Huwag Pagdudahan ang mga Taong Kinukuha Mo sa Trabaho: Tama Ba Iyon?
Ni Lin Ping, TsinaNoong Hulyo 2020, nahalal ako bilang lider, at pinamahalaan ko ang gawain ng ilang iglesia. Kahahalal lamang kay Sister...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Noong Agosto 2023, inaresto ng CCP ang nanay ko habang ginagawa nito ang kanyang tungkulin. Noong panahong iyon, wala kaming kaalam-alam ng mga kapatid. Wala kaming naging balita tungkol sa kanya hanggang Setyembre 2024, nang magpadala siya ng sulat mula sa kulungan. Doon namin nalaman na sinentensiyahan siya ng apat na taon. Parang nanlambot ang buo kong katawan dahil sa balita. Nagdadalamhati ang puso ko, at naisip ko, “Nakulong na dati si Nanay dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Pagkatapos niyang makalaya, patuloy niyang ginawa ang tungkulin niya nang malayo sa bahay. Sa lahat ng taon na ito, laging pumupunta ang mga pulis sa bahay namin, pilit na inaalam kung nasaan siya. Ngayon, nasa mga kamay na naman siya ng mga pulis. Hindi ko maisip kung paano nila siya pahihirapan. Mahirap ang buhay sa kulungan. Makapaninindigan kaya siya?” Isang sister ang nakipagbahaginan sa akin noon. Sinabi niya sa akin na ang mga kapaligirang nararanasan natin at ang pagdurusang tinitiis natin sa buhay ay pauna nang inorden ng Diyos. Sabi niya, dapat kong ipagkatiwala ang nanay ko sa mga kamay ng Diyos at magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Alam kong dapat akong magpasakop, pero sa sandaling maisip ko kung gaano kalupit ang trato ng CCP sa mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, at kung paanong tiyak na labis na magdurusa ang nanay ko, nagugulo ang isip ko, at halos wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Pagkatapos, patuloy kong ginawa ang tungkulin ko, pero sa tuwing may libre akong oras o hindi ako makatulog sa gabi, napupuno ang isip ko ng mga imahe ng mga inarestong kapatid na brutal na pinahihirapan ng mga pulis o inaabuso ng mga kapwa preso, at labis akong nag-aalala para sa nanay ko. “Kumusta na kaya siya sa kulungan?” naiisip ko. “Napakarami pang araw at gabi sa apat na taong sentensiya niya. Paano niya iyon malalampasan? Ang ilang tao ay hindi nakakayanan ang pagpapahirap pagkatapos nilang maaresto, kaya nagiging Hudas sila. Ang iba naman ay pumipirma sa Tatlong mga Pahayag at ipinagkakanulo ang Diyos. Paano kung hindi makapanindigan si Nanay sa kanyang patotoo at ipagkanulo niya ang Diyos? Hindi ba’t masasayang lang ang lahat ng tiniis niya?” Pagkatapos, naalala ko ang isang sister na nagsabi sa akin ilang buwan na ang nakalipas na ang kanyang asawa ay nasentensiyahan ng limang taon at kalahati dahil sa pananampalataya nito. Malapit na itong makalaya sa pagtatapos ng sentensiya nito, pero dahil tumanggi itong ipagkanulo ang iglesia o itanggi ang Diyos, binugbog talaga ito ng mga pulis hanggang sa mamatay. Binaluktot pa ng mga pulis ang mga katunayan at sinabing nagpakamatay ito. Isa pang brother ang pinahirapan din hanggang sa mamatay isang taon matapos siyang maaresto. Mas lalo akong nabahala nang maisip ko ito. Kung pahihirapan ng mga pulis ang nanay ko hanggang sa mamatay, paano pa siya maliligtas ng Diyos? Hindi ko talaga ito maintindihan. Nagtaka ako, “Pagkatapos manampalataya ni Nanay sa Diyos, masigasig niyang ginawa ang kanyang tungkulin. Hindi niya kailanman ipinagkanulo ang sinuman o ang iglesia noong huli siyang naaresto. Pagkatapos noon, palagi niyang ginagawa ang tungkulin niya nang malayo sa bahay para maiwasan ang pagkaaresto. Binantayan at pinrotektahan siya ng Diyos sa lahat ng mga taon na ito, kaya bakit hindi siya pinrotektahan ng Diyos sa pagkakataong ito? Bakit hinahayaan ng Diyos na arestuhin at usigin tayo ng CCP? Kung hindi dahil sa lahat ng pag-uusig na ito, maaari sana tayong manampalataya sa Diyos at gawin ang ating mga tungkulin nang mapayapa, at hindi na sana kailangang magdusa ni Nanay sa kulungan.” Noong mga araw na iyon, mabigat ang lagay at nasisikil ang loob ko. Sa aking mga panalangin, hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa Diyos, at hindi ko mapatahimik ang puso ko habang ginagawa ang aking tungkulin. Hindi ko mapigilang isipin kung kumusta na ang nanay ko, at labis na nagdurusa ang isipan ko. Alam kong mali ang kalagayan ko, at nagkaroon ako ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Pagkatapos, naalala ko ang isang sipi ng Kanyang mga salita: “Ang mga kuru-kuro ay isang pangunahing problema. Ang mga taong mayroong kuru-kuro tungkol sa Diyos ay tulad ng pagkakaroon ng isang pader na nakatayo sa pagitan nila at ng Diyos, na pumipigil sa kanila na makita ang totoong mukha ng Diyos, na pumipigil sa kanila na makita ang totoong disposisyon at tunay na diwa ng Diyos. Bakit ganito? Dahil namumuhay ang mga tao na kasama ang kanilang mga kuru-kuro, at kasama ang kanilang mga imahinasyon, at ginagamit nila ang kanilang mga kuru-kuro upang matukoy kung ang Diyos ay tama o mali, at upang sukatin, husgahan, at kondenahin ang lahat ng ginagawa ng Diyos. Anong uri ng kalagayan ang madalas na pagsasadlakan ng mga tao dahil sa paggawa nito? Maaari ba talagang magpasakop ang mga tao sa Diyos kapag nabubuhay silang kasama ang kanilang mga kuru-kuro? Maaari ba silang magkaroon ng tunay na pananalig sa Diyos? (Hindi maaari.) Kahit na nagpapasakop nang kaunti ang mga tao sa Diyos, ginagawa nila ito nang ayon sa kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon. Kapag umaasa ang isang tao sa kanyang mga kuru-kuro at imahinasyon, nabahiran na ito ng mga personal na bagay na kay Satanas at sa mundo, at ito ay salungat sa katotohanan. Ang problema tungkol sa mga kuru-kuro ng mga tao tungkol sa Diyos ay seryoso; isa itong pangunahing isyu sa pagitan ng tao at ng Diyos na kailangang apurahang malutas” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos (1)). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko kung gaano kapanganib ang magkaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya. Lumilikha ito ng mga maling pagkaunawa at ng hadlang sa pagitan ng isang tao at ng Diyos. Kung hindi nauunawaan ng isang tao ang mga layunin ng Diyos sa likod ng mga nangyayari, hindi siya makapagpapasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos. Iyon mismo ang kalagayan ko noong panahong iyon. Mula noong nalaman kong nasa kulungan si Nanay, sa sandaling maisip ko ang pagdurusa niya at kung makalalabas pa ba siya nang buhay, nagkaroon ako ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Hindi ko maintindihan kung bakit Niya hinahayaang arestuhin at usigin ng malaking pulang dragon ang mga mananampalataya, nagreklamo ako na hindi Niya pinrotektahan ang nanay ko, at nawalan ako ng gana sa aking tungkulin. Kung patuloy akong mamumuhay sa mga kuru-kuro ko sa halip na hanapin ang katotohanan, lalo lang lalaki ang hadlang sa pagitan namin ng Diyos. Kaya nanalangin ako, “O Diyos, hindi ko kailanman nagawang makapagpasakop sa naging pag-aresto kay Nanay, at nagkaroon ako ng mga kuru-kuro tungkol sa Iyo. Ayaw ko nang patuloy na maging mapaghimagsik. Pakiusap, gabayan Mo ako para maunawaan ko ang mga layunin Mo.”
Sa aking mga espirituwal na debosyon, nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang nakatulong sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat ay madalas na suriin ng mga tao ang anumang bagay sa kanilang puso na hindi kaayon ng Diyos, o na isang maling pagkaunawa sa Kanya. Paano ba nagkakaroon ng mga maling pagkaunawa? Bakit nagkakamali ng pagkaunawa ang mga tao sa Diyos? (Dahil naaapektuhan ang sarili nilang interes.) Matapos makita ng mga tao ang mga totoong pangyayari tungkol sa pagpapalayas sa mga Hudyo mula sa Judea, nasaktan sila, at sinabing, ‘Noong una, mahal na mahal ng Diyos ang mga Israelita. Inakay Niya sila palabas ng Ehipto at itinawid sa Dagat na Pula, binigyan sila ng manna mula sa kalangitan at tubig-bukal na maiinom, pagkatapos ay personal Niya silang binigyan ng mga batas para pamunuan sila, at tinuruan sila kung paano mamuhay. Nag-uumapaw ang pagmamahal ng Diyos para sa tao—lubhang pinagpala ang mga taong nabuhay noon! Paanong biglang nagbago ang saloobin ng Diyos sa kanila sa isang kisap-mata? Saan napunta ang lahat ng Kanyang pagmamahal?’ Hindi ito matanggap ng mga tao, at nagsimula silang magduda, sinasabing, ‘Ang Diyos ba ay pag-ibig o hindi? Bakit hindi na makita pa ang orihinal Niyang saloobin sa mga Israelita? Naglahong parang bula ang Kanyang pagmamahal. May pagmamahal ba Siya kahit kaunti?’ Dito nagsisimula ang maling pagkaunawa ng mga tao. Ano ang konteksto kung saan bumubuo ng mga maling pagkaunawa ang mga tao? Dahil kaya ito sa hindi kaayon ng mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao ang mga kilos ng Diyos? Ang katunayan bang ito ang nagiging sanhi para magkamali ang tao ng pagkaunawa sa Diyos? Hindi ba’t nagkakaroon ng maling pagkaunawa ang mga tao sa Diyos dahil nililimitahan nila ang Kanyang pagmamahal? Iniisip nilang, ‘Ang Diyos ay pag-ibig. Samakatwid, dapat Niyang alagaan at protektahan ang mga tao, at buhusan sila ng biyaya at mga pagpapala. Ganito ang pagmamahal ng Diyos! Gusto ko kapag minamahal ng Diyos ang mga tao nang ganito. Lalo kong nakikita kung gaano minahal ng Diyos ang mga tao nang itawid Niya sila sa Dagat na Pula. Lubos na pinagpala ang mga tao noon! Nais ko sanang maging isa sa kanila!’ Kapag wiling-wili ka sa kuwentong ito, tinatrato mo ang pagmamahal na ibinunyag ng Diyos sa sandaling iyon bilang pinakamataas na katotohanan, at ang nag-iisang palatandaan ng Kanyang diwa. Nililimitahan mo Siya sa iyong puso, at tinutukoy mo na ang lahat ng ginawa ng Diyos nang sandaling iyon ang pinakamataas na katotohanan. Iniisip mong ito ang pinakakaibig-ibig na katangian ng Diyos, at ang siyang pinakanagdudulot sa mga tao na igalang at katakutan Siya, at na ito ang pagmamahal ng Diyos. Ang totoo niyan, ang mga kilos mismo ng Diyos ay positibo, pero dahil sa iyong paglilimita, ang mga ito ay naging mga kuru-kuro sa iyong isipan, at naging basehan ng kung paano mo tinutukoy ang Diyos. Dahil sa mga ito ay nagkakamali ka ng pagkaunawa sa pagmamahal ng Diyos, na para bang wala nang anupaman ito kundi awa, malasakit, proteksyon, patnubay, biyaya, at mga pagpapala—na para bang iyon lang ang pagmamahal ng Diyos. Bakit labis mong pinahahalagahan ang mga aspektong ito ng pag-ibig? Dahil ba nauugnay ito sa pansarili mong interes? (Oo, ganoon nga.) Sa aling mga pansariling interes ito nauugnay? (Sa mga layaw ng laman at isang maginhawang buhay.) Kapag nananampalataya ang mga tao sa Diyos, gusto nilang matamo ang mga bagay na ito mula sa Kanya, pero hindi ang iba pang bagay. Ayaw isipin ng mga tao ang tungkol sa paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, pagpipino, pagdurusa para sa Diyos, pagtalikod sa mga bagay at paggugol ng kanilang sarili, o maging pagsasakripisyo ng kanilang sariling buhay. Gusto lang ng mga tao na tamasahin ang pagmamahal, malasakit, proteksyon, at gabay ng Diyos, kaya tinutukoy nila na ang pagmamahal ng Diyos ang tanging katangian ng Kanyang diwa, at ang nag-iisa Niyang diwa. Hindi ba’t ang mga bagay na ginawa ng Diyos noong itinawid Niya ang mga Israelita sa Dagat na Pula ang pinagmulan ng mga kuru-kuro ng mga tao? (Oo, ang mga ito ang pinagmulan.) Lumikha ito ng konteksto kung saan bumuo ang mga tao ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Kung bumuo sila ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, matatamo ba nila ang isang tunay na pagkaunawa tungkol sa gawain at disposisyon ng Diyos? Malinaw na hindi lamang sa hindi nila ito mauunawaan, kundi magkakamali rin sila ng interpretasyon dito at bubuo ng mga kuru-kuro tungkol dito. Pinatutunayan nito na masyadong makitid ang pag-unawa ng tao, at hindi ito tunay na pagkaunawa. Dahil hindi ito ang katotohanan, kundi isang uri ng pagmamahal at pagkaunawa na sinusuri at binibigyang-kahulugan ng mga tao tungkol sa Diyos batay sa kanilang sariling mga kuru-kuro, imahinasyon, at makasariling pagnanais; hindi ito naaayon sa tunay na diwa ng Diyos. Sa ano pang mga paraan minamahal ng Diyos ang mga tao bukod sa awa, pagliligtas, malasakit, proteksyon, at pagdinig sa kanilang mga panalangin? (Sa pamamagitan ng pagtutuwid, pagdidisiplina, pagpupungos, paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino.) Tama iyon. Ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa maraming paraan: sa pamamagitan ng pamamalo, pagdidisiplina, pagsasaway, gayundin ng paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, pagpipino, at iba pa. Ang lahat ng ito ay mga aspekto ng pagmamahal ng Diyos. Tanging ang perspektibang ito ang komprehensibo at naaayon sa katotohanan. Kung nauunawaan mo ito, kapag sinusuri mo na ang iyong sarili at napagtatantong mayroon kang mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, hindi ba’t magagawa mo nang kilalanin ang iyong mga pagkabaluktot, at pagbutihan ang pagninilay-nilay kung saan ka nagkamali? Hindi ba’t matutulungan ka nitong lutasin ang iyong mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos? (Oo, makakatulong ito.) Upang magawa ito, dapat mong hanapin ang katotohanan. Hangga’t hinahanap ng mga tao ang katotohanan, mapapawi nila ang kanilang mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, at sa sandaling mapawi na nila ang kanilang mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, makapagpapasakop na sila sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pag-unawa Lamang sa Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong hindi ko maunawaan ang Kanyang mga ginagawa dahil nilimitahan ko ang pagmamahal Niya sa isang partikular na paraan. Naniwala ako na ang pagmamahal ng Diyos ay nangangahulugang dapat Niyang bantayan at protektahan ang mga tao, bigyan sila ng biyaya at mga pagpapala, at huwag kailanman hayaang maharap sila sa sakit o kapighatian. Kapag hindi umaangkop sa mga kuru-kuro ko ang mga ginagawa ng Diyos, hindi ko matanggap ang mga iyon o makapagpasakop sa mga iyon. Ang lahat ng ito ay dahil hindi ko talaga alam ang gawain Niya. Naaalala ko noong bata pa ako, madalas ikuwento sa akin ni Nanay kung paano nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at ipinagkaloob ang lahat para sa atin. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ginamit Niya si Moises upang akayin ang mga Israelita palabas ng Ehipto at patawirin sa Dagat na Pula, pinadalhan sila ng mga pugo at manna sa ilang at ginabayan sila patungo sa mainam na lupain ng Canaan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagpagaling ang Panginoong Jesus ng mga maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, at nagpapako sa krus upang tubusin ang sangkatauhan. Kaya sa isip ko, ang pag-ibig ng Diyos ay puro pangangalaga at proteksyon, at pagkakaloob ng biyaya at mga pagpapala. Pagkatapos kong manampalataya sa Diyos, nakita kong pinananatili Niya kaming ligtas at maayos, at tinamasa namin ang Kanyang biyaya at mga pagpapala sa aming buhay, na lalo pang nagparamdam sa akin na mahal na mahal Niya kami. Pero sa pagkakataong ito, sa pagkakaaresto at pagkakakulong ng nanay ko, tiyak na magdurusa nang husto ang kanyang laman. Nag-alala ako na kung hindi siya makapanindigan sa kanyang patotoo o pahirapan siya ng mga pulis hanggang sa mamatay, mawawala ang pagkakataon niyang maligtas. Kaya nagreklamo ako sa Diyos dahil sa hindi pagprotekta sa kanya. Sinubukan ko pa ngang makipagtalo sa Diyos, binabanggit kung gaano kasigasig ang nanay ko sa paggawa ng kanyang tungkulin at kung paanong hindi siya kailanman nagkanulo ng sinuman o ng iglesia noong siya ay naaresto. Talagang wala akong katwiran! Sinusukat ko ang pag-ibig ng Diyos batay sa kung nakikinabang at pinagpapala ba ang laman, na talagang hindi naaayon sa katotohanan. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi lang biyaya at mga pagpapala; kasama rin dito ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino. Kapag nagkakaloob ang Diyos ng biyaya at mga pagpapala sa mga tao, pag-ibig Niya iyon; pero kapag naghahanda Siya ng mga kapaligiran para subukang pinuhin ang mga tao, higit pa itong pagpapamalas ng Kanyang pag-ibig. Halimbawa, ang pagkaaresto ng nanay ko. Sa pananaw na makalaman, itinuring ko itong masamang bagay at nilimitahan ito bilang hindi pag-ibig ng Diyos. Ang totoo, nakakiling lang sa iisang panig ang pagkaunawa ko. Kung hindi ito nangyari, hindi ko sana napagtanto na nilimitahan ko pala ang Diyos, na mayroon akong mga kuru-kuro at maling pagkaunawa tungkol sa Kanya, o na wala akong tunay na kaalaman sa Kanyang gawain at sa Kanyang pag-ibig. Sa gayon ding paraan, kahit na nagdurusa ang nanay ko sa pisikal dahil sa pagkaaresto at pagkabilanggo, kung kaya niyang manalangin at umasa sa Diyos at hanapin ang mga layunin ng Diyos sa kanyang paghihirap, mauunawaan niya ang katotohanan, lalago siya sa kanyang buhay, at madaragdagan din ang kanyang pananalig sa Diyos. Magiging mabuting bagay iyon para sa kanya. Marami sa gawain ng Diyos ang hindi umaangkop sa ating mga kuru-kuro o nakabubuti sa ating laman, pero nakabubuti ito sa ating buhay, na lalo pang nagpapakita ng Kanyang pag-ibig. Sa pagninilay rito, mas naliwanagan ang puso ko.
Kalaunan, muli akong nagnilay: Bakit hindi ako makapagpasakop sa pagkaaresto ng nanay ko? Pagkatapos, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi Ko binibigyan ng pagkakataon ang mga tao na magpahayag ng kanilang mga damdamin, sapagkat wala Akong mga damdamin ng laman, at kinamuhian Ko nang sukdulan ang mga damdamin ng mga tao. Dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako naitaboy sa isang tabi, at sa gayon ay naging ‘taong mapanghimasok’ Ako sa kanilang paningin; dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako nakalimutan; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya kinukuha ang pagkakataong damputin ang kanyang ‘konsensiya’; dahil sa mga damdamin ng tao kaya siya laging tumututol sa Aking pagkastigo; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya Ako palaging tinatawag na hindi patas at hindi makatarungan, at sinasabing hindi Ko iniintindi ang mga damdamin ng tao sa Aking pamamahala sa mga bagay-bagay. May kamag-anak din ba Ako sa ibabaw ng lupa? Sino, katulad Ko, ang nakapagtrabaho na araw at gabi, na hindi iniisip ang pagkain o pagtulog, para sa kapakanan ng buong plano ng Aking pamamahala? Paanong maikukumpara ang tao sa Diyos? Paanong magiging kaayon ng Diyos ang tao?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 28). “Ang sangkatauhan ay namumuhay lahat sa kalagayan ng mga damdamin, kaya nga hindi iniiwasan ng Diyos ang isa man sa kanila, at inilalantad ang mga lihim na nakatago sa puso ng buong sangkatauhan. Bakit hirap na hirap ang mga tao na iwaksi ang kanilang mga damdamin? Ang paggawa ba nito ay higit pa kaysa sa mga pamantayan ng konsensiya? Maisasakatuparan ba ng konsensiya ang kalooban ng Diyos? Makatutulong ba ang mga damdamin upang malagpasan ng mga tao ang paghihirap? Sa mga mata ng Diyos, ang mga damdamin ay Kanyang kaaway—hindi ba ito malinaw na nakasaad sa mga salita ng Diyos?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbubunyag sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob,” Kabanata 28). Nagnilay ako at napagtanto kong hindi ako makapagpasakop dahil namumuhay ako sa mga damdamin ng laman. Sa doktrina, alam ko na ang mga tao, pangyayari, at bagay na dumarating sa atin araw-araw, mabuti man o masama, ay pinahihintulutan ng Diyos at dapat tanggapin mula sa Kanya. Pero nang malaman kong nasa kulungan ang nanay ko, hindi ko ito matanggap mula sa Diyos, at lalong hindi ko hinanap ang Kanyang mga layunin. Maisip ko pa lang ang pisikal at mental na sakit at pagpapahirap sa nanay ko sa kulungan, nadudurog na ang puso ko. Ayaw kong magdusa siya. Natakot din ako na baka hindi siya makapanindigan sa kanyang patotoo, maging Hudas at sa gayon ay hindi maligtas, o baka pahirapan siya ng mga pulis hanggang sa mamatay sa kulungan at mawala sa akin ang nanay ko. Nagpadala ako sa aking mga damdamin ng laman at nakipagtalo sa Diyos, nagrereklamo na hindi Niya pinrotektahan ang nanay ko. Lahat ng naisip ko ay paglaban sa Diyos. Kinakalaban ko ang Diyos at sinasalungat Siya. Naisip ko si Job noong panahon ng kanyang mga pagsubok. Nawala ang lahat ng kanyang mga alagang hayop, lahat ng kanyang ari-arian, at lahat ng sampu niyang anak, at ang kanyang katawan ay napuno ng masasakit na bukol. Pero hindi kailanman nagreklamo si Job. Naniwala siya na ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos at kahit ang kasawian ay dumarating nang may pahintulot ng Diyos, at nagpasakop pa rin siya sa Diyos at pinuri ang pangalan ng Diyos. Nakita ko na si Job ay mayroong may-takot-sa-Diyos na puso. Napakalayo ko sa kanya! Nang marinig kong inaresto at ikinulong ang nanay ko, hindi ko lang talaga matanggap. Lubos akong namuhay sa mga damdamin. Kahit alam kong may pahintulot ito ng Diyos, hindi ako makapagpasakop. Nakipagtalo ako sa Diyos at sinalungat Siya sa kalooban ko. Nasaan ang may-takot-sa-Diyos na puso ko? Malinaw na ang malaking pulang dragon ang napopoot sa Diyos at umaaresto at umuusig sa mga mananampalataya, at iyon ang dahilan kung bakit labis na nagdurusa ang nanay ko matapos siyang maaresto. Pero sa halip na kamuhian ang CCP, nagreklamo ako tungkol sa Diyos. Talagang baligtad na ang lahat sa akin at hindi ko na makilala ang tama sa mali!
