Ano ang Pagkakatawang-Tao?
Alam nating lahat na dalawang libong taon na ang nakararaan, nagkatawang-tao ang Diyos sa mundo ng tao bilang ang Panginoong Jesus para tubusin ang sangkatauhan, at nangaral na, “Mangagsisi kayo: sapagkat malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Nagpahayag din Siya ng maraming katotohanan, at para makumpleto ang gawain ng pagtubos, ipinako Siya sa krus bilang alay para sa kasalanan ng sangkatauhan, at sa ganoong paraan ay tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya. Ito ang isinagawang gawain para tubusin ang sangkatauhan noong unang beses na nagkatawang-tao ang Diyos. Kahit na labis na sinubukan ng Judaismo na kondenahin ang Panginoong Jesus at nakiisa ito sa pamahalaang Romano para maipako Siya sa krus, pagkaraan ng dalawang libong taon, lumaganap ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa bawat sulok ng daigdig. Pinatutunayan nito na ang Panginoong Jesus ang nagkatawang-taong Diyos, ang nag-iisang tunay na Diyos at Lumikha na nagpakita upang gumawa sa katawang-tao. Subalit hindi kinikilala ng maraming tao na ang Panginoong Jesus ang nagkatawang-taong Diyos. Bagkus, tinatrato nila ang Panginoong Jesus na isang karaniwang tao. Kahit ang maraming pastor sa relihiyon ay hindi kinikilala na ang Panginoong Jesus ay Diyos, at iniisip lamang nila na Siya ay ang bugtong na Anak ng Diyos. Ngayon, kahit na mayroong hindi mabilang na nananalig sa Panginoon, iilang tao ang talagang nakakaalam na ang Panginoong Jesus ay Diyos, at walang sinuman ang nakakaalam ng kahulugan at halaga ng lahat ng katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus. Kaya, patungkol sa pagsalubong sa Panginoon, marami ang napahamak sa sakuna dahil hindi nila marinig ang tinig ng Diyos. Para sa mga hindi nakakarinig sa tinig ng Diyos, kahit na mukhang masidhi silang nananalig, kung nakita nila ang wangis ng Anak ng tao sa Panginoong Jesus, makapagpapatuloy ba talaga silang manalig sa Panginoon at sumunod sa Kanya? Magagawa ba nilang kondenahin ang Panginoong Jesus bilang isang karaniwang tao at itatwa na Siya ay Diyos? Kung narinig nila ang Panginoong Jesus na nagpapahayag ng napakaraming katotohanan ngayon, magagawa pa rin ba nilang kondenahin ang Panginoong Jesus dahil sa pagsasabi ng kalapastanganan at muli Siyang ipako sa krus? Batay sa katotohanan ng pagkondena ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus, maaari nating sabihin nang may katiyakan na kung ang lahat ng nananalig sa Panginoon ngayon ay talagang nakita Siya sa Kanyang orihinal na wangis bilang Anak ng tao, maraming tao ang malamang na tatakbo palayo, at maraming iba pa ang huhusga at kokondena sa Panginoong Jesus, tulad ng mga Fariseo, at muli Siyang ipapako sa krus. Maaaring tumutol ang ilan kapag sinasabi ko sa ganitong paraan ang mga bagay na ito, pero ang lahat ng sinasabi ko ay katotohanan. Ang pinakadahilan nito ay ang labis na katiwalian ng sangkatauhan, at umaasa lamang sila sa nakikita nila para sa kanilang pananampalataya sa Diyos, kaya walang sinuman ang nakakaalam na ang nagkatawang-taong Anak ng tao ay ang pagpapakita ng Diyos. Ipinapakita sa atin nito na ang pagkakatawang-tao ay isang malaking misteryo. Sa loob ng libu-libong taon, walang sinuman ang nakaunawa sa aspetong ito ng katotohanan. Kahit na alam ng mga nananalig na ang Panginoong Jesus ang nagkatawang-taong Diyos, walang sinuman ang nakapagpaliwanag nang malinaw kung ano ang pagkakatawang-tao at kung paano natin dapat unawain ang nagkatawang-taong Diyos.
Kaya, bakit nagpasya ang Diyos na magkatawang-tao sa laman para magpakita at gumawa? Sa tumpak na pananalita, kinailangang magkatawang-tao ng Diyos para isagawa ang gawain ng pagliligtas dahil sa katiwalian ng sangkatauhan. Sa madaling salita, sa pagparito lamang sa katawang-tao maisasagawa ang lubos na pagliligtas ng sangkatauhan. Dalawang beses na pumarito sa katawang-tao ang Diyos para tubusin at iligtas ang sangkatauhan. Ang Panginoong Jesus ang nagkatawang-taong Diyos, at pumarito Siya para isagawa ang gawain ng pagtubos. Maaaring itanong ng ilan, bakit hindi gumamit ang Diyos ng isang tao para isagawa ang gawain ng pagtubos? Bakit nagkatawang-tao ang Diyos? Dahil ang bawat isa sa tiwaling sangkatauhan ay may pinapasang kasalanan, tayong lahat ay makasalanan, ibig sabihin, walang sinumang marapat na maging mga alay para sa kasalanan. Tanging ang nagkatawang-taong Anak ng tao ang walang kasalanan, kaya nagkatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao para Siya Mismo ang magsagawa ng gawain ng pagtubos. Ito lamang ang tunay na nagpakita ng pagiging matuwid at banal ng Diyos, ang lubos na nagpahiya kay Satanas at walang iniwan ditong batayan para akusahan ang Diyos. Dahil din dito ay nalaman ng sangkatauhan ang tapat na pag-ibig at awa ng Diyos para sa kanila. Nang matapos ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, ipinropesiya Niya na muli Siyang paparito. Ngayon, bumalik na ang Panginoon Jesus, at Siya ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Marami nang katotohanan ang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw upang lubos na dalisayin ang katiwalian ng sangkatauhan, para iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kapangyarihan ni Satanas, at upang dalhin ang sangkatauhan sa isang magandang hantungan. Pero ang hindi inaasahan ay, kahit napakarami nang katotohanan ang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, hibang na nilalabanan at kinokondena pa rin Siya ng mga puwersa ng mga anticristo sa relihiyosong mundo, na nakipagsanib pa sa namumunong CCP para subukang hadlangan, sirain, at ipagbawal ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ginagawa nila ang lahat para itatwa na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ng nagkatawang-taong Diyos, at para kondenahin at lapastanganin din ang Makapangyarihang Diyos bilang isang karaniwang tao, na lubusang nagbubunyag sa pangit na mukha ng mga puwersa ng mga anticristo sa relihiyosong mundo bilang mga namumuhi sa katotohanan at lumalaban sa Diyos. Kung magbabalik-tanaw tayo noong nakaraang dalawang libong taon, makikita natin na ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ng Judaismo ay mas nagnais na mamatay kaysa tanggapin ang Panginoong Jesus bilang Mesiyas. Inilarawan nila ang Panginoong Jesus na isang karaniwang tao na nagsalita ng kalapastanganan, ginawa nila ang lahat para labanan, kondenahin, at lapastanganin ang Panginoong Jesus, at sa huli’y ipinako nila Siya sa krus, ginagawa ang karumal-dumal na krimen na dahilan kaya sila isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Ngayon, nagpapakita at gumagawa ang Makapangyarihang Diyos sa wangis ng Anak ng tao. Maraming tao ang nakakita na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, narinig na nila ang tinig ng Diyos, at lahat sila’y masayang tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at sinalubong ang Panginoon. Gayunman, maraming tao ang hindi nakakakilala sa nagkatawang-taong Diyos, na tinatrato pa rin ang Makapangyarihang Diyos bilang isang karaniwang tao, at hinahatulan at kinokondena rin ang lahat ng tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos, nagsasabing naniniwala sila sa isang karaniwang tao. Iniisip ng mga taong ito na nauunawaan nila ang Biblia, kaya tumatanggi silang siyasatin ang tunay na daan at nagkukumahog na kinokondena at nilalabanan ang Makapangyarihang Diyos, nagkakasala ng muling pagpapako sa Diyos sa krus. Bakit ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kinondena at tinanggihan ng tao? Ito ay dahil hindi kilala ng mga tao ang Diyos, hindi nila nauunawaan kung ano ang katotohanan, at lalong hindi nila naiintindihan ang malaking misteryo ng pagkakatawang-tao. Ito ay dahil din sa ang mga tao ay labis nang naging tiwali at mayroong mga satanikong kalikasan. Hindi lang nila kinasusuklaman at kinamumuhian ang katotohanan, labis din nilang kinakalaban ang Diyos at wala talaga silang anumang takot. Sa katunayan, mayroong mga medyo matapat na nananalig sa Diyos na nalinlang ng CCP, ang hari ng mga demonyo, at ng mga puwersa ng relihiyosong anticristo dahil sa kanilang kamangmangan at tumahak sa landas ng paglaban sa Diyos. Ang dahilan ng kanilang kabiguan ay ang kakulangan ng kaalaman tungkol sa pagkakatawang-tao at sa katotohanan, kaya hindi nila naririnig ang tinig ng Diyos, at kaya tinatrato ang nagkatawang-taong Diyos bilang isang karaniwang tao at kaya rin kinokondena at nilalapastangan Siya. Madaling makita na ang pagkaunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao ay mahalaga para sa atin para masalubong ang Panginoon at maitaas sa kaharian ng langit. Isa itong napakahalagang isyu na may kinalaman sa ating pinakahuling hantungan.
Maraming tao ang nagtatanong, yamang ang Panginoong Jesus ang nagkatawang-taong Diyos at gumawa ng gawain ng pagtubos, at ang sangkatauhan ay naligtas at bumaling na sa Diyos, bakit kailangan pa rin ng Diyos na pumarito sa katawang-tao sa mga huling araw para gawin ang gawain ng paghatol upang iligtas ang sangkatauhan? Mayroong napakalalim na kahulugan dito. Sa madaling salita, ang dalawang beses na pagparito ng Diyos na nagkatawang-tao para tubusin ang sangkatauhan, at pagkatapos ay ganap na dalisayin at iligtas tayo ay itinakda ng Diyos matagal na panahon na bago nilikha ang mundo. Maraming propesiya sa Biblia na nagsasabing ang Diyos ay dalawang beses na magkakatawang-tao bilang Anak ng tao. Ang unang pagkakataon, sa pamamagitan ng pagpapako sa krus bilang handog para sa kasalanan, tinapos Niya ang gawain ng pagtubos, upang ang mga kasalanan ng mga tao ay mapatawad, ngunit ang mga tao ay hindi nakatakas sa kasalanan at nagtamo ng kabanalan. Sa ikalawang pagkakataon, sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan at gawain ng paghatol, lubusan Niyang dadalisayin ang sangkatauhan, ganap na ililigtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at impluwensiya ni Satanas, wawakasan ang isang kapanahunan, at dadalhin ang sangkatauhan sa isang magandang hantungan. Kaya, ang dalawang pagkakatawang-tao ay para tubusin ang sangkatauhan, at pagkatapos ay lubos na iligtas ang sangkatauhan. Ang Diyos ay dalawang beses na nagkatawang-tao para tapusin ang Kanyang plano ng pamamahala para iligtas ang sangkatauhan. Sa kasalukuyan, nilupig at ginawang perpekto ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang isang grupo ng tao para maging mga mananagumpay, natalo ng Diyos si Satanas at nagtamo ng kaluwalhatian, at masasabing natapos ng Diyos ang Kanyang dakilang gawain. Ito ang mga bagay na nagawa na ng Diyos. Ngayon ay nakikita natin ang kamangha-manghang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw. Sa isang banda, tinapos nito ang lumang kapanahunan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at sinimulan ang bagong kapanahunan, ang Kapanahunan ng Kaharian. Sa kabilang banda, lubusan nitong dinadalisay at inililigtas ang sangkatauhan, at naghahatid sa sangkatauhan sa isang magandang hantungan. Kapwa ang gawain ng pagtubos at ang gawain ng paghatol ay tinapos ng nagkatawang-taong Diyos, kaya ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay talagang may malaking kahalagahan. Ngayon, napakarami nang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at nakagawa na Siya ng mga dakilang gawain sa ating mundo, kaya bakit marami pa ring tao ang hindi nakakaalam sa gawain ng Diyos? Marami pa ring tao ang tumatangging aminin na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagkatawang-taong Diyos, mahigpit na kumakapit sa mga haka-hakang panrelihiyon, naniniwala na ang Panginoong Jesus lamang ang Diyos, at ipinipilit na sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa Biblia tayo makakapasok sa kaharian ng langit. Napakalaking kahangalan at kamangmangan na gawin ito! Paano maririnig ng ganoon kahangal na mga tao ang tinig ng Diyos? At paano nila matutuklasan ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos? Sa huli, dahil ang mga tao ay kulang sa kaalaman tungkol sa nagkatawang-taong Diyos at hindi makilala ang tinig ng Diyos, kaya hindi sila maitaas sa harapan ng trono ng Diyos. Ang mga mangmang na taong ito, ang mga hangal na dalagang ito, ay hindi magtatamo kailanman ng pagsang-ayon ng Diyos gaano man karaming taon silang maniwala. Malinaw na kung gusto mong salubungin ang Panginoon, ang kaalaman sa nagkatawang-taong Diyos at ang pagkaunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao ay napakahalaga! Kaya, ano mismo ang pagkakatawang-tao? At ano dapat ang maging pagkaunawa natin sa pagkakatawang-tao? Paano natin makikilala ang tunay na Cristo mula sa mga huwad na Cristo? Mauunawaan natin pagkatapos nating basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang ‘pagkakatawang-tao’ ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). “Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit). “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis rito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na Cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Malinaw na sinasabi ng salita ng Diyos na ang pagkakatawang-tao ay ang katuparan ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, na ang ibig sabihin ay nagbihis ang Espiritu ng Diyos ng laman upang maging isang karaniwang tao, at pagkatapos ay nagpakita at gumawa sa mundo ng mga tao. Sa madaling salita, nangangahulugan ito na ang Espiritu ng Diyos ay nagbihis ng laman at naging Anak ng tao. Sa panlabas, ang nagkatawang-taong Diyos ay isang normal at karaniwang tao, isang taong hindi matayog o higit sa karaniwan, na kumakain, nagbibihis ng Kanyang sarili, at naglalakbay tulad ng mga karaniwang tao at namumuhay ng karaniwang buhay. Kailangan niyang kumain kapag Siya ay nagugutom at matulog kapag Siya ay napapagod, nakararanas Siya ng normal na mga damdamin ng tao, tunay at aktwal Siyang namumuhay kasama ng tao, at walang nakakakita na Siya ang praktikal na nagkatawang-taong Diyos. Gayunman, sa kabila ng pagiging normal at karaniwang tao, may malaking pagkakaiba sa pagitan Niya at ng mga nilikhang tao. Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay nasa loob Niya. Mayroon Siyang normal na pagkatao, ngunit mayroon ding lubos na pagka-Diyos, na nakikita at nahahawakan. Pangunahing naipapamalas ito sa kakayahan Niyang magpahayag ng katotohanan at magbunyag ng mga misteryo sa anumang oras o lugar. Naipapahayag Niya at napatototohanan ang disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at ano ang Diyos, ang nasa isip at saloobin ng Diyos, ang pagmamahal ng Diyos, at ang walang hanggang kapangyarihan at karunungan ng Diyos, upang makilala at maunawaan ng lahat ng tao ang Diyos. Kaya Niya ring ihayag ang lahat ng misteryo sa Biblia, na nangangahulugang kaya Niyang buksan ang balumbon na ipinropesiya sa Pahayag. Pinatutunayan nito na ganap ang Kanyang pagka-Diyos. Sa panlabas, si Cristo ay isang karaniwang tao, ngunit kaya niyang magpahayag ng napakaraming katotohanan, pukawin ang mga tao, at iligtas ang tiwaling sangkatauhan mula sa impluwensiya ni Satanas. Kung wala ang Espiritu ng Diyos sa kanya, paano magagawa ng sinuman ang mga bagay na ito? Tiyak na walang tanyag o dakilang tao ang makagagawa ng ganitong mga bagay, dahil walang tanyag o dakilang tao ang nakapagpapahayag ng katotohanan. Wala silang kahit anumang katotohanan. Ni hindi nila maligtas man lang ang kanilang sarili, kaya paano nila ililigtas ang buong sangkatauhan? Ang nagkatawang-taong Diyos ay nakapagpapahayag ng katotohanan at nakagagawa ng gawain ng paghatol para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, na mga kakayahan na walang sinuman ang may taglay. Ang aklat na “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao” ay ang pagbigkas ng Diyos sa mga huling araw, at patotoo sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sa pagdanas ng hinirang na mga tao ng Diyos ng gawain ng paghatol Niya sa mga huling araw at pagtanggap ng pagdidilig at pagpapastol ng Makapangyarihang Diyos Mismo, nadama nilang lahat ang malalim na praktikalidad ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Tunay at totoong namumuhay ang Diyos sa gitna ng mga tao, at nagpapahayag ng katotohanan batay sa ating aktwal na sitwasyon para suportahan at tustusan tayo, gayundin upang ilantad ang ating mga paglihis sa paniniwala sa Diyos, mga maling paghahangad at pananaw, at ang lahat ng uri ng satanikong disposisyong nasa kalooban natin, upang magtamo tayo ng kaalaman at magbago. Sinasabi rin ng Diyos ang Kanyang mga ninanais at hinihingi sa mga tao, nagbibigay sa atin ng pinakapraktikal at pinakatumpak na mga mithiing hahangarin at mga prinsipyong isasagawa, upang makapasok tayo sa mga realidad ng katotohanan, matanggap ang pagliligtas ng Diyos, at lubusang makatakas mula sa mga puwersa ng kadiliman ni Satanas. Nararanasan nang husto ng sinumang sumusunod sa Makapangyarihang Diyos na kung wala ang nagkatawang-taong Diyos na pumarito para magpahayag ng katotohanan para mahatulan at makastigo ang mga tao, hindi nila magagawang makilala ang kanilang mga makasalanang kalikasan, ni hindi nila matatakasan ang pagbihag at paggapos ng kasalanan. Natatanto rin nila na sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng paghatol at pagkastigo ng Diyos malilinis ang kanilang tiwaling disposisyon, sa pamamagitan lamang ng kaalaman tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos sila matatakot sa Diyos at iiwas sa kasamaan, at sa pamamagitan lamang ng pamumuhay batay sa salita ng Diyos sila makapapamuhay na may tunay na wangis ng tao, magiging marapat na tumanggap ng mga pangako at pagpapala ng Diyos, at madadala sa kaharian ng langit. Pag-isipan ito: Kung hindi naparito at nagpahayag ng napakaraming katotohanan ang nagkatawang-taong Diyos sa mga huling araw, magkakaroon ba tayo ng natatanging karanasang ito na maligtas? Matatanggap ba natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at matatamasa ang mga masaganang pagpapala ng Diyos? Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw, ang buong sangkatauhan ay tiyak na masasadlak sa pagkawasak, at walang sinuman ang tatanggap ng kaligtasan. Tulad lamang ito ng sinasabi ng salita ng Makapangyarihang Diyos, “Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Bukod dito, hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napakapangkaraniwang katawang-tao. Wala kang makikitang anumang nagpapabukod-tangi sa Kanya sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa narinig dati. Itong hamak na katawang-taong ito ang kumakatawan sa lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, nangangasiwa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos upang maintindihan ng tao. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito—mga lihim na wala pang taong nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pintuan mo patungo sa kaharian, at gabay mo patungo sa bagong kapanahunan. Nagtataglay ng maraming hiwagang di-maarok ang gayong karaniwang katawang-tao. Maaaring hindi maintindihan para sa iyo ang Kanyang mga gawa, ngunit ang buong layunin ng gawaing ginagawa Niya ay sapat na upang hayaan kang makitang hindi Siya isang simpleng katawang-tao na gaya ng inaakala ng mga tao. Sapagkat kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos at ang pangangalagang ipinakita ng Diyos para sa sangkatauhan sa mga huling araw. Bagaman hindi mo naririnig ang mga salita Niya na tila yumayanig sa kalangitan at lupa, bagaman hindi mo nakikita ang mga mata Niya na tulad ng lumalagablab na apoy, at bagaman hindi mo natatanggap ang disiplina ng Kanyang pamalong bakal, gayunman, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita na mapagpoot ang Diyos, at mababatid na nagpapakita ang Diyos ng habag para sa sangkatauhan; makikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang karunungan Niya, at bukod dito, matatanto ang malasakit ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos na nasa langit na namumuhay kasama ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na kilalanin, sundin, igalang, at mahalin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit bumalik Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao ngayon ay isang Diyos na katulad ng tao, isang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, at isang hindi kapansin-pansing Diyos, sa huli, ipakikita sa inyo ng Diyos na kung hindi umiral ang taong ito, sasailalim ang langit at lupa sa napakatinding pagbabago; kung hindi umiral ang taong ito, magdidilim ang kalangitan, masasadlak sa kaguluhan ang lupa, at mamumuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung hindi pumarito ang Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas kayo sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging mga pangunahing makasalanan kayo magpakailanman, at magiging mga bangkay kayo habang panahon. Dapat ninyong malaman na kung hindi umiral ang katawang-taong ito, haharap ang buong sangkatauhan sa hindi maiiwasang kapahamakan at makikitang imposibleng makatakas sa mas matinding kaparusahang ipapataw ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat sana kayo’y nasa kalagayan kung saan nagsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mamuhay at manalangin para sa kamatayan nang hindi namamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at makakapunta sa harap ng trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa mabibigat ninyong kasalanan. Alam ba ninyong kung hindi dahil sa pagbabalik sa katawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; at kung hindi dahil sa pagparito ng katawang-taong ito, matagal na sanang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan? Dahil dito, magagawa pa rin ba ninyong tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang napakaraming pakinabang ang matatamo ninyo sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya malugod na tatanggapin?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao).
Sa puntong ito, maaaring itanong ng ilang tao, ang panlabas na hitsura ng nagkatawang-taong Diyos ay karaniwan, at ang Kanyang pagka-Diyos ay nakatago sa Kanyang katawang-tao, kaya kung pumarito ang Diyos, paano natin Siya makikilala bilang ang nagkatawang-taong Diyos? Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos kung paano. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Mula sa salita ng Diyos, makikita natin na ang pagkilala sa nagkatawang-taong Diyos ay hindi batay sa Kanyang hitsura, ni hindi ito batay sa kung anong pamilya Siya isinilang, kung mayroon man Siyang posisyon o kapangyarihan, o kung mayroon Siyang katanyagan sa relihiyosong mundo. Hindi ito batay sa mga bagay na ito. Sa halip, batay ito sa kung taglay Niya ang diwa ng Diyos, kung maipapahayag Niya ang katotohanan at magagawa ang gawain ng Diyos Mismo. Ito ang pinakamahalagang bahagi. Kung maipapahayag Niya ang katotohanan at magagawa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, kung gayon, kahit na ipinanganak Siya sa isang karaniwang pamilya at walang kapangyarihan at posisyon sa lipunan, Siya ay Diyos. Tulad ng sa Kapanahunan ng Biyaya, nang ang Panginoong Jesus ay pumarito upang gumawa, ipinanganak Siya sa isang karaniwang pamilya, isinilang Siya sa isang sabsaban, hindi Siya matangkad o malaki ang pangangatawan, at wala Siyang katayuan o kapangyarihan, pero nakapagpapahayag Siya ng katotohanan, nakapagbibigay sa mga tao ng paraan ng pagsisisi, at nakapagpapatawad ng mga kasalanan ng mga tao. Ang mga nagmamahal sa katotohanan, tulad ng Kanyang mga disipulong sina Pedro at Juan, ay nakita sa gawain ng Panginoong Jesus at sa katotohanang Kanyang ipinahayag na taglay niya ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos at nakilala ang Panginoong Jesus bilang Mesiyas, kaya sinunod nila Siya at nagtamo ng kaligtasan ng Panginoon. Sa kasalukuyan, muling naparito ang Diyos sa katawang-tao sa mundo ng mga tao, at kahit na sa panlabas ay mukha Siyang isang karaniwang tao, nakapagpapahayag ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Marami sa lahat ng bansa at lugar ang nakakita na sa katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, nakakilala sa tinig ng Diyos, at tumanggap sa Makapangyarihang Diyos, at itinaas sa harapan ng trono ng Diyos. Nagsimula silang makaranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, at naunawaan ang ilang katotohanan. Lahat sila’y mayroong magagandang karanasan at patotoo, at ibinigay ang lahat nila sa pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos. Pinatutunayan ng mga katotohanan na tanging ang taong nakapagpapahayag ng katotohanan, nakahahatol at nakadadalisay sa mga tao, at lubusang nagliligtas sa sangkatauhan ay si Cristo at ang nagkatawang-taong Diyos. Hindi ito maikakaila. Kung hindi naipapahayag ng isang tao ang katotohanan, at nakapanlilinlang lamang ng iba sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at hiwaga, ito ang gawain ng isang masamang espiritu. Kung tinatawag nila ang kanilang sarili na Diyos, sila ay mga huwad na Cristo na nagpapanggap na Diyos. Para makilala ang nagkatawang-taong Diyos, kailangan nating maging tiyak sa katotohanang ito: Tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang makapagpapahayag ng katotohanan, makagagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw, at lubusang makapagliligtas sa sangkatauhan mula sa mga puwersa ni Satanas.
Nakapagpahayag na ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan at nakagawa na ng ganoon kadakilang gawain sa mga huling araw, gayunman, maraming tao ang nagbubulag-bulagan, at naghihintay lamang na hayagang pumarito ang Panginoong Jesus sakay ng isang ulap. Ang ganoong mga tao ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin habang sila ay nawawasak sa sakuna. Tinutupad nito ang propesiya sa Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya” (Pahayag 1:7). Sinasabi rin ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag namasdan mo na ang espirituwal na katawan ni Jesus, napanibago na ng Diyos ang langit at lupa.” Sa huli, basahin natin ang isang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo ang mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga namumuhay sa guni-guni ang mga hindi tumatanggap sa daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na kamumuhian ng Diyos magpakailanman ang mga taong hindi tumatanggap kay Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Kung hindi sa pamamagitan ni Cristo, walang magagawang perpekto ng Diyos. Naniniwala ka sa Diyos, kaya dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala kung wala ka namang kakayahang tumanggap ng katotohanan at wala kang kakayahang tumanggap ng pagtustos ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay ang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ang Kanyang gawain ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip ay kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon ay nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi ka kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. Sinasabi Ko rin sa iyo na kung nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tinatanggihan mo nang may paghamak si Cristo ng mga huling araw, wala nang iba pa ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan para sa iyo. Higit pa rito, simula sa araw na ito ay hindi ka na magkakaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukan mo pang makabawi, hindi mo na mapagmamasdan muli ang mukha ng Diyos kahit kailan. Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen. Kaya naman pinapayuhan Ko ang lahat na huwag ilabas ang mga pangil ninyo sa harap ng katotohanan, o gumawa ng walang-ingat na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala nang iba pa kundi katotohanan ang makapagdudulot sa iyo na muli kang isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.