Ang Katanyagan ay Isang Sumpa
Ni Xiaoen, Spain Noong nakaraan, isang superbisor na namamahala sa iglesia ay inilipat dahil sa pangangailangan sa gawain at kailangang...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Isang mainit na sinag ang sumilay sa studio isang hapon ng huling bahagi ng taglamig. Aktibong tinatalakay nina Jiang Ning, Yi Chen, at Liu Fei ang kanilang susunod na makabagong proyekto sa pagpinta. Bagama’t medyo mahirap ang gawaing ito, puno sila ng pananalig, lalo na si Jiang Ning, na kitang-kitang may kompiyansa at inisip na, “Mayroon akong mainam na batayan sa pagpipinta at napakainam din ng pagkaarok ko sa teorya ng komposisyon at kulay. Matalino rin ako, mabilis matuto, at mabilis akong makaangkop sa mga bagong bagay, at basta’t mas marami akong oras para mag-aral at magsanay, siguradong kaya kong maging dalubhasa sa mga kasanayang ito at lumikha ng maraming gawain sa estilong ito.” Kaya nagsimula silang tatlo na maghanap ng iba’t ibang materyal para pag-aralan, na nagpapalitan ng kanilang mga natuklasan. Madalas ding pumupunta ang kanilang superbisor para makiaral sa kanila. Makalipas ang ilang panahon, nadama ni Jian Ning na nauunawaan na niya ang bagong estilong ito ng pagpipinta. Sinabi rin nina Yi Chen at Liu Fei na mabilis matuto si Jiang Ning, na magaganda ang mga likhang ginagawa niya, at na dapat ibahagi rin kalaunan ni Jiang Ning sa kanila ang natutuhan at nakamit niya sa kanyang mga pag-aaral. Natuwa si Jiang Ning na marinig ang kanilang papuri, at inisip niya, “Mas mahusay ang kasanayan ko kaysa sa mga kapareha kong sister, madalas akong nagkakainspirasyon kapag tinatalakay ko sa kanila ang mga ideya sa pagpipinta, at gumaganap ako ng pangunahing papel sa pangkat.” Habang mas nag-iisip siya nang ganito, mas nagiging mayabang siya, at hindi niya namamalayan, nagsisimula na siyang gawin ang kanyang tungkulin nang may diwa ng pagkamataas.
Isang umaga, tinatalakay nina Jiang Ning, Yi Chen, at Liu Fei ang komposisyon ng isang pinta. Pagkatapos sabihin ni Jiang Ning ang kanyang opinyon, nakinig siyang mabuti sa mga pananaw ng kanyang mga sister, pero habang lalo siyang nakikinig, lalo siyang sumisimangot, at nakita sa mukha niya ang panghahamak. Inisip niya, “Mas bihasa akong pintor kaysa sa inyong dalawa. Kapag pinag-aaralan ang mga bagong estratehiya, mas mabilis kong natututuhan ang mga iyon kaysa sa inyo. Gayundin, mas magaling ang pagkaarok ko sa mga prinsipyo. Paano magiging mali ang pakahulugan ko ngayon sa mga praktikal na aplikasyon? Bakit hindi na lang kayo parehong makinig sa aking mga opinyon?” Bago pa matapos si Liu Fei, nayayamot na sumabad si Jiang Ning at diretsahang tinanong, “Sinasabi mong may mali sa pinta. Puwede mo bang sabihin kung ano mismo? Ano ang kulang? Paano ito dapat baguhin? Huwag kang masyadong malabo, hindi ko maunawaan kung ano ang ipinupunto mo.” Dahil nagulat sandali sa pagsabad ni Jiang Ning, naliligalig na sumagot si Liu Fei, “Mayroon lamang akong ideya sa ngayon, hindi ko pa naisaalang-alang ang mga detalye—” Mabilis na namang sinabi ni Jiang Ning ang opinyon niya nang hindi na hinintay na matapos si Liu Fei, naiinip na tanggapin ni Liu Fei ang pananaw niya. Kitang-kitang hindi komportable sina Yi Chen at Liu Fei, at naging tahimik ang kuwarto. Dahil nakita ni Jiang Ning na naging tensyonado na ang paligid, medyo nakonsensiya siya, “Naging masyado ba akong nagmamalabis at nagmamataas?” Pero inisip niya, “Normal lang na magkaroon ng kaunting hidwaan kapag tinatalakay ang mga isyu,” at hindi niya pinagnilayan ang mga problema niya. Kalaunan, nalaman ni Jiang Ning sa superbisor na mali ang mga pananaw niya, at naapektuhan na ang gawain, pero hindi pa rin niya pinagnilayan ang kanyang sarili. Madalas siyang nakikipagtalo sa kanyang mga sister sa mga usaping may kinalaman sa kanilang mga tungkulin, at ibinahagi ng superbisor sa kanila ang tungkol sa matiwasay na pakikipagtulungan at pinayuhan si Jiang Ning tungkol sa kanyang mapagmataas na disposisyon, pero hindi niya isinapuso ang kahit ano sa mga ito. Sa tingin niya, bagama’t nagbunyag siya ng medyo mapagmataas na disposisyon, nagawa niyang gumanap ng papel sa kanyang tungkulin, at dahil karaniwang tama ang mga opinyon niya, hindi malaking usapin kung medyo mapagmataas siya. Kaya tuwing tumututol siya sa kanyang mga sister, halos hindi umaatras si Jiang Ning. Palagi niya lamang uulit-ulitin ang mga opinyon niya, sinusubukang kumbinsihin ang kanyang dalawang sister na makinig sa kanya. Sa puso niya, kumapit siya isa isang kaisipan, “Pareho kayong mali, at ang sinasabi ko lamang ang naaayon sa mga prinsipyo.” Dahil sa saloobin niya, hindi alam ng dalawang sister niya kung paano sila dapat makipagbahaginan. Paminsan-minsan kapag tinatalakay ng tatlo ang isang larawan, madalas naiipit sa gitna ang mga diskusyon nila, na nagdudulot sa parami nangparaming naiipon na gawain. Dahil naharap sa ganito, napagtanto ni Jiang Ning na napakayabang niya, palaging iginigiit ang mga pananaw niya, at lubhang inaantala ang pag-usad. Inisip niya na hindi na siya dapat maging ganito pa. Gayumpaman, kapag nagsasabi na naman ng mga mungkahi ang mga sister, patuloy niyang iginigiit ang sarili niyang mga pananaw, at gumagawa siya ng mga pagbabago ayon sa sarili niyang mga ideya, na mangangahulugan ng mas maraming oras ang kailangang gugulin sa higit pang talakayan kalaunan, na umaantala sa pagsulong. Sa huli, napatunayan na tama ang mga mungkahi ng mga sister at na sumusunod