’ (Mateo 7:21). Maliwanag mula sa mga salita ng Panginoon na ang Kanyang minimithi ay ang magawa nating lahat na ibigin Siya ng buong puso at pag-iisip natin, magsagawa ayon sa Kanyang mga salita, at mapanatili ang landas ng Panginoon. Ang mga ito ang Kanyang mga kinakailangan sa atin at ang mga ito ang pamantayan sa pagkakamit ng Kanyang papuri at pagpasok sa kaharian ng langit. Ang paghahangad ni Pedro ay batay sa tatlong salitang ito mula sa Panginoon; itinalaga niya ang layunin ng pag-ibig sa Diyos at naghangad na maging taong umiibig sa Diyos. Nang ang Panginoong Jesus ay dinakip sa Hardin ng Gethsemane, nagmadaling lumapit si Pedro upang protektahan Siya, tinapyas ang tainga ng tagapaglingkod ng pinakamataas na pari. Bagamat naging pangahas si Pedro para gawin iyon, ipinakikita nito sa atin na siya ay lumapit sa isang mapanganib na sandali, ipinakikita na tunay niyang inibig ang Panginoon sa kanyang puso at totoong gusto niyang protektahan Siya. Bagamat minsan nang ikinaila ni Pedro ang Panginoon nang tatlong beses, bukod sa pagsisisi at pagkasuklam sa sarili, ginamit din niya ang pagkakataong iyon upang magnilay sa dahilan ng kanyang kabiguan. Nakita niya na bagamat nais niyang ialay ang kanyang buhay para sa Panginoon, hindi niya taglay ang realidad ng totoong pag-ibig para sa Kanya o ng pag-aalay ng kanyang buhay para sa Kanya. Sumasailalim pa rin siya sa mga limitasyon ng kamatayan at hindi nangahas na itaya ang kanyang buhay. Sa gayon, itinatag niya ang kanyang layunin para sa kanyang paghahangad sa hinaharap, na habang nabubuhay siya ang hahangarin lamang niya ay ang ibigin at palugurin ang Panginoon. Nanatiling tapat si Pedro sa pag-aatas ng Panginoon sa buong buhay niya—pagkatapos ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus at nagbalik sa langit si Pedro ay nagpunta sa lahat ng dako upang ipalaganap ang ebanghelyo at pinapastol ang mga kawan. Siya ay sumaksi sa mga salita ng Panginoon at sa Kanyang kalooban at itinuro sa mga tao kung paano isagawa ang mga salita ng Panginoon. Sa kanyang gawain, inalalayan ni Pedro ang mga kapatid gamit ang mga katotohanan na kanyang naunawaan at ang kanyang totoong pagkaunawa sa Diyos, nagpupuri at sumasaksi sa Diyos saanman at dinadala ang mga kapatid sa harap ng Panginoon. At gaano man siya tugisin ng mga lider sa loob ng pananampalatayang Hudyo o usigin ng pamahalaang Romano, pinagdadaanan ang lahat ng pagdurusa at mga kahirapan, si Pedro ay hindi mapag-aalinlangang tapat sa pag-aatas ng Diyos at hindi kailanman kinalimutan ang Kanyang tagubilin. Nang ninais ng Romanong maniniil na si Nero na patayin ang mga Kristiyano, tumakas si Pedro sa siyudad ng Roma sa tulong ng iba. Ang Panginoong Jesus ay nagpakita kay Pedro at sinabing Siya ay muling ipapako sa krus para sa kanyang kapakanan. Nang maunawaan ni Pedro ang kalooban ng Panginoon, hindi nag-atubiling bumalik, ibinigay ang kanyang buhay upang ipako sa krus nang patiwarik, natamo ang patotoo ng pagkamasunurin hanggang sa sandali ng kamatayan at ang sukdulang pag-ibig ng Diyos. Si Pedro ay isang tao na umibig sa Panginoon at ginawa ang kalooban ng Ama, at nakamit ng kanyang paghahangad ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung kaya’t ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit. Kung nais nating pumasok sa kaharian ng langit, dapat tayong matuto mula sa halimbawa ni Pedro at maging mga tao na kumikilala at umiibig sa Panginoon, na gumagawa sa kalooban ng Ama na nasa langit. Ito ang tanging paraan upang kamtin ang ipinangako ng Panginoon.”

Pagkarinig sa kinailangang sabihin ng aking kasamahan, bigla kong napagtanto: “Wow, si Pedro pala talaga ay isang tao na umibig at sumunod sa Panginoon! Hindi nakapagtatakang ibinigay ng Panginoong Jesus sa kanya ang mga susi ng kaharian ng langit. Sa paghahambing sa aking sarili sa mga karanasan ni Pedro, sa aking pananampalataya at sa aking ginugol para sa Panginoon, naisip ko kung paano ako makararating sa kaharian ng langit at magagantimpalaan. Hindi ko naisip kung paanong isagawa ang mga salita ng Panginoon o makarating sa Kanyang mga kinakailangan. Sa aking gawain, hindi ko pinag-isipan kung paanong ipahayag ang kalooban ng Panginoon sa mga kapatid at sa kalagitnaan ng pangangaral ng ebanghelyo, kapag nakasasagupa ako ng mga kahirapan at hindi nagagawang alalayan ang mga kapatid, nagiging negatibo ako at mahina, nawawalan ng tiwala sa Panginoon. Ngayon na lamang, sa paghahambing sa aking sarili kay Pedro ko nakita na hindi talaga ako ang taong umiibig sa Panginoon! Ang patotoo ni Pedro ay isang bagay talaga na dapat nating gayahin, sa pangkalahatan paano hinangad ni Pedro na kilalanin at ibigin ang Panginoon?”

Kung Paano Hinangad ni Pedrong Kilalanin at Ibigin ang Panginoon

Pagkarinig na sinasabi ko ang ganito, ang aking kasamahan ay masayang inilabas ang kanyang tablet at sinabi sa akin: “Nabasa ko ang ilang mga talata sa isang website ukol sa ebanghelyo kung paanong hinangad ni Pedro na kilalanin at ibigin ang Panginoon. Naipaliwanag ito nang malinaw. Sabay nating basahin: ‘Sumunod si Pedro kay Jesus nang ilang taon at maraming mga bagay siyang nakita kay Jesus na wala sa mga tao. … Bawa’t galaw ni Jesus ay nagsilbing halimbawa para sa kanya sa kanyang buhay, at ang mga sermon ni Jesus ay tanging nakaukit sa kanyang puso. Siya ay napakamaalalahanin at nakaalay kay Jesus, at hindi siya nagkaroon ng anumang hinaing kay Jesus. Ito ay dahil siya ay naging tapat na kasama saanman Siya magpunta. Minasdan ni Pedro ang mga pagtuturo ni Jesus, ang Kanyang marahang mga salita, at kung ano ang kinain Niya, isinuot, ang Kanyang pang-araw-araw na buhay, at Kanyang mga paglalakbay. Sinundan Niya ang halimbawa ni Jesus sa lahat ng paraan. Hindi siya matuwid-sa-sarili, nguni’t iwinaksi niya ang lahat ng kanyang dating makalumang mga bagay at sinundan ang halimbawa ni Jesus sa salita at gawâ. Noon niya nadama na ang mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay ay nasa mga kamay ng Makapangyarihan, at sa kadahilanang ito hindi siya nagkaroon ng kanyang sariling pagpili, nguni’t kinuha ang lahat ng kung ano si Jesus upang magsilbing kanyang halimbawa’ (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Tungkol sa Buhay ni Pedro).

“‘Matapos ang isang panahon ng karanasan, nakita ni Pedro kay Jesus ang maraming mga gawa ng Diyos, nakita ang kagandahan ng Diyos, at nakita ang malaking bahagi ng pagka-Diyos ng Diyos kay Jesus. Kaya nakita rin niya na hindi maaaring masambit ng tao ang mga salita ni Jesus, at hindi magagawa ng tao ang gawaing ginawa ni Jesus. Sa mga salita at kilos ni Jesus, sa karagdagan, nakita ni Pedro ang malaking bahagi ng karunungan ng Diyos, at higit pang banal na gawain. Sa kanyang mga karanasan, hindi lamang niya nakilala ang kanyang sarili, datapwa’t nakatutok din sa pagmamasid sa mga kilos ni Jesus, kung saan mula rito ay nakatuklas siya ng maraming bagong mga bagay; ang mga ito nga, na mayroong maraming pagpapahayag ng praktikal na Diyos sa gawa na ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus, at na ang mga salita ni Jesus, mga kilos, ang mga paraan kung paano Niya pinapastol ang mga iglesia at ang gawain na tinupad Niya ay kakaiba mula sa sinumang ordinaryong tao. Kaya, mula kay Jesus natuto siya ng maraming mga aral na dapat niyang matutunan, at sa panahong si Jesus ay malapit nang ipako sa krus, nakatamo siya ng kaunting pagkakilala kay Jesus—isang pagkakilala na siyang batayan ng kanyang habambuhay na katapatan kay Jesus, at ng kanyang pagkapako nang nakatiwarik para sa kapakanan ni Jesus’” (“Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos”).

