Bakit Kailangan ng Diyos ng Tatlong Yugto ng Gawain para Iligtas ang Sangkatauhan?
Alam nating lahat na 2,000 taon na ang nakararaan, nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus sa Judea para tubusin ang sangkatauhan, at...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Sa mga huling araw, ipinahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan, na matagal nang inilagay online para hanapin at siyasatin ng lahat. Marami sa mga nananabik sa pagpapakita ng Diyos ang nakabasa na sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakakilala sa mga ito bilang tinig ng Diyos. Tinanggap na nilang lahat ang Makapangyarihang Diyos at nagbalik sa harap ng luklukan ng Diyos. Gayumpaman, karamihan sa mga pastor at elder sa mundo ng relihiyon ay hindi lang hindi nagsisiyasat, kundi buong-kabaliwan din nilang kinokondena ang Makapangyarihang Diyos bilang isang ordinaryong tao lang at hindi ang Diyos na nagpakita para gumawa, at walang-habas nilang pinipigilan ang mga mananampalataya na magsiyasat sa tunay na daan. Nakakalito ito sa maraming taong nananampalataya sa Panginoon. Iniisip nila na dahil naglilingkod sa Panginoon ang mga pastor at elder sa mga simbahan at madalas na nagpapaliwanag at nagtataas sa Bibliya, dapat ay sila ang mga taong nakakaunawa sa Bibliya at nakakakilala sa Diyos, at na kung ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, dapat ay makilala Siya ng mga pastor at elder—kaya paano nila Siya nagawang labanan at kondenahin? Pakiramdam nila, kung kinokondena ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon ang isang daan, imposibleng ito ang tunay na daan. May batayan ba ang pananaw na ito? May anumang batayan ba ang pahayag na ito sa mga salita ng Diyos? Sa anong batayan nila sinasabi na ang mga nakakapagpaliwanag ng Bibliya ay mga taong nakakakilala sa Diyos? Hindi ba’t ang ganitong uri ng pahayag ay mga kuru-kuro at imahinasyon lang ng tao? Hindi ba’t maling pananampalataya at maling kaisipan lang ito? Nakakapagpaliwanag ng Bibliya ang lahat ng mga punong saserdote, eskriba, at Pariseo ng Judaismo, kaya bakit hinusgahan at kinondena pa rin nila ang Panginoong Jesus, at ipinako Siya sa krus? Ano ba ang problema rito? Nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, nangaral Siya nang hindi bababa sa tatlong taon, at lahat ng ipinahayag Niya ay ang katotohanan. Gayumpaman, kahit kinikilala ng mga Hudyo na may kapangyarihan at awtoridad ang mga salita ng Panginoong Jesus, hindi sila naghanap o nagsiyasat kahit kaunti, ni hindi nila tinanggap ang mga katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus. Buong-kabaliwan pa nga nilang kinondena, inusig, at inaresto ang Panginoong Jesus, iginigiit na ipako Siya sa krus. Madalas magpaliwanag ng Bibliya ang lahat ng punong saserdote, eskriba, at Pariseo ng Judaismo. Sa paningin ng iba, nauunawaan nilang lahat ang Bibliya at kilala nila ang Diyos. Kaya bakit sa dinami-dami ng tao, sila pa ang nagpako sa Panginoong Jesus sa krus? Batay sa katunayang ito, makakabuo tayo ng isang kongklusyon: Hindi porket nakakapagpaliwanag ng Bibliya ang isang tao ay nakakakilala na siya sa Diyos o nagpapasakop sa Diyos, dahil sila mismo ang uri ng mga tao na magpapako sa Diyos sa krus.
Ngayon, nakakapagpaliwanag din ng Bibliya ang mga pastor at elder na ito sa mundo ng relihiyon, pero kilala ba talaga nila ang Diyos? Nagpapasakop ba sila sa Diyos, o lumalaban sa Kanya? Paano ba natin ito dapat kilatisin? Una, dapat nating makita na napakarami nang ipinahayag na katotohanan ang Makapangyarihang Diyos, na mababasa ng sinuman online. Paano ba talaga tinatrato ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos? Ilan sa kanila ang nagsisiyasat sa tunay na daan? Ilan sa kanila ang kumokondena at lumalaban pa rin? Ilan sa kanila ang kumikilos bilang mga tagamasid, hindi tumatanggap at hindi rin lumalaban? Ang pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan ay labis na nagbubunyag sa mga tao; sa harap ng katotohanan, lahat ay nabubukod-bukod ayon sa kanilang uri. Sa katunayan, hindi ganoon karami ang nagsisiyasat sa tunay na daan kapag nahaharap sa mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at napakarami ng mga lumalaban at kumokondena sa Makapangyarihang Diyos. Isa itong katunayan na nakikita nating lahat. Hindi lang hindi sinisiyasat o tinatanggap ng mga pastor at elder mismo ang tunay na daan, kundi pinipigilan din nila ang mga mananampalataya na siyasatin at tanggapin ito. Hindi nila binibigyan ng kalayaan sa pananampalataya ang mga mananampalataya, at ginagawa nila ang lahat para bitagin at kontrolin sila, sapilitang pinagbabawalan ang mga mananampalataya na basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na patuluyin sa kanilang bahay ang mga nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos, at na siyasatin ang tunay na daan. Kumikilos ang mga lider na ito ng mundo ng relihiyon nang walang anumang pakiramdam ng katwiran. Ginagawa nila ang lahat para kondenahin ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ba’t paglaban ito sa Diyos? Hindi ba’t nagawa nila ang kasalanan ng paglapastangan laban sa Banal na Espiritu? Batay sa mismong katunayan na pinipigilan ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon ang mga mananampalataya na siyasatin ang tunay na daan at maling binibigyang-kahulugan pa nga ang Bibliya para iligaw, bitagin, at kontrolin ang mga mananampalataya, makikita natin na kahit nauunawaan nila ang ilang salita at doktrina ng Bibliya, hindi nila kilala ang Diyos kahit kaunti. Ito ay dahil ang kanilang mga kilos at gawa ay matinding sumalungat sa Bibliya, at mas lalo pang sumalungat sa katotohanan. Kaya, mabubuti ba silang alipin o masasamang alipin? Anuman ang sabihin ng sinuman, talagang hindi nila kilala ang Diyos—nilalabanan nila ang Diyos at muli nila Siyang ipapako sa krus. Kaya naman, lahat ng pastor sa relihiyon ay mga huwad na pastol at masasamang alipin; talagang hindi sila sinasang-ayunan ng Diyos. Siyempre, may batayan tayo sa Bibliya sa pagsasabi nito, at mayroon tayong mga salita ng Panginoong Jesus bilang patunay. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagpropesiya kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo ay nangagpalayas kami ng mga diyablo, at sa pangalan Mo ay nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha? At kung magkagayon ay ipahahayag Ko sa kanila, Kailanman ay hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22–23). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok” (Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong mapagbabalik-loob; at kung siya ay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili” (Mateo 23:15). Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus, malinaw nating makikita na kahit nakakapangaral at nakakagawa ang mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon, hindi sila kinikilala ng Panginoon, at sa halip ay kinokondena sila bilang mga taong gumagawa ng masama. Bakit ganito? Ito ay dahil nakagawa na sila ng napakaraming kasamaan. Ipinahamak at sinira nila ang mga mananampalataya, naging dahilan para maging mga anak ng impiyerno ang marami pagkatapos sumali sa kongregasyon nila. Paano ba dapat ipaliwanag ang pahayag na ito? Bakit ba sila nagiging mga anak ng impiyerno pagkatapos sumali? Ito ay dahil sa kabila ng pananampalataya sa Panginoon sa relihiyon, nailigaw, nalimitahan, at nagapos sila ng mga pastor at elder nang magbalik ang Panginoon. Nananatili lang silang nananampalataya sa Panginoon sa relihiyon pero hindi nila tinatanggap ang pagbabalik ng Panginoon o ang gawain ng paghatol na ginagawa Niya sa mga huling araw. Nagiging mga tao sila na tumatanggi at lumalaban sa Diyos, at itinitiwalag sila ng Diyos. Hindi ba’t ginagawa sila nitong mga anak ng impiyerno? Ang mga taong ito ay ipinahamak at sinira ng mga pastor at elder. Eksakto nitong tinutupad ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Pabayaan ninyo sila: Sila’y mga bulag na taga-akay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapwa sila mangahuhulog sa hukay” (Mateo 15:14). Kaya naman, kung hindi pinapayagan ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon ang mga tao na siyasatin ang tunay na daan, at sa halip ay inililigaw at binibitag ang mga tao—nag-iimbento pa nga ng mga tsismis tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sinisiraan at kinokondena ito—kung gayon ay malulubhang makasalanan sila; sila ay mga kaaway ng Diyos, at tiyak na pagkawasak ang magiging huling kalalabasan nila. Gaya ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa malalaking simbahan at bumibigkas nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakakaayon sa mga layunin ng Diyos. Lahat sila ay mga taong walang halaga, ubod ng sama, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang ‘Diyos.’ Sila ay mga taong nagdadala ng bandila ng Diyos ngunit sadyang lumalaban sa Diyos, na nagdadala ng bansag ng pananampalataya sa Diyos habang kinakain ang laman at iniinom ang dugo ng tao. Ang lahat ng gayong tao ay masasamang diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang gumugulo sa pagtahak ng mga tao sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa paghahanap ng mga tao sa Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Lumalaban sa Diyos). Kung hindi kailanman matututo ang mga tao na kumilatis sa mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon, palaging naniniwala sa mga sinasabi nila, at palagi nilang nililimitahan at iginagapos sila, kung gayon, sila ang pinakamangmang na mga dalaga. Ganap na masisira ng mga pastor at elder ang mga pagkakataon nilang magtamo ng kaligtasan, at mahuhulog sila sa kadiliman, tumatangis at nagngangalit ang kanilang mga ngipin. Sabihin niyo sa akin, kaya bang salubungin ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon ang Panginoon? Bibigyan ba muna sila ng Panginoon ng paghahayag pagdating Niya? Siyempre hindi. Kung tunay ninyong napagtatanto na ang mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon ay mga anticristo na lumalaban sa Diyos at mga diyablo na pumipigil sa mga tao na siyasatin ang tunay na daan, mapapaniwalaan pa ba ninyo ang mga maladiyablong salita na, “Kung kinokondena ng mundo ng relihiyon ang isang daan, hindi ito ang tunay na daan”? Kung matatag ka pa ring naniniwala na maaakay ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon ang mga tao papasok sa kaharian ng langit, walang-kondisyong nakikinig sa kanilang mga salita at nagpapasakop sa kanila, at sa huli ay tinatanggihan ang tunay na daan at tinatanggihan ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, hindi ba’t ikaw ang pinakahangal sa lahat? Ang tanong na ito ay nararapat pagnilayan!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Alam nating lahat na 2,000 taon na ang nakararaan, nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus sa Judea para tubusin ang sangkatauhan, at...
Ngayon, maraming taong nananampalataya sa Panginoon sa mundo ng relihiyon ang sabik nang salubungin Siya at sinisiyasat nila ang tunay na...
Dahil ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagligtas, ay nagpahayag ng mga katotohanan para sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling...
Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpakita para gumawa at magpahayag ng maraming katotohanan. Nalathala...