Sa Pagbitaw Ko sa Pagiging Makasarili Nakalaya Ako

Pebrero 28, 2021

Ni Xiaowei, Tsina

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Walang kabuktutan o panlilinlang sa mga disposisyon ng normal na mga tao, normal ang relasyon ng mga tao sa isa’t isa, hindi sila nag-iisa, at ang kanilang buhay ay hindi karaniwan ni bulok. Gayundin naman, dinadakila ang Diyos sa lahat; ang Kanyang mga salita ay lumalaganap sa tao, namumuhay ang mga tao nang payapa sa piling ng isa’t isa at sa pangangalaga at proteksyon ng Diyos, ang lupa ay puspos ng pagkakasundo, na walang panghihimasok ni Satanas, at ang kaluwalhatian ng Diyos ang itinuturing na pinakamahalaga sa tao. Ang gayong mga tao ay parang mga anghel: dalisay, masigla, hindi kailanman nagrereklamo tungkol sa Diyos, at inilalaan ang lahat ng pagsisikap nila para lamang sa kaluwalhatian ng Diyos sa lupa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 16). Pinapakita sa atin ng mga salita ng Diyos na walang kabuktutan, pandaraya, pagkamakasarili, at pagkakasuklam ang disposisyon ng isang normal na tao. Ang taos-pusong pagtanggap sa tagubilin ng Diyos, pakikipagtrabaho nang maayos sa mga kapatid, at paggawa sa abot ng kanilang makakaya para sa kanilang tungkulin ang mga pinakapayak na bagay na dapat magawa ng isang tao. Nabubuhay ako dati sa satanikong mga pilosopiya tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba” at “Kapag alam na ng isang estudyante ang lahat ng alam ng guro, mawawalan ng kanyang kabuhayan ang guro.” Ako ay makasarili, nakakasuklam, baluktot, tuso, at ganap na hindi kawangis ng tao. Saka lang nagsimulang magbago ang satanikong disposisyon ko nang maranasan ko ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos.

Hunyo ng taong 2018 nang sumali sa pangkat si Brother Zhang para makatuwang ko sa aking tungkulin. Noong panahong iyon naisip ko, “Matagal-tagal ko na ring ginagawa ang tungkuling ito, kaya’t gamay ko na ang mga prinsipyo at nakakita na ako ng ilang mga resulta. Siguro sa isang punto iiwanan ko ang pangkat na ito para humawak ng mas malaking responsibilidad. Kailangan kong tulungan si Brother Zhang na matuto sa pinakamabilis na panahon para pwede niyang akuin ang trabaho sa aming pangkat.” Nagsimula akong turuan siya ng mga pangunahing kasanayang natutunan ko sa aking tungkulin. Pagkatapos ng tatlong buwan ay nakita kong mayroon nang batayang pagkakaintindi si Brother Zhang sa lahat ng bagay at mabilis ang kanyang pag-unlad. Sa puntong iyong nagsimula akong matakot, naisip ko, “Ang bilis ng pagkatuto ni Bro. Zhang sa kanyang tungkulin, kung magpapatuloy ito, hindi kaya’t mauungusan niya agad ako? Pag nalaman ng pinuno kung gaano kabilis ang kanyang pag-unlad, hindi kaya’t bigyan siya ng mahalagang posisyon?” Nang mapagtanto ko ito, naisip ko sa sarili ko, “Hindi, kailangan kong magpigil. Hindi ko na pwedeng ibahagi lahat ng alam ko sa kanya.” Simula noon sa aming trabaho, tuwing makikita kong may pagkukulang sa mga kakayahan si Brother Zhang, sasabihan ko na lamang siya ng ilang mga mabababaw na bagay nang hindi ibinabahagi nang buo ang kaalaman ko. Alam kong hindi iyon ang tamang gawin, pero naisip ko ang lumang kasabihan, “Kapag alam na ng isang estudyante ang lahat ng alam ng guro, mawawalan ng kanyang kabuhayan ang guro.” Kung siya ang napapansin ng madla, paano ako magpapakitang gilas? Hindi ko pwedeng hayaang malampasan niya ako. Sa pagpapatuloy ng trabaho naming magkasama, tuwing may itatanong sa akin si Bro. Zhang, bibigyan ko siya ng kulang na sagot at itatago ang kabuuan nito sa sarili ko.

