Isagawa ang Katotohanan Kahit na Nakapagpapasama Ito ng Loob
Noong Mayo ng 2020, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Masigasig akong nagsiyasat at aktibo kong ginampanan ang aking mga tungkulin. Makalipas ang sampung buwan, napili akong maging lider ng iglesia. Noong panahong iyon sobra akong napepresyur. Pakiramdam ko’y bata pa ako at mababaw ang pagkaunawa ko sa katotohanan, kaya nangamba ako na baka hindi ko magampanan ang tungkuling ito. Kaya nanalangin ako sa Diyos. Kalaunan, naalala ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Dapat kang maniwala na ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos, at na nakikipagtulungan lang ang mga tao. Kung ikaw ay sinsero, makikita ito ng Diyos, at magbubukas Siya ng daan para sa iyo sa bawat sitwasyon. Walang paghihirap ang hindi kayang lampasan; dapat mayroon ka nitong pananalig. Samakatuwid, kapag tinutupad ninyo ang inyong mga tungkulin, hindi kailangang magkaroon ng anumang pag-aalinlangan. Hangga’t ibinibigay mo ang lahat mo, nang buong-puso mo, hindi ka bibigyan ng Diyos ng mga paghihirap, ni hindi ka Niya bibigyan ng higit pa sa makakaya mo” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananalig sa Diyos, ang Pinakamahalaga ay Isagawa at Danasin ang Kanyang mga Salita). Ang salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng pananampalataya at naunawaan ko na nakikita ng Diyos ang puso ng mga tao. Basta’t tunay kong isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos at ginagawa ko ang aking makakaya, aakayin ako ng Diyos. Nalalaman ito, hindi ko na naramdamang napipilitan ako at sinimulan ko nang ituon ang sarili ko sa aking tungkulin.
Kalaunan, apurahang kinailangan ng iglesia na sanayin ang dalawang diyakonong pang-ebanghelyo. Nalaman ko na mahusay ang kakayahan ni Brother Kevin, medyo aktibo siya sa mga pagtitipon at naintindihan niya ang mga prinsipyo ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Nariyan din si Sister Janelle, na aktibo sa kanyang mga tungkulin at nakagawa ng ilang resulta. Kumpara sa iba, mukhang tama ang dalawang ito para sa tungkuling ito, at sumang-ayon sa akin ang lider ko. Kaya, ginawa ko sila parehong diyakonong pang-ebanghelyo. Hindi nagtagal, naging pamilyar na sila sa tungkulin, kaya pinayagan ko na silang gampanang mag-isa ang kanilang mga tungkulin at ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko sa gawaing pagdidilig. Makalipas ang ilang linggo, nalaman ko na ang ilang katatanggap pa lang sa ebanghelyo ay umalis sa grupo ng pagtitipon, at ang ilang nagpapalaganap ng ebanghelyo ay nagkaroon ng mga problema sa kanilang mga tungkulin na hindi nila malutas. Nang makita ko ang lahat ng problemang ito sa gawaing pang-ebanghelyo, nagsimula akong mag-isip, “Gumagawa ba ng praktikal na gawain ang dalawang diyakonong pang-ebanghelyo?” Kaya, nagpunta ako upang siyasatin nang detalyado ang kanilang gawain. Nalaman ko na isinaayos lang nila ang mga bagay-bagay, pero hindi sila mismo ang gumawa ng gawain, na hindi nila sinubaybayan ang gawain, at na sa mga pagtitipon ay hindi nila nilutas ang mga praktikal na problema, kundi pinaalalahanan at hinimok lang nila ang ibang mga kapatid na gawin nang maayos ang kanilang tungkulin. Humahantong ito sa mga problema ng mga kapatid na hindi