Ang Pagkamagiliw ba ay Angkop na Batayan para sa Mabuting Pagkatao?
Noong maliit pa ako, laging sinasabi ng mga tao na mabait at maganda ang ugali ko; sa madaling salita, isang mabuting bata. Bihira akong magalit sa iba at hindi kailanman nagdudulot ng anumang gulo. Pagkatapos umanib sa pananampalataya, naging magiliw rin ako sa iba pang mga kapatid. Mapagparaya ako, matiyaga at mapagmahal. Naaalala ko ang isang panahon noong tinuturuan ko ang ilang matatandang miyembro kung paano gumamit ng kompyuter. Matiyaga ko silang tinuruan nang paulit-ulit. Kahit na minsan ay mabagal silang matuto at medyo naaabala ako, sinisikap kong huwag magpakita ng kawalan ng pasensya, sa takot na baka sabihin ng iba na wala akong mapagmahal na kabaitan. Dahil dito, madalas sabihin ng mga kapatid na mayroon akong mabuting pagkatao, at pinili ako ng lider ko na magdilig ng mga baguhan, sinasabi na ang mga taong may kabaitan at pasensya lang ang makakagawa nang maayos sa tungkuling iyon. Labis akong nasiyahan sa sarili ko nang marinig iyon, at mas nakasiguro ako na ang pagiging magiliw at mabait ay tanda ng mabuting pagkatao.
Kalaunan, naging magkapareha kami ni Brother Li Ming bilang mga lider sa iglesia. Matapos magtulungan nang ilang panahon, napansin ko na gustong gawin ni Li Ming ang mga bagay-bagay sa sarili niyang paraan, at medyo mainitin ang ulo niya. Kapag hindi nasusunod ang gusto niya, madalas siyang nagagalit. Isa pa, hindi siya bukas sa kanyang gawain at madalas ay mapanlinlang siya. Hindi siya kumikilos ayon sa mga prinsipyo at hindi niya pinoprotektahan ang gawain ng iglesia. Sa loob ng ilang panahon, palagi niyang ginagamit ang kanyang telepono para makipag-ugnayan sa mga kapatid. Alam kong dahil dito ay maaari silang masubaybayan ng mga pulis at makagulo sa iglesia, at ilang beses kong naisip na pigilan siya, pero sa sandaling magsasalita na ako, pinipigilan ko. Pakiramdam ko, kung direkta kong tutukuyin ang problema niya, baka isipin niya na bagamat kumikilos akong mabait sa panlabas, wala pala akong awa sa aking mga salita at kilos, at mahirap pakisamahan. Matapos pag-isipan ito, nagpasya akong magkompromiso at tanungin lang siya kung ginagamit niya ang telepono niya upang kontakin ang mga kapatid o hindi. Nang hindi siya umaming ginagamit niya ito, alam kong nagsisinungaling siya, pero hindi ko siya inilantad at pinigilan, sa takot na magdudulot ito ng alitan sa pagitan namin at bababa ang tingin niya sa akin. Nang maglaon, napansin kong lalong lumalala ang mga problema ni Li Ming. Isang beses, sinabi sa akin ng ilang kapatid na ang asawa niya ay palaging nagsasalita ng mga salita at doktrina para magpakitang-gilas sa mga pagtitipon, hindi nilulutas ang mga aktuwal na isyu, at sinasabi sa iba kung gaano ito nagdusa at nagsakripisyo sa tungkulin nito para lang hangaan nila ito. Pagkatapos ng pagsisiyasat, natukoy na hindi ito angkop na maging lider at dapat tanggalin. Nang sabihin ko ito kay Li Ming, nairita siya nang husto, sinasabing huwad ang pagsusuri ng mga kapatid, at hindi makatarungan sa kanyang asawa. Kinuwestiyon pa nga niya kung bakit hindi namin siniyasat ang mga nag-ulat sa isyu, at siniyasat lang ang kanyang asawa. Nagulat ako—hindi ko akalain na gayon kasama ang saloobin ni Li Ming. Upang subukang ayusin ang mga bagay, sinabi ko sa kanya: “Patahimikin mo ang puso mo at hanapin ang layunin ng Diyos sa isyung ito. Subukang huwag hayaang magpadala sa mga emosyon mo.” Pero hindi man lang niya ako pinakinggan at hindi siya tumigil. Dahil sa sadyang paghadlang ni Li Ming, hindi nalutas ang problema sa asawa niya. Pagkatapos niyon, pinagalitan din ni Li Ming ang mga kapatid sa isang pagtitipon at pinaiyak pa nga ang isang sister dahil sa kanyang panenermon. Naramdaman kong nagiging masyado nang malubha ang problema ni Li Ming. Obhetibo at patas na sinuri ng iba ang asawa niya, binabanggit lang ng mga ito ang mga katunayan, pero dahil nagbabanta ito sa kanyang mga interes, nagalit siya at inatake sila. Mayroon siyang masamang pagkatao! Ginusto kong iulat ang problema niya sa lider namin, pero naisip ko: “Hindi ba’t nagiging sumbungera lang ako niyon at pinagtataksilan siya? At saka, tiyak na tatawagin siya ng lider na iyon para sa pakikipagbahaginan kung isusumbong ko siya—kapag nalaman niyang ako ang nagsumbong sa kanya, ano ang iisipin niya sa akin? Hindi ba’t sasabihin niya na sinisiraan ko siya nang lingid sa kanyang kaalaman at na mayroon akong masamang pagkatao?” Nang mapagtanto ko ito, hindi ko na siya iniulat, pero naramdaman kong napipigilan ako at nahihirapan.
Kalaunan, dahil iniulat ng ibang tao ang problema niya, sa wakas ay tinanggal na si Li Ming. Kasunod nito, inilantad ako ng nakatataas na lider, sinasabing: “Bagamat mukhang nakakasundo mo ang lahat, wala kang tunay na katapatan para sa Diyos. Bakit hindi mo inilantad at pinigilan si Li Ming nang mapansin mo ang problema niya? Paanong hind mo iniulat ang gayong napakahalagang isyu? Gusto mo bang protektahan ang gawain ng iglesia o hindi?” Pagkatapos mapungusan ay saka lang ako namulat at nagsimulang magdasal sa Diyos at magnilay-nilay. Nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Kailangang may pamantayan para sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao. Hindi kasama rito ang pagtahak sa landas ng pagtitimpi, hindi pagkapit sa mga prinsipyo, pagsisikap na huwag makasakit ng sinuman, pagsipsip kahit saan ka magpunta, pagiging matatas at wais sa lahat ng iyong nakakasalamuha, at panghihikayat sa lahat na magsabi nang maganda tungkol sa iyo. Hindi ito ang pamantayan. Ano kung gayon ang pamantayan? Ito ay ang magawang magpasakop sa Diyos at sa katotohanan. Ito ay ang pagharap sa tungkulin at iba’t ibang uri ng tao, pangyayari, at mga bagay nang may mga prinsipyo at pagpapahalaga sa responsabilidad. Ito ay malinaw na nakikita ng lahat; ang lahat ay maliwanag tungkol dito sa kanilang puso. Bukod doon, sinisiyasat ng Diyos ang mga puso ng mga tao at inaalam ang kanilang sitwasyon, bawat isa sa kanila; kahit sino pa sila, walang makakaloko sa Diyos. Palaging ipinagyayabang ng ilang tao na nagtataglay sila ng mabuting pagkatao, na hindi sila kailanman nagsasabi nang masama tungkol sa iba, hindi kailanman pinipinsala ang mga interes ng sinuman, at sinasabi nilang hindi sila kailanman naghangad ng mga pag-aari ng ibang tao. Kapag mayroong pagtatalo sa mga interes, pinipili pa nga nilang dumanas ng kawalan kaysa samantalahin ang iba, at iniisip ng lahat ng iba na mabubuti silang tao. Gayunpaman, kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos, tuso at madaya sila, palaging nagbabalak para sa kanilang sarili. Hindi nila kailanman iniisip ang kapakanan ng sambahayan ng Diyos, hindi nila kailanman tinatrato na madalian ang mga bagay na tinatrato ng Diyos na madalian o nag-iisip gaya ng pag-iisip ng Diyos, at hindi nila kailanman kayang isantabi ang sarili nilang mga kapakanan upang magampanan ang kanilang mga tungkulin. Hindi nila kailanman tinalikdan ang sarili nilang mga kapakanan. Kahit na nakikita nilang gumagawa ng kasamaan ang masasamang tao, hindi nila inilalantad ang mga ito; wala silang mga prinsipyo o kung anuman. Anong uri ng pagkatao ito? Hindi ito mabuting pagkatao. Huwag ninyong pansinin ang sinasabi ng gayong mga tao; dapat ninyong tingnan ang kanilang ipinamumuhay, ang kanilang ibinubunyag, at ang kanilang saloobin kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, pati na ang kanilang kalagayang panloob at ang kanilang minamahal. Kung ang pagmamahal nila sa sarili nilang katanyagan at pakinabang ay nakahihigit sa kanilang katapatan sa Diyos, kung ang pagmamahal nila sa kanilang sariling katanyagan at pakinabang ay nakahihigit sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, o kung ang kanilang pagmamahal sa sarili nilang katanyagan at pakinabang ay nakahihigit sa konsiderasyong ipinapakita nila para sa Diyos, nagtataglay ba ang gayong mga tao ng pagkatao? Hindi sila mga taong may pagkatao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na hindi pwedeng husgahan ang pagkatao ng isang tao batay sa panlabas na katangian tulad ng kung mahinahon ba siya, o kung kaya ba niyang makisama nang maayos sa iba, bagkus ay batay sa kanyang saloobin sa Diyos at sa katotohanan, kung responsable siya sa kanyang tungkulin, at kung nakikiisa siya sa Diyos at kumikilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo kapag nahaharap sa mga isyu. Noon, akala ko ay may mabuti akong pagkatao. Mabait ako tingnan at may magandang personalidad, pero nang mapansin kong ginagamit ni Li Ming ang telepono niya para makipag-ugnayan sa mga kapatid, na nakakompromiso sa seguridad ng iglesia, nag-alala akong baka masira ang relasyon namin kapag pinuna ko siya, at kaya binigyan ko lang siya ng maingat at banayad na paalala. Nang hindi siya umamin sa inasal niya, hindi ko siya inilantad o pinigilan. Naisip ko: “Kung magkakaproblema man, hindi niya masasabing hindi ko siya pinaalalahanan.” Naisip ko na ang ganitong paggawa ng mga bagay ay hindi makakasira sa aking imahe at maiiwasan kong managot kapag may nangyaring mali. Iniisip ko lang ang sarili kong mga interes, katayuan at imahe, samantalang wala akong pakialam sa gawain ng iglesia o sa kaligtasan ng mga kapatid. Masyado akong makasarili at mapanlinlang! Nang makita ko kung paanong, dahil sa kanyang damdamin para sa kanyang asawa, nagalit si Li Ming sa iba dahil sa isyu sa kanyang asawa, dapat ay iniulat ko ito kaagad sa aming nakatataas na lider, pero nag-alala ako na baka isipin niyang lihim ko siyang binabatikos, kaya’t nanatili akong tahimik. Wala akong ginawa at hinayaan ko si Li Ming na maging walang pakundangan, na nagkaroon ng negatibong epekto sa gawain ng iglesia, at nagdulot ng mga pag-atake at kapahamakan sa mga kapatid. Nasaan ang pagkatao ko? Habang isinasaalang-alang ang mga kilos ko batay sa mga salita ng paghatol at paglalantad ng Diyos, sobra akong nakonsensya. Palagi kong iniisip na mayroon akong mabuting pagkatao, pero sa pamamagitan ng paghahayag ng mga salita ng Diyos at ang mailantad ng mga katunayan, ganap na nagbago ang aking pananaw sa sarili. Sa panlabas, mabait ako, pero sa likod ng kabaitang iyon ay