Pagkatapos noon, hindi nagtagal ay hinanap ng pinuno si Brother Zhang para pag-usapan ang isang mahalagang gawain. Bumilis ang tibok ng puso ko nang malaman ko ito. Naisip ko, “Mas matagal na ako sa pangkat kaysa kay Brother Zhang. Bakit ayaw akong kausapin ng pinuno? Hindi ba ako kasing galing niya? Ako ang nagsasanay sa kanya, pero ngayon siya ang paborito at isinantabi ako. Nasa kanya ang pansin at nakalimutan na ako. Kung patuloy ko siyang tuturuan, hindi ba’t mas matututo siya nang mabilis? Kung makakakuha siya ng mahalagang posisyon, sino na ang titingala sa akin?” Kaya sa trabaho namin simula noon, tuwing makikita kong may kinakaharap na problema si Brother Zhang, ayoko na siyang tulungan. Bilang resulta ng hindi pagresolba ng mga bagay agad-agad, naging mahirap ang aming pag-unlad, at naging sanhi ito ng pagkabagal ng gawain ng iglesia. Nakaramdam ako ng kaunting pagsisisi at hindi naging kumportable, pero hindi ko pinagnilayan ang aking sarili. Isang araw bigla na lang nangati ang kili-kili ko, at wala akong magawa para mawala ito. Kahit ang paglalagay ng pamahid ay hindi nakatulong. Kinabukasan, hindi ko maigalaw ang braso ko sa sobrang sakit. Napagtanto kong hindi aksidente ang kondisyon na ito, kaya’t humarap ako sa Diyos sa pagdarasal at naghahanap, sinabi ko, “Diyos ko, nagsimula lang bigla ang kondisyong ito. Alam ko ang Iyong butihing kagustuhan ang nasa likod nito. Pero masyado akong manhid at hindi ko alam ang Iyong kalooban. Paliwanagan at gabayan Mo ako.”

Isang araw sa aking mga debosyonal, naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung hindi taos sa puso mo na ihandog ang lahat ng mayroon ka, kung itinatago at itinatabi mo ito, madulas sa iyong mga kilos…(“Makakaya Lamang ng Mga Tao na Maging Totoong Masaya sa Pamamagitan ng Pagiging Matapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Isang pampagising ito para sa akin. Nabubuhay ako sa isang kalagayan ng pagnanais sa kasikatan at pakinabang, takot na malampasan ako nitong kapatid, kaya’t hindi ako naging tapat sa aming trabaho, at ayokong ibahagi ang kaalaman ko sa kanya. Nakita kong babala ito ng Diyos sa kondisyong iyon, para pagnilayan ko ang aking sarili. Binasa ko ang sipi na ito ng mga salita ng Diyos: “Ang mga di-mananampalataya ay may isang tiyak na klase ng tiwaling disposisyon. Kapag nagtuturo sila sa ibang tao ng isang propesyonal na kaalaman o kasanayan, naniniwala sila sa ideya na ‘Kapag alam na ng isang estudyante ang lahat ng alam ng guro, mawawalan ng kanyang kabuhayan ang guro.’ Naniniwala sila na kung ituturo nila sa iba ang lahat ng alam nila, wala nang hahanga sa kanila at mawawala na ang kanilang katayuan. Dahil dito, ramdam nila na kailangan nilang ipagkait ang ilan sa kaalamang ito, itinuturo lamang sa mga tao ang walumpung porsiyento ng nalalaman nila at tinitiyak na sarilinin ang iba nilang kaalaman; pakiramdam nila ay ito lamang ang paraan para maipakita nila ang kanilang ranggo bilang guro. Laging ipinagkakait ang impormasyon at sinasarili ang kaalaman—anong uri ng disposisyon ito? Ito ay panlilinlang. … Huwag mong isipin na ayos lang ang ginagawa mo o na hindi ka nagkait ng kaalaman kung nagsasabi ka lamang sa lahat ng mga pinakamabababaw o pinakabatayang bagay; hindi ito maaari. Kung minsan maaaring nagtuturo ka lang ng ilang teorya o mga bagay na literal na mauunawaan ng mga tao, ngunit ni hindi man lamang kayang matanto ng mga baguhan ang anuman sa diwa o mahahalagang punto. Nagbibigay ka lang ng buod, nang hindi ito pinalalawak o idinedetalye, samantalang iniisip mo pa rin sa sarili mo, ‘Ano’t anuman, nasabi ko na sa iyo, at wala akong sinadyang naipagkait na anuman. Kung hindi mo nauunawaan, ito’y dahil lubhang napakababa ng iyong kakayahan, kaya huwag mo akong sisihin. Tingnan na lang natin kung paano ka gagabayan ng Diyos ngayon.’ Ang gayong pag-iisip ay may kasamang panlilinlang, hindi ba? Hindi ba iyon makasarili at di-marangal? Bakit hindi mo maituro sa mga tao ang lahat ng nasa puso mo at lahat ng nauunawaan mo? Bakit sa halip ay ipinagkakait mo ang kaalaman? Problema ito sa iyong mga layon at iyong disposisyon(“Tanging sa Paghahanap ng Katotohanan Magagawa ng Isang Tao na Makapasok sa Realidad Nito” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ibinunyag ng Diyos ang mismong sitwasyon ko. Ayokong ituro sa kanya ang mga kakayahang natutunan ko para sa kapakanan ng sarili kong pangalan at posisyon. Natakot akong matutunan niya ito at maungusan ako. Iniisip na kapag alam na ng estudyante ang lahat ng alam ng guro, mawawalan ng kabuhayan ang guro. Sa pagpipigil ko, masyado akong naging makasarili, nakakasuklam, buktot, at mandaraya. Naisip ko rin na noong sumali sa pangkat si Brother Zhang. Ang motibo ko sa pagtuturo sa kanya ay para maako niya ang trabaho ng pangkat kaagad. Nang sa ganoon ay may mapagpapasahan ako ng aking tungkulin dahil umaasa akong pagagampanan sa akin ang mas mahalagang posisyon. Ngunit nang makita ko kung gaano niya kabilis matutunan ang mga bagay at pinahalagahan talaga siya ng pinuno, nabahala ako. Nag-alala ako na kung patuloy siyang magiging mahusay sa trabaho, malalampasan niya ako kalaunan, at mapapalitan niya ako. Dahil doon, ayokong ibahagi ang mga nalalaman ko sa kanya. Minsan kapag alam kong may nakakaharap siyang problema sa kanyang tungkulin ayoko siyang tulungan, na nagsanhi ng pagbagal ng gawin ng iglesia. Nakita kong lagi akong nagtatrabaho para protektahan ang sarili kong pangalan at posisyon nang hindi isinasaalang-alang ang gawain ng bahay ng Diyos. Naging makasarili at mapanlinlang talaga ako. Kung wala ang agarang disiplina ng Diyos, at nangyari sa akin ang kondisyon na iyon, hindi ko pa rin sana pinagnilayan ang sarili ko. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Mula nang manalig ka sa Diyos, nakain at nainom mo na ang mga salita ng Diyos; tinanggap mo ang Kanyang paghatol at pagkastigo at tinanggap ang Kanyang pagliligtas. Gayunman, kung hindi pa nagbabago ang mga prinsipyong pinagbabatayan ng pagkilos mo at ang direksyong pinagbabatayan ng paggawa mo ng mga bagay-bagay at ng pag-uugali mo bilang isang tao, kung kapareho ka ng mga di-mananampalataya, kikilalanin ka ba ng Diyos bilang isang nananalig sa Diyos? Hindi. Sasabihin Niya na tumatahak ka pa rin sa landas ng mga di-mananampalataya. Sa gayon, tumutupad ka man sa iyong tungkulin o natututo ng propesyonal na kaalaman, kailangan mong sumunod sa mga prinsipyo sa lahat ng ginagawa mo. Kailangan mong tratuhin ang lahat ng ginagawa mo alinsunod sa katotohanan, at magsagawa alinsunod sa katotohanan. Kailangan mong gamitin ang katotohanan upang lutasin ang mga problema, upang lutasin ang mga tiwaling disposisyon na nabunyag sa iyo, at lutasin ang iyong mga maling paggawi at kaisipan. Kailangan mong patuloy na madaig ang mga ito. Sa isang bagay, kailangan mong suriin ang iyong sarili. Kapag nagawa mo na ito, kung matuklasan mo ang isang tiwaling disposisyon, kailangan