si Jiang Ning sa mga patakaran. Sa ganitong paraan, palagi silang hindi epektibong gumagawa, at hindi magawang bumuti ng pag-usad ng kanilang gawain. Dahil napakamapagmataas ni Jiang Ning, palaging sutil, at hindi kayang tumanggap ng payo, madalas na maraming problema ang mga guhit niya at kailangang ulitin. Partikular na pinuna ng kanilang superbisor ang mga problema ni Jiang Ning, na ginagabayan siyang pagnilayan kung bakit napakaraming problema sa gawain, at kung may kinalaman ba ito sa kanyang mapagmataas na disposisyon. Pero hindi ito matanggap ni Jiang Ning, at inisip niya na, “Sino ba ang hindi nagkakamali sa kanyang mga tungkulin? Mahusay ang pagkaunawa ko sa mga prinsipyo at estratehiya, at mga panandaling pagkukulang lamang ang mga paglihis na ito. Sa susunod, mas pagsisikapan ko pa para pagbutihin ang mga estratehiya ko at magiging mas maingat ako, at magkagayon ay maiiwasan kong magawa ang mga pagkakamaling ito.” Nabalitaan ni Xiao Yi na mahusay na mangguguhit si Jiang Ning at madalas itong sumusulat sa kanya, hinihingi ang mga gabay niya sa mga guhit nito. Sa tingin ni Jiang Ning ay talagang mas mababa ito kaysa sa kanya ito, iniisip niya na, “Walang gaanong halaga ang marami sa mga guhit mo, kailangan ba talaga ang gabay ko? Gayundin, maraming mga naipong guhit ngayon, paano pa ako makakahanap ng oras para gabayan ka?” Kaya isinantabi niya ang mga tanong ni Xiao Yi, at nang dumating na sa kanya ang ilang liham mula kay Xiao Yi, nagkunwari siyang hindi pa niya nakikita ang mga ito. Kalaunan ay tumigil na si Xiao Yi sa pagtatanong.
Isang umaga, habang umaambon sa labas, gumuhit ng isang tanawin si Jiang Ning nang nakasimangot. Nagtinginan sina Yi Chen at Liu Fei, tumayo sila, at naupo sa tabi ni Jiang Ning. Mahinang sinabi ni Yi Chen, “Jiang Ning, puwede ka ba naming makausap?” Pansamantalang nablangko si Jiang Ning, at pagkatapos ay kaswal na sumagot, “Oo, sige.” Sinabi ni Yi Chen nang may medyo seryosong mukha, “Kamakailan, sa ating mga tungkulin, nadarama naming naging napakadominante mo, kumikilos ka nang nakakailang, at kapag tinatalakay natin ang mga problema, kung naiiba ang opinyon mo, may tendensiya kang magtanong pabalik at siyasatin ang iba. Talagang nakakalimita na makasama ka.” Nang marinig ito na sinasabi ni Yi Chen, nanlumo ang mukha ni Jiang Ning, at nag-atubili siya bago magsalita. Kinilala niya ang kanyang mapagmataas na disposisyon, pero sa kaibuturan ay ayaw niyang tanggapin ito. Inisip niya, “Kamakailan lang ay sinusubukan kong baguhin ang mga bagay. Hindi mababago magdamag ang isang mapagmataas na disposisyon. Basta’t bigyan ninyo lamang ako ng ilang panahon, ayos ba?” Habang mas iniisip niya ito, mas aping-api ang pakiramdam niya. Nadama niyang nakita nina Yi Chen at Liu Fei ang katiwalian niya bilang isang bagay na puwede nilang gamitin laban sa kanya at na malinaw na pinupuntirya siya ng mga pahayag nila, pero alam niya rin na dapat siyang magkaroon ng kaunting katwiran sa pagkakapungos, kaya pinigilan niya ang kanyang sarili at sumagot nang nagngangalit, “Tatanggapin at pag-iisipan ko ang sinabi mo,” at wala na siyang sinabi pa. Kitang-kita sa mga mata nina Yi Chen at Liu Fei ang pag-aalala at kabalisahan. Walang tanda ng pagtila ang mahinang ulan sa labas at nagtapos na roon ang maiksing pag-uusap ng mga sister.
Mula noon, para maiwasang tawaging mayabang ng kanyang mga sister, tumigil si Jiang Ning sa pagsasabi ng kanyang mga opinyon sa mga talakayan. Kapag naghihingi ng mga pananaw niya ang dalawa, sutil na nanatili siyang tahimik, na talagang ginagawang nakakailang ang paligid. Minamadali ang ilang desisyon tungkol sa mga guhit nang walang masinsinang talakayan, na nagdudulot para ang mga guhit ay gawing muli at baguhin kalaunan. Parehong nadama nina Yi Chen at Liu Fei na talagang napipigilan sila ng kanilang sister. Makalipas ang ilang araw, dumating ang kanilang superbisor para makipagpulong sa kanila at natuklasan na wala pang pagkakilala sa sarili si Jiang Ning sa loob ng gayong mahabang panahon, at na hindi siya makatwiran, kinakalaban ang kanyang mga sister, ginagambala at hinahadlangan ang gawain. Hinimay ng superbisor ang pag-uugali niya at tinanggal siya. Hindi nagtagal, nalaman ni Jiang Ning na iniulat siya ng mga kapatid dahil sa panunumbat niya sa mga tao at pagpapadama sa mga tao ng pagkalimita. Sinabi pa ng isang sister, “Ngayong tinanggal na si Jiang Ning, sa wakas ay hindi na natin siya makakasama, at muli tayong makakahinga na nang maluwag!” Nang marinig niya ito, nadama ni Jiang Ning ang tagos-sa-pusong sakit, at noon niya lamang napagtanto kung gaano kalubha ang mga problema niya. Nagkaroon siya ng kamalayan na sa paggawa niya ng kanyang tungkulin kamakailan lang, pinipigilan at pinipinsala niya ang iba. Nadama niyang para siyang isang masamang tao at napuno siya ng pakiramdam ng may nalalapit na sakuna. Inisip niya, “Tapos na ako sa pagkakataong ito, nakagawa ako ng malaking kasamaan sa aking tungkulin,” at hindi niya alam kung paano lampasan ang sitwasyong ito. Napuno ng luha ang mga mata niya, at nanalangin siya sa Diyos, “O Diyos, pinigilan at pininsala ko ang aking mga kapatid dahil sa aking mapagmataas na disposisyon, at hinadlangan ko ang gawain. Pawang masasamang gawa ang iniwan ko! Labis akong nagsisisi, at pinanghihinayangan ko na hindi ko kaagad kinilala at nilutas ang aking mapagmataas na disposisyon. O Diyos, hindi ko alam kung paano lampasan ang kakaharapin ko. Pakiusap gabayan Mo ako.”
