Pagtakas mula sa “Lungga ng Tigre”

Pebrero 1, 2020

Ni Xiaoyou, Tsina

Ako si Xiaoyou at ako ay 26 taong gulang. Dati akong Katoliko. Noong maliit pa ako, sumama ako sa aking ina sa simbahan para dumalo sa Misa, magbasa ng Biblia, mangumpisal at tumanggap ng Komunyon. Masyadong masigasig ang aking ina sa kanyang pananampalataya. Madalas siyang nagbibigay ng pagkain at iba pang mga bagay sa simbahan mula sa aming bahay, at nagbibigay rin siya ng pera. Gustung-gusto ng mga pinuno ng simbahan at mga madre ang aking ina. Sa tuwing siya ay makikita nila siya ay babatiin nila nang may mga ngiti at magpapakita ng matinding pag-alala sa kanya, at madalas din nilang tinatawagan ang aking ina sa telepono para hilingin sa kanya na makilahok sa lahat ng uri ng mga aktibidad ng simbahan at tumulong sa iba’t ibang gawain. Aktibo rin akong lumahok sa mga klaseng tinuro ng mga madre, at magbabasa kami ng mga kaibigan ko sa simbahan ng Biblia nang sama-sama. Noong panahong iyon, nakadama ako ng kagalakan at kapayapaan dahil nasa tabi ko ang Panginoon, at nakaramdam ako ng kasiyahan araw-araw. Gayunman, habang lumilipas ang panahon, ang pananampalataya ng aking mga kaibigan sa simbahan ay naging palamig nang palamig. Nanghina rin ang aking espiritu at hindi ako nakasunod sa mga turo ng Panginoon. Madalas akong magkasala at pagkatapos ay ikinukumpisal ko ang mga ito at, nang makapag-asawa ako, lumipat kaming mag-asawa sa ibang bahagi ng bansa para magtrabaho.

Sa isang kisapmata, Pasko na ng 2013, at nagkaroon ako ng magandang kapalarang makaharap ang isang sister mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi niya sa akin na nakabalik na ang Panginoong Jesus at ginagampanan Niya ang isang bagong yugto ng Kanyang gawain. Nang marinig ko ito, nagulat ako at tuwang-tuwang sinabi ko, “Talaga? Bumalik na ang Panginoon! Kailan bumalik ang Panginoon? Nasaan ang Panginoon ngayon? Sister, sabihin mo sa akin kaagad.” Nagbigay sa akin ang sister ng pagbabahagi, na sinasabing, “Ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalikna Panginoong Jesus. Nagpahayag ng milyun-milyong salita ang Makapangyarihang Diyos at ginagampanan Niya ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ipinahayag Niya ang lahat ng katotohanan na maaaring magpadalisay at magligtas sa sangkatauhan, pati na ang tatlong yugto ng gawain na ginagampanan ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, ang misteryo ng pagkakatawang-tao, ang misteryo ng Biblia, ang kahalagahan ng mga pangalan ng Diyos, at ang wakas at hantungan ng sangkatauhan, bukod sa iba pa. Tinutupad nito ang mga salita ng Panginoong Jesus nang sinabi Niyang: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13).” Taimtim akong nakinig sa pagbabahagi ng sister at naisip: “Hindi ko kailanman inasahan na sasalubungin ko ang pagbabalik ng Panginoon. Kamangha-mangha ito.” Pagkatapos, nagpatotoo sa akin ang sister tungkol sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos at sa kahalagahan ng mga pangalan ng Diyos. Sa pangamba na hindi ko maunawaan, binigyan ako ng sister ng mga analohiya at halimbawa. Nagbigay siya ng pagbabahagi sa masinsinang detalye sa isang paraan na parehong malinaw at maliwanag. Sa pamamagitan ng kanyang pagbabahagi, naunawaan ko ang maraming katotohanang hindi ko nauunawaan noon. Nalaman ko rin na bumalik ang Panginoon para gampanan ang gawain ng paghatol, pagkastigo, paglilinis at pagpeperpekto sa tao. Naramdaman ko na napaka-posible na ang Makapangyarihang Diyos ay ang mismong bumalik na Panginoong Jesus, at sinabi ko sa sister na nais kong siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos, dumalo ako sa mga pagtitipon kasama ang aking mga kapatid at sama-sama kaming nagbasa ng salita ng Diyos, kumanta ng mga himno at sumayaw bilang papuri sa Diyos. Sa tuwing ako ay may napapansin na hindi ko naunawaan habang nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos, palaging mag-aabala ang mga kapatid na magbahagi sa akin tungkol dito. Ang kanilang mga pagbabahagi ay may kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at ang pagdalo sa mga pagtitipon kasama nila ay nagpahintulot sa akin na makadamang muli ng kasiyahan sa gawain ng Banal na Espiritu. Hindi kapani-paniwalang saya ang aking naramdaman. Sa malaking pamilyang ito ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang pagkakaiba sa pagitan ng mataas at mababa o mahirap at mayaman. Ang lahat ng kapatid ay bukas sa isa’t isa at palaging sinasabi kung ano ang mga nasa isipan nila. Pagdating sa pamumuhay ng maligayang buhay, pakiramdam ko ay totoo na ito! Pagkaraan ng mahigit isang buwan ng pagsisiyasat, nakabasa ako ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos at naging sigurado ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus. Napakapalad ang aking nadama, at kasabay nito gusto kong sabihin ang magandang balitang ito sa aking ina at mga kaibigan ko sa simbahan.