mo itong lutasin, supilin, at talikuran. Kapag nalutas mo na ang mga problemang ito, kapag hindi mo na ginagawa ang mga bagay batay sa iyong mga tiwaling disposisyon, at kapag naiwawaksi mo na ang iyong mga motibo at interes at nakapagsasagawa na ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, saka mo lamang magagawa ang dapat gawin ng isang tunay na sumusunod sa Diyos(“Tanging sa Paghahanap ng Katotohanan Magagawa ng Isang Tao na Makapasok sa Realidad Nito” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Kailangan mong kunin ang diwa at mahahalagang punto ng propesyonal na kaalamang iyon—ang mga bagay na hindi pa naarok o natanto ng iba—at sabihin ang mga ito sa mga tao para magamit nila ang kanilang buong lakas, at pagkatapos ay malaman ang mas marami, mas malalim, at mas nasa gulang pang mga bagay. Kung inaambag mo ang lahat ng ito, mapapakinabangan ang mga ito ng mga taong tumutupad sa tungkuling ito at pati na rin ng gawain ng tahanan ng Diyos. … Kapag ipinaaalam sa karamihan ng mga tao sa unang pagkakataon ang ilang partikular na aspeto ng propesyonal na kaalaman, maaari lamang nilang maunawaan ang literal na kahulugan nito, samantalang ang bahaging may kinalaman sa mga pangunahing punto at diwa ay kinakailangan ng pagsasagawa sa loob ng ilang panahon bago ito maunawaan ng mga tao. Kung naunawaan mo na ang mga pangunahing punto at diwang ito, dapat mong sabihin ito sa kanila nang diretsahan; huwag kang magpaliguy-ligoy at magsayang ng oras para magawa ito. Responsibilidad mo ito; ito ang dapat mong gawin. Hindi ka magkakait ng anuman kung sasabihin mo lang sa kanila ang pinaniniwalaan mong mga pangunahing punto at diwa, at doon ka lamang magiging hindi makasarili(“Tanging sa Paghahanap ng Katotohanan Magagawa ng Isang Tao na Makapasok sa Realidad Nito” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na kailangan kong pagtuunan ang pagninilay ng sarili sa aking tungkulin at hanapin ang katotohanan para iresolba ang aking satanikong likas. Kinailangan kong iwaksi ang aking mga maling kaisipan at ideya at matutunang magtrabaho kasama ang mga kapatid sa aking tungkulin. Napagtanto kong ang bawat isa sa atin ay labis ang pagkukulang, sa katotohanan man o sa ating gawain, kaya kailangan ng tulong at suporta ng mga kapatid sa kanilang mga tungkulin, at magbahagi tungkol sa hindi nila naiintindihan nang hindi nagpipigil. Sa pamamagitan ng pag-ako sa pagkukulang ng isa’t isa sa ganitong paraan, mababawasan ang posibilidad na malihis tayo ng landas. Ang totoo, ang pagiging mas mahusay ko nang bahagya kay Brother Zhang ay dahil lamang sa kabutihan ng Diyos. Dapat ay mas isinaalang-alang ko ang kagustuhan ng Diyos, at binitawan ang pagiging makasarili, at itinuro sa kanya ang lahat ng nalalaman ko para maisakatuparan niya nang mahusay ang kanyang tungkulin sa pinakamabilis na panahon. Iyon lamang ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Nang mapagtanto ko iyon, nagmamadali akong humarap sa Diyos sa panalangin, handang talikdan ang sarili kong maling pag-iisip at hindi na mamuhay sa aking mga satanikong disposisyon. Kinalaunan ay hinanap ko si Brother Zhang para makausap siya nang matapat tungkol sa naging kalagayan ko, at para himayin ang mga satanikong disposisyon kong ito. Ibinahagi ko rin sa kanya ang mga batayang punto ng aking mga kakayahan. Nang sinimulan kong magsagawa sa ganitong paraan, naging mas komportable ako, at hindi nagtagal ay nawala ang problema ko sa kalusugan.

Akala ko ay nagbago na ako pagkatapos kong pagdaanan iyon, pero nakaugat nang malalim ang mga satanikong disposisyong ito. Sa sandaling dumating ang tamang mga kondisyon, wala akong magawa kundi hayaang lumabas muli ang mga lasong iyon.

Noong Marso taong 2019, sabay kaming naluklok ni Brother Zhang para maging pinuno ng iglesia. Noong umpisa, talagang maayos kaming nagtutulungan. May isyu man sa iglesa o kung may makaharap kaming paghihirap, magkasama naming hinanap ang katotohanan para maresolba ito. Ngunit isang araw, may narinig ako sa iglesia na nagsabing, “Medyo praktikal ang pagbabahagi ni Brother Zhang sa katotohanan, at napakaresponsable niya sa kanyang tungkulin.” Nabagabag ako nang marinig ko ito at naisip ko, “Kung mahigitan ako ni Brother Zhang, hindi ba nakakahiya iyon?” Sa lahat ng diskyusyon sa gawain namin pagkatapos noon, puro mga pagkakamali at kapintasan lang ang ipinunto ko at itinago ang mga landas ng pagsasagawa para iresolba ko ang mga ito sa sarili ko. Minsan kapag lumalapit siya sa akin para maghanap, pipigilan ko ang aking sarili at magbibigay ng kaunting sagot, takot na kapag marami siyang naintindihan, ireresolba niya ang mga isyu nang hindi ako nakakapagpasikat. Naaalala ko may isang beses noong mag-aalok siya ng suporta sa ilang mga kapatid na dumaranas ng mga kahinaan. Natakot siya na kung walang tamang uri ng pagbabahagi, hindi ito magbubunga, kaya lumapit siya sa akin para kumonsulta kung anong mga katotohanan ang pinakamainam na pagtuunan ng pansin. Ngunit ang naging konsiderasyon ko noong panahon na iyon ay kung sasabihin ko sa kanya ang lahat ng nalalaman ko at matugunan niya ang problema, titingalain siya ng mga kapatid, pagkatapos noon anong ibabahagi ko sa susunod? Hindi ba’t magmumukha siyang mas magaling kaysa sa akin? Kaya noong panahong iyon naisip ko, “Hindi, kailangang may itago ako para sa susunod na pagbabahagian nang makita nilang ako ang mas may kakayahang magresolba ng mga isyu.” Binigyan ko lamang si Brother Zhang ng maikling buod ngunit hindi ako nagbanggit ng mga detalye, o anumang sadyang napakahalaga. Dahil may itinatago akong pagkamakasarili at ayokong ibahagi lahat ng nalalaman ko sa kanya, sinadya kong iwasan si Brother Zhang sa trabaho namin at dumalang din ang pag-uusapan namin tungkol sa mga bagay kumpara dati. May mga panahon talagang nakonsensya ako at sinabi sa sarili, “Sa pagtupad ng tungkulin ko sa ganitong paraan, hindi ako gumagawa nang kasundo ang aking kapatid, at hindi ito isang bagay na ikalulugod ng Diyos.” Pero naisip ko, “Kung mahigitan niya ako, titingalain siya ng lahat,” kaya ayokong isagawa ang katotohanan. Laging matigas ang ulo ko noong panahong iyon, at dumating sa akin ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Laging umiikot ang isip ko. Ang pagbabahagi ko sa mga pagtitipon ay walang anumang kaliwanagan at wala akong nararating sa aking tungkulin, at nagsimula akong naiidlip nang maaga tuwing gabi. Pabalisa nang pabalisa ang aking pakiramdam. Sa puntong iyon napagtanto kong umalis na sa akin ang Diyos, pagkatapos ay natakot ako. Nagmadali akong humarap sa Diyos at nagdasal, “O Diyos ko, masyado akong naging makasarili at kasuklam-suklam. Alam kong kasuklam-suklam ito sa Iyo, ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko sila matanggal sa sarili ko. Diyos ko, paliwanagan Mo ako nang sa gayon ay mapalapit ako sa mas totoong pagkakaintindi ng sarili kong likas at diwa.”