Sa kanyang espirituwal na pagninilay-nilay, naalala ni Jiang Ning ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa niya dati: “Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mapagmataas ang mga tao, mas hindi sila makatwiran, at kapag mas hindi sila makatwiran, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang itinuturing ng mga taong may mapagmataas na disposisyon ang lahat ng iba pa bilang mas mababa kaysa sa kanila, kundi, ang pinakamasama, hinahamak pa nila ang Diyos, at wala silang pusong may takot sa Diyos. Bagama’t maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mapagmataas na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Ang pakiramdam na mas magaling ka kaysa sa iba—maliit na bagay iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mapagmataas na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging hilig ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos para sa kapangyarihan at kontrol sa iba. Ang ganitong tao ay walang may-takot-sa-Diyos na puso ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya. Ang mga taong mapagmataas at may labis na pagtingin sa sarili, lalo na iyong mga nawalan na ng katwiran sa sobrang mapagmataas, ay hindi kayang magpasakop sa Diyos sa kanilang pananampalataya sa Kanya, at sarili pa nga nila ang kanilang itinataas at pinatototohanan. Ang gayong mga tao ang pinakalumalaban sa Diyos at talagang hindi nagtataglay ng may-takot-sa-Diyos na puso” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Nang mabasa ang mga salita ng Diyos, nadama niyang napakalala ng mapagmataas niyang disposisyon. Gaano man karaming pagkakamali o paglihis ang nagawa niya, hindi niya kailanman nadamang nagkamali siya. Wala siyang anumang saloobin ng pagtanggap o paghahanap sa katotohanan, at iginiit na dapat makinig sa kanya ang lahat at sundin siya. Kapag naharap siya sa mga naiibang opinyon, mayabang niyang pupunahin ang mga kapatid niya, sinasabing mali sila sa ganito o ganoong bagay, at pagkatapos ay pipilitin silang makinig sa kanya. Kung hindi niya naabot ang mga layon niya, iinit ang ulo niya at tatanungin nang may agresibong tono ang kanyang mga kapatid. Minsan, puputulin na niya sila bago pa sila matapos sa kanilang pagsasalita, gumagamit ng matapang na tono para pabulaanan sila, kaya nadadama talaga nila na nalimitahan sila. Pero hindi pa siya nagkaroon ng anumang pagkakilala sa sarili. Sa tingin niya ay kumakapit lang siya sa mga pananaw niya o nagpapakita ng malayang pag-iisip. Kahit kapag nakikipagtalo siya sa iba, akala niya ay siniseryoso niya lang ang mga prinsipyo, hindi dahil sa sutil siya. Sa kanyang pagninilay rito, alam niya na kung gusto niya talagang seryosohin ang mga prinsipyo, hindi siya magiging masyadong nakatuon sa ideya na palagi siyang tama. Sa halip, isasantabi niya ang kanyang mga pananaw at isasaalang-alang kung ang mga mungkahi ng iba ay naaayon sa mga prinsipyo at kapaki-pakinabang sa gawain. Magiging isang saloobin ito ng paghahanap at pagtanggap sa katotohanan. Gayumpaman, hindi niya kailanman isinantabi ang mga pananaw niya, at bagama’t sa panlabas ay tinalakay niya ang mga isyu sa mga kapatid, nakapagpasya na siya na tama siya. Buong panahon siyang walang pagpapakumbaba para maghanap. Naging napakasutil niya. Lubos siyang nahiya. Napuno siya ng mga tiwaling disposisyon, hindi naunawaan ang katotohanan, at walang prinsipyo sa kanyang mga kilos. Bagama’t naunawaan niya ang ilang teknikal na bagay, marami siyang kulang, at limitado sa kanyang pag-iisip. Nagtiwala lamang siya sa kanyang sariling pag-iisip at mga karanasan, na ibig sabihin ay hindi lamang niya hindi ginawa nang maayos ang tungkulin niya, kundi nagdulot din siya ng maraming paglihis, magkagayon ay pinipinsala ang gawain. Kinailangan niyang makipagtulungan sa iba nang matiwasay para mapunan nila ang mga pagkukulang ng isa’t isa. Kung hindi siya malinaw sa isang prinsipyo o kung hindi kayang sumang-ayon, dapat niyang hanapin ang gabay ng superbisor, sa halip na pilitin ang iba na tanggapin ang mga mungkahi niya. Gayumpaman, masyadong mataas ang tingin niya sa sarili at akala niya ay tama ang lahat ng sinabi niya, na para bang siya mismo ang pinagmumulan ng mga katotohanang prinsipyo. Sa wakas ay napagtanto niya kung gaano siya naging mayabang, walang katwiran na dapat ay taglay ng taong may isang normal na pagkatao. Napagtanto niya na sa realidad, tama ang mga mungkahi ng iba, na marahil ay binigyang-liwanag at ginabayan ng Banal na Espiritu, at maaaring makatulong sa kanyang mapagtanto ang mga kahinaan at pagkukulang niya. Gayumpaman, wala siyang pakialam sa mga mungkahi ng kanyang mga kapatid at hindi kinilala ang kanyang tiwaling disposisyon. Napinsala pa nga niya ang mga nakapalibot sa kanya at hinadlangan ang gawain ng iglesia. Napagtanto niya na dahil sa kanyang mapagmataas na kalikasan ang lahat ng ito, at na ang pamumuhay sa gayong mapagmataas na disposisyon ay hindi lamang nagdulot sa kanya na hamakin ang iba, kundi pati na rin ang katotohanan at ang Diyos. Kung hindi niya nilutas ang mapagmataas na disposisyong ito, magiging mahirap para sa kanya na tanggapin ang katotohanan, isakatuparan ang kanyang tungkulin, at talikdan ang kanyang sarili at makipagtulungan sa iba nang matiwasay. Sa wakas ay nadama ni Jiang Ning kung gaano kamapanganib na hayaang hindi mabago ang kanyang mapagmataas na disposisyon!