Habang Pista ng Tagsibol ng Mga Tsino umuwi kaming mag-asawa sa aming bayan. Pagdating namin, agad akong nagpatotoo sa aking ina sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ngunit tumanggi siyang tanggapin ito anuman ang aking sabihin. Ako ay nakaramdam ng kaunting pagkadismaya at masyadong naguluhan. “Malinaw, na ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus,” naisip ko. “Bakit hindi niya ito matanggap?” Nakikitang hindi ito tatanggapin ng aking ina, wala na akong nagawa kundi huwag na itong pag-usapan. Nang matapos ang aming biyahe pabalik sa aming bayan, bumalik ako kung saan ako nagtatrabaho. Dumalo ako sa mga pagtitipon kasama ang aking mga kapatid at isinagawa ang pagpapatupad sa aking mga tungkulin para sa iglesia. Noong panahong iyon, nag-uumapaw ang kagalakan sa aking espiritu at ang buhay ko ay puspos ng walang-kapantay na kaligayahan at kagalakan. Nabasa ko sa mga salita ng Diyos ang tungkol sa kung paano nawala kay Job ang lahat ng kanyang pag-aari at mga anak na lalaki at babae sa mga pagsubok, at ang tungkol sa kung paano natakpan ang kanyang katawan ng mga sugat subalit nagawa pa rin niyang purihin ang pangalan ng Diyos at may tunay na pananampalataya sa Diyos. At nariyan din si Abraham, na nagawang ihandog ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac at ibalik siya sa Diyos. Nang mabasa ko lalo na ang tungkol sa mga bagay na ito, naantig ako nang husto sa kanilang pananampalataya at sa kanilang pagsunod sa Diyos, at gusto ko ring maging ganitong uri ng tao.

Pagtakas mula sa “Lungga ng Tigre”

Nang nararamdaman ko na ang malalim na pag-ibig ng Diyos, biglang naging isang bangungot ang buhay ko. Isang araw noong Agosto ng 2014, bigla akong tinawagan ng aking ina para sabihin na malubha ang karamdaman ng aking anak na babae. Tumigil sandali ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ito. “Napakabata pa ng anak ko,” naisip ko, “paano siya magkakasakit nang malubha?” Masyado akong nag-alala para sa anak ko at labis na pagkabalisa ang aking naramdaman. Kaya ako ay humarap sa Diyos at nanalangin: “O Diyos, tinulutan Mong mapunta ako sa sitwasyong ito. Ang karamdaman ng anak ko ay nasa mga kamay Mo. Nais kong ipagkatiwala ang anak ko sa Iyo. Mangyaring pagkalooban Mo ako ng tunay na pananampalataya.” Medyo gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos niyon. Kaming mag-asawa ay dali-daling umuwi sa aming bayan. Pagdating namin doon, nabigla ako nang makita ang aking anak na payapang natutulog sa kanyang higaan. Gusto ko siyang gisingin, ngunit itinaas ng aking ina ang kanyang kamay upang pigilan ako at mariing sinabing, “Huwag mo siyang gisingin. Okey siya!” Noon ko lamang nalaman na maraming kamag-anak ang nagtipon doon sa bahay ko, at napagtanto ko na niloko niya ako upang umuwi ako para subukang pigilan ako sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Naisip ko: “Inayos ng Diyos ang sitwasyong ito para sa akin ngayon. Ito ay dapat isang bagay na kailangan kong maranasan.” Pagkatapos ay tinanong ko ang aking ina, “Inay, okey ang anak ko. Bakit mo kami niloko para umuwi—” Bago ko matapos ang pagsasalita, umusok sa galit ang aking ina at sumigaw, “Pumunta ako ng simbahan at tinanong ko ang mga pari at mga pinuno ng simbahan. Sabi nila mapanganib ang Kidlat ng Silanganan, at kapag sumapi ka dito hindi ka na muling makakaalis kailanman. Huwag ka nang maniwala diyan. Ginagawa ko ito para sa kabutihan mo. Natatakot ako na tumahak ka sa maling landas.” Inulit din ng aking ina ang ilang kasinungalingan at paninirang-puring gawa-gawa ng relihiyosong mundo laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang pinapakinggan ko ang aking ina na sinasabi ang mga bagay na ito, naisip ko: “Hindi mali ang aking paniniwala. Bagkus, sinasabayan ko ang bagong gawain ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan ko ay ang bumalik na Panginoong Jesus na ginagampanan ngayon ang gawain ng paghatol, pagkastigo at paglilinis sa tao. Ako ay lubos na nakatitiyak na ito ang tunay na daan, kaya bakit ko ito isusuko? Sa tuwing sinasabi ng mga pari at mga pinuno ng simbahan na, ‘Kung naniniwala ka sa Kidlat ng Silanganan at sumapi ka sa kanilang iglesia hindi ka na makakaalis kailanman,’ ang mga ito ay pawang kasinungalingan at pandaraya na nilayon upang linlangin ang mga tao. Mahigit anim na buwan na ako ngayong nakakadalo sa mga pagtitipon sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at mas marami akong alam tungkol doon kaysa sa inyong mga tao. Ang pintuan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay palaging bukas at ang mga tao ay maaaring malayang pumili na umalis. Hindi iyon katulad ng sinasabi ng mga pari at ng mga pinuno ng simbahan. Ang lahat ng kapatid ay naging tiyak tungkol sa tunay na daan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagtatamo sila ng pangangalaga sa buhay at natagpuan nila ang bukal ng tubig na buhay, at iyan ang dahilan kung bakit hindi nila nais na lisanin ang iglesia. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos, ang aming mga espiritu ay nagkakamit ng kapanatagan. Sino ang gugustuhing bumalik sa dati nilang mapanglaw at hindi namumungang simbahan? Hindi nasiyasat ng mga pari at ng mga pinuno ng simbahan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw kahit kailan. Hindi nila nabasa ang mga salita ng Diyos at, bukod dito, hindi pa sila nakadalo sa mga pagtitipon sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ano ang kanilang pinagbabatayan ng kanilang mga pahayag? Hindi ba nagtatahi-tahi lamang sila ng mga tsismis na walang batayan na nagmula sa wala?” Nang makita ng aking ina na hindi ako sumasagot, sinugod niya ako na matindi ang galit, sinampal ako nang ilang beses, at sinubukan na pilitin akong magsabi ng mga bagay para pagtaksilan ang Diyos. Labis akong nasaktan nang makita siyang ganito. Inakala ko na kung hindi sa mga kasinungalingang gawa-gawa ng mga pari at ng mga pinuno ng simbahan, sa gayon ay walang paraan ang aking ina na subukang pilitin ako na talikuran ang aking paniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos ay sinabi ko sa kanya, “Ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus. Ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay isang di-mababagong batas ng lupa at langit, at maniniwala ako sa Kanya hanggang sa kahuli-hulihan!” Nang marinig ako ng aking ina na sinabi ito, nagdilim ang kanyang mukha sa galit at namula ang kanyang mga mata sa matinding galit. Sinigawan niya ako nang malakas, “Ako ang iyong ina. Kailangan mo akong pakinggan!” Ang makita kung gaano hindi makatwiran ang aking ina, nagpasiya akong huwag nang magsalita. Pagkatapos noon, nagsimula rin ang aking mga kamag-anak na batikusin ako nang sabay-sabay at maraming bagay ang kanilang sinabi para subukan na gawin ko ang magtaksil sa Diyos. Naisip ko: “Natanggap ko na ang Panginoong Jesus. Ang Diyos na pinaniniwalaan ko ay tunay at ang landas na tinatahak ko ay ang tamang landas. Hindi ko talaga pagtataksilan ang Diyos!” Gusto ko talagang payuhan sila na siyasatin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw at upang hindi malinlang ng mga tsismis ng mga pari at ng mga pinuno ng simbahan sa walang habas na pagkondena at paglaban sa Makapangyarihang Diyos. Gayunman, ang makita na ang kanilang saloobin ay isa sa pagkamuhi sa katotohanan at sa Diyos, nadama ko na hindi nila tatanggapin ang katotohanan at anuman ang sinabi ko ay wala itong magagawang mabuti, kaya wala na akong iba pang sinabi sa kanila. Ilang sandali pa, magkakasamang nagsialis ang aking ina at mga kamag-anak. Hindi ako pinaligtas ng aking ina, gayunpaman, pinapunta niya ang aking nakababatang kapatid na lalaki upang tumira sa bahay ko. Araw-araw, nakabantay sa akin ang kapatid ko na para bang isa akong preso at nakasunod sa akin saan man ako pumunta. Ganyan lang, naglaho ang aking personal na kalayaan.

Pagkaraan ng dalawang araw, habang naghahapunan kami ng aking pamilya, biglang pumasok ang aking ina. Hanggang magkabilang tainga ang ngiti niya at sinabi sa akin sa apektadong tono, “Xiaoyou, tingnan mo kung sino ang kasama ko!” Pinag-isip ako ng pananalita at tono ng boses ng aking ina kung anong klaseng tao ang dumating na naging dahilan ng gayon katinding reaksyon niya, at alam ko na hindi maaaring mabuti iyon. Pagkatapos, pumasok ang pinuno ng simbahan na si Liu at ang taga-parokya na nagngangalang Wang. Mahinahon ko silang binati at pinaupo. Pagkatapos naming kumain, tiningnan ako ng pinuno ng simbahan na si Liu, ngumiti at sinabi, “Xiaoyou! Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Ayon sa iyong ina, naniniwala ka na ngayon sa Kidlat ng Silanganan. Kailangan kong sabihin sa iyo na dapat kang tumigil sa paniniwala roon. Ilang henerasyon nang Katoliko ang iyong buong pamilya. Hindi mo maaaring talikdan ang Panginoon, at kung hindi ay tatalikdan ka Niya. Ngayon, naparito kami upang payuhan ka, ngunit kung hindi ka makikinig sa amin, wala kang masisisi kundi ang iyong sarili pagdating ng panahon at babagsak ka sa impiyerno. Xiaoyou, ginagawa namin ito para sa sarili mong kabutihan. Isipin mo ang karamdaman ng iyong asawa. Hindi sana siya gumaling kung hindi sa pagdarasal namin ng iyong ina sa Panginoon araw-araw. Kung patuloy kang maniniwala sa Kidlat ng Silanganan at nagbalik ang karamdaman ng iyong asawa, walang sinumang gagawa ng anuman para tumulong.” Nang marinig ko siyang sabihin ang mga bagay na ito, mabilis ang tibok ng puso ko at hindi ko napigilang matakot nang kaunti. Naisip ko: “Nagkasakit nga nang malubha ang aking asawa at kahit gumugol kami ng malaking pera ay hindi pa rin siya gumaling. Sa huli, gumaling lang siya dahil sa mga pagdarasal namin araw-araw. Kung totoo talaga ang mga bagay na sinasabi nila, at nagbalik ang karamdaman ng asawa ko, ano ang gagawin ko?” Nagsisimula pa lamang akong mahulog sa kanilang panlilinlang nang maisip ko ang isang linya ng mga salita ng Diyos: “Ang Makapangyarihang Diyos ay isang manggagamot na makapangyarihan sa lahat!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6). Nang maisip ko ito, bigla akong nagising at luminaw ang aking isipan. “Oo nga,” naisip ko. “Naniniwala ako na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoon. Magkakasakit mang muli ang asawa ko o hindi ay nasa mga kamay na ng Diyos; wala silang kinalaman doon. Ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat, kaya ano ang dapat kong ikatakot? Ano’t anuman, ang Panginoon ang gumamot sa karamdaman ng aking asawa, hindi sila. Hindi ko inisip kailanman na susubukan nilang gamitin ang karamdaman ng aking asawa para takutin akong pagtaksilan ang Diyos, o na susubukan nilang hikayatn akong tanggihan at pagtaksilan ang Diyos dahil sa takot na magkaroon ng problema sa aking pamilya. Napakatuso nila!” Nang maunawaan ko ang kanilang masasamang motibo, wala akong nadama kundi pagkasuklam sa kanila, at ayaw ko nang makipag-usap sa kanila.

Nang makita ng pinuno ng simbahan na si Liu na hindi ako umimik, sinabi niya sa mapanuyang paraan, “Mukhang mapilit kang masyado! Nasabi na namin ang lahat ng dapat sabihin ngayon, kaya sabihin mo sa amin kung saan ka nakapanig!” Dahil karamdaman lang ng asawa ko ang nabanggit nila, medyo naligalig ako. Ngunit nang maisip ko na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat, bigla akong nagkaroon ng kumpiyansa. Anuman ang nangyari, hindi ko pagtataksilan ang Diyos. Nagtipon ako ng lakas ng loob at sinabi ko, “Kung gayon ay sasabihin ko sa inyo na matatag akong naniniwala sa Makapangyarihang Diyos at hindi ko tatalikdan ang aking pananampalataya sa Diyos!” Umungol ang aking ina, “Tara na! Pupunta tayo sa simbahan para magdasal.” Pagkatapos niyang sabihin ito, pagalit silang nagsilabas. Nakikita kung gaano sila kabangis, hindi ko napigilang makadama ng kaunting takot. “Magdarasal sila,” naisip ko. “Isusumpa ba nila ako? Ano ang magagawa ko?” Walang magawa, humarap ako sa Diyos at nagdasal: “O Makapangyarihang Diyos! Kinakalaban nila akong lahat at kinukubkob ako, at pakiramdam ko ay nag-iisa ako. Diyos ko! Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Takot na takot ako. Gabayan Mo sana ako!” Pagkatapos kong magdasal, naalala ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Alam mong ang lahat ng bagay sa iyong kapaligiran ay naroon dahil sa Aking pahintulot, Ako ang nagsasaayos nitong lahat. Tingnan ito nang malinaw at bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa kapaligirang ibinigay Ko na sa iyo. Huwag matakot, ang Makapangyarihang Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong sanggalang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 26). Sa kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos, biglang napuspos ng liwanag ang puso ko: “Oo! Ang Diyos ang aking matibay na suporta,” naisip ko. “Nasa tabi ko ang Diyos, wala akong dapat ikatakot. Sinabi ng pinuno ng simbahan at ng Wang na iyon ang mga bagay na iyon para lamang takutin ako na mapupunta ako sa impiyerno, takutin sa problemang nagaganap sa aking pamilya, at takutin na muling magkakasakit ang aking asawa, at sa gayon ay tatalikdan ko ang Diyos. Nauumid man ako o natatakot, hindi ba iyan nangangahulugan na nahulog ako sa pakana ni Satanas? Walang kinalaman ang sinuman sa tadhana, sa huling hantungan at sa mga kasawian ko at ng aking asawa, lalo na ang mga pari at ang mga pinuno ng simbahan. Lahat ng iyon ay nasa mga kamay ng Diyos. Walang silbing tuligsain at sumpain nila ako.” Nasasaisip ito, napanatag akong muli at ni hindi na ako takot. Mula sa kaibuturan ng aking puso, pinuri ko at pinasalamatan ang Diyos sa paggabay sa akin sa Kanyang mga salita, at pagkakaloob sa akin ng pananampalataya at lakas na makita ang mga pakana ni Satanas upang hindi ako maguluhan o malinlang ng aking ina o ng iba pa.

Pagtakas mula sa “Lungga ng Tigre”

Isang hapon, nang iidlip na kami ng anak ko pagkatapos mananghalian, dumating sina Sister Zhao at Sister Zhang mula sa dati kong simbahan para ligaligin ako. May ilang bagay na sinabi si Sister Zhao para takutin ako, at sinabi naman ni Sister Zhang, na seryosong-seryoso, “Totoo. Nagkaroon kami ng kontak sa mga tao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos noong araw, at muntik na nila kaming malinlang.” Nang marinig ko siyang sabihin ito, nagalit ako nang husto. Alam ko na talagang hindi kaya ng aking mga kapatid na subukang linlangin ang sinuman. Lahat ng sinasabi nila ay mga kasinungalingan at paninirang-puri lamang. Kaya, tinanong ko sila, “Paano nila kayo nilinlang?” Sabi ni Sister Zhang sa seryosong tono, “Hindi mo malalaman. Binigyan nila ako ng isang aklat!” Nagpatuloy ako at tinanong ko siya, “Sabihin mo sa akin, ano ang hitsura ng aklat na ibinigay nila sa iyo? Ano ang titulo ng aklat? Tungkol saan ang aklat?” Mukhang napahiya si Sister Zhang, at matapos tumikhim at manlaki sandali ang mga mata, sa huli ay sinubukan niyang balewalain ang tanong, na sinasabing, “Nakalimutan ko na.” Nang marinig kong sabihin niya ito, naisip ko, “Mga madre kayo! Ang lakas ng loob ninyong magpatotoo nang mali at sadyang subukang magparatang ng mali laban sa iba? Paano ninyo naaatim na magkaroon ng ganyan katiting na pagpipitagan sa Diyos? Talaga bang mananampalataya kayo sa Diyos? Hindi ba kayo natatakot na maparusahan ng Diyos?” Pagkatapos, tinanong akong muli ni Sister Zhao, “Papasok ka ba sa trabaho?” Matapang akong sumagot, “Oo!” May kunwa-kunwariang kabaitan, pinayuhan niya ako, “Huwag kang pumasok. Mas mabuti pang manatili ka sa bahay at alagaan mo ang anak mo!” Nainis ako sa pagkukunwari nila, kaya nagsimula akong lumabas ng silid at sinabi ko, “Wala kayong pakialam.” Nakikitang bigo ang kanilang mga pagtatangkang guluhin ako, malungkot silang umalis. Nang makaalis na sila, lubha akong nag-alala at nalungkot. Naisip ko kung paano kamakailan patuloy na dumarating ang pinuno ng simbahan at ang mga madreng ito para ligaligin ako, at kung hindi man sila naninirang-puri, inaatake at nagkakalat ng tsismis tungkol sa Makapangyarihang Diyos at sa aking mga kapatid, o di kaya’y nagkakalat sila ng mga kamalian upang linlangin at takutin ako para mapahinuhod nila ako. Kahit na hindi nila ako nalinlang at nakipagtalo ako at pinasinungalingan ko ang kanilang mga pahayag, sa bawat pagkakataon ay balisang-balisa ako at hindi matahimik sa harap ng Diyos at sa pagbasa ng mga salita ng Diyos. Pinanonood pa rin pala ako ng nakababata kong kapatid. Para akong napipilitan tuwing nagdarasal ako, kumakanta ng mga himno at nagbabasa ng salita ng Diyos, at pakiramdam ko aping-api ako. Sa gitna ng aking pagdurusa, nagdasal ako sa Diyos: “Makapangyarihang Diyos! Naparito ang pinunong ito ng simbahan at ang mga madreng ito para paulit-ulit akong ligaligin. Gulung-gulo ako at naiinis. Ngayon mismo, hindi ko alam kung paano ko sila dapat pakitunguhan. Mahal kong Diyos, liwanagan at gabayan Mo sana ako!”

Pagkatapos magdasal, inilabas ko ang aking MP5 player at hindi sinasadyang nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko kaagad. Lumabas na ang mga pari at pinuno na ito ng simbahan ay ang mismong mga relihiyosong anticristo na inilalantad ng Diyos sa Kanyang mga salita. Kahit na naniwala sila sa Panginoon, ni hindi nila hinanap ang katotohanan at walang anumang takot ang kanilang puso sa Diyos. Hindi lamang nila hindi siniyasat mismo ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, kundi nilapastangan pa nila ang Diyos, tinuligsa ang bagong gawain ng Diyos at nagtahi-tahi ng mga tsismis upang linlangin ang aking ina para saktan niya ako, pagalitan ako at ikulong sa bahay. Pagkatapos, paulit-ulit silang pumunta sa bahay ko para subukang ligaligin, dayain, linlangin at pagbantaan ako. Mabuti na lang, dahil ginagabayan at inaakay ako ng mga salita ng Diyos, hindi ako naniwala sa kanilang mga pakana, ni hindi ko pinagtaksilan ang Diyos. Ginamit din ng mga Fariseo ang lahat ng uri ng kasuklam-suklam na mga pamamaraan upang pigilin ang ordinaryong mga Judio sa pagtanggap sa ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Gumamit pa sila ng mga kasinungalingan upang linlangin ang mga tao, sinasabing nilampasan ng gawain ng Panginoong Jesus ang Lumang Tipan at na si Jesus ay hindi ang nagbalik na Mesiyas. Dahil dito, nakisama ang mga ordinaryong Judio sa mga Fariseo sa pagpapako sa krus sa walang-kasalanang Panginoong Jesus. Pinagalitan sila ng Panginoong Jesus sa pagsasabing, “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). Inihambing ko ang ginawa ng mga Fariseo sa mga kilos ng mga pari, mga pinuno ng simbahan at mga madre, at inisip ko ang pagbabahagi sa akin ng aking mga kapatid noon tungkol sa kung paano mahiwatigan ang diwa ng mga Fariseo. Pagkatapos ay malinaw kong nakita na ang mga pari at mga pinuno ng simbahan ay halos walang anumang ipinagkaiba sa mga Fariseo noong araw. Para protektahan ang kanilang sariling katayuan at kabuhayan, ginamit nila ang lahat ng posibleng paraan para pigilin ako sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Natakot sila na ipapangaral ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa aking ina at sa aking buong pamilya, at pagkatapos ay magsisimulang maniwala ang aking pamilya sa Makapangyarihang Diyos. Dahil dito ay mababawasan ang kanilang kawan at bababa rin ang halaga ng mga donasyong natatanggap nila buwan-buwan. Talagang masasamang lingkod at anticristo sila na nagnanakaw ng mga handog sa Diyos at hinahadlangan ang mga tao sa pagpasok sa kaharian ng langit! Nang malinaw kong makita ang diwa ng kanilang pagiging anticristo, nalaman ko kung paano makitungo sa mga taong ito. Naniwala sila sa Diyos subalit nilabanan nila ang Diyos at mga kaaway sila ng Diyos at, dahil doon, alam ko na kailangan ko silang talikdan. Sa nakalipas na mga araw, bagama’t nagdusa ako mula sa kanilang panliligalig, nagkaroon naman ako ng patnubay at kaliwanagan ng mga salita ng Diyos. Sa pagiging negatibong mga hambingan sa Diyos, tinulutan nila akong magkaroon ng paghiwatig at, bukod pa riyan, tinulutan nila akong magtamo ng kaunting praktikal na karanasan tungkol sa mga salita ng Diyos. Naranasan ko sa aking sarili na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay, at mas natiyak ko pa na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos. Labis akong natuwa at napayapa sa puso ko at tahimik akong nagpasiya: Gaano man ako subukang guluhin ni Satanas, hindi ko pagtataksilan ang Diyos kailanman, at determinado akong tumayong saksi para sa Diyos at pahiyain ang diyablong si Satanas!

Hindi ko inasahan na, pagkaraan lamang ng dalawang araw ng kapayapaan, daranasin kong muli ang panliligalig at pamimilit ni Satanas. Isang gabi, nagpuntahan ang aking ina, ilan sa aking mga tito at tita gayon din ang pangatlong tita ng aking ina upang subukang pigilin ako sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Nang makita ko na nagkatipon silang lahat, nagalit ako nang husto. Naisip ko, “Naniniwala lamang ako sa tunay na Diyos. Ano ang mali roon? Bakit patuloy nilang ginagawa ito?” Sabi ng aking tita-sa-tuhod sa kakaibang tono, “Sige na, Xiaoyou. Umuwi na tayo para dalawin ang lola mo.” Nagulat akong marinig na sabihin niya ito at naisip ko: “Narito sila para dalhin ako sa bahay ng aking ina. Gusto nila akong ikulong na kasama ng aking baliw na lola! Naku naman, paano nagagawa ito sa akin ng mga kamag-anak ko? Bakit napaka-walang puso nila?” Habang iniisip ko ito, sinunggaban ng aking ina ang isang lubid at sinugod ako, tumingkayad sa lapag at nagsimulang pagtaliin ang aking mga paa. Nabahala ako nang husto. Itinulak ko ang kanyang mga kamay at sumigaw ako, “Ano ang ginagawa ninyo? Bakit ninyo gustong itali ako?” Nakikita ito, lumapit ang dalawa sa aking mga tito upang pigilan ang isa sa aking mga balikat para hindi ako makalaban. Noon ay nakaupo ako sa sopa at hindi ako makatayo. Kagyat akong nanangis sa Diyos sa puso ko: “Diyos ko! Sinusubukan nila akong itali at dalhin. Kung magtatagumpay sila, hindi ko magagawang maniwala sa Iyo at hindi ko matatagpuan ang iglesia. Diyos ko! Pagkalooban Mo ako ng pananampalataya at lakas at buksan ang daan para makaalis ako!” Pagkatapos kong magdasal, nadama kong sumilakbo ang lakas sa aking katawan. Nagpumiglas ako at sumigaw, “Ano ang ginagawa ninyo? Pakawalan ninyo ako!” Nang makita nila kung gaano kabangis ako lumalaban, pinakawalan nila ako. Nagpasalamat ako nang husto sa Diyos. Talagang naranasan ko na basta’t tunay na umaasa ang isang tao sa Diyos, masasaksihan niya ang mga gawa ng Diyos. Tunay ko ring nadama na katabi ko ang Diyos, pinapangalagaan at binabantayan ako sa lahat ng oras. Naisip ko: “Sa sitwasyong ito, kailangan kong ialay ang tunay na puso ko sa Diyos at lubos na pahiyain ang diyablong si Satanas.” Kaya matatag kong sinabi sa kanila, “Pagdating sa ibang mga bagay, makikinig ako sa inyo. Gayunman, pagdating sa paniniwala sa Diyos, sa Diyos lamang ako makikinig! Natitiyak ko nang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoon. Gaano man ninyo ako pilitin, hindi ninyo ako mapapaikot!” Nang ipasiya kong sundan ang Diyos, nasaksihan kong muli ang mga gawa ng Diyos. Sabi ng isa sa aking mga tita, “Huwag ninyo siyang itali. Hindi iyan makakabuti. Nakikita ko na matatag siya sa kanyang pananampalataya.” Nang sabihin iyon ng aking tita, saka lamang sila nagsitalikod na lahat at malungkot na nag-alisan. Nang makaalis na sila, agad akong nakadama ng panlalambot at pagod kapwa sa katawan at isipan. Walang natira ni katiting na lakas sa akin. Humiga ako sa aking kama at nakatulog. Kinabukasan ng umaga, naisip ko kung ano ang nangyari kagabi na mabigat ang puso. Nang maisip ko ang paraan ng pagtrato sa akin ng aking mga kamag-anak, hindi ko napigilang isiping: “Ah, nalinlang ang aking ina at mga kamag-anak ng mga tsismis na ikinalat ng mga pari at mga pinuno ng simbahan, at patuloy nila akong sinusubukang pilitin. Kailan matatapos ang lahat ng ito?” Pagkatapos ay ginunita ko noong kasama ko ang aking mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Magkakaayon naming hinanap ang katotohanan at tinupad ang aming tungkulin, natulungan at nasuportahan ng lahat ang isa’t isa. Walang nagtangkang manakot o mang-api kaninuman, at hindi ko kinailangang mag-ingat. Nadama ko na malayang-malaya ako, at napanatag at napayapa ako araw-araw. Subalit ngayon ay nakakulong ako sa aking tahanan, wala akong anumang kalayaan, at nabubuhay ako sa masakit na pagkabalisa. Hindi ko akalain na darating ang aking mga kamag-anak o mga tao mula sa dati kong simbahan. Mabuti na lang, pinangaralan lang nila ako. Ang masama, binantaan at sinubukan nilang takutin ako. Nasaktan ako nang husto at nalungkot. Talagang gusto kong bumalik sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at dumalo sa mga pagtitipon, kumanta ng mga himno at purihin ang Diyos na kasama ang aking mga kapatid.

