Ano ang Nasa likod ng mga Pag-atake ng Mga Kamag-anak Ko

Oktubre 29, 2024

Ni Lingmin, Tsina

Punong-guro sa paaralan ang ama ko, at madalas niyang itinuturo ang tungkol sa materyalismo sa paaralan at sa bahay. Itinuro niya sa amin na nakasalalay ang kaligayahan sa sarili naming pagsusumikap, na kailangan naming magsumikap para mamukod-tangi at magbigay ng karangalan sa aming mga ninuno. Sa pangunguna ng mga salita at halimbawa ng aming mga magulang, palagi kaming nagsusumikap ng mga kapatid ko. Nagnegosyo kami, o naging mga opisyal, at kahit papaano ay nagtagumpay. Noong tagsibol ng 2007, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Araw-araw kong binabasa ang mga salita ng Diyos, regular na nakikipagbahaginan sa mga kapatid, at nagkamit ako ng ilang pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Talagang kahanga-hanga ang mga salitang ito: “Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at bukod dito, Siya ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhang ito, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi’t araw. Ang pag-unlad at paglago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi mailalabas mula sa mga disenyo ng Diyos. Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang namamahala sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at mangumpisal sa harap ng Diyos, at kung hindi, ang magiging kapalaran at hantungan ng tao ay isang hindi maiiwasang sakuna(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Pinasigla ng mga salita ng Diyos ang puso ko. Ang Diyos ang Lumikha, at Siya ang gumagabay at tumutustos sa tao hanggang sa araw na ito. Higit pa rito, Siya ang namumuno sa mga kapalaran natin. Tanging sa pagsamba sa Diyos, pagsisisi sa Kanya, at pagtanggap sa Kanyang kaligtasan tayo magkakaroon ng magandang hantungan. Nalaman ko rin na ang Tagapagligtas, ang Makapangyarihang Diyos, ay pumarito sa mga huling araw para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol, para ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan, para akayin tayo paalis sa impluwensya ni Satanas at tungo sa magandang hantungan na inihanda ng Diyos para sa atin para magkaroon tayo ng magandang hantungan at kahihinatnan. Nadama kong labis akong pinagpala na maaaring kong matanggap ang Makapangyarihang Diyos, at sumumpa ako sa sarili ko na manampalataya ako nang mabuti, hahangarin ang katotohanan, at gagawin ang tungkulin ng isang nilikha para suklian ang pagmamahal ng Diyos.

Pero pagkatapos, nang ibunubuhos ko na ang lakas ko sa aking tungkulin, inaresto ako ng Partido Komunista. Isang tanghali noong Marso 2009, dumating ang mga pulis sa pagtitipon namin, dinakip ako at ang tatlong sister ko, at ilegal kaming ikinulong sa istasyon ng pulisya. Mabangis akong sinigawan ng hepe ng Public Security: “Sabihin mo sa amin ang nalalaman mo! Sino ang nagpabalik-loob sa iyo? Sino ang lider ng iglesia ninyo? Kung magsasalita ka, pauuwiin kita kaagad. Pero kung hindi ka makikipagtulungan, dahil sa lahat ng relihiyosong aklat na nahanap namin sa bahay mo, pwede ka naming ipakulong nang lima o anim na taon!” Nang makita ko ang mabangis na pagmumukha niya, nagsimulang kumabog ang dibdib ko. ‘Di ko alam kung paano nila ako tatratuhin. Agad akong nagdasal, hinihiling sa Diyos na bantayan ako, na bigyan ako ng pananalig at lakas, at hayaan akong matatag na makapanindigan. Naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos pagkatapos magdasal: “Yaong mga nasa kapangyarihan ay maaaring mukhang masama sa tingin, ngunit huwag kayong matakot, sapagkat ito ay dahil maliit ang inyong pananampalataya. Hangga’t lumalago ang inyong pananampalataya, walang magiging napakahirap(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 75). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng pananalig at lakas. Ganap na nasa mga kamay ng Diyos ang lahat ng bagay. Nakakatakot ang hepe ng Public Security, pero nasa mga kamay din siya ng Diyos. Kasangkapan siya na naglilingkod sa Diyos. Wala siyang kontrol kung masesentensiyahan man ako—ang Diyos lang ang mayroon. ‘Di ako pwedeng matakot sa harap ng mga pang-aabuso niya. Nakita nilang ayaw kong magsalita, kaya ikinulong nila ako at ang tatlong iba pa sa isang detention center nang may paratang na paggambala sa kaayusan ng lipunan.

Isang umaga, ‘di inaasahang narinig kong may sumigaw ng pangalan ko. Kinabahan ako. Iimbestigahan na naman ba nila ako? Tinanong na nila ako noon, at wala akong anumang sinabi. Napaisip ako kung gagamitan ba nila ako ng mas malulupit na taktika. Sa takot, tahimik akong nagdasal sa Diyos, at unti-unti akong nakakalma. Dinala ako ng mga pulis sa isang malaking silid. Pagkapasok ko, nakita ko ang ama ko, at nanlumo ako. Bakit nila dinala rito ang ama ko? Noon pa man ay tinututulan na niya ang pananalig ko, kaya paano niya ako pakikitunguhan ngayong naaresto na ako? Bago pa ako makapagsalita, hinampas ako ng ama ko sa ulo nang tatlong beses. Nahilo ako at natuliro. Matigas niyang sinabi: “Pinagbawalan kitang manampalataya, pero ipinilit mo, at ngayong naaresto ka na, nasira ang pangalan ko! Sabihin mo sa kanila ang lahat tungkol sa pananalig mo. Sinabi ng pulis na pakakawalan ka nila sa sandaling umamin ka, pero masesentensiyahan ka nang mabigat kung hindi mo ito gagawin!” Nang makita ang matandang mukha ng ama ko, kumirot ang puso ko. Halos 80 na siya, at laging pinakamahalaga sa kanya ang reputasyon niya. Paano niya kakayanin kung masentensiyahan ako? Tapos, bigla siyang lumuhod. Naluluha niyang sinabi: “Nang malaman ‘to ng nanay mo, nagkasakit siya. Nakaratay siya sa bahay, nakasuwero. Sabihin mo sa kanila ang nalalaman mo at umuwi na tayo!” Nang maharap sa lahat ng iyon, ‘di ko napigilan ang mga luha ko. Mula sinaunang panahon, ang mga anak lang ang lumuluhod sa mga magulang nila, hindi ang kabaligtaran. Naisip ko ang mga hirap na tiniis ng mga magulang ko sa pagpapalaki sa akin, kung paano nila ako tinulungan sa sarili kong mga anak. Kailangan pa rin nilang mag-alala sa akin, sa gayon katandang edad. Hindi sila mahaharap sa ganoong pasakit at paghihirap kung hindi ako isang mananampalataya. Pakiramdam ko’y may pagkakautang ako sa kanila—sobrang sama ng loob ko. Tapos, natanto ko na wala ako sa tamang kalagayan. Mabilis akong nagdasal, “Diyos ko! Masakit para sa akin ang sitwasyong ‘to. Nanghihina ako. Pakiramdam ko’y may pagkakautang ako sa mga magulang ko. Hindi ko alam ang gagawin. Bigyang-liwanag at gabayan Mo po ako para maunawaan ko ang kalooban Mo at maging matatag ako.” Pagkatapos kong magdasal, naisip ko kaagad kung ano ang napagpasyahan kong gawin sa harap ng Diyos—na maging matatag sa pananampalataya ko, sundin ang Diyos, at laging hangarin na mahalin Siya. Sa sandaling ‘yon, natauhan ako. Naisip ko rin ang mga salita ng Diyos: “Wala bang kakayahan ang mga tao na isantabi ang kanilang laman sa maikling panahong ito? Anong mga bagay ang makakasira sa pagmamahalan sa pagitan ng tao at ng Diyos? Sino ang makapaghihiwalay sa pagmamahalan sa pagitan ng tao at ng Diyos? Ang mga magulang ba, mga asawang-lalaki, magkakapatid na babae, mga asawang-babae, o ang masakit na pagpipino? Mapapawi ba ng mga damdamin ng konsiyensya ang larawan ng Diyos sa kalooban ng tao? Sariling kagagawan ba ng mga tao ang pagkakautang at mga kilos nila tungo sa isa’t isa? Malulunasan ba ng tao ang mga iyon? Sino ang makakaprotekta sa kanilang sarili? Natutustusan ba ng mga tao ang kanilang sarili? Sino ang malalakas sa buhay? Sino ang nagagawang iwan Ako at mabuhay sa kanilang sarili?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 24 at 25). Pinuno ako ng mga salita ng Diyos ng panunumbat sa sarili. Ang mismong hiningang ito ay ibinigay sa’kin ng Diyos, at binibigyan ako ng Diyos ng lahat ng kailangan ko para mabuhay. Ang tahimik na pag-aalaga at pagpoprotekta sa akin ng Diyos ang tanging dahilan kung bakit ako nabuhay hanggang sa araw na ‘yon. Isinaayos Niya ang lahat para gabayan ako na lumapit sa Kanya at tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Napakadakila ng pagmamahal ng Diyos! Hindi ko pwedeng ipagkanulo ang Diyos dahil sa takot na masaktan ang mga magulang ko. ‘Tsaka, nasa mga kamay ng Diyos ang kalusugan nila, at walang saysay ang pag-aalala ko. Nalulungkot sila at nasasaktan dahil sa pang-aapi ng Partido Komunista. Kung makikita nila ang kasamaan ng Partido, hindi nila mararamdamang napahiya sila, at hindi sila maloloko ni Satanas. Nang isipin ko ‘to sa ganitong paraan, ‘di na gaanong sumama ang loob ko. Nanumpa ako na maninindigan sa aking patotoo, kahit na makulong pa ako. Pinunasan ko ang mga luha ko at tinulungan kong tumayo ang ama ko. Pagkatapos, dumating ang lima o anim na pulis at pinalibutan ako. Sinabi ko sa kanila, “Wala akong nalalaman.” Tinitigan ako ng isa at sinabing, “May natitira ka pang limang minuto.” Galit na galit ang ama ko. Sinampal niya ako nang ilang beses pa, lumuhod at sinabing, “Kung hindi ka magsasalita, luluhod ako dito sa harap mo hanggang mamatay ako! Hindi pinahihintulutan ng Partido ang mga relihiyosong paniniwala—ang kapal ng mukha mong lumabag dito! Bilisan mo at umamin ka na! Tapos ay makakauwi na tayo.” Natanto ko noon na palilinlang ito ng mga pulis. Gusto nilang pilitin ako ng ama ko na maging Judas at ipagkanulo ang iba. Napakataksil ng mga pulis na ‘yon! Nagalit ako, at sumama ang loob ko. Tinulungan kong tumayo ang ama ko, at pinalibutan na naman ako ng lima o anim na pulis, para pagsalitain ako. Tiningnan ko sila at mahinahon kong sinabi, “Wala akong nalalaman.” Mayamaya lang ay tumunog ang telepono ng ama ko, at ipinasagot niya sa’kin ‘to, Naririnig ko ang ina ko sa phone, nagmumura at nagsasabing, “Ikaw ang ikamamatay ko! Hindi pinahihintulutan ng gobyerno na manalig, pero ipinipilit mo ito. Huwag kang umasang malalabanan mo sila! Sabihin mo na lang sa kanila ang nalalaman mo at bumalik ka na! Ano’ng gagawin namin ‘pag nahatulan ka? Paano makakahanap ng asawa ang anak mo? Mapapahiya rin kaming lahat. Isipin mo naman kami!” Naluluhang ibinaba ko ang telepono at pinanood ang ama ko na lumakad paalis. Nang makabalik ako sa aking selda, naisip kong muli ang maysakit kong ina na nakaratay sa kama. Kung may mangyaring masama sa kanya, mabibigo ko siya. Habang mas naiisip ko iyon, mas lalong sumasama ang loob ko. Hindi ko napigilang mapaluha. Doon ko napagtanto na ang mga pagmamahal ko ang kahinaan ko. Taimtim akong nagdasal sa Diyos. Hiniling ko sa Kanya na gabayan akong manindigan, na hindi mamuhay batay sa emosyon. Naalala ko ang sinabi ng Diyos: “Bakit hirap na hirap ang mga tao na ihiwalay ang kanilang sarili sa kanilang mga damdamin? Higit pa ba ito kaysa sa mga pamantayan ng konsiyensya? Maisasakatuparan ba ng konsiyensiya ang kalooban ng Diyos? Makatutulong ba ang mga damdamin upang malagpasan ng mga tao ang kahirapan? Sa mga mata ng Diyos, ang mga damdamin ay Kanyang kaaway—hindi ba ito malinaw na nakasaad sa mga salita ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 28). Minulat ako ng mga salita ng Diyos. Ang mga emosyon ay kaaway ng Diyos at ang pinakamalaking hadlang sa pagsasagawa ng katotohanan. Kapag namumuhay tayo batay sa emosyon, nalalayo tayo sa Diyos at ipinagkakanulo Siya. Naipit ako sa damdamin ko para sa mga magulang ko. Inakala ko na malaking pagkakasala ang kawalan ng galang sa kanila, at naging masama akong anak dahil dito. Nang makita ko kung gaano sila kalungkot at kasama ang loob dahil sa pagkaaresto ko, pakiramdam ko’y may pagkakautang ako sa kanila. Pakiramdam ko ay nagsikap sila nang husto para palakihin ako, pero hindi ko sila sinuklian, at pinagdusa pa sila para sa akin. Mataas ang pagpapahalaga ko sa kabaitan ng mga magulang ko, pero nakalimutan kong ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng buhay. Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng tao, at ang Kanyang hininga ng buhay ang nagtustos sa’kin hanggang sa araw na ‘to. Kung ano ang mayroon ako ay dahil sa gabay at panustos ng Diyos. Napakaraming ibinigay sa atin ng Diyos nang walang hinihinging kapalit. Sa mga huling araw, muling nagkatawang-tao ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, nagtitiis ng matitinding kahihiyan, pati ng pagtugis at pang-aapi ng Partido Komunista. Ibinigay ng Diyos ang lahat para sa sangkatauhan—napakadakila ng pagmamahal Niya! Ang dapat nating sambahin at sundin ay ang Diyos. Maaaring nagpabuti sa aking materyal na buhay ang pag-aalaga sa’kin ng mga magulang ko, pero hindi nila maibibigay sa akin ang katotohanan. Hindi nila ako maliligtas mula sa katiwalian ni Satanas o mabibigyan ng magandang hantungan at kahihinatnan. Kung ipagkakanulo ko ang iba at pagtataksilan ang Diyos para lang sundin ang kahilingan ng mga magulang ko, hindi ako magkakautang sa kanila, pero itataboy ako ng Diyos, at mawawalan ng Kanyang kaligtasan magpakailanman. Sa puntong iyon ay nakita ko na ginagamit ni Satanas ang pagmamahal ko sa mga magulang ko para tuksuhin ako, para sa huli ay ilayo ako sa Diyos, ipagkanulo ko Siya, at mawalan ako ng pagkakataon sa kaligtasan, bumaba sa impiyerno at mawasak kasama nito. Hindi ako pwedeng mahulog sa panlilinlang ni Satanas. Ipinaaalala nito sa akin si Pedro, na may mga prinsipyo at nanindigan laban sa kanyang mga magulang. Matatag siya sa kanyang pananalig at sinundan ang Panginoong Jesus kahit anong pilit nilang pigilan siya. Sa huli, ang kanyang pagmamahal sa Diyos ay napagtagumpayan ang lahat at nakamit niya ang pagsang-ayon ng Diyos. Talagang nagbibigay-motibasyon ito sa akin!

Sa ikalimang araw, nagdala ng tatlong liham ang mga pulis para basahin ko, isinulat ang mga ito ng aking ina, anak na babae, at anak na lalaki. Sinulat ng anak kong lalaki: “‘Nay, nitong mga nakaraang taon sa hukbo, inaasam-asam ko ang pagsasama-samang muli ng buong pamilya. Hindi naging madali para sa’kin na magpalipat at bumalik, at ngayon ay nakakulong ka. Kung wala ka sa bahay, masyadong nakapanlulumo. ‘Nay, sabihin mo na lang sa pulis ang tungkol sa relihiyon mo! Kung makukulong ka, makakaapekto ‘yon sa mga pagkakataon ko sa trabaho at kasal. Kahit na hindi mo iniisip ang sarili mo, dapat isipin mo ako…” Sa puntong ito ng sulat, hindi ko napigilang umiyak. Kung talagang masisira ang kinabukasan niya dahil sa pagkakulong ko, ‘di ko na alam kung paano siya haharapin. Siguradong kamumuhian niya ako. Pakiramdam ko na parang puno ng mga balakid ang landas ng pananalig, at kailangang gumawa ng pagpapasya sa bawat hakbang. Nagdasal ako sa Diyos sa puso ko: “O Diyos, talagang nasasaktan ako, at nanghihina. Pakiusap, bantayan Mo po ang puso ko at palakasin ang pananalig ko.” Sa selda, nalaman ng isang sister ang pinagdadaanan ko at pinaalalahanan niya ako na ‘wag mahulog sa panlilinlang ni Satanas. Namulat ako dahil doon. Naisip ko kung paanong, sa bawat sandali, ginagamit ni Satanas ang lahat ng uri ng paraan para akitin at linlangin tayo na ipagkanulo ang Diyos. Maaari tayong mahulog sa lambat ni Satanas sa sandaling ‘di tayo maging mapagbantay. Kailangan nating patuloy na patahimikin ang ating mga puso sa harap ng Diyos, at magdasal at sumandal sa Kanya para makilala ang mga panlilinlang ni Satanas, matamo ang proteksyon ng Diyos, at makapanindigan nang matatag. Nang gabing ‘yon, nahiga ako sa kama, ‘di makatulog, at tahimik akong nagdasal sa Diyos. Naalala ko ito sa Kanyang mga salita: “Sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mong gampanan ang iyong tungkulin. Para sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong pinagmulan, at anumang paglalakbay ang nasa iyong harapan, walang makakaiwas sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Langit, at walang sinumang may kontrol sa sarili nilang tadhana, dahil Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahang gawin iyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Tama ‘yan. Sa buong buhay natin, isinaayos ng Diyos ang mga tadhana natin, at walang sinuman ang makakapagpabago nito. Hindi ko makokontrol kung ano’ng uri ng trabaho o kasal mayro’n ang anak ko sa hinaharap. Gaano karaming konsiderasyon man ang ibigay ko sa mga anak ko, hindi ko mababago ang kanilang mga kapalaran, at makukulong man ako o hindi ay pinagpapasyahan din ng Diyos. Hindi ako makakaalis doon dahil lang sa gusto ko. Ang kailangan kong gawin ay ipagkatiwala sa Diyos ang lahat at magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Pagkatapos nun, naisip ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dapat kang magdusa ng paghihirap alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay-pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at integridad ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong hangarin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makahulugan. Kung namumuhay ka ng gayong mahalay na buhay, at walang hinahangad na anumang mga layunin, hindi ba’t sinasayang mo ang iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa ganitong pamumuhay? Dapat mong talikuran ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa nag-iisang katotohanan, at hindi mo dapat isuko ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang integridad o dangal; walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Binigyan ako ng pananalig at lakas ng mga salita ng Diyos. Bilang isang mananampalataya, ang tanging paraan para makamit ang pagsang-ayon ng Diyos ay ang hangarin ang katotohanan at gawin ang tungkulin ng isang nilikha. Iyon lang ang maituturing na buhay na may halaga, at anumang bigat ng pagdurusa ay mahalaga para makamit ang katotohanan. Kung ipagkakanulo ko ang mga kapatid at ang iglesia para lang masiyahan ang pamilya ko, ako’y magiging isang Judas na nagtataksil sa Diyos. Iyon ang magiging pinakamalaking kahihiyan, at isusumpa ako ng Diyos dahil dito. Kahit na may masayang pamilya at maginhawang buhay, magiging hungkag at walang kabuluhan ito, at magiging isa lang akong naglalakad na bangkay. Sa isiping ito, mas naging determinado akong sundin ang Diyos. Anumang mga taktika ang gamitin ng mga pulis, magpapatotoo ako at ipapahiya si Satanas!

Pinatawag ako ng mga pulis sa main hall sa ikaanim na araw, kung saan nakita ko ang tito ko, asawa ko, ang anak kong lalaki at ang anak na babae. Niyakap ako ng mga anak ko at umiyak, sinasabing: “‘Nay, umuwi ka na!” Nakatayo ang asawa ko sa gilid habang umiiyak. Tapos ay naluluhang sinabi ng tito ko: “Lingmin, sinabi ng mga pulis na makakauwi ka na sa sandaling may sabihin ka sa kanila, at ‘di mo na kailangang makulong. Masisira ang kinabukasan ng anak mong lalaki kung makukulong ka. Sisirain nito ang pamilya! Makinig ka sa akin, at kausapin mo sila!” Sa sandaling ‘yon, malinaw ang puso ko. Alam kong nasa likod ng mga panghihikayat ng pamilya ko ang pakana ni Satanas, at na kahit bigyan ko lang sila ng kaunting impormasyon, pipilitin ng mga pulis na marami pang makuha sa akin, at marami pang iba ang huhulihin. Sa isiping ito, sinabi ko: “Bilang mananampalataya, tinatahak ko ang tamang landas sa buhay. Wala akong ginagawang ilegal, kaya wala akong dapat aminin. Umuwi na kayo.” Habang pabalik ako sa selda, naisip ko na paulit-ulit ginagamit ng mga pulis ang mga mahal ko sa buhay para tuksuhin ako, para pilitin akong ipagkanulo ang mga kapatid at pagtaksilan ang Diyos. Napakasama ng Partido Komunista! Sila ay mga demonyong lumalaban sa Diyos! Pagkatapos nun, pinapunta ako ng isang pulis sa opisina at mayabang na sinabi: “Kumusta ang pagbisita ng pamilya mo?” Nang makita kong natutuwa siya sa masamang sitwasyong ito, sobra akong nagalit na kinuha ko ang tatlong liham sa bulsa ko, pinunit ang mga ‘yon, inihagis sa mesa, at sinabing: “Isa akong mananampalataya at matuwid na tao. Wala akong ginawang masama. Bakit pinahikayat mo ako sa kanila? Anong batas ang nilabag ko?” Pagkatapos ay lumabas na ako. Dahil sa lakas na ibinigay sa’kin ng Diyos, nagawa kong mahinahong harapin ang pagtatanong ng mga pulis.

Noong umaga ng ika-14 na araw, pinapunta ako ng hepe ng Public Security Bureau sa opisina. Hindi na siya mabangis tulad ng dati, pero umaktong nag-aalala, at tinanong ako tungkol sa pamilya ko. Sinubukan niyang gumamit ng mabulaklak na pananalita para akitin akong ipagkanulo ang mga kapatid ko. Walang tigil akong nagdasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na protektahan ako mula sa panlilinlang ni Satanas. Maraming sinabi ang hepe ng bureau. Sa huli, nang makitang wala akong sinasabi, nagalit siya at marahas na bumulyaw, “Didiretsahin na kita. Nakakita kami ng napakaraming relihiyosong aklat sa bahay mo, ito ang pinakamalaking kaso sa bayan. Siguradong makukulong ka kapag hindi ka magsasalita!” Pero kahit anong sabihin niya, tahimik akong nagdasal sa Diyos at nanumpa na hinding-hindi ako magbabahagi ng impormasyon tungkol sa iba at hinding-hindi ko pagtataksilan ang Diyos, kahit na sentensiyahan ako. Pagkatapos ng labinlimang araw, nakita nilang wala silang mapapala sa akin, at pinauwi nila ako. Pagkauwi ko, tinutulan pa rin ng pamilya ko ang pananalig ko. Alam kong lahat ng ito ay dahil sa mga kasinungalingan at pang-aapi ng Partido Komunista. Nagdasal at nanumpa ako na susundin ko ang Diyos hanggang sa wakas, gaano man ito kahirap. Pagkatapos, naisip ko ang isang himno ng karanasan: “Naglalakad sa Landas ng Pagmamahal sa Diyos.”

1  Hindi alintana kung mahirap ang landas ng pananalig, ang tanging misyon ko ay isagawa ang kalooban ng Diyos; higit na balewala sa akin kung tumanggap man ako ng mga pagpapala o magdanas ng kasawian sa hinaharap. Ngayong nagpasiya na ako na mahalin ang Diyos, magiging tapat ako hanggang wakas. Anumang mga panganib o paghihirap ang nakakubli sa likod ko, at anuman ang kahinatnan ko, para masalubong ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos, sinusundan ko nang husto ang Kanyang mga yapak, nagsisikap na sumulong.

…………

—Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paulit-ulit kong kinanta ang himnong ‘yon, at lubos akong naging inspirado. Alam ko na palaging kasama sa landas ng pananampalataya ang pang-uusig ng Partido, at na malamang ay maaaresto na naman ako o masesentensiyahan sa hinaharap. Pero natitiyak ko na ito ang tunay na daan, at handa akong sundin ang Diyos hanggang sa wakas. May ilang panahong hindi ako makakontak sa ibang miyembro ng iglesia o makapamuhay ng buhay-iglesia. Kaya, kumain at uminom ako ng mga salita ng Diyos, sinangkapan ang sarili ko ng katotohanan sa bahay, at ibinahagi ang ebanghelyo sa pamilya ko. Naging mananampalataya ang asawa ko at anak ko. Nagtipon kami, at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos bilang isang pamilya. Makalipas ang isang taon, muli kong nakaugnayan ang mga kapatid, at nagsimula akong gumawa ng tungkulin. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos.

Sa buong panahong ito, sa gitna ng pang-aapi at pag-aresto ng Partido Komunista, at mga pag-atake ng pamilya ko, ang kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos ang umakay sa akin na unti-unting malampasan ito. Gaano man kahirap ang landas sa harapan ko, sasama ako sa Diyos hanggang sa dulo.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Iuulat o Hindi Iuulat

Ni Yang Yi, TsinaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Para sa kapakanan ng kapalaran ninyo, dapat ninyong hanapin ang pagsang-ayon ng Diyos....