Pagkatapos ng aking dasal ay binasa ko ang sipi na ito ng mga salita ng Diyos: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at natatamo ang katotohanan, ang likas na pagkatao ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa likas na pagkataong iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katungkulan? Bakit ka mayroong gayon katinding mga damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban mo ang lason ni Satanas. Tungkol naman sa kung ano ang lason ni Satanas, lubos itong maipapahayag sa mga salita. Halimbawa, kung tatanungin mo ang ilang masamang tao kung bakit sila gumawa ng kasamaan, sasagot sila: ‘Dahil ang bawat tao ay para sa kanyang sarili, at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Maaari silang gumawa ng mga bagay-bagay para sa ganito at ganoong layunin, ngunit ginagawa lamang nila iyon para sa kanilang sarili. Iniisip ng lahat ng tao na dahil ang bawat tao ay para sa kanyang sarili at bahala na ang iba, dapat mabuhay ang mga tao para sa sarili nilang kapakanan, at gawin ang lahat ng makakaya nila para magkaroon ng magandang posisyon alang-alang sa pagkain at marangyang pananamit. ‘Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang buhay at ang pilosopiya ng tao, at kinakatawan din nito ang likas na pagkatao. Ang mga salitang ito ang mismong lason ni Satanas, at kapag isinapuso ito ng mga tao, nagiging kalikasan na nila ito. Ang kalikasan ni Satanas ay inilalantad sa pamamagitan ng mga salitang ito; lubos itong kinakatawan ng mga ito. Ang lasong ito ay nagiging buhay ng mga tao at nagiging pundasyon din nila sa buhay, at ang sangkatauhang ginawang tiwali ay patuloy nang pinangingibabawan ng lasong ito sa loob ng libu-libong taon(“Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Pinakita sa akin ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos na hindi ko lang mapigilang kumilos ng makasarili at kasuklam-suklam dahil ang mga lason at pilosopiya ni Satanas tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba” ay naging pinakalikas ko. Tinanggap ko ang mga ito bilang positibong mga bagay, bilang mga alituntuning isasakabuhayan, iniisip na ganoon dapat mabuhay ang mga tao, na ito lang ang paraan para protektahan ang ating mga sarili. Bilang resulta, lalo akong naging makasarili at napakasama, sarili ko lang ang iniisip ko. Lagi akong natatakot na magiging mas magaling sa akin si Brother Zhang sa tungkuling magkasama naming tinugunan, kaya tuwing mag-uusap kami tungkol sa trabaho, pinapasadahan ko lang ang mga bagay, ginagawa ko lang kung ano’ng pwede na, nang hindi ibinabahagi lahat ng nalalaman ko. Nang magkaproblema si Brother Zhang sa kanyang tungkulin at lumapit siya sa akin sa paghahanap, hindi ang gawain ng bahay ng Diyos ang inalala ko, kundi iyon ay kung itinuro ko sa kanya ang lahat, mawawalan na ako ng pagkakataong magpakitang gilas sa iglesia. Kahit na alam na alam kong hindi iyon ang tamang paraan, ayoko pa rin siyang tulungan. Nakikita kong hindi ko ginagawa ang aking tungkulin dahil sa pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos o para pagtibayin ang gawain ng bahay ng Diyos, pero ginagawa ko ito sa pagnanais para sa pansariling pangalan at katayuan. Napakamakasarili at tuso ko talaga. Umaasa sa mga satanikong lason na iyon sa aking tungkulin, paano ko makakamit ang gabay at mga pagpapala ng Diyos? Akala ko kapag hindi ko itinuro ang nalalaman ko sa kahit na sino ako ang magiging pinakamagaling sa iglesia at hahangaan ng lahat, pero ang talagang nangyari kapag lalo akong nagpipigil, lalong dumidilim ang aking espiritu, at lalo akong nawawalan ng gabay ng Diyos. Umabot sa puntong hindi ko na magawa ang kaya kong gawin dati. Naisip ko ang mga salitang ito ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t sinomang mayroon ay bibigyan, at siya’y magkakaroon ng sagana: nguni’t sinomang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya(Mateo 13:12). Tunay kong pinahalagahan ang matuwid na disposisyon ng Diyos dahil sa pinagdaanan kong iyon. Noong lalo ko itong pinag-isipan, nakita kong ang kakayanan na makita ang ilang mga isyu sa aking tungkulin ay lubos na nagmula sa paggabay at kaliwanagan ng Diyos, at kung wala ang gabay ng mga salita ng Diyos, ako’y bulag, hindi kayang umintindi ng kahit ano, at hindi kayang magresolba ng kahit anong problema. Pero ako ay talagang walang kamalayan sa sarili, at walang kahihiyang napagkamalan ko ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu bilang aking sariling kakayanan. Hindi ko ba sinusubukang nakawin ang kaluwalhatian ng Diyos? Nakikita ng Diyos ang puso at isip ng tao. Alam ko na kung patuloy akong magiging makasarili at kasuklam-suklam, ako’y tiyak na tatanggihan at tatanggalin ng Diyos. Sa isiping iyon mabilis akong humarap sa Diyos para magdasal, na sinasabing, “Diyos ko, hindi na ako magiging makasarili at kasuklam-suklam sa aking tungkulin. Talagang gusto kong magtrabaho nang maigi kasama si Brother Zhang at gawin ang aking tungkulin nang maayos.”

Pagkatapos niyan, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag isipin ang iyong sariling katayuan, katanyagan, o reputasyon. Huwag mo ring isaalang-alang ang mga interes ng tao. Kailangan mo munang isipin ang mga interes ng bahay ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pamamagitan ng pagmumuni-muni kung ikaw ay naging dalisay o hindi sa pagtupad mo sa iyong tungkulin, kung nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya upang maging matapat, nagawa ang lahat ng iyong makakaya upang matupad ang iyong mga pananagutan, at naibigay ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo nang naisaisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng bahay ng Diyos. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Isipin mong madalas ang mga ito, at magiging higit na madali sa iyong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Kapag ibinunyag mo ang iyong sarili na makasarili at di-marangal, at nagkaroon ng kabatiran nito, dapat mong hanapin ang katotohanan: Ano ang dapat kong gawin upang maging kaayon ng kalooban ng Diyos? Paano ako dapat kumilos upang mapakinabangan ito ng lahat? Ibig sabihin, kailangan mong simulang isantabi ang iyong sariling mga interes, dahan-dahang isuko ang mga ito ayon sa iyong tayog, nang paunti-unti. Matapos mong maranasan ito nang ilang beses, naisantabi mo na ito nang lubusan, at habang ginagawa mo ito, madarama mong mas lalo kang matatag. Kapag lalo mong isinasantabi ang iyong mga interes, lalo mong madarama na bilang isang tao, dapat kang magkaroon ng konsiyensya at katwiran. Madarama mo na kung wala kang mga makasariling motibo, ikaw ay prangka at matuwid na tao, at ginagawa