Pagkatapos ng insidenteng ito, may nangyari kaagad na mas lalong hindi inaasahan. Isang araw, namili kaming mag-asawa. Nang makauwi kami, gusto kong basahin ang mga salita ng Diyos sa aking MP5 player ngunit hindi ko makita iyon. Nabalisa ako nang husto at nataranta. Naisip ko: “Saan napunta ang MP5 player ko? Sigurado kong iniwan ko iyon sa bahay. Bakit hindi ko makita iyon?” Bigla kong naisip na malamang na kinuha iyon ng aking ina. Naalala ko na may isang araw na pumasok ang aking ina at nakita akong nagbabasa ng salita ng Diyos sa MP5 player. Pagkatapos niyon, madalas na siyang pumunta sa bahay ko at maghalungkat sa mga gamit ko. Natiyak ko na kaya nawawala ang MP5 player ko ay dahil nakuha niya iyon. Nasasaisip ito, nagalit ako nang husto, at sumugod ako sa bahay ng aking ina. Pagpasok ko, nakita ko na kausap ng aking ina ang pangalawang tita niya. Nilapitan ko siya at sinabi ko, “Inay, kinuha po ba ninyo ang MP5 player ko? Akin po iyon. Kung kinuha ninyo, ibalik ninyo sa akin ngayon din.” Sa gulat ko, tahasang ikinaila ng aking ina na kinuha niya iyon. Nang-aasar niya akong tiningnan, at pagalit kong sinabi, “Itinatago ko ang MP5 player ko sa bahay. Walang ibang maaaring humawak doon. Kayo lang ang tanging palaging naghahalungkat sa mga gamit ko. Siguradong kayo ang kumuha niyon. Ibalik ninyo iyon sa akin!” Naharap sa interogasyon ko, sumagot ang aking ina sa marahas na tono, “Hindi ko ibabalik iyon sa iyo. Makabubuting umuwi ka na dahil hindi mo na kailanman mababawi iyon sa akin!” Gaano ko man pinilit, ayaw niyang ibalik iyon sa akin, kaya wala akong nagawa kundi umuwi na walang dala. Sa daan pauwi, napakamiserable ko. Naisip ko: “Wala na sa akin ang MP5 player ko kaya hindi ko na mababasa ang mga salita ng Diyos. Noong araw, kahit pumunta ang aking ina at ang iba pa para ligaligin ako, nagawa ko pa ring basahin ang mga salita ng Diyos at mayroon akong patnubay at pamumuno ng mga salita ng Diyos. Dahil dito, nagawa kong maunawaan ang kalooban ng Diyos at magkaroon ng pananampalataya at lakas na matiis ang kanilang mga pag-atake. Ngunit ngayon, wala na ang MP5 player ko! Ano ang gagawin ko? Kung wala ang mga salita ng Diyos, hindi ba katapusan ko na?” Nang lalo kong isipin ito lalo akong nawalan ng pag-asa, at nasadlak sa pagiging negatibo ang aking espiritu. Labis akong naging miserable. Sa aking pinakamahina at pinaka-nakakasira ng loob na sandali, naisip ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos: “Sa ngayon, karamihan sa mga tao ay walang gayong kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang halaga, tinatalikuran sila ng mundo, puro problema ang buhay nila sa tahanan, hindi sila minamahal ng Diyos, at ang kanilang hinaharap ay malabo. Ang pagdurusa ng ilang tao ay umaabot sa isang sukdulan, at ang kanilang mga iniisip ay nagiging tungkol sa kamatayan. Hindi ito tunay na pagmamahal sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang lakas! … Kaya, sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo(“Hangaring Mahalin ang Diyos Kahit Gaano Kalaki ang Iyong Pagdurusa” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Sa patnubay ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na inaasahan ng Diyos na magagawa kong magpatotoo para sa Kanya sa sitwasyong ito. Gaano man kahirap ang mga bagay-bagay, talagang kinailangan kong maging tapat sa Diyos hanggang wakas at hindi mawalan ng pananampalataya sa Diyos. Naalala ko ang lahat ng pag-uusig na naranasan ko, at natanto ko na bawat insidente ay naging isang pakikidigma sa espirituwal na daigdig. Ginagamit ni Satanas ang lahat ng uri ng pamamaraan para durugin ako nang paunti-unti. Ngayon mismo, naagaw nito ang “pagkain ng aking espirituwal na buhay” sa hangaring lunukin ang aking kaluluwa. Talagang malupit si Satanas. Alam ko na kailangan ay hindi ako mahulog sa mga pakana nito. Kahit nawala ang MP5 player ko, mayroon pa akong Diyos. Liliwanagan at gagabayan pa rin ako ng Diyos, at naniwala ako na basta’t umasa ako sa Diyos sa bawat sandali, tutulungan ako ng Diyos na makaraos sa bawat kagipitan at paghihirap. Ano mang sitwasyon ang kinailangan kong harapin sa hinaharap, basta’t may isang hininga pa akong natitira sa aking katawan, tatayo akong saksi para sa Diyos. Muli akong ginabayan ng mga salita ng Diyos at binigyan ako ng pananampalatayang kinailangan ko para magpatuloy.