Kalaunan, nabasa ni Jiang Ning ang mga salita ng Diyos: “Ang pagsasaayos sa iyo para maging lider ay pagtataas lamang sa iyo at pagbibigay sa iyo ng isang pagkakataon na magsagawa. Hindi ito dahil sa nagtataglay ka ng mas maraming realidad kasya sa iba o dahil mas mahusay ka kaysa sa iba. Sa katunayan, katulad ka ng lahat. Wala sa inyo ang nagtataglay ng realidad, at sa ilang paraan, maaaring mas tiwali ka pa kaysa sa iba. Kaya bakit di-makatwiran kang nagdadala ng gulo, at di-makatwiran mong sinesermunan, kinagagalitan at pinipigilan ang iba? Bakit mo pinipilit ang iba na makinig sa iyo, kahit na mali ka? Ano ang pinatutunayan nito? Pinatutunayan nitong nasa maling posisyon ka. Hindi ka gumagawa mula sa posisyon ng isang tao, ginagawa mo ang iyong gawain mula sa posisyon ng Diyos, mula sa isang posisyong mas mataas sa iba. Kung ang sinasabi mo ay tama at naaayon sa katotohanan, maaari kang pakinggan ng iba. Katanggap-tanggap ito sa pagkakataong ito. Ngunit kapag mali ka, bakit mo pinipilit ang iba na pakinggan ka? May awtoridad ka ba? Kataas-taasan ka ba? Ikaw ba ang katotohanan? … Ginagawa nila ang anumang naisin nila at iginigiit na gawin ng iba ang anumang sabihin nila. Hindi ba’t dinadakila nila ang kanilang mga sarili? Hindi ba’t itinataas nila ang kanilang mga sarili? Hindi ba’t mga mapagmataas at palalo silang tao? Sa kanilang tungkulin, hangga’t maaari ay sinusunod nila ang sarili nilang mga kagustuhan nang hindi isinasagawa ang katotohanan kahit kaunti. Kaya, kapag pinangungunahan nila ang mga tao, hindi nila hinihiling sa mga pinangungunahan nila na isagawa ang katotohanan. Sa halip, iginigiit nila na pakinggan ng iba ang sinasabi nila at sundin ang kanilang mga paraan. Hindi ba’t pag-uutos ito sa mga tao na tratuhin sila na tulad ng Diyos at sundin sila bilang Diyos? Taglay ba nila ang katotohanan? Hindi nila taglay ang katotohanan, puno sila ng disposisyon ni Satanas, at malademonyo sila. Kaya bakit hinihiling pa rin nila sa mga tao na sundin sila? Hindi ba’t ipinagmamalaki ng ganitong tao ang kanyang sarili? Hindi ba’t itinataas niya ang kanyang sarili? Madadala ba ng ganitong mga indibidwal ang mga tao sa harap ng Diyos? Mahihikayat ba nila ang mga tao na sambahin ang Diyos? Gusto nilang sila ang sundin ng mga tao. Kapag ganito silang gumawa, talaga bang inaakay nila ang mga tao sa pagpasok sa mga katotohanang realidad? Talaga bang ginagawa nila ang gawaing ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos? Hindi, nagsisikap silang magtatag ng sarili nilang kaharian. Gusto nilang maging Diyos, at gusto nilang ituring sila ng mga tao na gaya ng Diyos at sundin sila na gaya ng Diyos. Hindi ba’t mga anticristo sila? Noon pa man ay ganito na ang mga anticristo; anuman ang pagkaantala sa gawain ng iglesia o ang tindi ng hadlang o pinsala sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos, kailangan silang sundin at pakinggan ng lahat. Hindi ba ito ang likas na katangian ng mga demonyo? Hindi ba ito ang disposisyon ni Satanas? Ang mga taong ganito ay buhay na mga demonyong nakasuot ng balat ng tao. Maaaring may mukha sila ng tao, ngunit lahat ng nasa kanilang kalooban ay ubod ng sama. Lahat ng sinasabi at ginagawa nila ay ubod ng sama. Wala silang anumang ginagawa na nakaayon sa katotohanan, wala sa mga iyon ang ginagawa ng mga taong makatwiran, kaya nga wala nang duda na kilos ang mga ito ng mga demonyo, ni Satanas, at ng mga anticristo. Dapat ninyo itong malinaw na makilatis. Kaya kapag kayo ay kumikilos, nagsasalita, at nakikisalamuha sa iba—sa lahat ng inyong ginagawa sa buhay—dapat ninyong isapuso ang atas na ito: ‘Hindi dapat ipagmalaki ng tao ang kanyang sarili, ni itaas ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.’ Sa ganitong paraan ay nalalagyan ng mga pagpigil ang mga tao, at hindi nila paaabutin sa puntong sinasalungat nila ang disposisyon ng Diyos. Napakahalaga ng atas administratibong ito, at lahat kayo ay dapat na pag-isipan nang mabuti kung ano ang ibig sabihin ng atas administratibong ito, kung bakit ito hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan, at kung ano ang layon Niyang makamit. Pag-isipan ninyo itong mabuti. Huwag ninyong basta hayaang pumasok lang ito sa isang tainga at lumabas sa kabila. Magiging tunay na kapaki-pakinabang ito sa inyo” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tungkol sa mga Atas Administratibo ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian). Inilalantad ng Diyos na ang pagpilit palagi sa iba na makinig at sundin ka, at subukang ipailalim sa iyong kontrol ang iba ay ang pagtataas sa sarili, nangangahulugan ito na tinatahak mo ang landas ng isang anticristo, at nilalabag nito ang atas administratibo at sinasalungat ang disposisyon ng Diyos. Nagbalik-tanaw si Jiang Ning sa ibinunyag niya kamakailan — palaging iniisip na naunawaan niya ang mga teknikal na bagay at na may mainam siyang pagkaarok sa mga prinsipyo, na pinakatama ang kanyang mga pananaw at mungkahi at na nasa ilalim niya ang lahat. Kapag naglahad ng naiibang mga pananaw ang kanyang mga sister, hindi niya isasaalang-alang ang mga iyon at isasantabi ang mga ito, patuloy na sinusubukang kumbinsihin ang iba na makinig sa kanya. Kung hindi niya kayang kumbinsihin sila, magtitiwala lamang siya sa kanyang kapusukan para tanungin sila, na bibitiw lamang kapag sinuko na nila ang