isang kasuklam-suklam na layunin. Inisip ko lang ang mga pansarili kong interes at hindi man lang pinrotektahan ang gawain ng iglesia. Gumamit ako ng pekeng kabaitan at sinubukan kong palugurin ang lahat. Isa akong huwad na maka-Diyos at mapanlinlang na tao. Hindi na ako naglakas-loob na umaktong may mabuting pagkatao. Kalaunan, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang diwa sa likod ng magandang pag-uugali tulad ng pagiging madaling lapitan at magiliw ay mailalarawan sa isang salita: pagpapanggap. Ang gayong magandang pag-uugali ay hindi nagmumula sa mga salita ng Diyos, ni resulta ng pagsasagawa ng katotohanan o pagkilos ayon sa prinsipyo. Ano ang nagbubunga nito? Nagmumula ito sa mga motibo at pakana ng mga tao, mula sa kanilang pagpapanggap, pagkukunwari, panlilinlang. Kapag kumakapit ang mga tao sa magagandang pag-uugaling ito, ang layon ay makuha ang mga bagay na gusto nila; kung hindi, hinding-hindi nila iaagrabyado ang sarili nila sa ganitong paraan, at hinding-hindi sila mamumuhay nang salungat sa sarili nilang mga pagnanasa. Ano ang ibig sabihin ng mamuhay nang salungat sa sarili nilang mga pagnanasa? Ito ay na ang tunay nilang kalikasan ay hindi katulad ng inaakala ng mga tao na maganda ang ugali, matapat, malumanay, mabait, at mabuti. Hindi sila nabubuhay ayon sa konsensiya at katinuan; sa halip, nabubuhay sila upang makamtan ang isang partikular na layon o pangangailangan. Ano ang tunay na kalikasan ng isang tao? Ito ay pagiging lito at mangmang. Kung wala ang mga batas at kautusang ipinagkaloob ng Diyos, wala sanang ideya ang mga tao kung ano ang kasalanan. Hindi ba’t ganito dati ang sangkatauhan? Nang magpalabas ang Diyos ng mga batas at kautusan, saka lamang nagkaroon ang mga tao ng kaunting pagkaunawa sa kasalanan. Ngunit wala pa rin silang konsepto ng tama at mali, o ng mga positibo at negatibong bagay. At, kung ganito ang sitwasyon, paano nila mababatid ang mga tamang prinsipyo sa pagsasalita at pagkilos? Kaya ba nilang malaman kung aling mga paraan ng pagkilos, aling magagandang pag-uugali, ang dapat makita sa normal na pagkatao? Kaya ba nilang malaman kung ano ang nagbubunga ng tunay na magandang pag-uugali, anong uri ng paraan ang dapat nilang sundin para maisabuhay ang wangis ng isang tao? Hindi nila kaya. Dahil sa satanikong kalikasan ng mga tao, dahil sa kanilang likas na gawi, kaya lamang nilang magpanggap at magkunwari na namumuhay sila nang disente, at may dignidad—na siyang nagpasimula ng mga panlilinlang na tulad ng pagiging may pinag-aralan at matino, malumanay at pino, magalang, ipinagpipitagan ang matatanda at inaalagaan ang mga bata, at pagiging magiliw at madaling lapitan; sa gayon ay lumitaw ang mga panlalansi at paraang ito ng panlilinlang. At nang lumitaw ang mga ito, piniling kumapit ng mga tao sa isa o ilan sa mga panlilinlang na ito. Ang ilan ay piniling maging magiliw at madaling lapitan, ang ilan ay piniling maging may pinag-aralan at matino, malumanay at pino, ang ilan ay piniling maging magalang, na ipagpitagan ang matatanda at alagaan ang mga bata, ang ilan ay piniling maging lahat ng bagay na ito. Subalit iisa ang tawag Ko sa mga taong may gayong magagandang pag-uugali. Anong katawagan iyon? ‘Makikinis na bato.’ Ano ang makikinis na bato? Iyon ang makikinis na bato sa mga ilog na nakiskis at napakintab ng umaagos na tubig sa loob ng maraming taon kaya wala nang anumang matatalim na gilid. At kahit maaaring hindi masakit tapakan ang mga iyon, maaaring madulas doon ang mga tao kung hindi sila mag-iingat. Sa anyo at hugis, napakagaganda ng mga batong ito, ngunit kapag naiuwi na ninyo ang mga ito, medyo walang silbi ang mga ito. Hindi ninyo maaatim na itapon ang mga ito, ngunit wala rin namang dahilan para itago ang mga ito—at ganyan ang ‘makinis na bato.’ Para sa Akin, ang mga taong may ganitong mukhang magagandang pag-uugali ay nakalulunos. Nagkukunwari silang mabuti sa panlabas, ngunit hindi talaga nila tinatanggap ang katotohanan, nagsasabi sila ng mga bagay na masarap pakinggan, ngunit hindi sila gumagawa ng anumang tunay. Sila ay walang iba kundi makikinis na bato. Kung magbabahagi ka sa kanila tungkol sa katotohanan at sa mga prinsipyo, kakausapin ka nila tungkol sa pagiging malumanay at pino, at magalang. Kung kakausapin mo sila tungkol sa pagkilatis sa mga anticristo, kakausapin ka nila tungkol sa pagpipitagan sa matatanda at pangangalaga sa mga bata, at pagiging may pinag-aralan at matino. Kung sasabihin mo sa kanila na kailangang mayroong mga prinsipyo sa pag-asal ng isang tao, na kailangang hanapin ng isang tao ang mga prinsipyo sa kanyang tungkulin at hindi mapagmatigas na kumilos, ano ang magiging saloobin nila? Sasabihin nila, ‘Ibang usapin ang pagkilos alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Gusto ko lang namang maging may pinag-aralan at matino, at sang-ayunan ng iba ang mga kilos ko. Basta’t ipinagpipitagan ko ang matatanda at inaalagaan ang mga bata, at sinasang-ayunan ako ng iba, sapat na iyon.’ Interesado lang sila sa mabubuting pag-uugali, hindi sila tumutuon sa katotohanan” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 3). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang pagiging magiliw at madaling lapitan, mga asal na itinuturing na mabuti sa tradisyonal na kultura, ay sa diwa isang pagkukunwari lang. Ang mga umaakto nang ganito ay nagkukunwari lang, nagpapanggap para makuha ang paghanga ng mga tao at linlangin ang mga ito para igalang at purihin sila. Ang lahat ng ito ay pagsasabwatan at panlalansi, at nagiging manloloko sila sa pagkilos nang ganito. Napagtanto ko rin na ang dahilan kung bakit sobra pa rin akong makasarili at mapanlinlang, sa kabila ng paghahangad na magkaroon ng mabuting pag-uugali sa lahat ng taon na ito, ay dahil may masasamang layunin sa likod ng lahat ng ito. Gusto kong maging maganda ang impresyon ng mga tao sa akin para igalang at purihin nila ako. Nakondisyon at naturuan ako ng tradisyonal na kultura mula sa murang edad na pahalagahan ang mabuting asal. Inakala ko na ang pagkakaroon ng mabuting asal ay magbibigay sa akin ng papuri ng mga tao sa paligid ko. Matapos umanib sa pananampalataya, patuloy kong sinubukang maging isang magiliw at madaling lapitan na tao at panatilihin ang magandang imahe at katayuan sa mga kapatid, lalo na noong ipinareha ako kay Li Ming. Napansin kong ilang beses niyang ginamit ang telepono niya para kontakin ang mga kapatid, nilalabag ang mga prinsipyo, inilalagay sa panganib ang mga kapatid, at binabalewala ang mga interes ng iglesia, at kaya dapat ay inilantad at pinigilan ko siya, pero nag-alala ako na baka magkaroon siya ng masamang impresyon sa akin kaya’t hinayaan ko na lang ito. Malinaw kong nakita na pinoprotektahan ni Li Ming ang asawa niya at pinipigilan pa nga ang mga kapatid, at na hindi lang ito isang simpleng kaso ng katiwalian—masama ang pagkatao niya, hindi siya angkop na lider, at dapat sana ay iniulat siya kaagad. Pero sa halip ay pinili kong manahimik muli para protektahan ang aking katayuan at imahe. Para protektahan ang imahe ko, kinagat ko ang kamay na nagpakain sa akin. Hindi ko man lang naprotektahan ang mga interes ng iglesia. Lubos kong naunawaan na ang paghahangad na maging magiliw at madaling lapitan ay hindi lang walang naitulong sa pagbabago ng aking tiwaling disposisyon, bagkus ay mas lalo ako nitong ginawang makasarili at mapanlinlang. Hinangad ko ang mabuting pag-uugali sa halip na isagawa ang katotohanan, nagpapakita ng huwad na imahe para itago ang aking mga kasuklam-suklam na layunin at ipaisip sa lahat na nasa akin ang katotohanang realidad at na mapagmahal at mabait ako, niloloko sila para pagkatiwalaan ako at respetuhin at sang-ayunan ako. Nasa landas ako ng mga huwad na maka-Diyos na Pariseo at lumalaban sa Diyos. Kokondenahin at ititiwalag ako ng Diyos kung magpapatuloy ako nang ganoon.
Kalaunan, nabasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “At ano ang kinahihinatnan kapag laging iniisip ng mga tao ang sarili nilang interes, kapag lagi nilang sinusubukang protektahan ang kanilang sariling karangalan at banidad, kapag nagpapakita sila ng isang tiwaling disposisyon pero hindi naman nila hinahanap ang katotohanan para ayusin ito? Ito ay dahil sa wala silang buhay pagpasok, ito ay dahil wala silang mga tunay na patotoo batay sa karanasan. At delikado ito, hindi ba? Kung hindi mo kailanman isinasagawa ang katotohanan, kung wala kang mga patotoo batay sa karanasan, pagdating ng panahon ay mabubunyag at matitiwalag ka. Ano ang silbi ng mga taong walang mga patotoong batay sa karanasan sa sambahayan ng Diyos? Nakatakda silang hindi magawa nang maayos ang anumang tungkulin at hindi makayang gawin nang maayos ang anumang bagay. Hindi ba’t basura lang sila? Kung hindi kailanman isinasagawa ng mga tao ang katotohanan matapos ang maraming taong pananalig sa Diyos, sila ay mga hindi mananampalataya; sila ay masasamang tao. Kung hindi mo kailanman isinagawa ang katotohanan, at kung lalo pang dumarami ang mga paglabag mo, nakatakda na ang kalalabasan mo. Makikita nang malinaw na ang lahat ng iyong paglabag, ang maling landas na tinatahak mo, at ang pagtanggi mong magsisi—ang lahat ng ito ay dumadagdag sa sangkaterbang masasamang gawa; kaya naman ang kalalabasan mo ay ang mapupunta ka sa impiyerno—mapaparusahan ka. Iniisip ba ninyo na maliit na bagay lang ito? Kung hindi ka pa naparusahan, hindi mo maiisip kung gaano kanakapangingilabot ito. Pagdating ng araw kung saan talaga ngang naharap ka sa kapahamakan, at naharap ka sa kamatayan, magiging huli na ang lahat para magsisi. Kung, sa pananalig mo sa Diyos, hindi mo tinatanggap ang katotohanan, at kung matagal ka nang naniniwala sa Diyos pero walang nagbago sa iyo, ang kahihinatnan mo sa huli ay ititiwalag at aabandonahin ka” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Kapag kumilos at umasal ang mga tao ayon sa mga salita ng Diyos, saka lamang sila magkakaroon ng tunay na pundasyon. Kung hindi sila umaasal ayon sa mga salita ng Diyos, at tumutuon lamang sila sa pagpapanggap na kumikilos sila nang maayos, magiging mabubuting tao ba sila dahil dito? Talagang hindi. Ang magagandang doktrina at pag-uugali ay hindi mababago ang mga tiwaling diwa ng tao, at hindi mababago ng mga ito ang kanyang diwa. Tanging ang katotohanan at mga salita ng Diyos ang maaaring magpabago sa mga tiwaling disposisyon, kaisipan, at opinyon ng mga tao, at maaaring maging buhay nila. … Ano ba dapat ang batayan ng pananalita at mga pagkilos ng mga tao? Mga salita ng Diyos. Kung gayon, ano ang mga hinihingi at pamantayan ng Diyos para sa pananalita ng mga tao? (Na dapat makatulong ito sa mga tao.) Tama iyan. Ang pinakamahalaga, dapat sabihin mo ang totoo, magsalita ka nang matapat, at maging kapaki-pakinabang sa iba. Kahit paano, ang pananalita mo ay dapat nakakapagpalinaw sa mga tao, at hindi niloloko, inililigaw, pinagtatawanan, tinutudyo, nililibak, tinutuya, hinihigpitan sila, inilalantad ang mga kahinaan nila, o sinasaktan sila. Ito ang pagpapahayag ng normal na pagkatao. Ito ang kabutihan ng pagkatao. … Isa pa, sa ilang natatanging pagkakataon, kinakailangan na direktang ibunyag ang mga kamalian ng ibang tao at pungusan sila, upang magtamo sila ng kaalaman sa katotohanan at kagustuhang magsisi. Saka lang makakamtan ang nararapat na epekto. Ang ganitong paraan ng pagsasagawa ay tunay na kapaki-pakinabang sa mga tao. Tunay na tulong ito sa kanila, at mapakikinabangan nila ito, hindi ba?” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 3). Naalarma ako sa mga salita ng Diyos, at natakot ako. Kung pipiliin ng isang tao na itaguyod ang kanyang sariling mga interes sa bawat sitwasyon at hindi kailanman isasagawa ang katotohanan, parami nang paraming mga paglabag ang maiipon niya, at sa huli ay lubusan siyang ilalantad at ititiwalag ng Diyos. Naisip ko—nang nakita kong nanganganib ang kaligtasan ng aking mga kapatid at naaapektuhan ang gawain ng iglesia, hindi ko itinaguyod ang mga prinsipyo at pinrotektahan ang gawain ng iglesia, sa halip ay lagi kong hinahangad na maging diumano’y isang mabuting tao. Kahit na makuha ko ang respeto at pagsang-ayon ng iba, sa mga mata ng Diyos, isa akong masamang tao at sa huli ay itataboy at parurusahan Niya. Sobra akong natakot nang mapagtanto ko ang mga kahihinatnang ito at handa akong ituwid ang aking maling paghahangad. Ipinakita rin sa akin ng mga salita ng Diyos ang tamang landas ng pagsasagawa. Sa pamamagitan lang ng pagkilos at pagsasalita ayon sa mga salita ng Diyos tayo magiging kapaki-pakinabang sa iba at mapapatibay sila. Hindi mahalaga kung paano tayo magsalita, nagsasalita man tayo sa malakas o banayad na tinig, o gaano man tayo kaingat sa ating mga salita. Ang pinakamahalaga ay ang magsalita sa paraang nakapagpapatibay sa mga kapatid. Hangga’t ito ang tamang tao, isang taong kayang tanggapin ang katotohanan, dapat natin siyang tulungan nang may pagmamahal. Kung hindi niya nauunawaan ang katotohanan at nakakapinsala sa gawain, maaari tayong magbahagi sa kanya para gumabay at sumuporta. Kung wala pa rin talagang pagsulong pagkatapos ng pagbabahagi, maaari natin siyang pungusan, ilantad ang diwa ng kanyang problema. Kahit na malupit itong pakinggan o tila binabalewala ang mga damdamin nila, tunay na makikinabang at masusuportahan sila ng ganitong paraan ng pagkilos. Kung isa siyang anticristo o masamang tao na gumagambala sa gawain ng iglesia, dapat manindigan tayo upang ilantad at pigilan sila o iulat sila sa ating mga nakatataas para itaguyod ang gawain ng iglesia at protektahan ang mga kapatid na hindi magulo at