Sa paulit-ulit na pagdanas ng pag-uusig at paghihirap na ito, nasaksihan ko ang kapangyarihan at awtoridad ng mga salita ng Diyos. Bawat pagkakataon na naging negatibo, mahina, lito at naguguluhan ako, binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng pananampalataya at lakas na kinailangan ko at ginabayan akong makita ang mga pakana ni Satanas at tumayong saksi para sa Diyos. Kasabay nito, nakita ko rin na nasa panig ko ang Diyos sa bawat sandali, kumikilos bilang aking suporta at nagbubukas ng daan para sa akin. Unti-unting lumago ang aking pananampalataya sa Diyos at lumaki ang aking hangaring iwanan ang aking pamilya. Alam ko na kinailangan kong takasan itong “lungga ng tigre” sa lalong madaling panahon at hanapin ang iglesia at ang aking mga kapatid. Sa gayon ay nagdasal ako sa Diyos at ipinagkatiwala sa Kanya ang bagay na ito, at hiniling ko sa Diyos na gabayan ako. Makalipas ang ilang araw, nagawa kong iwasan ang pagmamatyag ng aking kapatid na lalaki at matagumpay akong nakatalilis ng bahay. Muli, nakabalik ako sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang mamuhay ng buhay-iglesia at tuparin ang aking mga tungkulin sa abot ng aking makakaya. Nagwakas na rin ang mahigit isang buwan ng pasakit, at naglaho ang damdamin ng kaapihan at pagkabalisa sa puso ko na parang usok sa hangin. Salamat sa Diyos sa paggabay sa akin na makalampas sa maitim na impluwensya ni Satanas at makatakas mula sa “lungga ng tigre,” at sa muling paggabay sa akin pabalik sa pamilya ng Diyos.

Nananatiling sariwa ang karanasang ito sa aking alaala dahil noong panahong iyon ay malinaw kong nasaksihan ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos, at nakita ko na nasa tabi ko ang Diyos at pinapangalagaan ako sa bawat sandali, at humahadlang na malinlang at malunok ako ni Satanas. Kasabay nito, ang di-pangkaraniwang karanasang ito ay binigyan din ako ng kakayahang magkaroon ng paghiwatig sa mga pari, mga pinuno ng simbahan, at iba pa. Galit na galit nilang tinuligsa at nilapastangan ang Makapangyarihang Diyos, at nagtahi-tahi sila ng mga tsismis at nagbigay ng maling patotoo para linlangin ako. Gumamit sila ng lahat ng uri ng panloloko para subukang pigilan ako sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos. Sila ang mga balakid at hadlang sa pagtanggap namin sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, pagtanggap ng pagliligtas ng Diyos at pagtatamo sa amin ng Diyos, at sila ang napakasasamang demonyo na narito upang lamunin ang kaluluwa ng mga tao! Sa panahong ito naunawaan ko sa huli na ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa mga salita ng Diyos na sinambit ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi magkatugma ang mga mananampalataya at ang mga di-mananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Naunawaan ko na kahit mukhang naniniwala sa Diyos ang mga pari, mga pinuno ng simbahan, mga madre, mga miyembro ng dati kong simbahan at ang aking ina, hindi nila naunawaan ang tinig ng Diyos at hindi nila kilala ang Diyos. Tumanggi silang tanggapin ang gawain ng nagbalik na Panginoon, kaya nga hindi kinikilala ng Diyos ang kanilang pananampalataya. Sa mga mata ng Diyos, sila ay mga hindi mananampalataya. Sila ang mga panirang damo na inihayag ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at sila, kung tutuusin, ang mga demonyo at anticristong kontra sa Diyos. Bukod pa rito, nakita ko rin na ang pag-uusig mula sa mga miyembro ng pamilya at ang panliligalig mula sa mga taong relihiyoso ay pawang mga pag-atakeng nagmumula kay Satanas, at na matitinding pakikibaka ang mga ito na nangyayari sa espirituwal na daigdig. Gusto ni Satanas na gamitin ang mga tao, pangyayari at bagay na ito para guluhin ako, para itakwil ko ang tunay na daan, pagtaksilan ko ang Diyos, “tanggapin” ito, mawalan ng pagkakataong mailigtas ng Diyos at mapuksa na kasama nito sa impiyerno. Gayunman, nagagamit ang karunungan ng Diyos batay sa masasamang balak ni Satanas. Kapag inatake at niligalig ako ni Satanas, ginabayan ako ng Diyos at inakay ako sa bawat sandali para maranasan ko ang Kanyang mga salita, at magkaroon ako ng paghiwatig at kabatiran sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Pinerpekto rin ng Diyos ang aking pananampalataya sa Kanya, at ginawa Niyang maging totoo, matatag, at hindi na mahina ang aking pananampalataya sa Kanya. Pinasasalamatan ko ang Diyos sa paggabay sa akin at pagtulong sa akin na maunawaan ang ilang katotohanan sa loob lamang ng mahigit isang buwan. Ngayon ay alam ko na ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, sa pagitan ng kagandahan at kapangitan. Napalakas ang aking pananampalataya sa Diyos at mas napalapit ako sa Diyos. Tunay na pagpapala ng Diyos ang pasakit! Sa aking pananampalataya sa buhay sa hinaharap, nais kong maranasan ang iba pang gawain ng Diyos at handa akong sundan ang Makapangyarihang Diyos hanggang sa kahuli-hulihan!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nasa Bingit ng Kapahamakan

Ni Zhang Hui, Tsina Noong 2005, kakatanggap ko pa lang no’n ng gawain ng Makapangyarihang Diyos, nag-ebanghelyo ako sa kapatid sa dati...

Bilanggo ng Sarili Kong Pamilya

Ni Jingxun, Thailand Tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw noong 2019. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, nakita ko kung paano...