Ano ang mga Mithiin ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay dinidiligan at pinapastol ang mga mananampalataya nito nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos na nasa Biblia at sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, upang ang bawat mananampalataya, sa ilalim ng patnubay, pagtustos, pagdidilig, at pagpapastol ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ay maaaring maunawaan ang lahat ng mga katotohanan sa mga salita ng Diyos, taglayin ang tamang pananaw sa buhay at mga pinahahalagahan, magkaroon ng mga tamang mithiin na pagsisikapan, sundin ang landas ng Diyos, panghawakan ang mga komisyon ng Diyos, luwalhatiin ang Diyos sa pagiging ilaw ng sanlibutan at asin ng lupa, mapuri ng Diyos, at maging karapat-dapat na manahin ang mga pangako ng Diyos.
Nilalayon ng iglesia na itatag ang isang iglesia na naaayon sa puso ng Diyos, upang ang mga mananampalataya ay makapaglingkod at makapaglaan para sa isa’t isa sa mga salita ng Diyos at pag-ibig ng Diyos, masunod at masamba ang Makapangyarihang Diyos, na Cristo ng mga huling araw, at maaaring maging isang tunay na patotoo sa Diyos at pagpapamalas ng kaluwalhatian ng Diyos.
Ang iglesia ay naglalayon na ipalaganap at magpatotoo sa ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos, tinutulutan ang mga tao na makita na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus ng mga huling araw, at na inumpisahan Niya ang gawain ng “pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pe 4:17) na nakapropesiya sa Biblia, na siya mismong gawain ng Diyos sa ganap na pagdadalisay at pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Tanging sa pagtanggap sa lahat ng mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos na maaaring maalis ng tao sa kanyang sarili ang kanyang maka-satanas na disposisyon, makawala mula sa gapos ng kasalanan, mapadalisay, makilala ang Diyos, masunod ang Diyos at masamba ang Diyos, magkaroon ng makabuluhang buhay, at makaligtas sa malalaking kalamidad ng mga huling araw at makapasok sa kaharian ng Diyos—ito lamang ang magandang patutunguhan ng sangkatauhan. Nagpapalaganap at nagpapatotoo sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, at sa gayon ay dinadala sa harapan ng Diyos ang lahat ng mga kumikilala na mayroong Diyos at nagmamahal sa katotohanan upang kanilang matanggap at kamtin ang kaligtasan ng Diyos ng mga huling araw—ito ang komisyon ng Diyos sa mga taong Kanyang pinili, at ang mga mithiin ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.