kanilang mga ideya. Naalala ni Jiang Ning ang hinihiling ng Diyos: “Hindi dapat ipagmalaki ng tao ang kanyang sarili, ni itaas ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.” Anumang lugar o tungkulin, dapat nating dakilain ang Diyos, hanapin ang mga layunin Niya sa lahat ng bagay, at hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, at lalo na kapag lumitaw ang mga di-pagsasang-ayunan, lalo pang mahalagang isantabi ang ating mga sarili at gamitin ang kaninumang pananaw na naaayon sa katotohanan. Ito lamang ang pag-uugali ng isang taong may-takot-sa-Diyos na puso na dinadakila ang Diyos. Gayumpaman, matagal na namumuhay sa pamamagitan ng mga lason ni Satanas si Jiang Ning, masyadong palalo at itinuturing niya ang sarili na pinakadakila at na mga katotohanang prinsipyo ang mga opinyon niya. Tuwing nakakarinig siya ng mga naiibang mungkahi, sinumang naglahad sa mga ito o kung naaayon ba ito sa katotohanan, basta’t naiiba ang mga ito sa kanyang mga pananaw, isasantabi niya ang mga ito at susubukan lang na pasunurin ang iba sa kanya. Nagdulot ang pagmamataas niya na mawala ang kanyang katwiran. Inisip ni Jiang Ning ang tungkol sa CCP, at tungkol sa kung anuman ang gawin nito, hindi nito kailanman hinayaan ang sinumang kontrahin ito, at kapag lumitaw ang isang tumututol na opinyon, gagamitin nito ang lahat ng uri ng pamamaraan para supilin iyon. Inisip niya kung paanong katulad ng sa CCP ang disposisyong ibinunyag niya sa kanyang mga kilos at napuno siya ng takot.
Isang araw, binasa ni Jiang Ning ang ilang salita ng Diyos. Mas malinaw pa nitong ipinakilala sa kanya ang kanyang mapagmataas na disposisyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagiging mayabang at mapagmatuwid ay ang pinakakapansin-pansing satanikong disposisyon ng tao, at kung hindi tinatanggap ng mga tao ang katotohanan, hinding-hindi nila malilinis ito. Ang lahat ng tao ay may mayabang at mapagmatuwid na disposisyon, at palaging palalo. Anuman ang iniisip nila, o ang sinasabi nila, o kung paano man nila nakikita ang mga bagay-bagay, palagi nilang iniisip na tama ang sarili nilang mga pananaw at saloobin, at na hindi kasingganda o kasingtama ng kanilang sinasabi ang sinasabi ng iba. Palagi silang kumakapit sa sarili nilang mga opinyon, at kahit sino pa ang magsalita, hindi sila makikinig dito. Tama man ang sinasabi ng iba, o naaayon sa katotohanan, hindi nila ito tatanggapin; magmumukha lamang silang nakikinig pero hindi talaga nila tatanggapin ang ideya, at pagdating ng panahon na kailangan nang kumilos, gagawin pa rin nila ang mga bagay-bagay sa sarili nilang paraan, palaging iniisip na tama at makatwiran ang sinasabi nila. Posible na tama at makatwiran nga ang sinasabi mo, o na tama at walang mali ang ginawa mo, ngunit anong uri ng disposisyon ang naibunyag mo? Hindi ba’t iyon ay kayabangan at pagmamatuwid? Kung hindi mo iwawaksi ang mayabang at mapagmatuwid na disposisyong ito, hindi ba nito maaapektuhan ang pagganap mo sa iyong tungkulin? Hindi ba nito maaapektuhan ang pagsasagawa mo sa katotohanan? Kung hindi mo lulutasin ang iyong mayabang at mapagmatuwid na disposisyon, hindi ba ito magdudulot sa iyo ng malulubhang dagok sa hinaharap? Siguradong makararanas ka ng mga dagok, hindi ito maiiwasan. Sabihin mo sa Akin, nakikita ba ng Diyos ang gayong pag-uugali ng tao? Higit pa rito ang kayang makita ng Diyos! Hindi lamang sinusuri ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao, pinagmamasdan din Niya ang bawat salita at gawa ng mga ito sa lahat ng oras at lugar. Ano ang sasabihin ng Diyos kapag nakita Niya ang pag-uugali mong ito? Sasabihin ng Diyos: ‘Mapagmatigas ka! Kauna-unawa na maaaring kumapit ka sa sarili mong mga ideya kapag hindi mo alam na nagkakamali ka, ngunit kapag malinaw sa iyo na nagkakamali ka at kumakapit ka pa rin sa iyong mga ideya, at mamamatay ka muna bago magsisi, isa ka talagang mapagmatigas na hangal, at may problema ka. Kung, kahit sino pa ang nagmumungkahi, palagi kang mayroong negatibo, mapanlaban na saloobin tungkol dito, at hindi mo tinatanggap ang kahit katiting na katotohanan, at kung ang puso mo ay lubusang mapanlaban, sarado, at mapagwalang-bahala, ikaw ay sobrang katawa-tawa, isa kang hangal na tao! Masyado kang mahirap pakitunguhan!’ Sa anong paraan ka mahirap pakitunguhan? Mahirap kang pakitunguhan dahil ang ipinapakita mo ay hindi isang maling diskarte, o maling pag-uugali, kundi isang pagbubunyag ng iyong disposisyon. Isang pagbubunyag ng anong disposisyon? Isang disposisyon kung saan tutol ka sa katotohanan, at napopoot sa katotohanan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). “Kung ang iyong saloobin ay matigas na magpumilit, itatwa ang katotohanan, tanggihan ang mga mungkahi ng sinumang iba pa, hindi hanapin ang katotohanan, magtiwala lamang sa iyong sarili, at gawin lamang kung ano ang gusto mo—kung ito ang iyong saloobin anuman ang gawin o hingin ng Diyos, ano ang reaksyon ng Diyos? Hindi ka papansinin ng Diyos, isasantabi ka Niya. Hindi ba’t matigas ang ulo mo? Hindi ka ba mayabang? Hindi mo ba palaging iniisip na tama ka? Kung wala kang pagpapasakop, kung hindi ka kailanman naghahanap, kung ang puso mo ay lubusang sarado at palaban sa Diyos, hindi ka papansinin ng Diyos. Bakit hindi ka papansinin ng Diyos? Dahil kung sarado ang puso mo sa Diyos, matatanggap mo ba ang kaliwanagan ng Diyos? Madarama mo ba kapag kinagagalitan ka ng Diyos? Kapag nagmamatigas ang mga tao, kapag lumalabas ang kanilang satanikong kalikasan at pagiging halimaw, hindi nila nadarama ang anumang ginagawa ng Diyos, lahat ng iyon ay walang saysay—kaya hindi gumagawa ang Diyos ng gawaing walang silbi. Kung ganito katigas ang uri ng iyong pagiging palaban, ang tanging ginagawa ng Diyos ay manatiling tago mula sa iyo, hindi gagawa ang Diyos ng mga bagay na hindi kailangan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Pagkabasa sa dalawang siping ito ng mga salita ng Diyos, napagtanto ni Jiang Ning na talagang naging sutil siya at ganap na ayaw tanggapin ang mga mungkahi ng iba, at na nagbunyag siya ng isang satanikong disposisyon na tutol sa katotohanan at nakapukaw sa pagkasuklam at pagkamuhi ng Diyos. Ngayon naunawaan na niya na tinanggap niya muna dapat ang mga naiibang mungkahi ng kanyang mga sister at pagkatapos ay magkasabay na hinanap nila ang mga katotohanang prinsipyo. Marahil ay nalaman niya ang mga pagkukulang niya, nabawasan ang mga paglihis sa kanyang gawain, at siguro sa huli, baka napatunayang tama ang mga pananaw niya. Gayumpaman, sa buong prosesong ito, ang mahalagang punto ay ang panatilihin ang isang saloobin ng pagtanggap sa katotohanan, na pinahahalagahan din ng Diyos. Dagdag dito, kapaki-pakinabang din sa gawain na magkasundo sa pamamagitan ng paghahanap ng mga prinsipyo. Naunawaan ni Jiang Ning na tuwing may naiibang mga pananaw o opinyon ang kanyang mga sister, naglalaman ito ng layunin ng Diyos, na nag-udyok sa kanyang hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, na kapag nagsabi ng mga naiibang opinyon ang kanyang mga sister ito ay para sa layunin ng pagtatalakay at paghahanap nang magkakasama, para mabawasan hangga’t maaari ang mga paglihis, at na ginawa ito para protektahan ang gawain ng iglesia. Naunawaan niya na dapat niyang tanggapin at sundin ang mga ito. Pero hindi niya kailanman isinapuso ang mga paalala ng kanyang mga sister, at kahit na kapag may naiiba silang mga pananaw, inisip niya lang na wala silang pagkaunawa sa mga prinsipyo o pamamaraan, at pipilitin silang tanggapin ang kanyang sariling pananaw. Hindi lamang ito nagpadama sa kanyang mga sister na napigilan sila, kundi lubha ring napinsala ang gawain ng iglesia. Bagama’t sa panlabas ay mukhang hindi tinatanggap ni Jiang Ning ang mga mungkahi ng iba at nakikipagtalo sa kanila, sa realidad, nagbubunyag siya ng isang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan, at isang pagkapoot at paglaban sa mga positibong bagay. Napagtanto ni Jiang Ning na kinasusuklaman ng Diyos ang saloobing ito sa katotohanan, na hindi niya makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng paggawa ng kanyang tungkulin sa ganitong paraan, at na ni hindi niya maunawaan ang sarili niyang kalagayan. Sa ilang antas, siya ay naging manhid. Kung hindi dahil sa pagkakatanggal sa kanya, hindi pa rin siya mamumulat at hindi magagawang hanapin ang katotohanan at lutasin ang kanyang mapagmataas na disposisyon. Dahil sa pagkatanto sa mga bagay na ito, napuno si Jiang Ning ng pasasalamat sa Diyos para sa pagliligtas sa kanya nang napapanahon.
Kalaunan, pinagnilayan ni Jiang Ning kung bakit palagi siyang masyadong mapagmataas. Isang araw, nabasa niya ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Gaano ka man kaedukado, anumang mga gantimpala ang natamo mo, o anuman ang nakamtan mo, at gaano man kataas ang iyong katayuan at ranggo, dapat mong talikdan ang lahat ng bagay na ito, dapat kang bumaba sa mataas na kinalalagyan mo—lahat ng ito ay walang halaga. Sa sambahayan ng Diyos, gaano man kalaki ang mga karangalang ito, hindi maaaring maging mas mataas ang mga ito kaysa sa katotohanan, sapagkat ang mga paimbabaw na bagay na ito ay hindi ang katotohanan, at hindi makakapalit sa lugar nito. Dapat maging malinaw sa iyo ang isyung ito. Kung sinasabi mong, ‘Napakatalino ko, napakatalas ng isip ko, mabilis akong kumilos, mabilis akong matuto, at napakagaling ng memorya ko, kaya karapat-dapat akong gumawa ng huling desisyon,’ kung palagi mong gagamiting kapital ang mga bagay na ito, at ituturing na mahalaga ang mga ito, at positibo, problema ito. Kung puno ng mga bagay na ito ang puso mo, kung nag-ugat na ang mga ito sa puso mo, mahihirapan kang tanggapin ang katotohanan—at nakakatakot isipin ang mga kahihinatnan niyan. Sa gayon, dapat mo munang iwanan at tanggihan ang mga bagay na iyon na minamahal mo, na tila maganda, na mahalaga sa iyo. Ang mga bagay na iyon ay hindi ang katotohanan; bagkus, maaaring makahadlang ang mga ito sa pagpasok mo sa katotohanan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?). Nakita ni Jiang Ning na sinasabi ng Diyos na gaano man karaming kaloob ang taglay ng isang tao, hindi katotohanan ang mga ito at hindi nito mapapalitan ang katotohanan. Hindi magagawa nang wasto ng isang tao ang kanyang mga tungkulin kung aasa lamang siya sa kanyang mga kaloob at hindi hahanapin ang katotohanan. Kung bibigyan ng isang tao ng sobrang pagpapahalaga ang kanyang mga kaloob, sa katunayan ay kaya nitong hadlangan ang kanyang paghahanap at pagtanggap sa katotohanan. Nalaman na ni Jiang Ning na ang pinagmumulan ng kanyang mga problema ay ang sobra-sorang pagpapahalagang ibinibigay niya sa katalinuhan, mga kaloob at teknikal na kasanayan. Tuwing nahaharap siya sa isang bagong tungkulin, mabilis niyang nakukuha ang mga propesyonal at teknikal na aspekto at inisip niyang matalino at mas magaling siya kaysa sa iba, at na mula rito niya nakuha ang kanyang pakiramdam ng pagkamataas sa kanyang tungkulin. Gaya noong sinubukan niya at ng kanyang mga sister ang isang bagong estilo ng pagpinta; noong una, nahirapan silang lahat dito, pero mabilis na naging dalubhasa si Jiang Ning dito at nagpatuloy na lumikha ng maraming gawa, na nagkikintal sa kanya ng isang pakiramdam ng pagkamataas kumpara sa kanyang mga sister at nagdulot sa kanyang hamakin sila sa kanilang pagtutulungan at madama na para bang walang halaga ang kanilang mga pananaw at mungkahi, ginagawa siyang ganap na hindi handang makipagtulungan sa kanila. Ipinatanto ng kabiguang ito kay Jiang Ning na ang matalas niyang katalinuhan ay makakatulong lamang sa kanya para matutuhan nang mas mabuti at mabilis ang isang propesyonal o teknikal na kasanayan, pero sa sambahayan ng Diyos, ang bawat tungkulin ay kinasasangkutan ng katotohanan at pagpapatotoo tungkol sa Diyos. Ang magawa nang maayos ang tungkulin ng isang tao ay hindi nakadepende sa kung may matalas ba siyang isip o mga kaloob, ni hindi ito nakadepende sa mga propesyonal o teknikal na kasanayan. Ang mahalagang bagay ay kung kaya ba ng isang tao na hanapin ang mga prinsipyo, at kumilos ayon sa mga layunin at hinihingi ng Diyos. Ang mga ito ang pinakamahalaga. Nagbalik-tanaw si Jiang Ning noong una niyang simulang pag-aralan ang mga bagong kasanayan. Alam niya na napakakaunti ng nauunawaan niya, kaya sa kanyang tungkulin ay may puso siya na mapagkumbaba at naghanap siya. Nagagawa niyang tanggapin at hanapin ang mga pananaw ng iba, at sa proseso, nagawa niyang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu, at nagkamit ng ilang resulta ang tungkulin niya. Pero kalaunan, sa pag-aakalang natutuhan na niya ang lahat ng bagay, yumabang siya nang yumabang at hinamak ang lahat. Namuhi ang Diyos sa saloobin niyang ito at hindi niya nagawang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Marami rin siyang mga paglihis sa kanyang tungkulin. Sa wakas ay napagtanto niya na magawa man nang maayos ng isang tao ang isang tungkulin, ito ay may kakaunting kinalaman sa kanyang katalinuhan at mga kaloob, at na kagamitan lamang ang mga kaloob para magawa ng mga tao ang kanilang mga tungkulin. Kahit na walang mga kaloob ang isang tao, kung kaya niyang tumuon sa paghahanap ng katotohanan at makipagtulungan nang matiwasay sa iba, magbubunga ng ilang resulta ang kanyang tungkulin. Palaging hinamak ni Jiang Ning ang dalawang sister na kasama niyang gumagawa, pero ngayon ay nakita na niya na bagama’t wala silang mahuhusay na kaloob, pareho nilang nagawang hanapin ang mga katotohanang prinsipyo batay sa mga mungkahi ng iba. Ang saloobing ito ng pagtanggap at paghahanap sa katotohanan ay lubhang mas mainam kaysa sa kanya mismong saloobin. Sa wakas ay nakita niya nang malinaw na para matupad nang maayos ang isang tungkulin, ang pinakamahalaga ay ang hanapin at tanggapin ang katotohanan, magkaroon ng isang may-takot-sa-Diyos na puso at mawalan ng kasutilan.
Hinanap pa ni Jiang Ning kung paano mismo siya dapat makipagtulungan nang matiwasay sa iba sa kanyang tungkulin. Nabasa niya ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag may nangyayari sa inyo, hindi kayo dapat maging mapagmatuwid. Dapat ninyong patahimikin ang inyong sarili sa harap ng Diyos at matuto kayo ng aral. Dapat ninyong palayain ang inyong sarili upang matuto nang higit pa. Kung iisipin mong, ‘Mas eksperto ako rito kaysa sa inyo, kaya dapat ako ang mamahala, at dapat makinig kayong lahat sa akin!’—anong uri ng disposisyon iyon? Iyon ay kayabangan at pagmamatuwid. Ito ay isang sataniko, tiwaling disposisyon at hindi ito saklaw ng normal na pagkatao. … Ano, kung gayon, ang tamang paraan ng pag-asal at pagkilos? Paano ka makakaasal at makakikilos alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo? Dapat mong ipresenta ang iyong mga ideya at hayaan ang lahat na makita kung mayroon mang anumang problema sa mga ito. Kung may magmumungkahi, kailangan mo munang tanggapin ito, at pagkatapos ay hayaan ang lahat na kumpirmahin ang tamang landas ng pagsasagawa. Kung walang sinuman ang may isyu dito, maaari ka nang magpasya kung ano ang pinakaangkop na paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay at kumilos sa ganoong paraan. Kung mayroong matuklasang problema, dapat mong hingin ang opinyon ng lahat, at dapat hanapin ninyong lahat ang katotohanan at sama-samang magbahaginan dito, at sa ganoong paraan, makakamit ninyo ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Kapag natatanglawan ang puso ninyo, at mayroon kayong mas mabuting landas, magiging mas maganda ang mga resultang nakukuha ninyo kaysa sa dati. Hindi ba’t ito ang patnubay ng Diyos? Kamangha-mangha ito! Kung maiiwasan mo ang pagiging mapagmatuwid, kung mabibitiwan mo ang iyong mga imahinasyon at ideya, at kung magagawa mong makinig sa mga tamang opinyon ng iba, makakamit mo ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Matatanglawan ang puso mo at mahahanap mo ang tamang landas. Magkakaroon ka ng daan pasulong, at kapag isinagawa mo ito, tiyak na aayon ito sa katotohanan. Sa pamamagitan ng gayong pagsasagawa at karanasan, matututuhan mo kung paano isagawa ang katotohanan, at kasabay nito ay may matututuhan kang bago sa larangang iyon ng gawain. Hindi ba’t mabuting bagay ito? Sa pamamagitan nito, mapagtatanto mo na kapag nangyayari sa iyo ang mga bagay-bagay, hindi ka dapat maging mapagmatuwid at dapat mong hanapin ang katotohanan, at na kung mapagmatuwid ka at hindi tinatanggap ang katotohanan, aayawan ka ng lahat at tiyak na kamumuhian ka ng Diyos. Hindi ba’t isa itong natutunang aral? Kung palagi kang maghahangad sa ganitong paraan at magsasagawa ng katotohanan, patuloy mong mahahasa ang mga propesyonal na kasanayan na ginagamit mo sa iyong tungkulin, paganda nang paganda ang mga resultang makukuha mo sa iyong tungkulin, at bibigyang-liwanag at pagpapalain ka ng Diyos, at tutulutan kang magkamit ng mas higit pa. Bukod pa riyan, magkakaroon ka ng landas sa pagsasagawa ng katotohanan, at kapag alam mo kung paano isagawa ang katotohanan, unti-unti mong mauunawaan ang mga prinsipyo. Kapag alam mo kung aling mga kilos ang hahantong sa kaliwanagan at patnubay ng Diyos, alin ang hahantong sa Kanyang pagkasuklam at pagtatanggal, at kung alin ang hahantong sa Kanyang pagsang-ayon at mga pagpapala, magkakaroon ka ng daan pasulong” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan niya ang mga prinsipyo ng matiwasay na pakikipagtulungan. Sa tungkulin ng isang tao, kung naglahad ng magkakaibang mungkahi ang iba, nauunawaan man nila ang mga propesyonal na usapin o hindi, dapat magkaroon ang isang tao ng saloobin ng pagtanggap at paghahanap ng katotohanan, at magsimula sa pagtanggap sa kanilang mga mungkahi nang hindi sila pikit-matang sinusundan, at pagkatapos ay dapat na tingnan ng isang tao kung ano ang sinasabi ng mga prinsipyo at gamitin ang mga katotohanang prinsipyo para pagpasyahan ang landas. Kalaunan, pinalad si Jiang Ning na makabalik sa kanyang tungkulin ng pagdidisenyo. Sobra siyang nagpapasalamat sa Diyos at gusto niyang makipagtulungan nang matiwasay sa iba sa pagkakataong ito.
Isang araw, tiningnan ni Xiao Yu ang kanyang guhit at tinukoy ang ilang isyu sa komposisyon niya. Nang marinig ito, nadama ni Jiang Ning na hindi naunawaan ng kanyang sister ang kanyang mga layunin, at kinonsulta niya rin ang ilang mahuhusay na likha, para maging angkop ang kanyang komposisyon. Habang mas iniisip niya ang tungkol dito, lalo niyang nadama na masyadong maselan si Xiao Yu at mahigpit sa mga patakaran, kaya binigyang-diin niyang muli ang kanyang ideya. Pero pagkasabi niya nito, sinabi ni Xiao Yu, “Nauunawaan ko ang ideya mo, pero talagang sa tingin ko ay may ilang problema sa komposisyong ito. Puwede mong isaalang-alang kung mayroong mas angkop na solusyon.” Nang marinig na sinasabi ito ni Xiao Yu, biglang napagtanto ni Jiang Ning na binibigyang-diin niya nang paulit-ulit ang kanyang pananaw para lang patunayang tama siya sa ang kanyang sister. Hindi niya seryosong isinaalang-alang ang mungkahi ng kanyang sister at inisip lang na tama siya. Hindi ba’t nagiging sutil pa rin siya at hindi talaga tinatanggap ang mga mungkahi ng iba? Medyo nagsisi si Jiang Ning at napagtanto na nagbubunyag na naman siya ng isang tiwaling disposisyon. Naisip niya ang tungkol sa prinsipyo ng pagsasagawa na kapag naharap sa mga naiibang opinyon dapat niya munang isantabi ang sarili niya, maingat na isaalang-alang kung tama ba ang mga pananaw ng iba, at kung naaayon ba ang mga ito sa mga prinsipyo. Noong nanahimik siya para isaalang-alang ang mga bagay, natuklasan niya na talagang may ilang isyu sa komposisyon niya. Kalaunan, hinanap ni Jiang Ning ang kanyang superbisor pagdating sa mga bahaging hindi siya sigurado, ibinahagi sa kanya ng kanyang superbisor ang mga nauugnay na prinsipyo, at nagkamit siya ng isang mas malinaw na landas kung paano gawin ang kanyang mga rebisyon. Pagkatapos nito, tuwang-tuwa siya. Mabuting hindi siya sutil sa pagkakataong ito, dahil magdadala ito ng mga paglihis. Ipinatanto nito sa kanya kung gaano kahalaga ang isang saloobin ng pagtanggap sa katotohanan sa pagganap sa tungkulin ng isang tao, at na gaano man katama o katiyak ang tingin ng isang tao, kapag may ibang mga opinyon ang iba, dapat munang isantabi ng isang tao ang kanyang mga pananaw, isaalang-alang ang mga bagay, at maghanap. Ito ay dahil malamang sa malamang na ginagamit ng Diyos ang iba bilang gabay para ibunyag ang problema ng isang tao. Natuklasan ni Jiang Ning na ang isang saloobin ng pagtanggap sa katotohanan ay makakatulong para maiwasan ng isang tao ang maraming paglihis. Mula noon sa kanyang tungkulin, sadya nang tinatanggap ni Jiang Ning ang mga mungkahi ng iba, at nadama niyang marami siyang nakamit at na nagawa niyang makipagtulungan nang matiwasay sa kanyang mga kapatid. Napuno ng pasasalamat ang kanyang puso para sa Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Xiaoen, Spain Noong nakaraan, isang superbisor na namamahala sa iglesia ay inilipat dahil sa pangangailangan sa gawain at kailangang...
Ni Chloe, EspanyaGumagawa ako ng mga video sa iglesia. Habang nagtatrabaho, nalaman kong ang produksyon sa mas mahihirap na proyekto ay...
Ni Zhou Ming, Tsina Hello Huijuan, Natanggap ko ang sulat mo. Sinabi mo sa sulat mo na pinaalis ang mga anak natin sa iglesia. Hindi ko...
Ni Gracie, Espanya Isang araw noong kalagitnaan ng Agosto sa nakaraang taon, sinabi sa akin ng isang lider na gusto niya akong mamahala sa...