Pagkarinig nito, sinabi ko sa aking kasamahan: “Ah, kaya sa kalagitnaan ng kanyang pagsunod sa Panginoong Jesus, patuloy na pinagmamasdan ni Pedro ang mga gawa at asal ng Panginoon, at mula sa Kanyang mga salita at mga pagkilos Siya ay Kanyang nakilala.”

Sinabi ng aking kasamahan: “Tama iyon. Makikita natin mula sa dalawang talata na ito na nasasabik si Pedro na makilala ang Panginoon at nang siya ay nakikisalamuha sa Panginoong Jesus, tinanggap niya ang bawat maliit na bagay na sinabi ni Jesus at ginawa. Sa Kanya, nakita ni Pedro ang napakalaking kabanalan. Halimbawa, ang mga salita na sinambit ng Panginoong Jesus ay ang katotohanan; ang mga ito ay puno ng kapangyarihan at awtoridad at makapagtutustos para sa espirituwal na pangangailangan ng mga tao. Inihayag ng mga himala at ang hindi pangkaraniwang mga bagay na ginawa ng Panginoong Jesus ang awtoridad at pagkamakapangyarihan ng Diyos at ang mga ito ay mga bagay na walang sinumang tao ang makagagawa. May kaawaang inililigtas ng Panginoong Jesus ang mga makasalanan, pinatatawad ang lahat ng mga kasalanan at ipinagkakaloob ang saganang pagpapala sa sangkatauhan—Siya ay puno ng awa at ng pag-ibig para sa mga tao. Nakita rin ni Pedro mula sa pagsaway at pagbatikos ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo gamit ang pitong kaabahan na Siya ay banal at matuwid, at hindi pahihintulutan ang pagkakasala mula sa tao. Habang Siya ay gumagawa, gaano man magdusa ang Kanyang katawang-tao o gaano man kahirap ang Kanyang gawain, mauwi man ito ng pagsasakripisyo sa Kanyang sariling buhay, ang Panginoong Jesus ay determinado na ganap na isakatuparan ang pag-aatas ng Diyos. Nakita ni Pedro na ang diwa ni Cristo ay ang pagkamasunurin sa kalooban ng Diyos Ama. Nakita ni Pedro kay Jesus ang napakalaking kabanalan at nagkamit ng tunay, praktikal na pagkaunawa sa Diyos. Idagdag pa, pinanghawakan ni Pedro ang mga salita ng Panginoong Jesus sa kanyang puso, madalas na binubulay-bulay ang mga ito at naghahangad na maunawaan ang kalooban ng Panginoon mula sa mga ito upang makarating siya sa mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Minsan siyang tinanong ng Panginoong Jesus nang tatlong beses: ‘Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako?(Juan 21:16). Madalas itong pagnilayan ni Pedro at sa pamamagitan ng kanyang mga pagninilay, naunawaan na ang kanyang inibig ay isa lamang malabong Diyos sa langit, ngunit hindi ang totoong Cristo. Napagtanto niya na iyon ay hindi tunay na pag-ibig sa Diyos, at ang pag-ibig kay Cristong nasa lupa lamang ang tunay na pag-ibig sa Diyos. Simula noon madalas siyang manalangin at naghahangad kung paano matatamo ang pag-ibig sa Panginoon. Sa bandang huli natamo niya ang sukdulang pag-ibig ng Diyos at pagkamasunurin hanggang sa sandali ng kamatayan, naging isang tao na tunay na umibig sa Diyos. Nagawa ring tanggapin at sundin ni Pedro ang pagbatikos mula sa Panginoong Jesus, at hangarin ang katotohanan mula rito. Nang malaman niya na si Jesus ay ipapako sa krus at tinangkang harangin Siya, sinasabing hindi maaaring mangyari ang gayon, pinagsalitaan siya ng masakit ni Jesus, na sinasabing: ‘Lumagay ka sa likuran ko, Satanas’ (Mateo 16:23). Naunawaan ni Pedro mula sa masakit na pananalita ni Jesus na kinasusuklaman ng Panginoon ang pagmamalasakit at kagandahang-loob ng tao, at ang anumang bagay na nakahahadlang sa kalooban ng Diyos ay gawa ni Satanas at hinahatulan ng Diyos. Makikita natin mula rito na mahalaga para kay Pedro na maunawaan ang Panginoon sa Kanyang gawain, mga pagkilos, mga sermon, at mga pambubulyaw, at kaya nagkaroon siya ng isang tunay na pagkaunawa sa Panginoon at nakabuo ng isang puso ng tunay na pag-ibig para sa Kanya.”

