Ang Pakikipagdebate Ko sa mga Pastor
Noong Enero 2019, nagpatotoo sa akin ang isang kaibigan sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Binasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos pagkatapos, at talagang labis ako nitong nahikayat. Para sa akin, ito ay ang pagdating ng isang bagong katotohanan—labis akong nagagalak. Ipinaliwanag ng Makapangyarihang Diyos ang mga bagay na hindi maintindihan ng mundo ng relihiyon—mga misteryo ng Bibliya, misteryo ng pagkakatawang-tao, ang ugat ng katiwalian ng tao, at ang landas tungo sa pagwawaksi ng kasalanan, pagiging dalisay at mailigtas. Walang sinumang tao ang makapagbigkas ng gayong mga salita. Naramdaman ko na ito ang tinig ng Diyos, na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Kaya’t malugod ko itong tinanggap at ibinahagi ang napakagandang balitang ito sa pamilya ko. Tinanggap ng nanay ko, tiyahin, at ilang kapatid ang Makapangyarihang Diyos. Nagtitipon at nagbabasa kami ng mga salita ng Diyos araw-araw, tinatamasa ang mga katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos. Nadama namin na marami kaming nakamit, mas higit pa kaysa mayroon kami sa lahat ng taong iyon sa relihiyon.
Hindi nagtagal, nalaman ng lokal na pastor at mga diakono ang tungkol sa pananampalataya ko. Isang gabi, hindi inaasahang dumating sa bahay ko ang isang diyakono at tinanong niya ako, “Bakit hindi na kayo dumadalo ng nanay mo sa mga samba?” Sinabi ko sa kanya, “Hindi na ako magsisimba dahil nahanap ko na ang tunay na daan. Nagbalik na ang Panginoong Jesus—Siya ang Makapangyarihang Diyos. Marami na akong nabasang salita ng Makapangyarihang Diyos, at namangha ako—wala pa akong nabasang kahit anong ganoon kabago. Maraming nilinaw na mga misteryo ng bibliya ang Makapangyarihang Diyos. Natuklasan ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, at Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus na hinihintay natin.” Nakinig siya sa akin, pagkatapos may pagdududang tumugon, “Nagbalik na ang Panginoong Jesus? Paanong nangyar iyon?” Sinabi ko sa kanya, “Sinimulan na ng Makapangyarihang Diyos ang Kapanahunan ng Kaharian at gumagawa Siya ng bagong gawain. Ang Kapanahunan ng Biyaya ay nasa nakaraan at ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa sa mga simbahang panrelihiyon. Katulad ito noong dumating ang Panginoong Jesus para gumawa. Lumisan sa templo ang mga tao at sumunod sa Kanya. Ngayon ay kailangan nating makipagsabayan sa bagong gawain ng Diyos para mailigtas ng Diyos sa mga huling araw.” Nang makitang determinado akong manalig sa Makapangyarihang Diyos, sinabi niya na matitiwalag ako at pagkatapos ay umalis na. Pagkatapos niyon, pinuntahan at ginulo ng pastor at mga diyakono ang isang pamilya na katatanggap pa lang sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sinabi ng pastor sa kanila, “Sumali kayo sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at hindi na dumadalo sa mga samba natin. Kayo ay naloko—hindi pa nagbalik ang Panginoon. Bilang pastor, alam ko ang lahat ng nasa Bibliya. Kung talagang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, tiyak na malalaman ko ito.” Sinabi rin niya, “Kung pipilitin ninyong umalis sa simbahan, kailangan ninyong sabihin sa harap ng lahat na tinalikuran ninyo si Jesus. At saka, hindi kayo bibigyan ng anumang tulong ng simbahan. Sa Linggo, kailangan ninyong pumunta sa simbahan para tanggalin ang mga pangalan ninyo at ianunsyo ito sa buong kongregasyon. Kung hindi, itataboy kayo sa nayon.” Galit na galit ako. Bawat tao ay may karapatan sa kalayaan ng pananalig, pero gumagamit sila ng mga napakasamang taktika para pigilan ang mga tao sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Kung sila ay mabubuting lingkod, dapat sana ay mayroon silang pusong naghahanap, inaalam kung kung tungkol saan lahat Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at sinusuri ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Pero nang maharap sa pagbabalik ng Panginoon, bulag lang nilang nilabanan at kinondena ito. Paano sila matatawag na mga naghahanap sa katotohanan?
Kinabukasan, pinuntahan ko ang pamilyang ginulo ng pastor. Sinabi ng brother na naniniwala sila na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kaya kahit na itaboy sila palabas ng nayon, patuloy silang mananalig sa Kanya. Pagkatapos niyon, nagpakalat ng mga tsismis at kasinungalingan ang pastor para pigilan ang mga tao sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Ipinakita nito sa akin na hindi madali ang pananalig at pagsunod sa Diyos. Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka’t maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo’y nagsisipasok. Sapagka’t makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:13–14). Bagamat hinadlangan at pinigilan kami ng pastor, tinanggap namin ang tunay na daan at nahanap ang daan ng buhay na walang hanggan. Pinagpala kami. Naisip ko kung paanong inapi ang Panginoong Jesus ng relihiyong Judio nang dumating Siya at gumawa. Hindi gaanong maraming tao ang sumunod sa Kanya noon. Ngayon ay pumarito na ang Makapangyarihang Diyos upang gumawa, at inapi rin Siya ng mundo ng relihiyon. Karamihan sa mga tao ay naniniwala at nakikinig sa pastor, at ayaw tanggapin ang pagparito ng Panginoon. Nilinaw din nito sa akin ang isang katunayan: Mula pa sinaunang panahon, inusig na ang tunay na daan. Iilan lang ang tumatanggap sa tunay na daan at sumusunod sa Diyos, samantalang marami ang sumasamba sa tao at sumusunod sa mga pastor sa relihiyon. Mas pinatibay ako nito sa aking pananampalataya na sumunod sa Makapangyarihang Diyos.
Kalaunan, iniulat niya ang pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos sa Samahan ng Simbahan. Isang gabi, pumunta siya sa bahay ko, pinangungunahan ang isang grupo ng mga tao. Sinabi niya sa akin na pumunta sa bahay ng isang diyakono at malinaw na ipaliwanag ang pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos sa lahat ng pastor at katrabaho. Napakasama nila, sinasalungat at kinokondena ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Habang naiisip ito, wala akong lakas ng loob na harapin sila. Pero alam ko na kung hindi ako makikipagkita sa kanila, mag-iimbento lang sila ng mga tsismis. Biniyayaan ako ng Diyos, pinahihintulutan akong marinig ang Kanyang tinig at matuto ng ilang katotohanan. Ngayong kailangan Niya akong magpatotoo sa Kanyang gawain, hindi ako pwedeng umiwas. Kaya’t nagdasal ako: “Makapangyarihang Diyos, pakiusap gabayan Mo po ako at bigyan Mo ako ng mga salitang kailangan ko para magkaroon ako ng pananalig na magpatotoo sa Iyong gawain.” Nang makarating ako sa bahay ng diyakono, umupo ako sa isang upuan at nakita ko ang mahigit isang dosenang tao na nakapalibot sa akin, kabilang ang limang pastor sa Samahan ng Simbahan, pati na ang pastor ng nayon, at ilang miyembro ng kongregasyon. Nang makita kong napakaraming tao roon, natakot na naman ako, dahil hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari. Walang tigil akong nagdarasal sa Diyos sa puso ko para tulungan akong kumalma. Unti-unti, hindi na ako gaanong natatakot dahil alam kong kasama ko ang Makapangyarihang Diyos. Mahigpit akong tinanong ng isang matandang pastor ng Samahan ng Simbahan, “Bakit ikaw, ang nanay mo at ang lola mo ay hindi na dumadalo sa mga samba? Alam mo ba kung ano ang simbahan? Alam mo ba na ang pag-iwan dito ay pagtataksil sa Panginoong Jesus, at tatalikuran ka Niya?” Sabi ko sa kanya, “Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus, ‘Sapagka’t kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila’ (Mateo 18:20). Ano ang tunay na simbahan? Upang maging isang simbahan, hindi mahalaga kung gaano karami ang mga miyembro nito o kung nasaan ito. Gaano man karami ang nagtitipon, hangga’t mayroon itong gawain ng Banal na Espiritu, presensya ng Diyos, at panustos ng katotohanan, isa itong simbahan. Kung titingnan natin ang simbahan ngayon, mayroon ba itong gawain ng Banal na Espiritu? Nagdudulot ba ng kaliwanagan ang pagbabasa ng salita ng Diyos? Kasiya-siya, at nagbibigay ba ang mga ito ng panustos? Parehong mga lumang bagay lang ang ipinangangaral ng mga pastor at hindi talaga ito nakakatulong sa mga tao na makilala ang Panginoon. Hindi nakakakuha ang mga mananampalataya ng panustos sa buhay. Mahina sila at negatibo, sakim sa kayamanan at iba pang makamundong bagay. Ang simbahan ngayon ay parang templo noong panahon ng Panginoong Jesus—nawala nito ang gawain ng Banal na Espiritu and hindi na matatawag na tunay na simbahan. Bakit gusto naming maniwala sa Makapangyarihang Diyos ngayon, at huminto sa pagdalo sa mga samba? Ito ay dahil ang lahat ng ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan. Inihayag Niya ang napakaraming nakatagong misteryo ng Bibliya. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, talagang namulat ako, sumigla ang puso ko, at natustusan ang aking espiritu. Ito ang bunga ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng tunay na Diyos, at Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na simbahan. Sa kasalukuyan, maraming tunay na mananampalataya mula sa iba’t ibang denominasyon na nananabik sa pagparito ng Panginoon ang nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos online sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan. Natiyak nila na ito ang tinig ng Diyos. Bakit hindi niyo siyasatin ito? Kayo ay mga pastor, mga mangangaral sa iglesia. Dapat niyong pangunahan ang mga mananampalataya na tanggapin ang Panginoon. Iyon ay pagiging responsable sa buhay nila!” Nang matapos ako, tahimik silang lahat.
Mayamaya ay tinanong ako ng pastor: “Sabi mo nagbalik na ang Panginoong Jesus. Paano mo malalaman?” Pagkatapos ay binuksan niya ang isang Bibliya at, itinuro ang isang talata, sinabi sa akin: “Sabi ng Bibliya, ‘Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang’ (Mateo 24:36). Sinasabi nito na walang makakaalam sa pagparito ng Panginoon. Kaya, paano mo malalaman?” Sabi ko, “Kung walang makakaalam na paparito Siya, paano natin Siya masasalubong? Ang sinasabi ng Bibliya na ‘Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam’ ay nangangahulugan na walang nakakaalam ng oras ng Kanyang pagdating, pero magsasalita Siya pagkatapos Niyang pumarito; isasakatuparan Niya ang Kanyang gawain. Kapag narinig natin ang tinig ng Panginoon at nakita natin ang mga katotohanang ipinahayag Niya, hindi ba natin malalaman na nagbalik na Siya? Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Datapuwat pagkahating gabi ay may sumigaw, “Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya”’ (Mateo 25:6). ‘Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko’ (Pahayag 3:20). Kaya ang susi sa pagsalubong sa Panginoon ay ang makinig sa Kanyang tinig. Kapag may marinig tayong tumatawag na pumarito na ang kasintahang lalaki, iyon ay, nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoon, dapat tayong lumabas upang salubungin Siya at mapagpakumbabang makinig sa tinig ng Panginoon. Tanging ganoong uri ng tao ang isang matalinong dalaga na makakasalubong sa Panginoon at makakadalo sa piging kasama Niya. Ayon sa pag-iisip mo, walang makakaalam kahit pagkatapos pumarito ng Panginoon. Kung gayon, paano maipapaliwanag ang lahat ng talatang ito sa Bibliya, at paano matutupad ang mga ito?” Binigyan ko rin sila ng halimbawa. Sabi ko, “Isipin niyo kung kailan pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa. Noong una, walang kumilala sa Kanya bilang Diyos. Nang magsimula Siyang gumawa at magsalita, nagpatotoo ang Banal na Espiritu: ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan’ (Mateo 3:17). Pagkatapos niyon, nagsimula siyang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, pinapagaling ang maysakit, ipinangangaral ang daan ng pagsisisi, at pinapatawad ang mga kasalanan ng mga tao. Sinimulan niya ang gawain ng pagtubos mula sa Kapanahunan ng Biyaya. Noon lamang kinilala ng mga tao ang Panginoong Jesus bilang Manunubos ng sangkatauhan, bilang Diyos Mismo. Hindi ba’t ang pananampalataya natin sa Panginoon ay nakabatay lamang sa Kanyang gawain at mga salita? Nagsimula na ang malalaking sakuna—lahat ng propesiya sa pagdating ng Panginoon ay natupad na. Bumalik na siya at gumagawa na. Ipinapahayag niya ang mga katotohanang kinakailangan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos. Gumawa siya ng isang grupo ng mga mananagumpay. Ito ay mga katunayan na hindi maitatanggi ng sinuman. Hindi tayo pwedeng pasibong maghintay sa ating kapahamakan, suriin ang gawain ng Diyos batay sa ating mga kuru-kuro. Mapapalagpas natin ang ating pagkakataong salubungin ang Panginoon sa ganoong paraan.” Nang marinig ito, nagalit ang isang batang pastor mula sa Samahan ng Simbahan at tinanong niya ako: “Itong Makapangyarihang Diyos, nasaan Siya? Nakita mo na ba Siya? Kung hindi, paano ka nakakasiguro na Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus?” Bilang tugon, tinanong ko siya: “Nananalig ka sa Panginoong Jesus—nakita mo na ba Siya? Walang sinuman sa atin ang nakakita na sa Panginoon, kaya bakit tayo mananalig sa Kanya?” Walang sumagot sa kanila. Tapos sinabi ko, “Noong gumagawa ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, hindi ba’t maraming tao ang nakakita sa Kanya? Nakita ng mga punong saserdote, mga eskriba at mga Pariseo ang mukha ng Panginoon, pero nakilala ba nila Siya bilang Panginoon? Sinundan ba nila Siya? Bukod sa hindi sila sumunod sa Kanya, kinondena at tinanggihan pa nila Siya, at sa huli ay ipinapako ang Panginoong Jesus sa krus. Ano ang sinasabi nito sa atin? Kahit na nakikita mo ang mukha ng Panginoon, kung hindi mo Siya naiintindihan at hindi mo makilala ang tinig Niya, lalabanan mo pa rin Siya, at kokondenahin Niya. Kung ipinanganak ka sa kapanahunang iyon, at nakita mo ang Panginoong Jesus at narinig mo ang Kanyang mga sermon, makikilala mo ba Siya bilang Cristo? Mahirap talagang sabihin.” Nang matapos ako, humirit ang pastor, “Sabi mo, ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Sa anong batayan ito?” Sumagot ako, “Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin’ (Juan 10:27). Upang matukoy kung ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapamalas ng Diyos, ang susi ay tingnan kung ang Kanyang sinasalita ay katotohanan. Babasahin ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa inyo at makikita niyo kung ito ba ang tinig ng Diyos. Pagkatapos ay malalaman niyo kung ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus.” Binasa ko sa kanila ang ilang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa aking phone.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa buong sansinukob ay ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang umakay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Idinudulot Ko na malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at sumuko sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan. Sino ang hindi nasasabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi sabik na naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nananabik sa Aking pagiging kaibig-ibig? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi hahanga sa kasaganaan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Kanya na dakila ang kapangyarihan? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong mundo; haharapin Ko ang mga taong Aking hinirang at sasambit Ako ng higit pang mga salita sa kanila, gaya ng isang malakas na kulog na yumayanig sa mga bundok at ilog, sinasambit Ko ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman na ng tao, at itinatangi ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikidlat mula sa Silangan patungo sa Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng tao at kasabay nito ay hindi rin niya ito maarok, kundi mas nagagalak dito. Gaya ng isang bagong silang na sanggol, natutuwa at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagparito. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao para lumapit sila upang sambahin Ako. Taglay ang kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ang mga salita sa Aking bibig, pahaharapin Ko ang lahat ng tao sa Akin at makikita nila na kumikidlat mula sa Silangan at na bumaba na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olibo’ sa Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa lupa, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo kundi bilang Kidlat ng Silanganan. Sapagkat matagal na Akong nabuhay na muli, at lumisan mula sa sangkatauhan, at pagkatapos ay muli Akong nagpakita nang may kaluwalhatian sa mga tao. Ako Siya na sinamba napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikuran ng mga Israelita napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon. Bukod dito, Ako ang napakamaluwalhating Makapangyarihang Diyos ng kasalukuyang panahon! Palapitin ang lahat sa Aking luklukan at ipakita ang Aking maluwalhating mukha, iparinig ang Aking tinig, at patingnan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking layunin; ito ang wakas at kasukdulan ng Aking plano, gayon din ang layunin ng Aking pamamahala: ang pasambahin sa Akin ang bawat bansa, ang kilalanin Ako ng bawat wika, ang isandig sa Akin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya, at magpailalim sa Akin ang bawat tao!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob). “Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng pangmalagian at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas para makilala ang Diyos at sang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka papet at bilanggo ng kasaysayan. Ang mga kontrolado ng mga regulasyon, ng mga salita, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno ang mga hindi natustusan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila makikita ang Diyos? Kung nagsisikap ka lamang na panghawakan ang nakaraan, nagsisikap lamang na panatilihin ang mga bagay sa kung ano ang mga ito sa pamamagitan ng hindi paggalaw, at hindi sinusubukang baguhin ang umiiral na katayuan at itapon ang kasaysayan, kung gayon hindi ka ba magiging palaging laban sa Diyos? Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit nakaupo kang walang imik na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Kordero?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).
Matapos marinig ang mga salita ng Diyos, nagbubulungan silang lahat sa isa’t isa, mukhang namangha. Hindi nagtagal, tinuro ako ng matandang pastor na iyon at sinabing, “Naniniwala ako na ang binasa mo ay hindi posibleng mga salita ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos ay mahabagin, pero masyado itong mahigpit. Hindi ito mga salita ng Diyos.” Sabi ko, “Sa palagay mo ay maawain ang Diyos at na hindi Siya gumagamit ng mahihigpit na salita para ilantad at isumpa ang mga tao. Sigurado ka bang tumutugma ang opinyong ito sa mga katunayan? Maraming sinabi ang Panginoong Jesus na sinasaway ang mga tao. Nakalimutan mo na ba talaga? Kinondena Niya ang mga Pariseo, sinasabing, ‘Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok’ (Mateo 23:13). ‘Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong mapagbabalik-loob; at kung siya ay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili’ (Mateo 23:15). Marami pang tulad nito. Pinatutunayan nito na ang disposisyon ng Diyos ay hindi lamang naglalaman ng awa at pagmamahal, kundi pati na rin ang pagiging maharlika at poot. Hindi natin masusukat ang gawain at mga salita ng Diyos ayon sa ating sariling mga kuru-kuro at imahinasyon. Iyon ay paggawa ng kamalian sa paghusga at isang paglilimita sa Diyos.” Nagpatuloy ako: “Ipinopropesiya rin ng Bibliya ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw: ‘Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos’ (1 Pedro 4:17). Nagpapahayag ng mga katotohanan ang Diyos at hinahatulan Niya ang sangkatauhan sa mga huling araw, pinagbubukod-bukod ang lahat ayon sa kanilang uri, lubusang inihihiwalay ang mga tupa sa mga kambing, ang trigo sa mga mapanirang damo, at ang mabubuting lingkod sa masasama. Kung darating ang Diyos upang gumawa sa mga huling araw at nanatiling puno ng awa at pagmamahal, nang walang anumang matuwid na paghatol at pagsumpa, matatapos ba ang kapanahunan?” Pagkatapos ay binasahan ko sila ng isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ipagpalagay na sa pagbubunyag ng kalalabasan ng tao sa mga huling araw, igagawad pa rin ng Diyos sa tao ang walang limitasyong awa at pagmamahal at patuloy na magiging mapagmahal sa mga tao, hindi isasailalim ang tao sa matuwid na paghatol kundi magpapakita sa kanya ng pagpaparaya, pagtitiis, at pagpapatawad, at papatawarin ang tao gaano man katindi ang mga kasalanan niya, nang wala ni katiting na matuwid na paghatol; kailan kung gayon magwawakas ang buong pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong disposisyon ang mga tao patungo sa nararapat na hantungan ng sangkatauhan? Gawing halimbawa, ang isang hukom na laging mapagmahal, may maamong mukha at magiliw na puso. Mahal niya ang mga tao anuman ang kanilang mga nagawang krimen, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kung gayon, kailan siya makaaabot sa isang makatwirang hatol? Sa mga huling araw, ang matuwid na paghatol lamang ang makapaghihiwalay sa tao ayon sa kanilang uri at makapagdadala sa tao sa isang bagong mundo. Sa ganitong paraan, ang buong kapanahunan ay dadalhin sa katapusan sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Matapos marinig iyon, wala silang anumang maisagot. Kapagkuwan, itinuro ako ng nakatatandang pastor at galit na sinabing: “Alam mo ba kung saan nagmula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Mula ito sa China, at ipinagbabawal ito ng pamahalaan ng China. Hindi ito kinikilala ng gobyerno ng bansa bilang ang tunay na paraan, kaya bakit ka naniniwala rito?” Tumugon ako sa pamamagitan ng pagtatanong: “Sino ang gobyerno ng China? Mga tagasunod ba sila ng Diyos, o isang ateista at satanikong rehimen? Bilang pastor, paanong naniniwala ka sa isang satanikong rehimen? Kahangalan iyon. Sa katwiran mo, anumang bagay na hindi inaaprubahan ng gobyerno ay hindi maaaring maging ang tunay na daan. Naaayon ba iyon sa realidad? Nang pumarito ang Panginoong Jesus at gumawa, hindi ba’t dinanas Niya ang pagkondena at pang-aapi ng gobyerno? Paanong pumarito Siya para ipako sa krus? Hindi ba’t ang pakikiayon ng mga Pariseo sa pamahalaang Romano ang nagdulot na maipako ang Panginoong Jesus sa krus? Ayon sa katwiran mo, ang anumang inaapi at ipinagbabawal ng gobyerno ay hindi maaaring maging ang tunay na paraan. Kaya’t hindi ba dapat mong itatwa at kondenahin ang gawain ng Panginoong Jesus? Hindi ba’t kahangalan iyon? Sinasabi ng Bibliya, ‘Ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama’ (1 Juan 5:19). Nasa mga kamay ni Satanas ang buong mundo. Mga tiwaling tao rin ang mga awtoridad—kilala ba nila ang Diyos? Hanggang ngayon, wala pa tayong nakikitang mga pambansang pinuno na nagsisikap magsiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos o umaakay sa mga tao na sambahin Siya. Ano ang ipinapakita nito sa atin? Isa man itong relihiyosong bansa o isang ateista, wala sa mga pinuno ang mga taong nakakakilala sa Diyos. Paano nila matutukoy ang tunay na daan sa mga maling daan? Hindi nila magagawa iyon. Ang kanilang mga pagtatasa sa mga bagay-bagay ay ganap na nakabatay sa satanikong lohika, at wala itong katotohanan.”
Matapos kong magpahayag, wala silang imik lahat. Pagkaraan ng ilang sandali, itinuro ako ng matandang pastor na iyon at galit na galit na sinabing, “Kung aalis ka sa simbahan at may nagkasakit sa pamilya mo, hindi siya ipagdadasal ng pastor. Hindi siya gagaling, at kapag namatay siya, hindi mapupunta sa langit ang kaluluwa niya. Tapos, ano ang gagawin mo?” Alam ko sa puso ko na sinusubukan niyang gamitin ang mga lumang kaugalian ng nayon para kontrolin ako. Talagang noon pa namin pinupuri ang mga pastor, at umaasa kami sa kanila na ipagdasal kami. Labis na pinahahalagahan ng mga mananampalataya ang mga pastor, at umaasa kami sa kanila sa lahat ng bagay. Pero mula nang manalig ako sa Makapangyarihang Diyos, nalaman ko na hindi maaaring kumatawan sa Diyos ang mga pastor, at hindi sila ang nagpapasya kung mapupunta sa langit ang mga tao pagkatapos nilang mamatay. Kaya, sinabi ko sa kanila, “Kapag may nangyari sa pamilya ko sa hinaharap, hindi na namin kakailanganin ang mga panalangin niyo.” Sinabi ng nakababatang pastor, “Ano ang gagawin niyo kung walang tutulong sa inyo na mag-aasikaso sa mga libing?” Desidido akong tumugon, “Kung may mamamatay sa pamilya ko, ililibing namin ang katawan nila. Hindi na kailangang magsagawa ng anumang mga seremonya ng libing. Sinasabi sa Bibliya, ‘At ang isa pa sa Kanyang mga alagad ay nagsabi sa Kanya, “Panginoon, tulutan Mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama.” Datapuwa’t sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa Akin; at pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay”’ (Mateo 8:21–22). Sa pagitan ng pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya at ng mga utos ng Panginoon, alin ang pinakamahalaga? Malinaw na iniutos sa atin ng Panginoon na sundin Siya at sambahin Siya bilang dakila. Iyon ang pinakamahalaga. Bakit nananatili kayong nakatuon sa mga walang kabuluhang ritwal sa halip na hanapin ang katotohanan at salubungin ang pagbabalik ng Panginoon? Nasa mga kamay ng Diyos ang mga kahihinatnan at hantungan ng mga tao. Walang sinumang tao ang makapagpapasya sa mga ito. At hindi makakapasok ang mga tao sa langit mula lamang sa mga pagdarasal ng isang pastor—katawa-tawa iyon.” Nagpatuloy ko, “Ngayon ay nagbalik na ang Panginoon at nagpahayag ng maraming katotohanan. Ipinakita Niya sa atin ang landas para iwaksi ang kasalanan upang tayo ay madalisay at maligtas. Kung hindi natin susundin ang Makapangyarihang Diyos o tatanggapin ang paghatol at paglilinis ng Kanyang mga salita, bagkus mamumuhay tayo sa walang kabuluhang mga ritwal sa relihiyon, sapat na ba talaga iyon para madalisay?” Matapos kong sabihin iyon, wala na silang masabi para pabulaanan ako. Pagkatapos ay ngumiti ang isa pang pastor at sinabi sa akin, “Jemong, isa kang taong may kakayahan, isang taong nag-iisip. Pinahahalagahan ka ng simbahan. Kung patuloy kang magtatrabaho sa simbahan at mas maraming tao ang mapapasali mo, mas titibay ang simbahan. Magkasama nating magagawa ang gawain ng Diyos—magiging napakaganda niyon!”
Nahahalata ko talaga na hindi sila sinsero. Ang pinahahalagahan lang nila ay ang mamahala sa mas maraming tao, dahil sa ganoong paraan ay makakakuha sila ng mas maraming handog. Hindi sila nananabik sa pagpapakita ng Diyos. Sinabi ko sa kanila, “Ang pagsalubong sa Panginoon ay mas mahalaga kaysa sa anumang bagay. Anuman ang sabihin ninyo, hindi ako titigil sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos! Mga pastor kayo ng simbahan. Bakit hindi ninyo akayin ang mga mananampalataya sa pagsalubong ng pagparito ng Panginoon, sa halip na labanan at kondenahin ito? Hindi ba kayo natatakot na labanan ang Diyos at parusahan Niya kayo?” Pagkatapos ay sumabad ang nakababatang pastor at nagngangalit na sinabing, “Lahat ng ginagawa namin ay para protektahan ang ating kawan. Dahil desidido ka nang manalig sa Makapangyarihang Diyos, ititiwalag ka ng simbahan, at hindi ka pinahihintulutang nakawin ang aming mga tupa!” Mas lalo akong nagalit nang marinig ko ang sinabi niya. Nagbalik na ang Panginoon at gusto Niyang mahanap ang Kanyang mga tupa. Dapat na magkusa ang mga lider ng iglesiang ito na akayin ang mga mananampalataya para siyasatin ang tunay na daan, dahil ang mga tupa ng Diyos sa harap Niya. Gagawin ito ng isang tapat na lingkod. Pero hindi iyon ang ginagawa nila. Upang protektahan ang kanilang katayuan at pamumuhay, nililigaw at nililinlang nila ang mga mananampalataya sa ilalim ng pagkukunwaring pagprotekta sa kawan, hinihikayat ang mga tao na sumunod sa kanila, sumasalungat at kumokondena sa gawain ng Diyos. Masyado silang mapagpaimbabaw—lubos na mga masasamang lingkod! Ipinaalala nito sa akin ang isang sipi mula sa Makapangyarihang Diyos: “Ngayon, maraming tao ang nakagawa na ng parehong pagkakamali. Buong-kalakasan nilang ipinahahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, nguni’t kasabay nito ay kinokondena nila ang Kanyang pagpapakita; ang kanilang ‘imposible’ ang muling nagkukulong sa pagpapakita ng Diyos sa loob ng mga hangganan ng kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita Ko na ang maraming tao ang tumawa nang walang habas at napakalakas matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Nguni’t hindi ba ang pagtawang ito ay walang ipinagkaiba sa pagkondena at paglapastangan ng mga Hudyo? Hindi kayo nagpipitagan sa presensya ng katotohanan, lalong hindi ninyo taglay ang saloobing naghahangad. Ang ginagawa lamang ninyo ay nagsusuri nang walang pakundangan at walang-pakialam na naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pagsusuri at paghihintay nang ganito? Inaakala ba ninyong tatanggap kayo ng personal na patnubay mula sa Diyos? Kung hindi mo mahiwatigan ang mga pagbigkas ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na saksihan ang pagpapakita ng Diyos?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan). Ganap na malinaw ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Hindi tinatrato ng mga pastor na ito ang katotohanan o ang gawain ng Diyos nang may kahit katiting na paggalang. Sila ang mga anticristo, ang mga masasamang lingkod na inilantad ng Diyos sa mga huling araw. Wala silang karapatang masaksihan ang pagpapakita ng Diyos. Sa huli, nang makita nila kung gaano katatag ang pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos, wala silang magawa kundi hayaan akong umalis.
Kalaunan, nagpapakalat sila ng mga kuru-kuro at tsismis sa mga mananampalataya. Hindi nila pinahihintulutan ang mga ito na makipag-ugnayan sa mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos, at nililinlang ang mga ito para labanan ang Diyos. Binabalaan nila ang bawat tao na mapapatalsik sa simbahan kung susundin ng mga ito ang Makapangyarihang Diyos. Maraming tao ang hindi naglakas-loob na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos dahil sa panlilinlang at panghahadlang na ito. Nang makita kong determinado ang pastor sa pagkontra sa gawain ng Diyos, talagang nagalit ako, at gusto ko mangatwiran sa kanila. Pero alam kong magiging walang saysay lang ang mga pagtatangka ko. Nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyang-liwanag ako para malaman ko kung ano ang gagawin. Nagbahagi sa akin ang isang sister kalaunan, “Noon, iginiit ng mga Pariseo na bumaba ang Panginoong Jesus mula sa krus para mapatunayan na Siya ang Mesiyas, pero hindi Niya ginawa iyon. Kahit na hindi Niya pinatunayan iyon para makita nila, hindi ba’t ipinalaganap Niya ang Kanyang ebanghelyo sa buong mundo? Ang lahat ay pinamumunuan at isinasaayos ng Diyos. Ginagamit niya ang mga kilos ng mga anticristong ito para matukoy natin ang mabuti sa masama. Sa pamamagitan nila, nakikita natin kung paano nililigaw ni Satanas ang mga tao at nakikipaglaban sa Diyos. Nakikita natin ang kasamaan at kawalanghiyaan ni Satanas, kinasusuklaman ito, at tinatanggihan ang mga pastor ng relihiyon. Iyon ang karunungan ng Diyos.” Sumigla ang puso ko nang marinig ang pagbabahagi niya, at hindi na ako napipigilan ng pastor. Dahil mahigpit na sinarhan ng mga pastor ang kanilang mga simbahan, pumunta muna kami sa ibang mga lugar para ibahagi ang ebanghelyo. Hindi nagtagal, maraming tao ang nagsiyasat at tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
Nabasa ko ang ilan pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos pagkatapos niyon. Binigyan ako nito ng higit na kalinawan sa diwa ng paglaban sa Diyos ng mga pastor. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng paglaban ng mga Pariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Pariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang buhay katotohanan. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Pariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa mga layunin ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang gumugulo sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila’y tila may ‘maayos na pangangatawan,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Talagang tinitingala ko dati ang mga pastor. Gumawa sila para sa Panginoon sa loob ng maraming taon at alam na alam nila ang Bibliya. Mukha silang tunay na mapagmahal sa iba. Sa kanilang mga sermon, sinasabi nila sa mga mananampalataya na maging mapagbantay at matiyagang hintayin ang pagparito ng Panginoon, kaya inakala ko na tunay silang mananampalataya na naghihintay sa pagparito ng Panginoon. Pero napawi ang isipin kong iyon sa ipinakita ng mga paghahayag ng mga salita ng Diyos at ng mga katunayan. Mukha silang relihiyoso, pero nang may narinig silang nagpapakalat ng balita tungkol sa pagparito ng Panginoon, lumitaw ang kanilang laban sa Diyos at napopoot sa Diyos na mga mukha. Nang magpatotoo ako sa kanila sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, masyado silang mayabang, at mapagmatigas na kumapit sa literal na mga salita ng Bibliya. Gaano man kamaawtoridad at kamakapangyarihan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ayaw nilang tanggapin ang mga ito, bagkus patuloy na nilalabanan at kinokondena ang mga ito. Kinailangan pa nga nilang gumamit ng mga pagbabanta, pinipigilan ang mga mananampalataya na magsiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Nagpakana sila para pigilan ang mga tao sa pagsisiyasat sa tunay na daan alang-alang sa sarili nilang katayuan at pamumuhay. Natatakot sila na kung mananalig ang lahat sa Makapangyarihang Diyos, wala nang magbibigay sa kanila ng mga handog, at mawawalan sila ng kanilang mga posisyon. Ang lahat ng ginawa nila ay katulad lang ng ginawa ng mga Pariseo laban sa Panginoong Jesus 2,000 taon na ang nakalilipas, na kinondena at isinumpa ng Diyos. Kinondena ng Panginoong Jesus ang mga Pariseo, sinasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok” (Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong mapagbabalik-loob; at kung siya ay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili” (Mateo 23:15).
Sa harap-harapang pakikipagdebate sa kanila, ang Makapangyarihang Diyos lahat ang nagbibigay sa akin ng lakas, at ang mga resulta ay dahil sa kaunting katotohanan na natutunan ko sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Isa talaga itong espesyal na karanasan sa buhay ko. Kung hindi ako nananalig sa Makapangyarihang Diyos at hindi nabasa ang Kanyang mga salita, magiging katulad lang din ako ng ibang mananampalataya, nananalig sa Diyos pero sumasamba at sumusunod sa tao. Hindi ako magkakaroon ng pagkakakilala sa mga mapagpaimbabaw na Pariseong iyon, sa mga anticristong iyon. Humantong sana ako sa maling landas dahil sinamba ko ang pastor, at pinalayas na sana ako ng Diyos. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!