Mga Pagninilay-nilay sa Hindi Agad Pagtatanggal sa Isang Huwad na Lider

Disyembre 11, 2024

Ni Cathy, Myanmar

Noong Agosto 2021, hinirang akong diyakono ng pagdidilig. Nung panahong iyon, kapwa ako nagdidilig ng mga baguhan at nagpapalaganap ng ebanghelyo. Dahil kulang ako sa karanasan sa ebanghelyo, hindi ako nagkakamit ng magagandang resulta sa aking gawain ng ebanghelyo. Isang araw, isinaayos ng lider na maging kapareha ko si Sister Janine sa pagsubaybay sa gawain ng ebanghelyo. Mabilis na naarok ni Sister Janine ang mga problema ng lahat sa gawain ng ebanghelyo, tinipon niya ang lahat ng kapatid para sa pagbabahaginan at pagsusuri, at pagkatapos ay nagbahagi ng ilang matatagumpay na karanasan at pamamaraan. Unti-unti, naging mas masigasig sila sa kanilang gawain ng ebanghelyo at naging bihasa sila sa ilang prinsipyo ng gawain. Hindi nagtagal, mahigit 20 katao na sa aming nayon ang tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at parami nang parami rin ang tumatanggap dito sa ibang mga lugar. Hindi nagtagal, nagtatag kami ng isang bagong iglesia. Naisip ko, matagal nang nananalig si Janine, may mahusay na kakayahan, at mahusay sa kanyang gawain. Simula nang dumating siya, umusad nang husto ang gawain ng ebanghelyo. Talagang hinangaan ko siya. Pakiramdam ko ay mahusay siyang manggagawa at na hinangad niya ang katotohanan. Maganda ang impresyon niya sa akin. Sinasabi niyang responsable ako at nagdala ng pasanin, at pinuri niya kung gaano ako kahusay ang aking kakayahan at kung gaano ako kagaling sa harap ng iba. Talagang nagulat ako na marinig siyang sabihin iyon. Napakataas pala ng tingin niya sa akin, at parang may malaking puwang ako sa puso niya. Napakasaya ko. Kalaunan, hinirang ako bilang isang lider, at ipinareha pa rin ako kay Janine sa tungkulin ko.

Noong Hunyo 2022, naging tagapangaral ako, hinirang si Janine bilang isang lider, at pinangasiwaan ko ang kanyang gawain. Pero hindi humuhusay ang gawain ng ebanghelyo ni Janine at hindi ko alam kung bakit. Hindi siya nakatuon sa pangangalaga ng mga baguhan, hindi nakikipagtipon sa mga manggagawa ng ebanghelyo, at hindi nakikipagbahaginan sa o lumulutas ng mga kalagayan o paghihirap ng iba. Sobra akong nag-alala nang makita ko ang mga problemang ito at nagpadala ako ng mensahe sa kanya para malaman ang tungkol sa gawain niya, at kahit na nabasa niya ito, hindi siya sumagot. Naisip ko: “Lider ka, paano ka nagiging napakairesponsable sa gawain ng iglesia?” Galit na galit ako. Ginusto ko talaga siyang pungusan at ilantad ang mga problema niya, pero naisip ko kung gaano kahusay kaming nagtulungan dati, kung anong magandang impresyon niya sa akin, at kung paanong sinabi niya na magaling akong lider. Kung pinungusan ko siya, maglalaho ba ang magandang impresyon niya sa akin? Pakiramdam ko ay mas mabuting manahimik na lang para maprotektahan ang relasyon namin. Dahil sa ganitong kaisipan, pinili kong hindi magsalita. Ipinadala ko lang sa kanya ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa para basahin niya at ipinaalam ko sa kanya ang saklaw ng kanyang mga responsabilidad at ang gawaing kailangan niyang gawin para maramdaman niya ang bigat ng pasanin. Pakiramdam ko ay nilinaw ko na ang mga bagay-bagay sa kanya, na dapat alam na niya kung ano ang susunod na gagawin, at na dapat ay dahan-dahan nang umusad ang kanyang gawain ng ebanghelyo. Pero makalipas ang ilang panahon, wala pa ring ipinakikitang resulta ang gawain niya. Talagang nadismaya ako rito. Hindi naman siya ganito dati, bakit nagkaganito siya ngayon? Ginusto ko talaga siyang pungusan, na sabihing nagiging iresponsable siya sa tungkulin niya at hindi gumagawa ng anumang tunay na gawain para baguhin niya ang kanyang saloobin sa kanyang tungkulin sa lalong madaling panahon. Pero naisip kong: “Iniisip niya palagi na mahusay akong lider at madalas niyang sinasabi kung gaano kalaki ang pasanin ko para sa gawain ng iglesia at kung gaano ako kapasensiyosa at kamahabagin. Kung ilalantad ko ang problema niya, maglalaho ang magandang impresyon niya sa akin.” Nang maisip ko ito, nagsabi na lang ako ng ilang salitang makapagpapalubag sa kanya at hihikayat sa kanyang maglaan ng mas marami pang oras para sa mga pagtitipon at subaybayan ang gawain ng iglesia. Nang marinig ito ni Janine, sinabi niyang kailangan niyang ayusin ang saloobin niya sa kanyang tungkulin at ipinahayag na gusto niyang gawin ito nang maayos sa hinaharap. Sa sobrang saya ko, inisip kong: “Siguradong gagawin na ni Janine nang maayos ang tungkulin niya sa pagkakataong ito. Sa pangunguna niya sa mga manggagawa ng ebanghelyo, siguradong uusad ang mga resulta nila.” Hindi nagtagal, sinabi sa akin ng kapareha kong kapatid na: “Bilang isang lider, hindi sinusubaybayan ni Janine ang gawain o pinangangalagaan ang mga tao. Lider lang siya sa pangalan at hindi kailanman gumagawa ng tunay na gawain. Isa siyang huwad na lider. Iminumungkahi kong tanggalin siya at pumili ng ibang lider. Sa ganitong paraan, uusad ang gawain ng iglesia.” Sinabi sa akin ng isa pang sister na ang hindi paggawa ni Janine ng tunay na gawain ay nakaantala na sa gawain ng iglesia, at dapat na siyang tanggalin agad. Pero naisip ko pa rin na magaling si Janine at may mahusay na kakayahan, na may pinagdaraanan lang siya dahil sa pag-uusig ng kanyang pamilya at na kapag binago niya ang kalagayan niya, huhusay ang gawain ng ebanghelyo. Kaya ipinagpaliban ko ang pagtanggal sa kanya. Kalaunan, patuloy na bumagsak ang pagganap ni Janine at may iba pang patuloy na nag-uulat na katulad pa rin siya nang dati, nagsasabi ng maganda, pero walang ginagawa. Ang mga ulat ng mga kapatid ay talagang nagpalungkot sa akin at para bang hindi ko siya makita nang malinaw. Nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako na matutong kumilatis.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Paano dapat husgahan ng isang tao kung tinutupad ba ng isang lider ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, o kung huwad na lider ba ito? Sa pinakapayak na antas, kailangang tingnan kung may kakayahan ba siyang gumawa ng totoong gawain, kung may ganito ba siyang kakayahan o wala. Pagkatapos, dapat tingnan kung may pasanin ba siya na gawin nang maayos ang gawaing ito. Huwag pansinin kung gaano kaganda pakinggan ang kanyang mga sinasabi o kung gaano niya tila nauunawaan ang mga doktrina, at huwag pansinin kung gaano siya kahusay at kagaling sa pangangasiwa ng mga panlabas na usapin—hindi mahalaga ang mga bagay na ito. Ang pinakamahalaga ay kung nagagawa ba niyang isagawa nang wasto ang mga pinakapangunahing aytem ng gawain ng iglesia, kung kaya ba niyang lutasin ang mga problema gamit ang katotohanan, at kung naaakay ba niya ang mga tao tungo sa katotohanang realidad. Ito ang pinakapangunahin at mahalagang gawain. Kung hindi niyo kayang gawin ang mga aytem na ito ng tunay na gawain, gaano man siya kahusay, gaano man kalaki ang talento niya, o gaano man katinding paghihirap ang kailangan niyang tiisin o gaano man kalaking halaga ag kailangan niyang bayaran, huwad na lider pa rin siya. Sabi ng ilang tao, ‘Kalimutan ninyo na wala siyang ginagawang anumang tunay na gawain ngayon. Mahusay siya at may kakayahan. Kung magsasanay siya sandali, tiyak na makagagawa siya ng tunay na gawain. Bukod pa riyan, wala siyang nagawang anumang masama at wala siyang nagawang kasaman oa hindi Siya nagsanhi ng mga pagkagambala o panggugulo—paano Mo nasasabing siya ay huwad na lider?’ Paano natin ito maipaliliwanag? Hindi mahalaga kung gaano ka kahusay, kung anong antas ng kakayahan at edukasyon ang taglay mo, kung gaano karaming sawikain ang kaya mong isigaw, o kung gaano karaming salita at doktrina ang naaarok mo; kung gaano ka man kaabala o kapagod sa isang araw, o kung gaano kalayo na ang iyong nalakbay, kung ilang iglesia na ang iyong binisita, o kung gaano kalaking panganib ang iyong hinarap at pagdurusang tiniis—wala sa mga ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay kung ginagampanan mo ba ang iyong gawain nang ayon sa mga pagsasaayos ng gawain, kung tumpak mo bang naipatutupad ang mga pagsasaayos na iyon; kung sa ilalim ng iyong pamumuno ay nakikilahok ka ba sa bawat partikular na gawain na iyong responsabilidad, at kung ilang tunay na isyu ang talagang nalutas mo; kung ilang indibidwal ang nakaunawa sa mga katotohanang prinsipyo dahil sa iyong pamumuno at paggabay, at kung gaano umusad at umunlad ang gawain ng iglesia—ang mahalaga ay kung nakamit mo ba o hindi ang mga resultang ito. Anuman ang partikular na gawaing kinabibilangan mo, ang mahalaga ay kung palagi ka bang sumusubaybay at nagdidirekta ng gawain sa halip na umaastang mataas at makapangyarihan at nag-uutos lamang. Bukod dito, ang mahalaga rin ay kung may buhay pagpasok ka ba o wala habang ginagawa mo ang iyong tungkulin, kung kaya mo bang harapin ang mga usapin nang ayon sa mga prinsipyo, kung may patotoo ka ba ng pagsasagawa sa katotohanan, at kung kaya mo bang harapin at lutasin ang mga tunay na isyung kinakaharap ng mga hinirang na tao ng Diyos. Ang mga ganitong bagay at iba pang katulad nito ay pawang mga pamantayan sa pagsusuri kung tinutupad ba o hindi ng isang lider o manggagawa ang kanyang mga responsabilidad(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 9). Dahil sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na hindi ko puwedeng husgahan kung may kakayahan ba o wala ang isang lider o kung isa ba siyang huwad na lider sa pakikinig kung magaling ba siyang magsalita, o sa pagsisiyasat ng kanyang kakayahan, mga abilidad, o dami ng kanyang mabubuting pag-uugali. Ang mga pangunahing dapat suriin ay kung gumagawa ba siya ng tunay na gawain, kung responsable ba siya, at kung kaya ba niyang tuparin ang tungkulin ng isang lider. Si Janine ay may kaunting kakayahan at magaling siyang manggagawa, pero nagsasalita lang siya ng mga salitang maganda sa pandinig at hindi naman talaga kumikilos o gumagawa ng tunay na gawain. Hindi siya gumagawa ng gawaing dapat ginagawa ng isang lider. Mukhang hindi naman siya gumagawa ng anumang masama o buktot, subalit bilang isang lider, nagpapadala lang siya ng mga mensahe at bumibigkas ng mga islogan. Hindi talaga niya kailanman inasikaso o sinubaybayan ang gawain ng iglesia. Hindi niya inalagaan ang mga baguhan na nagsisimula pa lang sa mga tungkulin nila. Kapag may mga suliranin at problema ang iba sa gawain ng ebanghelyo, hindi siya nagbahagi para lutasin ang mga ito, at madalas niyang napabayaan ang tungkulin niya. Maraming beses ko na siyang binalaan sa buong panahong ito na baguhin ang saloobin niya sa tungkulin niya, at kahit na sumang-ayon siyang magbago, nagpatuloy lang siya katulad ng dati. Natigil ang gawain ng ebanghelyo at hindi nakakakuha ng mga resulta ang iba pang mga proyekto. Hindi siya nagninilay sa sarili, kundi binalewala niya ang mga kapatid gamit ang mga palusot. Kitang-kita sa saloobin niya sa tungkulin niya at sa iba’t ibang ikinikilos niya na isa siyang huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain, gaya ng ibinunyag ng Diyos, at dapat nang tinanggal noon pa man. Pero hindi ko nakita ang mga bagay-bagay o nakilatis ang mga tao batay sa salita ng Diyos. Nakita ko lang ang talino, kakayahan, at mga kapabilidad ni Janine. Inakala kong makagagawa siya ng gawain, pero hindi ko tiningnan kung gumagawa siya ng tunay na gawain o kung anong klase ba ng mga resulta ang nakukuha niya. Umasa pa rin ako sa kanya. Umasa akong mapapauusad niya ang gawain ng iglesia gaya nang dati, kaya’t paulit-ulit ko siyang binigyan ng marami pang pagkakataon. Naging napakahangal ko noon! Nag-ulat na sa akin ang kapareha kong kapatid tungkol sa sitwasyon ni Janine at nagmungkahing tanggalin na ito, pero nanindigan ako sa aking mga pananaw, gustong bigyan si Janine ng mga tsansa at suportahan pa siya, kaya hindi ko siya agad tinanggal, na seryosong nakaapekto sa gawain ng iglesia. Nakita ko na hindi ako nakapangangasiwa nang mabuti sa tungkulin ko, kaya naapektuhan ang gawain ng iglesia. Hindi ba’t pag-uugali rin ito ng isang huwad na lider? Nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanyang gabayan akong malaman ang aking katiwalian.

Isang araw, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kapag nakikita ng isang lider ng iglesia ang mga kapatid na pabasta-bastang gumagawa ng kanilang mga tungkulin, maaaring hindi niya sawayin ang mga ito, kahit na dapat. Kapag malinaw niyang nakikita na naaapektuhan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, hindi siya nakikialam dito o nagtatanong, at hindi siya nagdudulot ng kahit kaunting sama ng loob sa iba. Sa katunayan, hindi talaga siya nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kahinaan ng mga tao; sa halip, ang intensyon at layon niya ay ang makuha ang loob ng mga tao. Alam na alam niya na: ‘Basta’t ginagawa ko ito at hindi ako nagdudulot ng sama ng loob kanino man, iisipin nilang mabuti akong lider. Magkakaroon sila ng maganda at mataas na pagtingin sa akin. Sasang-ayunan nila ako at magugustuhan nila ako.’ Wala siyang pakialam kung gaano kalaking pinsala ang nagawa sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, o kung gaano kalaking mga kawalan ang naidulot sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos, o kung gaanong labis na nagambalaang buhay iglesia niya, patuloy lang siya sa kanyang satanikong pilosopiya at hindi nagdudulot ng sama ng loob sa sinuman. Walang anumang paninisi sa sarili sa puso niya. Kapag may nakita siyang isang taong nagdudulot ng mga pagkagambala at panggugulo, sa pinakahigit ay maaari niya itong kausapin tungkol dito, paliliitin ang isyu, at pagkatapos ay hindi na niya ito pakikialaman. Hindi siya magbabahagi tungkol sa katotohanan, o tutukuyin ang diwa ng problema sa taong iyon, lalong hindi niya hihimayin ang kalagayan niyon, at hindi siya kailanman magbabahagi tungkol sa kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi kailanman inilalantad o hinihimay ng isang huwad na lider ang mga pagkakamaling kadalasang ginagawa ng mga tao, o ang mga tiwaling disposisyong madalas ibinubunyag ng mga ito. Wala siyang nilulutas na anumang totoong mga problema, kundi sa halip ay palaging kinukunsinti ang mga maling gawi at pagpapakita ng katiwalian ng mga tao, at gaano man kanegatibo o kahina ng mga tao, hindi niya ito sineseryoso. Nangangaral lang siya ng ilang salita at doktrina at nagsasabi ng ilang salita ng panghihikayat para harapin ang sitwasyon sa isang pabasta-bastang paraan, sinusubukang panatilihin ang pagkakasundo. Dahil dito, hindi alam ng mga hinirang ng Diyos kung paano pagnilayan at kilalanin ang kanilang sarili, walang solusyon sa anumang ibinubunyag nilang mga tiwaling disposisyon, at namumuhay sila sa gitna ng mga salita at doktrina, kuru-kuro at imahinasyon, nang walang anumang buhay pagpasok. Naniniwala pa sila sa kanilang puso na, ‘Mas malawak pa nga ang pang-unawa ng aming lider sa mga kahinaan namin kaysa sa Diyos. Masyadong maliit ang aming tayog upang makatugon sa mga hinihingi ng Diyos. Kailangan lang naming tuparin ang mga hinihingi ng aming lider; sa pagpapasakop sa aming lider, nagpapasakop kami sa Diyos. Kung dumating ang araw na tanggalin ng Itaas ang aming lider, magsasalita kami upang marinig; upang mapanatili ang aming lider at mapigilang tanggalin siya, makikipagkasundo kami sa Itaas at pipilitin silang sumang-ayon sa mga hinihingi namin. Ganito namin gagawin ang tama para sa aming lider.’ Kapag ang mga tao ay may ganoong mga saloobin sa kanilang puso, kapag nakapagtatag na sila ng ganoong relasyon sa lider nila, at nagkaroon na ng ganitong uri ng pagdepende, pagkainggit, at pagsamba sa puso nila para sa kanilang lider, magkakaroon sila ng higit pang pananalig sa lider na ito, at palagi nilang gustong makinig sa mga salita ng lider, sa halip na hanapin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos. Ang gayong lider ay halos pumalit na sa puwang ng Diyos sa puso ng mga tao. Kung ang isang lider ay handang mapanatili ang ganoong relasyon sa mga taong hinirang ng Diyos, kung nakakaramdam siya ng kasiyahan dito sa puso niya, at naniniwala siyang dapat lang siyang tratuhin nang ganito ng mga taong hinirang ng Diyos, kung gayon ay walang pinagkaiba ang lider na ito kay Pablo, nakatapak na siya sa landas ng isang anticristo, at nailihis na ng anticristong ito ang mga hinirang ng Diyos, at talagang wala silang pagkakilala(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinisikap Nilang Kunin ang Loob ng mga Tao). Inilantad ng salita ng Diyos ang kasuklam-suklam kong mga layunin sa aking tungkulin. Nakita ko na hindi gumagawa si Janine ng tunay na gawain, pero hindi ko inilantad o hinimay ang problema niya, o agad siyang tinanggal. Hinayaan ko lang siya at binigyan ng mga pagkakataong magsisi. Pero hindi ito dahil sa isinasaalang-alang ko ang kahinaan niya o ginusto kong tulungan at suportahan siya, ang mga tunay na layunin ko ay ang ingatan ang impresyon sa akin ni Janine na mabuti akong lider at ang matamo ang pagpapahalaga niya. Naging magka-partner na kami sa mga tungkulin namin dati at laging maganda ang impresyon niya sa akin. Palagi niyang pinupuri sa harap ng iba kung gaano ako karesponsable sa gawain ng iglesia, at kung gaano ako kabuting lider. Kung ilalantad at tutukuyin ko ang mga problema niya at pupungusan siya, puwedeng masira ang relasyon namin at mawala ang magandang impresyon niya sa akin. Para protektahan ang impresyon ni Janine sa akin bilang isang mabuting lider, hindi ko inilantad ang mga problema niya, pinungusan siya, o sinuri ang mga kilos at asal niya, na nagbigay-daan sana sa kanyang malaman ang mga problema niya at maayos agad ang pag-uugali niya. Binigyan ko lang siya ng ilang salita ng pampalubag-loob at payo, hinikayat siyang mas dumalo sa mas maraming pagtitipon at sumubaybay sa gawain, at hindi ko na gaanong tinalakay ang mga bagay-bagay. Ilang beses akong sinabihan ng kapareha kong kapatid na tanggalin na si Janine alinsunod sa mga prinsipyo, pero nag-alala ako na mapasasama ko ang loob ni Janine kapag ginawa ko ito, at hindi na siya magkakaroon ng magandang impresyon sa akin, kaya ipinagpaliban ko ang pagtatanggal sa kanya. Inilalantad ng Diyos na ang mga anticristo ay gumagawa at nagsasalita para sa kapakanan ng pangalan at katayuan nila, na kapag nakikita nila ang iba na lumalabag sa mga prinsipyo ng kanilang mga tungkulin, hindi nila tinutukoy ito sa kanila o pinupungusan sila. Ang layon nila ay magkaroon ng puwang sa puso ng mga tao, makamit ang pagpapahalaga ng iba, at dalhin ang mga tao sa harap nila. Ganoon lang talaga ako dati. Para protektahan ang impresyon ng iba sa akin, binalewala ko ang gawain ng iglesia, at nang may nakita akong isang huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain, hindi ko siya inilantad, pinungusan, o tinanggal. Ginawa ko ito para magkaroon ng puwang sa puso ng mga tao at para isipin ng lahat na mahabagin, pasensyoso, at mabuti akong lider. Hindi ko natutulungan o napabubuti ang aking mga kapatid sa paggawa ko ng aking tungkulin sa ganitong paraan, at hindi nito maipauunawa sa kanila ang katotohanan o madadala sila sa harap ng Diyos. Sa halip, ito ay magpapahanga at magpapasamba sa kanila sa akin. Sa ganito, inililihis ko ang mga tao at hinahalina sila, tinatahak ang landas ng isang anticristo. Naisip ko ang mga anticristo sa iglesia, na isa-isang inilantad at itiniwalag. Kung nagpatuloy ako gaya nito nang hindi nagsisisi o nagbabago, patatalsikin at ititiwalag din ako tulad nila. Nang maunawaan ko ito, nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanyang gabayan akong magnilayan ang sarili ko.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag may nangyayari sa iyo, namumuhay ka ayon sa mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, at hindi mo isinasagawa ang katotohanan. Palagi kang natatakot na masaktan ang kalooban ng iba, pero hindi ka natatakot na magkasala sa Diyos, at isasakripisyo mo pa ang mga interes ng sambahayan ng Diyos upang protektahan ang iyong mga ugnayan sa mga tao. Ano ang mga kahihinatnan ng pagkilos sa ganitong paraan? Mapoprotektahan mo nga nang mabuti ang iyong mga ugnayan sa mga tao, ngunit magkakasala ka naman sa Diyos, at itataboy ka Niya, at magagalit Siya sa iyo. Alin ang mas mabuti sa panimbang? Kung hindi mo masabi kung alin, naguguluhan ka nang husto; pinatutunayan nito na wala ka ni katiting na pagkaunawa sa katotohanan. Kung magpapatuloy ka nang ganyan nang hindi kailanman natatauhan, at kung hindi mo talaga makakamit ang katotohanan sa huli, ikaw ang siyang dadanas ng kawalan. Kung hindi mo hahanapin ang katotohanan sa bagay na ito, at mabigo ka, magagawa mo bang hanapin ang katotohanan sa hinaharap? Kung hindi mo pa rin magagawa, hindi na ito magiging usapin ng pagdanas ng kawalan—matitiwalag ka na sa huli. Kung taglay mo ang mga motibasyon at pananaw ng isang mapagpalugod ng mga tao, kung gayon, sa lahat ng bagay, hindi mo makakayang isagawa ang katotohanan at sumunod sa prinsipyo, at lagi kang mabibigo at matutumba. Kung hindi ka mapupukaw at hindi mo hahanapin ang katotohanan kailanman, isa kang hindi mananampalataya, at hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan at ang buhay. Ano, kung gayon, ang dapat mong gawin? Kapag naharap ka sa ganitong mga bagay, dapat kang manalangin sa Diyos at tumawag sa Kanya, magmakaawa para sa kaligtasan, at hilingin na bigyan ka Niya ng higit pang pananampalataya at lakas, na bigyan ka ng kakayahang sumunod sa mga prinsipyo, magawa