Nawala at Natagpuang Muli

Marso 15, 2020

Ni Xieli, Estados Unidos

Nagpunta ako sa U.S.A. upang magtrabaho nang husto hanggang sa abot ng makakaya ko sa paghahangad ng isang maligayang buhay na may mataas na pamantayan ng pamumuhay. Bagama’t hindi kakaunti ang tiniis ko sa mga unang ilang taon, sa paglipas ng panahon nakapagsimula ako ng sarili kong kompanya, nakakuha ng sarili kong kotse, ng sarili kong bahay, atbp. Sa wakas ay ipinamumuhay ko na ang “maligayang” buhay na pinangarap ko. Noong panahong ito, nagkaroon ako ng ilang mga kaibigan; sa malayang oras namin ay lumalabas kami upang kumain, uminom, at magsaya nang kaunti. Naging magkakasundo kaming lahat, at inakala kong nakatagpo ako ng isang mabuting grupo ng mga tao. Subalit saka ko napagtanto na mga kainuman ko lamang pala sila na mga walang isang makatuturang bagay na masasabi, at kapag nag-aalala ako o nalulumbay walang isa man sa kanila ang mapupuntahan ko upang ibahagi ang aking mga suliranin. Hindi lamang iyon, kundi plinano pa nilang gantsuhin ako: Nagsinungaling ang isa sa kanila tungkol sa kanyang ina sa Tsina na malubha raw ang karamdaman at noong pahiramin ko siya ng ilang salapi ay naglaho na siya na walang kahit isang bakas. Ang isa pa, taga sarili kong bayan, ay nagsabi ng sangkatutak na kasinungalingan tungkol sa nangangailangan daw ng pananalapi para sa isang proyekto at niloko ako ng ilang salapi. At maging ang taong pinakamalapit at pinakamamahal sa akin—ang kasintahan kong babae—ay trinaydor ako at niloko ako ng malaking halaga ng salapi na pinaggugulan ko ng mga taon ng dugo, pawis, at mga luha para maipon. Iniwan akong mapanglaw at walang pag-asa ng kawalang puso ng mga taong ito at ng kawalang malasakit ng lipunan. Sa ilang panahon nawalan ako ng kompiyansa upang patuloy pang mabuhay; hungkag ang puso ko, at nasasaktan ako at nanghihina. Pagkatapos niyon, madalas akong bumabaling sa pagkain, pag-inom at pagsasaya para mapunan ang kahungkagan sa loob ko, ngunit alam kong hindi kayang lutasin sa anumang paraan ng mga pansamantalang pampisikal na kaaliwang ito ang espirituwal kong pagdurusa.

Nawala at Natagpuang Muli

Sa taglagas ng 2015, sa hindi inaasahang tadhana, nakilala ko ang babaing asawa ko na ngayon. Noong panahong iyon ay tinanggap na niya ang gawa sa huling mga araw ng Makapangyarihang Diyos. Noong ibinahagi niya ang ebanghelyo ng kaharian sa akin, ang pagkakaroon ng pananampalataya ay tila mainam naman at mabuti sa akin, subalit dahil sa labis akong abala sa trabaho ay sinabi ko sa kanya: “Wala akong panahon para sa pananampalataya sa Diyos, pero kung gusto mong manampalataya, sige lang. Ang pagkaalam sa puso ko na mayroong Diyos ay sapat na para sa akin.” Isang araw pagkalipas ng anim na buwan ay nagpasama sa akin ang maybahay ko na panoorin ang isa sa mga video na buhat sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na. Ang nakita ko sa video ay talagang nakagulantang sa akin: Kapag nahaharap sa mga sakuna ang sangkatauhan ay napakaliit at marupok, hindi kayang tumagal sa pinakamahinang unos. Bigla kong nadamang kahit gaano pa karaming salapi na mayroon ang tao, gaano mang karangyaan ang tinatamasa nila o gaano man kataas ang katayuan nila, walang kabuluhan itong lahat. Sa harapan ng sakuna, kapag palapit na sa atin ang kamatayan, ang lahat ng mga bagay na ito ay wala nang halaga at wala nang silbi. Gaya ng sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Gayunman, dapat Kong sabihin sa iyo na sa panahon ni Noe, nagsisikain at nagsisiinom ang mga tao, nag-aasawa at pinag-aasawa hanggang sa hindi na ito makayang saksihan ng Diyos, kaya nagpadala Siya ng malaking baha upang wasakin ang sangkatauhan, na ang iniwang ligtas ay pamilya lamang ni Noe na walong tao at ang lahat ng uri ng mga ibon at mga hayop. Gayunman, sa mga huling araw, ang mga iniwang ligtas ng Diyos ay iyong lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa huli(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao). “Pagkatapos ay tumingin sa kasalukuyang panahon: Ang matuwid na tao na kagaya ni Noe, na kayang sumamba sa Diyos at umiwas sa kasamaan, ay hindi na umiiral. Ngunit ang Diyos ay nagpakita pa rin ng magandang-loob sa sangkatauhang ito, at pinawalang-sala pa rin sila sa huling panahong ito. Hinahanap ng Diyos ang mga taong nag-aasam na Siya’y magpakita. Hinahanap Niya sila na may-kakayahang makinig sa Kanyang mga salita, mga hindi nakalimot sa Kanyang tagubilin, at naghahandog ng kanilang puso at katawan sa Kanya. Hinahanap Niya ang mga kasing masunurin ng mga bata sa Kanyang harapan, at hindi Siya kakalabanin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Sa mga salitang ito ay nadarama ko ang matinding pangangailangan sa intensyon ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Naisip ko ang tungkol sa kung paanong sa mga panahong ito ay tila ba wala nang umiibig sa mga positibong bagay o umaasam sa pagbabalik ng Diyos. Puno na ng pagkamakasarili ang mga puso ng mga tao, pagmamataas, at pandaraya. Para sa kapakanan ng kasikatan at kapakinabangan, nagsasabwatan sila at nagpaplano ng laban sa isa’t isa, dinadaya ang isa’t isa, at nauuwi pa nga sa pagpatay sa isa’t isa. Mga alipin ang mga tao sa kanilang sensuwal na mga pagnanasa, at patuloy na nilalabag ang moralidad at kalinisang-puri at ibinabaon ang kanilang budhi. Naiwala na ng mga tao ang lahat ng pagiging tao…. Ang antas ng kasamaan ng tao sa huling mga araw ay talagang malayong higit pa roon sa panahon ni Noe. Ganoon pa man, hindi ganap na winasak ng Diyos ang sangkatauhan dahil sa kasamaang ito at katiwalian, kundi sa halip ay nagpapaulan ng iba’t ibang uri ng mga sakuna upang babalaan ang sangkatauhan at bigyan tayo ng pagkakataon na manumbalik sa Diyos. Noong bulay-bulayin ko ang mga salita ng Diyos, labis na naantig ang puso ko sa pag-ibig ng Diyos. Naisip ko rin ang tungkol sa kung gaanong nagiging lalong masama at tiwali ang mundo sa bawat araw, palaki nang palaki ang mga sakuna, at tungkol sa kung paanong kapag inilabas na ng Diyos ang Kanyang matinding galit sa masasamang tao at winasak ang sangkatauhan, ang lahat ng mga salapi at katayuan na pinagsusumikapan kong makamit ay hindi ako maililigtas. Sa paglapit lamang sa harapan ng Diyos at paghahanap ng katotohanan matatamo ng isang tao ang proteksyon. Noong pinag-isipan ko ang lahat ng ito para ba itong gumising ka sa isang panaginip—sinabi sa akin ng intuwisyon ko na dapat akong lumapit sa harapan ng Diyos at tanggapin ang Kanyang pagliligtas, sapagkat ito ang tanging paraan upang maligtas. Kung mawalan ako ng pagkakataong makamit ang kaligtasan para sa kapakanan ng mga pansamantalang mga kasiyahan ng laman, iyon ay magiging isang panghabambuhay na pagsisisi! Dahil diyan, nag-umpisa akong manampalataya sa Diyos noong Mayo 2016 at nakibahagi sa mga pagtitipon ng iglesia.

Hindi katagalan matapos kong makamtan ang aking pananampalataya, nagbabasa-basa ako sa web at na nadaanan ko ang ilang negatibong propagandang bumabatikos at naninirang-puri sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Panandalian akong natigilan sa pagkabasa niyon. Ano ba itong “pinapagdonasyon ang mga tao ng salapi at hindi iginagalang ang hangganan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan” na bagay? Ang nabasa ko ay tila naman makatuwiran, na nagpahirap sa akin na kilalanin ang tama mula sa mali, katotohanan mula sa gawa-gawa. Naanod ako sa kalituhan, at ang nag-aalab na apoy ng pananampalataya ko sa Diyos ay biglang pinatay ng negatibong bagay na binabasa ko. At sa sandali ring iyon, naulinigan ko ang biyenan kong babae sa telephono kasama ng maybahay ko na nag-uusap tungkol sa pagdodonasyon ng salapi sa iglesia, na lalo pang nakahikayat sa akin na paniwalaan kung ano ang binabasa ko sa online. Pagkatapos niyon, pinigilan ko ang biyenan kong babae sa pagdodonasyon ng salapi at hinimok ko ang maybahay ko na talikuran na niya ang kanyang pananampalataya upang sa ganoon ay hindi kami madaya. Subalit hindi siya nakinig sa akin man lamang, at sinabi sa akin nang maliwanag: “Ang realidad ng sitwasyon ay hindi katulad ng nabasa mo sa online. Ang mga bagay sa online ay puro sabi-sabi lang, mga maling patotoong lamang! …” Kumuha siya pagkatapos ng isang aklat ng mga salita ng Diyos upang makipagbahaginan sa akin, pero nabulag na ako ng mga sabi-sabi at hindi na tinanggap ang anumang sinasabi niya. Hindi pa katagalan pagkatapos, nagpunta sa tahanan namin ang ilang mga kapatid na kalalakihan at mga kapatid na kababaihan, subalit hindi ko rin sila pinapakinggan. Sa ilang mga araw na iyon ay nabubuhay akong ganap sa kadiliman, palaging nag-aalala na dinadaya ang maybahay at biyenan kong babae. Palagi akong nababalisa—hindi ko maipasok ang pagkain, hindi ako makatulog nang mabuti sa gabi, at pinahihirapan sa sikolohikal. Nakikita kung gaano akong nagdurusa, sinubukan ng maybahay ko na makipagbahaginang muli sa akin. Binuksan niya ang isang aklat ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pinili ang siping ito upang ipakita sa akin: “Hindi Ko ninanais ang mga kuru-kuro o kaisipan ng mga tao, lalo na ang iyong pera o iyong mga ari-arian. Ang nais Ko ay ang iyong puso. Nauunawaan mo ba? Ito ang Aking kalooban; higit pa rito, ito ang nais Kong makuha(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 61). Pagkatapos ay binasa niya para sa akin ang ilang mga tuntunin para sa pangangasiwa ng pamumuhay ng iglesia: “Hindi pinahihintulutan ng iglesia ang sinuman para manghingi ng mga donasyon sa mga sermon, ni manghingi ng mga donasyon para sa anumang iba pang dahilan” (Mga Plano ng Gawain). Ibinahagi niya ito sa pakikipagbahaginan sa akin: “Sa Iglesya ng Makapangyarihang Diyos ay may mga mahigpit na hinihinging mga pamantayan at mga tuntunin para sa bawat aspeto ng pamumuhay ng iglesia. Pagdating sa pagdodonasyon ng salapi, napakalinaw na ipinapahayag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na hindi ibig ng Diyos ng salapi ng mga tao o ng mga materyal na bagay. Malinaw ring itinakda ng tuntunin sa paggawa ng iglesia na hindi pinahihintulutan ng iglesia ang simunan na mangaral ng tungkol sa pagdodonasyon ng salapi o upang himukin ang mga tao na magdonasyon ng salapi para sa anumang dahilan. Magmula noong sumunod ako sa Makapangyarihang Diyos, hindi humiling ang iglesia sa akin na magdonasyon ng isang sentimo. Hindi lamang hindi nananawagan ang iglesia sa mga tao sa pagdodonasyon ng salapi, kundi nagbibigay pa nga ito sa mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae na mga tunay na mananampalataya ng lahat ng klase ng mga aklat, mga CD, at mga iba pang bagay na walang bayad. Ngayon, gustong mag-ambag ng nanay ko ng isang bagay upang tulungan ang ilan sa mga kaptid na lalaki at mga kapatid na babae na dumaranas ng mga kahirapan. Ginagawa niya iyon sa sarili niyang malayang kalooban; walang pumupuwersa sa kanya na gawin iyon. Gayon pa man, ang pagtulong sa mga taong nangangailangan ay isang mabuting gawa, kaya walang dahilan para pagsisihan, tama?”

Nawala at Natagpuang Muli

Pagkatapos na basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa pakikipagbahaginan ng aking maybahay, ang isang bagay na ibinahagi ng isa sa mga kapatid na babae sa akin sa pakikisalamuha dati ay bigla kong naalala: Hindi tumatanggap ng mga donasyong pananalapi ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa mga bagong miyembro, at ang sinumang gustong magdonasyon ng salapi ay kinakailangan munang dumaan sa ilang ulit ng panalangin hanggang sa matiyak nilang ganap nilang ibig na gawin ang gayon, at na hindi nila ito pagsisisihan kailanman. Kung hindi sila higit pa sa nakahanda, walang pasubaling hindi ito tatanggapin ng iglesia. Noong naalala ko ito, ang ilan sa mga pag-aalala at mga inaalintang mayroon ako ay tila ba nabawasan, subalit ang buhol na nasa puso ko ay hindi pa lubusang nakalag. Nakita ng maybahay ko ang pagkunot ko ng noo, at nalalaman kung anong iniisip ko, sabi niya: “Huwag mong paniwalaan ang mga sabi-sabing iyon. Para sirain at isabotahe ang gawaing pagliligtas ng Diyos ng mga tao at hadlangan tayo sa paglapit sa harapan ng Diyos at sa pagtanggap sa Kanyang pagliligtas, magsasabi si Satanas ng lahat ng uri ng basura at magbibigay ng lahat ng uri ng mga maling patotoo. Ang Diyos ay banal at kinamumuhian ng Diyos ang kasamaan ng sangkatauhan. Doon naman sa mga may masamang reputasyon at hindi alam kung paanong kumilos nang wasto sa paligid ng mga miyembrong ng kabilang kasarian, hindi sila kailanman tinatanggap ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ito ay bagay na sinalita nang napakalinaw ng Makapangyarihang Diyos.” Saka binuksan ng maybahay ko ang mga salita ng Diyos at binasa: “Maraming tao ang luluhod para sa awa at kapatawaran dahil sa dagundong ng pitong kulog. Ngunit hindi na ito ang Kapanahunan ng Biyaya: Ito ay magiging panahon para sa poot. Tungkol naman sa lahat ng gumagawa ng masama (ang mga nakikipagtalik nang hindi kasal, o nangangasiwa ng maruming pera, o may malabong mga hangganan sa kasalungat na kasarian, o gumagambala o naninira sa Aking pamamahala, o mga taong hindi nakakaunawa ng espirituwal na mga bagay, o sinasaniban ng masasamang espiritu, at marami pang iba—lahat maliban sa Aking hinirang), wala ni isa sa kanila ang palalampasin, ni patatawarin, kundi itatapon ang bawat isa sa kanila sa Hades at mapapahamak magpakailanman!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 94). Ang mga sinasalita ng Makapangyarihang Diyos ay dakila at mabagsik upang magdulot ng takot at paggalang sa puso ng mga tao; iminulat ako nito sa matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi kukunsinti sa mga pagkakasala ng sangkatauhan. Ang Diyos ay walang alinlangang nasusuklam doon sa mga nasasangkot sa kawalang delikadesa, at sa huli ang mga taong iyon ay magdurusa sa matuwid na parusa ng Diyos. Ang ilan sa mga inaalintana ko ay nabawasan. Ibinahagi sa akin ng maybahay ko ang mga sumusunod pagkatapos: “Noong ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawa sa Kapanahunan ng Kautusan ang sinumang umasal nang kawalang delikadesa ay babatuhin hanggang mamatay. Ganap na inihahayag nito ang matuwid, dakila at mabagsik na disposisyon ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Kaharian, ang mga patakaran ng Diyos sa Kanyang pamamahala ay mas mahigpit hinggil sa pakikisalamuha sa isa’t isa ng kalalakihan at kababaihan. Gaya ng sinasabi sa mga salita ng Diyos: ‘Ang tao ay may tiwaling disposisyon at, bukod pa rito, siya ay nagtataglay ng damdamin. Dahil dito, talagang ipinagbabawal sa dalawang kasaping magkaiba ang kasarian na magsama sa gawain nang walang kasama habang naglilingkod sa Diyos. Sinumang matuklasan na gumagawa nito ay ititiwalag, nang walang pagtatangi(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na Bayan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian).”

