Ang Unos ng Diborsyo ay Napahupa

Nobyembre 7, 2024

Ni Lu Xi, Japan

Noong 2015, isang kaibigan kong babae ang naghikayat sa akin na magsimulang maniwala sa Makapangyarihang Diyos. Matapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sabik na sabik kong nilamon ang salita ng Diyos, at sa pamamagitan nito naintindihan ko ang maraming misteryo ng katotohanan na dati ay hindi ko alam, katulad ng: ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto, paano isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa bawat yugto, ang koneksyon sa pagitan ng tatlong yugto ng gawain, ano ang pagkakatawang-tao, at kung bakit kailangang maging tao ng Diyos. Ito ang mas nagpatiyak sa akin na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Simula nang ako ay magkaroon ng patnubay ng mga salita ng Diyos, hindi ko na pinalipas ang oras sa panonood ng TV katulad ng ginawa ko noon, at sinabi sa akin ng aking asawa: “Nahikayat ka ng iyong pananampalataya sa Diyos na magbasa, mas mabuti iyan kaysa panonood ng mga teleseryeng Koreano araw-araw. Ito ay talagang nagpapaligaya sa akin.” Kahit na ang aking asawa ay hindi pumupunta sa mga pagtitipon, siya ay palaging naniwala na may isang Diyos dahil ang kanyang ina ay isang mananampalataya—sinuportahan din niya ang aking pananampalataya sa Diyos. Karaniwan, tuwing makakakuha ako ng kaunting kaliwanagan mula sa salita ng Diyos ito ay ibabahagi ko sa aking asawa, at sinang-ayunan din niya ang pagkakaroon ng pananampalataya. Nang maglaon, ang aking asawa ay nagtaka kung bakit palagi kong binabanggit ang “Makapangyarihang Diyos” samantalang ang pinaniwalaan ng kanyang ina ay ang Panginoong Jesus, kaya siya ay nag-online upang alamin ang tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ngunit sa hindi inaasahan, nakita niya na ang internet ay puno ng mga tsismis, maling patotoo at kalapastanganan laban sa Makapangyarihang Diyos. Lubha siyang nilason nito at nagsimulang tutulan ang aking pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Simula nang mabasa ko ang salita ng Makapangyarihang Diyos at marinig ang pagbabahagi at mga patotoo ng mga kapatid, tiyak ko na sa aking puso na ang Makapangyarihang Diyos ay ang iisang tunay na Diyos, at alam ko na ang mga bagay na iyon sa online ay mga tsismis at kasinungalingan lamang na sinadya upang linlangin ang mga tao. Gayunpaman, ang aking asawa ay napaniwala ng mga tsismis at nabigong maintindihan ang realidad ng sitwasyon, gaano ko man sinubukan na hikayatin siya at patotohanan sa kanya ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ayaw niyang makinig.

Pagkaraan ilang panahon, sa tulong ni Sister Yinghe, na paulit-ulit na nagbahagi at nagpatotoo sa aking asawa, sa wakas siya ay atubiling sumang-ayon na tingnan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Gayunman, ang aking asawa ay naimpluwensyahan ng kanyang ina at medyo konserbatibo tungkol sa Biblia, kaya upang malutas ang problema niyang ito, inirekomenda ng ilang sister na panoorin namin ng asawa ko ang pang-ebanghelyong pelikulang Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia. Gayunpaman, hindi ko ipinagawa iyon sa kanya. Sa halip, kumilos ako sa aking sariling inisyatibo at ipinanood ko sa kanya ang pelikulang Kumawala sa Bitag, na nagbubunyag kung paano nilalabanan ng gobyernong CCP at mga anticristo ng relihiyosong mundo ang gawain ng Diyos. Matapos mapanood ang isang bahagi lang ng pelikula, sinabi niya: “Ang CCP ay isang ateistang gobyerno, at ang China ay isang ateistang bansa na palaging inuusig ang mga mananampalataya. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay sinusugpo ng gobyernong CCP, at tayo ay isang kamay lamang, na hindi kailanman maaaring mapabagsak ang paa. Paano kung arestuhin tayo pagbalik natin sa China? Bukod pa riyan, lahat ng uri ng bagay ay sinasabi online, at hindi ko masasabi kung ano ang tama at ano ang mali. Palagay ko hindi ka pa rin dapat maniwala rito.” Hinimok ko ang aking asawa na tapusin ang panonood ng pelikula at pagkatapos ay magdesisyon siya, pero ayaw niya. Nakikitang ipinilit kong panatilihin ang aking pananampalataya, minsan ay galit siyang sumugod sa akin, sinasabing: “Kung pinipilit mong maniwala, sige, maniwala ka, kung gusto mong maaresto, sige paaresto ka. Pero kung maaresto ka nga, huwag mong sabihin na asawa mo ako! Hindi mo ba alam na hirap na hirap ako ngayon? Kung hindi ako maniniwala, natatakot ako na ito ang tunay na Diyos, ngunit kung ako ay maniniwala, naroon ang lahat ng bagay online at pati ako ay manganganib na maaresto. Kaya sino ba talaga ang dapat kong pakinggan?” Nakikitang naghihirap ang aking asawa dahil apektado siya ng mga tsismis na iyon sa online, napagtanto ko kung gaano talaga kalaking pinsala ang nagagawa ng mga tsismis at maling patotoo na gawa-gawa ng gobyernong CCP. Hindi lamang nila hinahadlangan ang pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan, kundi sinisira din nila ang mga relasyon ng pamilya. Tila ang mga taong nag-iimbento ng mga tsismis at nagbibigay ng maling patotoo ay mga anak ng diyablong si Satanas, wala nang iba!

Isang araw, dumating ang aking asawa mula sa trabaho at nakita na ako ay nasa isang pagtitipon. Kaagad siyang sumimangot, at padabog na binuksan ang pinto at umalis. Ang oras ng hapunan ay dumating at lumipas, pero hindi ko pa rin siya nakitang bumalik—hindi ko maiwasan na magsimulang mag-alala. Sa wakas ay umuwi siya nang alas-otso subalit galit pa rin siya. Binalak kong ipaghain siya, pero malamig niyang sinabi sa akin na: “Huwag ka nang mag-abala! Dahil hindi ka nakikinig sa akin at ipinagpapatuloy mo ang iyong pananampalataya, mula ngayon huwag mo na akong pakialaman. Mula ngayon responsable lamang ako sa ating mga gastusin sa buhay, at anuman ang gagawin ko sa labas ng bahay na ito ay wala kang kinalaman! Kahit gumawa pa ako ng anumang makakasira sa pamilyang ito, wala ka pa ring pakialam dito!” Nang marinig ko ito mula sa aking asawa, mas lalo akong nabalisa nang lalo ko itong isipin. Nang gabing iyon pabiling-biling ako sa higaan, hindi makatulog, patuloy na nananalangin sa Diyos sa aking puso: “Diyos ko! Ang aking asawa ay nalinlang ng mga tsismis at tinatangkang pahinain ang aking pananampalataya sa Iyo, at nagsasalita siya ng mga bagay na nakakasakit sa damdamin. Ano ang dapat kong gawin? Ipakita Mo sana sa akin ang paraan! Ayaw kong mahiwalay sa Iyo.” Kinaumagahan, bigla kong naalala ang ilang salita ng Diyos na naibahagi sa amin sa isang pagtitipon: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag naglalaban sa espirituwal na dako ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Sa pamamagitan ng kaliwanagang hatid ng salita ng Diyos ako ay medyo nagising: Sa panahong ito palagi nakatutok ang tingin ko sa aking asawa, at pakiramdam ko ay parang napakaraming pagkukunwari at pandaraya ngayon sa mundo, na kahit saan ay puno ng mga kasinungalingan at panlilinlang, lalo na sa lahat ng kasinungalingan at maling pahayag na nagmumula sa media ng CCP. Akala ko mapag-iisipan ito sandali ng kahit sino na may kaunting katalinuhan at pagkatapos ay mapagtatanto na ang mga salitang ito sa online na umaatake, humahatol at tumutuligsa sa Makapangyarihang Diyos ay pawang kasinungalingan at walang katuturan, na sila ay hindi dapat malinlang at malito sa mga ito. Pero sa kasawiang-palad, naniwala ang aking asawa sa mga tsismis na kanyang narinig online, at talagang naramdaman ko na hindi siya dapat naniwala roon. Sa panahon na iyon hindi ko na maisip na hindi ako ang dahilan. Ang Diyos iyon na sinusubukan ako, ginagamit ito upang subukan kung ang aking pananampalataya sa Kanya ay totoo o hindi, upang tingnan kung kaya kong kumapit nang matatag sa tunay na daan habang inaatake ako ni Satanas, at kung kaya kong magpatotoo sa Diyos o hindi habang nasa gitna ako ng pagsubok na ito. Nang matanto ko ang kalooban ng Diyos, nahawi ang manipis na ulap na nakabalot sa aking puso at isipan, at medyo sumigla ang aking puso.

Kinabukasan habang nag-aagahan kami, ang aking asawa ay mukhang masungit pa rin at hindi ako kinakausap, ngunit dahil ako ay may paggabay ng mga salita ng Diyos, hindi ako nag-alala o natakot na tulad ng nakaraang araw. Malumanay kong sinabi sa kanya na: “Ako ay naniniwala sa Diyos at wala akong anumang nagawa kailanman upang biguin ang pamilyang ito. Kung nais mong gawin ito, ikaw lang ang pumapayag na maging masama, hindi ito dahil sa aking pananampalataya sa Diyos.” Pagkarinig sa akin na sinabi ito, ang tono ng aking asawa ay naging mas malumanay, at sinabing niyang: “Hindi ba sinabi ko lamang ang mga bagay na iyon dahil ayaw mong makinig sa akin at patuloy mong iginigiit na ipagpatuloy ang iyong pananampalataya?” Pagkatapos ay wala na siyang ibang sinabi, at ang unos ay lumipas. Salamat sa Diyos! Ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng lakas upang magtagumpay laban sa mga tukso ni Satanas!

Ngunit ang isang mabuting bagay ay hindi nagtatagal magpakailanman. Makalipas ang isang buwan muling nagbubukas ng computer ang asawa ko at nagbabasa ng mga tsismis na iyon online. Isang araw pag-uwi niya mula sa trabaho nakita niya na nakaupo ako sa harap ng computer, at sinimulan niya akong sigawan: “Nahihibang ka na yata! Nakapag-isip-isip na ako: Tatalikuran mo kaagad ang pananampalataya mo o kailangan na nating magdiborsyo. Napag-isipan ko na rin ang isyu tungkol sa ating dalawang anak; puwede mo silang isama pareho, pero hula ko hindi mo magagawang mamalagi sa Japan, kaya ibalik mo ang mga anak natin sa Shanghai, at bawat buwan bibigyan din kita ng suportang 100,000 yen para sa mga bata. At kung ayaw mo sa mga bata okey lang din, anuman ang piliin mo! Nagbasa-basa pa ako tungkol sa mga paglilitis sa diborsyo. Ang kailangan lang natin ay magpunta sa opisina ng ward at pareho tayong pumirma sa kasunduan sa diborsyo, kaya sabihin mo lang sa akin kung saan ka pumapanig!” Pagkatapos ko siyang marinig na sabihin ang lahat ng iyon, kumakabog ang puso ko at parang umuugong ang ulo ko. Nakaupo lang ako roon at hindi makaimik, at nalimutan ko pang manalangin sa Diyos. Ang nasa isip ko lang ay, kung magdiborsyo kami, paano na ang mga bata? Puwede silang sumama sa akin, pero hindi ko sila kayang buhayin! Kung hindi ko sila isasama, nakakaawa sila kung mawalan sila ng ina! At nariyan pa ang aking mga magulang, mga kaibigan at iba pang mga kamag-anak, ano ang iisipin nila sa akin? Masarap mangibang-bansa, pero kung magdiborsyo kami paano pa makakapagtaas ng noo ang mga magulang ko sa harap ng iba…. Kaya, hindi ko sinagot ang asawa ko; sinabi ko lang sa kanya na kailangan ko pang pag-isipan iyon. Nagtungo ako sa kuwarto ko at nagsimula akong umiyak nang husto. Nang lalo kong pag-isipan ang buhay ko pagkatapos ng diborsyo, lalo akong nasaktan. Magdamag akong hindi nakatulog, at nabasa ng luha ang punda ng unan ko. Kinabukasan, pumasok sa trabaho ang asawa ko nang walang sabi-sabi, at noon lang ako nanalangin sa Diyos, na hinihiling na bigyan Niya ako ng dagdag na lakas para madaig ko ang kahinaan ng laman. Habang nabubuhay ako sa lusak ng pagdurusa at hindi ko alam ang gagawin, ikinuwento ko sa ilang kapatid ang nangyari. Pinalakas nilang lahat ang loob ko at inalo ako, na sinasabi na isa ito sa mga tukso ni Satanas na pinagdaraanan ko, at tinulungan akong matutong umasa sa Diyos. Sabi nila hindi ako maaaring mawalan ng pananampalataya o magkamali sa pag-unawa sa Diyos. Ibinahagi rin nila sa akin ang mga karanasan at patotoo ng iba pang mga kapatid, at ibinahagi kung paanong ang Diyos ang Siyang nagliligtas sa sangkatauhan, na si Satanas lamang ang nananakit sa atin, pinagdurusa tayo, at sinisira ang relasyon natin sa ibang mga tao. Binasa rin ila sa akin ang isang sipi mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag hindi nailigtas ang mga tao, ang mga buhay nila ay madalas na pinanghihimasukan, at maaaring pinamamahalaan, ni Satanas. Sa madaling salita, ang mga tao na hindi pa naililigtas ay mga bilanggo ni Satanas, sila ay walang kalayaan, hindi pa sila binibitawan ni Satanas, sila ay hindi naaangkop at walang karapatan na sumamba sa Diyos, at sila ay labis na tinutugis at nilulusob nang matindi ni Satanas. Ang ganitong mga tao ay walang kaligayahan na masasabi, wala silang karapatan sa isang normal na pag-iral na masasabi, at higit pa rito, wala silang dangal na masasabi. Tanging kung ikaw ay maninindigan at makikipaglaban kay Satanas gamit ang iyong pananampalataya at pagsunod sa Diyos, at takot sa Diyos, bilang iyong mga sandata na gagamitin para sa isang buhay-at-kamatayan na pakikipaglaban kay Satanas, kung saan sukdulan mong matatalo si Satanas na magiging dahilan ng pag-urong ng buntot nito at pagiging duwag sa tuwing makikita ka, upang tuluyan na nitong itigil ang mga paglusob at paratang laban sa iyo—saka ka lang maililigtas at magiging malaya(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Ipinatanto sa akin ng salita ng Diyos na tuwing hindi ko isinasagawa ang aking pananampalataya sa Kanya, lubos akong nabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, na isa akong alipin at laruan ni Satanas. Matapos akong magkaroon ng pananampalataya, nilisan ko ang teritoryo ni Satanas at nagbalik sa harapan ng presensya ng Diyos; dahil tinalikuran ko si Satanas, ayaw nitong patalo, kaya ginamit nito ang asawa ko para atakihin ang mga kahinaan ko. Ginamit nito ang diborsyo para mapilitan akong pagtaksilan ang Diyos at magbalik sa teritoryo nito. Talaga panlilinlang ito ni Satanas. Nag-alala ako kung ano ang gagawin sa mga bata pagkatapos ng diborsyo, kung ano ang magiging tingin sa akin ng mga tao sa aking bayang tinubuan, at kung paano makapagtataas ng noo ang aking mga magulang sa kanilang mga kapitbahay. Lahat ng kaisipang ito ay nagmula sa mga paggambala ni Satanas, at kung kontrolado ako ng mga kaisipang ito ay makokontrol ako ni Satanas, at kalaunan ay maaakay akong ilayo ang aking sarili mula sa Diyos o tanggihan ko pa Siya, at muli akong bumalik sa teritoryo ni Satanas. Ang aking pananampalataya at pagsamba sa Lumikha ay lubos na mga positibong bagay, ito ang batas sa langit at prinsipyo sa lupa, at walang taong may karapatang manghimasok dito, subalit ginagawa ni Satanas ang lahat para kontrolin ako, para itulak akong pagtaksilan ang Diyos. Talagang kasuklam-suklam at kamuhi-muhi si Satanas! Sa sandaling iyon, alam ko na wala akong pananampalatayang haraping mag-isa ang mga tukso ni Satanas, pero handa akong umasa sa Diyos at umasa sa patnubay ng salita ng Diyos na tahakin ang landas na nasa harapan ko, at determinado akong tumayo sa panig ng Diyos at magpatotoo sa Kanya; hindi ako susuko kay Satanas sa anumang paraan. Nang mangyari ito sa akin, sa huli ay nakasumpong ng kaunting katatagan ang puso kong di-mapakali at humupa ang aking pagdurusa.

Kalaunan, muling ibinahagi sa akin ng ilang kapatid ang salita ng Diyos: “Kung walang pahintulot ang Diyos, mahirap para kay Satanas na hipuin kahit na ang isang patak ng tubig o butil ng buhangin sa lupa; kung walang pahintulot ang Diyos, ni hindi malaya si Satanas na galawin man lamang ang mga langgam sa lupa—lalo na ang sangkatauhan, na nilikha ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, mas mababa pa si Satanas sa mga liryo ng kabundukan, sa mga ibon na lumilipad sa himpapawid, sa mga isda sa karagatan, at sa mga uod sa lupa. Ang papel nito sa lahat ng bagay ay para pagsilbihan ang lahat ng bagay, at gumawa para sa sangkatauhan, at pagsilbihan ang gawain ng Diyos at ang Kanyang plano ng pamamahala. Kahit gaano pa kasama ang hangarin ng kalikasan nito, at gaano man kasama ang diwa nito, ang tanging bagay na magagawa nito ay ang tapat na gawin ang tungkulin nito: ang magsilbi sa Diyos, at ang salungatin ang Diyos. Ito ang diwa at kinatatayuan ni Satanas. Ang diwa nito ay hindi kaugnay sa buhay, hindi kaugnay sa kapangyarihan, hindi kaugnay sa awtoridad; laruan lamang ito sa mga kamay ng Diyos, isa lang makina na nagsisilbi sa Diyos!(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). Mula sa salita ng Diyos napagtanto ko na ang awtoridad ng Diyos ang pinakadakila, kontrolado ng Diyos ang kalangitan at lupa at lahat ng bagay, at lahat ng atin ay nasa Kanyang mga kamay. Ang aking diborsyo at ang aking pamilya ay nasa mga kamay rin ng Diyos, at kung walang pahintulot ng Diyos walang magagawa si Satanas. Nadiborsyo man ako o hindi ay nasa ilalim na lahat ng kapangyarihan at tadhanang itinakda ng Diyos—wala sa asawa ko ang huling salita, kaya naging handa akong sumuko sa kapangyarihan at mga plano ng Diyos. Naisip ko ang mga walang pananampalataya na nagdidiborsyo. Ang ilan ay ginagawa iyon dahil sa pera, ang ilan ay ginagawa iyon dahil may kalaguyo ang kanilang asawa, at ang ilan ay ginagawa iyon dahil basta nasisira ang kanilang relasyon…. Gusto akong diborsyohin ng asawa ko dahil pinili kong manalig sa Diyos at tumahak sa tamang landas ng buhay, na pagsikapang matamo ang katotohanan at mamuhay nang makabuluhan. Marangal iyan, hindi nakakahiya! Noon mismo naisip ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Ang pananampalataya ay parang isang trosong tulay: Yaong mga nakakapit nang mahigpit sa buhay ay mahihirapang tumawid dito, ngunit yaong mga handang isakripisyo ang kanilang sarili ay makakatawid, nang hindi nahuhulog at walang pangamba. Kung ang tao ay nagkikimkim ng mga mahiyain at matatakuting saloobin, iyon ay dahil naloko siya ni Satanas, natatakot na tatawirin natin ang tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos. Sinusubukan ni Satanas ang lahat ng posibleng paraan para ipadala sa atin ang mga ideyang ito. Dapat nating ipanalangin sa Diyos sa bawat sandali na tanglawan tayo ng Kanyang liwanag, umasa sa Diyos sa bawat sandali na alisin ang lason ni Satanas mula sa ating kalooban, magsagawa sa ating espiritu sa bawat sandali kung paano mapalapit sa Diyos, at hayaang magkaroon ang Diyos ng kapamahalaan sa ating buong katauhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6). Minsan pa akong binigyan ng mga salita ng Diyos ng pananampalataya at lakas, isang landas na susundan, gayundin ng lakas ng loob na harapin ang asawa ko. Tama—ang tanging magagawa ko ay tumigil na sa pag-iingat. Anuman ang kahinatnan ng landas na tatahakin ko, walang mali sa pagtahak sa landas ng pananampalataya!

Nang makauwi ang asawa ko noong gabing iyon, sinabi ko sa kanya nang malinaw at simple: “Ayaw mong manalig ako sa Makapangyarihang Diyos, pero para sa akin imposible iyan. Kung gusto mong makipagdiborsyo bahala ka!” Medyo hindi nakapagsalita ang asawa ko nang marinig niya ito, at nang wala na siyang mapagpilian, sabi niya: “Malinaw na hindi na kita kayang pigilan! Maraming sinasabi online—kung hindi kita pipigilan, balang araw kapag may nangyari sa iyo ako ang mananagot. Ginagamit ko lang ang diborsyong ito para takutin ka, pero ayaw mo pa ring talikuran ang pananampalataya mo sa Diyos. Kung may mangyari sa iyo dahil sa pananampalataya mo, malalaman ng nanay mo, kaya huwag ako ang sisihin mo.” Mula noon, hindi na siya nag-alala sa pananampalataya ko sa Diyos; mahimalang nagbalik ang dati naming relasyon at hindi na binanggit ang pagdidiborsyo. Ganito nasugpo ang init ng diborsyo na sanhi ng mga tsismis na ikinalat ng gobyernong CCP.

Kalaunan nagkaroon ng isang pagkakataon na kapwa kami sinipon ng nakababata kong anak na babae. Noon ay medyo umaambon, pero kinailangang pumunta ng nakatatanda kong anak na babae sa praktis, kaya wala akong nagawa kundi ihatid siya, na hinihila ang pagod kong katawan kasama ang nakababata kong anak na babae. Nang malaman ito ng asawa ko, sabi niya: “Nagpagod kang masyado ngayon. Lu Xi, may napansin akong pagbabago sa iyon nitong huli. Naging mas mapagmahal ka sa mga bata at talagang masipag ka.” Nang marinig ko ang mga salitang ito mula sa asawa ko, nagpasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos sa puso ko dahil alam ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang nagpabago sa akin. Dahil ang mga salita ng Diyos ang aking pundasyon, may direksyon ang buhay ko, alam ko kung ano ang wastong pagkatao at kung ano ang tiwaling disposisyon. Sa pagkilos lamang ayon sa salita ng Diyos ka maaaring mamuhay nang may angkop na pagkatao. Dahil dito, hindi ko na hinahayaang basta-basta uminit ang ulo ko sa aking mga anak, at hindi na ako nabubuhay para lamang magkaroon ng kasiyahan. Unti-unti, natuklasan ko na nagbago rin ang asawa ko. Dati-rati pakiramdam niya ay siya palagi ang tama, pero ngayon kapag nag-aasikaso siya ng ilang bagay ay hihingin niya ang opinyon ko. Nagbigay pa siya ng patotoo sa kanyang mga kaibigan tungkol sa awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Nakikita ang mga bagay na ito, napuspos ng pasasalamat ang puso ko. Diyos ko, talagang makapangyarihan Ka sa lahat! Ang Iyong mga salita ang lakas namin sa buhay, at gaano man katindi ang pagkaagresibo o galit ng puwersa ni Satanas, basta’t mayroon kami ng Iyong mga salita para gabayan kami magagawa naming daigin ang lahat ng tukso ni Satanas, at mamuhay nang payapa sa ilalim ng Iyong pangangalaga at pag-iingat.

Salamat sa Diyos sa pagsasaayos ng lahat ng ito para sa akin, at sa pagtutulot na maranasan ko ang Kanyang salita at maunawaan ko ang maraming katotohanan. Sa pagdanas sa ganitong mga klase ng sitwasyon nakita ko na talagang kasuklam-suklam si Satanas, na nag-iisip pa ito ng lahat ng posibleng paraan para hikayatin ang mga tao na talikuran ang Diyos at maging biktimang lalamunin nito. Kasabay nito nakita ko rin na kontrolado ng Diyos ang lahat ng bagay at isinasaayos ang lahat ng bagay; kung walang pahintulot ng Diyos, hindi mahalaga kung tumindi pa ang galit ni Satanas. Wala itong magagawang anuman, wala itong maisasakatuparang anuman—ni hindi nito mahihipo ni isang buhok sa ating ulo. Hangga’t mayroon tayong pananampalataya, at umaasa tayo sa salita ng Diyos para mabuhay, magagawa nating daigin ang maitim an impluwensya ni Satanas, tumayong saksi para sa Diyos at maghatid ng kaluwalhatian sa Diyos! Pinapatunayan din ng mga katotohanan na ang mga tsismis at maling patotoo online ay hindi makatarungan. Mga katotohanan at panahon ang magpapatunay sa lahat, at sa huli masusulat sa kasaysayan ang mga tsismis na ito na may walang-hanggang kahihiyan, tulad lamang ng “Ateismo,” “teorya ng ebolusyon ni Darwin” at “Komunismo.” Magiging tanda ang mga ito ng walang-hanggang kahihiyan para sa gobyernong CCP. Makikinig ang mga tupa ng Diyos sa tinig ng Diyos, gaano man katindi ang paghadlang ni Satanas, lahat ng tapat na nananalig sa Diyos at nagmamahal sa katotohanan, ay magagawang iwaksi ang panlilinlang at sunud-sunod na mga tsismis, na dumarating sa harap ng Diyos at natatamo ng Diyos. Ito ay dahil isang bagay ito na nais isakatuparan ng Diyos—walang isa man sa mga puwersa ni Satanas ang maaaring humadlang dito!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Bilanggo ng Sarili Kong Pamilya

Ni Jingxun, Thailand Tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw noong 2019. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, nakita ko kung paano...