Pag-unawa sa Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Mabuting Tao
Magmula noong bata ako, tinuruan ako ng mga magulang ko na maging patas, makatwiran, mabait sa iba, maunawain sa mga paghihirap ng iba, at huwag makipagtalo sa maliliit na bagay. Sinabi nila na iyon ang mga katangian ng isang mabuting tao, at makukuha niyon ang respeto at paggalang ng iba. Inisip ko rin na isa iyong magandang paraan para mamuhay, at madalas kong paalalahanan ang sarili ko na maging mahabagin at mabait. Sa aking pamilya at ibang taganayon, kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng kaalitan at talagang inaalala ko kung ano ang tingin ng lahat sa akin. Madalas akong purihin ng mga kanayon ko, sinasabi nila na mabuti ang pagkatao ko at maunawain ako, at hindi ako nakikipag-away sa kahit kanino kapag napapasama nila ang loob ko. Labis akong napapasaya ng ganitong uri ng papuri. Inisip ko na bilang isang tao, dapat ay maging ganoon kabuti ang loob ko, at dapat akong maging maunawain kahit na mali ang isang tao. Natitiyak ko na ito ang pamantayan sa pagiging isang mabuting tao. Patuloy ko ring ginawa ang mga bagay-bagay nang ganoon matapos maging isang mananampalataya.
Tapos noong Nobyembre 2021, nahalal ako bilang diyakono ng iglesia at nagsimula akong magpalaganap ng ebanghelyo kasama ang ilan pang kapatid. Isa sa kanila si Brother Wang na kanayon ko. May kakayahan siya at talagang malinaw ang pangangatwiran niya sa kanyang pagbabahagi habang nag-eebanghelyo. Kaya niyang gumamit ng mga halimbawa para magpaliwanag ng mga bagay-bagay, para matulungang makaunawa ang mga nagsisiyasat sa tunay na daan. Pero natuklasan ko na medyo mapagmataas siya at ayaw niyang tumanggap ng mga mungkahi ng iba. Isa pa, madalas ay hindi niya sinusunod ang mga prinsipyo sa kanyang tungkulin at hindi niya dinadakila at pinatototohanan ang Diyos sa kanyang gawain ng ebanghelyo, sa halip ay madalas niyang sinasabi kung gaano na karaming tao ang napagbalik-loob niya. Lahat ng kapatid ay gusto siyang pinakikinggan na mangaral at talagang iniidolo nila siya. Minsan ay pinuri siya ng isang taong nagsisiyasat sa tunay na daan dahil sa pagkakaroon ng mahusay na kakayahan at sa pangangaral nang mabuti. Napansin ko na itinaas niya ang kanyang sarili at medyo nagpasikat siya, at na sa pagbabahagi niya ng ebanghelyo ay hindi siya tumuon sa pagpapatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw o sa paglutas sa mga kuru-kurong panrelihiyon ng mga tao. Gusto ko itong banggitin kay Brother Wang, pero pagkatapos ng kaunting pag-iisip ay napagpasyahan kong maghintay pa nang kaunti. Gusto kong malaman ni Brother Wang na isa akong mabait, makatwirang tao na hindi namumuna ng bawat maliit na problemang makita ko. Naisip kong dapat kong palakasin ang loob niya at lalo siyang tulungan. Kalaunan, madalas na nagpapadala ang lider ng mga prinsipyo na may kaugnayan sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa aming grupo at bahagya akong nagbahagi nang hindi tuwiran tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa pag-uugali ni Brother Wang. Umaasa ako na makikita niya ang mga problema sa kanya sa pamamagitan ng pagbabahaging iyon. Gusto ko ulit banggitin ang mga problema niya, pero naisip ko na dahil medyo mapagmataas siya, baka hindi niya tanggapin ang payo ko. Natatakot ako na iisipin niyang hindi ako makatwiran at hindi mabait, at magkakaroon siya ng masamang impresyon sa akin. Kung magkakaroon kami ng hindi pagkakasunduan sa aming ugnayan at hindi kami makapagtutulungan nang maayos, masisira ang imahe ko bilang isang mabuting tao. Sa pag-iisip nito, pinigilan ko na lang ang mga sasabihin ko. Medyo sumama ang loob ko noong panahong iyon, kaya lumapit ako sa Diyos sa panalangin, humihiling sa Kanya ng lakas para isagawa ang katotohanan. Pagkatapos niyon, pumunta kami ni Brother Wang, at ng ilan pang kapatid sa isang nayon para magbahagi ng ebanghelyo. Napansin ko na nagpapasikat pa rin si Brother Wang sa kanyang pagbabahagi, sinasabi kung paanong wala siyang pakialam sa pera at kung paano siya nagtrabaho nang husto para sa Diyos, pero hindi siya nakatuon sa pagbabahagi ng katotohanan. Habang pauwi na kami, inipon ko ang aking lakas ng loob at sinabi sa kanya, “Hindi ka pumasok sa mga prinsipyo sa iyong pangangaral at patotoo. Kailangan mong tumuon sa pagbabahagi ng katotohanan sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, sa pagdadala sa kanila sa harapan ng Diyos—” Bago ako matapos, tumugon siya ng, “Walang mali sa pagbabahagi ko. Masyado mong pinag-iisipan ang mga bagay-bagay.” Natakot ako na masasaktan ko ang pride niya kung magsasalita pa ako, at na masisira ang aming mabuting kaugnayan. Nag-alala rin ako na sasama ang tingin niya sa akin at na masisira niyon ang positibo kong imahe, kaya wala na akong ibang sinabi. Pakiramdam ko ay sapat na iyon at unti-unti ay siya na mismo ang makakikita niyon. Kalaunan ay natuklasan ko na kahit na palagi kaming abala, hindi kami nagkakaroon ng magagandang resulta sa aming gawain ng ebanghelyo. May ilang tao sa nayon na iyon na interesado, pero hindi pa rin nila nauunawaan ang mga bagay-bagay matapos marinig si Brother Wang na magbahagi nang ilang beses. Isa pa, naapektuhan sila ng mga sabi-sabi, may mga kuru-kuro, at ayaw na nila itong siyasatin. May ilang tao na talagang tumitingala kay Brother Wang at gusto lang nilang pakinggan ang pagbabahagi niya, pero ayaw nilang pakinggan ang pagbabahagi ng iba. Nang makita ko ito ay labis akong naasiwa, at talagang nakonsensya ako. Malaki ang kinalaman ni Brother Wang sa mga problemang ito. Kung mas maaga kong binanggit ang mga problema niya, makikita sana niya ang mga iyon at magbabago siya, sa gayon ay hindi malalagay sa panganib ang aming gawain ng ebanghelyo. Pero pagkatapos niyon, noong gusto ko na talaga iyong banggitin, nag-alala na naman ako na masisira niyon ang aming mabuting kaugnayan, at labis na nagtalo ang kalooban ko. Naisip ko na pwede kong kausapin ang lider at sabihin na siya ang magbahagi kay Brother Wang, sa gayon ay hindi maaapektuhan ang pagtutulungan namin sa aming tungkulin, at pwede pa rin kaming magkasundo. Kaya kinausap ko ang lider tungkol sa nangyayari kay Brother Wang. Nakahanap siya ng ilang nauugnay na salita ng Diyos at sinabihan kami na pumasok doon nang sama-sama, at mukhang nagbago nang kaunti si Brother Wang. Kaya kinalimutan ko na lang iyon.
Minsan, nabanggit ko ang bagay na iyon sa isa pang sister na nagpaalam sa akin na palagi akong maingat sa mga relasyon ko sa iba, at na isa iyong tanda ng pagiging mahilig magpalugod ng mga tao. Pero noong una ay hindi ganoon ang tingin ko. Akala ko ay imposibleng isang akong mahilig magpalugod ng mga tao, dahil tuso ang mga iyon, at kahit kailan ay hindi pa ako nakagawa ng katusuhan, kaya paano ako naging isa sa kanila? Noong panahong iyon ay ayaw kong tanggapin ang pagsusuri niya, pero alam ko rin na may aral ako na dapat matutuhan sa sinabi niya. Nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na patnubayan akong makilala ang aking sarili. Kalaunan ay nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ang pagkilos at pagtrato ng mga tao sa iba ay dapat ibatay sa mga salita ng Diyos; ito ang pinakapangunahing prinsipyo para sa pag-uugali ng tao. Paano maisasagawa ng mga tao ang katotohanan kung hindi nila nauunawaan ang mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao? Ang pagsasagawa ng katotohanan ay hindi pagsasabi ng mga walang-saysay na salita at pagbigkas ng mga takdang parirala. Anuman ang maaaring makaharap sa buhay ng isang tao, hangga’t kinabibilangan ito ng mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao, mga pananaw sa mga pangyayari, o patungkol sa pagganap sa kanyang tungkulin, kailangan niyang magpasya, at dapat niyang hanapin ang katotohanan, dapat siyang maghanap ng batayan at prinsipyo sa mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay dapat siyang maghanap ng isang landas sa pagsasagawa; ang mga nakapagsasagawa sa ganitong paraan ay mga taong hinahangad ang katotohanan. Ang magawang hangarin ang katotohanan sa ganitong paraan gaano man katindi ang mga paghihirap na nararanasan ng isang tao ay ang tumahak sa landas ni Pedro at sa landas ng paghahanap ng katotohanan. Halimbawa: Anong prinsipyo ang dapat sundin kapag nakikisalamuha sa iba? Ang iyong orihinal na pananaw ay na hindi mo dapat mapasama ang loob ng sinuman, kundi mapanatili ang kapayapaan at maiwasang mapahiya ang sinuman, upang sa hinaharap, maaaring magkasundo ang lahat. Napipigilan ng pananaw na ito, kapag nakakita ka ng isang taong gumagawa ng masama, nagkakamali, o gumagawa ng kilos na sumasalungat sa mga prinsipyo, mas gugustuhin mong kunsintihin ito kaysa banggitin ito sa taong iyon. Napipigilan ng iyong pananaw, nagiging tutol ka sa pagpapasama ng loob ng sinuman. Sinuman ang nakakasalamuha mo, dahil nahahadlangan ka ng mga isipin ng karangalan, ng mga emosyon, o ng mga damdaming lumago sa maraming taon ng pakikipag-ugnayan, palagi kang magsasabi ng magagandang bagay upang pasayahin ang taong iyon. Kapag may mga bagay kang nakikitang hindi kasiya-siya, mapagparaya ka rin; naglalabas ka lamang ng kaunting galit nang pribado, nagbabato ng ilang mapanirang paratang, ngunit kapag nakakaharap mo sila nang personal, hindi ka nagdudulot ng gulo at pinapanatili pa rin ang relasyon sa kanila. Ano ang palagay mo sa gayong pag-uugali? Hindi ba ganito ang sa isang taong pala-oo? Hindi ba ito medyo madaya? Nilalabag nito ang mga prinsipyo ng pag-uugali. Kaya hindi ba pagiging mababa ang kumilos sa gayong pamamaraan? Ang mga kumikilos nang ganito ay hindi mabubuting tao, ni hindi sila marangal. Gaano ka man nagdusa, at gaano mang halaga ang iyong binayaran, kung kikilos ka nang walang mga prinsipyo, kung gayon ay nabigo ka at hindi makatatanggap ng pagsang-ayon sa harap ng Diyos, ni hindi ka Niya maaalala, ni hindi mo Siya mabibigyang-kaluguran” (Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). Pinagnilayan ko ang aking sarili ba tay sa mga salita ng Diyos. Pakiramdam ko ay hindi ako isang taong mahilig magpalugod ng mga tao, pero paano ba talaga ako kumilos? Noong panahong iyon, nakita ko nang madalas magpasikat si Brother Wang sa kanyang gawain ng ebanghelyo at ipinaalam ko na dapat ang problemang iyon para matulungan siyang makilala ang kanyang sarili at magawa niya ang kanyang tungkulin nang nakaayon sa mga prinsipyo, pero nag-alala ako na mapipinsala ng pagiging prangka ang aming relasyon. Kaya palagi kong isinasaalang-alang ang mga damdamin niya at hindi ako naglakas-loob na magsabi ng kahit na anong masyadong prangka. Gusto ko pa ngang mas palakasin ang loob niya para bigyan siya ng impresyon na isa akong mabuting tao, at tumaas ang tingin niya sa akin. Pero sa katunayan, alam kong kapag nakikipagtulungan sa mga kapatid sa isang tungkulin, kapag nakapapansin tayo ng mga problema ay kailangan nating ipaalam ang mga iyon, punan ang mga kahinaan ng iba, at sama-samang itaguyod ang gawain ng iglesia. Pero sadya akong gumagawa ng mali at hindi nagsasagawa ng katotohanan. Bilang resulta ay hindi nakilala ni Brother Wang ang sarili niyang mga problema at patuloy siyang nagpapasikat habang ibinabahagi ang ebanghelyo nang hindi tumutuon sa pagbabahagi ng katotohanan. Ibig sabihin niyon ay hindi nalulutas ang mga kuru-kurong panrelihiyon ng mga taong nagsisiyasat sa tunay na daan at tumigil ang ilang tao sa pagdalo sa mga pagtitipon nang sila ay nabagabag. Nakita ko ang epekto sa aming gawain at medyo nakonsensya ako, pero natatakot ako na magkakaroon siya ng pagkiling laban sa akin kung magiging prangka ako, at masisira niyon ang aming relasyon. Kaya tuso kong hinikayat ang isang lider ng iglesia na magbahagi sa kanya para hindi ko na kailanganing pasamain ang loob niya. Nakita ko na sinusubukan kong protektahan ang mga relasyon ko sa iba at pinapalayaw ko sila sa aking tungkulin, na talagang hindi ko itinataguyod ang mga interes ng iglesia at wala akong pagkaunawa sa pagiging matuwid, at kahit kaunti ay wala akong prinsipyo. Hindi talaga ako isang tao na nagsasagawa ng katotohanan. Hindi ba’t ganoon mismo kumilos ang isang mahilig magpalugod ng mga tao? Pagkatapos niyon, nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na naglalantad sa mga anticristo. “Sa lahat ng anyo, tila partikular na mabait, edukado, at tanyag ang mga salita ng mga anticristo. Sinumang lumalabag sa prinsipyo, na nangingialam at nanghihimasok sa gawain ng iglesia, ay hindi inilalantad o pinupuna kahit sino pa sila; nagbubulag-bulagan ang anticristo, hinahayaan nilang isipin ng mga tao na mapagbigay sila sa lahat ng bagay. Ang bawat katiwalian at kasuklam-suklam na gawa ng mga tao ay hinaharap nang may kagandahang-loob at pagpaparaya. Hindi sila nagagalit, o nagwawala, hindi sila maiinis at maninisi ng mga tao kapag gumagawa ang mga ito ng mali at napipinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sinuman ang gumagawa ng masama at nanggugulo sa gawain ng sambahayan ng Diyos, hindi nila pinapansin, na para bang wala itong kinalaman sa kanila, at hinding-hindi nila pasasamain ang loob ng mga tao dahil dito. Ano ba ang ipinag-aalala nila nang husto? Kung ilang tao ang tumitingala sa kanila, at ilang tao ang nakakakita sa kanila kapag nagdurusa sila, at humahanga sa kanila dahil dito. Naniniwala ang mga anticristo na ang pagdurusa ay hinding-hindi dapat walang kapalit; anumang paghihirap ang kanilang tinitiis, anumang halaga ang kanilang binabayaran, anumang mabubuting gawa ang kanilang ginagawa, gaano man sila mapagmalasakit, mapagpaubaya, at mapagmahal sa iba, dapat isagawa ang lahat ng ito sa harap ng iba, dapat makita ito ng mas maraming tao. At ano ang layon nila sa pagkilos nang ganito? Upang makuha ang loob ng mga tao, upang makaramdam ang mga tao ng paghanga at pagsang-ayon sa kanilang mga kilos, sa kanilang asal, at kanilang pagkatao” (“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikasampung Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Labis akong nakonsensya matapos basahin ang mga salita ng Diyos, na para bang nasa harapan ko mismo ang Diyos, inilalantad ang aking satanikong disposisyon. Pinagnilayan ko na palagi kong sinusubukang maging isang mahabagin, mabait na tao dahil pakiramdam ko sa paggawa niyon ay makukuha ko ang paggalang at papuri ng iba, at magugustuhan ako ng mga tao. Ganoon din ako kapag gumagawa ng tungkulin kasama ang ibang kapatid. Wala akong sasabihin na anumang lantaran para ilantad ang mga problema ni Brother Wang, sa takot na masasaktan ko ang reputasyon niya at na hindi na kami magkakasundo pagkatapos niyon. Pero sa katunayan, ang lahat ng ginagawa ko ay para protektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan. Gumagamit ako ng panlabas na kabaitan para magpanggap at pagandahin ang imahe ko, para magpalakas nang isipin ng mga tao na mapagmahal, mapagpasensya, at mapagpaubaya ako, na isa akong mabuti at mabait na tao. Pero hindi ko isinapuso kung napipinsala ba ang gawain ng iglesia o ang buhay ng mga kapatid. Noon ko lang nakita kung gaano ako kadaya at katuso. Mukhang kailanman ay hindi ko napasama ang loob ng kahit sino, na parang isa akong mabuting tao, pero sa katunayan, ang sarili kong kasuklam-suklam na mga motibo ang nasa likod ng lahat ng kilos ko. Nililinlang ko ang mga tao at dinadaya ang Diyos. Nakita ko na pareho ang disposisyon ko sa disposisyon ng isang anticristo, na itinataguyod ko ang sarili kong imahe at katayuan kapalit ng gawain ng iglesia, at magiging labis na mapanganib ang pananatili sa landas na iyon. Mapapalayo ako nang mapapalayo sa Diyos at sa huli ay mapalalayas Niya! Talagang nasuklam ako sa aking sarili nang mapagtanto ko ito, at labis ding sumama ang loob ko. Nagdasal ako, “Diyos ko, palagi akong nagpapanggap at pinagaganda ko ang imahe ko, tumutuon ako sa paggawa ng isang positibong imahe. Ayaw kong manatili sa landas na ito. Pakiusap, patnubayan Mo ako na talikdan ang aking tiwaling disposisyon.”
Nakabasa pa ako ng mga salita ng Diyos pagkatapos niyon. “Nakabatay sa kanilang pag-uugali ang pamantayang ginagamit ng mga tao upang hatulan ang ibang mga tao; matuwid yaong ang asal ay mabuti, habang buktot yaong ang asal ay karumal-dumal. Ang pamantayan ng Diyos sa paghatol sa mga tao ay batay sa kung nagpapasakop ba o hindi sa Kanya ang kanilang diwa; matuwid na tao ang nagpapasakop sa Diyos, samantalang ang hindi nagpapasakop ay kaaway at isang buktot na tao, mabuti man o masama ang pag-uugali ng taong ito at kung tama man o mali ang kanyang pananalita” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). “Maaaring sa lahat ng taon ng pagsampalataya mo sa Diyos, hindi ka pa nakasumpa ng sinuman o nakagawa ng masama kailanman, subalit sa pakikisama mo kay Cristo, hindi mo kayang magsabi ng katotohanan, kumilos nang tapat, o sumunod sa salita ni Cristo; kung gayon, sinasabi Ko na ikaw ang pinakamasama at mapaminsalang tao sa mundo. Maaaring napakabait mo at tapat ka sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, asawa, anak, at magulang, at hindi ka nagsasamantala sa iba kailanman, ngunit kung hindi mo kayang umayon kay Cristo, kung hindi mo magawang makihalubilo sa Kanya nang maayos, kahit gugulin mo pa ang iyong lahat-lahat sa pagtulong sa iyong mga kapitbahay o sa masusing pag-aalaga sa iyong ama, ina, at mga miyembro ng inyong sambahayan, sasabihin Ko na masama ka pa rin, at bukod dito ay puno ka ng mga tusong panlilinlang” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos ay nakikita ko na ang pamantayan ng mga tao sa pagsukat sa iba ay nakabatay sa kung gaano kabuting kumilos ang mga ito. Ang mga kumikilos nang mabuti ay mabubuting tao, habang ang mga kumikilos nang hindi mabuti ay masasamang tao. Pero ang pamantayan ng Diyos para doon ay nakabatay sa kung ang isang tao ay sinusundan ang daan ng Diyos, at sa diwa ng isang tao at sa kanyang saloobin sa pagpapasakop sa Diyos. Hindi iyon dapat tukuyin batay sa kung gaano kaganda ang panlabas niyang pag-uugali. Tumagos sa puso ko ang mga paghahayag ng mga salita ng Diyos. Magmula noong bata ako, sa mga kapamilya at sa iba, hindi ako kailanman nakipagtalo o nagsimula ng alitan sa kahit kanino. Kahit na may magsimulang makipagtalo sa akin, lulutasin ko iyon sa pamamagitan ng pagpapalubag sa loob niya. Palagi akong pinupuri ng aking mga kanayon dahil sa pagiging mabuting tao at inakala ko rin na ang pagiging ganoon ay nangangahulugang naabot ko na ang pamantayan ng isang mabuting tao. Ngayon ay naging malinaw na sa akin na mukhang hindi ako gumagawa ng masama, pero hindi ako nagiging matapat sa salita o sa gawa. Nakita ko na ginagawa ni Brother Wang ang kanyang tungkulin sa paraang walang prinsipyo at palagi siyang nagpapasikat, naaapektuhan ang pagiging epektibo namin sa gawain. At para protektahan ang imahe ko bilang isang mabuting tao, hindi ko siya inilantad o tinulungan, at hindi ko itinaguyod ang mga interes ng iglesia. Kaya kahit na ang tingin ng iba ay isa akong mabuting tao, sa harapan ng Diyos ay salungat pa rin ako sa Kanya at sa katotohanan, at ang lahat ng ginagawa ko ay paggawa ng masama. Nakita ko na ang paghusga kung ang isang tao ay mabuti o masama batay sa mga panlabas na pag-uugali ay hindi ang tamang pamantayan. May ilang tao na mukhang gumagawa ng maraming mabuting bagay, pero matindi nilang nilalabanan at kinokondena ang gawain at mga salita ng Diyos. Masasama silang tao. Naalala ko ang isang sister na nakatrabaho ko. Sa pagkakaalam ko, hindi mahalaga sa kanya ang pagiging magiliw o mabait sa kanyang pananalita, pero kaya niyang tanggapin ang katotohanan at hanapin kung paano gawin ang kanyang tungkulin alinsunod sa mga prinsipyo ng katotohanan. Sinasabi niya ang kailangang sabihin kapag nakikita niya na hindi kumikilos ang iba alinsunod sa katotohanan. Nagagawa niyang ipaalam sa iba ang mga problema at mayroon siyang pagkaunawa sa pagiging matuwid. Ang pag-iisip dito ay nagbigay sa akin ng kaunting determinasyon para tumigil sa pagsunod sa mga mali kong perspektibo sa pagsubok na magmukhang mabait na tao, bagkus ay kailangan kong mamuhay alinsunod sa katotohanan ng mga salita ng Diyos, at hangarin ang pagiging isang tunay na mabuting tao.
Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng isang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang dapat pagsumikapan ng mga tao na makamtan nang husto ay ang gawin nilang batayan ang mga salita ng Diyos, at gawing pamantayan ang katotohanan; saka lamang sila makakapamuhay sa liwanag at mabubuhay na katulad ng isang normal na tao. Kung nais mong mabuhay sa liwanag, dapat kang kumilos ayon sa katotohanan; kung magiging matapat ka, dapat kang mangusap ng matatapat na salita, at gumawa ng matatapat na bagay. Sa mga prinsipyo ng katotohanan lamang dapat ibatay ang iyong pag-uugali; kapag nawala sa mga tao ang mga prinsipyo ng katotohanan, at nagtuon lamang sila sa magandang pag-uugali, hindi maiiwasang magpasimula ito ng panloloko at pagpapanggap. Kung walang prinsipyo sa pag-uugali ng mga tao, gaano man kaganda ang kanilang asal, mga mapagpaimbabaw sila; maaari nilang maloko sandali ang iba, ngunit hinding-hindi sila magiging katiwa-tiwala. Kapag kumilos at umasal ang mga tao ayon sa mga salita ng Diyos, saka lamang sila magkakaroon ng tunay na pundasyon. Kung hindi sila umaasal ayon sa mga salita ng Diyos, at tumutuon lamang sila sa pagpapanggap na kumikilos sila nang maayos, magiging mabubuting tao ba sila dahil dito? Talagang hindi. Ang magandang pag-uugali ay hindi mababago ang diwa ng mga tao. Tanging ang katotohanan at mga salita ng Diyos ang maaaring magpabago sa mga disposisyon, kaisipan, at opinyon ng mga tao, at maaaring maging buhay nila. … Kung minsan, kailangang banggitin at punahin nang diretsahan ang mga pagkukulang, kapintasan, at pagkakamali ng iba. Malaki ang pakinabang nito sa mga tao. Talagang makakatulong ito sa kanila, at makakabuti para sa kanila, hindi ba? Sabihin natin, halimbawa, na napakasutil at napakayabang mo. Hindi mo ito namalayan kahit kailan, ngunit lumitaw ang isang taong lubos na nakakakilala sa iyo at sinabi niya sa iyo ang problema. Iniisip mo sa sarili mo, “Sutil ba ako? Mayabang ba ako? Wala nang ibang nangahas na sabihin iyon sa akin, ngunit nauunawaan niya ako. Kung nasabi niya ang gayong bagay, nagpapahiwatig iyon na talagang totoo iyon. Kailangan kong gumugol ng kaunting panahon para pagnilayan ito.” Pagkatapos niyon sasabihin mo sa taong iyon, “Magagandang bagay lamang ang sinasabi ng ibang mga tao sa akin, pinupuri nila ako nang husto, walang sinumang nakikipag-usap sa akin nang masinsinan kahit kailan, wala pang sinumang bumanggit ng mga pagkukulang at isyung ito sa akin. Ikaw lamang ang nakapagsabi niyon sa akin, na kumausap sa akin nang masinsinan. Napakagaling niyon, napakalaking tulong sa akin.” Pag-uusap ito nang puso-sa-puso, hindi ba? Paunti-unti, sinabi sa iyo ng taong iyon ang nasa isip niya, ang mga naiisip niya tungkol sa iyo, at ang kanyang mga karanasan kung paano siya nagkaroon ng mga kuru-kuro, imahinasyon, pagkanegatibo at kahinaan tungkol sa bagay na ito, at nagawang takasan iyon sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan. Ito ay pag-uusap nang puso-sa-puso, ito ay pagniniig ng mga kaluluwa. At ano, sa kabuuan, ang prinsipyo sa likod ng pagsasalita? Ito iyon: sabihin ang nasa puso mo, at banggitin ang mga tunay na karanasan mo at kung ano talaga ang iniisip mo. Ang mga salitang ito ang may pinakamalaking pakinabang sa mga tao, tinutustusan ng mga ito ang mga tao, tinutulungan sila ng mga ito, positibo ang mga ito. Tumangging sambitin ang mga pekeng salitang iyon, ang mga salitang iyon na walang pakinabang o hindi nagpapatibay sa mga tao; maiiwasan nitong mapinsala sila o matisod sila, na magsasadlak sa kanila sa pagkanegatibo at magkakaroon ng negatibong epekto. Dapat kang magsalita ng mga positibong bagay. Dapat kang magsumikap na tulungan ang mga tao hangga’t kaya mo, para makinabang sila, para matustusan sila, para magkaroon sila ng tunay na pananampalataya sa Diyos; at dapat mong tulutan ang mga tao na matulungan, at makinabang nang husto, mula sa iyong mga karanasan sa mga salita ng Diyos at sa paraan ng paglutas mo ng mga problema, at magawang maunawaan ang landas ng pagdanas ng gawain ng Diyos at pagpasok sa realidad ng katotohanan, na magtutulot sa kanila na makapasok sa buhay at magpapaunlad sa kanilang buhay—na pawang epekto ng pagkakaroon ng mga prinsipyo sa iyong mga salita, at pagpapatibay nito sa mga tao” (Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). Nahanap ko sa mga salita ng Diyos ang mga prinsipyo sa pagkilos. Kailangan nating maging matatapat na tao alinsunod sa mga salita ng Diyos. Kapag nakikita natin ang mga problema ng iba ay dapat nating ipaalam ang mga iyon at tulungan sila, na makabubuti sa kanila. Dapat nating suportahan ang gawain ng iglesia at maging magandang halimbawa sa iba. Sa sandaling maunawaan ko ang landas na ito, gusto ko na agad na isagawa ang katotohanan, na makipag-usap nang puso-sa-puso kay Brother Wang at banggitin ang kanyang mga problema. Alam ko na ito ay para maituwid niya ang saloobin niya sa kanyang tungkulin at malaman niya ang tungkol sa kanyang tiwaling disposisyon at sa mga pagkukulang niya sa kanyang tungkulin. Ito ay para matulungan siya. Kaya hinanap ko siya, handang makipag-usap sa kanya tungkol sa kanyang mga problema. Sa sandaling ‘yon, bigla na naman akong nakaramdam ng kaunting pag-aalala, nangangamba kung ano ang iisipin niya sa akin. Pero naisip ko kung paanong kamakailan ay hindi ako nagsagawa ng katotohanan, na nakapinsala sa aming gawain, at labis akong nakonsensya. Alam ko na sinusuri ng Diyos ang aking mga saloobin at gawa at kailangan kong maging isang matapat na tao. Hindi ko na pwedeng protektahan ang aking imahe at talikuran ang katotohanan. Binigyan ako ng saloobing ito ng lakas ng loob para talikdan ang aking tiwaling disposisyon at matapat na makipag-usap kay Brother Wang tungkol sa kanyang mga problema. Sa aking pagkabigla, pinakinggan niya ako at nagawa niya itong tanggapin, at sinabi niya, “Hindi ko lubos na nauunawaan ang ilang prinsipyo. Sa hinaharap, sabihin mo sana sa akin ang anumang problemang makikita mo. Pwede nating tulungan ang isa’t isa at magkasamang gawin nang mabuti ang ating tungkulin.” Labis akong natuwa nang marinig kong sabihin niya ito, at labis ang pagpapasalamat ko sa Diyos. Nahiya at nagsisi rin ako dahil hindi ko isinagawa ang katotohanan noon. Kung binanggit ko na ito sa kanya noon, mas mabilis sana naming napabuti ang mga resulta ng aming gawain, at mas maaga sana niyang nalaman ang tungkol sa kanyang tiwaling disposisyon. Tapos ay tunay kong naranasan na ang pagsasagawa ng katotohanan ay nagdudulot ng pakinabang sa iba, sa iyong sarili, at sa iyong tungkulin. Ngayon, kapag nakikita ko ang mga problema ng mga kapatid ay maagap kong ipinaaalam ang mga iyon dahil alam kong ito ang pagsasagawa ng katotohanan, at nakatutulong ito sa kanila. Naranasan ko rin na ang pamumuhay alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos at paggawa sa mga bagay-bagay batay sa mga prinsipyo ng katotohanan ang tanging paraan para isagawa ang katotohanan at maging mabuting tao.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.