nalulutas. Matapos malaman ang mga sitwasyong ito, labis akong nadismaya. Naisip ko sa sarili ko: “Bilang mga diyakono ng iglesia, hindi ba kapabayaan ang hindi nila paglutas sa mga praktikal na problema?” Nalaman ko rin na hindi ginagawa nang maayos ni Brother Kevin ang kanyang gawain, at naglalaro lang, habang si Sister Janelle naman ay medyo tamad at iresponsable sa kanyang mga tungkulin sa panahong ito. Noong una’y ginusto kong magbahagi sa kanila at ipaalam ang mga problema sa mga tungkulin nila, pero dahil napakaayos naman ng samahan namin, nangamba ako na baka makasira ito sa relasyon namin. Kung ipapaalam ko ang kanilang mga problema, ano ang iisipin nila sa akin? Sasabihin ba nila na hindi ko nakikita ang mga pagsisikap nila, na nakatuon lang ako sa kanilang mga pagkukulang, at na hindi mapagmahal ang puso ko? Inasahan kong isipin ng mga kapatid na mabuting tao ako, isang taong maunawain at may konsiderasyon. Ayaw kong sirain ang reputasyon ko dahil sa pangyayaring ito. Kung hindi ito matanggap ng dalawang diyakono at maging negatibo sila at umayaw nang gampanan ang kanilang mga tungkulin, iisipin ba ng mga kapatid ko na hindi ko kaya ang gawain ng isang lider? Na naging masama akong lider? Kapag nalaman ito ng lider ko, baka iwasto niya ako. Pero naisip ko na dahil ako ang namamahala noon sa gawain ng iglesia, responsibilidad kong ipaalam ang mga problema nila para makapagnilay-nilay sila at magtamo ng kaunting kaalaman. Nagtalo ang kalooban ko, pero sa huli, hindi ko pa rin ito masabi. Sa halip, pinadalhan ko sila ng ilan sa mga salita ng Diyos na nagpapalakas ng loob at nakakaginhawa at malumanay kong ibinahagi sa kanila kung paano gampanan nang maayos ang tungkulin ng isang tao. Pagkatapos niyon, nakonsiyensya akong masyado. Nadama ko na hindi ako naging tapat at mapanlinlang ako.
Isang gabi, hindi ako makatulog sa kaiisip, “Ang kawalan ng resulta ng gawaing pang-ebanghelyo ay direktang nauugnay sa akin. Nakita ko na naging iresponsable ang dalawang diyakonong pang-ebanghelyo sa kanilang mga tungkulin, na hindi nilulutas ang mga praktikal na problema, at nagiging dahilan para hindi maging epektibo ang mga kapatid sa kanilang tungkulin. Naging negatibo ang ilang kapatid, at umalis ang ilang baguhan sa grupo ng pagtitipon, pero hindi ko ipinaalam ang mga problemang ito ng dalawang diyakono.” Labis akong nakonsiyensya sa puso ko at hindi ko alam ang gagawin, kaya taimtim akong nagdasal sa Diyos, na humihingi ng Kanyang kaliwanagan at humihiling na gabayan Niya ako sa paglutas sa problemang ito. Pagkatapos kong magdasal, nanood ako ng isang video ng patotoong batay sa karanasan, na may ilang salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng malaking inspirasyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang konsiyensiya at katwiran ay dapat kapwa maging bahagi ng pagkatao ng isang tao. Ang mga ito ay kapwa ang pinakabatayan at pinakamahalaga. Anong klaseng tao ang isang taong walang konsiyensiya at walang katwiran ng normal na pagkatao? Sa pangkalahatan, siya ay isang taong walang pagkatao, isang taong sukdulan ng sama ang pagkatao. Kung mas bubusisiin ang mga detalye, anong mga pagpapamalas ng kawalan ng pagkatao ang ipinapakita ng taong ito? Subukang suriin kung anong mga katangian ang matatagpuan sa gayong mga tao at anong partikular na mga pagpapamalas ang ipinapakita nila. (Makasarili sila at salbahe.) Ang mga taong makasarili at salbahe ay basta-basta lang sa kanilang mga pagkilos, at walang malasakit sa mga bagay na wala silang pansariling kinalaman. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga kapakanan ng sambahayan ng Diyos, ni hindi sila nagpapakita ng pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos. Wala silang dinadalang pasanin sa pagganap sa kanilang mga tungkulin o sa pagpapatotoo sa Diyos, at hindi sila responsable. … May ilang tao na hindi umaako ng anumang responsabilidad kahit ano pa ang tungkuling ginagampanan nila. Hindi rin nila iniuulat kaagad sa mga nakatataas sa kanila ang mga problemang nadidiskubre nila. Kapag may nakikita silang mga taong nanggagambala at nanggugulo, nagbubulag-bulagan sila. Kapag nakikita nilang gumagawa ng kasamaan ang mga masasamang tao, hindi nila sinusubukang pigilan sila. Hindi nila pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, o isinasaalang-alang kung ano ang kanilang tungkulin at responsabilidad. Kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, hindi gumagawa ng anumang tunay na gawain ang mga taong kagaya nito; sila ay mga taong mahilig magpalugod ng iba at sakim sa kaginhawahan; nagsasalita at kumikilos sila para lamang sa sarili nilang banidad, reputasyon, katayuan, at mga interes, at handa lamang silang ilaan ang kanilang panahon at pagsisikap sa mga bagay na kapaki-pakinabang sa kanila” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Binasa ko ang mga salita ng Diyos at labis akong nalungkot. Dati-rati, inakala ko palagi na mayroon akong mabuting pagkatao, na matiyaga kong natulungan ang aking mga kapatid, at na kapag kumilos ako, isinaalang-alang ko palagi ang damdamin ng iba at ayaw ko silang masaktan. Akala ko mayroon akong konsiderasyon sa kalooban ng Diyos, at na isa akong mabuting tao. Pero nang makita ko na iresponsable ang dalawang diyakono sa kanilang mga tungkulin at inaantala nila ang gawain ng iglesia, hindi ko iningatan ang mga interes ng iglesia, at hindi ko ipinaalam ang kanilang mga problema. Sa halip, kinunsinti ko sila dahil natakot ako na baka masira ang relasyon namin kapag ipinaalam ko ang mga problema nila. Nag-alala rin ako na baka pagalitan ako ng lider ko kapag ginawa ko silang negatibo at na baka maging masama ang tingin sa akin ng aking mga kapatid. Alang-alang sa aking reputasyon, katayuan, at mga personal na interes, mas minabuti kong antalahin ang gawain ng iglesia. Hindi man lang ito pagkakaroon ng konsiderasyon sa kalooban ng Diyos, at hindi ako isang mabuting tao. Sa katunayan, ang mga taong may mabuting pagkatao ay matatapat na tao, nagagawang isagawa ang katotohanan at protektahan ang mga interes ng iglesia, at kapag nakikita nila ang mga problema ng iba ay may lakas sila ng loob na magbahagi at ilantad ang iba, tinutulungan silang magbago. Tinatrato nila ang kanilang mga kapatid nang taos sa puso. Pero nang makita ko ang mga problema sa mga diyakono, wala akong anumang sinabi o ipinaalam ang mga iyon, at mas minabuti kong hayaang magdusa ang gawain ng iglesia para maingatan ang sarili kong mga interes. Gayon kasama ang pagkatao ko. Nahihiya ako sa kawalan ko ng konsiyensya at normal na pagkatao.
Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagtamo ako ng higit na pagkaunawa sa sarili ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi sinasaway ng ilang lider ng iglesia ang mga kapatid na nakikita nilang walang-ingat at wala sa puso kung tumupad ng kanilang mga tungkulin, bagama’t dapat nila iyong gawin. Kapag nakakakita sila ng isang bagay na malinaw na makapipinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, nagbubulag-bulagan sila at hindi nag-uusisa, upang hindi makapagdulot ng bahagya mang sama ng loob sa iba. Sa katunayan, hindi talaga sila nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa mga kahinaan ng mga tao; sa halip, ang layunin nila ay makuha ang loob ng mga tao. Alam na alam nila ito, iniisip na: ‘Kung ipagpapatuloy ko ito at hindi ako makapagdudulot ng sama ng loob sa kahit kanino, iisipin nila na mabuti akong lider. Magkakaroon sila ng mabuti at mataas na pagtingin sa akin. Kikilalanin at magugustuhan nila ako.’ Gaano man kalaki ang magiging pinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at gaano man katinding mahahadlangan ang pagpasok sa buhay ng mga hinirang na tao ng Diyos, o gaano man katinding magagambala ang kanilang buhay-iglesia, ipinupursigi ng gayong mga lider ang sataniko nilang pilosopiya at hindi nagdudulot ng sama ng loob sa sinuman. Kailanman ay walang pakiramdam ng paninisi sa sarili sa kanilang mga puso. Kapag nakakakita ng isang taong nagdudulot ng pagkagambala at mga kaguluhan, maaaring pahapyaw na kaswal nilang mabanggit ang isyu na ito, at hanggang doon na lamang. Hindi sila nagbabahagi tungkol sa katotohanan, ni hindi nila ipinapaalam ang diwa ng problema sa taong ito, at lalong hindi nila sinusuri ang kalagayan nila. Hindi nila kailanman ipinababatid kung ano ang kalooban ng Diyos. Ang mga huwad na lider ay hindi kailanman inilalantad o sinusuri kung anong uri ng mga pagkakamali ang madalas na ginagawa ng mga tao, o ang mga tiwaling disposisyong madalas na ibinubunyag ng mga tao. Hindi nila nilulutas ang anumang tunay na mga problema, kundi sa halip ay lagi nilang pinagbibigyan ang masamang asal at mga pagbuhos ng katiwalian ng mga tao, at nananatiling walang pakialam gaano man kanegatibo o kahina ang mga tao, na nangangaral lang ng ilang salita at doktrina, nagbibigay ng ilang walang ganang pangaral, sinisikap na umiwas sa alitan. Dahil dito, hindi pinagninilayan at sinisikap na kilalanin ng mga taong hinirang ng Diyos ang kanilang sarili, wala silang nakukuhang solusyon sa paglalantad ng kanilang mga tiwaling disposisyon, at namumuhay sa gitna ng mga salita, doktrina, haka-haka at imahinasyon, nang walang anumang buhay pagpasok. Naniniwala pa sila sa kanilang puso na, ‘Mas malawak pa nga ang pang-unawa ng aming mga lider sa mga kahinaan namin kaysa sa Diyos. Maaaring napakaliit ng aming tayog upang makatugon sa mga hinihingi ng Diyos, ngunit kailangan lang naming tuparin ang mga hinihingi ng aming lider; sa pagsunod sa aming lider, sinusunod namin ang Diyos. Kung dumating ang araw na papalitan ng Itaas ang aming lider, magsasalita kami upang marinig; upang mapanatili ang aming lider at mapigilang palitan siya ng Itaas, makikipagkasundo kami sa Itaas at pipilitin silang sumang-ayon sa mga hinihingi namin. Ganito namin tatratuhin nang patas ang aming lider.’ Kapag ang mga tao ay may gayong mga saloobin sa kanilang puso, kapag mayroon silang gayong relasyon sa lider, at sa puso nila ay nakakaramdam sila ng pagdepende, paghanga, at pagpipitagan sa kanilang lider, magkakaroon sila ng higit pang pananalig sa lider na ito, ang mga salita ng lider ang gusto nilang marinig, at tumitigil sila sa paghahanap sa katotohanan sa mga salita ng Diyos. Ang gayong lider ay halos pumalit na sa puwang ng Diyos sa puso ng mga tao. Kung ang isang lider ay handang mapanatili ang gayong relasyon sa mga taong hinirang ng Diyos, kung nagtatamo siya ng kasiyahan sa puso niya mula rito, at naniniwalang dapat lang siyang tratuhin nang ganito ng mga hinirang ng Diyos, kung gayon ay walang pagkakaiba sa pagitan niya at ni Pablo, at nakatapak na siya sa landas ng mga anticristo. Ang mga hinirang ng Diyos ay nalinlang na ng mga anticristo at wala silang pagkakilala. … Hindi gumagawa ng tunay na gawain ang mga anticristo, hindi nila ibinabahagi ang katotohanan at nilulutas ang mga problema, hindi nila ginagabayan ang mga tao sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at sa pagpasok sa katotohanang realidad. Gumagawa sila para lamang sa katayuan at kasikatan, ang mahalaga lamang sa kanila ay ang magkaroon ng reputasyon, ang maprotektahan ang puwang nila sa puso ng mga tao, at ang mahimok ang lahat na sambahin sila, igalang sila, at sundin sila; ito ang mga mithiing nais nilang makamit. Ganito sinusubukan ng mga anticristo na makuha ang loob ng mga tao at makontrol ang mga hinirang ng Diyos. Hindi ba masama ang ganitong paraan ng paggawa? Kasuklam-suklam ito!” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinisikap Nilang Kumbinsihin ang mga Tao). Matapos basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, nakadama ako ng labis na kahihiyan dahil tumpak na naibunyag ng salita ng Diyos ang kalagayan ko. Malinaw kong nakita na hindi gumagawa ng aktwal na gawain ang dalawang diyakono, at na seryoso ang problema. Dapat ay ginamit ko sa pagbabahaginan ang mga salita ng Diyos na humahatol at nagbubunyag sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, para malaman nila ang mga problema nila at mabago ang kanilang mga saloobin ukol sa tungkulin nila sa tamang oras, para maiwasan ang patuloy na pagkaantala sa gawain ng iglesia. Pero para mabigyan sila ng magandang impresyon tungkol sa akin, at para masabi nila na isa akong mabuting lider, hindi ko inilantad ang diwa ng kanilang mga problema, ginamit ko lang ang nagpapanatag na mga salita ng Diyos upang palakasin ang loob nila, ibig sabihin ay na ang kanilang mga problema ay hindi nalutas sa tamang oras. Naapektuhan nito ang gawain ng iglesia at humantong pa sa pag-alis sa grupo ng pagtitipon ng ilan sa mga katatanggap pa lang ng ebanghelyo. Natanto ko na ako ang pangunahing dahilan nito. Ang tungkulin ng isang lider ay pangasiwaan at subaybayan ang gawain ng mga diyakono ng iglesia at mga lider ng grupo, at lutasin ang mga problema sa oras. Kailangan nating malaman ang mga sitwasyon ng ating mga kapatid, at kapag natuklasan natin na may taong gumagawa ng mga bagay sa kanilang tungkulin na lumalabag sa mga prinsipyo o nakakaapekto sa gawain ng iglesia, dapat natin silang mapagmahal na bahaginan at tulungan. Kung hindi pa rin nabago ang mga bagay-bagay sa ating paulit-ulit na pagbabahagi, dapat nating pungusan, iwasto, o paalisin sila. Ito lang ang paraan para maprotektahan ang gawain ng iglesia. Bilang isang lider ng iglesia, hindi man lang ako naging responsable sa tungkulin ko, at hindi ako kumilos bilang isang lider. Paano ako naiba sa mga huwad na lider na iyon na hindi gumawa ng tunay na gawain? Nahiya ako at nalungkot. Kung nagbahagi ako at inilantad ko ang kanilang mga problema, hindi sana ako nagsanhi ng ganitong mga kawalan sa gawain ng iglesia. Lumabas ang kasalukuyang mga problemang ito dahil sa kapabayaan ko. Hindi ko tinulungan ang aking mga kapatid na maunawaan ang katotohanan at hindi sila madala sa harap ng Diyos. Noon pa man ay gusto ko nang sang-ayunan nila ako at pangalagaan ako, upang maging maganda ang reputasyon ko sa kanilang puso at upang magkaroon ako ng katayuan. Tumahak ako noon sa landas ng anticristo na lumalaban sa Diyos. Kung wala ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, hindi ko alam kung anong iba pang mga kasamaan ang maaari ko ring gawin.
