Ang Realidad sa Likod ng mga Mahilig Magpalugod ng mga Tao

Enero 24, 2022

Ni Su Jie, Tsina

Noong nakaraang Oktubre, itinalaga ako ng iglesia na pangasiwaan ang graphic design team kasama si Wang Li, na nakasama ko na sa gawain noon. Medyo abala siya sa kanyang imahe, at nagdudulot siya ng mga problema sa sinumang nagpasama ng loob niya. Pero nagkasundo naman kami, walang anumang malaking tunggalian. Maganda ang relasyon namin noon pa man. Ngayong magkasama uli kaming gumagawa ng isang tungkulin, gusto kong maging maayos ang pagtutulungan namin. Kalaunan ipinapakilala niya sa akin ang mga miyembro ng grupo. Pagdating niya kay Sister Xin, galit niyang sinabing, “Wala siyang mabuting pagkatao at napakayabang niya. Bukod sa ayaw niyang tumanggap ng mga mungkahi, lagi rin siyang nagsasalita tungkol sa mga problema ko. Hindi siya gumaganap ng isang positibong papel sa grupo. Sumulat na ako sa lider tungkol sa kanya at kumalap ng ebalwasyon ng iba. Matatanggal siya.” Binasa ko ang mga ebalwasyon, at sinabi ng karamihan sa kanila na may mga kalakasan si Sister Xin sa kanyang tungkulin at may magandang kakayahan, pero medyo mayabang siya, at minsan ay kumakapit sa sarili niyang opinyon. Pero natatanggap niya naman ang mga bagay kapag may magandang pagbabahagi. Sa pangkalahatan, nararapat naman siyang linangin. Iniisip ko na hindi patas at naaapektuhan ng damdamin ang ebalwasyon ni Wang Li sa kanya, na hindi siya dapat tanggalin nang ganoon lang. Binigyan ba ni Sister Xin si Wang Li ng puna na pinagmukha siyang masama, kaya nagkaroon siya ng pagkiling sa kanya at gustong tanggalin ang kanyang tungkulin? Kung gano’n, dapat nagnilay-nilay sa sarili si Wang Li. Gusto kong ipaalam sa kanya ang tungkol sa problemang ito, pero naisip ko, napakahalaga sa kanya ng pag-iwas sa kahihiyan—aayawan niya kaya ako matapos iyon? Paano kami magkakasundo kung magkakailangan kami? Kaya maingat kong sinabi sa kanya, “Bago sa pananampalataya si Sister Xin, at medyo matigas ang ulo niya. Pero hindi naman ganoon kalala ang problema niya para tanggalin siya. Tulungan natin siya sa pamamagitan ng pagbabahagi.” Nagbago ang buong kilos niya, at inis niyang sinabing, “Hindi iyon dahil sa matigas ang ulo niya, kundi may masama siyang disposisyon. Katulad mo rin akong mag-isip noon, pero nagkamit na ako ngayon ng pagkakilala. Batay sa mga salita ng Diyos, dapat siyang alisin. Tulungan mo siya kung gusto mo. Puwede mong pamahalaan ang gawain niya.” Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Kakasali ko pa lang sa grupo at hindi ako pamilyar sa mga bagay-bagay. Pero ipinasa niya sa akin ang mga responsibilidad niya, at maaari nitong patagalin ang gawain namin. Isang napakairesponsableng bagay ang ginawa niya. Gusto ko pa sanang mas magbahagi sa kanya ng mga saloobin ko, pero nang makita ko kung gaano siya kalamig, natakot ako na baka magambala ng tunggalian ang maganda naming relasyon, kaya nanahimik na lang ako.