mo ang mga bagay-bagay para lamang palugurin ang Diyos. Madarama mo na ang gayong pag-uugali ay ginagawa kang karapat-dapat na matawag na ‘tao,’ at na sa pamumuhay nang ganito sa lupa, ikaw ay bukas at tapat, ikaw ay isang tunay na tao, mayroon kang malinis na konsyensya, at karapat-dapat ka sa lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. Kapag lalo kang namumuhay nang ganito, lalo kang magiging matatag at mas masigla ang pakiramdam mo. Sa gayon, hindi ka ba nakatahak na sa tamang landasin?(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Pagkatapos kong basahin ito, naintindihan ko na kung gusto kong gawin ang aking tungkulin nang maayos, kailangan kong pag-isipan muna kung paano panindigan ang gawain sa bahay ng Diyos, paano ibigay ang lahat sa aking tungkulin, at paano gagawin ito na may sukdulang responsibilidad. Ang pagtutok ng Diyos ay nasa ating pag-uugali sa ating tungkulin. Inaasahan Niyang haharap tayo sa Kanya nang may tunay na puso, na ilagay natin ang lahat sa paggawa ng ating mga tungkulin nang maayos, na tayo ay maging mga taong may konsiyensya at pagkatao. Nang maintindihan ko ang Kanyang kalooban, taimtim akong nagdasal sa Diyos, sinasabi sa Kanya na handa na akong pakawalan ang aking pagkamakasarili at itigil ang pagsasaalang-alang ng aking mga personal na interes. At gagawin ko ang anumang kapaki-pakinabang sa iglesia at sa buhay ng aking mga kapatid. Pagkatapos noon, pinuntahan at kinausap ko si Brother Zhang, ikinukwento ko sa kanya ang tungkol sa aking makasarili, kasuklam-suklam, at mapanlinlang na mga motibo. Sabay rin naming hinanap ang katotohanan sa mga problema at kapintasan sa aming trabaho para ito’y lutasin, at nagbahagi ako ng tungkol sa lahat ng bagay na alam ko, nang walang reserbasyon. Nang nagsagawa ako sa ganoong paraan, nakaranas ako ng kapayapaan. Naramdaman ko kung gaano kamangha-manghang maging ganoong uri ng tao, maging bukas at tapat. Ang aking kalagayan ay unti-unting napabuti at nagsimula akong makakita ng ilang mga resulta sa aking tungkulin. Kahit na paminsan-minsan ako’y mayroon pa ring makasarili at kamuhi-muhing pag-iisip, sa sandaling maisip ko kung gaano iyon kinasusuklaman ng Diyos, haharap ako sa Diyos sa panalangin, tatalikuran ang maling pag-iisip, at hihiling na magsagawa ayon sa Kanyang mga salita.

Sa pagdanas sa ganoong karanasan, talagang naramdaman ko na ang paggawa sa ating tungkulin nang nakaasa sa mga satanikong disposisyon at lason ni Satanas ay lalo lang tayong gagawing maramot, kamuhi-muhi, at makasarili. Mawawalan tayo ng lahat ng pagkawangis sa tao, hindi lang magdudulot ng sakit sa ating mga sarili, ngunit magiging mahirap ding makatrabaho kasama ang iba. Dagdag pa, wala itong nagagawa kundi sirain ang gawain ng bahay ng Diyos. Nang isagawa ko ang katotohanan bilang isang tapat na tao ayon sa mga salita ng Diyos, at hindi na nagplano para sa sarili kong mga interes, nagkaroon ako ng kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu sa aking tungkulin, at nakaramdam ako ng kapayapaan sa aking kalooban. Salamat sa Diyos! Ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng bahagyang kaalaman sa aking satanikong disposisyon, at sa wakas ay nakaya kong magsagawa ng kaunting katotohanan at isakabuhayan ang sukat pagkawangis ng tao.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman