Bakit Nagkakatawang-tao ang Diyos para Isagawa ang Kanyang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw?
Ilang beses na tayong nagkausap tungkol sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ngayo’y tingnan naman natin kung sino ang...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Habang nalalapit na ang malalaking kalamidad, sabik na umaasa ang maraming mananampalataya na salubungin ang Panginoon para makatakas sila sa mga sakuna at makapasok sa kaharian ng langit. Pero pagdating sa paghihintay para salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, iba-iba ang saloobin ng mga tao. Sinusunod ng ilan ang mga turo ng Panginoon. Nagbabantay at nagdarasal sila, aktibong naghahanap at nagsisiyasat, at nakatuon sa pakikinig sa tinig ng kasintahang lalaki. Ang iba naman, gayumpaman, ay nananatili sa kanilang mga simbahan, naghihintay lang na bumaba ang Panginoon sakay ng ulap. Ginagawa nila ito batay sa sinabi ng Panginoong Jesus: “Pagkatapos na pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na iyon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng liwanag nito, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at yayanig ang mga kapangyarihan ng mga langit: At sa gayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kaya magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at makikita nila ang Anak ng tao na napaparitong nasa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:29–30). Iniisip nila, “Ang propesiyang ito ay sinabi ng Panginoon Mismo. Naghihintay kaming salubungin ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbabantay sa Kanyang pagbaba sakay ng ulap. Anong mali roon?”
Walang mali sa pagsalubong sa Panginoon batay sa mga propesiya sa Bibliya, pero mahirap sabihin kung ang paghihintay ba sa pagbaba ng Panginoon sakay ng ulap ay tunay na naaayon sa layunin ng Diyos, dahil pangunahing ipinropesiya ng Panginoong Jesus na ang Kanyang pagbabalik ay magiging bilang ang Anak ng tao, palihim na pumaparito. Halimbawa, ipinropesiya ng Panginoong Jesus: “Sapagkat gaya ng kidlat na kumikislap sa silanganan, at nagliliwanag hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37). “Sapagkat gaya ng kidlat, na kumikislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay, at itakwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). Ipinropesiya rin ng Panginoong Jesus: “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:44). “At pagkahating gabi ay may sumigaw, ‘Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin siya’” (Mateo 25:6). Binabanggit ng mga propesiyang ito na “paririto ang Anak ng tao” o “ang pagparito ng Anak ng tao.” Ang terminong “Anak ng tao” ay tumutukoy sa Isang ipinanganak ng isang tao. Sa madaling salita, dadamitan ng Diyos ang Sarili Niya ng laman at magiging isang ordinaryo at normal na tao Siya, palihim na bumababa sa gitna ng sangkatauhan para magsalita at gumawa. Ibang-iba ito sa hayagang pagpapakita sa ulap. Sa dami ng propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon bilang ang Anak ng tao, bakit pinipili ng mundo ng relihiyon na tumuon lang sa mga propesiya ng pagbaba Niya sakay ng ulap? Bakit hindi nila binibigyang-pansin ang mga propesiya tungkol sa pagparito ng Anak ng tao, tungkol sa pagbaba ng Anak ng tao? May mas malalim na kahulugan ito.
Una, dapat nating maunawaan ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng mga propesiya ng Panginoon na “paririto ang Anak ng tao” at “narito, ang kasintahang lalaki,” at ang propesiya tungkol sa Kanyang pagbaba sakay ng ulap. Dapat nating makita nang malinaw na ang tiyempo at konteksto ng dalawang uri ng propesiyang ito ay ganap na magkaiba. Ano ang konteksto para sa pagparito ng Anak ng tao? Ipinropesiya ng Panginoong Jesus: “Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37). Sa mga araw ni Noe, ang mga tao ay kumakain, umiinom, nag-aasawa, at pinag-aasawa. Ang konteksto ng pagparito ng Anak ng tao ay malinaw na hindi sa panahon ng malalaking kalamidad, kundi sa panahon kung kailan normal ang buhay ng mga tao, bago dumating ang mga ito. Ang pagbaba sakay ng ulap, gayumpaman, ay mangyayari pagkatapos ng malalaking kalamidad. Samakatwid, madalas sabihin ng Panginoong Jesus, “Dapat kayong maging mapagbantay at maghanda ng inyong langis para salubungin ang Panginoon.” Ang ibig sabihin nito ay pagsalubong sa nagkatawang-taong Anak ng tao bago ang mga kalamidad. Ipinropesiya rin Niya ang magkakaibang kalalabasan para sa mga matalino at hangal na dalaga. Ang mga sumasalubong sa nagkatawang-taong Anak ng tao bago ang mga kalamidad ay ang matatalinong dalaga. Ang matatalinong dalagang ito ay dumadalo sa piging ng kaharian ng langit at nakararanas ng paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo para madalisay. Ginagawa silang mga mananagumpay at pumapasok sa kaharian ng Diyos. Pero ang mga relihiyosong tao na nagpipilit na maghintay sa pagbaba ng Panginoon sakay ng ulap para salubungin Siya ay ang mga hangal na dalaga. Ano ang magiging mga kahihinatnan para sa mga naghihintay na makita ang pagbaba ng Panginoon sakay ng ulap? Ito ang kinalabasan na “ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.” Malinaw na ang ibig sabihin nito ay napalampas nila ang pagkakataong salubungin ang nagkatawang-taong Anak ng tao at hinatulan, kinondena, at pinarusahan sila. Katulad lang ito ni Tomas, na kinilala lang ang Panginoong Jesus bilang ang Panginoon at Cristo nang makita niyang nagpakita ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus. Dahil dito, kinondena siya ng Panginoon. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Sapagkat Ako ay nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon man ay nagsisampalataya” (Juan 20:29). Mula rito, makikita natin na ang mga kalalabasan ng mga sumasalubong sa Panginoon bago ang mga kalamidad at ng mga sumasalubong sa Kanya pagkatapos ay magkaibang-magkaiba. Ang layunin ng Panginoon ay para salubungin Siya ng mga tao bago ang mga kalamidad, at tiyak na hindi pagkatapos magwakas ng malalaking kalamidad.
Ngayon pag-usapan natin ang kahalagahan ng pagsalubong sa Panginoon bago ang mga kalamidad. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo kakayanin. Gayon man ay kapag Siya, ang Espiritu ng katotohanan, ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). Nagpopropesiya rin ang Aklat ng Pahayag: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). “Ang magtagumpay, ay Aking pagkakaloobang umupong kasama Ko sa Aking luklukan, gaya Ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng Aking Ama sa Kaniyang luklukan” (Pahayag 3:21). Mula sa mga propesiyang ito, makikita natin na bago ang mga kalamidad, isasagawa ng Panginoon ang isang yugto ng gawain: ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Nangangahulugan ito na bago ang mga kalamidad, ipapahayag ng Panginoon ang katotohanan at gagawin ang gawain ng paghatol para dalisayin at iligtas ang isang grupo ng mga tao at gawin silang mga mananagumpay. Ang mga mananagumpay na ipinropesiya sa Pahayag ay, walang duda, ang mga ginawang perpekto bago o sa panahon ng mga kalamidad. Narinig na nating lahat noon na kapag nagsimula ang malalaking kalamidad, isasara ang pinto ng kaligtasan. Ibig sabihin, ang gawain ng pagliligtas ng Diyos ay ganap nang makukumpleto. Kaya, kung maghihintay tayo sa pagbaba ng Panginoon sakay ng ulap, na mangyayari sa katapusan ng mga kalamidad, ginagawa pa kaya ng Diyos ang gawain ng pagliligtas? Magiging imposible iyon. Tulad lang ng sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Maraming tao ang maaaring walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat diumano’y banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo mismo si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging panahon ng pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo. Gayumpaman, dapat mong malaman na sa sandaling masaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit, iyon din ang sandali ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan, ang panahon kung kailan ang katapusan ng plano ng pamamahala ng Diyos ay naproklama na, at kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Ang mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nadala na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng buhay at ng tunay na daan. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan na Siyang nagbalik sakay ng puting ulap” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Masasabi natin nang may katiyakan na ang lahat ng nagpipilit na salubungin ang Panginoon kapag bumaba lang Siya sakay ng ulap pagkatapos ng mga kalamidad ay haharap sa kaabahan, dahil nawala na sa kanila ang pagkakataong tanggapin ang paghatol, madalisay, at maligtas. Nawala na sa kanila ang pagkakataong tanggapin ang mga katotohanang ipinahayag at ang gawain ng paghatol na ginawa ng Espiritu ng katotohanan. Hindi na sila kailanman magkakaroon ng pagkakataong makita ang mukha ng Diyos.
Nagsimula na ang mga sakuna. Malapit nang matapos ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa tao, at pagkatapos ay papasok na tayo sa huling tatlo at kalahating taon ng malalaking kalamidad. Iyon ang magiging malalaking kalamidad na lubos na lilipol sa sangkatauhan. Napakapanganib na hindi pa nasalubong ang Panginoon sa ngayon; maaari kang mawalan ng buhay anumang sandali. Talagang kahangalan ang hindi maghanap at magsiyasat sa tunay na daan at hindi tanggapin ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng “Anak ng tao.” Ang mga taong ito ay tiyak na ang mga hangal na dalaga at maaari lang na abandonahin at itiwalag ng Panginoon. Masasabi natin na ang pagsalubong sa Panginoon ngayon ay isang bagay na lubhang apurahan. Masasalubong mo man ang Panginoon bago ang malalaking kalamidad na lilipol sa sangkatauhan at matatanggap ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw para madalisay ay direktang tutukoy ng iyong kalalabasan sa malalaking kalamidad: buhay o kamatayan!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ilang beses na tayong nagkausap tungkol sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ngayo’y tingnan naman natin kung sino ang...
Tatlumpung taon na ang nakalipas mula nang si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagpakita at nagsimulang gumawa at...
Kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa Tagapagligtas, sumasang-ayon ang lahat ng mananampalataya na sa mga huling araw, tiyak na...
Patuloy na lumalaki ang mga sakuna at lahat ng mananampalataya ay sabik na hinihintay ang pagparito ng Tagapagligtas, nananabik na maitaas...