Matapos ang ilang araw, naghahanda na kaming magpalit ng lokasyon dahil sa mga pangangailangan sa aming gawain. Biglang sinabi sa akin ni Wang Li, “Huwag nating isama si Sister Xin. Dapat siyang manatili rito at magnilay-nilay.” Naisip kong kakaiba iyon. Hindi ba ang pagpapanatili sa kanya rito nang mag-isa ay isang paraan para ihiwalay siya? Anong kaibahan noon sa pagsisante sa kanya? Malaking papel ang ginagampanan ni Sister Xin. Patatagalin noon ang gawain namin at hindi iyon patas sa kanya. Nag-alala ako. Nakita kong kumikilos si Wang Li dahil sa katiwalian, at gusto ko siyang ilantad sa pang-aabuso niya sa kapangyarihan niya at pambubukod kay Sister Xin. Pero noong huling ilang araw nang talakayin namin si Sister Xin, talagang lumalaban siya at may masamang ugali sa akin, kaya kung sinuri ko ang problema sa isang mas direktang paraan, baka sabihin niyang kinukunsinti ko si Sister Xin at pinahihirapan siya, at magkaroon siya ng pagkiling laban sa akin. Kung magdulot iyon ng galit sa pagitan namin at sumama ang loob niya sa akin at ibukod ako, papaano kami makakagawa nang magkasama? Nag-alinlangan ako, at nilunok ko kung ano sana ang sasabihin ko. Naisip ko, hindi bale na lang. Masakit ang katotohanan, kaya hindi ako dapat maging masyadong direkta. Dapat pahapyawan ko na lang ito. Kaya nautal akong nagsabing, “Wala pang kinukumpirma ang lider na anumang pagbabago sa tungkulin niya. Tama lang ba na iwan natin siya rito? Hindi ba dapat nating hintayin ang pagsang-ayon ng lider bago natin siya alisin? Isama na lang natin siya. Magiging mas mabuti rin iyon para sa atin na suriing muli ang gawain.” Hindi na nagpumilit si Wang Li matapos kong sabihin iyon. Alam kong hindi ko malinaw na tinugunan ang problema niya, at nag-alala akong patuloy niyang pupuntiryahin si Sister Xin. Nakonsiyensya ako tungkol doon, pero naisip ko na dahil magkatuwang kami, patuloy na lang akong magbabantay at pipigilin siya na makagawa ng isang malaking pagkakamali. Patuloy niya siyang sadyang hindi isinasama. Minsan, nangailangan ang iglesia ng isang taong sasanayin. Malinaw na mabilis matuto si Sister Xin, kaya ang pinakamagandang opsyon ay ipadala siya para sa pagsasanay, tapos ay pabalikin siya para turuan niya ang iba. Pero ipinilit ni Wang Li na ipadala si Sister Liu, na hindi gaanong nakakaalam sa gawain namin. Nalaman ko rin mula sa ibang mga kapatid na maraming beses nang nagpahayag si Sister Xin ng mga pananaw na salungat kay Wang Li, at naramdaman ng lahat na mas maganda ang mga ideya ni Sister Xin, pero tumanggi si Wang Li na tanggapin ang mga iyon, at ipinilit na pakinggan siya ni Sister Xin. Matapos banggitin ni Sister Xin ang mga problema ni Wang Li sa isang pagtitipon, nagalit si Wang Li at hindi siya pinansin. Kapag may mga problema si Sister Xin sa tungkulin niya, hindi siya tinutulungan dito ni Wang Li, hinahayaan siyang nagtatagal sa gawain niya, pinahihirap ang mga bagay para sa kanya. Talagang hindi ako komportable nang marinig ko ang tungkol sa lahat ng ito. Palaging may kinikilingan si Wang Li at ibinubukod si Sister Xin. Talagang lumalala na ito. Nakakagambala at nakakapinsala na ito sa gawain ng iglesia. Alam kong kailangan kong kausapin si Wang Li. Mm. Noong araw na iyon, naglakas-loob ako at sinabing, “Hindi mo pa pinakakawalan ang pagkiling mo laban kay Sister Xin, ano? Magaling si Sister Xin sa pag-aaral ng mga bagong bagay. Hindi mo siya pinayagang umalis, kaya malamang iyon ay ang pagkiling mo laban sa kanya.” Pagkasabi ko nito, tila nagdilim ang kanyang mukha at galit na sinabing, “Pinakawalan ko na ang pagkiling ko laban sa kanya, pero ngayon mayroon na ako laban sa iyo. Walang anumang nakakamit ang grupo ni Sister Xin sa gawain nila, at problema niya iyon. Matagal ko nang sinabi sa iyo na dapat natin siyang tanggalin, pero hindi ka sumang-ayon.” Wala siyang kamalayan sa sarili. Bilang isang lider ng isang grupo, hindi niya tiningnan ang sarili niya noong hindi maayos ang takbo ng grupo, kundi isinawalang-bahala niya ito. Galit din ako, at gusto kong maging prangka tungkol sa kalikasan ng mga kilos niya. Pero nang makita ko kung gaano siya kapalaban, napigilan ako. Naisip ko na binigyan ko lang siya ng ilang ubod ng katotohanan, pero hindi niya iyon tinanggap nang mabuti. Kung talagang ipinaalam ko ang lahat ng problema niya, siguradong bigla siyang magagalit nang todo. Tiyak na makakapinsala iyon sa relasyon namin. Mas mabuting huwag nang magsalita pa, at bukod doon, pinaalalahanan ko na siya nang kaunti. Dahil ayaw niya iyong tanggapin, nagdesisyon akong tigilan na lang iyon. Nagbago ang mga pagsasaayos matapos iyon, ako na ang pangunahing namahala sa ibang gawain. Kagulat-gulat na matapos ang isang buwan, walang paggalaw ang gawain ni Wang Li, at nanghihina at nalulungkot ang mga miyembro ng grupo. Sabi nila nang makita niya silang hindi maayos na nakakagawa ng tungkulin, iwinasto niya lang sila, pero hindi sila pinatnubayan. Pakiramdam nilang lahat pinupuwersa niya sila, at napakanegatibo na halos hindi na nila magawa ang kanilang tungkulin. Sinabi rin nila na ilang buwan na niyang hindi pinapatnubayan ang gawain ni Sister Xin. Lumuluha silang lahat. Hindi ko na kayang maging kalmado. Matagal ko nang nakita ang mga problema ni Wang Li, pero hindi ko ipinaalam sa kanya ang kalikasan ng mga problemang ito. Wala siyang pag-unawa sa sarili niyang tiwaling disposisyon, kundi patuloy siyang nagbubukod ng mga tao dahil sa maling palagay, hanggang sa puntong halos huminto na ang gawain ng grupo. Talagang nakonsiyensya ako. Pag-uwi ko sa bahay, nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na naglalantad sa mga anticristo: “Sa lahat ng anyo, tila partikular na mabait, edukado, at tanyag ang mga salita ng mga anticristo. Sinumang lumalabag sa prinsipyo, na pakialamero at mapanghimasok, ay hindi iwinawasto, tinatabasan, o inilalantad, kahit sino pa sila; nagbubulag-bulagan ang anticristo, hinahayaan nilang isipin ng mga tao na mapagbigay sila sa lahat ng bagay. Ang bawat katiwalian at kasuklam-suklam na gawa ng mga tao ay hinaharap nang may kagandahang-loob at pagpaparaya; hindi naibubuyo sa galit ang mga anticristo, hindi mananakit ng mga tao dahil sa init ng ulo, poot, o dahil nakagawa ng mali ang isang tao. Gusto nilang ipakita na sila’y matiisin at mapagpasensya, na hindi nila sasaktan o tatakutin ang sinuman. Subalit ang talagang motibo nila ay ang magmagaling, upang makaramdam ang mga tao ng paghanga at pagsang-ayon sa kanilang mga kilos, sa kanilang asal, at kanilang pagkatao(“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikasampung Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Talagang nakakabahala ito para sa akin. Hindi tutulong ang mga anticristo kapag nakita nila ang mga tao na ginagambala ang gawain ng sambahayan ng Diyos, para maingatan nila ang sarili nilang magandang imahe—talagang makasarili sila at kasuklam-suklam. Napagtanto kong kumikilos ako na gaya mismo ng isang anticristo. Isinaayos ng sambahayan ng Diyos na gumawa ako kasama si Wang Li, para mapunan namin ang mga kahinaan ng isa’t isa, bantayan ang isa’t isa, magkasamang pagtibayin ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Pero para maprotektahan ang “maayos” kong relasyon sa kanya, para mapanatili ang aking “mabuting tao” na imahe sa kanya, hindi ako nangahas na ilantad ang kanyang mapangbukod at mapaniil na pagtrato kay Sister Xin. Nakita kong ang pagtrato niya sa iba ay kontrolado ng kanyang katiwalian at nakakaapekto sa gawain, pero hindi ko pinanindigan ang mga prinsipyo ng katotohanan at nakisangkot o isinumbong ito sa lider. Natakot ako na ayawan niya ako at magdudulot ito ng galit sa pagitan namin. Nang magkaroon ako ng tapang na magsalita, nagpigil pa rin ako, hindi direkta at malinaw na ipinaalam ang kalikasan ng kanyang asal. Palagi ko siyang binibigyan ng palusot. Kitang-kita ko kung ano ang ginagawa niya sa mga kapatid, na matinding humadlang sa gawaiin ng sambahayan ng Diyos at sa pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Sa wakas nakita ko na talaga na ang pagkilos na parang isang mabuting tao, hindi nagpapasama ng loob ng sinuman ay talagang nagmumula sa madaya at tusong mga motibo. Lahat ng ginawa ko ay para protektahan ang sarili ko, ang lahat ng iyon ay para panatilihin ang aking pangalan at katayuan. Ito ay para makuha ang mga puso at isip, para mabitag ang iba gamit ang panlabas na kabaitan. Inihahayag ko ang masamang disposisyon ng isang anticristo! Sa pagninilay-nilay sa mga kilos ko, talagang nakonsiyensya ako, at kinamuhian ko ang sarili ko sa pagiging napakadaya at napakatuso. Iniangat ako ng Diyos para gumawa ng ganoon kahalagang tungkulin, pero iresponsable ako at hindi ko pinanindigan ang mga prinsipyo nang makakita ako ng mga problema. Sinira ko ang gawain ng sambahayan ng Diyos at hinadlangan ang mga buhay ng iba. Kinakagat ko ang kamay na nagpapakain sa akin. Binigo ko ang atas ng Diyos para sa akin. Hindi ’yon katanggap-tanggap! Lumapit ako sa Diyos para manalangin at magsisi, handang tumigil sa pagiging mapaghimagsik at sa pananakit sa Diyos. Isasagawa ko ang katotohanan at poprotektahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos.

