Makakamit ba ng mga Nagpapalugod ng mga Tao ang Papuri ng Diyos?

Pebrero 28, 2021

Ni Liu Yi, Tsina

Bago ako naging mananampalataya, lagi akong nag-iingat na hindi makasakit ng damdamin ng ibang tao, at nakakasundo ko ang sinuman. Tumutulong ako tuwing may nakikita akong sinumang nahihirapan, kaya naramdaman kong may mabuting pagkatao ako, at na ako ay isang mabuting tao. Nang maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay saka ko lamang napagtanto na pinangangalagaan ko lamang ang ugnayan ko sa iba at wala akong pagkaunawa sa katarungan. Hindi ko kailanman napanindigan ang mga prinsipyo ng katotohanan o napangalagaan ang mga kapakanan ng sambahayan ng Diyos tuwing ito’y kailangang-kailangan. Nakita kong ako’y isang makasarili at mapanlinlang na nagpapulugod ng mga tao na kasuklam-suklam sa Diyos. Puno ng pagsisisi at namumuhi sa sarili, sinimulan kong magtuon sa pagsasagawa ng katotohanan, at saka ako nagsimulang magbago.

Dati akong gumagawa kasama si Sister Li noong ako’y namumuno sa pangkat ng mga tagapagdilig ng iglesia. Kalaunan, napansin ko na hindi siya nagsusunong ng pasanin sa kanyang tungkulin at hindi masikap sa anumang ginagawa niya. Halos hindi niya tinutulungan ang mga kapatid na lutasin ang mga suliranin ng mga ito at napagpapalit-palit pa niya kung minsan ang mga oras para sa mga pagtitipon. Ninais kong tawagin ang kanyang pansin sa mga bagay na ito, ngunit naisip ko kung gaano katagal nang hindi niya nagagampanan ang gayong tungkulin, kaya’t kapag may sinabi akong anuman, baka isipin niyang labis na marami akong hinihingi at napakahigpit ko. Napakaganda ng pagkakilala niya sa akin, kaya’t magbabago ba ang kanyang palagay sa akin kapag binanggit ko ang mga bagay na ito? Nagpasya akong sarilinang magbahagi sa kanya noong gabing iyon upang hindi siya mapahiya. Habang nagbabahagian kami, hindi ko ipinagbigay-alam ang katotohanan upang lutasin ang kanyang mga suliranin, bagkus ay maingat siyang pinayuhan, “Hindi ka gaanong naging mabisa sa iyong tungkulin kamakailan. Napagnilayan mo na ba ito? Kung nabubuhay ka sa isang maling kalagayan na hindi naiwawasto, hindi lamang sa hindi mo mahusay na magagampanan ang iyong tungkulin, kundi maaari rin itong makahadlang sa paraan ng iyong pagpasok sa buhay.” Sa katunayan, alam kong pabaya siya at mapagwalang-bahala sa kanyang tungkulin at dapat akong makapagbahagi ng katotohanan sa kanya upang mahimay ang kalikasan ng suliranin, na dapat ko siyang harapin at ilantad upang maunawaan niya ang kanyang mga problema. Ngunit kung labis na tapatan akong magsasalita at hindi niya ito matanggap, nag-aalala akong masisira nito ang aming ugnayan at maaaring kamuhian niya ako. Kaya matiyaga na lamang akong nagbahagi sa kanya.

Kalaunan ay nakita kong nakikipagkumpitensya talaga si Sister Li sa kanyang tungkulin at laging sumusubok na maungusan ang iba. Nababaon siya sa pagiging negatibo kapag hindi niya nakakamit ang paghanga ng ibang tao. May ilang ulit din akong nakipagbahagian sa kanya nang sarilinan at tila tinanggap naman niya ito nang mabuti, ngunit walang anumang nagbago. Naisip kong iulat ang sitwasyon sa mga pinuno, ngunit natakot ako na magiging pagsaksak iyon ng patalim sa likod ni Sister Li. Paano kami magkakasundo pagkatapos nito kung masaktan ko ang kanyang damdamin? Matagal na kaming magkakilala, at naramdaman ko na may mga pakinabang na nakikilala namin nang husto ang isa’t isa. Naisip kong patuloy kong susubukang tulungan siya, at kung magpapatuloy siya sa kanyang gawi, magkakaroon pa rin ako ng panahon na kausapin ang mga pinuno.

Patuloy na pumapalya si Sister Li sa pagganap ng kanyang tungkulin at hindi niya nagawang lutasin ang mga suliranin ng mga kapatid. Minsan sa isang pagpupulong, habang sinusubukang lutasin ang mga suliranin ng mga bagong mananampalataya, nagbahagi siya nang wala sa lugar. Magkakasama naming itong inayos, ngunit pagkaraan nito’y muli niyang ginawa ang maling pagbabahaging iyon nang hinarap niya ang gayon ding uri ng suliranin. Hindi lamang siya nabigong lutasin ang mga suliranin ng mga bagong mananampalataya, iniligaw pa niya ang mga ito. Talagang sinisi ko ang aking sarili nang mapag-alaman ko ito at ibig kong ilantad si Sister Li na gumagawa sa kanyang tungkulin sa isang nakakasirang paraan, ngunit nahirapan akong magsalita nang nakita ko siya. Pinagtakpan ko na lamang ito, sinasabing nagbahagi siya nang hindi wasto sa mga kapatid. Malabo ako at nagpaligoy-ligoy, natatakot na sumama ang kanyang loob at mapaisip siya nang masama tungkol sa akin kung labis ko siyang iwawasto. Dahil dito, hindi siya nagtamo ng anumang pagkaunawa sa kanyang sarili. Nakita kong wala siyang mabuting pagkaunawa sa mga bagay-bagay at hindi siya angkop sa tungkulin ng pagdidilig, kaya alinsunod sa mga prinsipyo, dapat ay inilipat siya sa ibang tungkulin at dapat ay iniulat ko ito kaagad sa mga pinuno. Ngunit nagbago ako ng isip, natatakot na masaktan ang kanyang damdamin at maging magkaaway kami sa halip na magkaibigan pagkaraan ng mahabang panahong ng magkasamang paggawa. Sa huli, hindi ko pinanindigan ang mga prinsipyo ng katotohanan at ipinagpaliban ko ang pag-uulat sa kanya sa mga pinuno. Humantong ako sa isang masamang kalagayan dahil hindi ko isinagawa ang katotohanan at naging bulag ako sa mga suliranin sa aking gawain. Nasanay ako sa paggawa ni Sister Li at nasisiyahan hangga’t paimbabaw kaming nagkakasundo. Hindi ko inisip ang tungkol sa pagtataguyod sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at hindi ko sinabi sa mga pinuno ang tungkol sa talagang nangyayari.

Hanggang isang araw, nalaman ni Sister Li na minamatyagan siya ng mga espiya ng mga pulis ng Partido Komunista ng China, at kung magpapatuloy siya sa pagganap sa kanyang tungkulin, maaaring madamay sa kanya ang ibang mga kapatid. Kinabahan ako nang marinig ko ang balitang ito. Dahil alam ko na ito ay isa talagang seryosong usapin, sa wakas ay ibinahagi ko sa mga pinuno ang kanyang kalagayan. Sumulat sa akin ang mga pinuno ng isang mahigpit na tugon: “Pabaya si Sister Li sa kanyang tungkulin at ligaw ang kanyang pag-unawa. Matagal na itong nakagagambala, ngunit hindi mo ito iniulat sa loob ng mahabang panahon. Ikaw ay tumatahak lamang sa gitnang daan, at sumusunod sa mga prinsipyo ng isang nagpapalugod ng mga tao. Naantala at napinsala nito ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Kailangan mo talagang magnilay at kilalanin ang iyong sarili.” Naglakip din sila ng isang sipi mula sa isang sermon mula sa Itaas: “Nabibigong gamitin ng mga nagpapalugod ng mga tao ang kanilang kakayahang kumilala. Alam na alam nila ang mga prinsipyo ng katotohanan, ngunit hindi nila pinaninindigan ang mga ito. Sa anumang bagay na may epekto sa kanilang mga pansariling kapakinabangan, isinasaisantabi pa nila ang mga prinsipyo ng katotohanan, pinangangalagaan lamang ang pansarili nilang pakinabang. Kapag nakikita ng isang nagpapalugod ng mga tao ang isang masamang tao na gumagawa ng masasamang gawa, alam nila na ang masasamang gawang ito’y gumagambala sa gawain ng sambahayan ng Diyos at umaabala sa buhay ng iglesia, ngunit hindi sila nagsasabi ng isang salita sa pangambang masaktan ang damdamin ng mga ito. Hindi nila inilalantad o iniuulat ang mga ito. Ganap na kulang sila ng anumang diwa ng katarungan o pananagutan. Hindi angkop na gumanap sa anumang tungkulin sa iglesia ang mga ganitong tao—mga wala silang silbi. Mistulang tapat ang mga nagpapalugod ng mga tao at iniisip ng iba na sila’y mabubuting tao na may mabuting pagkatao, at pinagyayaman pa nga sila ng ilang pinuno at manggagawa. Ito’y malaking kahangalan. Huwag subukang pagyamanin kailanman ang isang nagpapalugod ng mga tao, dahil wala silang matutupad na anuman. Talagang hindi sila nagmamahal sa katotohanan o tumatanggap sa katotohanan, lalo nang hindi nila isinasagawa ang katotohanan. Ito ang dahilan kung bakit kinamumuhian ng Diyos nang higit sa lahat ang mga nagpapalugod ng mga tao. Kung hindi totoong magsisisi ang mga ganitong tao, sila’y matatanggal” (Isang Kolekyon ng mga Pagsasaayos ng Gawain ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos). Napakahirap para sa akin ang malupit na matabasan at maiwasto ng mga pinuno, lalo na nang makita ko ang mga salitang “nagpapalugod ng mga tao.” Hindi ko mapigilan ang aking luha: Paano ako naging nagpapalugod ng mga tao? Kinamumuhian ng Diyos ang mga nagpapalugod ng mga tao. Wala silang silbi, at tatanggalin. Lubos na sumama ang loob ko at hindi magawang kilalanin ang katunayan na ako’y isang nagpapalugod ng mga tao, bagama’t talagang ginawa ko ang mismong ginagawa ng mga nagpapalugod ng mga tao. Habang lumuluha, sinabi ko ang panalanging ito sa Diyos: “O Diyos, ginambala ko ang gawain ng sambahayan ng Diyos sa hindi pagsasagawa sa katotohanan. Nakagawa ako ng masama, at tama na iwinasto ako ng mga pinuno. Ngunit wala pa rin akong malalim na pagkaunawa sa aking sarili. Pakiusap, liwanagan Mo po ako at patnubayang makilala ko ang aking sarili.”

Pagkaraang manalangin, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Palaging ipinagyayabang ng ilang tao na nagtataglay sila ng mabuting pagkatao, sinasabing hindi sila kailanman nakagawa ng anumang masama, nakapagnakaw ng mga pag-aari ng iba, o nakapaghangad ng mga pag-aari ng ibang tao. Umaabot pa sila sa puntong pinahihintulutan nila ang iba na makinabang sa kanilang sariling kapinsalaan kapag mayroong pagtatalo sa mga interes, pinipiling dumanas ng pagkatalo, at hindi sila nagsasabi ng anumang masama tungkol sa sinuman para lamang isipin ng lahat na mabubuti silang tao. Gayunpaman, kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa bahay ng Diyos, tuso at madaya sila, palaging nagbabalak para sa kanilang sarili. Hindi nila kailanman iniisip ang kapakanan ng bahay ng Diyos, hindi nila kailanman tinatrato na madalian ang mga bagay na tinatrato ng Diyos na madalian o nag-iisip gaya ng pag-iisip ng Diyos, at hindi nila kailanman kayang isantabi ang mga sarili nilang kapakanan upang magampanan ang kanilang mga tungkulin. Hindi nila kailanman tinalikdan ang sarili nilang kapakanan. Kahit na nakikita nilang gumagawa ng kasamaan ang masasamang tao, hindi nila inilalantad ang mga ito; wala silang mga prinsipyo o kung anuman. Hindi ito isang halimbawa ng mabuting pagkatao. Huwag ninyong pansinin ang sinasabi ng gayong tao; kailangan ninyong makita ang kanyang ipinamumuhay, ang kanyang ipinapakita, at ang kanyang saloobin kapag ginagampanan niya ang kanyang mga tungkulin, pati na ang kalagayang panloob niya at ang kanyang minamahal. Kung ang pagmamahal niya sa kanyang sariling katanyagan at kapalaran ay nakahihigit sa kanyang katapatan sa Diyos, kung ang pagmamahal niya sa kanyang sariling katanyagan at kapalaran ay nakahihigit sa mga interes ng Diyos, o kung ang kanyang pagmamahal sa sarili niyang katanyagan at kapalaran ay nakahihigit sa konsiderasyong ipinapakita niya para sa Diyos, hindi siya isang taong may pagkatao. Nakikita ng iba at ng Diyos ang kanyang paggawi; samakatuwid, napakahirap para sa gayong tao na matamo ang katotohanan(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Maraming tao ang naniniwala na ang pagiging mabuting tao ay talagang madali, at kailangan lang dito na bawasan ang pagsasalita at dagdagan ang paggawa, magkaroon ng mabuting puso, at huwag maghangad ng masama. Naniniwala sila na titiyakin nito na uunlad sila saanman sila pumunta, na magugustuhan sila ng mga tao, at na sapat na ang maging gayong klaseng tao. Ni ayaw na nga nilang hangarin ang katotohanan; nasisiyahan na sila sa pagiging mabuting tao. Iniisip nila na ang paghahangad ng katotohanan at paglilingkod sa Diyos ay napaka-kumplikado; iniisip nila na kailangan dito ang pag-unawa sa maraming katotohanan, at sino ang makagagawa niyon? Nais lang nilang tumahak sa mas madaling landas—maging mabubuting tao at gampanan ang kanilang mga tungkulin—at iniisip nila na sapat na iyon. Makatwiran ba ang posisyong ito? Talaga bang napakadaling maging mabuting tao? Makakakita kayo ng maraming mabubuting tao sa lipunan na napakatayog magsalita, at kahit sa tingin ay tila wala silang nagawang anumang malaking kasamaan, sa kanilang kalooban sila ay mapanlinlang at tuso. Nakikita nila lalo na kung ano ang direksyon ng ihip ng hangin, at suwabe at makamundo silang magsalita. Sa tingin Ko, ang gayong ‘mabuting tao’ ay isang huwad, isang ipokrito; ang gayong tao ay nagkukunwari lamang na mabuti. Lahat ng nananatili sa isang masayang kalagayan ang pinakamasama. Sinisikap nilang huwag saktan ang damdamin ninuman, pinapasaya nila ang mga tao, sumasabay sila sa agos, at walang makaunawa sa kanila. Ang gayong tao ay isang buhay na Satanas!(“Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Naiwawaksi Mo ang Mga Tali ng Isang Tiwaling Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Tamang-tama sa akin ang lahat ng nasa mga salita ng Diyos, at ako’y lubos na nakumbinsi. Nakita ko na ako’y isang nagpapalugod ng mga tao, lubus-lubusan na isang “mabait na tao.” Labis-labis ang aking pag-iingat sa aking gawain kasama si Sister Li upang mapangalagaan ang aming ugnayan. Nang makita kong hindi niya pinapasan ang kanyang tungkulin at laging nakagagawa ng mga pagkakamali, na lagi siyang nakikipag-kumpitensya para sa pagkilala at pakinabang at nakakaapekto sa gawain ng sambahayan ng Diyos, dapat ay nagbahagi ako sa kanya at agad na tinukoy ang mga ito. Ngunit dahil sa takot na masaktan ko ang kanyang damdamin, pinagtakpan ko na lamang ang usapin sa kanya. Hindi ito nakatulong o pagmamahal sa kanya—nakasama ito. Alam kong lihis ang kanyang pagkaunawa at hindi siya naaangkop na gumawa sa tungkulin ng pagdidilig, ngunit ayaw kong masaktan ang kanyang damdamin at mag-isip siya ng masama tungkol sa akin, kaya ipinagpaliban ko ang pag-uulat nito sa mga pinuno. Hinayaan ko ang isang pabayang tao na may baluktot at maling pagkaunawa na gumanap sa tungkulin ng pagdidilig at makasagabal sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Naging isa ako sa mga kampon ni Satanas at lubhang ginambala ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa aking pananampalataya, paimbabaw kong iniwan ang aking pamilya at karera, gumawa araw at gabi at nagbayad ng halaga, ngunit nang lumitaw ang mga usapin, gumawa lang ako ng mga pakana para sa mga sariling kapakinabangan at hinding-hindi pinangalagaan ang mga kapakinabangan ng sambahayan ng Diyos. Naniwala ako sa Diyos, ngunit hindi ako kaisa ng puso at isip Niya. Paano ko matatawag ang aking sarili na isang mananampalataya? Hindi ako karapat-dapat na mabuhay sa harap ng Diyos! Ako’y balot ng pagdurusa dahil sa naiisip na ito at puno ng pagsisisi na hindi ko pinanindigan ang mga prinsipyo ng katotohanan o pinangalagaan ang mga kapakanan ng tahanan ng Diyos.

Pagkaraan ay nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at impluwensiya ng mga pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang kanilang mga malademonyong salita ay naging buhay kalikasan na ng tao. Ang ‘Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’ ay isang sikat na satanikong kasabihan na naikintal na sa lahat at iyan ay naging buhay na ng tao. May iba pang salita ng pilosopiya para sa pamumuhay na katulad rin nito. Ginagamit ni Satanas ang mainam na tradisyunal na kultura ng bawa’t bayan para turuan ang mga tao, nagsasanhi sa sangkatauhan na mahulog at masadlak sa isang walang-hanggang bangin ng pagkawasak, at sa huli ay winawasak ng Diyos ang tao dahil naglilingkod sila kay Satanas at nilalabanan ang Diyos. Isipin na kunwari’y itinatanong mo ito sa isang tao na maraming taon nang aktibo sa lipunan, ‘Ipagpalagay nang nabubuhay ka na sa mundo at napakarami mo nang nagawa, anong mga bantog na kasabihan ang batayan mo sa buhay?’ Maaaring sabihin niya, ‘Ang pinakamahalaga ay “Hindi gagalawin ng mga opisyal ang mga sipsip sa kanila, at ang mga hindi nambobola ay walang mapapala.”’ Hindi ba kumakatawan ang mga salitang ito sa kanyang likas na pagkatao? Naging kalikasan na niya ang walang-pakundangang paggamit ng anumang paraan para makakuha ng katungkulan, at ang pagiging opisyal ang nagbibigay-buhay sa kanya. Marami pa ring satanikong lason sa buhay ng mga tao, sa kanilang pag-uugali at asal; halos wala man lamang silang taglay na katotohanan. Halimbawa, ang mga pilosopiya nila sa pamumuhay, ang kanilang mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, at kanilang mga kasabihan ay pawang puno ng mga lason ng malaking pulang dragon, at lahat ng ito ay galing kay Satanas. Kaya, lahat ng dumadaloy sa mga buto at dugo ng mga tao ay pawang kay Satanas. Lahat ng opisyal na iyon, na may kapangyarihan, at yaong mga nagtatagumpay ay may sarili nilang landas at lihim sa tagumpay. Hindi ba lubos na kumakatawan ang mga lihim na iyon sa kanilang likas na pagkatao? Napakalaki ng mga nagawa nila sa mundo, at walang sinumang nakakaaninag sa mga pakana at intrigang nasa likod ng mga iyon. Nagpapakita ito na lubhang masama at makamandag ang kanilang likas na pagkatao. Labis nang nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ang kamandag ni Satanas ay dumadaloy sa dugo ng bawat tao, at makikita na ang kalikasan ng tao ay tiwali, masama, at radikal, puno ng at lubos na nakalubog sa mga pilosopiya ni Satanas—ito, sa kabuuan nito, ay isang likas na pagkatao na nagtataksil sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nilalabanan at sinasalungat ng mga tao ang Diyos(“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa akin ng paghahayag ng mga salita ng Diyos na, bilang isang nagpapalugod ng mga tao, ako ay nalinlang at kinontrol ng mga pilosopiya ni Satanas, gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Ang isa pang kaibigan ay nangangahulugan ng isa pang landas,” “Nagdadala ng mga pakinabang ang isang pamilyar na mukha,” “Kapag alam mong may mali, tumahimik ka na lang,” at “Huwag kailanman sampalin sa mukha ang ibang tao o pagalitan sila sa kanilang pagkukulang.” Malalim na nakabaon sa akin ang mga mala-satanas na pilosopiyang ito at ang mga bagay na ito ang ipinamuhay ko. Lalo akong naging makasarili at tuso. Noong hindi pa ako nananampalataya sa Diyos, wala akong ginawang anuman na magpapasama ng loob ninuman. Sa negosyo, sinabi ko ang anumang ibig marinig ng mga tao at naramdaman ko na ang pamumuhay ayon sa mga mala-satanas na pilosopiyang iyon ay isang matalinong paraan ng pamumuhay, na magpapakita ng kakayanan ang pagkilos sa paraang iyon, at nagpakitang gilas pa nga ako. Pagkaraang maging mananampalataya, hindi ko isinagawa ang katotohanan, ngunit patuloy na nabubuhay sa mga lason ni Satanas. Nakita ko na si Sister Li ay nagpapakita ng katiwalian sa kanyang tungkulin, ngunit hindi ko ito tinukoy sa kanya sa aming pagbabahagian. Lalong hindi ko pinangahasang ilantad o himayin ang kanyang katiwalian, bagkus ay binanggit lamang ito sa kanya sa kaswal na paraan, labis na nangangambang masira ang aming ugnayan kapag sinabi ko ang katotohanan. Nang makita ko siyang ginagambala ang gawain ng sambahayan ng Diyos, hindi ko ito iniulat sa aming mga pinuno, bagkus ay inisip na ang pagbabahagi ng kalagayan sa mga pinuno ay pagsusumbong sa kanya, na pagsaksak sa kanyang likuran. Sadyang kakatwa ako! Ang pag-uulat ng isang suliranin ay pagtataguyod sa gawain ng tahanan ng Diyos—tama at marapat ito, at makatarungan ito. Mabibigyan din sana nito ng pagkakataon ang iglesia na ihanda si Sister Li na tanggapin ang tungkuling angkop sa kanyang kakayahan at katayuan. Makakabuti sana ito kapwa kay Sister Li at sa iglesia, ngunit inisip kong masamang bagay ito. Natanto ko ang malubhang kasiraang ginagawa sa mga tao ng mga mala-satanas na lason na ito. Nilinlang at ginawang tiwali ako ng mga ito hanggang naging baluktot ang aking pananaw sa mga bagay-bagay at hindi ko na alam ang tama at mali, ang itaas at ibaba. Ako’y makasarili at kasuklam-suklam, at gumagawa lamang para sa sarili kong mga kapakinabangan. Ginawa ko ang mga bagay-bagay nang lubos na walang prinsipyo, walang paninindigan. Nagkulang ako sa diwa ng katarungan at namumuhay nang napakalayo sa wangis ng isang tunay na tao. Sa pagkakatanto nito, napuno ako ng pagkamuhi at pagkasuklam sa mga mala-satanas na pilosopiyang ito at sa sarili kong mga ideya ng pagpapalugod sa mga tao. Talagang kinamuhian ko ang aking paraan ng pagkilos at ayaw ko nang manatiling gayon, mula sa kaibuturan ng aking puso. Ayoko nang maituring na hangal at saktan pa ni Satanas. Naramdaman ko rin kung gaano kahalaga ang magsagawa ng katotohanan, kaya agad kong sinimulang hanapin ang katotohanan upang lutasin ang aking suliranin ng pagiging isang nagpapalugod ng mga tao.

Sa aking paghahanap, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Kailangang may pamantayan para sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao. Hindi kasama rito ang pagtahak sa landas ng pagtitimpi, hindi pagkapit sa mga prinsipyo, pagsisikap na huwag makasakit ng sinuman, pagsipsip kahit saan ka magpunta, pag-aayos at pagpapaganda para sa lahat ng iyong nakakasalubong, at pagpapagaan sa pakiramdam ng lahat. Hindi ito ang pamantayan. Ano kung gayon ang pamantayan? Kinabibilangan ito ng pagtrato sa Diyos, sa ibang tao, at sa mga pangyayari nang may isang tunay na puso, pagkakaroon ng kakayahang umako ng pananagutan, at paggawa ng lahat ng ito sa paraang maliwanag para makita at maramdaman ng lahat. Bukod doon, sinisiyasat ng Diyos ang mga puso ng mga tao at kinikilala sila bawat isa(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Tunay bang mabuting tao ang isang likas na oo-nang-oo? Anong uri ng tao ang tinitingnan ng Diyos bilang tunay na mabuting tao na nagtataglay ng katotohanan? Una sa lahat, kailangang maunawaan ang kalooban ng Diyos at maintindihan ang katotohanan. Ikalawa, kailangang maisagawa ang katotohanan, base sa pagkaunawa rito. … Ibig sabihin, sa sandaling natutuklasan ng taong ito na mayroon silang suliranin, nagagawa nilang lumapit sa Diyos upang lutasin ito, at nagagawang panatilihin ang isang normal na kaugnayan sa Kanya. Maaaring mahina at tiwali ang gayong tao, at mapaghimagsik rin, at maaaring ibunyag ang lahat ng uri ng tiwaling disposisyon gaya ng pagmamataas, pagmamagaling, kabuktutan, at panlilinlang. Gayunman, sa sandaling sinalamin nila ang kanilang sarili at nagkamalay sa mga bagay na ito, malulutas nila ang mga ito nang nasa oras at makapipihit pabalik. Isa itong taong nagmamahal sa katotohanan at isinasagawa ang katotohanan; ang gayong tao, sa paningin ng Diyos, ay mabuting tao(“Ang Pagkakaroon ng Wangis ng Tao ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtupad ng Iyong Tungkulin Gamit ang Iyong Buong Puso, Isip, at Kaluluwa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Pagkatapos ay naisip ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Sa iglesia, maging matatag kayo sa inyong patotoo sa Akin, panindigan ang katotohanan; ang tama ay tama at ang mali ay mali. Huwag malito sa kung alin ang itim at puti. Makikipagdigma kayo kay Satanas at dapat ninyong lubusang magapi ito upang sa gayon ay hindi na ito kailanman babangon. Dapat ninyong ibigay ang lahat ng mayroon kayo upang pangalagaan ang Aking patotoo. Ito ang magiging layunin ng inyong mga pagkilos—huwag kalimutan ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 41). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang isang totoong mabuting tao ay hindi nananatiling ganap na kasundo ng iba at hindi nagsasabi ng anumang makasasakit sa damdamin ng iba. Sa halip, ang isang mabuting tao ay matapat at matuwid, malinaw na nakikita ang kaibhan ng pag-ibig at pagkamuhi, at naisasantabi ang sarili nilang mga kapakanan kapag nasasangkot ang mga kapakinabangan ng sambahayan ng Diyos. Pinaninindigan nila ang mga prinsipyo ng katotohanan, hindi sila natatakot na masaktan ang damdamin ng ibang tao, at pinangangalagaan nila ang mga kapakinabangan ng sambahayan ng Diyos. Tanging ang ganyang uri ng tao ang may diwa ng katarungan, isang tao na kayang makamit ang papuri ng Diyos. Nang maunawaan ko ang mga hinihingi ng Diyos, nanalangin ako at nagpasya na mula roon, magsasagawa ako ng katotohanan at iingatan ang mga kapakinabangan ng sambahayan ng Diyos; magpapaalam na ako sa matandang nagpapalugod ng mga tao na taglay ko, at gagawing bago ang aking sarili.

Kalaunan ay sinuri ng mga pinuno ang usapin at kinumpirma na kailangang matanggal si Sister Li sa kanyang tungkulin, at hinilingan nila akong magbahagi sa kanya. Naisip ko, “Bakit ako? Kapag nalaman niyang ako ang nagsabi sa mga pinuno ng tungkol sa kanya at iyon ang dahilan kung bakit siya papalitan, tiyak na maghihinanakit siya sa akin at masisira ang aming ugnayan.” Habang naiisip ito, naalala ko ang pinsalang nagawa ko sa gawain ng sambahayan ng Diyos dahil sa kabiguan kong magsagawa ng katotohanan at alam kong kailangan kong tumigil sa pagiging nagpapalugod ng mga tao. Sinusubukan ako ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapabahagi kay Sister Li, upang makita kung makapagsasagawa ako ng katotohanan at makapagsasaayos ng mga bagay-bagay alinsunod sa mga prinsipyo. Panay ang panalangin ko sa Diyos habang patungo roon, humihingi ng Kanyang patnubay. Alam ko rin na kung hindi maging malinaw ang pagbabahagi ko kay Sister Li tungkol sa kanyang mga problema at hindi niya naunawaan ang mga iyon, hindi ito talaga makatutulong sa kanya, bagkus ay makasasakit pa sa kanya. Nang maisip ko ito, nagpasya akong hindi na muling magiging isang nagpapalugod ng mga tao. Kaya nagbahagi ako kay Sister Li at hinimay ang kalikasan at mga kahihinatnan ng kanyang kawalang-ingat sa kanyang tungkulin, at inilahad kong lahat ang kanyang pag-uugali na nakagambala sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Nang marinig niya ang lahat ng ito, handa siyang magpasakop at magnilay sa kanyang sarili. Higit na gumaan at pumayapa ang pakiramdam ko pagkaraang magsagawa ng katotohanan.

Naghanda ang Diyos ng isa pang sitwasyon upang subukan ako. Pagkaraang makilala ang isang nakababatang kapatid na babae nang ilang panahon, napagtanto kong may mayabang siyang disposisyon at atubiling tanggapin ang mga mungkahi ng ibang kapatid na babae, na humantong sa pagkadama ng ilan sa kanila na sila’y nahahadlangan niya. Kasama si Sister Liu, isa pang kapatid na gumagawang kasama ko, pinuntahan namin siya upang magbahagi sa kanya at ilantad ang kanyang paraan ng pagkilos, ngunit ayaw niya itong tanggapin. Nangatwiran siya sa kanyang mga ginagawa at nag-anyong malungkot. Bahagya akong natigilan nito, iniisip na magiging mababa ang pagtingin niya sa akin. Paano ko siya haharapin pagkatapos nito? May iba pang nangyari noon, kaya kinailangan naming umalis. Habang pabalik, inisip ko ang tungkol sa katigasan ng ulo ng nakababatang kapatid na ito at na mahirap para sa kanyang tanggapin ang katotohanan. Kapag walang maayos na pagbabahagi, tiyak na magiging mahirap ang aming ugnayan. Naisip ko na sa susunod ang kasama ko ang pagbabahagiin ko sa kanya. Nakita ko siyang muli mga ilang araw pagkaraan noon at talagang mabait siya sa akin. Napagtanto kong hindi talaga namin nalutas ang kanyang suliranin sa huli naming pagbabahagi, kaya kailangan kong magbahaging muli sa kanya, at kung tatanggi pa rin siyang tanggapin ang katotohanan, dapat na siyang mailantad at maiwasto. Ngunit nang bigyan niya ako ng upuan at nagtanong tungkol sa aking kalusugan, naramdaman ko na tila isinara ang aking bibig. May ibig akong sabihin sa pagbabahagi, ngunit sadyang hindi ko maibuka ang aking bibig. Naramdaman ko na sa sandaling magsalita ako sa pagbabahagi, masisira ang aming ugnayan at mapapawi ang magiliw na kapaligiran. Kung taglay niya ang gayon ding saloobin gaya noong una at hindi tatanggapin ang katotohanan, malalagay ako sa alanganin. Naisip ko na kaya kong piliin nang mabuti ang aking mga salita, iwasang maging magaspang, at gumamit ng kaunting karunungan. Halos kasabay nito, napagtanto kong nagkaroon ako ng simbuyong muling maging isang nagpapalugod ng mga tao at pangalagaan ang aking mga ugnayan sa kapwa. Agad akong nanalangin sa Diyos at humingi sa Kanya ng lakas. Naisip ko ang siping ito ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos pagkatapos ng aking panalangin: “Kinokontrol ka ng iyong napakasama at tiwaling disposisyon; hindi ka man lang panginoon ng sarili mong bibig. Kahit nais mong magsalita nang tapat, hindi mo magawa at takot ka ring sabihin ang mga ito. Hindi mo maipangako kahit ang isang sampu-kalibo ng mga bagay na dapat mong gawin, mga bagay na dapat mong sabihin, at ang responsibilidad na dapat mong tanggapin; nakatali ang iyong mga kamay at paa sa iyong napakasama at tiwaling disposisyon. Ni hindi man lang ikaw ang namamahala. Sinasabi sa iyo ng iyong napakasama at tiwaling disposisyon kung paano magsalita, kaya ka nagsasalita sa ganyang paraan; sinasabi nito sa iyo kung ano ang gagawin, kaya ginagawa mo iyon. … Hindi mo hinahanap ang katotohanan, ni isinasagawa ang katotohanan, ngunit nagpapatuloy ka sa pagdarasal, pinatatatag mo ang iyong determinasyon, gumagawa ka ng mga pagpapasiya, at sumusumpa. At ano ang kinalabasan ng lahat ng ito? Sunud-sunuran ka pa rin: ‘Hindi ko gagalitin ang sinuman, ni hindi ko sasaktan ang sinuman. Kung may isang bagay na hindi ko problema, lalayuan ko ito; hindi ako magsasalita ng anuman tungkol sa mga bagay na walang kinalaman sa akin, at gagawin ko ito para sa lahat. Kung may anumang makakasira sa sarili kong mga interes, sa aking dangal, o sa paggalang ko sa sarili, hindi ko rin iyon papansinin, at maingat kong uunawain ang lahat ng iyon; hindi ako dapat magpadalus-dalos. Ang pakong nakausli ang unang napupukpok, at hindi ako ganoon kabobo!’ Lubos kang sumasailalim sa pagkontrol ng iyong mga tiwaling disposisyon ng kasamaan, katusuhan, katigasan, at pagkamuhi sa katotohanan. Sinisira ka nito, at higit ka pang nahihirapang pasanin iyon kaysa sa isinuot na Ginintuang Singsing ng Haring Unggoy. Ang pamumuhay sa ilalim ng pagkontrol ng isang tiwaling disposisyon ay lubhang nakakapagod at napakasakit! Sabihin ninyo sa Akin, kung hindi ninyo hinahanap ang katotohanan, madali bang iwaksi ang inyong katiwalian? Kaya bang lutasin ang suliraning ito? Sinasabi Ko sa inyo, kung hindi ninyo hinahanap ang katotohanan at naguguluhan kayo sa inyong paniniwala, walang magagawa ang kahit ilang taon pang pakikinig sa mga sermon, at kung mamamalagi kayo sa ganitong paraan hanggang sa huli, kung gayon, mapalad nang maging isa kang huwad na relihiyoso at isang Fariseo, at iyon na ang magiging wakas niyon. Kung malala pa kayo kaysa rito, maaaring may dumating na pangyayari kung saan ay mahuhulog kayo sa tukso, at mawawala sa inyo ang inyong tungkulin at pagtataksilan ninyo ang Diyos. Malalaglag ka na. Lagi kang mapapasabingit ng isang bangin! Sa ngayon, walang mas mahalaga kaysa sa paghahanap ng katotohanan. Walang silbing hanapin ang iba pang bagay(“Yaon Lamang Mga Nagsasagawa ng Katotohanan ang May Takot sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ganap na inilantad ng mga salita ng Diyos ang katotohanan ng aking pagiging isang nagpapalugod ng mga tao. Noong makita ko na matigas ang ulo ng nakababatang kapatid at nahihirapang tanggapin ang katotohanan, ayaw kong palalain pa ang kalagayan o lubusang mapahiya, ngunit nais ko lang na umiwas na harapin ang suliranin. Ibig ko pa ngang iba na ang magbahagi sa kanya para lamang mapangalagaan ang ugnayan ko sa kanya. Nagpapalugod pa rin ako ng mga tao! Naisip ko ang pinsalang nagawa ko noon sa gawain ng sambahayan ng Diyos dahil hindi ako nagsagawa ng katotohanan. Nabigo akong magsagawa ng katotohanan noong panahong iyon, at ngayon ay alam kong hindi ako maaaring mapuno ng pagsisisi sa huli. Bago ko pa ito malaman, nakadama ako ng silakbo ng lakas: Pinakamahalaga ang pagsasagawa ng katotohanan, at hindi ako maaaring muling magkulang. Tinipon ko ang aking tapang at nagbahagi sa kapatid na ito, inilalantad kung ano ang kanyang ginagawa at ang kalikasan ng kanyang mga pagkilos. Pinakinggan niya ako at tinanggap ito, at handa siyang magsisi. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa aking puso. Sa wakas ay naisagawa ko ang katotohanan, at nakaramdam ako ng kapayapaan at kasiyahan sa aking espiritu. Sa pakiramdam ko’y tila isang matuwid na paraan iyon upang mabuhay, na tila may wangis ako ng tao.

Habang iniisip ang maraming maliliit na bagay na ginawa ng Diyos sa akin, nakikita ko na talagang ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang mismong kailangan upang baguhin ang aking tiwaling disposisyon. Kung hindi Niya isinaayos ang mga sunud-sunod na kalagayan upang ilantad ako, at kung hindi dahil sa paghatol at paghahayag ng Kanyang mga salita, hindi ko kailanman makikilala kung anong uri ng tao talaga ako. Hindi ko kailanman malalaman ang kahabag-habag na katotohanan kung paano ako nabubuhay sa mga lason ni Satanas. Natutuhan kong pahalagahan kung gaano kapraktikal ang pagliligtas at pagbabago ng Diyos sa sangkatauhan, at kung gaano kahirap nakamit ang mga ito! Ang kakayahan kong magsagawa ng katotohanan at magsabuhay ng kaunting wangis ng tao ngayon ay dahil sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Labis akong nagpapasalamat sa pagliligtas ng Diyos sa akin!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nakagapos

Ni Li Mo, TsinaNoong 2004, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at hindi nagtagal, isinumbong ako dahil sa...

Paglabas Mula sa Pagkalito

Gaya ng sinabi ng Diyos: “Sa ngayon, hindi ka maaring masiyahan na sa kung paano ka nalupig, kundi dapat mo ring isaalang-alang ang daan na iyong tatahakin sa hinaharap. Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng lakas-ng-loob upang magawang perpekto, at hindi mo dapat isipin na hindi kaya ng iyong sarili. May pinapanigan ba ang katotohanan?”