ang dapat mong gawin, mapangasiwaan ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo, matatag na manindigan sa posisyong kinatatayuan mo, protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at pigilan ang anumang pinsala na dumating sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Kung kaya mong maghimagsik laban sa sarili mong mga interes, dangal, at kinatatayuan ng isang mapagpalugod ng mga tao, at kung ginagawa mo ang dapat mong gawin nang tapat at buong puso, kung gayon, matatalo mo na si Satanas at matatamo ang aspektong ito ng katotohanan. Kung lagi kang nagpupumilit na mamuhay ayon sa pilosopiya ni Satanas, na pinoprotektahan ang mga relasyon mo sa iba, hindi kailanman isinasagawa ang katotohanan, at hindi naglalakas-loob na sumunod sa mga prinsipyo, magagawa mo bang isagawa ang katotohanan sa iba pang mga bagay? Wala ka pa ring pananampalataya o lakas. Kung hindi mo nagagawa kahit kailan na hanapin o tanggapin ang katotohanan, tutulutan ka ba ng gayong pananampalataya sa Diyos na matamo ang katotohanan? (Hindi.) At kung hindi mo matamo ang katotohanan, maaari ka bang maligtas? Hindi maaari. Kung lagi kang namumuhay ayon sa pilosopiya ni Satanas, lubos na walang katotohanang realidad, hindi ka maliligtas kailanman. Dapat maging malinaw sa iyo na ang pagtatamo ng katotohanan ay isang kinakailangang kondisyon para sa kaligtasan. Kung gayon, paano mo matatamo ang katotohanan? Kung naisasagawa mo ang katotohanan, kung nakakapamuhay ka ayon sa katotohanan, at ang katotohanan ang nagiging batayan ng iyong buhay, makakamit mo ang katotohanan at magkakaroon ka ng buhay, at sa gayon ay magiging isa ka sa mga maliligtas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na ang pangunahing dahilan kung bakit palagi kong iniingatan ang katayuan, imahe, at mga relasyon ko, at binabalewala ang gawain ng iglesia ay dahil lubha akong naimpluwensyahan ng mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo ng mga mapagpalugod ng mga tao. Naimpluwensyahan ako ng mga satanikong pilosopiya gaya ng “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan,” at “Panatilihin ang magandang ugnayan sa mga hindi mo maiiwasan.” Akala ko, para magustuhan at hangaan ka ng iba, kailangan mong maging mahinhin at mabait, at hindi ka kailanman dapat magsungit sa mga tao, na kapag nakita mo ang mga problema ng iba, ayos lang na hindi pansinin ang mga ito, na hindi ka dapat maging sobrang mahigpit, at sa ganitong paraan, magugustahan ka ng lahat. Namuhay ako ayon sa mga ideyang ito na mapagpalugod ng tao at nang makita ko na hindi gumagawa si Janine ng tunay na gawain, hindi ko siya inilantad, pinungusan, o tinanggal. Pinrotektahan ko ang aking katayuan at imahe pero dahil hindi ko inilantad ang mga problema ni Janine o tinanggal siya kaagad, naantala ang gawain ng iglesia. Inuna ko ang reputasyon, katayuan, at relasyon ko kaysa tungkulin ko at para protektahan ang imahe at katayuan ko, hindi ko isinaalang-alang ang gawain ng iglesia. Talagang makasarili at kasuklam-suklam ako. Ang pamumuhay ayon sa mga ideyang ito ng mga mapagpalugod ng mga tao ay ginawa akong lalong mapandaya at mapanlinlang at walang anumang wangis ng tao. Sinasabi ng mga salita ng Diyos na: “Ang mga taong walang kinikilingan sa mga usapin ang mga pinakatusong tao sa lahat. Wala silang sinasalungat, mahusay at matatas sila, sa lahat ng sitwasyon ay magaling silang magkunwari na nakikiayon sila, at walang nakakakita sa kanilang mga pagkakamali. Para silang mga buhay na Satanas!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Maiwawaksi ng Isang Tao ang mga Gapos ng Isang Tiwaling Disposisyon). Kinamumuhian at kinasusuklaman ng Diyos ang mga mapagpalugod ng mga tao. Hindi kailanman makakamit ng isang tao ang katotohanan o kaligtasan sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa mga ideyang mapagpalugod ng mga tao. Talagang natakot ako nang mapagtanto ko ito. Nalaman kong nasalangang ko ang Diyos at kung hindi ko aayusin ang kalagayang ito at tunay na magsisisi, aabandonahin at ititiwalag ako ng Diyos sa huli. Tinukoy rin sa akin ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa, na kapag nais kong protektahan ang pangalan at katayuan ko, dapat akong higit na manalangin sa Diyos, hilingin sa Kanyang bigyan ako ng lakas para makapagsagawa ako ang katotohanan, kumilos nang may mga prinsipyo at matutuhang gawin ang tungkulin ko nang may pusong matapat. Hindi lang ito kapaki-pakinabang sa buhay pagpasok ng mga kapatid, kundi pati na rin sa gawain ng iglesia. Nanalangin ako sa Diyos na isasagawa ko ang katotohanan, kikilos nang may mga prinsipyo, at poprotektahan ang mga interes ng iglesia.

Pagkatapos niyon ay nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Alamin palagi ang sitwasyon ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ng mga tauhan na responsable sa iba’t ibang mahalagang trabaho, at agad na baguhin ang kanilang mga tungkulin o tanggalin sila kung kinakailangan, upang maiwasan o mabawasan ang mga kawalan na dulot ng paggamit sa mga taong hindi angkop, at matiyak ang kahusayan at maayos na pag-usad ng gawain(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 1). “Dapat magkaroon ng malinaw na pagkaunawa ang mga lider at manggagawa sa mga superbisor ng iba’t ibang gawain at sa mga tauhan na responsable sa iba’t ibang mahahalagang trabaho. Saklaw ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa na arukin ang mga kalagayan ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ng mga tauhan na responsable sa iba’t ibang mahahalagang trabaho. Kung gayon, sino ang mga tauhang ito? Pangunahin dito ang mga lider ng iglesia, kasunod ang mga superbisor ng mga pangkat, at ang mga lider ng iba’t ibang grupo. Hindi ba’t kritikal at napakahalaga na maunawaan at arukin ang mga kalagayan tulad ng kung ang mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ang mga tauhan na responsable sa iba’t ibang mahalagang trabaho ay nagtataglay ng katotohanang realidad, kumikilos nang may prinsipyo, at nagagawa nang maayos ang gawain ng iglesia? Kung lubusang naaarok ng mga lider at manggagawa ang kalagayan ng mga pangunahing superbisor ng iba’t ibang gawain, at kung gumagawa sila ng naaangkop na mga pagsasaayos sa mga tauhan, katumbas ito ng pagsusubaybay nila sa bawat aytem ng gawain, at katumbas ito ng pagtupad nila sa kanilang mga responsabilidad at tungkulin. Kung hindi nagagawa ang mga tamang pagsasaayos sa mga tauhang ito at lumitaw ang isang problema, lubhang maaapektuhan ang gawain ng iglesia. Kung ang mga tauhang ito ay may mabuting pagkatao, may pundasyon sa kanilang pananampalataya sa Diyos, responsable sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay, at nagagawa nilang hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problema, mas mapapadali ang mga bagay-bagay kapag sila ang pinamahala sa gawain, at ang pinakamahalaga ay na makakausad nang maayos ang gawain. Pero kung ang mga superbisor ng iba’t ibang grupo ay hindi maaasahan, may masamang pagkatao at hindi maganda ang asal, at hindi isinasagawa ang katotohanan, at, bukod pa riyan, aruking na magsanhi ng mga pagkagambala at kaguluhan, magkakaroon ito ng epekto sa gawain na kanilang pananagutan at sa buhay pagpasok ng mga kapatid na kanilang pinamumunuan. Siyempre pa, ang epektong iyon ay maaaring malaki o maliit. Kung pabaya lamang ang mga superbisor sa kanilang mga tungkulin at hindi inaasikaso ang kanilang nararapat na gawain, aruking na magsanhi lamang ito ng ilang pagkaantala sa gawain; medyo babagal ang pag-usad, at hindi masyadong episyente ang gawain. Gayunman, kung sila ay mga anticristo, magiging malubha ang problema: Hindi ito magiging isyu ng pagiging hindi mas episyente at hindi pagiging epektibo ng gawain—gagambalain at pipinsalain nila ang gawain ng iglesia na pananagutan nila, na nagdudulot ng malalang pinsala. Kaya nga, ang pagkaalam sa mga kalagayan ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ng mga tauhang responsable sa iba’t ibang mahalagang gawain, at ang maagap na paglilipat at pagtatanggal kapag nakita nilang hindi gumagawa ng aktuwal na gawain ang isang tao ay hindi isang obligasyon na maaaring iwasan ng mga lider at manggagawa—ito ay gawaing lubhang seryoso at mahalaga. Kung agad na malalaman ng mga lider at manggagawa ang katangian ng mga superbisor sa iba’t ibang gawain at ng mga tauhang responsable sa iba’t ibang mahalagang gawain, at ang saloobin ng mga ito sa katotohanan at sa kanilang mga tungkulin, gayundin ang mga kalagayan at pagganap ng mga ito sa bawat panahon at bawat yugto, at agad nilang maiaakma o mapapangasiwaan ang mga taong iyon ayon sa sitwasyon, maaaring tuluy-tuloy na umusad ang gawain. Sa kabaligtaran naman, kung walang pakundangan na gagawa ng masasamang bagay ang mga taong iyon at hindi sila gumagawa ng tunay na gawain sa iglesia, at ang mga lider at manggagawa ay hindi ito maagap na natukoy at hindi agad naglipat ng mga tao, bagkus ay naghintay sila na lumitaw ang lahat ng uri ng mabibigat na problema, na nagdudulot ng malalaking kawalan sa gawain ng iglesia, bago kaswal na subukang pangasiwaan ang mga ito, magsagawa ng mga paglilipat, at itama at isalba ang sitwasyon, kung gayon, basura ang mga lider at manggagawa na iyon. Sila ay tunay na mga huwad na lider na dapat tanggalin at itiwalag(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 3). Mula sa mga salita ng Diyos ay naunawaan ko na obligado ang isang lider na agad na tingnan ang katayuan ng mga superbisor iba’t ibang proyekto at ng tauhan na responsable para sa mahahalagang gawain at agad na alisin o ilipat ang sinumang matuklasan nilang hindi angkop para matiyak ang matagumpay na pagsulong ng mga proyekto ng iglesia. Kapag natuklasan niya na ang isang superbisor, lider, o manggagawa ay hindi gumagawa ng tunay na gawain, na naaapektuhan at naaantala ang gawain ng iglesia, kailangan niyang makipagbahaginan agad sa kanila, at kung hindi sila magbabago at kung hindi man lang sila nararapat na magserbisyo, kailangan silang agad na ilipat o tanggalin. Makikinabang dito ang gawain ng iglesia. Panatilihin iyong mga angkop na gamitin at tanggalin iyong mga hindi, bahaginan at tulungan ang mga nangangailangan nito, pungusan ang mga kailangang pungusan, at alagaan ang mga naghahangad sa katotohanan. Matagal nang naging pabasta-basta, walang pasanin, at iresponsable si Janine sa kanyang tungkulin. Maraming beses nang nagbahagi ang mga lider sa kanya, pero hindi siya kailanman nagbago. Seryoso nitong naaapektuhan ang gawain ng iglesia. Isa talaga siyang huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain at kailangan na siyang tanggalin agad-agad, samantalang kailangang alagaan ang isang responsableng tao na may mabuting pagkatao. Makikinabang dito ang gawain ng iglesia at bibigyan-daan nito ang gawain ng ebanghelyo na sumulong nang maayos. Sa kaisipang ito, naging ganap na malinaw at maliwanag ang puso ko, at nangako ako sa Diyos: “Kapag naharap muli ako sa ganitong klaseng problema, magsasagawa ako ayon sa mga prinsipyo at tutuparin ko ang aking mga responsabilidad.” Hiniling ko rin sa Diyos na gabayan ako sa pagsasagawa ng katotohanan.

Kalaunan, iniisa-isa ko kay Janine ang mga problema niya, inilalantad siya bilang isang huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain. Nakita kong galit na galit siya, at hindi ako nangahas na magsalita pa. Naisip ko: “Kung lalo ko pang ilalantad ang mga problema niya, matitigil ang aming relasyon at masisira ang magandang impresyon niya sa akin.” Pagkatapos ay napagtanto ko na bumabalik ako sa mga dati kong gawi, kaya nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, gusto kong isagawa ang katotohanan, isakatuparan ang aking tungkulin, ibahagi ang dapat kong ibahagi, at ihinto ang pag-aalala sa imaheng mayroon ang iba sa akin. Pakiusap, bigyan Mo ako ng lakas na mapagtagumpayan ang mga hadlang ng aking tiwaling disposisyon.” Pagkatapos manalangin, nagpatuloy akong magbahagi kay Janine, isa-isang binabanggit ang mga problema niya at inilalantad ang kawalan niya ng tunay na gawain. Kahit na hindi siya masaya noong oras na iyon, sa huli ay sinabi niyang kung wala ang paglalantad at pagpuna ko, hindi niya sana nakita ang mga problema niya. Inamin niya ang lalim ng kanyang katiwalian at sinabing gusto niyang magbago, at na tatanggapin niya paano man siya gustong pangasiwaan ng iglesia. Pinasalamatan ko ang Diyos nang marinig kong sabihin ito ni Janine. Sa pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos, hindi nasira ang mga relasyon ko gaya ng inakala ko, at nakadama ako ng malaking kapayapaan at ginhawa. Pagkatapos tanggalin si Janine, humirang kami ng isa pang kapatid para pangasiwaan ang gawain ng ebanghelyo. Pinasan niya talaga ang kanyang tungkulin at pinangunahan ang iba sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kalaunan, nagsimulang umusad ang gawain ng ebanghelyo.

Dahil sa karanasang ito, napagtanto ko na ang pagtitiwala sa satanikong disposisyon para gawin ang iyong tungkulin ay hindi lang makasasama sa iyo, makaaapekto rin ito sa gawain ng iglesia. Tanging ang paggawa sa tungkulin mo nang alinsunod sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo ang umaayon sa mga layunin ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagbangon sa Harap ng Kabiguan

Ni Fenqi, South KoreaBago ako naniwala sa Diyos, pinaaral ako ng Partido Komunista ng Tsina, at wala akong inisip kundi ang kung paano...

Walang Hanggang Pagdurusa

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Lahat ng kaluluwang ginawang tiwali ni Satanas ay nasa ilalim ng kontrol ng nasasakupan ni Satanas....