Noong sumunod na araw, pagkasabi ko ng sitwasyon sa grupo ni Sister Xin, nagbago ang kilos ni Wang Li at nagsimula siyang magreklamo tungkol sa pagpapahirap ni Sister Xin sa iba. Nakita kong wala siyang kamalayan sa sarili at hindi makatanggap ng puna. Naging medyo nakakailang ang mga bagay. Iniisip ko na halos hindi pa nga ako nagsisimula at nagagalit na siya. Kung sasabihin ko ang lahat ng mga problema niya, siguradong maiinis siya sa akin. Dapat ko bang gawin? Nag-atubili ako at pakiramdam ko napipigilan ako, kaya tahimik akong nanalangin at inisip ko kung paanong hinihingi sa atin ng Diyos na maging matapat at pagtibayin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Binigyan ako nito ng kaunting lakas ng loob. Anuman ang isipin niya, alam kong kailangan kong ibahagi ang matapat kong opinyon. Kaya, matindi at patas kong ipinaliwanag kung paano niya sinisiil si Sister Xin, at ibinahagi ang kalikasan at kahihinatnan noon. Pero ayaw niya iyong tanggapin. Patuloy lang siyang nakikipagtalo tungkol sa mga detalye. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan o kilalanin ang sarili niya. Nakita ko kung gaano kalala ang problema niya, at hindi siya puwedeng manatili sa tungkuling iyon, kaya ibinahagi ko ito sa lider. Sabi niya maraming beses na siyang nagbahagi noon kay Wang Li tungkol dito, pero hindi pa rin siya nagbago. Ipinakita ng asal niya na hindi siya angkop para sa gawain. Wala siyang mabuting katauhan at ayaw tanggapin ang katotohanan, kaya kailangang tanggalin. Gusto niyang gawin ko ito. Nakaramdam ako ng kaba, at naisip ko na nag-iba ang ugali niya sa akin simula nang ibunyag ko ang mga problema niya. Kung tatanggalin ko siya nang personal, sasama ang loob niya nang husto. Kamumuhian niya ba ako matapos iyon? Kung naisip niyang nagsumbong ako sa lider, iisipin niya ba na pinupuntirya ko siya? Nagsasalungatan ang damdamin ko at hindi ko alam kung paano siya haharapin. Habang ikinakabalisa ko ito, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Karamihan sa mga tao ay nais hanapin at isagawa ang katotohanan, ngunit kadalasan ay may pagpapasiya at hangarin lamang sila na gawin iyon; hindi nila naging buhay ang katotohanan. Dahil dito, kapag nakahaharap sila ng masasamang puwersa o nakatatagpo ng mga taong buktot at masasamang tao na gumagawa ng masasamang gawa, o ng mga huwad na pinuno at anticristo na gumagawa ng mga bagay sa isang paraang lumalabag sa mga prinsipyo—sa gayon ay dumaranas ng mga pagkalugi ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at napapahamak ang mga hinirang ng Diyos—nawawalan sila ng lakas ng loob na manindigan at magsalita. Ano ang ibig sabihin kapag wala kang lakas ng loob? Ibig bang sabihin niyan ay kimi ka o hindi makapagsalita? O hindi mo ito lubos na nauunawaan, at sa gayon ay wala kang tiwalang magsalita? Wala iyon sa mga ito; ito ay na ikaw ay kontrolado ng iba’t ibang uri ng tiwaling disposisyon. Ang isa sa mga disposisyong ito ay ang pagiging tuso. Inuuna mong isipin ang iyong sarili, na nag-iisip ng, ‘Kung magsasalita ako, paano ako makikinabang dito? Kung magsasalita ako at may sumama ang loob, paano kami magkakasundo sa hinaharap?’ Tusong pag-iisip ito, hindi ba? Hindi ba’t bunga ito ng isang tusong disposisyon? Ang isa pa ay makasarili at masamang disposisyon. Iniisip mo, ‘Ano ang kinalaman sa akin ng kawalan ng mga kapakinabangan sa sambahayan ng Diyos? Bakit ako mag-aalala? Wala itong kinalaman sa akin. Kahit na makita at marinig ko itong mangyari, hindi ko kailangang gumawa ng kahit ano. Hindi ko ito pananagutan—hindi ako pinuno.’ Nasa loob mo ang mga gayong bagay, na tila umusbong ang mga ito mula sa iyong walang malay na isip, at tila ba sumasakop ang mga ito ng mga permanenteng kalagayan sa iyong puso—ito ang mga tiwali at satanikong disposisyon ng tao. … Hindi mo kailanman sinasabi kung ano talaga ang iniisip mo. Lahat ito’y kailangan munang bagu-baguhin ng utak mo, sa iyong isip. Lahat ng sinasabi mo ay kasinungalingan, salungat sa mga totoong pangyayari, lahat ng ito’y para lamang maipagtanggol ang iyong sarili, at para sa sarili mong kapakinabangan. Naniniwala naman ang ilang tao, at sapat na ito para sa iyo: Nakamit ng iyong mga salita at kilos ang mga layunin mo. Ito ang laman ng iyong puso, ito ang mga disposisyon mo. Ganap kang kinokontrol ng sarili mong mga satanikong disposisyon. Wala kang kapangyarihan sa mga sinasabi at ginagawa mo. Gustuhin mo man, hindi mo masabi ang katotohanan o masabi kung ano talaga ang iniisip mo; gustuhin mo man, hindi mo maisagawa ang katotohanan; gustuhin mo man, hindi mo matupad ang iyong mga responsibilidad. Kasinungalingan ang lahat ng sinasabi, ginagawa, at isinasabuhay mo, at wala kang ingat at malasakit. Malinaw na ganap kang bihag at nakokontrol ng sataniko mong disposisyon. Maaaring gusto mong tanggapin at pagsumikapang makamit ang katotohanan, subalit hindi ikaw ang siyang magpapasya nito: Isa ka lamang tau-tauhan ng tiwaling laman, naging kasangkapan ka ni Satanas, sinasabi at ginagawa mo ang anumang ipinagagawa sa iyo ng sataniko mong disposisyon. … Hindi mo kailanman hinahanap ang katotohanan, at lalong hindi mo isinasagawa ang katotohanan. Nagpapatuloy ka lamang sa pagdarasal, pinatatatag mo ang iyong determinasyon, gumagawa ka ng mga pagpapasiya, at sumusumpa. At ano ang kinalabasan ng lahat ng ito? Sunud-sunuran ka pa rin; hindi mo ginagalit ang sinuman, ni hindi mo sinasaktan ang sinuman. Kung may isang bagay na hindi mo problema, lalayuan mo ito, at mapapaisip ka: ‘Hindi ako magsasalita ng anuman tungkol sa mga bagay na walang kinalaman sa akin, at gagawin ko ito para sa lahat. Kung may anumang makakasira sa sarili kong mga interes, sa aking dangal, o sa paggalang ko sa sarili, hindi ko iyon papansinin, at maingat kong haharapin ang lahat ng iyon; hindi ako dapat magpadalus-dalos. Ang pakong nakausli ang unang napupukpok, at hindi ako ganoon kamangmang!’ Lubos kang sumasailalim sa pagkontrol ng iyong mga tiwaling disposisyon ng kasamaan, katusuhan, katigasan, at pagkamuhi sa katotohanan. Mahigpit kang kinokontrol ng mga ito, at higit ka pang nahihirapang pasanin iyon kaysa sa isinuot na Ginintuang Singsing ng Haring Unggoy. Ang pamumuhay sa ilalim ng pagkontrol ng isang tiwaling disposisyon ay lubhang nakakapagod at napakasakit!(“Yaon Lamang mga Nagsasagawa ng Katotohanan ang May Takot sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Bawat isa sa mga salita ng Diiyos ay tagos sa puso. Pagdating kay Wang Li, palagi akong takot na mapasama ang loob niya at hindi ako nangahas na isagawa ang katotohanan at ihayag ang mga katunayan. Kinontrol ako ng mga satanikong disposisyong ito ng pagiging masama, tuso, at pagkasuklam sa katotohanan. “Ang pagkakasundo ay yaman, ang pagtitimpi ay isang kabanalan,” “Huwag kailanman sampalin sa mukha ang ibang tao o pagalitan sila sa kanilang pagkukulang,” “Kapag alam mong may mali, tumahimik ka na lang,” at “naiinis ang iba sa pagiging prangka.” Ang mga sataniko at makamundong pilosopiyang ito ang naging mga batas ko sa buhay. Hindi ako nangahas na magsalita tungkol sa mga problemang nakita ko, o pinanindigan ang mga prinsipyo para protektahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Duwag ako. Nang gusto ng lider na alisin ko si Wang Li, napakalinaw sa akin na kailangan iyong gawin agad para hindi maantala ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Pero hindi ko maibuka ang bibig ko, takot na mapasama ang loob niya. Mukha akong mabait at ayaw makapanakit ng sinuman, pero ang totoo’y ipinagkakanulo ko ang mga interes ng sambahayan ng Diyos kapalit ng isang positibong imahe sa iba. Kinunsinti ko si Wang Li sa lahat ng oras, hinayaan siyang gambalain ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Para akong isang panangga para kay Satanas na nanggugulo sa sambahayan ng Diyos. Isa akong ipokrito at tusong tao! Ang mga satanikong pilosopiyang iyon ay mga kamalian lang na lumiligaw at nananakit ng mga tao! Napakadilim at napakasama ng lipunang ito, dahil nabubuhay ang mga tao ayon sa mga satanikong pilosopiyang ito. Nagiging duwag sila at kinamumuhian ang liwanag. Walang nangangahas na manindigan, pagtibayin ang pagiging matuwid at ilantad ang katotohanan. Pero ang mga nanunuyo ng iba at laging nakikita kung anong kahahantungan ng isang sitwasyon ay pinapaboran at nagkakamit ng kapangyarihan. Walang katarungan o pagiging matuwid. Nililinlang ng lahat ang isa’t isa nang walang anumang sinseridad. Iyan ang resulta ng katiwalian ni Satanas. Nakita ko sa wakas na ang mga satanikong pilosopiyang ito ay naaayon sa mga kuru-kuro ng tao, pero mga kasinungalingan talaga ang mga iyon na ginagamit ni Satanas para iligaw at gawing tiwali ang mga tao. Ang pamumuhay ayon sa mga iyon ay lalo lang tayong ginagawang mas makasarili, masama, at tuso. Isa iyong karima-rimarim at hindi makataong paraan para mabuhay.

May nabasa akong isang sipi ng mga salita ng Diyos sa “Yaon Lamang mga Nagsasagawa ng Katotohanan ang May Takot sa Diyos.” “Kung wala kang itatago, kung hindi ka magpapanggap, magkukunwari, magbabalatkayo kung magpapakatotoo ka sa mga kapatid, huwag mong itago ang iyong mga saloobin at malalim na iniisip, sa halip ay hayaang makita ng iba ang tapat mong saloobin, kung magkagayon ay unti-unting mag-uugat sa iyo ang katotohanan, sisibol at mamumunga ito, magbubunga ito ng mga resulta nang paunti-unti. Kung lalong nagiging tapat ang iyong puso, at lalong nakahilig sa Diyos, at kung alam mong protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at nababagabag ang iyong konsensya kapag nabibigo kang maprotektahan ang mga interes na ito, ito ang katunayan na nagkaroon ng bisa sa iyo ang katotohanan, at ito ang siyang naging buhay mo. Kapag naging buhay mo na ang katotohanan, kung may sinumang lalapastangan sa Diyos, walang paggalang sa Diyos, padalos-dalos sa kanilang tungkulin, nagdudulot ng mga pagkaantala o ginagambala ang gawain ng iglesia, at kapag nakita mong nangyayari ito, magagawa mong mawari at mailantad ito kung kinakailangan, at dinudulog ito nang ayon sa prinsipyo ng katotohanan. … Kapag ang katotohanan ay naghahari sa iyong puso at naging buhay mo na, pagkatapos, kapag nakakita ka ng isang bagay na pasibo, negatibo, o masama na bumabangon, ang reaksiyon sa iyong puso ay ganap na naiiba. Una, nakararamdam ka ng pagsisisi at pagkabalisa, na kaagad susundan ng ganitong pakiramdam: ‘Hindi maaaring manatili na lamang akong walang ginagawa at magbulag-bulagan. Dapat akong manindigan at magsalita, dapat akong manindigan at tanggapin ang pananagutan.’ Sa gayon ay maaari kang manindigan at pahintuin ang masasamang gawaing ito, inilalantad ang mga ito, pinagsisikapang ingatan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at maiwasang magambala ang gawain ng Diyos. Hindi ka lamang magkakaroon ng ganitong tapang at pagpapasya, at magagawa mong maunawaan nang lubusan ang pangyayari, kundi matutupad mo rin ang pananagutan na dapat mong pasanin para sa gawain ng Diyos at para sa mga kapakinabangan ng Kanyang tahanan, at ang iyong tungkulin ay matutupad(Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nakaramdam ako ng kapwa pagkakonsiyensya at motibasyon nang mabasa nito. Matapos ang lahat ng mga taong iyon ng pananampalataya, pagtamasa sa katotohanan sa pamamagitan ng panustos ng Diyos, hindi ko pa rin mapagtibay ang mga prinsipyo o ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Hindi iyon katanggap-tanggap. Kailangan kong alisin ang maskara ko bilang isang mahilig magpalugod ng ng mga tao. Hindi ako maaaring patuloy na mamuhay ayon sa aking masama, tusong tiwaling disposisyon, kundi kailangan kong isagawa ang katotohanan at pagtibayin ang mga interes ng iglesia. Matapos iyon, pumunta ako para kausapin si Wang Li at tanggalin siya. Nagtapat din ako sa pagbabahagian, inililista isa-isa ang mga paghahayag niya ng pagtanggi na tanggapin ang katotohanan, paniniil ng mga tao, at pagpinsala sa gawain ng iglesia. Tumigil ako sa pagsingit ng magagandang bagay na madaling tanggapin. Talagang gusto ko siyang tulungan, ilantad ang mga problema niya, para maunawaan niya ang tiwali niyang disposisyon at tunay na magsisi. Labis ang sama ng loob niya na umiyak siya nang matapos ako, at sinabing handa na siyang tanggapin kung ano ang isinaayos ng sambahayan ng Diyos, para tunay na magnilay at matuto ng leksyon. Unti-unting nakabawi ang mga kapatid matapos iyon, at dahan-dahang nagsimulang magkaroon ng mga resulta ang gawain ng grupo. Tunay kong naramdaman ang kapayapaan at ginhawa na dulot ng pagsasagawa ng katotohanan. Iyon lang ang paraan upang mabuhay sa liwanag.

May ilang lumipat kalaunan, kaya sinimulan ko ang pagdidilig sa mga baguhan kasama ang ilang sister. Nakita kong hindi bumabalikat ng pasanin sa tungkulin si Sister Yan, kundi pabaya siya at iresponsable, na nakaapekto sa gawain namin. Nag-alala ako tungkol doon at gusto ko iyong ipaalam para magbago siya, pero dahil kakakilala pa lang namin sa isa’t isa at magkasundung-magkasundo kami, kung direkta ako tungkol sa pagiging iresponsable niya sa tungkulin niya, maiinis ba siya sa akin? Napagtanto kong nag-iisip na naman akong parang isang mahilig magpalugod ng mga tao, kaya mabilis akong nanalangin. Tapos nakanood ako ng isang bidyo ng pagbasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “‘At iniutos ng Diyos na si Jehova sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.’ … May nakikita ka bang anumang disposisyon ng Diyos sa maiikling salitang winika ng Diyos? Totoo ba ang mga salitang ito ng Diyos? Mayroon bang anumang panlilinlang? Mayroon bang anumang kabulaanan? Mayroon bang anumang pananakot? (Wala.) Matapat, makatotohanan at taos-pusong sinabi ng Diyos sa tao kung ano ang maaari niyang kainin at kung ano ang hindi niya maaaring kainin. Malinaw at payak na nagsalita ang Diyos. May natatago bang kahulugan sa mga salitang ito? Hindi ba tapat ang mga salitang ito? Kinakailangan bang maghaka-haka? (Hindi.) Hindi na kailangang manghula. Sa isang sulyap ay litaw na litaw ang kahulugan ng mga ito. Sa pagbasa sa mga ito, lubos na malilinawan ang sinuman sa kahulugan ng mga ito. Ibig sabihin, ang nais na sabihin ng Diyos at ang nais Niyang ipahayag ay nagmumula sa Kanyang puso. Ang mga bagay na ipinahahayag ng Diyos ay malinis, tapat at malinaw. Walang mga lingid na layunin o anumang natatagong mga kahulugan. Tuwiran Siyang nagsasalita sa tao, sinasabi sa kanya kung ano ang maaari niyang kainin at kung ano ang hindi niya maaaring kainin. Na ang ibig sabihin, sa pamamagitan ng mga salitang ito ng Diyos, makikita ng tao na walang itinatago at totoo ang puso ng Diyos. Walang bahid ng kasinungalingan dito; hindi ito isang usapin ng pagsasabi sa iyo ng hindi mo maaaring kainin ang maaaring kainin, o pagsasabi sa iyong ‘Gawin ito at tingnan kung ano ang mangyayari’ sa mga bagay na hindi mo maaaring kainin. Hindi ito ang ibig sabihin ng Diyos. Anuman ang iniisip ng Diyos sa Kanyang puso ay siyang Kanyang sinasabi(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). Napakalinaw ng sinabi ng Diyos kina Adan at Eba. Matapat Siya, walang tinatagong anuman. Napakabanal ng diwa ng Diyos. Sa mga huling araw, ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan para hatulan at kastiguhin ang tao. Direktang ibinubunyag at sinusuri ng Kanyang mga salita ang kalikasan ng pagtitiwali sa atin ni Satanas, at inihahayag ang ating panloob na kapangitan at hindi pagiging matuwid. Malinaw ang mga ito at walang itinatago. Maaaring malupit ang Kanyang mga salita, pero ang lahat ng ito ay pagmamahal, at lahat ay para linisin at baguhin tayo, para makilala natin ang mga sarili natin, talikdan si Satanas, at isabuhay ang isang tunay na wangis ng tao. Eksaktong kabaligtaran si Satanas. Hindi siya tuwiran, siya’y nakatago, at masama, at hindi kailanman sinasabi nang direkta ang gusto niya. Nagsimula siyang magsalita ng magagandang bagay, mga maling bagay na parang totoo para iligaw sina Adan at Eba para magkasala sila at ipagkanulo ang Diyos. Namumuhay ako ayon sa mga satanikong pilosopiya, nagpapakita ng isang masama at tusong disposisyon gaya ni Satanas. Para protektahan ang mga relasyon ko sa iba at kung paano nila ako nakikita, iba ang iniisip ko sa sinasabi ko, kasing-baluktot ng isang ahas, pabagu-bago ang sinasabi. Walang makaunawa sa kung ano ang sinusubukan kong sabihin. Napakadaya ko. Mas para akong si Satanas kaysa isang tao! Nasuklam ako sa sarili ko nang mapagtanto ko ito at ayoko nang maging isang mahilig magpalugod ng mga tao, isang taksil. Gusto kong isagawa ang katotohanan at maging isang matapat na taong nagpapatibay ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa pagtitipon noong sumunod na araw, nagtapat ako tungkol sa mga problemang nakita ko kay Sister Yan, tapos ay sama-sama kaming nagbahagian matapos iyon. Nagawa niyang makilala ang mga problema niya, Nakita kong dahan-dahang nagbago ang kalagayan niya matapos iyon, at ramdam kong mas malaya ako.

Ipinakita sa akin ng karanasang ito na hindi tayo dapat mabuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya at dayain ang isa’t isa, kundi dapat tayong maging lantad at matapat. Ito lang ang tunay na pagmamahal at lubos na kapaki-pakinabang sa lahat. Personal kong naranasan na ang pagiging matapat lang ayon sa mga salita ng Diyos at pagsunod sa mga prinsipyo ang pagkakaroon ng katauhan, at ang paraan para pagpalain, magkaroon ng kapayapaan at kagalakan. Ito ang pagiging isang mabuting tao. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Mapuna ay Naglantad sa Akin

Ni Sharon, Espanya Isang araw ng Disyembre taong 2021, sinabi sa akin ng isang kapatid na si Sister Arianna, na nailipat sa ibang iglesia...

Isang Kapaki-pakinabang Na Ulat

Ni Ding Li, Estados Unidos Tag-init noon, dalawang taon na ang nakalilipas. Narinig ko na si Sister Zhou, isang lider, ay itinalaga si...