malihis. Sa pamamagitan lang ng paggawa nito natin talagang maisasagawa ang katotohanan, na nagpapakita ng tunay na pagkatao at kabaitan. Itinuwid rin ng mga salita ng Diyos ang maling pananaw ko. Inakala ko na ang pag-uulat sa isang tao dahil sa paglabag sa mga prinsipyo ay pagsusumbong, palihim na pangbabatikos o pagiging taksil. Maling pananaw ito. Sa katunayan, ang paggawa nito ay nagpoprotekta sa gawain ng iglesia at isang mabuting gawa. May malubhang problema si Li Ming na nakakaapekto sa gawain ng iglesia at pumipigil at pumipinsala sa mga kapatid, at isa itong isyu ng prinsipyo na may kinalaman sa gawain ng iglesia, dapat sana ay binanggit ko ito kaagad sa nakatataas na lider o iniulat pa nga siya. Hindi sana ito naging lihim na pangbabatikos; pagpoprotekta sana ito sa gawain ng iglesia. Matapos kong mapagtanto ito, nawala ang maraming alalahanin ko at mas gumaan ang pakiramdam ko.
Isang beses, may nag-ulat na ang isang brother ay palaging nagpapakatamad at umiiwas sa anumang paghihirap habang ginagawa ang kanyang tungkulin, at matapos itong tukuyin ng iba, at pinungusan siya nang ilang beses, hindi pa rin niya ito tinatanggap. Batay sa mga prinsipyo, napagpasyahan namin na kailangan siyang matanggal, at na dapat naming malinaw na suriin ang mga isyu niya para makapagnilay-nilay siya. Noong panahong iyon, naisip ko: “Makakapagpasama ng loob sa isang tao na suriin ang mga problema niya. Siguro hahayaan ko na lang na magbahagi sa kanya ang kapareha ko at hindi na ako masasangkot dito. Kung hindi, baka maging masama ang impresyon niya sa akin.” Pero pagkatapos ay bigla kong napagtanto na sinusubukan ko na namang protektahan ang katayuan at imahe ko. Naalala ko ang mga salita ng Diyos, na nagsasabing: “Para sa lahat ng gumaganap ng tungkulin, gaano man kalalim o kababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ang pinakasimpleng paraan para isagawa ang pagpasok sa katotohanang realidad ay ang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng bagay, at bitiwan ang kanilang mga makasariling hangarin, mga personal na layunin, mga motibo, pagmamalaki, at katayuan. Unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito man lang ay dapat gawin ng isang tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa. Kapag nahaharap sa mga problema, dapat nating isantabi ang ating mga hangarin at reputasyon, unahin ang mga interes ng iglesia at isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos. Ito lamang ang tuwirang paraan ng pagkilos at pupurihin ito ng Diyos. Nang maunawaan ko ang mga hinihingi ng Diyos, nakaramdam ako ng motibasyon, at kaya detalyado kong sinuri ang pag-uugali ng brother ayon sa mga salita ng Diyos. Napakagaan ng pakiramdam ko pagkatapos magsagawa nang ganito. Napagtanto ko na sa pamamagitan lang ng pagsasagawa ng katotohanan natin makakamit ang tunay na kapayapaan at kaligayahan.
Pagkatapos ng karanasang ito, napuno ako ng pasasalamat sa Diyos. Salita ng Diyos ang tumulong sa akin na makakita kung gaano kakatwa ang pagiging magiliw at madaling lapitan na itinataguyod ng tradisyonal na kultura at kung anong pinsala ang idinudulot nito sa mga tao. Nagbigay-daan din ito sa akin na maranasan ang pagpapalaya at kaginhawahan na nagmumula sa paglaya sa mga pagpipigil at gapos ng tradisyonal na kultura. Salamat sa Diyos sa Kanyang pagliligtas!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.