Nakadama talaga ako ng isang diwa ng kaliwanagan pagkarinig sa pagbabahagi ng aking kasamahan. Nadama ko sa aking puso na tunay na sinisiyasat ng Diyos ang mga puso at ang mga isip ng mga tao. Hindi para sa wala na pinuri ng Panginoong Jesus si Pedro at ibinigay sa kanya ang mga susi ng kaharian ng langit. May pagkakahawig kay Jesus ang pagkatao at kakayahan ni Pedro, at kanyang puso ng pag-ibig para sa katotohanan at para sa Panginoon. Nalaman Niya na si Pedro ay lubos na karapat-dapat para sa Kanyang pag-aatas at sa Kanyang tiwala, kung kaya ipinagkatiwala Niya sa kanya ang pananagutan ng pagpapastol sa Kanyang kawan. Kung babalikan ito, nabigo akong maunawaan ang pagsang-ayon ng Panginoon kay Pedro dahil sa tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro, ngunit nauunawaan ko na ngayon na ang tinitingnan ng Panginoon ay ang diwa ng isang tao. Ako, sa kabilang banda, ay tumingin lang sa isa sa mga pag-uugali ni Pedro. Bukod pa rito, tatlong taon pa lamang sumusunod sa Panginoon si Pedro sa panahong iyon kaya ang kanyang pananampalataya ay hindi pa ganoon kalaki. Sa isang napakahalagang pangyayari sa pagitan ng buhay at kamatayan, ang kahinaan ng laman ay ganap na inaasahan. Bakit ko nakikita ang maliliit na kamalian ng iba? Kung ako iyon, baka tumakas din ako nang si Jesus ay dakpin, gayunma’y hinatulan at nilimitahan ko si Pedro. Ang yabang, hangal, at mangmang ko naman! Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking kasamahan naunawaan ko na si Pedro ay nagdulot ng kagalakan sa Diyos at dapat nating sundan ang kanyang halimbawa. Umaasa ako na maisasakatuparan ko ang mga salita ng Panginoon sa aking buhay, magtatalaga sa aking gawain at paglilingkod sa Panginoon, at sa lahat ng mga bagay ay hahangarin na makilala at maibig ang Panginoon, at mapalugod ang Kanyang kalooban. Sa paraan lamang na ito ko makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos at magkakaroon ng pagkakataon na pumasok sa kaharian ng langit.

Pagkatapos maunawaan ang lahat ng ito sinabi ko sa aking kasamahan: “Salamat sa paggabay ng Panginoon sa ating pag-uusap sa araw na ito, nauunawaan ko na ngayon kung bakit ibingay ng Panginoon kay Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit. Mayroon talagang misteryo sa loob nito! Alam ko na ngayon kung paanong maghangad. Nagpapasalamat ako sa paggabay ng Panginoon. Amen!”

Ngumiti siya at sinabing, “Salamat sa Panginoon! Amen.”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

What is the meaning of rapture in Tagalog?

Ano ang meaning of rapture in Tagalog? Nangangahulugan ba talaga ito ng pagiging nadala sa isang ulap upang makatagpo ang Panginoon? Basahin ang artikulong ito para malaman ang tunay na kahulugan ng rapture.

Ano ang Matalinong Dalaga?

Mga Nilalaman 1. Ang lahat ng binigkas ng Diyos ay katotohanan. Makapagbibigay ito ng kinakailangang kabuhayan sa mga tao, at...

Paliwanag sa Mateo 6:9–10: Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?

Maraming kapatid na lalaki at babae ang naniniwalang ang kaharian ng Diyos ay nasa langit, ngunit sinasabi sa Panalangin ng Panginoon, “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10). Malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos na ang kaharian ng Diyos ay darating sa lupa, at ang kalooban ng Diyos ay masusunod sa lupa. Bakit ganito? Ang kaharian ba ng Diyos ay nasa langit o nasa lupa?