Matapos Itaas ng Ranggo ang Lahat Maliban sa Akin
Ni Martha, ItalyaNoong Enero ng 2021, malapit nang matapos ang proyektong sa akin nakatalaga. Unti-unti nang inilipat sa ibang mga...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Isa akong Malaysian Chinese, at lumaki ako sa isang ordinaryong pamilya. Nagtipid at nag-ipon ang mga magulang ko para makapag-aral ako. Itinuro nila sa akin na, “Ayos lang maging mahirap, pero dapat may dignidad ka at huwag mong hahayaang maliitin ka ng iba.” Naimpluwensiyahan ng mga salitang ito, nag-aral akong mabuti at aktibong sumali sa lahat ng uri ng aktibidad, kaya naging modelong estudyante ako sa paningin ng mga guro at kaklase ko. Pagkatapos ng kolehiyo, nagtrabaho ako bilang assistant editor sa isang pahayagan. Matapos ang ilang taong pagsusumikap, na-promote ako bilang superbisor, na tumugon sa pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan. Matapos kong manampalataya sa Diyos, naging napakaaktibo ko, at hindi nagtagal ay nahalal ako bilang lider ng iglesia. Pagkatapos, noong Disyembre 2023, natanggal ako dahil hinahangad ko ang reputasyon at katayuan sa halip na gumawa ng tunay na gawain, dahil sa mapagmataas kong disposisyon, naging imposible para sa akin na makipagtulungan sa iba, at ni hindi ako nagnilay sa sarili ko matapos makipagbahaginan sa akin ang isang lider. Dahil nakakapagsalita ako ng Malay, itinalaga ako ng mga lider sa tungkulin sa pagsasalin. Nakaramdam ako ng panliliit nang makaharap ko ang mga kapatid na dati kong nakakasamang makipagtulungan. Lahat sila ay mga lider at manggagawa, samantalang ako ay isa lamang hamak na tagasalin. Dati, ako palagi ang sumusubaybay sa gawain nila, at lumalapit sila sa akin kapag may mga problema at paghihirap sila. Pero ngayon, bilang isang tagasalin, pakiramdam ko ay isa lang akong tagapagsalita, na inuulit ang sinasabi ng iba. Pakiramdam ko ay hindi ako mahalaga. Napaisip ako kung mamaliitin ba ako ng mga kapatid, iniisip na ginagawa ko ang tungkulin sa pagsasalin dahil hindi ako isang taong naghahangad ng katotohanan. Minsan naiisip ko, “May dalawang sister sa grupo na mga superbisor ng gawain ng ebanghelyo, at nakakapagsalita rin sila ng Malay. Kaya nilang gawin ang pagsasalin. Bakit gagamit pa ng isang tulad ko na natanggal na? Hindi ba’t ito ay para lang ipahiya ako?” Talagang gusto ko nang umalis at gumawa ng ibang tungkulin. Kahit ang tungkulin ng pangangaral ng ebanghelyo ay mas kagalang-galang sana; kahit papaano, walang sinuman ang magmamaliit sa akin. Pero naisip ko na isa itong kritikal na panahon para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at apurahang kailangan ang mga tagasalin sa Malaysia. Ang pagtanggi sa tungkulin ko sa ganitong panahon ay sinadyang pagsuway at isang kilos ng paghihimagsik laban sa Diyos. Kung hindi maiaayos at maipapatupad sa tamang oras ang ilang gampanin, maaantala nito ang gawain ng ebanghelyo, at iyon ay magiging isang malubhang paglaban sa Diyos. Kaya, hindi ko hiniling sa superbisor na palitan ang tungkulin ko. Pero kahit ginagawa ko ang tungkulin ko, hindi ako tunay na nagpapasakop mula sa puso, at hindi ko talaga ito isinapuso. Kapag nakakatagpo ako ng mga salitang mahirap ipahayag, hindi ako nag-aabalang hanapin ang mga ito para tumpak na maipahayag ang kahulugan. Minsan, kapag pumupunta ang superbisor para sa isang pagtitipon at kailangan kong magsalin, wala rito ang puso ko, na nagdudulot ng mga pagkakamali at pagkukulang. Pagkatapos ng isang pagtitipon, nanalangin ako, “O Diyos, pakiramdam ko ay sobrang napipigilan ako sa tungkuling ito. Hindi ko alam kung paano ito daranasin. Pakiusap, akayin Mo akong maunawaan ang Iyong layunin at magpasakop.”
Kalaunan, matapos basahin ang ilan sa mga salita ng Diyos, nagsimula akong makaunawa kung paano ko dapat tratuhin ang aking tungkulin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa sambahayan ng Diyos, palaging napag-uusapan ang pagtanggap sa atas ng Diyos at paggampan nang maayos sa tungkulin ng isang tao. Kaya, paano nabubuo ang tungkulin? Sa malawak na pananalita, nabubuo ito bilang bunga ng gawain ng pamamahala ng Diyos na naghahatid ng pagliligtas sa sangkatauhan. Sa partikular na pananalita, habang isinasakatuparan sa gitna ng sangkatauhan ang gawain ng pamamahala ng Diyos, lumilitaw ang iba’t ibang uri ng gawain, at kinakailangan ng lahat ng ito na gawin ng mga tao ang parte nila at tapusin ang mga ito. Sa ganitong paraan, nabubuo ang mga responsabilidad at mga misyon ng mga tao, at ang mga responsabilidad at mga misyon na ito ang mga tungkuling iginagawad ng Diyos sa mga tao. Sa sambahayan ng Diyos, ang iba’t ibang uri ng gawain na nangangailangan na gawin ng mga tao ang parte nila ang mga tungkuling dapat nilang gampanan. Kaya’t may mga pagkakaiba ba sa pagitan ng mga tungkulin kung ang pag-uusapan ay kung alin ang higit na mabuti at higit na masama, mataas at mababa, malaki at maliit? Hindi umiiral ang ganoong mga pagkakaiba; hangga’t ang isang bagay ay may kinalaman sa gawain ng pamamahala ng Diyos, isang pangangailangan sa gawain ng Kanyang sambahayan, at kinakailangan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos, ito ay tungkulin ng isang tao. Ito ang pinagmulan at depinisyon ng tungkulin” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Paggampan ng Isang Tao sa Kanyang Tungkulin nang Pasok sa Pamantayan?). “Sa sambahayan ng Diyos, sa tuwing may isinasaayos na gawin mo, mahirap man ito o nakapapagod na gawain, o gusto mo man itong gawin o hindi, tungkulin mo ito. Kung maituturing mo itong isang atas at responsabilidad na ibinigay sa iyo ng Diyos, at kaya mo itong tapusin nang iyong buong puso at lakas, kung gayon, masasabi na ang gawaing ginagawa mo—ang tungkuling ginagampanan mo—ay nauugnay sa gawain ng Diyos ng pagliligtas ng tao. Kung kaya mong taimtim at taos-pusong tanggapin ang atas na ibinigay ng Diyos sa iyo, paano ka Niya ituturing? Ituturing ka Niya bilang isang miyembro ng Kanyang pamilya. Isa ba iyong pagpapala o isang kaabahan? (Isang pagpapala.) Isa itong malaking pagpapala” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Paggampan ng Isang Tao sa Kanyang Tungkulin nang Pasok sa Pamantayan?). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan ang nagbigay-daan sa bawat uri ng tungkulin. Sa sambahayan ng Diyos, walang pagkakaiba ang mga tungkulin sa pagiging mas mainam at hindi mainam, mataas at mababa, o malaki at maliit. Maging marumi man o nakapapagod ang isang tungkulin, at gusto man natin ito o hindi, kung mula ito sa Diyos, dapat natin itong tanggapin. Isa itong malaking pagpapala para sa mga tumatanggap sa pagliligtas ng Diyos. Pero iniraranggo ko ang mga tungkulin. Inisip ko na ang mga lider at manggagawa ay mga taong may katayuan at posisyon na titingalain ng mga kapatid, at ang paggawa sa ganitong uri ng tungkulin ay prestihiyoso. Sa kabaligtaran, inisip kong ang tungkulin sa pagsasalin ay hindi kapansin-pansin at hindi nagbibigay ng pagkilala, at ito ay pagsasalin lang ng mga salita ng ibang tao at hindi ka makakakuha ng paghanga mula kaninuman. Dahil sa walang-katotohanang perspektibang ito, kahit na ipinagpatuloy ko ang paggawa sa tungkulin ko, palagi kong nararamdaman na para akong kupas na piraso ng damit na wala nang may gusto. Hindi ako makahugot ng anumang motibasyon sa tungkulin ko at gusto ko na lang makatakas. Gusto kong lumipat sa ibang tungkulin kung saan makakakuha ako ng paghanga, nang hindi man lang isinasaalang-alang kung maaapektuhan ba ang gawain ng iglesia. Pagkatapos kong matanggal, binigyan pa rin ako ng iglesia ng pagkakataon na gumawa ng tungkulin sa pagsasalin. Ito ay dakilang awa ng Diyos sa akin. Dapat ay pinagnilayan kong mabuti kung paano tuparin nang maayos ang tungkulin ko at palugurin ang Diyos. Pero dahil hindi natugunan ang pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan, tinrato ko nang may paghamak ang tungkulin sa pagsasalin. Umakto ako na parang tagapagsalita lang, hindi ko pinag-isipang mabuti kung ano ang mga responsabilidad ko, at ni hindi ako handang gawin ang mga bagay na kaya ko namang gawin. Wala akong anumang konsensiya o katwiran! Hindi ako nagpapasakop sa Diyos ni katiting man. Paano pa ako matatawag na isang mananampalataya sa Diyos? Nang mapagtanto ito, lumuhod ako at nanalangin, “O Diyos, nakikita kong hindi ako mapagpasakop sa Iyo ni katiting man. Nang hindi natugunan ang pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan, hindi ko ginawa nang maayos ang tungkulin ko. Napakamapaghimagsik ko! Handa akong manumbalik sa Iyo. Pakiusap, tulungan Mo akong makita nang malinaw ang diwa ng reputasyon at katayuan para maisuko ko ang mga ito.”
Kalaunan, nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa tungkol sa diwa ng paghahangad sa reputasyon at katayuan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kumpara sa mga ordinaryong tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nakapaloob sa kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o ang lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang layong hinahangad nila sa buong buhay nila. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo—at dahil dito kaya nila isinasaalang-alang ang mga bagay sa ganitong paraan. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, lalong hindi mga bagay na panlabas sa kanila na makakaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Ang mga anticristo ay hindi walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang saloobin. Kung gayon, ano ang kanilang saloobin? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. Para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, anuman ang kapaligiran na tinitirhan nila, anuman ang gawain na kanilang ginagawa, anuman ang kanilang hinahangad, anuman ang kanilang mga layon, anuman ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo at ang kanilang diwa. Maaari mo silang ilagay sa isang sinaunang gubat sa pusod ng kabundukan, at hindi pa rin nila bibitiwan ang paghahangad nila sa reputasyon at katayuan. Maaari mo silang ilagay sa gitna ng anumang grupo ng mga tao, at ang pawang maiisip nila ay reputasyon at katayuan pa rin. Kahit na nananampalataya sa Diyos ang mga anticristo, itinutumbas nila ang paghahangad sa reputasyon at katayuan sa pananalig sa Diyos at tinatrato ang dalawang bagay na ito nang magkapantay. Ibig sabihin, habang tinatahak nila ang landas ng pananalig sa Diyos, hinahangad din nila ang kanilang sariling reputasyon at katayuan. Masasabi na sa puso ng mga anticristo, ang paghahangad sa katotohanan sa kanilang pananampalataya sa Diyos ay ang paghahangad sa reputasyon at katayuan, at ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay ang paghahangad din sa katotohanan—ang magkamit ng reputasyon at katayuan ay ang makamit ang katotohanan at buhay. Kung nararamdaman nila na hindi sila nagkamit ng kasikatan, pakinabang, o katayuan, na walang tumitingala sa kanila, nagpapahalaga sa kanila, o sumusunod sa kanila, nasisiraan sila ng loob, naniniwala silang wala nang saysay pang manampalataya sa Diyos, wala na itong kabuluhan, at napapaisip sila sa loob-loob nila, ‘Nabigo ba ako sa pananampalataya sa Diyos nang ganito? Wala na ba akong pag-asa?’ Madalas na kinakalkula nila ang gayong mga bagay sa kanilang puso. Kinakalkula nila kung paano sila makalilikha ng sariling puwang sa sambahayan ng Diyos, kung paano sila maaaring magkaroon ng matayog na reputasyon sa iglesia, kung paano nila mapapakinig ang mga tao kapag nagsasalita sila, at mapagsasabi ang mga ito ng paghanga sa kanila kapag kumikilos sila, kung paano nila mapapasunod sa kanila ang mga tao nasaan man sila, at kung paano sila magkakaroon ng maimpluwensiyang tinig sa iglesia, at ng kasikatan, pakinabang, at katayuan—talagang pinagtutuunan nila ang gayong mga bagay sa puso nila. Ang mga ito ang hinahangad ng gayong mga tao” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Hinihimay ng Diyos nang napakalinaw ang diwa ng mga anticristo! Sa buong buhay niya, ang isang anticristo ay naghahangad ng reputasyon at katayuan. Ang reputasyon at katayuan ay nasa mga buto niya, nasa dugo niya; ang mga bagay na ito ay ang mismong buhay niya. Kahit na nananampalataya sa Diyos ang mga anticristo, hindi nila kailanman isinusuko ang paghahangad nila sa reputasyon at katayuan. Itinuturing nila na magkatumbas ang paghahangad ng reputasyon at katayuan at ang pananampalataya sa Diyos. Kasabay ng pananampalataya sa Diyos at paggawa sa kanilang tungkulin, nagsasagawa rin sila ng sarili nilang proyekto, nagpapakana para makamit ang katayuan at kapangyarihang gusto nila mula sa paggawa ng kanilang tungkulin, at hindi kailanman isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sa paghahambing ng sarili ko sa mga salita ng Diyos, nakita kong katulad ng sa isang anticristo ang paghahangad ko. Ginawa ko ang tungkulin ko para sa kasikatan at pakinabang, at hinangad ang paghanga ng iba. Kung walang humahanga sa akin, nagiging negatibo, pasibo, at pabasta-basta ako sa aking tungkulin, ganap na binabalewala ang mga interes ng iglesia. Naimpluwensiyahan ako ng mga ideyang tulad ng “Kailangan ng mga tao ang kanilang pride, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito” at “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa.” Naniwala ako na para mabuhay, kailangang may katayuan ka at magandang reputasyon; sa gayon lamang hindi nawawalan ng saysay ang buhay. Naniwala ako na ang pamumuhay nang walang katayuan o posisyon ay ang maging isang bigo—kahabag-habag at walang dignidad. Itinuro sa akin ng mga magulang ko mula noong bata pa ako na umasal nang may dignidad at huwag hahayaang maliitin ako ng iba. Kaya naman nag-aral akong mabuti para sa mas mataas na degree, para hindi ako maliitin ng mga tao kapag pumasok na ako sa lipunan at nagsimulang maghanap ng trabaho. Pagkatapos kong manampalataya sa Diyos, naramdaman kong may katayuan ako at nakahihigit ako sa iba nang simulan kong gawin ang tungkulin ng isang lider, at nagsimula akong masiyahan sa mga papuri ng mga kapatid ko. Kalaunan, natanggal ako dahil sa paghahangad sa reputasyon at katayuan, hindi paggawa ng tunay na gawain, at pagkabigong magnilay o umunawa sa sarili ko. Pagkatapos kong matanggal, itinalaga ako ng iglesia sa tungkulin sa pagsasalin, pero nakatuon pa rin ang isip ko sa sarili kong kasikatan, pakinabang, at katayuan. Naramdaman kong hindi ako makakakuha ng anumang paghanga sa tungkulin sa pagsasalin, kaya ayaw kong magpasakop. Naging pabasta-basta rin ako sa kung paano ko tinrato ang tungkulin ko at naantala ang pag-usad ng gawain. Sa tungkulin ko, palagi kong nararamdaman na mas maganda ang tungkulin ng iba kaysa sa akin. Palagi kong gusto ng isang prominenteng tungkulin kung saan makakakuha ako ng paghanga. Nang hindi natugunan ang mga pagnanais ko, gusto kong magbitiw sa tungkulin ko at tumanggi akong magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Isa itong paghihimagsik laban sa Diyos! Sa ngayon, mabilis na lumalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, at mas maraming tao ang kailangang makipagtulungan. Narinig ko minsan na sinabi ng isang superbisor na kulang sa mga tagasalin, at nabalisa siya dahil wala siyang mahanap. Pero binalewala ko noon ang mga pangangailangan sa gawain ng iglesia, at inisip ko lang ang sarili kong pride at katayuan, at gusto ko na lang takasan ang tungkulin ko. Napakamakasarili at napakakasuklam-suklam ko! Maraming taon na akong nananampalataya sa Diyos, kumain at uminom ng napakarami sa Kanyang mga salita, at tinamasa ang pagtutustos Niya. Pero hindi ako nagpakita ng anumang pagsasaalang-alang sa puso ng Diyos at hindi ko kailanman inisip kung paano tutuparin ang sarili kong responsabilidad at magiging deboto. Nakita kong ganap akong walang konsensiya at katwiran. Napagtanto ko na ang pagtahak sa landas ng paghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan ay napakadelikado—isa itong landas ng paglaban sa Diyos. Kung hindi ko babaguhin ang mga bagay-bagay, tiyak na lalapastanganin ko ang disposisyon ng Diyos, magiging pakay ako ng Kanyang pagkasuklam, at sa huli, matitiwalag ako at mawawalan ng pagkakataong maligtas. Kaya nanalangin ako sa Diyos, handang bitiwan ang reputasyon at katayuan at maghimagsik laban sa aking mga maling intensyon.
Kalaunan, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isipin ang iyong sariling pride, reputasyon, at katayuan, huwag mong isaalang-alang ang mga personal mong interes. Kailangan mong isaalang-alang higit sa lahat ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat kang maging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos at higit sa lahat magnilay-nilay kung mayroon ba o walang mga halo sa paggampan mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging deboto, kung natupad mo ang iyong mga responsabilidad, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at unawain ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling mga Tiwaling Disposisyon). “Ano ang gampanin ninyo bilang mga nilikha? May kaugnayan ito sa inyong pagsasagawa at tungkulin. Isa kang nilikha, at kung binigyan ka ng Diyos ng kaloob ng pag-awit, at isinasaayos ng sambahayan ng Diyos na umawit ka, kailangan mong umawit nang maayos. Kung may kaloob ka ng pangangaral ng ebanghelyo, at isinasaayos ng sambahayan ng Diyos na ipangaral mo ang ebanghelyo, kung gayon, dapat mo itong gawin nang mahusay. Kung inihahalal ka ng hinirang na mga tao ng Diyos bilang isang lider, dapat mong akuin ang atas ng pamumuno, at pangunahan ang mga hinirang ng Diyos sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, sa pagbabahagi tungkol sa katotohanan, at sa pagpasok sa realidad. Kapag ginawa mo ito, magagawa mo nang maayos ang iyong tungkulin. Lubhang mahalaga at makahulugan ang atas na ibinibigay ng Diyos sa tao! Kaya, paano mo ba dapat akuin ang atas na ito at isagawa ang iyong gampanin? Masasabi na ito ang isa sa pinakamalalaking isyu na kinakaharap mo, isang napakahalagang sandali na magpapasya kung makakamit mo ba ang katotohanan at mapeperpekto ka ba ng Diyos o hindi. Dapat kang gumawa ng pagpili. Kung kikilos ka nang umaasa sa sarili mong kalooban at walang pakundangan kang gagawa ng mga maling gawa, hindi mo lamang hindi matutupad ang atas ng Diyos, kundi magugulo mo rin ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Bunga nito, kakailanganin na parusahan ka, gaya ng nangyari kay Pablo. Kapag sinasabi sa iyo ng Diyos na humayo ka at gawin ang isang bagay, ano ang gampanin mo? Ito ay ang gawin nang maayos ang gampanin at huwag magkamali. Kapag ginawa mo ito, maayos kang nagseserbisyo. Kahit ano pang serbisyo ang iniuutos sa iyo ng Diyos, dapat mo itong gawin nang maayos at masunurin. Kapag ginawa mo ito, isa kang taong nakikinig at nagpapasakop. Kung hindi ka masunuring nagseserbisyo, na lagi kang may mga personal na intensyon, at lagi mong gustong maghari-harian, kung gayon, isa kang Satanas at anticristo, at dapat kang parusahan. Hindi nauunawaan o hinahangad ng ilang tao ang katotohanan; nagsisikap lamang sila sa kanilang trabaho. Ano kung gayon ang kanilang gampanin bilang nilikha? Ang magpakapagod at magtrabaho lamang. Lagumin natin kung gayon, kung ano mismo ang mga tungkuling dapat gampanan ng mga nilikha sa paningin ng Diyos at kung ano ang wangis ng tao na dapat nilang isabuhay. Tumutukoy ito sa inyong pagsasagawa” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pag-unawa Lamang sa Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na para matupad nang maayos ang tungkulin ko, kailangan ko munang itama ang mga intensyon ko. Kailangan kong bitiwan ang personal na pride at katayuan, palaging unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at tumayo sa posisyon ng isang nilikha para tuparin nang maayos ang tungkulin ko. Binigyan ako ng Diyos ng abilidad na magsalita ng Malay, kaya nang italaga ako ng iglesia sa tungkulin sa pagsasalin, dapat ay matapat ko itong tinupad sa abot ng aking makakaya, nang hindi iniraranggo ang mga tungkulin, tinitingala ang ilan at minamaliit naman ang iba. Sa sambahayan ng Diyos, ginagawa ng lahat ang tungkulin ng isang nilikha. Ang bawat isa sa atin ay binibigyan ng Diyos ng iba’t ibang kakayahan at kalakasan, at bawat isa sa atin ay gumaganap ng isang papel sa sarili nating posisyon. Para itong isang makina: Bawat bahagi ay tumutupad sa papel nito. Kung may kulang na kahit isa, hindi tatakbo nang maayos ang makina. Maaaring mukhang hindi kapansin-pansin ang tungkulin ko sa pagsasalin, pero ginagawa ko pa rin ang tungkulin ko bilang isang nilikha. Kung mahalaga man ang isang tao sa paningin ng Diyos ay nakadepende sa kung deboto at mapagpasakop siya sa kanyang tungkulin, hindi sa kung anong uri ng tungkulin ang ginagawa niya o kung ano ang kanyang katayuan. Nang maunawaan ang layunin ng Diyos, nanalangin ako, “O Diyos, kahit mukhang hindi kapansin-pansin ang tungkulin sa pagsasalin, gusto kong tuparin nang maayos ang aking papel. Gusto kong makipagtulungan nang maayos sa aking mga kapatid, at matuto mula sa kanilang mga kalakasan para mapunan ang aking mga kahinaan, at gawin ang maliit kong bahagi sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo para palugurin Ka.” Pagkatapos niyon, hindi ko na inintindi kung ano ang tingin sa akin ng mga kapatid kapag ginagawa ko ang aking tungkulin. Kapag nakakatagpo ako ng mga salitang hindi ko alam, hinahanap ko ang mga iyon sa diksiyonaryo. Matiyaga akong nag-aral ng mga propesyonal na kasanayan para mapunan ang aking mga pagkukulang. Unti-unti, napatahimik ko ang puso ko sa paggawa ng aking tungkulin.
Kalaunan, matapos magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos, mas malinaw ko pang naunawaan ang Kanyang layunin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat ay mayroon kang mentalidad ng pagpapasakop sa Diyos at paghahangad ng katotohanan, at may kahandaang maagap na magpasakop sa Diyos, at hindi mo Siya dapat labanan. Kahit na pinagpapala ng Diyos ang iba pero hindi ka Niya pinagpapala, o kung malinaw na binibigyang-liwanag at ginagabayan ng Diyos ang iba pero hindi ka Niya binibigyang-liwanag at ginagabayan, o kung iniaangat Niya ang iba pero hindi ka Niya iniaangat, hindi ka dapat magalit o mainggit. Bakit ganoon? Ang pagkilos ng Diyos sa ganitong paraan ay may layunin at kabuluhan, at may kalayaan Siyang kumilos ayon sa gusto Niya. Hinding-hindi mo dapat kalimutan na isa kang nilikha, at hindi ka maaaring gumiit nang hindi makatwiran sa Diyos. Kung ginagamit ng Diyos ang iba at hindi ka Niya ginagamit, at hindi ka Niya hinahayaang maging isang lider, dapat ka na lang maging isang tagasunod; tama lang na magpasakop ka na lang sa Diyos. Maaaring hindi mo kayang pasanin ang gawain ng iglesia dahil hindi sapat ang kakayahan mo para dito, o maaaring sadyang hindi mo taglay ang tayog na ito. Kung inatasan kang pasanin ang gawain, at binigyan ka ng Diyos ng mas maraming kaliwanagan kaysa sa iba, malamang na lalo nitong palalain ang mapagmataas mong disposisyon. Samakatwid, ang katunayan na hindi ka binigyang-liwanag ng Diyos o hindi ka Niya hinayaang maging isang lider ay isang anyo ng proteksyon para sa iyo; dapat mong maunawaan ang masisidhing layunin ng Diyos. Talagang hindi nagkikimkim ang Diyos ng mga nakatagong motibo sa iyo; sa halip, mayroon Siyang masisidhing layunin. … Kung, sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan, pagninilay sa sarili mo, at paghihimay sa sarili mo, nakikita mo na ang iyong pagnanais at ambisyon para sa katayuan at prestihiyo ay napakatindi pa rin, dapat mong mapagtanto na ganap na makatwiran para sa Diyos na gamitin ang iba at hindi ka gamitin, at na isa rin itong anyo ng proteksyon para sa iyo. Umaayon man ito o hindi sa mga kuru-kuro mo, at matatanggap mo man ito o hindi, sa madaling salita, dapat mong taglayin ang perspektiba at posisyon ng isang nilikha at panatilihin ang isang saloobin ng pagpapasakop, o kahit papaano man lang ay ang kahandaang magpasakop. Ano ang tinutukoy ng kahandaang magpasakop? Ito ang tinutukoy nito: ‘Anuman ang nangyari o hindi pa nangyari sa akin, dapat ko munang ihanda ang puso ko, at dapat akong magpasakop sa Diyos. Ito ang katwiran na dapat kong taglayin, ang pagsasagawa na dapat kong gawin, at isa rin itong saloobin na dapat kong taglayin sa Lumikha bilang isang nilikha.’ Ito ang kahandaang magpasakop. Sa sandaling taglay mo na ito, hindi na magiging ganoon kahirap na magpasakop sa Diyos kapag may mga nangyayari sa iyo. Hindi ba’t isa itong anyo ng proteksyon para sa iyo? (Oo.) Sa proteksyong ito, mas mababawasan nang husto ang mga pagkakamali mo at ang mga paglihis mo ng landas; pipigilan ka nitong magdulot ng mga paggambala at panggugulo, pipigilan ka nitong subukang ipilit ang mga bagay-bagay, at kasabay nito ay pipigilan ka nitong kumilos nang arbitraryo habang nag-aastang mataas. Pinipigilan ka nitong gumawa ng maraming pagsalangsang, at pinipigilan ka nitong gumawa ng maraming masamang gawa na kinokondena ng Diyos. Sa ganitong paraan, kapag dumating ang araw na nauunawaan mo na ang katotohanan, tunay na nakikilala ang sarili mo, nagagawang gampanan nang normal ang tungkulin mo, at nagtataglay ng maraming mabuting gawa, unti-unting lalago ang tayog mo, at mababawasan ang posibilidad na lumihis ka ng landas o magkamali. Ibig sabihin, mababawasan ang posibilidad na magdulot ka ng mga paggambala at panggugulo, kumilos nang arbitraryo, kumilos nang walang habas, gumawa ng masasamang bagay, at gumawa ng kasamaan. Hindi ba’t mas mababawasan ang posibilidad na maparusahan ka sa hinaharap kung gayon? Hindi ba’t isa itong mabuting bagay? (Oo.) Samakatwid, anuman ang maging landas sa hinaharap, at anumang mga kapaligiran ang ihanda ng Diyos, dapat ka munang magkaroon ng kahandaang magpasakop, at bitiwan ang mga di-makatwiran mong kahilingan sa Diyos at ang mga kuru-kuro at imahinasyon mo tungkol sa Diyos. Dapat mo munang itatwa ang sarili mo, bitiwan ang sarili mong mga kuru-kuro at imahinasyon, at dapat kang magkaroon ng kahandaang magpasakop. Ang mga ito ang mga kaisipan at pananaw na dapat taglayin ng isang nilikha, at ito rin ang saloobing dapat taglayin ng isang nilikha sa Lumikha” (Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (32)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang katwirang dapat taglayin ng isang nilikha ay tumanggap at magpasakop sa anumang pinamamatnugutan at isinasaayos ng Diyos. Angkop ang lahat ng ginagawa ng Diyos, at ang layunin nito ay iligtas ang mga tao, tinutulutan tayong makilala ang ating sarili at bitiwan ang ating mga personal na ambisyon at pagnanais. Sa ganitong paraan, mapoprotektahan tayo ng Diyos at maiiwasan nating tahakin ang maling landas, sumalangsang, at maparusahan. Ang ilang kapatid, halimbawa, sa kabila ng pagkakaroon ng katamtamang kakayahan, ay nagdadala ng pasanin sa kanilang tungkulin. Nagagawa nilang magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos at makipagtulungan nang buong lakas. Nagtitiyaga sila sa kabila ng mga paghihirap at balakid at kayang panghawakan nang mahigpit ang kanilang tungkulin. Dahil tinatahak nila ang tamang landas, gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu, binibigyang-liwanag at ginagabayan sila. Anuman ang tungkuling ginagawa mo, ang pinakakritikal na bagay ay ang landas na tinatahak mo, kung deboto ka ba sa iyong tungkulin, at kung hinahangad mo ba ang katotohanan at ang pagbabago sa disposisyon. Nagbalik-tanaw ako sa panahong lider ako. Dahil naramdaman kong may katayuan ako, nasiyahan ako na hinahangaan ako. May hawak akong posisyon nang hindi gumagawa ng tunay na gawain. Nagpabagal ito sa gawain ng ebanghelyo ng iglesia, kaya hindi natanggap ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa lalong madaling panahon. Kung hindi ako tinanggal ng iglesia noon at hinayaan akong magpatuloy bilang lider, hindi sana ako nagnilay o umunawa sa sarili ko, at magpapatuloy sana ako sa maling landas. Patuloy lang sanang dadami ang aking mga pagsalangsang, at sa huli, matitiwalag lang ako at mapaparusahan. Ang pagkakatalaga sa ibang tungkulin na pagsasalin ay nagbigay-daan sa akin na pagnilayan ang aking mga maling intensyon at paghahangad. Nagawa kong magbago agad, matapat na tumupad sa aking papel, at magkaroon ng mas maraming oras na patahimikin ang sarili ko at tumuon sa buhay pagpasok. Ito ay proteksyon at pagliligtas ng Diyos sa akin. Matapos maunawaan ang masisidhing layunin ng Diyos, hindi na ako handang magpatuloy sa paghihimagsik laban sa Diyos; gusto ko nang tuparin nang maayos ang tungkulin ko sa pagsasalin sa isang praktikal na paraan. Nanalangin ako, “O Diyos, ayaw ko nang hangarin ang kasikatan, pakinabang, at katayuan. Gusto kong hangarin ang katotohanan at tumayo sa posisyon ng isang nilikha para tuparin ang aking papel, at maging karapat-dapat sa Iyong mga inaasahan at masisidhing layunin.” Pagkatapos niyon, inilaan ko ang puso ko sa tungkulin ko at hindi ko na ito itinuring na mababa. Sa pagsasagawa nang ganito, higit na mas naging malaya ang puso ko. Salamat sa Diyos!
Habang patuloy na dumarami ang mga sakuna, nagsisimulang matanto ng parami nang paraming tao na ang mga propesiya sa Bibliya ay hindi mga gawa-gawang kuwento lamang, kundi isang realidad na nangyayari sa mismong harapan natin. Walang nakakaalam kung ano ang mauuna: ang bukas ba, o isang hindi inaasahang sakuna. Kung gusto mong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon kasama ng pamilya mo at maging ligtas sa ilalim ng proteksyon ng Diyos, i-click ang WhatsApp para sumali sa aming study group. Huwag mo na itong ipagpabukas.
Ni Martha, ItalyaNoong Enero ng 2021, malapit nang matapos ang proyektong sa akin nakatalaga. Unti-unti nang inilipat sa ibang mga...
Ni Rena, PilipinasNoong Hunyo 2019, tinanggap ko ang bagong gawain ng Diyos, at makalipas ang ilang panahon, sinimulan kong magdilig ng mga...
Ni Fengxian, TsinaNoong 2016, naging responsable ako sa gawaing nakabatay sa teksto sa iglesia. Noong panahong iyon, ang mga resulta ng...
Ni Li Min, Spain“Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na...