Nang mabasa ito ng asawa ko, naalala ko ang isang insidente na naganap noong tagsibol ng 2016. Sa panahong iyon, hindi ko pa nasisiyasat nang maayos ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ipinagmamaneho ko noon ang asawa ko at ang isa sa kababaihan mula sa iglesia patungo sa ibang estado. Sa daan, huminto kami dahil may kinailangang gawin ang asawa ko, at nang lumabas siya sa kotse ay lumabas din ang babaeng iyon. Malamig at mahangin sa labas, at tumayo ang babae sa tabi ng kotse na ipinapadyak-padyak ang kanyang mga paa upang hindi ginawin. Pinapapasok ko siya sa kotse ngunit sinabi niya: “Okey lang. Tatayo muna ako sandali sa labas.” Medyo natagalan bago nakabalik ang aking asawa, at noon lamang bumalik ang babae sa kotse. Nakikita na halatang nanginginig siya sa ginaw tinanong siya ng asawa ko: “Masyadong malamig sa labas. Bakit hindi ka nanatili sa kotse?” Sumagot siya: “May isang patakarang administratibo sa aming iglesia na ang isang lalaki at isang babae ay hindi maaaring mapag-isa nang walang kasamang iba o magkaroon ng pisikal na kontak. Ito ang isa sa mga utos ng Diyos sa mga taong Kanyang hinirang, at dapat namin itong mahigpit na sundin.” Nang marinig ko ito, nadama ko na ang mga taong kasapi sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay tunay na naiiba sa mga tao ng mundo—maging sa ganitong mga bagay na walang kabuluhan ay pinapanatili nilang nasa ayos ang kanilang sairli. Nasasaisip ito, hindi ko maiwasang dagukan ang ulo ko sa pagkainis sa sarili dahil sa hindi maayos na pagsisiyasat sa mga katotohanan at sa halip ay pikit-mata akong naniniwala sa mga tsismis online. Nang pag-isipan ko ang lahat ng panahon na nakihalubilo ako sa mga kapatid ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at nakita ko kung gaano kalinaw na ipinaliwanag ang mga hangganan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, kung gaano sila kawasto at kadisente sa pagsasalita at pagkilos, kung gaano katatag ang prinsipyo nila kapag nakikisalamuha sa mga tao o nag-aasikaso sa mga gawain, malinaw na walang katotohanan ang mga tsismis na iyon online. Sa puntong iyon, hiyang-hiya ako—lumabas na ang mga tsismis na iyon online ay pawang mga gawa-gawa, paninirang-puri, tahasang pagbabaluktot—gayunpaman, pikit-mata kong tinanggap ang mga kasinungalingang iyon at nabuo ang mga pagdududa ko tungkol sa Makapangyarihang Diyos at sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Para akong tanga sa kalituhan! Pagkatapos ay nagpatuloy sa pagbabahagi ang asawa ko: “Sa mga huling araw, ang pagiging tao ng Diyos at pagpapahayag Niya ng mga katotohanan upang hatulan at linising ang mga tao ay para lubusang iligtas ang sangkatauhan mula sa teritoryo ni Satanas at alisin sa atin ang ating mga tiwaling disposisyon—ang ating kayabangan, pandaraya, panlilinlang, pagkamakasarili, pagiging kasuklam-suklam, kasamaan, at karumihan—at para tulungan tayong mabago ang ating disposisyon sa buhay upang mamuhay tayo na tunay na kahawig ng isang totoong tao. Alam ng Diyos na ang sangkatauhan ay labis na nagawang tiwali ni Satanas at walang kakayahang madaig ang pagkakasala, kaya upang matiyak na hindi susuwayin ng mga tao ang disposisyon ng Diyos kapag tinanggap nila ang pagliligtas ng Diyos at sa gayon ay maalis at maparusahan, naglatag ang Diyos ng mga patakarang administratibo sa Kapanahunan ng Kaharian upang mapanatiling nasa ayos ang mga mananampalataya. Sinumang lumalabag sa mga patakarang ito ay parurusahan ng Diyos, at yaong mga nagkasala nang malubha ay ititiwalag sa iglesia at mawawalan ng anumang pagkakataong maligtas. Ang pagpapalabas ng Diyos ng mga atas na ito para sa iglesia ay upang magkaroon tayo ng ilang totoong kaalaman tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi maaaring suwayin, at upang magkaroon din tayo ng mga patakaran para manatili tayong nasa ayos. Sa ganitong paraan, sa lahat ng ating pag-uugali ay laging may hangganan na hindi maaaring lagpasan, at kung mananatili tayo sa loob ng mga hangganang ito, maiiwasan natin ang marami sa mga tukso ni Satanas. Ito ang paraan ng pagprotekta sa atin ng Diyos at, higit pa rito, ito ang tunay na pagmamahal ng Diyos para sa atin!” Habang nakikinig sa pagbabahagi ng asawa ko, hindi sinasadyang napatango ako, at sa gayon ay lubos na nabuksan ang puso ko at nawala ang sakit na nadarama ko. Pagkatapos niyon, nagsimula akong dumalong muli sa mga pulong ng iglesia.

Sa tuwing naaalala ko ang karanasan ito, laging may nananatiling pangamba sa puso ko. Nakita ko kung gaano nakakasira ang mga tsismis na ito, halos matangay ako ng mga ito at muntik na akong mawalan ng pagkakataong mailigtas ng Diyos sa mga huling araw. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nalinlang din ng mga maling tsismis ang mga Israelita at hindi nila kinilala ang Panginoong Jesus bilang pagdating ng Mesiyas. Tinanggihan nila ang Panginoong Jesus at sa gayon ay nawala sa kanila ang pagliligtas ng Panginoon. Dahil dito, napagtanto ko kung gaano kalaking mga balakid ang gayong mga tsismis sa landas ng tunay na pananampalataya! Ngunit nalilito pa rin ako kung bakit napakaraming maling tsismis at paratang tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos online samantalang malinaw na ito ay isang mabuting iglesia. Kaya, sa isa sa mga pagtitipon ng iglesia itinanong ko ito sa mga kapatid upang hayagan naming mapag-usapan ito. Ipinalabas nila ang isa sa mga pelikula ng ebanghelyo ng iglesia para sa akin na, Kumawala sa Bitag, na ganap na nakalutas sa aking pagkalito. Sa kaunti pang pagbabahagi mula sa mga kapatid mas nalinawan ako. Ang paggamit ng mga tsismis upang guluhin at isabotahe ang gawain ng Diyos ang palaging taktika ni Satanas. Noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, gustong tiyakin ng mga punong saserdoteng Judio, eskriba at Fariseo na permanente nilang makontrol ang mga taong hinirang ng Diyos, kaya nga lumikha sila ng maraming maling tsismis tungkol sa Panginoong Jesus. Nilapastangan nila ang Panginoong Jesus sa pagsasabi na umasa Siya sa kapangyarihan ni Beelzebub upang palayasin ang mga demonyo, pinaratangan nila nang mali ang Panginoong Jesus na hindi Niya pinapayagan ang mga tao na magbayad ng kanilang mga buwis kay Cesar, at nagbigay rin sila ng maling patotoo sa pagsasabi na ang pisikal na katawan ng Panginoong Jesus ay ninakaw ng Kanyang mga disipulo at na hindi Siya nabuhay na mag-uli. Sigurado ako na kung may Internet noon, ilalagay ng mga pinunong iyon ng relihiyon ang lahat ng tsismis at maling patotoo nila online upang lapastanganin, atakihin, at tuligsain ang Panginoong Jesus. Sa panahong ito, sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng mga salita upang hatulan at linisin ang sangkatauhan; kumikilos ang gobyerno ng China pati na rin ang mga pastor at elder sa komunidad ng mga relihiyoso bilang mga kasangkapan ni Satanas. Upang makamit ang kanilang hangarin na kontrolin at bitagin ang mga tao, nilalapastangan at tinutuligsa nila ang Makapangyarihang Diyos, walang-pakundangang nagtatahi-tahi ng mga tsismis at maling patotoo, at dinudungisan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang lituhin ang mga tao at panatilihin sila sa kadiliman. Sa kanilang kayabangan, iniisip nila na magagawa nilang patalikurin ang mga tao sa gawain ng pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw at sundan sila sa paglaban sa Diyos.

Pagkatapos ay binasa ng mga kapatid ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos para sa akin: “Sa lupa, lahat ng uri ng masasamang espiritu ay walang-tigil sa paggala sa paghahanap ng mapagpapahingahan, at walang-hinto sa paghahanap ng mga bangkay ng mga tao na maaaring lamunin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 10). “Palaging nariyan si Satanas na nilalamon ang kaalaman tungkol sa Akin na nasa puso ng mga tao, na nagngangalit ang mga ngipin at nakaamba ang mga kuko sa huling yugto ng paghihingalo nito. Nais ba ninyong mapahamak sa mga tusong pakana nito sa pagkakataong ito? Nais ba ninyong sirain ang inyong buong buhay kapag natapos na sa huli ang Aking gawain?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 6). Ibinahagi rin nila sa akin na sinasabi sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan tungkol sa espirituwal na pakikibaka, na kung saan upang hadlangan ang mga tao na lumapit sa Diyos at sakmalin sila, isinasagawa ni Satanas ang lahat ng uri ng pandaraya. Kabilang dito ang panlilinlang sa pagpapalaganap ng mga tsismis at mga maling patotoo sa Internet, paghihikayat sa mga pinuno ng relihiyon na guluhin at pagbantaan ang mga mananampalataya, at puwersahin ang mga miyembro ng pamilya at pigilan sila sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos. Sa madaling salita, anumang bagay na hinihikayat tayong magduda, tumanggi o lumayo sa Diyos ay nagmumula kay Satanas. Kung hindi natin kayang hanapin ang katotohanan, hindi natin malalaman ang pandaraya ni Satanas kailanman, madaling mawawala sa atin ang pagkakataong makamit ang pagliligtas ng Diyos, at malulubog tayo sa sakuna na kasama ni Satanas. Salamat sa pamumuno ng Diyos, mas malinaw kong nakita ang masama at kasuklam-suklam na diwa ni Satanas at naunawaan ko ang mga pakana ni Satanas sa pamamagitan ng panonood ng pelikula ng ebanghelyo ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa pagbabahagi ng kababaihan.

Mula nang sundan ko ang Makapangyarihang Diyos, tunay na akong napalaya at nagtamo ng kalayaan. Ngayon, sa tuwing may nakakaharap akong mga paghihirap, maaari akong magbasa ng mga salita ng Diyos at manalangin sa Diyos na tulungan akong makahanap ng paraan ng pagsasagawa. Lahat ng kapatid sa iglesia ay sumusunod sa mga ipinagagawa ng Diyos at naghahangad na maging matatapat na tao. Ang mga relasyon nila sa isa’t isa ay hindi kumplikado at hayag, tinutulungan at sinusuportahan nila ang isa’t isa. Hindi kailangang mag-alala tungkol sa isang tao na sinusubukang hamakin ako, linlangin ako, o lokohin ako. Talagang masaya at kuntento ako, at ito ang buhay na gusto ko.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply