Bakit Kailangan Nating Pakinggan ang Tinig ng Panginoon para Salubungin Siya

Marso 31, 2026

Ngayon, maraming taong nananampalataya sa Panginoon sa mundo ng relihiyon ang sabik nang salubungin Siya at sinisiyasat nila ang tunay na daan. Nabalitaan nilang nagpapatotoo ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbalik na ang Panginoong Jesus at ipinapahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at ang pinakamahalaga sa paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon ay ang hangarin na mapakinggan ang Kanyang tinig. Pakiramdam nila, tugma ito sa mga salita ng Panginoon, pero naguguluhan pa rin sila. Iniisip nila, “Dahil makikita naman ng mga tao na bababa ang Panginoon sakay ng isang ulap, bakit kailangan pang pakinggan ang Kanyang tinig?” Magbahaginan tayo tungkol sa tanong na ito. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na may dalawang paraan ng pagbabalik ng Panginoon: Una, ang palihim na pagbaba bilang Anak ng tao, at pangalawa, ang hayagang pagbaba sakay ng isang ulap. Kung bababa lang sana ang Panginoon sakay ng isang ulap sa mga huling araw, hindi na sana kailangang pakinggan ng mga tao ang tinig ng Diyos para salubungin ang Panginoon. Dahil napakatindi ng epekto ng hayagang pagbaba ng Panginoon sakay ng isang ulap—talagang nakakayanig ng mundo at maharlika—at direktang makikita ito ng mga tao—hindi na nila kakailanganing pakinggan ang tinig ng Diyos para salubungin ang Panginoon. Pero karamihan sa mga tao sa mundo ng relihiyon ay walang abilidad na umarok. Nakapokus lang sila sa ideyang makita ang Panginoon na bumababa sakay ng isang ulap, iniisip nila na basta’t makita ng sarili nilang mga mata ang pagbaba ng Panginoon sakay ng isang ulap, masasalubong na nila Siya. Kaya naman, ang mga taong naniniwalang bababa ang Panginoon sakay ng isang ulap ay hindi nagtutuon ng pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Ganito ang sitwasyon sa buong mundo ng relihiyon ngayon. Lahat sila ay naghihintay lang na bumaba ang Panginoon sakay ng isang ulap, at walang sinumang naghahanap na pakinggan ang tinig ng Diyos. Nakapangingilabot isipin ang kahihinatnan ng pagkakaroon ng ganitong pag-iisip sa pagsalubong sa Panginoon! Sa Bibliya, may ilang propesiya ang Panginoong Jesus tungkol sa Kanyang pagbabalik: “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15). “Maging mapagbantay nga kayo: sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon(Mateo 24:42). “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang(Mateo 24:36). Kapag nakita ng mga taong talagang may abilidad na umarok ang mga propesiyang ito ng Panginoong Jesus tungkol sa Kanyang pagbabalik, mapapaisip sila: Tiyak na babalik ang Panginoon bilang Anak ng tao, kaya paano natin sasalubungin ang Anak ng tao pagdating Niya? Paano natin malalaman na dumating na ang Panginoon? Sinabi ng Panginoong Jesus ang mga salitang ito: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Kung ganito ang sitwasyon, dapat kang maghandang pakinggan ang tinig ng Diyos para salubungin ang pagdating ng Anak ng tao. Kaya, paano ka dapat maghanda para makinig sa tinig ng Diyos? Kung ang usapin ay ang makita lang ang Panginoon na bumababa sakay ng isang ulap, kailangan pa ba ng paghahanda? Maaaring makita at maramdaman ng kahit sino ang pagbaba ng Panginoon sakay ng isang ulap; hindi na kailangang maghanda. Pero para mapakinggan ang tinig ng Diyos, dapat kang maging mapagbantay at handa—kailangan mong maging mapagbantay at handa dahil walang nakakaalam kung kailan darating ang Diyos. Isa pa, babalik ang Panginoon bilang Anak ng tao—hindi Siya makikilala ng mga tao sa pamamagitan lang ng pagtingin. Kaya, mula sa mga salita ng Panginoong Jesus, makikita natin na madaling salubungin ang Panginoon na bumababa sakay ng isang ulap, pero para masalubong ang pagpapakita ng Anak ng tao, kailangan nating maingat na pakinggan ang tinig ng Diyos. Mahirap ito, kaya dapat talaga tayong maging mapagbantay at handa. Kung gayon, pag-usapan pa natin kung bakit dapat tayong maging mapagbantay at handa. Sinabi ng Panginoong Jesus: “At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao. Sila’y nagsisikain, sila’y nagsisiinom, sila’y nangag-aasawa, at sila’y pinapag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat(Lucas 17:26–27). Makikita na ang sitwasyon sa pagbaba ng Anak ng tao ay magiging tulad ng sa panahon ni Noe: ang mga tao ay kumakain, umiinom, nag-aasawa, at pinapag-asawa. Siyempre, ang sitwasyong ito ay nangyayari bago ang mga kalamidad. Napakadaling makaligtaan ang sitwasyong ito bago ang mga kalamidad, dahil napakabuktot ng sangkatauhan bago ang mga kalamidad—lahat ay namumuhay sa masasamang kalakaran ng pagkain, pag-inom, pagpapakasaya, at pag-aasawa at muling pag-aasawa. Pero sa panahon ng mga kalamidad, iiral pa rin ba ang masasamang kalakarang ito ng pagkain, pag-inom, pag-aasawa at muling pag-aasawa? Matagal na itong naglaho. Nang lumaganap ang malaking salot, sino ang nakakaalam kung gaano karaming tao ang namatay? Walang mga tao sa lungsod, gayundin sa kanayunan. Basta na lang naglaho ang kalakaran ng pagkain, pag-inom, pag-aasawa at muling pag-aasawa, kaya, malinaw na lumipas na ang mga araw na tulad ng kay Noe. Lahat ng nabigong salubungin ang Panginoon bago ang mga kalamidad ay nasadlak sa mga ito, at tanging ang mga nakarinig sa tinig ng Diyos at tumanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ang nadala paitaas sa harap ng Diyos para dumalo sa piging ng kaharian ng langit, tumanggap sa paghatol ng Diyos, at malinis; lahat sila ay nagpapatotoo sa pagpapakita at gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ang grupo ng mga mananagumpay na ginawa ng Diyos bago ang mga kalamidad.

Ngayon, malinaw na nating nakikita na dumarating ang Anak ng tao sa pamamagitan ng palihim na pagbaba bago ang mga kalamidad, habang saka lang Siya hayagang bababa sakay ng isang ulap kapag tapos na ang malalaking kalamidad. Magkaiba ang panahon at sitwasyon ng palihim na pagbaba ng Anak ng tao at ng Kanyang hayagang pagbaba pagkatapos ng malalaking kalamidad: Nangyayari ang isa bago ang mga kalamidad, at ang isa naman ay pagkatapos ng mga kalamidad. Ang pagbaba bago ang mga kalamidad ay ang pagdating ng Anak ng tao para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Katulad ng pagpapakita at paggawa ng Panginoong Jesus, nagkakatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng pagliligtas sa tao. Pagkatapos ng malalaking kalamidad, babaguhin ng Anak ng tao ang Kanyang anyo at hayagang bababa sakay ng isang ulap. Pagsapit ng panahong iyon, natapos na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan, nawasak na ang lahat ng kaharian ni Satanas, at halos namatay na lahat ang mga walang pananampalataya na lumalaban sa Diyos pati na ang mga tao sa mundo ng relihiyon. Kaya naman, kapag hayagang bumaba ang Panginoon sa isang ulap, gagantimpalaan Niya ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Kahit pa may iilan sa mga hindi tumanggap sa pagpapakita at gawain ng Anak ng tao ang makaligtas para makita ang hayagang pagbaba ng Panginoon sa ulap, magiging puntirya pa rin sila ng kaparusahan. Pagdating ng panahong iyon, tatangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin, at didiretso sa impiyerno. Malinaw na sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng sa mga diyablo ay lilipulin. Ang lahat ng sumasamba kay Satanas ay babagsak sa gitna ng Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 26). Paano ba dapat unawain ang mga salitang ito? Ibig sabihin nito, kung gusto mong makaligtas sa mga kalamidad, dapat mong tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Mamamatay lahat ng hindi tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos, at ang mga naghihintay lang na bumaba ang Panginoon sakay ng isang ulap ay tiyak na pawang lilipulin. Kaya naman, ang layunin ng Diyos kaya Niya kayo pinapasalubong sa Panginoon ay para maging matatalinong dalaga kayo na kayang salubungin ang pagpapakita ng Anak ng tao. Pinagpala ang mga sumasalubong sa pagpapakita ng Anak ng tao; isa itong pagpapalang paunang inorden ng Diyos. Pero ang mga nagpupumilit na maghintay na makita ang pagbaba ng Panginoon sa ulap bago Siya salubungin ay pawang mga pinakamangmang na dalaga, dahil kapag nakita nila ang pagbaba ng Panginoon sakay ng isang ulap, hindi ito pagpapala ng Diyos; isa itong tanda na parurusahan sila. Kaya, kung gusto mong salubungin ang Panginoon, ang susi ay salubungin ang pagpapakita at gawain ng Anak ng tao. Ito lang ang naaayon sa layunin ng Diyos.

Ngayon, dapat maunawaan ng lahat na para salubungin ang Anak ng tao, dapat kang tumuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Dahil sa panlabas, ang Anak ng tao ay isa lang ordinaryong tao, katulad na katulad ng Panginoong Jesus; ang tanging pinagkaiba ay kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng Diyos. Kung gusto mong makilala ang nagkatawang-taong Anak ng tao, dapat alam mo kung paano pakinggan ang tinig ng Diyos. Kaya, paano ka magkakaroon ng kakayahang marinig ang tinig ng Diyos? Ang pinakamahalaga, dapat alam mo kung ano ang katotohanan. Kahit hindi mo nauunawaan ang katotohanan kapag nagbabasa ka ng mga salita ng Diyos, basta’t nararamdaman mo sa puso mo na ang mga ito ang katotohanan, at nakakasiguro kang ang mga ito ang katotohanan, sapat na iyon. Kung hindi mo alam kung ano ang katotohanan at wala kang nararamdaman sa puso mo kapag nagbabasa ng mga salita ng Diyos, kung gayon, hindi mo maririnig ang tinig ng Diyos. Ngayon, napakaraming tao sa buong mundo ang tumanggap na sa Makapangyarihang Diyos. Nang una nilang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, hindi rin nila naunawaan ang katotohanan, pero naramdaman nilang lahat na may awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at na lahat ng ito ay ang katotohanan, at kaya tinanggap nila ang Makapangyarihang Diyos. Ang mga taong nakakarinig sa tinig ng Diyos ang pinakapinagpala sa lahat; isa itong pagpapalang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos. Sa sandaling mabigkas ang mga salita ng Diyos, may nararamdaman sa kanilang puso ang mga tupa ng Diyos; nararamdaman nila na may napakalaking awtoridad ang mga salitang ito, at na ang mga ito ang katotohanan. Saan ba sila umaasa para marinig ang tinig ng Diyos? Umaasa sila sa intuwisyon sa kanilang espiritu. Ang intuwisyon sa kanilang espiritu ay ang pakiramdam na may napakalaking awtoridad ang mga salitang ito, na napakalalim ng mga salitang ito, na galing sa Diyos ang mga salitang ito, at na walang sinumang tao ang makakapagsalita ng mga ito kailanman. Isa pa, sa pagbabasa ng mga salitang ito, nakakasiguro silang ang mga ito ang katotohanan, at pakiramdam nila na tanging ang katotohanan ang may awtoridad at kapangyarihan. May nararamdaman ang mga ganitong tao kapag naririnig nila ang mga salita ng katotohanan. Kaya naman, ang kakayahang marinig ang tinig ng Diyos ay nakabatay sa pakiramdam sa iyong espiritu, sa intuwisyon. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Ang pahayag na, “Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos,” ay hindi nagsasabi sa atin na ang mga tupa ng Diyos ay dapat naranasan na ang mga salita ng Diyos nang ilang taon, may karanasan sa buhay, at nagtataglay ng kaunting tunay na pagkakilala sa Diyos bago nila marinig ang Kanyang tinig. Sa halip, sinasabi nito sa atin na ang mga tupa ng Diyos ay natural na makakarinig sa tinig ng Diyos. Isa itong instinto na taglay ng mga tupa ng Diyos; ang mga taong may espirituwal na pang-unawa ay nagtataglay ng instintong ito. Ang mga nagtataglay ng instintong ito ay mga tupa ng Diyos, at ang mga hindi ay hindi mga tupa ng Diyos. Ngayon, napakarami nang ipinahayag na katotohanan ng Makapangyarihang Diyos, pero napakaraming tao pa rin sa mundo ng relihiyon ang lumalaban at kumokondena sa Kanya. Ang mga taong ito ay hindi mga tupa ng Diyos. Sila ang mga mangmang na dalaga na nahulog na sa kadiliman. Sila ay mga anticristo, mga diyablo, at mga Satanas.

Kaya, paano mo maririnig ang tinig ng Diyos? Kailangan mong maghanap at magsiyasat. Una, ang pinakamahalaga ay makilala mo na may awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Diyos. Isa pa, dapat mong makilala na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, na ang mga katotohanang ito ay hindi tinataglay ng sinumang tao, at walang sinumang tao ang makakapagsalita ng mga ito gaano man katagal na silang nananampalataya sa Diyos. Lahat ng salita ng Diyos ay katotohanan. Ang katotohanan ay isang positibong bagay. Ang katotohanan ay ganap na naiiba sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, at ganap din itong naiiba sa mga kaisipan at teorya ng tao. Kinakatawan ng mga salita ng Diyos ang mga layunin ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos, at tanging ang Diyos ang makakapagpahayag ng mga ito. Isa pa, kayang ibunyag ng mga salita ng Diyos ang mga misteryo sa Bibliya, pati na rin ang iba’t ibang misteryo ng gawain ng Diyos. Walang sinumang tao ang makakapagbunyag ng mga misteryong ito, ni hindi rin ihahayag ng Banal na Espiritu ang mga misteryong ito sa tao; tanging ang Diyos ang makakapagbunyag ng mga ito. Sa pakikinig sa tinig ng Diyos, kailangan mong pangunahing tumuon sa mga aspektong ito. Kung kaya mong marinig ang tinig ng Diyos, at nakakasiguro ka kahit papaano na ang nagpapahayag ng mga katotohanang ito ay isinugo ng Diyos, kahit paano ay hindi mo lalabanan at kokondenahin ang Diyos. Kung bukod pa riyan ay nakakasiguro ka na ang mga katotohanang ito ay maipapahayag lang ng Diyos na nagkatawang-tao, mas maganda iyon, at nasalubong mo na ang Panginoon.

Pag-usapan pa natin kung ano ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus nang sabihin Niya sa atin na maging mapagbantay at handa. Hindi bababa sa tatlong bagay ang dapat nating bantayan at paghandaan. Una ay kung paano natin tutukuyin na ang Anak ng tao ay ang nagkatawang-taong Diyos at ang Cristo ng mga huling araw pagdating Niya. Kung hindi ka mapagbantay at handa, hindi mo masasalubong ang Panginoon. Ito ay dahil may mga huwad na cristo na lumilitaw sa mga huling araw para iligaw ang mga tao—ang mga walang katotohanan ay madaling naililigaw ng mga huwad na cristo. Gaya nga ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagkat may magsisilitaw na mga huwad na cristo, at mga huwad na propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na ang mga hirang(Mateo 24:23–24). Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, nasa panganib kang mailigaw ng mga huwad na cristo. Mapanganib kung hindi ka mapagbantay at handa; kung mabibigo kang salubungin ang tunay na Cristo at sa halip ay maililigaw ng isang huwad na cristo, sa huli ay mapaparusahan ka. Kaya naman, sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, napakadaling magkamali ng landas at mailigaw ng mga huwad na cristo kung hindi ka mapagbantay. Ito ang unang bagay kung saan dapat kang maging mapagbantay. Ang pangalawang bagay kung saan dapat kang maging mapagbantay ay kung hindi mo alam ang katotohanan at hindi mo nauunawaan ang katotohanan, madali kang maililigaw ng mga pastor ng relihiyon at ng iba’t ibang maling paniniwala at maling kaisipan ng mundo ng relihiyon. Pakiramdam ng ilang tao na maganda ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos kapag naririnig nila ang mga ito, pero iniisip nila, “Sa pagsisiyasat sa tunay na daan, dapat makuha ko ang pagsang-ayon ng pastor ko. Kailangan kong hayaan ang pastor ko na magsilbing tagasuri para makita kung totoo o hindi ang daang ito. Sa ganoong paraan, walang magiging problema.” Pero sa sandaling magtanong sila sa pastor nila, magbubulalas ang pastor ng mga maling paniniwala at maling kaisipan, at maililigaw sila at itatanggi nila ang lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sa ganitong sitwasyon, kung makatagpo sila ng taong nakakaunawa ng katotohanan at nakikipagbahaginan sa katotohanan sa kanila, at matutuhan nilang kumilatis sa pagitan ng tunay na daan at mga huwad na daan, at sa huli ay makilala ang tunay na daan, matanggap ang katotohanan, at hindi mahila pabalik ng mundo ng relihiyon, kung gayon ay pinagpala sila. Pero kung makatagpo sila ng masasamang tao, o ng mga balighong uri ng tao na walang espirituwal na pang-unawa, at magbulalas din ang mga taong ito ng mga maling paniniwala at maling kaisipan, kung gayon ay maililigaw sila. Kaya naman, kung hindi ka mapagbantay sa pagsalubong sa Panginoon, nasa panganib kang mailigaw. Hindi puwede na hindi mo nauunawaan ang mga propesiya sa Bibliya, kung wala kang abilidad na kumilatis sa katotohanan, o kung mahina ang kakayahan mo; talagang hindi uubra kung palagi kang ginugulo ng mga negatibong tao. Ito ang pangalawang bagay kung saan dapat kang maging mapagbantay. Ang pangatlong bagay kung saan dapat kang maging mapagbantay ay na madali kang magkaroon ng mga kuru-kuro tungkol kay Cristo kung wala kang katotohanan. Halimbawa, kapag nakita ng ilang tao na may normal na pagkatao si Cristo at hindi talaga Siya higit sa likas sa panlabas, nagkakaroon sila ng mga kuru-kuro. Iniisip nila, “Nang dumating ang Panginoong Jesus, gumawa Siya ng mga tanda at kababalaghan. Bakit hindi gumagawa ng anumang tanda at kababalaghan ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw? Kung hindi Siya gumagawa ng mga tanda at kababalaghan, Siya ba talaga ang Diyos Mismo?” Hindi nila alam na ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol at nakagawa na Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay. Ito ang pinakadakilang tanda at kababalaghan sa lahat, at sapat na ito para patunayan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagkatawang-taong Diyos at ang Cristo ng mga huling araw. Isa pang halimbawa, nagiging negatibo ang ilang tao kapag dumarating sa kanila ang mga sakuna, iniisip na kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, dapat Niya silang protektahan. Mapanganib para sa kanila na magkaroon ng ganitong kuru-kuro, dahil malamang na ipagkanulo nila ang Diyos! Kita niyo, ang mga taong hindi nakakaunawa sa katotohanan ay palaging nagkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol kay Cristo—marami-rami ang mga taong ganito. Ito ang pangatlong bagay kung saan dapat kang maging mapagbantay. Para salubungin ang Cristo ng mga huling araw, dapat kang maging mapagbantay at maghanda ng langis, at pangunahing tumutukoy ito sa tatlong bagay na ito. Kung hindi ka magiging mapagbantay sa tatlong bagay na ito, kahit pa tanggapin mo ang Cristo ng mga huling araw, mahihirapan ka pa ring manindigan kapag nakaranas ka ng anumang sakuna o tukso, o makarinig ng anumang negatibong propaganda o ng mga mapanlihis na salita ng mga pastor.

Napakahalagang maging mapagbantay at handa sa pagsalubong sa Panginoon! Kung hindi ka mapagbantay at handa, napakadaling mailigaw at napakadaling mapalampas ang pagkakataon mong maligtas. Maraming tao ang hindi lang nabibigong maging mapagbantay at handa, kundi hindi rin sila naghahanap o nagsisiyasat kahit kaunti. Palagi silang nakikinig sa mga pastor nila at palaging naghahanap ng mga sagot sa Bibliya. Walang paraan ang mga ganitong tao para masalubong ang Panginoon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Yamang hinahanap natin ang mga bakas ng yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang mga layunin ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas Niya. Ito ay dahil kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos; kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap sa mga bakas ng yapak ng Diyos, nakaligtaan ninyo ang mga salitang ‘Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.’ At kaya, maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, ang hindi naniniwala na natagpuan na nila ang mga bakas ng yapak ng Diyos, at lalo nang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ano Talaga ang Marapture?

Dalawang libong taon na ang nakalilipas, matapos ipako sa krus ang Panginoong Jesus at makumpleto ang Kanyang gawain ng pagtubos, nangako...