Mga Kaguluhan Mula sa Usap-usapang “Mayo 28”
Sa Unang Pagkakataon na Narinig ko ang Usap-usapang ito Ako ay Nalungkot
Ang aking ina ay isang debotong Kristiyano. Mula nang ako ay nasa hustong gulang upang maunawaan ang mga bagay, madalas niya akong kuwentuhan tungkol sa Panginoong Jesus, sinasabi sa akin na ang Panginoong Jesus ang nag-iisang tunay na Diyos. Noong ako ay 13 taong gulang sumama ako sa nanay ko sa simbahan. Sa panahong iyon nawiwili talaga akong makinig sa mga sermon ng mga pastor, at nagkaroon ako ng ibayong pananampalataya. Aktibo akong nakikibahagi sa bawat pagbabahagi. Subalit unti-unti kong natutuklasan na walang pagpapalinaw sa mga sermong ipinangangaral ng mga pastor. Palagi nilang inuulit ang ilang mga teorya at kaalaman ng Biblia o ilang mga teoryang panteolohiya, at habang nagdaraan ang panahon hindi ako nakatanggap ng kahit kaunting kasiyahan sa pakikinig sa kanilang mga sermon, ni naramdaman ko na ako ay pinaglalaanan ng buhay. Sa gayon, lalong dumalang ang pagpunta ko sa mga pakikibahagi.
Nang makapagtapos nagpunta ako sa Pransya, at naisip kong: “Ang sitwasyon sa mga iglesia sa ibang bansa ay tiyak na mas maayos kaysa sa sitwasyon sa mga iglesia doon sa amin.” Kaya, naghanda kaagad ako sa paghahanap ng isang iglesia. Nang magpunta ako sa isang iglesia ng mga Tsino, natuklasan ko na ang mga sermon na ipinangangaral nila ay halos katulad ng mga ipinangangaral doon sa amin, at wala silang masabing anumang bago. Minsan pagkatapos anyayahan ng iglesia ang ilang mga Amerikanong pastor upang mangaral ng mga sermon, subalit nagsalita din sila nang walang pagpapalinaw. Upang mapanumbalik ang sigla ng iglesia, nagtatag ang mga pastor at ang mga matatanda ng isang pagmamasyal para magpatuloy kaming mga mananampalataya, gamit ang pagliliwaliw at libangan upang pagningasin ang sigasig ng mga sumasampalataya, sa gayon ay pinatatatag ang kanilang panlabas na kapangyarihan at katanyagan. Pagkakita ko na ganito ang iglesia, nahapis ako nang husto, at dahil sa wala akong mapagpipilian ang tanging magagawa ko ay ang iwanan ito. Pagkatapos nito, isinama ako ng ate ko sa pagpunta sa isa pang iglesia, at nagulat ako na ang sitwasyon sa iglesiang ito ay mas malala pa. Ang mga sumasampalataya ay nag-aagawang lahat para sa katanyagan at kayamanan. Ang mga pagtatalo at mga pag-aaway ay nagsimula sa loob ng iglesia hanggang sa huli ay kinailangang ipatawag ang pulisya upang sila ay awatin. Pagkatapos masaksihan ang mga eksenang ito, hindi ko na kailanman ninais na magpuntang muli sa isang iglesia.
Isang araw, habang papunta ako sa bahay ng aking kapatid na babae, patakbo siyang lumapit sa akin na nagsasabing: “Nabalitaan mo na ba? Mayroong lumitaw na isang Kidlat ng Silanganan na iglesia, at nangangaral sila ng napakatatayog na mga sermon, nagtutuon ng pansin sa ‘pagnanakaw’ sa mabubuting tupa sa mga iglesia. Nabalitaan ko na maraming mabubuting tupa at ang kanilang mga pastol mula sa lahat ng mga denominasyon ang tumanggap sa Kidlat ng Silanganan, at sa lahat ng dako ay ipinalalaganap nila ang salita at sumasaksi sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. Nabalitaan ko pa na sa sandaling magsimula kang maniwala sa Kidlat ng Silanganan, hindi ka makalalabas, na kung gusto mong umalis dudukutin nila ang mga mata mo, tatapyasin ang ilong mo at nanakawin ang iyong kayamanan.” Paulit-ulit akong pinaalalahanan ng kapatid kong babae, sinasabing dapat akong maging maingat at dapat kong protektahan ang sarili ko laban sa Kidlat ng Silanganan. Nang makauwi ako sinabi rin ng asawa ko sa akin ang ilang negatibong pahayag sa Kidlat ng Silanganan na natuklasan niya sa Internet. Partikular na naroon ang na Kasong Pagpatay sa isang McDonald sa Zhaoyuan, Shandong noong Mayo 28 na iniuulat ng CCTV. Pagkarinig tungkol dito mas lalo akong natakot, at pagkatapos ng sandaling iyon nagkaroon na ako ng takot sa Kidlat ng Silanganan.
Dahil Nalinlang ng mga Usap-usapan, Pinigilan Ko ang Aking Ina sa Paniniwala sa Kidlat ng Silanganan
Isang gabi, bigla na lamang akong nakatanggap ng tawag mula sa aking kapatid na lalaki na nasa amin na nagsasabing ang aming ina ay naniwala sa Kidlat ng Silanganan. Nasindak ako sa balitang ito: Hindi ito maaari, totoo kaya? Paanong naniwala si nanay sa Kidlat ng Silanganan? Inisip ko ang tungkol sa mga usap-usapan na aking narinig, at nangamba ako na baka may mangyayari sa nanay. Maraming mga gabi na pabiling-biling ako, hindi makatulog. Inisip ko: “Hindi ito maganda! Dapat kong pigilan si nanay, hindi ko siya maaaring hayaang maniwala sa Kidlat sa Silanganan.” Ngunit sa bawat pagkakataong tinatawagan ko siya at sinasabi sa kanya ang mga usap-usapan tungkol sa Kidlat ng Silanganan na nasa internet, agad-agad niyang ibababa ang telepono. Hindi ko siya mahikayat. Pagkatapos noon pinag-usapan namin ng kapatid kong lalaki ang mga bagay-bagay at nagpasyang susundan niya ang nanay at pipigilan siya sa paniniwala sa Kidlat ng Silanganan. Gayunpaman, hindi alintana kung anuman ang pamamaraan na kanyang ginamit, wala itong silbi, ni hindi nagmaliw ang aming ina sa kanyang pananampalataya. Dahil sa kawalan ng mapagpipilian, ako at ang aking mga kapatid ay nag-usap at nagpasyang balaan ang aming ina sa huling pagkakataon: Kapag nagpatuloy siyang maniwala sa Kidlat ng Silanganan kung gayon siya ay iiwanan namin lahat. Sa aming pagkabigla, matatag siya sa kanyang pasya, at iginiit ang kanyang paniniwala sa Kidlat ng Silanganan. Noong Marso 2017, nagpasiya kami ng ate ko na umuwi at dalhin ang nanay namin sa Pransya, iniisip na kung gagawin namin ito mapipigilan namin siya sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Ngunit sa hindi inaasahan, ayaw niyang sumama kahit na matagumpay naming naasikaso ang kanyang visa, kaya nataranta kami ng kapatid ko kagaya ng mga pusa na nasa mainit na bubong habang sinusubukan naming isipin kung ano ang aming magagawa upang mailabas namin ang aming ina. Sa wakas, naisip namin ang isang huling paraan: Lilinlangin namin ang aming ina na sumama sa Pransya upang isagawa ang kanyang pananampalataya sa Kidlat ng Silanganan dito. Sa aming pagkabigla umubra ang panlilinlang na ito, at ang aming ina ay sumang-ayon rito. Gayunpaman, pinasang-ayon kami sa isang kundisyon. Naisip ko: “Hangga’t madadala nito si nanay sa Pransya sasang-ayon ako sa sampung kundisyon, sa isa pa kaya.” Pagkatapos, nalaman ko na ang kanyang kundisyon ay ang umasa siya na ako at ang kapatid kong babae ay titingin sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Upang lansihin ang nanay ko na pumunta ng Pransya wala akong magagawa kundi ang magkunwaring sumasang-ayon sa ganito, ngunit naisip ko sa sarili ko: “Umph! Hindi ako kailanman titingnan iyon! Madala lamang namin siya sa Pransya magkakaroon na kami ng mga pamamaraan upang pigilan siya.” At kaya sumang-ayon ang aming ina na sumama sa amin sa Pransya dahil naniwala siya na tunay kaming sumang-ayon sa kanyang kahilingan.
Hindi pa nakarating ang ina namin sa Pransya ng isang linggo bago niya sinabi sa amin na nakipagkita siya sa isang kapatid na babae mula sa iglesia at nagtakda pa ng isang pagkakataon upang magkita nang personal. Naisip ko: “Mabilis talaga silang kumilos. Kararating pa lang namin at nagkita na sila, ano ang dapat naming gawin? Totoo bang hahayaan namin ang aming ina na makipagkita sa kanila? Kung sasabihin namin sa kanya na hindi siya maaaring makipagkita sa kanila tiyak na hindi niya ito sasang-ayunan; kung sasabihin namin sa kanya na maari siyang makipagkita sa kanila kung gayon dudurugin niyon ang aming mga pag-asa sa pagpigil sa kanya sa paniniwala sa Kidlat ng Silanganan.” Nagpasya ako na sasamahan ko ang aking ina, ngunit sa aking pagkabigla sumalubong sa akin ang matinding pagtutol mula sa aking asawa, sa aking kapatid na babae at sa kanyang asawa. Sa pagpapasya namin na huwag isama si nanay upang makipagkita sa kanila, pagalit niyang sinabi: “Bakit pilit ninyong pinaniniwalaan ang mga kasinungalingang gawa-gawa ng CCP? Ano ba ang CCP? Isa itong ateistang partido pulitikal, at buhat nang ito ay nasa kapangyarihan patuloy nitong sinusupil at ipinagbabawal ang mga relihiyosong mananampalataya, at itinalaga nito ang Kristiyanismo bilang isang masamang kulto, tinatawag ang Banal na Kasulatan na gawa ng isang masamang kulto, nagkukumahog sa pag-aresto at inuusig ang mga Kristiyano sa lahat ng dako, na nagresulta sa pagkakakulong at pagpapahirap sa maraming mga Kristiyano hanggang sa puntong sila ay nasasaktan nang husto at namamatay pa. Nakalimutan na ba ninyo ang tungkol sa makasaysayang mga katotohanang ito? Palagi ng tinututulan ng CCP ang Diyos at naging kaaway ng Diyos, kinamumuhian nito ang salita ng Diyos at ang katotohanan, kinamumuhian nito ang naniniwala sa tunay na Diyos at tumatahak sa tamang landas, at upang hadlangan ang mga tao sa paniniwala sa Diyos at ginagawa nito ang lahat ng mga uri ng kasamaan kagaya ng pagpapasimula sa mga usap-usapan, dinudungisan ang mga pangalan ng mga tao at binibitag at sinisilo ang mga ito. Maaari kayang ni hindi ninyo magawang maunawaan ang ganito? Posible kaya bilang ina ninyo ay itatapon ko ang aking mga anak sa nagbabagang hukay? Nagpunta ako ng Pransya upang papaniwalain kayong lahat sa Makapangyarihang Diyos dito, upang sundin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at tanggapin ang pagkakataong matamo ang ganap na pagliligtas ng Diyos. Hinulaan ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ngayong Ang Panginong Jesus ay nagbalik, dumating sa katawang-tao bilang Makapangyarihang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng milyun-milyong mga salita, at batay sa gawain ng pagtubos na ipinatupad ng Panginoong Jesus, ipinatutupad na niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw mula sa tahanan ng Diyos, upang ganap na malinis at makamit tayong lahat na lubos na pinasama ni Satanas at madala tayo sa kaharian ng Diyos. Isa itong bibihirang pagkakataon! Bakit nakikinig lamang kayo sa mga usap-usapan nang hindi hinahangad at hinahanap ang gawain at salita ng Makapangyarihang Diyos? Ang pananampalataya ba natin sa Panginoon sa maraming taon na ito ay hindi upang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon? Kung hindi ninyo ako papayagang makipagkita sa kapatid na babaeng ito mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos kung gayon ibili ninyo ako ng tiket ngayon, uuwi na ako!” Pagkakita sa nanay ko na napakatatag sa kanyang pasya at pagkarinig sa kanyang nagsasabi ng mga salita sa gayong pagkaunawa at pananaw, wala lahat kaming imik. Gayunpaman, hindi pa rin kami bumigay. Hindi kami handang isama ang ina namin upang makipagkita sa kapatid na babae. Sa lumipas na ilang mga araw, gaano man naming tangkain na mapasaya ang aming ina, saan man namin siya ipasyal o anumang binili namin sa kanya, hindi siya nagpakita ni kaunting gana. Maghapon siyang malungkot na ni hindi siya kumakain. Lubos akong di mapakali pagkakita sa aming ina na ayaw kumain o uminom na kagaya nito. Naisip ko kung paano kaming minahal ng aming ina habang kami ay lumalaki, kung gaano siya kadalang magalit sa harap namin. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang aking ina na nagalit nang husto at masyadong nasaktan, at pinalambot nito ang puso ko. Kaya, pinag-usapan namin ito ng aking mga kapatid na babae at sinabi sa kanila na sa pagkakataong ito susuungin ko ang “panganib” at sasamahan ang aking ina upang makipagkita sa mga mananampalatayang iyon sa Kidlat ng Silanganan.
Ang Mga Usap-usapan ay Bumagsak sa Liwanag ng mga Katotohanan, at sa Pakikinig sa Tinig ng Diyos Ako ay Nagbalik-loob sa Harap Niya
Pagkalipas ng dalawang araw dumating ng gabi ang dalawang kapatid na babae mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa aming tindahan, at pagkakita nila sa nanay ko naaliw sila nang husto at lumapit at niyakap siya. Na parang malapit silang magkamag-anak na nagkitang muli pagkatapos ng pagkakalayo sa isa’t isa ng maraming taon. Pareho silang nag-aalala at gumagalang sa isa’t-isa. Natulala ako pagkakita nito, wala akong magawa kundi maantig sa madamdaming tagpong ito, at nagsimulang kusang tumulo ang mga luha sa aking mukha. Bakit ganito? Paanong ang dalawang tao na hindi pa kailanman nagkita noong una ay tila kagaya lamang ng maiinit na pagkikita ng magkakapamilya? Nakita ko rin na lubos silang kagalang-galang sa kanilang pananalita at paggawi at lubos na palakaibigan at likas na mababait sa paraan ng kanilang pagtrato sa mga tao. Hindi sila kagaya ng ibinabalita tungkol sa kanila! Ngunit pagkatapos ay naisip ko: “Ok, maaaring ganito sila magpakita sa sandaling ito, ngunit hindi ko hahayaan ang sarili ko na malinlang nila, dapat akong magpatuloy sa pagmamasid sa kanila.” Pagkatapos nito, nagsimula akong makipagkita sa mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
Pagkatapos ng ilang beses na pakikipagkita sa kanila napagtanto ko na gusto lamang ng mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na ibahagi sa amin ang tungkol sa katotohanan at ibahagi ang kanilang mga karanasan at kaalaman, hindi nila kami dinaya sa anumang paraan, ni sinaktan nila kami. Sa halip, buong tiyaga nila kaming pinagmalasakitan at tinulungan upang maunawaan ang ilang kabalisahan at mga kahirapan sa paniniwala sa Diyos. Sa simula sila ay sumaksi sa Makapangyarihang Diyos na siyang pagpapakita ng Panginoong Jesus. Hindi ko ito tinanggap sa aking puso, kaya pagkatapos ay ginamit nila ang Biblia upang matiyagang ipaliwanag sa akin ang mga dahilan kung bakit ang relihiyosong mundo ay naging napakasama. Binigyan nila ako ng isang halimbawa, sinasabi sa akin: “Bakit kaya noong katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan ang templo ay naging lungga ng mga magnanakaw kung saan ang salapi ay ipinagpapalit at ang mga baka at mga manok ay ibinebenta? Ang isang dahilan para rito ay hindi sinunod ng mga relihiyosong lider ang mga kautusan at utos ng Diyos, sumusunod lamang sila sa kung ano ang nakaugalian ng tao, sa mga patakaran, at sila ay nagsasagawa ng mga ilegal na gawa, tinututulan ang Diyos at itinatakwil ng Diyos; isa pang dahilan para rito ay ang sumulong na ang gawain ng Banal na Espiritu, ang Diyos ay nagkatawang-tao na, ipinatutupad ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa labas ng templo. Hindi na ipinatutupad ng Banal na Espiritu ang gawain sa templo, ang templo ay naging mapanglaw. Sa kaparehong paraan, ang iglesia sa kasalukuyan ay nakatiwangwang dahil hindi sumusunod ang mga pastor at mga matatanda sa paraan ng Diyos, sumasalangsang sila sa mga utos ng Diyos, lubos nilang tinututulan ang bagong gawain ng Diyos, matagal na silang itinakwil ng Diyos, hindi na ipinatutupad ng Banal na Espiritu ang gawain sa gitna nila; kasabay nito, ito ay dahil din sa ipinatutupad ng Diyos ang bagong gawain sa mga huling araw kaya binawi Niyang lahat ang gawain ng Banal na Espiritu sa buong daigdig at ibinigay sa mga sumusunod sa Kanyang bagong gawain. Minsan pang tinanggap ng mga taong ito ang gawain ng Banal na Espiritu at pumasok sa lungsod ng 'ulan.' Ngunit ang mga hindi tumanggap sa bagong gawain ng Diyos ay maiiwan sa lungsod na kung saan ay walang 'ulan,' at doon sila ay malalanta. Ang 'ulan' na ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu, ito ay tumutukoy sa bagong salita ng Diyos. Lubos nitong tinupad kung ano ang sinasabi sa Aklat ng Amos 4:7: ‘At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo.’”
Ang kanilang pagbabahagi ay talagang naayon sa Biblia, at ito ay naayon sa salita ng Panginoon. Ang kanilang sinabi ay makabuluhan, ngunit dahil ako ay lubos na naimpluwensyahan ng mga usap-usapan na ipinalaganap ng CCP at ng mga pastor at ng mga nakakatanda sa relihiyosong mundo, nag-ingat pa rin ako laban sa kanila at tinutulan sila sa aking puso. Ginawa ko ang lahat upang makahanap ako ng isang butas na aking magagamit upang pasinungalingan sila. Kahit na ganito ang trato ko sa kanila matiyaga pa rin silang nakibahagi kasama ko, na nagpaunawa sa akin sa kalooban ng Diyos at nagpakilala sa gawain ng Diyos. Kinalaunan ang mga kapatid na babae ay nagbahagi kasama ko tungkol sa katotohanan ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Pagkarinig nito ako ay natulala, tila inihayag ng Cristo sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos ang lahat ng mga misteryo ng 6,000-taong plano sa pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay ang ginamit Niya ang pangalang “Jehova” upang pangunahan ang mga buhay ng mga Israelita, at sa pamamagitan ng pagpapalabas ni Moises sa kautusan ipinaalam Niya sa tao ang ukol sa kanyang mga kasalanan; ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang ginamit Niya ang pangalang “Jesus” upang ipatupad ang gawain ng pagtubos, sa bandang huli ipinako sa krus at naging isang handog ukol sa kasalanan para sa tao, sa gayon ay inako ang kanyang kasalanan at pinatawad siya para sa mga ito; ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ay ang ginagamit Niya ang pangalang “Makapangyarihang Diyos” upang ipatupad ang gawain ng paghatol sa tao at paglilinis sa tao sa mga huling araw. Nagpalabas ang Makapangyarihang Diyos ng mga salita upang hatulan ang tao at kastiguhin ang tao, sa gayon ay maitapon ng tao ang kanyang makasalanang kalikasan at tinutulutan ang tao na malinis at tamuhin ang pagliligtas ng Diyos, dinadala siya sa kaharian ng Diyos, at pumapasok sa isang bagong langit at isang bagong lupa. Ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay mahigpit na magkakaugnay, dahang-dahang nagpapatuloy nang mas malalim, nagtutulungan ang bawat isa, walang isa man ang mapapalitan, ang mga ito ang gawain ng isang Diyos, at tinutupad nito ang mga hula sa Aklat ng Pahayag kung saan sinasabi nitong: “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8). “Nagawa na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas” (Pahayag 21:6). Sa sandaling iyon nadama ng aking puso na parang ito ay ginising, at natuwa ako nang husto. Hanggang ngayon taglay ko na ang pananampalataya sa Diyos sa loob ng dalawampung taon, ngunit maging ito man ay sa Pangunahing Lupa ng Tsina o sa ibang bansa hindi pa ako nakarinig ng sinumang pastor o matanda na nangangaral na kasing husay nito. Kung ang pamamahala ng Diyos at ang mga hula ng Biblia ang tatanungin, ang lahat ng mga ito ay pawang misteryo, walang sinuman ang nakakaalam, gayunman ang mga naniniwala sa Kidlat ng Silangan ay nagsasalita nang napakalinaw tungkol sa napakaraming mga bagay, kagaya ng plano ng Diyos sa pamamahala sa sangkatauhan, at ang mga hakbang, mga panuntunan, mga detalye at mga epekto na matatamo sa bawat kapanahunan ng gawain ng Diyos, gayundin ang disposisyong ipinahayag ng Diyos, at ang mga kinakailangan at kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan, na parang binibilang nila ang mahahalagang bagay ng kanilang pamilya. Nakadama ako ng pagpapatibay sa aking puso na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapahayag ng Espiritu ng katotohanan, na ito ang tunay na tinig ng Diyos. Minsang sinabi ng Panginoong Jesus: “Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:13). Ang mga hulang ito ngayon ay natupad ng lahat at naisakatuparan sa pamamagitan ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at ipinatutupad ang Kanyang gawain! Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at ang lahat ng ito ay talagang ipinatupad ng kaparehong Diyos.
Kinalaunan binasa ko rin ang salita ng Makapangyarihang Diyos na nagsasabing: “Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, hindi mo kailanman makukuha ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagka’t ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. … Kung hindi dumating ang Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasayahan ng pamilyang kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, sa gayon, na ihinto mo ang pananaginip, at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon, at kung sino ang tumutupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamtan ang katotohanan, at hindi kailanman makakamtan ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay puno ng awtoridad at kamahalan ng Diyos, at inihahayag nito ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Batid ko na ang ipinatutupad ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng pagpapahayag ng katotohanan at pagkakaloob ng buhay sa tao. Hangga’t tinatanggap natin ang Cristo sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos, at tinatanggap ang salita na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, kung gayon malulutas na natin sa wakas ang pinakaugat ng ating kasalanan. Sa gayon lamang natin matatamo ang daan ng walang hanggang buhay. At ang lahat ng hindi makasabay sa bilis ng gawain ng Diyos, na hindi tumatanggap sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw ay hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa kaharian ng langit, at sa bandang huli maaari lamang silang alisin ng Diyos, na magsasanhi upang sila ay mamatay at mawasak. Sa harap ng paghatol ng mga salita ng Diyos, naisip ko ang tungkol sa kung paano ako nagpabaya sa nakaraang mga taon sa aking pagtrato sa katunayan ng pagbabalik ng Panginoon, at wala akong magawa kundi ang tila matakot, at hindi na ako nangahas na patuloy na tratuhin ang katunayang ito sa gayong kawalang paggalang. Naalala ko rin ang mga sitwasyon kung saan ay nakasundo ko ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at nakita na mayroon silang ilang isinasabuhay sa mga salita ng Diyos: Maging anumang mga usapin ang aking sabihin, palagi silang matiyaga sa pagbibigay sa akin ng isang sagot gamit ang salita ng Makapangyarihang Diyos, hindi sila hihinto hanggang sa maunawan ko; paminsan-minsan ay nagpupunta ang mga kapatid na babae sa aking tindahan, at dahil ang tindahan ay maliit at walang sapat na puwesto para maupuan, tatayo sila sa loob ng ilang oras, at dadalhin pa nila ang sarili nilang pagkain upang pakainin ang mga sarili; paminsan-minsan, upang hindi makaepekto sa aking negosyo, maghihintay sila hanggang gabi kapag ako ay natapos na sa aking negosyo upang makipagkita sa akin at ibahagi ang tungkol sa katotohanan, at sa oras na matapos na ang aming pagtitipon hatinggabi na sila uuwi. Minsan ay mayroong dalawang bababe na nakibahagi kasama ko sa kalaliman ng gabi na wala ng tren para masakyan nila pauwi, kaya nagpalipas sila ng gabi sa istasyon sa subway. Nakita ko ang mga kapatid na ito na nakararanas ng gayong mga paghihirap at naging lubos na mahabagin at matiyaga, at wala akong magawa kundi ang isipin kung ano ang sinasabi ng Biblia: “Sa kanilang mga bunga ay inyong mangakikilala sila. Nakapuputi baga ng mga ubas sa mga tinikan, o ng mga igos sa mga dawagan? Gayon din naman ang bawa’t mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa’t ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama. Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti” (Mateo 7:16-18). Mula ng makipag-ugnayan ako sa mga kapatid na ito mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko na nabuhay sila sa isang paraan na talagang kahanga-hanga, na isinasagawa nila ang dalawang dakilang mga utos na hinihiling ng Panginoong Jesus na isagawa ng mga tao: “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37-39). Hindi ko pangangahasang sabihin na naabot na nila ang mga kinakailangan ng Panginoon, ngunit nakita ko na isinasabuhay nila ang isang bahagi ng realidad ng dalawang utos na ito. At kapag inihambing sa kung paano isinabuhay ng mga kapatid mula sa iba’t-ibang mga denominasyon, ang mga ito ay talagang magkaiba gaya ng langit at lupa, ni hindi isinabuhay ng mga kapatid na ito ang katiting na pagpapatawad at pagtitiyaga, at puno sila ng paninibugho at alitan, at nakikipag-away at nilalabanan ang isa’t-isa, anupa’t sila ay makikipag-away sa isa’t-isa para sa katanyagan at pakinabang at kalagayan sa loob ng iglesia, at tungkol sa kung ano ang puno na kanilang kinabibilangan, maaari itong masabi alinsunod sa kung anong uri ng bunga ang kanilang dala-dala. Ngunit nakadama ako ng pagpapatibay sa aking puso para sa paraan ng pamumuhay ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ang paraan ng kanilang pamumuhay ay hindi huwad, ito ay isang pagpapahayag ng kanilang buhay pagkatapos isagawa ang mga salita ng Diyos. Sapagkat sinusundan nila ang mga hakbang ng Kordero, at taglay ang gawain ng Banal na Espiritu, at taglay ang salita ng Diyos bilang kanilang buhay, naisabuhay nila ang wangis ng isang tunay na Kristiyano na nagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos at sumasaksi sa Diyos. Sa panahong iyon, sa ilalim ng pangunguna ng salita ng Diyos at ang makapangyarihang ganting-salakay ng mga katunayang ito, ang mga usap-usapang ito tungkol sa Kidlat ng Silanganan ay dahan-dahang naglaho sa loob ng aking puso.
Sa Paghahanap sa Katotohanan ng mga Katunayan, Malinaw Kong Nakita ang Ugat sa Pagbabaling ng Sisi ng CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkatapos noon, hindi ko na binantayan ang aking sarili laban sa mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa tuwing may panahon ako babasahin ko ang salita ng Diyos at titingin sa mga video, mga pelikula, mga musikang panoorin, mga himno, mga awitan at iba pang mga gawa na inilalabas ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang lalo kong tinitingnan ang lahat ng ito, mas lalo kong naramdaman na ako ay pinaglaanan, at mas lalong nakadama ng kasiyahan. Pinatototohanan ko mula sa aking puso na ang makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ng Panginoong Jesus. Sa wakas ay naunawaan ko na ngayon kung bakit sinimulan ng mga pastor ng CCP at ng mga matatanda sa relihiyosong mundo ang usap-usapan na “sa sandaling tanggapin mo ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw hindi ka makalalabas.” Ang totoo, hindi sa hindi ka makalalabas, sa halip ito ang gawain ng Banal na Espiritu at ang paglalaan at paggabay ng mga salita ng Diyos ay nasa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kaya kung natatamasa mo ang buhay na tubig ng buhay na ipinagkakaloob ng Diyos sa iyo, at natatamo ang daan ng walang hanggang buhay, kung gayon ay bakit gugustuhin mong umalis? Ayaw ko na rin ngayong umalis, higit sa rito, nanindigan ako na sundin ang Makapangyarihang Diyos sa tamang paraan, at tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos upang magtamo ng kaligtasan at madala ng Diyos sa Kanyang kaharian. Pagkatapos ay naisip ko kung paanong ang mga ate ko ay nalilinlang pa rin at nakagapos pa rin sa ibat-ibang mga usap-usapan, nabibigong sundin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ako ay nangamba nang husto, kaya isinama ko ang dalawang mga kapatid na babae sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang ipalaganap ang ebanghelyo sa kanila. Nagulat ako, ang asawa ng aking pangalawang panganay na kapatid na babae, na isang mananampalataya ng Iglesia ng Tatlong-Katawan, ayaw akong palapitin sa aking kapatid, at inangilan pa niya ako gamit ang isang mukha na puno ng galit: “Binabalaan kita na huwag magpunta sa amin upang ipalaganap ang ebanghelyo! Doon sa amin ay ibinabalita ng balitang CCTV ang Kaso ng Pagpatay sa Zhaoyuan, Shandong noong Mayo 28. Hindi ka ba talaga nababahala dito? Mula ngayon, hindi mo na dapat kami ipakilala sa mga tao mula sa Kidlat ng Silanganan, at huwag mo na silang dadalhin sa bahay.” Nakikita ko na hindi nakita ng aking bayaw ang katotohanan sa mga katunayan at na siya ay nadaya ng mga usap-usapan, na ikinabahala ko nang husto, ngunit hindi ko alam kung paano siya hihimuking makinig. Kinalaunan, nang malaman din ng aking asawa na tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, lalo pa siyang nagsikap na pigilan ako, at mag-oonline pa siya nang madalas upang maghanap ng mga panoorin na may kinalaman sa Kaso ng Pagpatay sa Zhaoyuan noong Mayo 28 at ipapanood ang mga ito sa akin. Pagkakita sa aking pamilya at iba pang mga kamag-anakan na patuloy na nililinlang ng Kaso ng Pagpatay sa Zhaoyuan noong Mayo 28 at ayaw tumingin sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, nalungkot ako nang husto. At, dahil sa aking maliit na katayuan, sa bawat sandaling lalapitan ako ng mga kapamilya ko, hindi ko alam kung paano pasisinungalingan at ilalantad ang mga kasinungalingan ng CCP; sa kabaligtaran dama ko na parang ako ay nagiging negatibo at mahina. Kasabay nito nakadama ako ng pagkalito sa loob: Bakit sisisihin ng CCP Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para sa Pagpatay sa Zhaoyuan noong Mayo 28? Ano ang tunay na katotohanan na nakalihim sa paggawa nito?
Pagkaalam ng mga kapatid sa aking kalagayan sila ay dumating upang tumulong at alalayan ako. Sinabi ko sa kanila: “Naniniwala ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ng Panginoong Jesus, na Siya si Cristo na nagkatawang-tao sa mga huling araw, na ang mga salita na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang lahat ng katotohanang, at nakatitiyak din ako na ang mga usap-usapang iyon ay hindi ang katotohanan. Ngunit may isang bagay na hindi ko nauunawaan. Bakit iniulat ng balita sa CCTV na ang Kaso sa Zhaoyuan noong Mayo 28 ay gawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Ano ba talaga ang Kaso ng Zhaoyuan noong Mayo 28? Maaari ba ninyong ibahagi sa akin ang tungkol dito?”
Sinabi ni Kapatid na Chen: “Salamat sa Diyos! Nagtanong ka ng isang dakilang tanong. Kung hindi natin kikilalanin ang katotohanan sa likod ng usap-usapan, kung gayon madali tayong malilinlang ng mga kasinungalingan at kalokohan ng CCP, mahuhulog sa mga pandaraya ni Satanas, tatanggihan ang Diyos at pagtataksilan ang Diyos, at mabibigong matamo ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Tanging sa pagkaunawa sa katotohanan habang sabay na nagagawang maunawaan ang masasamang motibo ng mga pasimuno ng usap-usapan saka tayo makagagawa ng matatalinong pagpili at hindi madadaya ni Satanas. Magsimula tayo sa pagtalakay tungkol sa kung ano talaga ang nangyari sa Kasong Pagpatay sa McDonald’s sa Zhaoyuan, Shandong. Noong Mayo 28, 2014, sa isang restawran ng MacDonald’s sa Zhaoyuan, pinatay sa bugbog nina Shandong, Zhang Lidong at ng ilan pang mga pinaghihinalaan ang isang babae, at pagkatapos lamang ng tatlong araw nang magsimula ang kasong kriminal, bago dininig sa hukuman at hinatulan ang kaso, ang CCTV, ang tagapagsalita ng CCP, ay hayagang nag-ulat at tinukoy ang kalikasan ng kasong ito, tuwirang hinatulan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pag-isipan natin ang tungkol dito, mahahatulan ba ng isang media ang isang kaso at makabubuo ng isang hatol? Ito ba ay makatuwiran at ayon sa batas? Mayroon bang katotohanan sa gayong mga kapasyahan? Kinalaunan, nang ang ilang pinaghihinalaang mga kriminal ay kinakapanayam ng media, paulit-ulit nilang sinabing lahat na hindi sila kaanib sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ni nakipag-ugnayan sila kailanman sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Noong Agosto 21, 2014, nang magsimula ang pagdinig sa kaso, malinaw na sinabi ng isa sa mga salarin na si Lü Yingchun na: ‘Ako at si Zhang Fan ay ang kakaibang mga tagapagsalita para sa totoong “Makapangyarihang Diyos.” Tinutugis ng pamahalaan ang Makapangyarihang Diyos ni Zhao Weishan, hindi ang aming “Makapangyarihang Diyos.”’ Sapat na ito upang ipakita na ang mga pinaghihinalaang kriminal na ito ay walang kinalaman sa anumang paraan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Gayunpaman, hindi tinanggap ng mga hukom ng CCP ang patotoong ito mula sa mga pinaghihinalaang kriminal, at pilit na sinasabing sila ay mga kaanib sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Idagdag pa, ang mga salaring sina Zhang Fan and Lü Yingchun ay nagpapanggap na ‘Diyos,’ at nagsabi ng mga bagay kagaya ng kung paanong sila ay dalawang makamundong mga katawan na nagsasalo sa iisang kaluluwa, na sa loob lamang ng ilang minuto napag-alaman nila na ang biktima ay isang mabangis na espiritu at na kinailangan nila itong bugbugin hanggang sa ito ay mamatay. At matibay na pinaniwalaang lahat ng iba pang mga pinaghihinalaan ang mga bagay na ito nang walang pag-aalinlangan. Ang mga patotoong ito na ibinigay sa korte ng grupo ng mga taong ito ay hindi magkakatugma, tumpok ng mga bagay na walang kapararakan, at malinaw na ang mga nagpapanggap na ‘Diyos at ang mga sumunod ay walang taglay na pag-iisip at pagkamaykatwiran ng normal na mga tao, sila ay isang grupo ng mga baliw.
“‘Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng mga Taong Hinirang ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian,’ iyan ay Malinaw na Itinalaga ng Makapangyarihang Diyos: ‘Hindi dapat ipagmalaki ng tao ang kanyang sarili, ni itaas ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.’ Ang Diyos ay ang nag-iisang tunay na Diyos, ang Maylalang ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng mga bagay sa mga ito, at walang sinuman ang makapapalit sa Kanya o makapagpapanggap na Siya. Ngunit hindi taglay nina Zhang Lidong at ng kanyang masamang grupo ang Diyos sa loob ng kanilang mga puso, wala ni kaunting paggalang ang kanilang mga puso para sa Diyos. At humantong pa sila sa pagpatay sa isang tao sa mataong lugar habang nangangahas magpanggap bilang Diyos Mismo. Malinaw na ang mga ito ay mga tao na nawalan ng konsensya at katuwiran ng mga normal na tao, at malinaw na sila mismo ay sinaniban ng masasamang espiritu. Malinaw na sinasabi ng mga panuntunang pang-ebanghelyo ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na walang sinuman ang pinahihintulutang mangaral sa mga nagtataglay ng gawain ng masasamang espiritu at sinasaniban ng masasamang espiritu. Ni walang dahilan para pag-usapan na tatanggapin sila sa iglesia—nalalaman ito ng lahat! Kaya, makikita ng lahat ng medyo nakauunawa na ang kaso ng Shandong Zhaoyuan ay ganap na isang kasong legal na gawa-gawa ng CCP upang bitagin, sisihin at hiyain Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.”
Nagkaroon na ako sa wakas ng pagkaunawa sa kung ano ang nangyari sa Kaso ng Zhaoyuan noong Mayo 28 pagkatapos makinig sa pakikibahagi ng Kapatid na Chen. Lumilitaw na isa itong panlilinlang na nabuo sa mga kamay ng CCP. Nakita ko kung gaano kasama at kawalanghiya ang CCP; umabot pa ito sa pamemeke ng isang kasong legal upang gumawa ng huwad na mga asunto laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at walang pakundangang dinadaya at nililinlang ang mga Tsino at ang mga tao sa buong mundo! Napakasama nito!
Ipinagpatuloy ni Sister Liu ang pagbabahagi, na sinasabing: “Bakit ngayon gugustuhin ng CCP na hayagang bitagin at sisihin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para sa Kasong Pagpatay noong Mayo 28 sa McDonald’s sa Zhaoyuan? Alam nating lahat na ang CCP ay isang ateistang partido pulitikal, na kinamumuhian nito ang katotohanan, na simulat sapul na ito ay nagkaroon ng kapangyarihan palagi nitong galit-na-galit na sinusupil at inuusig ang relihiyosong paniniwala, na upang lubos na mapasama ang relihiyosong paniniwala tinawag nito ang Kristiyanismo na isang masamang kulto at ang Biblia bilang gawa ng isang masamang kulto, at na galit-na-galit nitong ipinaaresto, sinupil at inusig ang mga Krisitiyano. Ito ay isang katunayan na makikita ng lahat! Muling dumating ngayon ang Diyos sa katawang-tao upang magpakita sa Tsina para ipatupad ang Kanyang gawain; iyon ay, ipinatutupad ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng mga salita upang hatulan ang tao, linisin ang tao at iligtas ang tao. Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay inilathala na sa online, para hangarin at siyasatin ng mga tao mula sa lahat ng mga bansa at lahat ng mga bayan. Ang mga kapatid mula sa lahat ng mga denominasyon na tunay na naniniwala sa Diyos at maging ang maraming hindi sumasampalataya, pagkabasa sa salita ng Makapangyarihang Diyos, kinikilala ng lahat na ito ang katotohanan, na ito ang tinig ng Diyos, at isa-isa silang nagbalik-loob sa harap ng Makapangyarihang Diyos. Ang CCP, pagkakita sa ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng kaharian na lumalawak at nagniningning na kagaya nito, ay lubos na nasindak at nataranta. Natatakot ito na mabasa ng mga tao ang salita ng Makapangyarihang Diyos, dahil sa sandaling maunawan ng mga tao ang katotohanan makikita nila nang malinaw ang mala-satanas at mala-demonyong esensiya ng CCP sa panlilinlang at pagpapasama sa sangkatauhan at paglaban sa Diyos, at pababayaan nila ito at pagtataksilan ito, sa gayon ay lalapit sa harap ng Diyos, at sa ganitong paraan hindi na sila maniniwala sa CCP o susundin ito. Upang protektahan ang diktatoryal nitong pamamahala, upang magkaroon ng walang hanggang pagkontrol sa mga Tsino, at itatag ang Tsina bilang isang ateistang rehiyon, ginamit ng CCP ang Kaso ng Zhaoyuan noong Mayo 28 upang lumikha ng isang malaking kaguluhan sa bayan upang magdulot ng mga maling paratang at siraang-puri Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa isang banda, nililinlang nito ang mga tao na hindi nakauunawa sa katotohanan, at pinalulutang sa masa ang isang maling pagkaunawa at pagpapasama sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na nagiging dahilan upang kasuklaman nila Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ang mga naniniwala sa Makapangyarihang Diyos, na nagtutulot sa kanila na huwag mangahas na hangarin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw; sa kabilang banda, nagbibigay ito sa CCP ng isang makatuwirang dahilan at pinatatatag ang opinyon ng publiko upang masupil at pigilin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa hinaharap. Gaya ng nalalaman ng lahat, ang CCP, bago ang panunupil sa relihiyosong paniniwala, mga etnikong minorya o mga mag-aaral sa kolehiyo, ay lilikha ng isang marahas na pangyayari upang gumawa ng mga maling paratang laban sa mga grupong ito, at pagkatapos ay susupilin nito ang mga ito gamit ang puwersa ng militar. Kagaya halimbawa ng kilusan ng mag-aaral na Ika-4 ng Hunyo. Unang inudyukan ng CCP ang ilang mga nagpapasimuno upang makihalubilo sa mga mag-aaral, upang simulan ang mga pag-aaway at mga kaguluhan, sa gayon gumawa ito ng mga kasinungalingan at lumikha ng mga kasong legal upang ibaling ang sisi sa mga mag-aaral sa kolehiyo, at pagkatapos gumamit ito ng dahas upang supilin sila. Ito ang istratehiya na patuloy na ginagawa ng CCP upang puksain ang mga sumasalangsang at upang protektahan ang sarili nitong diktatoryal na pamamahala. Nang magkaroon ng maramihang mga protesta ng mga tao sa Tibet, sinundan ng CCP ang kaparehong itinakdang pamamaraang ito, at ganoon din ang nangyari sa Kaso sa Shandong Zhaoyuan. Kaya, kung malinaw nating nakikita ang nakasusuklam at mala-satanas at mala-demonyong mukha ng CCP at ang sinadyang layunin nito sa pagsisimula ng mga usap-usapan, hindi natin paniniwalaan ang mga usap-usapan ng CCP, o malilinlang nito, o mahuhulog sa mga panlilinlang nito.”
Pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng mga kapatid bigla kong napagtanto: Ginagamit ng CCP ang tagapagsalita nito sa media upang ipalaganap ang mga usap-usapan, at ginawa nito ang ganito upang supilin at usigin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at upang linlangin at pigilan tayo sa pagsisiyasat sa tunay na daan at pagbabalik-loob sa Diyos. Ang CCP, upang mapatatag ang sarili nitong kapangyarihan at protektahan ang sarili nitong mga pakinabang, upang matamo ang layunin nito ng walang hanggang kontrol sa mga tao, talagang ginamit ang lahat ng mga panlilinlang na maihahasik nito, lubos talaga itong mandaraya at masyadong masama! Kung hindi nga lamang sa mga pagbabahagi ng mga kapatid hindi ko makikita ang katotohanan sa mga katunayan, malilinlang pa rin sana ako ng mga usap-usapan. Naalala ko kung paanong noong una ay basta na lamang ako naniwala sa mga usap-usapan na ipinalalaganap dahil hindi ko nauunawaan ang katotohanan sa mga katunayan, kung paano kong tinanggap ang mga usap-usapan at pinanatili na ang mga ito ang katotohanan, at kung paanong nagsilbi pa ako bilang tapaglingkod ni Satanas na paulit-ulit na pagtangkang pigilan ang nanay ko sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Tunay na masuwayin ako sa Diyos! Nahiya akong ipakita ang mukha ko sa harap ng mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at lalong hindi ako karapat-dapat na lumapit sa harap ng Diyos. Gusto ko talagang itago ang ulo ko sa buhangin. Sa pagbabalik tanaw sa panahong iyon, nagtataka ako kung paanong nagpakatanga ako. Paanong ako ay sinaniban upang maniwala sa mga usap-usapan ng CCP, nang hindi tumitingin upang makinig sa tinig ng Diyos? Hindi ko mapigilan ang luha ng pagsisisi sa pag-agos sa aking pisngi, yumukod ako sa harap ng Diyos at nanalangin: “Makapangyarihang Diyos, noong una ako ay naging tanga at mangmang at hindi naunawaan ang mga bagay, basta ko na lamang pinaniwalaan ang mga usap-usapan at sinunod si Satanas sa paglaban sa Iyo, at pabagsak ko pang isinara ang pinto nang paulit-ulit sa Iyong pagliligtas, naging bulag talaga ako! Kung hindi dahil sa Iyong habag at kung hindi Mo kinilos ang mga kapatid na ito upang paulit-ulit na mangaral sa akin, sa gayon mawawala ko ang dakilang pagliligtas na ito. Mahal na Diyos, mula ngayon ay handa akong makipagtulungan sa Iyo sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, upang dalhin sa Iyo ang mga nabubuhay sa kadiliman at ang mga nalinlang ni Satanas, upang masuklian Kita para sa Iyong dakilang pag-ibig. Maging anumang uri ng pag-uusig at mga kapighatian ang harapin ko, determinado ako na sundin ka, hindi ako patatangay!”
Tinangka ng Pamilya Ko na Pigilan Ako sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo, Ngunit Inakay Ako ng Salita ng Diyos sa Pagtatagumpay Laban sa Pagkubkob ni Satanas
Kalaunan nang ipinalalaganap ko na ang ebanghelyo sa dalawa kong kapatid na babae, nagdaan ako sa isang malaking sagabal. Dahil sa ang asawa ng kapatid kong babae ay nalinlang nang husto ng mga usap-usapan ng CCP, hindi lamang sa hindi niya ako hinayaang maibigay sa aking kapatid ang patotoo ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, ngunit nagsabi din siya ng napakaraming masasamang bagay upang tuligsain ako at nagbantang puputulin ang ugnayan naming magpapamilya. Dahil naniniwala ang aking asawa sa mga tsismis at mga kasinungalingan ng CCP, ang pag-uusig niya sa akin ay nagpatuloy na umigting. Hindi lamang sa makikipag-away siya sa akin sa bahay, ngunit susubaybayan pa niya ako nang palihim, at gumamit pa ng lahat ng mga uri ng mga pamamaraan upang usigin at pagbantaan ako, sinasabi na kung magpapatuloy ako sa paniniwala sa Diyos kung gayon ay isusuplong niya ako sa embahada. Kaharap ng gayong mga sagabal at pag-uusig, kinasuklaman ko nang husto ang CCP, sapagkat palaging ito ang siyang nagsisimula ng mga tsismis upang alipustain at siraang-puri ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na naging sanhi upang ang mga miyembro ng aking pamilya ay malinlang hanggang sa puntong tinangka nila akong pigilan at usigin ako sa ganitong paraan. Ginusto kong sumigaw nang ubod nang lakas: “Tao lamang ako na naniniwala sa Diyos at tinatahak ang wastong landas ng buhay, bakit napakahirap nito!” Sa panahon ng aking pagdurusa at kahinaan, naisip ko ang tungkol sa salita ng Panginoong Jesus na nagsasabing: “Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at kayo’y pinaguusig, at kayo’y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin” (Mateo 5:11). Ang salita ng Paninoon ay nagbigay-daan upang mapagtanto ko na ang mga pinag-uusig sa pangalan ng katuwiran ay pinagpala. Isa itong pinagpalang bagay na ako ay sinisiraang-puri at pinag-uusig sa kasalukuyan dahil sa pananampalataya ko sa Diyos, hindi ako dapat mahapis sa pagdurusang ito, dapat itong makapagpasaya sa akin, dahil may halaga at kahulugan sa ganito, at itinagubilin ng Diyos na tiisin ang gayong pagdurusa. Kinalaunan, binigyan ako ilang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ng mas maraming salita ng Makapangyarihang Diyos na mababasa, gayundin ng ilang mga pelikula at iba pang mga panoorin tungkol sa mga kapatid na nagiging saksi sa pamamagitan ng pag-uusig at mga kapighatian, at sa paggawa nito, tinulungan at inaliw nila ako, at naipaunawa sa akin ang kalooban ng Diyos. Binasa ko ang salita ng Makapangyarihang Diyos na nagsasabing: “Sa bawat hakbang ng paggawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at nangangailangan sa tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyo ay pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). “Punasan mo ang iyong mga luha, huwag kang masaktan o magdalamhati, ang lahat ay hawak Ko sa Aking mga kamay at ang Aking layunin ay gawin kayong ang mga mananagumpay sa lalong madaling panahon at dalhin kayo sa kaluwalhatian sa Aking piling. Magiging mapagpasalamat ka at magpupuri para sa lahat ng nangyayari sa iyo, at iyan ay magbibigay-kasiyahan sa Aking puso. … Maging tapat sa Akin higit sa lahat ng anupaman, sumulong nang may katapangan; Ako ang iyong matibay na bato, manalig sa Akin!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Inakay ako ng paggabay ng mga salita ng Diyos upang maunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa totoo lang, ang kapaligiran na kinaroroonan ko ay parang hinahadlangan ako ng pamilya ko sa paniniwala sa Diyos at sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, ngunit, sa likod ng mga pangyayari, si Satanas ang lumilikha ng kaguluhan. Ito ay isang digmaan sa espirituwal na mundo. Nais ni Satanas na gawin akong negatibo at mahina sa pamamagitan ng mga usap-usapan at ng pag-uusig ng aking pamilya, at nais nitong mawala ko ang aking pananampalataya at iwan at pagtaksilan ang Diyos, ngunit kalooban ng Diyos na subukin ako sa pamamagitan ng ganitong uri ng kapaligiran, upang makita kung matatanaw ko o hindi ang mga bagay alinsunod sa salita ng Diyos, upang makita nang malinaw ang mga pakana ni Satanas, at maging matatag at manindigan sa totoong daan. Bagamat maliit ang katayuan ko at maraming mga katotohanan ang hindi ko nauunawaan, hindi ako maduduwag dahil sa mga bagay na ito. Pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, ang lahat ng mga bagay at ang lahat ng mga nilikha ay nasa mga kamay ng Diyos. Hangga’t taglay ko ang pagtulong ng Diyos wala akong anumang kinatatakutan, gaano man ako patuloy na pagbantaan ng aking asawa hindi niya ako totoong masasaktan kung hindi ipinahintulot ng Diyos. Hindi ako dapat mahulog sa mga pandaraya ni Satanas, dapat akong taimtim na umasa sa Makapangyarihang Diyos at mabuhay sa salita ng Diyos, at naniniwala ako na tiyak na gagabayan ako ng Diyos tungo sa tagumpay laban sa pagkubkob ni Satanas. Dahil dito nanalangin ako sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos, Iniaalay ko sa Iyo ang aking mga pasasalamat at ang aking papuri! Bagamat ang kapaligirang ito na kinaroroonan ko ngayon ay hindi kaayon sa aking mga pagkaintindi, kumbinsido ako na ang Iyong mahabaging kalooban ay nakapaloob rito; bagamat nagdusa ako nang husto at nanghihina, nakahanda akong makipagtulungan sa Iyo at mananatili sa aking panata sa iyo, nakahanda akong maging saksi at magdulot ng kahihiyan kay Satanas sa harap ng pag-uusig, para sa Iyo ako ay matagumpay na magpapatotoo upang aliwin ang Iyong puso!” Pagkatapos manalangin, nakadama ako ng isang napakatinding lakas sa loob ko, at nakadama ako ng pagtitiwala sa pagharap sa mga pagsubok at pagkubkob ni Satanas. Kinalaunan, nang ang aking asawa ay minsan pang gumagamit ng mga usap-usapan upang subuking linlangin ako, sinabi ko sa kanya sa isang palaban at matuwid na tinig: “Maaari mong paulit-ulit na sabihin sa akin ang mga salitang ito ng isanlibong beses at wala pa rin itong kabuluhan; ibaon mo man ako sa mga usap-usapan, huwag isipin na malilinlang ako.”
Pagkatapos maranasan ang mga kaguluhang ito, nakita ko na sa diwa ang mga usap-usapang ito ay mga kasinungalingan, na ang mga ito ay mga silo at mga patibong na inilatag ni Satanas para sa tao, at na ang mga ito ay isang lason na nanlilinlang sa tao, ang salarin na nagpawatak-watak sa aking pamilya, at isang sagabal sa aking daan sa pagbabalik-loob sa Diyos. Nakikita ko ang katotohanan sa kasalukuyan, kumbinsido ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang anyo ng Panginoong Jesus, at hindi ko na paniniwalaan pa ang mga usap-usapan, ni malilinlang o makokontrol ako ng mga ito. Habang naninindigan sa aking patotoo, nakita ko ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos, dahil maya-maya, nang ipinapalaganap ko ang ebanghelyo sa aking kapatid na babae na pangalawang panganay, tumigil ang aking asawa sa pagharang sa akin, at ipinagmaneho pa niya ako papunta sa kanyang bahay. Pagkatapos niyang makinig sa salita ng Diyos, nakilala rin niya na ito ang tinig ng Diyos, at naging handa siya na hangarin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at tinawagan pa niya ang aming pinakamatandang kapatid na babae upang magtakda ng isang pagtitipon para kami ay magkasama-sama upang suriin at tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa pagtanaw ko sa lahat ng nangyari, nagpasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso, sapagkat ginabayan ako ng Diyos sa aking pinakamahirap na mga araw at dinala ako sa Kanya, tinanggap ang kanyang pagliligtas sa mga huling araw. Ang lahat ng kapurihan ay sa Makapangyarihang Diyos! Amen!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.