Nang matanto ko ito, pinagsisihan ko ang mga kilos ko, kaya taimtim akong nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, hindi ko natanto na magdudulot ng malaking pinsala sa gawain ng iglesia ang aking pagiging makasarili at malalagay sa panganib ang buhay ng aking mga kapatid. Hindi ako karapat-dapat sa gayon kahalagang gawain. Diyos ko, nais kong magsisi, gabayan Mo po sana ako sa pagninilay para makilala ko ang aking sarili. Ayaw ko nang ulitin ang mga pagkakamaling iyon.” Pagkatapos magdasal, bumuti nang kaunti ang kalagayan ko, pero labis pa rin akong nakokonsiyensya. Pakiramdam ko’y isa akong makasalanan, na para bang lahat ng ginawa ko ay kumatawan kay Satanas, na hindi ako maililigtas, at na wala na akong pag-asa. Sa oras na iyon, nagpadala ang isang sister ng isang sipi ng mga salita ng Diyos sa chat group. Sinasabi sa salita ng Diyos: “Ang maraming karanasan mo sa kabiguan, kahinaan, mga panahon ng iyong pagiging negatibo, ay masasabi na pawang mga pagsubok ng Diyos. Ito ay dahil ang lahat ay nagmumula sa Diyos, at lahat ng bagay at pangyayari ay nasa Kanyang mga kamay. Mabigo ka man o manghina at magkamali, nakasalalay ang lahat sa Diyos at abot-kamay Niya. Mula sa pananaw ng Diyos, isang pagsubok ito sa iyo, at kung hindi mo mapapansin iyon, magiging tukso iyon. May dalawang klase ng kalagayang dapat mapansin ng mga tao: Ang isa ay nagmumula sa Banal na Espiritu, at ang malamang na pinagmumulan ng isa pa ay si Satanas. Ang isa ay isang kalagayan kung saan tinatanglawan ka ng Banal na Espiritu at tinutulutan kang makilala ang iyong sarili, mamuhi at magsisi tungkol sa iyong sarili at magkaroon ng tunay na pagmamahal para sa Diyos, na italaga ang iyong puso sa pagpapalugod sa Kanya. Ang isa pa ay isang kalagayan kung saan kilala mo ang iyong sarili, ngunit negatibo ka at mahina. Maaaring sabihin na ang kalagayang ito ay ang pagpipino ng Diyos, at na panunukso rin ito ni Satanas. Kung napapansin mo na ito ang pagliligtas sa iyo ng Diyos at kung nadarama mo na malaki na ang iyong pagkakautang sa Kanya, at kung magmula ngayon ay susubukan mong suklian Siya at hindi ka na mahulog sa gayong kasamaan, kung ibubuhos mo ang iyong pagsisikap sa pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita, at kung palagi mong ituturing ang iyong sarili na may kakulangan, at may isang pusong nananabik, pagsubok nga ito ng Diyos. Kapag nagwakas na ang pagdurusa at sumusulong ka nang muli, aakayin, tatanglawan, liliwanagan, at pangangalagaan ka pa rin ng Diyos. Ngunit kung hindi mo ito napapansin at negatibo ka, na basta na lamang hinahayaang mawalan ka ng pag-asa, kung nag-iisip ka sa ganitong paraan, sumapit na sa iyo ang panunukso ni Satanas” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Matapos basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, naginhawahan ako, at nagkaroon din ako ng isang landas ng pagsasagawa. Nang mabasa ko ang malulupit na salita ng Diyos noon, kung saan inihayag ang aking tiwaling disposisyon, nadama ko na para akong nakondena at wala nang pag-asang maligtas, kaya naging negatibo ako at mahina. Pero nang mabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang kalooban ng Diyos. Kung hindi ipinagtatanggol ng mga tao ang mga interes ng iglesia sa kanilang mga tungkulin at inilantad at iwinasto sila, normal sa kanila ang maging negatibo at mahina. Kung hahanapin ko ang katotohanan sa aking kabiguan at mapagninilayan ko ang aking sarili, pagkakataon ko ito para matuto ng aral. Pero kung ako’y naging negatibo, umatras, nagpadala sa kalungkutan, o sumuko na sa sarili ko, mahuhulog ako sa panlilinlang ni Satanas at magpapatangay sa tukso. Ang mga salita ng paghatol at pagbubunyag ng Diyos ay para linisin at iligtas ang mga tao. Nais ng Diyos na makilala ko ang aking sarili, na matuto ako mula sa aking mga kabiguan, at hindi ako magpakontrol sa mga satanikong disposisyon. Magandang bagay ito, pagkakataon ito para lumago ang buhay ko. Nang matanto ko ito, hindi na ako naging negatibo o nagkamali ng pagkaunawa sa Diyos. Naging handa akong gawin ang aking tungkulin ayon sa salita ng Diyos at mga prinsipyo. Hindi ko na poprotektahan ang aking karangalan, reputasyon at katayuan.
Kalaunan, nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Dapat ninyong malamang gusto ng Diyos ang mga tapat. Sa diwa, matapat ang Diyos, kaya naman palaging mapagkakatiwalaan ang mga salita Niya; higit pa rito, walang mali at hindi mapag-aalinlanganan ang mga kilos Niya, kung kaya gusto ng Diyos ang mga lubos na tapat sa Kanya. Ang katapatan ay nangangahulugang pagbibigay ng puso ninyo sa Diyos, pagiging totoo sa Diyos sa lahat ng bagay, pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi pagtatago kailanman ng mga totoong impormasyon, hindi pagtatangkang manlinlang ng mga nasa itaas at nasa ibaba ninyo, at hindi paggawa ng mga bagay para lamang magpalakas sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging tapat ay pagiging dalisay sa inyong mga kilos at salita, at hindi panlilinlang sa Diyos o sa tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung mayroon ba o walang karumihan sa pagganap mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay nagkaroon ng debosyon, kung natupad ang iyong mga pananagutan, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko na kinamumuhian ng Diyos ang mga mapanlinlang pero minamahal ang matatapat na tao. Napoprotektahan ng matatapat na tao ang mga interes ng iglesia, at inaako ang responsibilidad para sa buhay ng kanilang mga kapatid, at ginagampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Kinailangan kong isantabi ang aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan, unahin ang mga interes ng iglesia, at isagawa ang katotohanan sa pagbabahaginan at paglalantad sa dalawang diyakono, upang hayaan silang matanto ang bigat ng kanilang mga problema, tunay silang magsisi, at muling magsimulang kumilos nang responsable. Kung hindi pa rin nila kayang magbago pagkatapos kong magbahagi, responsibilidad kong paalisin sila at protektahan ang gawain ng iglesia.
Kalaunan, nakahanap ako ng ilan sa mga salita ng Diyos at nagbahagi muna ako kay Brother Kevin, para ipaalam sa kanya na ang masasamang kalakarang panlipunan ay mga tukso mula kay Satanas at na dapat niyang bitiwan ang kanyang mga pagkahilig sa laman at ituon ang kanyang sarili sa kanyang tungkulin, na ito lang ang aayon sa kalooban ng Diyos. Pagkatapos, nagbahagi ako kay Sister Janelle at ipinaalam ko na mabagal siyang kumilos at hindi siya responsable sa kanyang mga tungkulin, at sinabi ko sa kanya na isaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Pagkatapos kong magbahagi, pareho silang handang baguhin ang kanilang mga saloobin ukol sa kanilang tungkulin. Kalaunan, gumawa ng ilang pagbabago si Brother Kevin; nang natukso siyang muli, nakayanan niyang sadyang talikdan ang sarili niyang laman. Nagawa rin ni Sister Janelle na maging mas maagap sa kanyang tungkulin. Nang makita ko ang resultang ito, sinisi ko ang sarili ko sa hindi pagpuna nang mas maaga sa kanilang mga problema. Nakita ko rin na ang salita ng Diyos ay hindi ginagawang negatibo ang mga tao at na ang mga taong kayang tumanggap sa katotohanan ay nagagawang kilalanin ang kanilang sarili, tunay na magsisi at isagawa nang mas maayos ang kanilang tungkulin. Masayang-masaya ako na naranasan ko ito. Ang kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa sarili kong katiwalian. Naranasan ko rin na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at kayang baguhin at iligtas ng mga ito ang mga tao. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.