Pagkatapos niyon, nagbasa ako ng ilan pang sipi ng mga salita ng Diyos at nagsimula akong makaunawa nang kaunti tungkol sa kahalagahan kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pag-uusig at mga kapighatian. Sabi ng Diyos: “Sa kabuuan ng gawain ng Diyos, mula pa sa simula, nagtakda na ng mga pagsubok ang Diyos para sa bawat tao—o maaari ninyong sabihing, bawat taong sumusunod sa Kanya—at iba-iba ang bigat ng mga pagsubok na ito. May mga taong nakaranas ng pagsubok na maitakwil ng kanilang pamilya, may mga nakaranas ng pagsubok na masasamang kapaligiran, may mga nakaranas ng pagsubok na maaresto at mapahirapan, may mga nakaranas ng pagsubok na maharap sa mga pagpipilian, at may mga naharap sa mga pagsubok na pera at katayuan. Sa pangkalahatan, bawat isa sa inyo ay naharap na sa lahat ng uri ng mga pagsubok. Bakit ganito kung gumawa ang Diyos? Bakit Niya tinatrato ang lahat sa ganitong paraan? Anong klaseng resulta ang hinahanap Niya? Narito ang puntong nais Kong iparating sa inyo: Nais makita ng Diyos kung ang taong ito ang uri na may takot sa Kanya at umiiwas sa kasamaan. Ang ibig sabihin nito ay na kapag binibigyan ka ng Diyos ng isang pagsubok, at inihaharap ka sa ilang sitwasyon, layon Niyang suriin kung isa kang taong may takot sa Kanya at umiiwas sa kasamaan o hindi” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain). “Sa panahon ng gawain ng Kanyang patuloy na pagtutustos at suporta sa tao, sinasabi ng Diyos ang kabuuan ng Kanyang mga layunin at mga hinihingi sa tao, at ipinakikita Niya ang Kanyang mga gawa, disposisyon, at mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos sa tao. Ang layunin ay upang sangkapan ang tao ng tayog, at pahintulutan ang tao na makamit ang iba’t ibang katotohanan mula sa Diyos habang sumusunod sa Kanya—mga katotohanan na siyang mga sandatang ibinibigay ng Diyos sa tao upang labanan si Satanas. Kapag nabigyan na ng sandata, dapat harapin ng tao ang mga pagsubok ng Diyos. Ang Diyos ay maraming paraan at daan para sa pagsubok ng tao ngunit bawat isa sa mga ito ay nangangailangan ng ‘kooperasyon’ ng kaaway ng Diyos: si Satanas. Ibig sabihin, matapos bigyan ang tao ng mga makapangyarihang sandata upang labanan si Satanas, ibinibigay ng Diyos ang tao kay Satanas at hinahayaan si Satanas na ‘subukin’ ang tayog ng tao. Kung makakalabas ang tao mula sa mga hanay ng pakikipaglaban na inihanda ni Satanas, kung kaya niyang tumakas mula sa pagkubkob ni Satanas at manatiling buhay, ang tao ay makakapasa sa pagsubok. Ngunit kung ang tao ay mabigong umalis sa mga hanay ng pakikipaglaban ni Satanas, at nasupil siya ni Satanas, kung gayon, hindi siya makakapasa sa pagsubok. Anumang aspekto ng tao ang sinusubok ng Diyos, ang mga pamantayan ng Kanyang mga pagsubok ay kung maninindigan o hindi ang tao sa patotoo nito kapag inatake ito ni Satanas, at kung itatakwil nito o hindi ang Diyos at sumusuko at nagpasailalim ito kay Satanas habang nasa bitag ni Satanas. Maaaring sabihin na ang pagkaligtas o hindi sa tao ay nakasalalay sa kung kaya niyang mapagtagumpayan at talunin si Satanas, at ang kakayanan niya na makamtan ang kanyang kalayaan ay nakasalalay sa kanyang kakayahang hawakan, nang mag-isa, ang mga sandatang ibinigay sa kanya ng Diyos upang mapagtagumpayan ang gapos ni Satanas, upang ganap na mawalan ng pag-asa si Satanas at talikuran siya. Kung mawawalan ng pag-asa si Satanas at bibitawan ang isang tao, ang ibig sabihin nito ay hinding-hindi na nito muling susubukan na kunin ang taong ito mula sa Diyos, hinding-hindi na muling pararatangan at guguluhin ang taong ito, hinding-hindi na siya muling pahihirapan nang walang-pakundangan o aatakihin; tanging ang ganitong tao lamang ang tunay na nakamit ng Diyos. Ito ang buong proseso kung paano nakakamit ng Diyos ang isang tao” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). “Ang mga tunay na sumusunod sa Diyos ay kayang matagalan ang pagsubok sa kanilang gawain, samantalang iyong mga hindi talaga sumusunod sa Diyos ay hindi kayang matagalan ang anumang mga pagsubok ng Diyos. Sa malao’t madali, sila ay mapatatalsik, habang ang mga mananagumpay ay mananatili sa kaharian. Kung ang tao ay tunay bang naghahanap sa Diyos o hindi ay maaari lamang na matukoy sa pamamagitan ng pagsubok sa kanyang gawain, ibig sabihin, sa pamamagitan ng mga pagsubok ng Diyos, at walang kaugnayan sa mismong itinatakda ng tao. Hindi itinatakwil ng Diyos ang sinumang tao nang basta-basta; lahat ng ginagawa Niya ay lubusang makakakumbinsi sa tao. Hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi nakikita ng tao, o anumang gawain na hindi makakakumbinsi sa tao. Kung ang pananampalataya ba ng tao ay tunay o hindi, ay napapatunayan ng mga katunayan at hindi maitatakda ng tao. Walang duda na ang ‘trigo ay hindi magagawang mapanirang damo, at ang mapanirang damo ay hindi magagawang trigo.’ Ang lahat ng tunay na nagmamahal sa Diyos ay mananatili sa kaharian sa kahuli-hulihan, at hindi tatratuhin nang masama ng Diyos ang sinumang tunay na nagmamahal sa Kanya” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hinahayaan ng Diyos na dumating sa mga tao ang pag-uusig at kapighatian para gawin silang perpekto at gawing tapat at mapagpasakop sa Kanya. Kasabay nito, inilalantad at itinitiwalag Niya iyong mga hindi tapat sa Kanya. Sa mga huling araw, ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan para tustusan tayo at sinasabi sa atin ang lahat ng Kanyang hinihingi. Pagkatapos, naghahanda Siya ng ilang totoong kapaligiran para subukin tayo, para makita kung tayo ay tapat at mapagpasakop sa Kanya. Kung kaya nating gamitin ang katotohanan bilang ating sandata para labanan si Satanas, manindigan sa ating patotoo para sa Diyos sa panahon ng mga pagsubok, at lubusang ipahiya si Satanas, kung gayon, magiging mga tao tayo na napasa-Diyos na. Halimbawa na lang ang mga pag-aresto at pag-uusig ng CCP. Ang mga tapat na mananampalataya, sa kabila ng kanilang sakit at kahinaan, ay hindi itinatanggi o ipinagkakanulo ang Diyos. Sa halip, sa pamamagitan ng pag-uusig ni Satanas, malinaw nilang nakikita ang pangit na mukha ng diyablo. Sa mga panahon ng kahinaan at sakit, ang kaliwanagan at paggabay ng mga salita ng Diyos ay nagbibigay sa kanila ng mas dakilang pananalig, at handa silang isugal ang kanilang buhay upang manindigan sa kanilang patotoo. Sa pamamagitan ng ganitong uri ng kapaligiran, nakakamit ng Diyos ang mga tapat na puso ng mga tao at inilalangkap ang katotohanan sa loob nila. Katulad ito ng pangunahing tauhan sa pelikulang Ang Apoy ng Tagapagdalisay. Para puwersahin siyang ipagkanulo ang Diyos, hinubaran siya ng mga pulis at kinuryente ng mga batutang de-kuryente ang buong katawan niya. Tiniis niya ang matinding pagpapahirap, ngunit binigyan siya ng pananalig ng mga salita ng Diyos. Mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa ipagkanulo o itanggi ang Diyos. Nagbigay siya ng isang matunog na patotoo para sa Diyos at sa huli ay ipinahiya si Satanas. Nakita ko na ang mga tapat na mananampalataya, anuman ang mga kapaligirang maranasan nila o gaano man karaming pagdurusa o pagpapahirap ang kanilang tiisin, ay kayang panghawakan ang kanilang katapatan sa Diyos. Para sa kanila, ang mga kapighatian at pagdurusa ay isang paraan upang magawang perpekto, at isa ring espesyal na pagpapala mula sa Diyos. Pero iyong mga hindi tapat sa Diyos ay itinatanggi at ipinagkakanulo ang Diyos dala ng pangangalaga sa sarili kapag nahaharap sa pisikal na pagpapahirap, sakit, o banta ng kamatayan. Ang gayong mga tao ay ang mga panirang-damong nabubunyag; sila mismo ang ititiwalag ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang malaking pulang dragon bilang isang tagapagserbisyo para kapwa ibunyag at gawing perpekto ang mga tao. Napakatalino ng Diyos! Naalala kong nagpasya ang nanay ko pagkatapos ng huli niyang pagkaaresto: Kahit na maaresto siyang muli, panghahawakan niya ang kanyang pananalig at magpupursige sa pagsunod sa Diyos, at hinding-hindi ipagkakanulo ang Diyos. Ang pagkaarestong ito ay isang pagsubok ng Diyos sa kanya. Kung ipagkakanulo niya ang Diyos para protektahan ang kanyang laman, mabubunyag siya. Pero kung kaya niyang manalangin at umasa sa Diyos, at manindigan sa kanyang patotoo para sa Diyos gaano man siya usigin ni Satanas, kung gayon, gagawin siyang perpekto ng kapaligirang ito, na magpapalago sa kanyang pananalig at pag-ibig. Isa rin itong pagkakataong ibinigay ng Diyos sa kanya para magpatotoo—isang espesyal na pagpapala mula sa Diyos. Nang maunawaan ko ito, binitiwan ko ang ilan sa mga pag-aalala ko para sa nanay ko sa aking puso.
Habang patuloy akong naghahanap, napagtanto kong may isa pa akong maling pananaw. Inakala kong kapag ang isang tao ay inusig sa bilangguan hanggang sa mamatay, hindi na siya maliligtas. Nang mabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, doon lang nabago ang pananaw ko. Sabi ng Diyos: “Huwag nating pag-usapan ang pangwakas na kalalabasan ng mga martir na iyon, o ang pagtatakda ng Diyos sa kanilang mga gawa, bagkus ay itanong ito: Nang sumapit ang mga martir na iyon sa kawakasan, umayon ba sa mga kuru-kuro ng tao ang mga paraan ng pagtatapos ng kanilang mga buhay? (Hindi, hindi umayon ang mga ito.) Mula sa perspektiba ng mga kuru-kuro ng tao, nagbayad ang mga martir na iyon ng gayon kalaking halaga upang ipakalat ang gawain ng Diyos, pero sa huli ay labis silang pininsala ni Satanas hanggang sa mamatay sila. Hindi ito umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Gayumpaman, ang mga bagay na iyon ang mismong sumapit sa kanila—ito ang tinulutan ng Diyos. Anong katotohanan ang mahahanap dito? Ang pagpapahintulot ba ng Diyos na mamatay sila sa ganitong paraan ay sumpa at pagkondena Niya, o ito ba ay Kanyang pagsasaayos at pagpapala? Kapwa hindi. Ano ito? Nagdudulot ng pighati sa mga tao ang pag-iisip sa mga pagkamatay ng mga martir na iyon, ngunit ang mga ito ay talagang mga katunayan. Anong paliwanag ang dapat ibigay tungkol sa mga mananampalataya sa Diyos na namamatay sa ganitong paraan? Kapag binabanggit natin ang paksang ito, inilalagay ninyo ang inyong sarili sa kanilang kalagayan, kaya sa inyong puso, nakakaramdam ba kayo ng bigat ng kalooban at ng kaunting nakatagong kirot? Iniisip ninyo, ‘Ginawa ng mga taong ito ang kanilang tungkulin na maipakalat ang ebanghelyo ng Diyos at dapat ituring na mabubuting tao, kaya’t paano sila umabot sa gayong wakas at sa gayong kinalabasan?’ Ang totoo, ganito namatay ang kanilang mga katawan at sumakabilang-buhay; ito ang paraan nila ng paglisan sa mundo ng tao, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ganoon din ang kanilang kinalabasan. Anuman ang paraan ng kanilang pagkamatay at paglisan o kung paano man ito nangyari, hindi ito ang paraan ng Diyos sa pagtakda sa pangwakas na mga kinalabasan ng mga buhay na iyon, ng mga nilikhang iyon. Ito ay isang bagay na dapat mong malinaw na makita. Sa kabaligtaran, ito mismo ang paraan ng pagkondena nila sa mundong ito at sa pagpatotoo sa mga gawa ng Diyos. Ginamit ng mga nilikhang ito ang kanilang napakahalagang buhay—ginamit nila ang huling sandali ng kanilang buhay upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos, upang magpatotoo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at upang ipahayag kay Satanas at sa mundo na tama ang mga gawa ng Diyos, na ang Panginoong Jesus ay Diyos, na Siya ang Panginoon, at ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Kahit hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay, hindi nila kailanman itinatwa ang pangalan ng Panginoong Jesus. Hindi ba ito isang anyo ng paghatol sa mundong ito? Ginamit nila ang kanilang mga buhay upang ipahayag sa mundo, upang patunayan sa mga tao na ang Panginoong Jesus ay ang Panginoon, na ang Panginoong Jesus ay Cristo, na Siya ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, na ang gawain ng pagtutubos sa buong sangkatauhan na ginawa Niya ay nagpapahintulot sa sangkatauhang ito na patuloy na mabuhay—hindi nagbabago ang katunayang ito magpakailanman. Hanggang sa anong antas ginampanan ng mga naging martir sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus ang kanilang tungkulin? Hanggang sa pinakahuling punto ba? Paano naipakita ang pinakahuling punto? (Inialay nila ang kanilang buhay.) Tama iyan, buhay nila ang kanilang naging kabayaran. Pawang panlabas na mga bagay ang pamilya, kayamanan, at ang materyal na mga bagay sa buhay na ito; ang tanging bagay na may kaugnayan sa sarili ay ang buhay. Sa bawat nabubuhay na tao, ang buhay ang bagay na pinakakarapat-dapat na pakaingatan, ang pinakamahalagang bagay at, sa katunayan, nagawa ng mga taong ito na ialay ang pinakamahalagang pagmamay-ari nila bilang patunay at patotoo sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Hanggang sa kanilang kamatayan, hindi nila itinatwa ang pangalan ng Diyos, at hindi rin nila itinatwa ang gawain ng Diyos, at ginamit nila ang kanilang mga huling sandali ng buhay upang magpatotoo sa pag-iral ng katunayang ito—hindi ba ito ang pinakamataas na anyo ng patotoo? Ito ang pinakamahusay na paraan ng paggampan ng isang tao sa kanyang tungkulin; ito ang pagtupad sa kanyang responsabilidad” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pangangaral sa Ebanghelyo ay ang Tungkuling Hindi Mahihindian ng Lahat ng Mananampalataya). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naliwanagan ang puso ko. Dati, akala ko kapag inusig ka ng mga pulis hanggang sa mamatay, nangangahulugan itong hindi ka na maliligtas ng Diyos, pero hindi pala ganoon ang tingin ng Diyos dito. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang sinumang mag-ibig iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa Akin ay makakasumpong niyaon” (Mateo 16:25). Naisip ko iyong mga naging Hudas. Pagkatapos maaresto, dahil sa takot sa pagpapahirap ng mga pulis, ipinagkanulo nila ang mga lider at manggagawa o ang kanilang mga kapatid at pumirma rin sa Tatlong mga Pahayag. Hindi sila nagdusa sa pisikal at nakalaya—buhay pa rin sila ngayon—pero habambuhay nang nawala sa kanila ang pagkakataon nilang maligtas at haharap sila sa walang hanggang kaparusahan sa hinaharap. Pero iyong mga naging martir dahil inusig sila ng malaking pulang dragon hanggang mamatay—kahit na pinahirapan sila hanggang mamatay, nanindigan sila sa kanilang patotoo kapalit ng sarili nilang buhay. Iyon ang pinakamakabuluhan at pinakamahalagang bagay, at tinatandaan ito ng Diyos. Katulad lang ito ng mga disipulo noong Kapanahunan ng Biyaya na naging martir dahil sa pagpoproklama ng pangalan ng Panginoong Jesus. Tapat sila sa Diyos. Pagkatapos nilang mamatay, bumalik sa Diyos ang kanilang mga kaluluwa, at may mga angkop na pagsasaayos ang Diyos para sa kanila. Higit pa rito, ang pagkamatay nila ay patunay ng paggawa ng masama ni Satanas sa brutal na pagtrato sa mga hinirang ng Diyos, at isa itong matagumpay na patotoo na nakamit ng Diyos ang kaluwalhatian at tinalo si Satanas. Ang kapalaran ng nanay ko ay nasa mga kamay ng Diyos. Lahat ng mararanasan niya ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Kahit pa usigin siya hanggang mamatay, iyon ay para sa kapakanan ng katuwiran, at isa iyong maluwalhating bagay. Isa lang akong maliit na nilikha; wala akong karapatang sabihin sa Diyos kung ano ang gagawin. Dapat akong magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Nang mapagtanto ko ito, nagsimulang humupa ang pagdurusa sa puso ko.
Nitong nakaraang Enero, sumulat ang lolo ko para sabihing nagpadala ng sulat ang nanay ko mula sa kulungan. Sabi ng nanay ko, napakabigat ng trabaho at lumabo na nang husto ang paningin niya. Nang malaman ko ito, galit na galit ako at nadurog ang puso ko. “May problema na sa mga mata si Nanay,” naisip ko. “Sa paggawa ng ganoon kabigat na trabaho araw-araw—paano kung mabulag siya? Napakahaba pa ng sentensiya niya. Magiging napakahirap para sa kanya ang mga susunod na araw!” Pagkatapos, naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Ang landas kung saan ginagabayan tayo ng Diyos ay hindi diretso pataas, bagkus ay isang paliku-likong daan na puno ng mga lubak; sinasabi ng Diyos, bukod dito, na habang mas mabato ang landas, mas maibubunyag nito ang ating mga pusong mapagmahal. Gayunman ay wala ni isa man sa atin ang makapagbubukas ng gayong landas. Sa Aking karanasan, lumakad na Ako sa maraming mabato, mapanganib na mga landas at dumanas na Ako ng matinding pagdurusa; may mga sandali na lubos Akong namimighati hanggang sa punto na gusto Kong maghumiyaw, ngunit narating ko ang landas na ito ngayon. Naniniwala Ako na ito ang landas na pinangungunahan ng Diyos, kaya tinitiis Ko ang pagpapahirap ng lahat ng pagdurusa at nagpapatuloy na sumulong. Sapagkat ito ang inorden ng Diyos, kaya sinong makatatakas dito? Hindi Ko hinihingi na makatanggap ng anumang mga pagpapala; ang hinihingi Ko lang ay makaya Kong lumakad sa landas na dapat Kong lakaran ayon sa mga layunin ng Diyos. Hindi Ko hinahangad na gayahin ang iba, na lumakad sa landas na kanilang nilalakaran; ang hinahangad Ko lang ay maialay Ko ang Aking debosyon at matahak ang itinalaga sa Aking landas hanggang sa katapusan. Hindi Ko hinihingi ang tulong ng iba; sa totoo lang, hindi Ko rin matutulungan ang sinuman. Tila labis na napakasensitibo Ko sa bagay na ito. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng ibang tao. Ito ay dahil lagi Akong naniniwala na kung gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at kung gaano man kalayo ang dapat niyang lakarin sa kanyang landas ay paunang inorden ng Diyos, at na walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … (6)). Habang pinagninilayan ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang landas ng pananalig ay hindi madali; kailangan nating lahat na magtiis ng maraming pagdurusa. Ang mga paghihirap na mararanasan ng bawat tao ay pauna nang inorden ng Diyos. Kung paano tatratuhin ng mga pulis ang nanay ko, kung gaano siya magdurusa sa kulungan, kung mabubulag man siya o hindi—lahat ng ito ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang magagawa ko lang ngayon ay mas magdasal, ipagkatiwala ang nanay ko sa mga kamay ng Diyos, at hilingin sa Diyos na bigyan siya ng pananalig para maranasan ang kapaligirang ito. Ngayon, kapag naiisip ko ang nanay ko, kahit medyo nag-aalala pa rin ako at nababahala, hindi na nito naaapektuhan ang kalagayan ko. Kaya ko nang patahimikin ang puso ko at ilaan ang sarili ko sa aking tungkulin, dahil nauunawaan ko na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay mabuti at naglalaman ng Kanyang mabubuting layunin.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Lin Ping, TsinaNoong Hulyo 2020, nahalal ako bilang lider, at pinamahalaan ko ang gawain ng ilang iglesia. Kahahalal lamang kay Sister...
Ni Gracie, Espanya Isang araw noong kalagitnaan ng Agosto sa nakaraang taon, sinabi sa akin ng isang lider na gusto niya akong mamahala sa...
Ni Samantha, HaponMinsan nang ibinubuod namin ang aming gawain, ipinaalam ng isang lider ng iglesia na hindi masyadong maganda ang naging...
Ni Zhao Chen, TsinaPautal-utal na akong magsalita mula pa noon. Kadalasan, hindi naman iyon sobrang lala, pero tuwing maraming taong...