Nasa Langit Ba o Nasa Lupa ang Kaharian ng Langit?

Marso 31, 2026

Nagtitiwala ang lahat ng mananampalataya sa Panginoon sa pangako ng Panginoong Jesus: “Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). Maraming tao, batay sa mga salita ng Panginoon, ang naghihintay na pumarito ang Panginoon at dalhin sila paitaas sa kaharian ng langit. Naniniwala silang hindi mapapako ang pangako ng Panginoon, at na kapag pumarito Siya, tiyak na dadalhin Niya paitaas ang mga tao nang direkta sa kalangitan. Kung nasa lupa pa rin ang mga tao at hindi nadala paitaas, iniisip nilang pinatutunayan nito na hindi pa nagbabalik ang Panginoon. Tama ba ang pananaw na ito?

Pagkatapos ng muling pagkabuhay at pag-akyat ng Panginoong Jesus, naghanda nga Siya ng isang lugar para sa atin. Pero alam ba ninyo kung paano Niya inihanda ang lugar na ito, at kung anong gawain ang dapat gawin kapag inihahanda ito? Makatitiyak ba kayo na ang inihanda ng Panginoon ay para makapasok tayo sa langit nang buhay? O para makapasok tayo sa espirituwal na mundo pagkatapos ng kamatayan? Sa mundo ng relihiyon, maraming naghihintay na i-rapture sila ng Panginoon sa kaharian ng langit, pero naisip ba nila kung nasaan mismo ang kaharian ng langit? Saan nira-rapture ang mga sumalubong sa Panginoon? Sinasabi ng ilan, siyempre, dinadala sila paitaas sa himpapawid para salubungin ang Panginoon. Pero ganoon nga ba talaga? Paano mabubuhay ang mga tao sa langit? Mabubuhay ba ang isang taong may laman matapos ma-rapture sa langit? Sinasabi ng iba, “Dinadala sila paitaas sa langit!” Ano ang langit at ang espirituwal na mundo? Doon pumupunta ang mga tao pagkatapos nilang mamatay. Hindi direktang makakapasok ang ating mga pisikal na katawan sa espirituwal na mundo; pagkatapos lang ng kamatayan tayo makakapasok sa espirituwal na mundo. Ipinropesiya ng Panginoon ang Kanyang pagbabalik para salubungin natin Siya habang nabubuhay tayo. Ang pagkamatay at pagbabalik sa espirituwal na mundo ay hindi matatawag na pagsalubong sa Panginoon. Kaya, hindi ba’t kuru-kuro at imahinasyon lang ng tao ang maniwalang ang pagpasok sa kaharian ng langit ay pagka-rapture tungo sa langit? Hindi lang talaga ito makatotohanan. Kung baluktot ang pagkaarok natin sa mga propesiya ng Panginoon, ang paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon ay baka maging isang nasayang na pagsisikap lang—paghihintay lang sa wala.

Kaya, ang lugar ba na inihanda ng Panginoon para sa atin ay sa langit o sa lupa? Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Panalangin ng Panginoon: “Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang kalooban Mo, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa(Mateo 6:10). Dagdag pa rito, ipinopropesiya ng Aklat ng Pahayag: “At ako si Juan, nakita ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos … ‘Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya ay mananahan sa kanila, at sila ay magiging mga tao Niya, at ang Diyos Mismo ay sasakanila, at magiging Diyos nila’(Pahayag 21:2–3). “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo: at Siya’y maghahari magpakailan-kailanman(Pahayag 11:15). Binabanggit ng mga propesiyang ito na “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo,” “ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos,” at “ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao.” Tumutukoy ito sa pagsasakatuparan ng kaharian ni Cristo sa lupa. Itatatag ng Diyos ang Kanyang kaharian sa lupa. Hinihiling sa atin ng Panginoong Jesus na ipanalangin na dumating ang kaharian ng Diyos sa lupa, para mangyari ang Kanyang kalooban sa lupa. Hindi Niya kailanman sinabi na itatatag ang kaharian ng Diyos sa langit, at lalong hindi Niya hiniling sa atin na umasa na balang-araw ay madadala tayo paitaas sa himpapawid. Pag-isipan ninyong lahat—hindi ba’t ganoon nga? Kaya, kung palagi tayong umaasa na madala paitaas sa himpapawid para makapasok sa kaharian ng Diyos, hindi ba’t hindi ito naaayon sa mga salita ng Panginoon at sa Kanyang mga layunin? Ang mga kaharian sa lupa ay magiging kaharian ng Diyos. Pumaparito ang Panginoon para gawin ang Kanyang gawain sa lupa sa mga huling araw, kaya ang kaharian ng langit ay nasa lupa. Kung nasaan ang Panginoon, naroon ang kaharian ng langit. Ang kaharian ng langit ay maisasakatuparan sa lupa sa huli.

Kaya ano ang ibig sabihin na pumunta ang Panginoon para maghanda ng lugar para sa atin? Pangunahin na, naghanda Siya ng mga pamilyang pagsisilangan para sa hinirang na mga tao ng Diyos sa lupa, ng tamang mga sirkunstansiya, at ng pagkakataon para sa kanila na salubungin ang Panginoon at dumalo sa piging. Kaya, ang lugar kung saan ipinanganganak ang hinirang na mga tao ng Diyos, at ang mga sirkunstansiya kung saan tinatanggap nila ang gawain ng Diyos, ay paunang itinadhana lahat ng Diyos. Kung ganoon, ano ang ibig sabihin ng Panginoon sa pagsasabing “Kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon”? Ngayon, ang Diyos ay naging Anak ng tao at pumarito sa lupa. Kaya, bilang mga hinirang ng Diyos, tayo ay ipinanganak din sa mga huling araw at pumarito sa lupa para tanggapin ang gawain at pagliligtas ng Diyos. Ito ang paghahanda ng Diyos ng lugar para sa atin! Nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw, pero iilan lang sa mundo ng relihiyon ang nakarinig sa tinig ng Diyos at bumaling sa Kanya, na tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos. Ang mga taong ito ay nadala na paitaas.

Ngayon ay nagkatawang-tao na ang Diyos bilang ang Anak ng tao, nagpapahayag ng katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol. Kapag naririnig natin ang tinig ng Diyos, sinasalubong ang Panginoon, at dinadala paitaas sa harap ng trono ng Diyos, ito ang tunay na “nadadala paitaas.” Kapag nadala paitaas ang iglesia, hindi ibig sabihin nito na lahat ng mananampalataya ay nadadala paitaas, kundi sa halip, ang matatalinong dalaga na nakaririnig sa tinig ng Diyos at sumasalubong sa Panginoon ang nadadala paitaas. Kaya, anong gawain ang ginagawa ng Diyos pagkatapos madala paitaas ang mga tao? Ito ang ipinopropesiya ng Bibliya: “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghatol sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Ito ang pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos ng katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol. Tinutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo kakayanin. Gayon man ay kapag Siya, ang Espiritu ng katotohanan, ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Ang gawain ng paghatol sa mga huling araw na ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ay para itatag ang kaharian ni Cristo sa lupa. Bago magsimula ang malalaking kalamidad, gagawa ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay. Ang grupong ito ng mga mananagumpay ang magiging mga haligi sa kaharian ng Diyos; sila ang mga maghahari bilang mga hari kasama ang Diyos sa kaharian ni Cristo. Ang mga ginawang perpekto ng Diyos sa panahon ng mga kalamidad ang magiging mga tao ng Kanyang kaharian. Ang lahat ng patuloy na tumatangging tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ibubunyag at ititiwalag ng Diyos at hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ni Cristo. Sa ngayon, nakagawa na ang Makapangyarihang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay sa Tsina. Ang mga mananagumpay na ito ay nagpapatotoo para sa Diyos sa buong mundo, ipinapakalat at pinalalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Ngayon ang kritikal na panahon kung kailan ginagawang perpekto ng Diyos ang Kanyang mga tao sa lahat ng bansa sa gitna ng mga kalamidad. Ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ay sumunod sa mga yapak ng Kordero at nadala na paitaas sa harap ng Diyos. Ang hinirang na mga tao ng Diyos ay kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita, dumanas ng Kanyang paghatol at pagkastigo, at ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay nalinis at nabago. Lahat sila ay nakapagbigay ng tunay na mga patotoo. Nakamit na ng Diyos ang isang grupo ng mga mananagumpay. Kapag natapos na ang gawain ng Diyos at dumating na ang malalaking kalamidad ng huling tatlo at kalahating taon, ang kahariang ito na pag-aari ni Satanas ay lubos na mawawasak nang may pagbagsak. Ang lahat ng masasamang puwersa na lumalaban sa Diyos ay mawawasak din, at ang kaharian ni Cristo ay ganap na maisasakatuparan sa lupa. Sa oras na iyon, ang mga naligtas ay papasok sa kaharian kasama ang Diyos at magkakasamang magtatamasa ng kapahingahan. Tutuparin nito ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Habang nagiging kumpleto ang Aking mga salita, unti-unting nabubuo ang kaharian sa mundo at unti-unting bumabalik sa normalidad ang tao, at sa gayon ay naitatatag sa lupa ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, nababawi ng lahat ng tao ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan ng isang mundo ng mga lungsod ng tagsibol, kung saan tumatagal nang buong taon ang tagsibol. Hindi na nalalantad ang mga tao sa kapanglawan ng mundo ng tao, at hindi na nila tinitiis ang nakangangatog na lamig ng mundo ng tao. Hindi nag-aaway-away ang mga tao, hindi nagdidigmaan ang mga bansa, wala nang patayan at dugong dumadaloy mula sa patayan; lahat ng lupain ay puspos ng kagalakan, at lahat ng dako ay punung-puno ng pagmamalasakit ng mga tao sa isa’t isa. Ako ay naglalakad sa buong mundo, nasisiyahan Ako mula sa kaitaasan ng Aking luklukan, at naninirahan Ako sa piling ng mga bituin. Inaalayan Ako ng mga anghel ng mga bagong awit at mga bagong sayaw. Wala nang luhang umaagos sa kanilang mukha nang dahil sa sarili nilang karupukan. Hindi Ko na naririnig, sa Aking harapan, ang tinig ng mga anghel na umiiyak, at hindi na rin nagtatapat ng mga problema ang sinuman sa Akin. Ngayon, lahat kayo ay nabubuhay sa Aking harapan; bukas, iiral kayong lahat sa Aking kaharian. Hindi ba ito ang pinakadakilang pagpapalang ipinagkakaloob Ko sa tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 20).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman